Chapter 20


James' Point of View

AFTER THAT night, I went to Stephanie's grandmother's house. Magpapaliwanag na ako sa kanya at aayusin ko ang lahat ng kailangan kong ayusin. I also planned on telling her how I felt about her. I wanted her to know that it was her I loved from the very start. Kahit ano pa ang maging tugon o reaksyon niya, tatanggapin ko 'yon. Kung magagalit siya, okay lang. Kung sabihin man niyang hindi na niya ako gusto, okay lang din. Ngunit mas okay sana kung mahal niya pa rin ako at tatanggapin niya ang pag-ibig ko para sa kanya.

If that happened, I would be the happiest guy on earth.

Hindi ko alam kung ano ang eksaktong rason kung bakit ngayon ko lang ito napagtanto, na matagal ko na siyang mahal. Sa tuwing tinatanong ko naman ang aking sarili kung bakit, maraming sagot ang naiisip ko. Pwedeng dahil ito sa kagustuhan kong manatili siya sa tabi ko panghabambuhay. Maaari rin namang dahil inisip kong hindi ko magagawang mahalin ang katulad niya, na isang babaing naiiba sa lahat. Pwede ring dahil sa simula'y binulag ko na ang aking paningin, sinara ang aking utak, at pinaniwalaang hindi siya ang babaing para sa akin.

Kahit na ano pa ang dahilan, hindi na 'yon mahalaga. What mattered was that she was the girl I loved. Mula pa sa simula, siya na ang pinili kong mahalin at kahit ano ang mangyari, siya at siya pa rin ang iibigin ko. Siya ang nag-iisang babaing papakasalan ko, magiging asawa ko, at magiging ina ng mga magiging anak ko. Siya ang makakasama ko habambuhay. Kahit mawala ang gandang tinataglay niya, mamahalin ko pa rin siya. Because what made me fall for her wasn't her beauty, it was her soul and heart. Her beauty was just a bonus. Basta, mahal ko siya.

Nakangiti ako nang pindutin ko ang kanilang doorbell. Honestly, I was nervous and I also had a bad feeling. Pakiramdam ko, may nangyari na o mangyayaring hindi maganda. Pero kahit na gano'n, hindi ko pa rin mapigilang maging masaya dahil ito na 'yon! Ito na ang pagkakataon ko. Ito na 'yong pinaka-exciting na part dahil nalaman ko nang mahal ko siya at handa na akong gawin ang lahat upang maging mas higit ang relasyon naming dalawa. Handa akong gawin ang lahat upang magsimula ang bago naming istorya at upang masigurong sa magkakaroon ito ng magandang ending.

Parang ang corny ko, 'no? Siguro gano'n talaga kapag in love ka. At bukod sa corny na nga ako, mukha pa akong batang umaasang mabilhan na ng laruang kotseng matagal ko nang gustong makuha.

I expected that she would be the one who would open the gate. But it wasn't her, it was her grandmother who looked so surprised to see me. "Oh, James, kumusta? Bakit hindi ka nagsabing bibisita ka?"

"Okay na okay po ako, lola. Eh, kayo po? Gusto ko po sanang makita at makausap si Stephanie, nandiyan po ba siya?"

Sumulyap si lola sa kanilang bahay at mukhang nalungkot. "Halika, pumasok ka."

"Salamat po," sabik na sagot ko.

Pagkarating namin sa loob, gusto ko na sanang puntahan si Stephanie sa kwarto niya, ngunit pinigilan ako ni lola. "Umupo ka muna diyan, apo. Sandali lang at kukuha ako ng meryenda."

Agad na itong umalis kaya't hindi ko nasabi ang nais kong sabihin. Hindi ko alam kung ano 'yon at kung bakit, pero may napansin akong kakaiba kay lola. Kahit nagtataka'y sinunod ko na lang ang sinabi nito, naupo ako sa couch nila, at hinintay itong makabalik.

"Oh, hayan, magmeryenda ka muna," sabi nito sabay lapag ng dala niyang juice at tinapay sa mesa.

"Salamat po, lola, pero hindi po kasi ito 'yong ipinunta ko rito. Stephanie's the reason why I am here. Pwede ko na po ba siyang puntahan?" sabi ko at saka tumayo.

"Wala na siya," sagot nito, na naging dahilan upang hindi ako makagalaw.

Kumunot ang aking noo. "Wala po? Nasaan po siya? Lumabas po ba siya? Saan po siya pumunta?"

"Umalis siya, apo," sabi nito, na naging dahilan naman upang maupo ako ulit.

Sa una'y napatitig ako sa kawalan at nang muling tumakbo ang aking utak, ngumisi ako na parang baliw. "Umalis po? You're joking, aren't you? She can't and will never do that. Baka naman po umalis siya, pero hindi ganoon kalayo ang pinuntahan niya. Pwede n'yo po bang sabihin sa akin kung saan siya pumunta, lola?"

Parang hindi pa pumapasok sa isip ko ang bagay na nalaman ko. Hindi ito gustong unawain ng utak ko. I was hoping that it was just a joke. I was hoping that it wasn't true. Nangako siya, hindi ba? She said she couldn't and wouldn't leave me because she loved me. At siya 'yong uri ng tao na tinutupad ang mga pangako niya kaya paano niya magagawang umalis at iwan ko. Napaka-imposible naman no'n.

She shook her head. "Hindi ko alam, apo. Umalis sila ng ama noong isang araw, 'yon lang ang alam ko. At kahit gusto ko pang malaman kung saan sila pupunta, hindi na ako nagtanong dahil alam kong kailangan niyang umalis at pumunta sa lugar na walang nakaaalam."

I laughed. "Lola." I held her hand and looked at her in the eye. "Huwag naman po kayong magbiro nang ganyan kasi... hindi po ako natutuwa, nagsisimula na po akong masaktan." Nagsimulang mamuo ang mga luha sa gilid ng aking mukha.

Hindi ko alam kung ano ang itsura noong mga sandaling 'yon. Pero kahit mukha pa akong katawa-tawa o ang pangit-pangit na ng mukha ko, wala akong pakialam. Nasasaktan ako. Hindi ko magawang isipin at paniwalaang iniwan ako ng best friend ko, ng babaing minamahal ko nang lubos. Kahit narinig ko na ang kailangan kong marinig, hindi ko pa rin magawang tanggaping wala na siya.

Siya naman ang humawak sa kamay ko. "Apo, alam kong mahal mo siya kaya't nasasaktan ka ngayon. Gano'n din ako, parehas lang tayo," sabi nito. Malungkot ang kanyang mukha. "Ang totoo, bago siya umalis, nagdalawang-isip muna siya. Nahihirapan siyang iwan tayo. Ayaw ka niyang masaktan. Pero ang sabi ko, sarili niya muna ang isipin niya at umalis siya kung kinakailangan. Apo, tulad mo, ayoko ring iwan niya ako, pero kailangan niyang gawin 'yon. Kailangan niyang buuhin ang sarili niya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa inyo, pero nasaktan siya nang sobra nang dahil doon. Kung mahal mo siya, mauunawaan mo kung bakit kinailangan niya 'yong gawin."

Nagsimulang bumagsak ang aking mga luha. Nagsimula akong umiyak na parang isang bata.

Wala na siya.

Wala na siya.

Habang paulit-ulit na bumubulong sa akin ang munting tinig na 'yon, na nagsasabing wala na siya, mas lalo lang akong nasasaktan at naiiyak. Until now, I couldn't believe that she was gone. Even though the pain was killing me and that little voice was hitting me in the head and trying to wake me up, I still couldn't believe that she could leave me. She didn't even say goodbye or gave me so many signs that she was leaving. Sana'y ipinaalam niya muna sa aking balak niya akong iwan, para may alam ako at para hindi naging ganito kasakit at kahirap para sa aking isiping tapos na ang lahat.

I just cried and cried and cried until I got tired of crying. Tumayo ako at aalis na sana, ngunit pinigilan ako ni lola.

"Bago ka umalis, may ibibigay muna ako sa 'yo." Bago pa man ako makapagtanong, nakaalis na ito. Pagkatapos ng ilang minuto, nakabalik na ito agad at iniabot sa akin ang isang sulat. "Sulat 'yan na ginawa ni Stephanie para sa 'yo. Basahin mo raw 'yan. Nasa loob niyan ang lahat ng sagot sa mga katanungan mo."

Tinitigan ko ito, hinawakan nang mahigpit, at saka ako nagpaalam kay lola na aalis na ako. Pagkarating ko sa bahay, si mom ang unang sumalubong sa akin.

"James, are you okay? Bakit ganyan 'yang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

Kahit matagal ang pagbiyahe namin, namamaga pa rin ang aking mga mata at halata pa ring umiyak ako. Halos sa buong biyahe kasi, wala akong ginawa kundi umiyak na parang batang napalo ng nanay niya.

"I'm fine, mom."

Si dad naman ang lumapit sa akin na abala kanina sa pagbabasa ng isang libro. "My son, what's wrong?"

I smiled. "There's nothing wrong, dad. I'm okay so stop worrying about me na po. Pupunta na po ako sa kwarto para magpahinga." Then I walked away.

"Ano kaya'ng problema ng batang 'yon?" dinig kong sabi ni mom. "After no'ng birthday ni Stephanie, ang weird na niya."

Nang nasa loob na ako ng aking kwarto, agad akong nahiga sa aking kama. I just stared at the ceiling. Blangko ang aking utak. Then I closed my eyes for a moment and opened them.

"Bakit mo ako iniwan?"

Sinimulan kong mag-isip ng mga dahilan. Dahil ba nasaktan ko siya nang sobra kaya niya ako iniwan? Sumuko na ba siya dahil iniisip niyang hindi ko kailanman maibibigay ang parehong pagmamahal na ibinibigay niya sa akin? O baka nagsawa na siya sa akin at pati na rin sa ugali ko? Ano pa ba ang pwedeng dahilan? Mas nag-isip ako. Baka dahil doon sa nakita niya noong gabi ng birthday niya, na hinahalikan ako ni Trixie at wala akong ginawa?

Then I remembered the letter. May sulat nga pala siyang ginawa para sa akin. At upang matapos na ang pag-iisip ko, kinuha ko ang sulat mula sa aking bulsa at binasa 'yon.

Dear James,

Gusto kong mag-sorry sa 'yo. I'm sorry for leaving. I'm sorry for breaking my promise. Alam kong masasaktan ka dahil sa pag-alis ko. Kung magiging masama ang loob mo o magagalit ka dahil sa ginawa ko, mauunawaan ko. Dahil kung sa akin ito nangyari at iniwan mo ako, baka gano'n din ang magiging reaksyon ko.

If you're thinking na umalis ako dahil sa ginawa mong pananakit sa damdamin ko sa nakaraan, nagkakamali ka. Ang totoo, nasanay na akong masaktan mo. At ngayo'y aaminin ko na sa 'yo, palagi kong itinatago ang sakit na nararamdaman ko. Every time na sinasampal mo ako ng katotohanang hanggang mag-best friends lang tayo, I faked smile and acted like I was not hurt.

Hindi rin ako umalis dahil nakita kong hinalikan ka ng girlfriend mo. Pero honestly, nasaktan talaga ako nang sobra. At oo, I already know that you are in a relationship with her. Noong pumunta ako sa school n'yo para ibigay 'yong lunch mo at matapos kong marinig na tawagin ka niyang "babe", may pakiramdam na ako na may relasyon ako. Hindi sana ako maniniwala, pero bago ako makaalis, someone talked to me. Her name was Chealsea at tinanong niya kung ano raw ang relasyon natin at kung bakit mo raw ako niyakap. And I said the truth, na best friend mo ako. Then ang sabi niya, she knew that I loved you and I should stop loving you because you already had a girlfriend. 'Yong babaing dumating daw na tumawag sa 'yo na "babe" ay si Trixie at siya ang girlfriend mo. Sinabi niya raw 'yon dahil ayaw niyang magaya ako sa kanya na medyo nagpalito sa akin.

Ang totoong dahilan kaya ako umalis ay dahil ayoko nang makagulo pa sa inyo. To tell you the truth, I had no plan to leave. But after that night, pumunta si Trixie sa bahay at sinabi niya sa akin ang lahat. Lumayo na raw ako dahil bukod sa hindi mo ako magagawang mahalin, dinadala niya ang anak ninyong dalawa. Hindi na naman sana ako maniniwala, pero naalala ko ang sinabi ni Chelsea, na may nangyari na sa inyo. Hindi ako umalis para sa sarili ko lang, umalis ako para na rin sa inyo at sa magiging anak ninyo. Ayokong makagulo sa pamilya ng ibang tao, lalo na sa magiging pamilya ng taong mahal ko.

After kong malaman na nag-cheat si dad kay mom, ang daming nabuong tanong sa isipan ko. Tulad ng bakit nagawang lokohin ni dad ang napakabuting babaing katulad ni mom? Bakit niya ipinagpalit si mom sa babaing isa lang namang kalapating mababa ang lipad? Now I know, James. You've made me understand what I couldn't understand. Dahil sa 'yo, natutunan ko na kahit gaano pa kabuti ang isang babae, kahit handa pa siyang gawin ang lahat para sa isang lalaki, hindi siya ang pipiliin ng lalaking mahal niya kung wala sa kanya ang mga katangiang gusto at hinahanap nito. Kabaitan lang naman ang mayroon ako, 'di ba, James? Si Trixie, halos nasa kanya na ang lahat. Magandang mukha at katawan. Confidence. At higit sa lahat, katulad siya ng mga babaing gusto mo at talagang malayong-malayo siya sa akin. Hindi siya conservative katulad ko. Hindi siya mukhang lola kagaya ko. At hindi siya isang babaing kawawa na naghihintay na mahalin siya ng lalaking hindi siya kayang mahalin.

Hindi ako nagkulang, James. Alam ko 'yon. Maybe what I gave was not what you wanted or needed. Or maybe to you, it wasn't enough. Pero nakasisiguro akong hindi ako nagkulang dahil ibinigay ang halos lahat ng mayroon ako at halos wala nang natira sa akin. Siguro'y hindi lang ako ang babaing para sa 'yo. Pero kahit na gano'n, tutuparin ko ang ipinangako ko. Na sa buhay kong ito, ikaw lang ang nag-iisang lalaking mamahalin ko.

At kahit wala na ako diyan sa tabi mo, sana'y habambuhay akong nasa mga ala-ala mo. Sana'y huwag mo akong kalilimutan. Hindi rin kita kalilimutan at ang ugnayan natin, hindi ko pinuputol. Mag-best friends pa rin tayo at nangangako ako, babalik ako. Sana'y mahalin mo si Trixie at ang batang dinadala niya. Sana'y maging mabuting asawa ka sa kanya at maging mabuting ama ka sa magiging anak n'yo.

Huwag mong kalilimutang mahal na mahal kita, James.

Love,
Stephanie

Habang binabasa at hanggang sa natapos kong basahin ang sulat, patuloy sa paglabas at pagbagsak ang aking mga luha. Nasaktan ko siya nang sobra at ang sakit na ibinigay ko sa kanya ay walang katapat. Nasasaktan din ako. And I couldn't explain how hurt I was because no words could define the pain I felt right now.

Nakaramdam din ako ng galit, galit ako sa sarili ko. I was so stupid! Her smiles, I didn't know that they were all fake. I didn't even notice that she just pretended to be okay when we were together and every time I hurt her. Hindi ko alam na nasasaktan ko na pala siya, ng paulit-ulit. Napakatang* ko!

You're so stupid, James! I hate you!

***

"THANK YOU, Gav," I said.

Gavin was with me. Pinuntahan ko siya sa bahay nila at niyayang sumama sa akin. Sumama naman siya ng hindi nagtatanong kung bakit. Nandito kami sa gilid ng dagat at nakaupo. Medyo malayo ang biyinahe namin para lang makarating dito. Ito ang napili kong lugar na puntahan upang habang bumibiyahe'y makapag-isip ako at upang pagdating namin dito, makapag-usap kami nang maayos.

Hapon na kaya't halos wala nang tao rito. Yeah, there were still people here but they were far from us so they wouldn't hear or disturb us. Makakapag-usap kami nang maayos gaya ng gusto ko.

"For what?"

Inalis ko ang aking paningin sa dagat at sa kanya tumingin. "Sa pagsama sa akin ng walang pagdadalawang-isip. Thank you for being here, with me, when I needed someone to talk to and when I needed a friend. Thank you, Gav. Kahit nagbago na ang lahat at halos hindi na tayo nagkikita, hindi ka pa rin nagbabago. Isang kaibigan pa rin ang tingin mo sa akin."

He smiled and looked away. "A friend? Is there a true friend who wanted to steal something that his friend has?" He looked at me. "Oo, James, kaibigan pa rin ang tingin ko sa 'yo, pero alam mo bang gustong-gusto ko noong agawin sa 'yo ang babaing mahal mo?"

My eyebrow rose. "Si Stephanie?" He nodded. "Well, it's okay. Alam ko namang gusto mo rin at normal lang na gustuhin mong makuha siya. At least you never planned on stealing her from me."

"That's true, I never planned on doing that. But it wasn't because of you. It was because I thought it was impossible for me to steal her from you."

I stared at him and asked, "Alam mong mahal ko siya mula pa sa simula?"

He nodded. "It's obvious, James. Kitang-kita ko sa mga mata mo ang katotohanang mahal mo siya. At mula pa noon, alam ko na ring mahal ka niya, bago niya sabihin sa akin. Hindi lang dahil halata 'yon kundi dahil na rin nandoon ako noong umamin siya sa 'yo," sabi niya, na naging dahilan upang tumaas ang aking kilay at halos lumaki ang aking mga mata. "It was so painful to see the girl you wanted telling your friend that she liked him. But do you know what's more painful than that? 'Yon ay ang makita siyang nasasaktan dahil sa lalaking 'yon."

I was speechless.

"Mabuti siyang babae, James, at gustong-gusto ko siya. At hind lang ako ang nagkakagusto sa kanya, ha, napakarami namin. But she chose you. She chose to love you, the guy who never admitted that he also loved his best friend. You don't know how lucky you are, James."

"Yeah, I'm so lucky. Sa sobrang swerte ko, hindi ko na naa-appreciate ang meron ako," tugon ko.

"Buti alam mo," sabi niya. "Alam mo, hindi ko talaga alam kung bakit hindi mo maamin-amin na mahal mo siya. Because I liked her, I wanted to see her happy. Kaya kahit mahirap, ginawa ko pa rin ang lahat para mapaamin kita na mahal mo siya. I always brought her up and told you about good things about her. Pero kahit ilang beses ko pang gawin 'yon, hindi mo inaming mahal mo siya. Ni aminin nga na maganda siya sa paningin mo, ang hirap pa para sa 'yo, eh."

So 'yon pala ang dahilan kaya parang ang palagi naming pinag-uusapan noon ay si Stephanie?

"Ganoon talaga ako kabulag at katang*. Nasa mismong harapan ko na nga 'yong katotohanan, hindi ko pa rin makita. Ang tang* ko talaga!"

"Buti alam mo," seryosong sabi niya. "Pero nakaraan na 'yon. No matter how many times you wish you could go back and tell yourself what you already know, you couldn't go back in time and change what you did. Ang mahalaga, alam mo nang mahal mo siya. Hindi pa naman huli ang lahat--"

"No, huli na ako, Gav. Umalis na siya."

"What?" gulat na tanong niya.

Kinuha ko ang sulat na nasa aking bulsa. "Heto nga 'yong sulat na iniwan niya, oh," sabi ko sabay abot no'n sa kanya.

Sinimulan niyang basahin habang ako'y nagsimulang titigan ang dagat. Ang sariwa ng hangin dito. Napakatahimik din. I chose the right place. No, it wasn't a right place, it was a perfect one. Ang hindi magagandang thoughts sa utak ko, parang unti-unti nang nabubura. Kapag maganda ang environment mo, talagang madali lang para sa 'yong mag-isip nang maayos.

"Ang haba nito, James. Grabe," komento niya matapos niyang magbasa. "Halatang dito niya ibinuhos lahat ng sakit at emosyong nararamdaman niya." Iniabot niya sa akin ang sulat at kinuha ko naman 'yon.

"Oo nga, 'yon din ang tingin ko. Lahat ng hindi niya nailabas at nasabi, isinulat na lang niya. But it's better if she told me everything and said goodbye. Nakakalungkot at wala akong kaalam-alam na mawawala siya."

"You should understand, James. She didn't leave because she wanted to, she left because that's what she needed to do. Kung hindi siya umalis, baka wala nang matira sa kanya nang tuluyan." He looked at me. "You don't want that to happen, do you?"

"Oo, ayoko. Pero nasasaktan lang talaga ako."

"You deserve it, James," he replied. "Siya nga pala, totoo bang nakabuntis ka?"

Tinitigan ko siya at saka ako tumawa nang malakas, "Hahaha!"

"Oh? Bakit?"

Nagpatuloy ako sa pagtawa hanggang sa nagsawa ako. "Tingin mo ba posibleng mangyari 'yon, Gav? Ni hindi ko nga alam kung paano humalik ng babae, ang mambuntis pa kaya? Alam kong madali akong makaramdam ng pagnanasa, madali rin akong matukso, at mangmang din ako, pero hindi ko kayang gawin 'yon, Gav. Hindi talaga."

"So your girlfriend told her a lie because she wanted her to leave? Nakakatakot pala ang girlfriend mo, James."

Bigla kong naalala ang nangyari nang makipagkita ako kay Trixie at tinanong ko kung bakit niya 'yon ginawa.

"I did it because I love you, James," she said and hugged me.

Itinulak ko siya, ngunit hindi ganoon kalakas. "You love me? Gano'n ba ang tamang paraan ng pagpapakita kung gaano mo kamahal ang isang tao? Hindi mo ako mahal, Trixie. Sarili mo lang ang mahal mo."

"Oo, sarili ko lang ang mahal ko. Pero handa akong magpaka-selfless para sa 'yo. You can take everything I have, James. Lahat-lahat. Iyo na ako, iyo ang katawan ko. Paliligayahin kita. Huwag mo lang akong iiwan."

"Sorry, pero kahit ibigay mo pa sa akin ang meron ka, hinding-hindi kita mamahalin. Hinding-hindi ko magagawang mahalin ang isang babaing ibinibigay basta-basta ang sarili niya sa ibang tao na para siyang isang bagay na walang halaga kaya't ganoon kadaling ipamigay," sabi ko't umalis.

Matapos ang nangyari, tingin ko, hindi talaga mahal ni Trixie ang sarili niya. Because if she did, she couldn't and wouldn't give everything she'd got to anyone. At kung hindi niya mahal ang sarili niya, paano 'yon magagawa ng ibang tao? Maswerte na lang talaga siya at nandoon si Gerald sa tabi niya.

"Gav, she's not my girlfriend anymore, okay? Kaya ex-girlfriend ko na siya. At oo, nakakatakot talaga siya."

Gusto ko sanang magkwento sa kanya tungkol kay Trixie, pero huwag na. I didn't think that was a good idea. Kahit isip-bata ako, alam ko pa rin na maling i-kwento mo ang buhay ng ibang tao sa kakilala mo. Maganda man o hindi ang buhay at pagkatao ng iyong kapwa, wala kang karapatang makialam dito o kwestiyunin ito. Because it's his or her life, not yours. Mind your own business, people.

"Kung uunawain ko ang sulat ni Stephanie, tingin ko hindi mabuti si Trixie, 'yong ex-girlfriend mo," sabi niya. Matalino si Gavin, ano pa ba'ng inaasahan ko? "So you chose that girl over her? Over a girl like Stephanie? Na napakaganda, napakatalino, at napakabuti? Okay ka lang ba, James? Ha?"

"Bakit parang galit ka?" sabi ko. Medyo kinabahan ako dahil baka bigla niya akong saktan.

"I'm not parang galit, because I am really mad right now, James. Honestly, I really wanted to punch you in the face. Pinipigilan ko lang ang sarili ko," sagot niya. "Ano? Sumagot ka. Bakit mo sinaktan si Stephanie dahil sa babaing hindi naman siya kayang tapatan? Ano ba ang meron sa kanya, ha? Mas kaakit-akit ba siya, ha?"

I fell silent and looked down. "Yes, Gav. Kaakit-akit siya at pinagnasaan ko siya."

Bigla niyang sinuntok ang buhangin. "You're crazy!" I know. "Mas pinili mo 'yong babaing kaakit-akit kaysa sa babaing sobrang buti at mahal ka? Kung ayaw ko lang na saktan ka, kanina ko pa binasag 'yang pagmumukha mo, James. You don't deserve her, man! You don't!"

I lifted my head. "I know, I know. And yes, you're right. Deserve ko ring masaktan at maiwan niya."

"Mabuti at alam mo," tugon niya. "You hurt her countless times so you deserve that. Tanggapin mo ang consequences ng lahat ng ginawa mo, James. Isa na ang pagdurusa at pagiging miserable doon. Ang sabi niya naman, babalik siya. If you really love her, you can wait until she's ready to come back. And when she's back, huwag ka nang magsayang ng oras at aminin mo na sa kanya na mahal mo siya."

"Thanks, Gav. That's exactly what I'm going to do. Kahit gaano pa katagal, maghihintay ako."

"Right now, I don't think you deserve her. Pero kung nagawa mong hintayin siya, deserving ka na, James."

FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top