Chapter 7
James' Point of View
NAGLALARO AKO ng Mobile Legends, o mas kilala sa tawag na "ML", sa aking cellphone. Sobra talaga akong nag-e-enjoy sa paglalaro kaya hindi ko na alam kung gaano na ako katagal naglalaro rito.
"James! Pupunta rito si Stephanie. Samahan mo 'yong driver natin na sunduin siya." My mother already opened my door and saw me using my phone before I could hide it.
"Ah, mom..." I tried to give her a smile.
Bakit ngayon pa dumating si mom? Ang ganda na no'ng laro, eh.
She walked to me and said, "James, nakita ko na 'yon. Hindi mo na kailangang itago pa 'yang cellphone mo sa likuran mo." I forced a laughter. Inalis ko na rin sa aking likuran ang itinatago ko. "Ang aga-aga pa tapos 'yan na agad ang ginagawa mo? James, sa darating na pasukan, high school student ka na. Tapos na ang elementary days mo, anak. Binata ka na and you should act like one. Maging mature ka na. Do you know what is your brother doing right now? He's reading a book, nag-aaral siya. Mas matanda ka sa kanya at dalawang taon pa ang agwat ninyo, pero mas mature pa siya mag-isip at kumilos sa 'yo. Malaki ka na, James, at hindi ko na dapat ito sinasabi sa 'yo, but I have to. Ayaw ko sanang sabihin ito sa 'yo, pero kailangan mo itong marinig."
Ang nagawa ko lang ay yumuko.
"Ayusin mo na ang sarili mo at susunduin mo pa ang kaibigan mo," sabi nito at saka lumabas sa aking kwarto.
I looked at the screen of my cellphone. Natalo na ako! Bigla kong naisip si Stephanie. Kung hindi ko na sana siya kailangang sunduin, e di hindi na sana kailangang pumunta ni mom dito sa kwarto ko at hindi niya ako mahuhuling naglalaro nito. Hindi rin sana niya ako kailangang sermunan pa. Kasalanan niya ito!
Sinundo ko siya sa bahay nila. Naabutan ko siyang nakatayo sa labas ng kanilang bahay. She was smiling like this was the happiest day in her life. Sobrang laki ng pinagkaiba ng mga itsura namin dahil kung ang mukha niya'y may matamis na ngiti, ang mukha ko nama'y may magkasalubong na mga kilay.
"Hi, James!"
Hindi ko siya binati pabalik.
She tilted her head and stared at my face. Cute. "Are you okay? Or are you sick today?"
"I'm not okay nor sick," I answered.
"Eh, bakit? Parang may nangyaring hindi maganda, ah. Ano ba ang problema?" mahinahong tanong niya.
"Pwede ba akong maging honest sa 'yo, Stephanie?" Nagtaka siya dahil nagtunog ako na parang galit, ngunit tumango pa rin siya. "Kahit kahapon pa lang ako nagsimulang ihatid at sunduin ka, nagsisimula na akong mainis. 'Yong pagpunta mo sa bahay ng walang katapusan at halos araw-araw? It's okay with me. Pero hindi okay sa akin na gawin 'to, ang sunduin at ihatid ka sa bahay n'yo na para mong boyfriend. Do you know that because of this, natalo ako sa nilalaro ko and mom scolded me? Pero kung hindi na sana kita kailangang sunduin, hindi ko kailangang huminto sa paglalaro at hindi rin ako masesermunan."
Hindi siya tumugon. Nakatitig lang siya sa aking mukha. Para bang humiwalay ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan. At ang kanyang mukha. Nagmukha itong mukha ng batang handa nang umiyak ano mang oras.
"Dahil 'yon sa 'yo," sabi ko pa.
She looked away. She stayed that way for a few moments before she looked at me again and...smiled? Pero 'yong ngiti niya, hindi matamis kundi mapait. I even saw her swallow hard. "Um... I'm sorry, James. Ano... Tama ka, dahil nga talaga 'yon sa akin. Sorry." She looked down. "Sorry..." Napakalungkot ng boses niya.
Para naman akong biglang nagising. James, ano na naman ba ang ginawa mo? "Nasaktan ba kita?" tanong ko.
She lifted her head and looked at me. May ngiti pa rin sa kanyang labi, ngunit ngayo'y matamis na ulit ito. She shook her head. "Hindi, hindi naman ako nasaktan. Totoo naman kasi ang lahat ng sinabi mo." She paused for two seconds. "Sige, sasabihin ko kay tita na hindi mo na ako kailangang sunduin pa. Napakasaya ko talaga dahil nandiyan ka para ihatid at sunduin ako. Pero hindi ko alam na...hindi ka pala natutuwa at naiistorbo na kita. Pasensya na talaga at naging selfish ako, hindi man lang kita inisip."
"No, don't do that. Huwag mo 'yong sabihin kay mom."
"Bakit?" Her smile became wider. I saw hopes in her eyes, but they died. But he still wore her sweet smile. "Dahil ba iniisip mong sasabihin ko sa kanya na ayaw mo na akong sunduin?" She laughed. "I won't do that. All I'm gonna do is tell her na hindi na ako magpapahatid-sundo dahil meron naman kaming sasakyan at sariling driver. Huwag ka nang mag-alala."
"No, hindi 'yan ang inaalala ko. I suddenly realized that what I did to you a while ago was not right. Hindi dapat kita sinisi. Mali ang mga sinabi ko sa 'yo. It wasn't your fault, it was mine. Kasalanan ko kung bakit ako nasermunan. Napagtanto ko rin na obligasyon kong sunduin at ihatid ka dahil magkaibigan tayo. Dapat pa nga akong matuwa kasi hindi ka napapagod na bisitahin kami." I sighed. "Ako ang dapat na nagso-sorry. I'm really sorry, Stephanie. Sorry kung sinabi ko ang mga salitang 'yon sa 'yo. Sana'y mapatawad mo ako kahit napaka-immature ko."
"Okay lang 'yon." Tinitigan ko ang kanyang mukha. Nagagawa pa niyang ngumiti? "Karamihan naman sa mga sinabi mo sa akin ay totoo. Magkaibigan tayo at hindi magkasintahan. Hindi mo talaga obligasyong ihatid at sunduin ako. Hindi mo rin obligasyong mas unahin ako kaysa sa mga bagay na gusto mo. Dapat alam ko ang limitasyon ko at hindi ako lumampas doon. Kaya next time, huwag mo na akong susunduin. If I want to visit you, ako lang ang dapat na gumagawa ng effort para makapunta roon at hindi ikaw."
"No, it's really okay with me. Susunduin at ihahatid pa rin kita. 'Yon ang tama at dapat. That's what my parents taught me."
She smiled. "Oh, sige. Thank you! Napakabuti mo!" Bigla niya na lang akong niyakap. Lumayo rin siya sa akin agad kaya hindi ko siya nagawang yakapin pabalik. "Sorry." Nakayuko na naman siya.
"Pwede bang iwasan mong yumuko at itago 'yang mukha mo? You're gorgeous kaya wala kang dapat ikahiya."
Ginawa niya ang sinabi ko. Namumula ang kanyang mukha. "Um... Sa tuwing feeling ko'y namumula ako o hindi ko alam ang sasabihin o gagawin, ang palagi kong ginagawa ay yumuko. Nahihiya kasi talaga ako." Muli na naman siyang yumuko.
"Sinabi ko na, napakaganda mo kaya tigilan mo na 'yan." Mas lalo lang niyang itinago ang kanyang mukha. Kaya hinawakan ko ang kanyang baba at unti-unting iniangat ang kanyang mukha. Mas namumula siya. At bakit parang kumikislap ang mga mata niya? "Ganyan. Ang magagandang mukha gaya ng sa 'yo ay hindi dapat itinatago, okay?"
Nakatitig na siya sa akin. Nagtitigan kaming dalawa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. And I felt the strange feeling that the only who could make me feel was her. Agad kong inalis 'yong kamay ko sa kanyang mukha. Hindi ko napansing hawak ko pa pala ang malambot at makinis niyang mukha.
"Tara na?"
Lumunok siya at titingin na naman sana sa ibaba, ngunit hindi niya ginawa. "Huwag muna. Bigla kong naalala na hindi pa kita naipakikilala sa magulang ko o napapapasok man lang sa bahay namin. Gusto mo bang pumasok muna sa loob ng bahay?"
Tiningnan ko ang kanilang bahay bago tumango. "Bakit hindi?" nakangiting sabi ko.
Binuksan niya ang gate at pumasok kami ng sabay. Ang laki at ang ganda talaga ng bahay nila. Hindi ko maiwasang mamangha. Simple lang ang bahay nila, ngunit sa halip na hindi ito magmukhang maganda, ito pa ang naging dahilan upang maging kamangha-mangha ito. Karamihan talaga sa mga simple lang ay magaganda.
"Upo ka muna diyan at tatawagin ko lang si mommy."
Naupo ako sa couch na itinuturo niya at siya nama'y umalis. Pagbalik niya, may kasama na siyang isang babae. The woman looked older than my mother. Well, she was beautiful like her daughter. At kung titingnan ko nang maigi ang kanyang itsura, parang mas bata pa siya sa mom ko. But she looked pale and exhausted. Para bang mabibigat na trabaho ang ginagawa niya araw-araw at hindi na niya magawang alagaan nang tama ang kanyang sarili. She looked sick.
She smiled. "Ikaw pala 'yong lalaking gusto ng anak ko, 'yong palagi niyang ikinukwento."
I looked at Stephanie when she spoke. "Mommy, siya po si James, ang kaibigan at lalaking gusto ko. And James, this is my one and only mother."
Nahihiya akong ngumiti. "Um... Hello po. Pleased to meet you po." Kumaway pa ako.
"Nagagalak din akong makilala ka. Gusto mo ba ng meryenda?"
I shook my head. "Hindi po. Salamat na lang po."
She sat in front of me. "Sobrang galang mo namang bata. Looks like everything my daughter told me about you is true." Nahihiya ako sa ina ni Stephanie at parang gusto ko nang maglaho. Siguro kung may butas na biglang lumitaw, hindi ako magdadalawang-isip na pumasok doon upang mawala na ako rito. "Nalaman kong mas matanda ka sa kanya ng isang taon. Totoo ba 'yon, anak?"
Anak? Did she really call me that? Bakit? Gusto niya ba ako para sa anak niya?
"Um... Yes po. Sa susunod na pasukan, hindi na po pareho ng school na papasukan dahil high school na ako," sagot ko.
"Pero hindi naman siguro 'yon magiging hadlang sa pagkakaibigan n'yo ng anak ko, 'no? Wala ka namang balak na kalimutan siya at basta maghanap ng ibang babaing mas higit sa kanya, hindi ba?" Nanahimik lang ako. She smiled again. "Oh, pasensya na. Don't be afraid of me 'cause I'm not trying to scare you. I just love my daughter and I don't want her to get hurt kaya bigla akong naging seryoso. Gustong-gusto ka kasi ng anak ko. At saka nag-iisa ko lang kasi siyang anak kaya todo ang pag-aalaga at pag-iingat ko sa kanya."
"Nauunawaan ko po kayo, ma'am--"
"Just call me tita or auntie."
"Okay po...tita. Nauunawaan ko po kayo. Ang mga ina po talaga, grabe kung magmahal, lalo na sa mga anak nila. Ganyan din po ang mom ko sa amin ng kapatid ko. At saka bukod po sa nag-iisa ninyong anak si Stephanie, babae rin po siya kaya dapat mas ingatan n'yo po siya." Tumingin ako kay Stephanie. Nakatingin din siya sa akin. I smiled at her. "At ang babaing gaya po ni Stephanie na maganda, matalino, at mabuti ay hindi dapat sinasaktan kundi dapat minamahal."
James, what did you just say?
Kung nahihiya ako kanina, mas nahihiya ako ngayon dahil sa mga sinabi ko. I didn't think before I spoke! Hindi ko na naman pinagana ang utak ko!
"James, salamat..."
I looked at Stephanie. Namumula ang kanyang mukha, ngunit hindi siya nakayuko. Nakatingin din siya sa akin habang nakangiti. I smiled at her too.
"Napakabuti mo, anak." Nakangiti ito. "Pwede ba akong humingi sa 'yo ng isang kahilingan?"
"Ano po 'yon?"
"Bukod sa magaganda mong katangian at iba pang bagay na tungkol sa 'yo, nabanggit din sa akin ng anak ko na...hindi kayo pareho ng nararamdaman at para sa 'yo, isa mo lang siyang kaibigan." Tumingin siya kay Stephanie na ngayon ay nakatingin din sa kanya. "Hindi ako nagalit matapos kong marinig 'yon. But I got hurt. Ito kasi 'yong first time na nagkagusto ang anak ko sa isang lalaki. I'm not really sure if she just likes you or if she's already in love. At nasasaktan ako habang iniisip na ang lalaking gusto niya ay hindi siya gusto."
Napayuko ako. "Patawad po, tita..."
"Don't apologize, anak. That's how it really works. Sometimes the person you like or love feels the same way too. But sometimes he or she doesn't. And it's normal. Hindi mo naman pwedeng piliting gustuhin o mahalin ang isang tao. Hindi naman kita pwedeng utusan na magustuhan din ang anak ko. Ngunit hinihiling ko sa 'yo na kahit hindi kayo pareho ng nararamdaman at kahit ano ang mangyari, gagawin mo ang lahat para lang hindi siya masaktan. Huwag mo sanang hayaang madurog ang puso niya. Gusto kong masigurong ayos lang siya at masaya."
Tumango-tango ako. "Opo, matutupad po ang kahilingan ninyo."
I believed that promises were really meant to be broken. But I still promised. Matapos kong mangako, sinabi ko sa sarili ko na tutuparin ko 'yon. Nasabi ko pa sa isip kong gagawin ko ang lahat, kahit ibuwis ang sarili kong buhay, para hindi masaktan si Stephanie. Ngunit noong mga oras na 'yon, masyado pa akong bata upang maisip na maling basta-basta ka na lang mangangako kahit ramdam mo namang malaki ang posibilidad na masisira lang 'yon. I also didn't know that I would forget what I said and promised. I also didn't know that I shouldn't have done that because not making promises but taking actions is always better than making promises and just breaking them at the end.
"Pasensya na kung gano'n si mommy kanina, ha? Gano'n lang talaga niya ako kamahal. She's willing to do anything or everything for her one and only daughter, which is ako, and so that I won't get hurt. Mas mahal niya pa nga ako kaysa sa sarili niya, eh," sabi niya noong nasa loob kami ng kotse at bumibiyahe.
"Tama lang ang ginawa ng mom mo. Napaka-precious mo para sa kanya kaya sobra ang pag-iingat at pagmamahal niya sa 'yo. Hindi mo dapat 'yon ikahingi ng tawad. Um... Bakit nga pala wala 'yong dad mo sa bahay n'yo kanina? I almost forgot to ask about that."
Akala ko'y makikilala ko na nang tuluyan ang kanyang mga magulang, ngunit 'yong mom niya lang pala ang nandoon. Hindi ko alam, pero bigla akong kinabahan. Ano kaya'ng itsura ng father niya? Kapag nakita niya ako, ano kaya'ng magiging reaksyon niya? Would he be glad to see me or not? Magugustuhan kaya niya ako...para sa anak niya? Bakit ko ba ito iniisip?
"Si daddy? May pinuntahan siya at hindi ko alam kung saan. I think may importante siyang inaasikaso kasi napapadalas na ang pag-alis-alis niya," she answered.
I nodded. "Ahhh... Sana'y makilala ko rin siya."
"You wanna meet my daddy? Ganito na lang, kapag sinundo o inihatid mo ako ulit at nagkataong nandoon siya sa bahay, ipakikilala kita sa kanya. Okay ba 'yon sa 'yo?"
Mas kinabahan ako. I looked at her. She was smiling. "Um... Of course, okay na okay." I even gave her thumbs up.
Si Stephanie na naman ang nagluto ng ulam namin para sa tanghalian. May gulay na naman ang niluto niya. What was it? Adobong sitaw.
"Halatang gustong-gusto mo ang luto ni Stephanie, James, ah?" sabi ni mom after kong sumubo. Sobrang lawak ng ngiti nito. Was she teasing me?
"Whether I like it or not, I have no choice but to eat it, mom. Ito lang naman po ang ulam natin," sabi ko.
"Aminin mo na, James. Nagustuhan mo ang luto ni Stephanie. Do you know that when a girl already knows how to cook, it means na ready na siyang mag-asawa? Mukhang ready-ng-ready na si Stephanie, James. All she has to do is wait for you to ask her to marry you." Ang kanyang ngiti ay naging ngisi. Nagmukhang teenager na kinikilig ang mom ko.
Dad spoke, "Hon, masyado pa silang bata. Ni hindi pa nagiging high school student itong si Stephanie. Kailangan muna nilang mag-aral, grumaduate, at dapat nasa husto silang gulang bago nila isipin 'yan."
She looked at him. "I didn't say na hindi na nila kailangang mag-aral. What I said is ang kailangan na lang gawin ni Stephanie ay hintaying mag-propose sa kanya ang anak nating si James. But I didn't say that now is the right time para roon."
"Sorry, hon. Nagkamali na naman ako."
"Talaga! Palagi ka namang nagkakamali!"
"Oo, hon. Tanggap ko na. Lalaki ako at babae ka kaya ikaw ang palaging--"
"Mom and dad..." They looked at me. Stephanie did the same while Brix just kept on eating as if we were not here. "Stephanie and I are friends. And I know that anything could happen in the future. But right now, at the moment, I don't have any feelings for Stephanie and..." I looked at her. Nakatingin siya sa akin. Noong una'y walang expresyon ang kanyang mukha, ngunit matapos ko siyang lingunin, nginitian at tinanguan niya pa ako. "We're...just friends. That's all and...ayoko po sanang isipin ninyo na may pag-asang maging higit pa ang relasyon naming dalawa. Kaya sana po'y itigil n'yo na ang pang-aasar sa amin. Hindi po kasi ako komportable doon."
I looked at Stephanie. Her face was now expressionless. She was staring at me. I couldn't read her or what was on her mind. Did I hurt her?
My mother clapped. "Kumain na nga tayo. Masyadong masarap itong adobong sitaw na niluto ni Stephanie para hayaan lang nating langawin," nakangiting sabi niya.
Stephanie stopped staring at me. Ako nama'y nagpatuloy na sa pagkain. Tama si mom, masarap ang luto niya kaya hindi dapat kami magsasayang. We had to finish it so she would know that we really appreciated it.
Malapit na kaming matapos sa pagkain nang biglang tanungin ni mom si Stephanie, "Saan ka mag-aaral pagkatapos mong grumaduate? I hope doon ka rin sa papasukan ni James."
Nilunok muna ni Stephanie ang nasa kanyang bunganga bago sumagot, "Mukhang hindi po mangyayari 'yon." Napahinto ako sa pagsubo at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Lilipat na po kasi kami sa bahay ng lola ko para may makasama po siya. Mag-isa niya lang po kasing nakatira roon, at baka ibenta na rin po nina mommy and daddy 'yong house and lot namin. Kapag po nangyari 'yon, hindi na po ako makapupunta rito ng kasing-dalas nito dahil malayo po kasi ang bahay ni lola mula rito. Kaya ngayon pa lang po, humihingi na ako ng pasensya sa inyo, tita."
My mother's face became sad. She looked like a little girl who wanted to cry now. "Bakit kailangan mo pang umalis? Pwede bang huwag ka na lang sumama sa mga magulang mo? You can live here with us. I will tell them na kami na ang mag-aalaga sa 'yo." Parang nanginginig ang kanyang boses.
Ipinatong ni dad ang kanyang kamay sa kamay ni mom. She looked at him. "Hon, hindi 'yon pwede. Para sa atin, Stephanie's part of this family, but she has her own family."
She forced a laughter. "Do you know think I don't know that? I just don't want na lumayo siya at bihira na niya siyang pumunta rito."
"Mom, dad's right." They both looked at me. I looked at Stephanie. "Katulad po ng sinabi ninyo sa akin, nothing lasts forever. Everything dies and everyone leaves. At kung kailangan mang umalis ni Stephanie at kung sakaling...hindi na niya ulit tayo mabisita, dapat natin 'yong tanggapin." I looked away. "In the future, siguradong kailangan din po talaga niyang umalis at maaaring malimutan niya tayo...ako. At least, hindi ko na siya kailangang sunduin at ihatid pa dahil hindi na siya muling pupunta rito."
"Just keep on pretending na hindi ka nalulungkot," I heard my brother whisper.
"James!"
"Lilipat po kami, pero sisiguruhin kong mabibisita ko pa rin po kayo," sabi niya. "Nangangako po ako at tutuparin ko po ito." She smiled.
Kahit naniniwala akong ang mga pangako'y mababasag lang sa huli, mayroong kung ano sa ngiti niya na naging dahilan upang maniwala at magtiwala ako sa kanya. Maybe it was because I believed that she was really different. She made me believe that she was the kind of girl who wouldn't make promises she didn't intend to keep. At dahil doon, mataas ang tiwala ko sa kanya.
Kami na naman ni Stephanie ang naghugas ng mga pinagkainan namin. Pinigilan siya ni mom, ngunit sa huli'y sumuko rin siya dahil masyadong mapilit si Stephanie. And because I didn't want her to do it alone and my mother told me to help her, and so I did. Niyaya siya ni Brix na manood ng mystery movie. At dahil ayokong manood ng gano'n, pumunta na lamang ako sa aking kwarto at naglaro ng ML.
When someone knocked on my door, I hid my cellphone because I thought it might be my mom. And I was right. I just hoped her gut wouldn't say I was hiding something. Baka masermunan na naman kasi ako.
"Mom. May kailangan po ba kayo?" tanong ko, umaakto na parang wala akong ginagawang mali.
She closed the door, walked to me, and sat on my bed. Then she said, "James, I'm here to tell you that I didn't like what you said when we were eating lunch." Mahinahon ang kanyang boses.
"Why, mom? Ano ba ang maling sinabi ko?" I looked up and thought. "Wala naman po akong maalala."
"You don't remember anything dahil hindi ka aware na ang mga sinabi mo kanina ay mali." Her voice became serious. "Tatanungin kita, anak. Kung ihahambing mo si Stephanie sa isang bagay? What's the first thing na papasok sa isip mo? Ano siya para sa 'yo?"
I thought for a few seconds and spoke, "She's like a very precious stone. Mataas ang halaga niya. Ang babaing gaya niya ay dapat na nirerespeto at minamahal. Maganda siya, matalino, mabait, maalalahanin, at lahat ng sinasabi niya ay tinutupad niya. Maunawain siya, mapagpatawad, at...matatag. Napakabuti niyang babae. At siya ang kauna-unahang nakilala ko na gano'n. Para ngang mas precious pa siya kaysa sa ano'ng uri ng bato sa mundo dahil parang wala na akong ibang makikita na tulad niya."
Napangiti ang mom ko. "You talked like you're in love." Then she suddenly became serious again. "But why did you say that you have no feelings for her? Totoo ba talaga 'yon? Why did you say that it was okay with you kahit umalis siya? Bakit mo sinabi 'yong mga salitang maaaring nakapanakit sa damdamin ng babaing sinabi mong mataas ang halaga at napakabuti?"
"Um..." Wala akong maisagot. "'Yon po ba 'yong mga maling sinabi ko?"
She didn't answer my question. "You said wala kang nararamdaman sa kanya, pero bakit parang meron naman? Pero totoo man 'yon o hindi, hindi mo pa rin dapat 'yon sinabi, lalo na sa harapan niya. What you did was really wrong. You were like saying kasi na walang tsansang magustuhan mo siya, na parang hindi siya 'yong uri ng babaing magugustuhan mo. Babae rin ako kaya sigurado akong nasaktan siya, lalo na kung gusto ka pa niya. Maling-mali 'yon."
Nasaktan ba talaga siya? Why it seemed that she was not?
"Ayoko po kasi talaga na inaasar n'yo kami nang gano'n."
"I understand, son. But what I am trying to say is you should've thought first before you talked. Inisip mo muna sana kung ano ang mararamdaman kung maririnig niya 'yon."
Tama si mom. What I did was wrong. Nasaktan man si Stephanie o hindi, hindi pa rin magbabago ang katotohanang nagkamali na naman ako. Hindi na naman ako nag-isip bago nagsalita. Ilang beses na bang nangyari 'yon? It happened countless times! At siguradong magpapatuloy pa ito.
James, you're so immature!
I looked down. "I'm sorry po, nagkamali na naman ako."
"Kay Stephanie ka dapat nagso-sorry, James. But if you can't do that, just make sure it won't happen again. You should refrain from doing the things that might hurt her and her feelings. She's too precious para masaktan nang gano'n-gano'n na lang, son."
I nodded my head. "Tama. Gagawin ko po 'yan, mom. Promise."
Nangako na naman ako. Nang mga panahong 'yon, napakadali lang talagang mangako para sa akin. Making promises is really as easy as typing the words, "laughing out loud" or "I love you". But keeping them or not breaking them is as hard as proving that you really love someone.
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top