Chapter 4- Kaya ko pa
Sakura
"From now on, you will call him Kiro." Mom said to me.
"Why?" I asked.
"To save him. We must save him. Do you understand me, Sakura?" Tanong ulit ni mommy.
Tumango ako at tinitigan ang maputlang mukha ni Kiro.
Buhat noon, hindi ko na nakita pa sila Tita Hana at Tito Hiro. Hindi na din naman sila pinag-uusapan pa. Kapag nasa Japan kami, naiiwan si Kiro sa Country Club. Kasama niya ang mga kasambahay namin. Tuwing umuuwi kami kapag school break, doon ko lang siya nakikita.
"Kiro, marunong ka ng magtagalog?" I asked him. I was already 14 at that time and he was 17 years old going 18.
"Yup." Sagot nito.
"Play station tayo." Yaya ko sa kanya.
"Ikaw na lang. Meron pa akong training." Sagot ni Kiro. Iniwan nya akong mag-isa sa bahay. Sinusundan ko siya kahit saan man siya magpunta.
"Stop following me." Bulyaw niya sa akin.
"Bakit galit ka? Hindi ka naman ganyan dati ah." Nagtatampong sagot ko kay Kiro.
"People change." He answered. Hindi siya angpunta sa training. Nakita ko siyang may kasamang babae sa ilalim ng cherry blossom tree sa park. That was the start of my heartbreak.
Every year, sa tuwing umuuwi kami, pailap ng pailap si Kiro sa pakikipag-usap sa akin. Merong time na hindi kami nag-uusap na at all. I was 16 when I started stalking Kiro thru CCTVs. Kahit nasa Japan ako, binabantayan ko siya sa Country Club. And every day, nakikita ko kung sinong babae ang lumalabas sa kwarto niya tuwing umaga. Country Club security is world class... Hindi madaling ma-hack... and when I was caught by Tito Kyle, katakot takot na sermon ang ginawa ni mommy sa akin.
So I decided to become a Shadow without my mom's knowledge. Para legal lang akong makapasok sa system ng Country Club at mabantayan si Kiro. Kung hindi pa nakidnap si Ate Cailee dati, baka hindi pa alam ni mommy na Shadow ako.
After kong mag-aral ng college, I stayed in Country Club to be a full time Shadow. Madalas akong shadow ni Kiro sa mga mission niya. At mas madalas na din ngayon na nakikita ko ng harapan ang mga babaeng lumalabas ng kwarto niya tuwing umaga.
Nasasaktan ako... And Violet once said to give me a chance to enjoy my life and find someone else.
"Sino yang kausap mo?" Nagulat ako sa tanong ni Kiro.
"Wala naman." I replied. Tinago ko ang cellphone ko sa bulsa. Naningkit lalo ang mga mata ni Kiro.
"Sino?" Tanong niya ulit.
"Tinatanong ko ba kung sino yung iba't ibang babae na lumalabas sa kwarto mo?"Naiinis na tanong ko sa kanya.
"One wrong move, Sakura." Banta niya.
"Wake up." Nadinig ko ang boses ni Kiro bago ako nagmulat ng mata.
"Nandito na tayo sa airport." Sabi niya.
Sinalubong kami ni Doc Trevor at ni Tito Cloud sa airport. Trevor checked mom's vital.
"Mag-iingat ka." I told Kiro. "Don't do anything stupid."
Nangilid ang mga luha ko. "Bring dad alive."
Tumango si Kiro. "Tell Xyk to call me as soon as you landed."
"I'm serious Kiro, don't do anything stupid."
Pero hindi kumibo si Kiro.
"You are too important to me...so please don't do anything stupid." Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"I am your brother, Sakura." He said na lalong ikinaiyak ko. "I will protect our family with my life."
But you are not... gusto kong sabihin sa kanya.
"You have to go, Sakura." Tito Ace hugged me like one of his own children.
"Magwawala ang mommy mo pagkagising niya kapag hindi pa namin naibalik si daddy mo." Biro ni Tito Marcus.
Tito Kyle dried my tears. "You did great, Sakura. Let us take it from here."
I wave at Kiro when I am at the top of the stairs. Siya na lang ang naiwan nanakatayo doon. And my heart breaks one more time as I know he will not come back to us this time. He will take what belongs to him.
After a few hours, nagland kami sa NAIA ng mag-uumaga na. Kahit pagod sa biyahe,dinala pa din namin si mommy sa Country Club. Nakamonitor pati si Ate Cailee kay mommy.
"Kami na bahalang magbantay kay mommy. Hanapin mo na si daddy." Sabi ni Kenshin, isa sa kapatid ko.
"Sa HQ lang ako kapag kailangan nyo ako." I said to him. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Visible pa ang dugo ni mommy sa damit ko.
"Ate Cailee..." tawag ko sa pansin sa kanya.
"Ako ng bahala kay Tita." Sagot niya. Alam kong nag-aalala din siya. Nasa Japan si Tito Red kasama si Kuya Gab.
"Salamat ate. Nasa HQ lang ako."
Pagpasok ko sa HQ, inabutan agad ako ng isang mug ng coffee at jacket ng intern. Umupo ako sa tabi ni Xykie at sinuot ang headset ko. Nakabukas na ang mga monitor sa area ko. Si Ate Jack ang kasama ni Santos ngayon na naglelead sa amin. Nasa HQ din ang asawa ni Ate Jack na si William.
"Sakura..." Tawag ni Ate Jack sa akin.
"Kaya ko pa, Ate." I replied to her. Tumango siya.
"This is Black Widow, reporting," I said over the radio.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top