Chapter 4: Her Kindness
JAMES' POINT OF VIEW
STEPHANIE KEPT her promise to me.
Tinuruan niya ako. Hindi niya lang ito ginawa ng isang beses. Nagpaulit-ulit hanggang sa araw-araw na. After we ate our lunch, we would meet up for the free tutoring session. At hindi lang kami nag-focus sa Math at problem solving. When there was something I couldn't understand on the other subjects, she would help me right away.
And I didn't know . . . what to think about that.
It was our lunch time, and we needed to see each other again. I had just started eating, and I still had plenty of time. Pero ewan ko ba sa sarili ko't nagmadali ako sa pag-ubos ng aking pagkain.
Gavin narrowed his eyes into slits when he noticed that. "Oh, James? Hindi ka ba nag-breakfast? Ano 'yan, gutom na gutom?"
I smiled as I took in my mouth the last spoonful of food. Finally, I finished! Uminom ako ng tubig bago siya sagutin. "Kumain ako ng breakfast. May kailangan lang akong puntahan kaya kailangan kong magmadali."
Hindi ko binalak na sabihin sa kanya ang pagkikita namin ni Stephanie, so he didn't know about it. Mahirap na, baka kung ano pa ang isipin niya. I didn't forget that he also had a crush on her.
"Napapadalas na 'yan, James, ha. Saan ka ba pumupunta? Tell me, may kinikita ka bang babae? Share naman diyan. Parang 'di tayo friends, ah."
Ngumiwi ako. Kahit kailan talaga 'to! Ano'ng tingin niya sa 'kin, mahilig sa babae? Tama talagang naglilihim ako sa kanya.
"Gav, I'm not like you. I don't care about girls."
"Hoy, grabe ka, James!" he replied. "You should love the girls the way I do! Why? Our mother is a woman. My sister is a girl. Ang dami ko ring pinsang babae. Mula tayo sa babae, James. Parang hindi ka naman lalaki niyan. It's like you hate girls."
"I don't hate girls, Gav. Ibang usapan na ang mom ko rito, okay? Basta I don't care about girls as much as you do, magkaiba tayo."
"What are you trying to say? Sinasabi mo bang para akong babaero? Hoy, James, hindi ako gano'n. I love girls, pero hindi sila laruan lang sa paningin ko. And there's only one girl in my heart, si Stephanie lang."
Noo ko naman ang kumunot. "You told me na crush mo lang siya. Paano siya naging laman ng puso mo?"
"Eh, sa 'yon ang totoo," sagot niya. "Napalayo na tayo sa totoong topic. Sino ba kasi 'yong pupuntahan mo, ha?"
"Sino? You're really thinking it's some girl. Paano kung sa library talaga ang punta ko?"
"Sa library? You can't fool me, James. Malabo 'yan kasi hindi naman ikaw 'yong uri ng taong mag-aaral kung hindi required. Para saan pang kaibigan mo 'ko? Huwag ka nang magpalusot."
"At para sa 'yo, mas malaki ang possibility na babae ang pinupuntahan ko kaysa library?"
Kilala niya ba talaga ako o hinuhusgahan niya lang ako? Yeah, I was just an average student. Pero sapat na bang basehan 'yon upang masabi niya na hindi ako kailanman magtatangkang pumunta sa library ng mag-isa? Was he really my friend?
"Yes, James, yes." Halos magsalubong ang aking mga kilay. Mabuti't napigilan ko ang mga ito. Tinitigan ko na lang siya, palihim na nagbabato ng nakamamatay na tingin. "I know you're a good boy. But you and your little brother are not alike. Hindi ka katulad niya na palaging nagsusunog ng kilay."
"Okay, I'm leaving." I stood up and walked away from him.
Sometimes, walking away from everything is the best thing to do. That's better than doing things that will only make the situation worse. And when you choose to just leave like you don't care, people will think you are rude. But that's better than say things that you will only regret at the end of the day.
Mula sa malayo, nakita ko si Stephanie na nasa lugar kung saan kami nagkikita. Nakaharap sa akin ang kanyang likuran at kahit hindi ko pa nasisilayan ang kanyang mukha, sigurado na akong siya 'yon. Siya lang ang nag-iisang babaeng may ganoon kagandang likuran.
I walked to her. She was reading an English book. Inilagay ko ang aking libro, papel, at ballpen sa table at tumabi sa kanya. "Hi, Stephanie. Ano 'yang binabasa mo?"
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Hello, James! Um... ito 'yong kailangan naming i-memorize. Magkakaroon kasi kami ng recitation bukas sa English, 'yon ang magsisilbing quiz namin."
"Ahhh." Tumango-tango ako. "Nag-lunch ka na ba?"
I asked because I cared. Yeah, may pakialam ako sa kanya. But that did not mean I liked her. I was just a nice guy. 'Yon lang 'yon.
Her smile became wider. "Of course, kumain ako. Sobrang excited akong makita ka ulit, James, pero hindi ko pa rin pinababayaan ang sarili ko. Mahal ko kaya ang sarili ko."
"Oh? Then, bakit gusto mo pa rin ako kahit paulit-ulit na kitang sinasaktan?"
She fell silent for a moment. She didn't expect me to ask something like that. "James, hindi mo ako sinasaktan dahil alam ko namang hindi mo 'yon sinasadya. Nasasaktan mo lang ako. Wala kang kasalanan dahil ako talaga ang may kasalanan. So don't blame yourself, okay? It's alright. Since the day na sinabi kong gusto kita, handa na ako sa lahat ng maaaring mangyari at ipinangako ko sa sarili ko na haharapin ko 'yon. Kahit medyo masakit at mahirap." She paused for a second. "I like you, and you don't like me. Minsan nasasaktan mo ako, pero hinahayaan ko lang 'yon at gusto pa rin kita. That doesn't mean I am selfless. I still love myself. Nagkataon lang na hindi tayo pareho ng nararamdaman. Pero okay lang 'yon."
She was looking me right in the eyes while talking. At alam n'yo ba kung ano ang nakakatawa? Nagawa niya pang ngumiti. May problema ba sa kanyang mga labi? O nakakain siya ng kung ano na nagpapangiti sa kanya palagi kahit wala namang dahilan para ngumiti siya?
Iibahin ko na nga ang usapan. Para kasing ako 'yong nahihirapan para sa kanya. Hindi ko na rin kayang tingnan siyang ngumingiti na parang okay lang ang lahat.
"May quiz nga pala kami bukas kaya binilisan kong kumain ng lunch para makapagpaturo ako sa 'yo agad. Anyway, are you still willing to help and teach me? Stephanie?"
She stared at me. I stared at her too. I couldn't avert my gaze because she had a gorgeous face. No, she was just cute. Yeah.
"Stephanie? Hey!" Nilakasan ko ang aking boses dahil parang nawala siya sa sarili niya. Para bang umalis ang kanyang kaluluwa sa katawan niya. Hindi na siya nakatitig sa akin, nakatulala na siya.
"Ah, James. Sorry. At siyempre, willing akong turuan ka. It's a win-win situation. Dahil sa pagtuturo ko sa 'yo, pareho tayong natututo, at nakikita at nakasasama pa kita. Para ngang mas marami pa akong napapala kaysa sa 'yo, eh." She looked down. "James, thank you so much. Salamat dahil kahit alam mong gusto kita, pumayag ka pa rin na ako ang magturo sa 'yo. Thank you for not avoiding me."
"No, Stephanie. Ako ang dapat na nagpapasalamat sa 'yo. Ilang ulit na kitang sinaktan---nasaktan pala, pero heto ka, tinutulungan ako. Maraming salamat, Stephanie. And yeah, you like me and I don't feel the same. But I was never uncomfortable in your presence and I never planned on avoiding you. How can I avoid the cutest girl I've ever met?"
I just said that to make her smile. Every time she said she liked me, I always told her I didn't feel the same. I knew that it might hurt her, but I still did. Not once, but countless times. Now, I thought of making her smile instead of telling the truth and hurting her again. At saka totoo namang siya ang pinaka-cute na babaeng nakilala ko.
She looked at me. Oh, her face flushed bright red. She was really cute! "C-Cute ako?"
"Yes. At para sa akin, hindi ka lang cute. Ikaw ang pinaka-cute," nakangiting sabi ko.
"Um... Ano... Thank you, James..." She couldn't look at me, she looked down as she spoke. Para bang hinihiling niyang may lumitaw na butas sa lupa at lamunin siya.
Bakit hindi niya magawang ngumiti? Tama bang sinabi ko 'yon?
"Pwede na ba tayong magsimulang mag-aral?"
"Ah, oo naman." Nakatingin pa rin siya sa ibaba.
Paano niya ako tuturuan kung nahihiya siya?
Sinimulan na niya akong turuan. Mukhang nahihiya pa rin siya. Sa tuwing nararamdaman niyang nakatingin ako sa kanya, titingin siya sa ibaba o sa malayo. Nahuli ko pa siyang pumipikit at humihinga nang malalim. Hindi niya ako kayang tingnan nang diretso, lalo na sa mga mata. Kung titingnan niya naman ako, saglit lang at iniiwas niya ang kanyang paningin agad, lalo na kapag titingnan ko rin siya.
Ngunit kahit na gano'n siya, naunawaan ko pa rin nang mabuti ang mga itinuro niya. Magaling talaga siyang magturo! Para ngang mas magaling pa siya sa teacher ko, eh.
I was really thankful she offered and was willing to help me. Kahit hindi ako naging mabuti sa kanya, may pakialam pa rin siya sa akin at hindi niya inisip na talikuran ako o maghiganti. I was so lucky I met someone like her. I was so lucky she came into my life. Mayroon siyang sariling buhay at pinagdaraanan na kailangan niyang pagtuunan ng pansin at harapin, ngunit naglalaan pa rin siya ng panahon para sa katulad ko. Kahit maaari namang kalimutan niya na lang ako at huwag pag-aksayahan ng oras, hindi niya pa rin ako sinukuan at nanatili siya...sa tabi ko.
Ang bawat isa sa atin ay mayroong mga bagay na hinihiling ng iba na mapasakanila. And most of us don't know that that's why most of us also don't know how lucky we are. Masyado tayong mapaghanap at mapaghangad. At alam n'yo kung ano ang nakakatawa? It's the fact that what we look and wish for are the things we don't have. Bakit nga naman natin hahanapin at nanaising magkaroon tayo ng bagay na pagmamay-ari na natin? Siyempre, ang hinahanap lang natin ay ang mga bagay na hindi natin pagmamay-ari o wala sa atin.
'Yan ang dahilan kung bakit huli na nating napagtatanto kung gaano tayo kaswerte. Huli na rin kasi nating nalalaman kung ano ang mayroon tayo na wala ang iba. Nakatingin at nakatuon lang kasi ang atensyon natin sa iba at sa malayo. We don't know that all we have to do to be happy is appreciate and be thankful of what we've got.
"James, I am going to ask you a question. Answer me honestly," Gav said.
Uwian na namin at sabay na naman kaming naglalakad. I was walking alone when he suddenly appeared and put his arm on my shoulder.
"Oh, ano ba 'yon?" tamad kong tanong.
"Ano'ng meron sa inyong dalawa ni Stephanie?" Nabigla ako, ngunit hindi ko 'yon ipinahalata. Instead of overreacting, I just raised an eyebrow. "Nakita ko kayong magkasama kanina, James."
Inalis ko ang kanyang braso na nakapatong sa aking balikat. "What?"
"Huwag mong i-deny, James. Sigurado ako sa nakita ko," sabi niya. "Labis na talaga ang pagtataka ko kung bakit nagmamadali kang umalis tuwing lunch. Noong una, hindi ko 'yon pinapansin kahit ramdam kong may kakaiba. Pero kanina, hindi ko na napigilan ang sarili ko and I followed you. Tapos 'yon, I saw you two...together, sitting close next to each other, and talking like you two have a romantic relationship."
Muntik nang magsalubong ang aking mga kilay. "Gav, we don't have a romantic relationship. She was just helping me. Nalaman niyang hindi ako magaling sa math at nangangailangan ako ng tulong, lalo't may quiz tayo bukas, kaya nagprisinta siyang turuan ako. Hindi mo ba nakita 'yong mga gamit sa table? Yeah, magkasama nga kami, pero nag-aaral kami, okay? Hindi kami nagdi-date o...naglalandian. Nag-aaral lang kami. 'Yon lang 'yon. Bakit kasi kailangan mo pa akong sundan, Gav?"
"I told you, James, sobra na akong nagtataka kaya sinundan kita. Huwag kang magalit, James. We could call it even. Sinundan kita nang palihim at ikaw nama'y palihim na nakikipagkita sa crush ko na crush mo rin. Ano ba talaga'ng meron sa inyo? Talaga bang nag-aaral lang kayo?"
Kung hindi ko lang kaibigan si Gavin at kung hindi mahaba ang pasensya ko, baka kung ano na ang sinabi ko sa kanya o 'di kaya'y baka iniwan ko na siya rito ng hindi siya sinasagot. Sinundan niya pa kasi ako. At ngayon nama'y tinatanong niya ako ng mga tanong na hindi ko alam kung saan nanggaling. Ano ba'ng problema kung nagkikita kami ni Stephanie? What was the big deal?
"Gav, totoong nag-aaral lang kami. If you don't want to believe it, then don't. And stop asking me about it. And I know you have a crush on her, hindi ko 'yon malilimutan. And yeah, crush ko rin siya, but I don't have romantic feelings for her. That's the truth. Masaya ka na ba?"
His eyebrow rose. "Talaga? Kung wala ka nga talagang romantic feelings para sa kanya, then bakit nahuli kitang tinitingnan siya kanina sa kakaibang paraan...na para bang gusto mo siyang halikan?"
Huh!
"Imposible 'yang sinasabi mo, Gav!"
"Paano naman naging imposible 'yon? Kitang-kita ko 'yon, James. Kung tingnan mo siya, parang diwata ang kaharap mo. Para kang amaze na amaze sa kagandahang taglay niya," sabi niya. "Kung may feelings ka na para sa kanya, ngayon pa lang, aminin mo na. Habang maaga pa at crush ko lang siya, ipaalam mo na sa akin para mapigilan ko pa ang feelings ko na maging malalim. Ayokong maging magkaribal tayo, James, lalo na sa pag-ibig."
"Gav, tulad mo, crush ko lang din siya, okay? Hindi ko siya gusto o mahal."
"Okay. Kapag nagkagusto o na-in love ako sa kanya, huwag kang hahadlang, ha? Kinausap na kita tungkol dito, James. Walang sisihan."
"Okay."
***
I KNOCKED on my brother's door. Hindi niya ako pinagbuksan. I knocked again and even called his name, but he didn't open it or respond.
"Papasok na ako, ha?" I opened the door and walked in. "Brix, nasaan ka? Kakain na raw, sabi ni mom." Lumapit ako sa kanyang kama at naupo roon. Sinimulan kong ilibot ang aking paningin sa paligid.
My gaze wandered to the shelf. It was filled with books. My eyes landed on the table. Ang daming libro roon. Nagkalat talaga ang mga libro rito. Meron pa nga sa sahig. Ilan na kaya ang natapos niyang basahin sa mga 'yan? Bukod sa mga libro, ang kanyang mga medalya, certificate, at ilang litrato na nasa dingding ang makikita sa kanyang kwarto. Napangiti ako nang makita ko ang litrato naming buong pamilya. Nakasimangot doon si Brix habang ako nama'y nakangiti. Medyo salubong din ang kanyang kilay dahil nakahawak ang isa kong kamay sa kanyang buhok. Hindi ko alam, pero mula pa noon, mahilig na akong hawakan at guluhin ang buhok niya, na kasing-lambot lang naman ng akin.
Napatingin ako sa itim na kahon na nasa ibaba. Kung hindi ako nagkakamali, 'yon 'yong kahon ng sapatos na ibinigay ko sa kanya. Binili ni mom 'yon at iniregalo sa akin sa birthday ko. Maganda naman 'yon, ngunit hindi ko 'yon nagustuhan. Kaya ibinigay ko na lang 'yon kay Brix na tinanggap niya naman ng hindi nagpapasalamat. Siyempre, sinabi ko muna kay mom bago ko 'yon ibigay sa kanya.
Nilapitan ko 'yon at binuksan. Nasa loob pa rin nito ang sapatos. Isinukat ko 'yon at kasyang-kasya pa rin ito sa akin. I didn't know why I didn't like it and just decided to give it to my brother without thinking twice. But now? I liked it. Yeah, gusto ko na ito at gusto ko na itong bawiin.
"Why are you wearing my shoes?" Lumabas si Brix mula sa banyo. Nakasuot na siya ng kanyang uniform. Handa na siyang pumasok habang ako nama'y hindi pa nakaliligo. "Sabi mo, ayaw mo 'yan. Kaya nga kahit hindi mo pa naisusukat ay basta mo na lang ipinamigay sa akin. Ano namang pumasok sa isip mo, kuya, at isinuot mo 'yan?"
"Gusto ko lang. Wala namang masama ro'n, 'di ba, Brix? At saka tingnan mo, oh, kasyang-kasya pa rin ito sa akin. Ginawa yata talaga 'tong sapatos na 'to para sa mga paa ko," sabi ko habang nakatingin sa sapatos na suot ko pa rin hanggang ngayon.
"But you already gave it to me so it's mine now."
"Pero okay lang naman sa 'yo kung bawiin ko ito, 'di ba? Ang dami namang sapatos diyan, oh." I pointed to the shoes in the corner of the room. "Sige na, Brix, ibigay mo na 'to sa akin. Nagkamali ako nang basta ko na lang itong ipamigay sa 'yo ng hindi man lang nag-iisip. I want it now. It's okay with you, right? Please, Brix, pumayag ka na. Gift naman ito sa akin ni mom noong birthday ko, remember?"
"Yeah, regalo 'yan sa 'yo ni mom. Pero alam mo ba kung ano ang itsura mo noong buksan mo ang gift niya, kuya? You didn't look happy. You looked so disappointed like you received the worst thing in the world. Kung disappointed ka, naiintindihan kita. But I couldn't understand kung bakit kinailangan mo pang ipahalata at ipakita 'yon, sa harapan pa naming lahat...sa mismong harapan ni mom. At hindi lang 'yon, hindi ko rin maintindihan kung bakit kinailangan mong ibigay sa akin ang regalo niya sa 'yo kahit maaari mo namang itago 'yon, kahit hindi mo pa gusto. Nasaktan si mom noong araw na 'yon, napansin mo ba 'yon, kuya?"
"I'm sorry, Brix. I...I--"
"Don't apologize to me, kuya. Kay mom ka mag-sorry."
"Yeah, I was wrong. I made a mistake. But like you, there's also something I don't understand. What's the big deal, Brix? Tungkol lang naman ito sa sapatos."
His face became more serious. "Maging mature ka naman sana, kuya. It's not all about a pair of shoes. Because if you really want it, you can have it. Iyong-iyo na 'yan," sabi niya na para bang wala 'yong halaga sa kanya. "But it's also about you, kuya. Tungkol ito sa pag-uugali mo. Matagal ko nang napapansing marami kang mali at immature na pag-uugali. Gaya niyan."
My eyebrow rose. "What?"
"Kuya, do you still remember when you gave me your toy and we almost got into a fight?" I nodded my head. "And do you still remember why? Ganito rin kasi ang nangyari. You said you didn't like it anymore so you gave it to me. Tapos noong makita mo akong nag-e-enjoy sa paglalaro, kinuha mo 'yon at binawi. I really wanted to shout at you that time, hindi ko lang ginawa at inunawa na lang kita like I was the older brother and you were the younger one."
"I'm sorry about that, Brix. And thank you sa pag-unawa sa akin kahit ako ang dapat na gumagawa no'n. Immature kasi talaga ako minsan, eh."
"Minsan nga lang ba, kuya?" Seryoso pa rin ang kanyang mukha at boses, ngunit para siyang nang-aasar. "Alam ko naman 'yon, kuya. I know na may pagka-immature ka. Kahit malaki ang kasalanan mo, hindi mo naman totally kasalanan kung bakit mas nauna akong maging mature kaysa sa 'yo. Pero alam mo ba kung ano ang mga bagay na maaari mong magawa dahil sa pag-uugali mong 'yan, kuya?"
"Ano?" tanong ko na para bang wala akong kahit anong ideya.
"Kung hindi mo babaguhin 'yang pag-uugali mong 'yan, kuya, marami kang pagkakamaling magagawa. Magkakaroon ka rin ng maraming pagsisisi sa huli. If you don't want it to happen, magbago ka na. Don't say that you don't like something without thinking it through. Bago mo tanggihan o ibigay ang isang bagay sa iba, tanungin mo muna ang sarili mo kung gusto o ayaw mo ba talaga nito at sumagot ka nang matapat. Kasi hindi sa lahat ng pagkakataon, maaari mong bawiin ang bagay na ipinamigay o binalewala mo na noon."
HINDI AKO makapaniwala habang nakatingin sa aking score. Totoo ba ito? O baka nananaginip lang ako?
I got a perfect score! Na-perfect ko ang aming math quiz! Biglang sumagi sa isip ko ang pangalan ni Stephanie. Siya ang dahilan kaya nangyari ito. Siya ang tumulong sa akin. Dapat ko siyang pasalamatan.
Noong mag-uwian, dali-dali akong lumabas sa aming classroom at pinuntahan ang room nila. Noong dumating ako roon ay sunod-sunod nang nagsisilabasan ang kanyang mga kaklase. Hinanap ko siya. Nakita ko siyang papalapit na sa pintuan kung saan ako nakatayo ngayon.
She smiled when she saw me. "James, hindi ko inaasahang makikita kita rito. Um... Ako ba ang hinihintay mo?" she said when she was already in front of me. She looked down. Mukha siyang nahihiya.
Cute.
"Oo, ikaw ang dahilan kaya ako nandito. Gusto kitang pasalamatan at ilibre na rin. Ano ba ang gusto mo? Kahit ano, bibilhin ko para sa 'yo."
She lifted her head and looked at me. Her face was red. "Gagawin mo talaga 'yon? Para sa akin?" Tumango ako. "Bakit? Ano ba'ng nagawa ko?"
"'Di ba, sinabi ko sa 'yong may quiz kami sa math? Katatapos lang naming mag-quiz kanina at chineck din namin agad. Alam mo ba kung ilan ang nakuha ko? Nakuha ko lahat. Yeah, I got a perfect score and it's because of you. Kaya naisip kong ilibre ka bilang pasasalamat sa matiyaga mong pagtulong at pagtuturo sa akin."
"Na-perfect mo talaga 'yong quiz n'yo?" Tumango ako habang nakangiti. Lumapad ang kanyang ngiti at nagulat na lang ako nang bigla niya akong...yakapin. "Masaya ako para sa 'yo, James! Sobrang saya! Tama nga ako, magaling ka talaga! Hindi mo lang naintindihan 'yong nakaraang lesson n'yo kaya kalahati ang nakuha mo."
Nanigas ang aking katawan. Napatitig ako sa kawalan. I didn't know what I felt right now. All I knew was the feeling I felt was so strange. It was like I couldn't breathe. At para bang mahihimatay na ako anumang oras.
Lumayo siya sa akin nang mapagtanto niyang nakapalibot sa aking katawan ang kanyang mga braso. Ako'y nanatili pa ring gano'n, hindi makagalaw dahil sa pagkabigla. "James, sorry. Hindi ko binalak na yakapin ka. 'Yong katawan ko... ano... parang may sariling isip at bigla na lang kumilos mag-isa. Pasensya na talaga." Nakatingin siya sa ibaba at parang wala na siyang balak na tingnan ako.
"No, don't apologize. Wala lang naman 'yon sa akin." I did everything just so I could speak. Tiningnan niya ako at binigyan ng tinging hindi ko maunawaan. What was she thinking? "Um... Thank you talaga. So, ano na nga ba'ng gusto mong bilhin ko para sa 'yo? Chocolate ba? Ano? Sabihin mo lang at bibilhin ko."
"Huwag na, James. You don't need to do that. And congratulations!" She smiled.
Bakit parang bigla siyang naging malungkot? May nagawa o nasabi ba akong hindi maganda? Mukhang okay naman siya. Kung hindi siya okay, bakit niya ako nginingitian?
Ang mga babae naman, magaling sa pagpi-pretend. They can fake smiles and force laughter kahit gusto na nilang umiyak, sumigaw, at umaktong parang baliw.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Brix. Pero hindi naman fake ang smile ni Stephanie, ah. Abot kaya ito hanggang sa mga mata niya. And if my memory served me correctly, she never faked a smile. Never? Or maybe she did and I just didn't notice it?
"Bakit? Ayaw mo ba?"
"Hindi sa gano'n," sagot niya sabay iling. "Ikaw ang dahilan kaya mo na-perfect ang quiz n'yo, James. Sarili mo talaga ang tumulong sa 'yo kaya sarili mo ang pasalamatan mo."
"No. Oo tama ka, hindi ko 'yon magagawa kung hindi ako handang tulungan ang sarili ko. Pero hindi ko rin 'yon magagawa kung wala ka para tulungan at turuan ako. Nakakuha ako ng hindi lang mataas kundi perfect na score at dahil 'yon sa ating dalawa. Hayaan mong pasalamatan kita."
"Bakit mo ako kailangang pasalamatan? What if I only did it because I like you and not because I was really willing to help you?"
I shook my head. "No, hindi ka gano'n. You're a good person and I know that. And I'm sure even if it wasn't me, you would still do the same thing. Matulungin at mabuti ka, Stephanie. Alam ko 'yon."
She smiled. "Thank you, James."
"Don't thank me. I just said the truth," I said. "Payag ka na ba? Tara, ililibre na kita. What do you want?"
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top