Chapter 2: Another Encounters
JAMES' POINT OF VIEW
BEFORE PA man makapag-start ang flag ceremony, nakasali na ako sa pila. Katulad ng ibang estudyanteng nasa kani-kanila nang puwesto, inilagay ko ang aking palad sa dibdib ko. Nagmadaling tumakbo ang mga na-late nang dating para makasabay.
"Ang mamatay nang dahil sa 'yo.~~~"
Kanina ko pa nararamdamang may nakatingin sa 'kin, kaya't matapos ang pagkanta ng Philippine national anthem, agad kong hinanap ang mga matang ayaw akong tigilan.
I knew! Si Stephanie nga!
Nakaiwas man siya ng tingin - it was too late. Siguradong siya 'yon. My eyes slightly narrowed into slits when despite the distance between us, I noticed how a flush of shyness rose to her cheeks. Ngayon pa siya nahiya, huh? Kung titigan ako kanina, para siyang may masamang balak.
Nawala sa kanya ang aking atensiyon sa pagsisimula ng Panatang Makabayan. I lifted my right hand but shut my mouth. Ganito talaga ako - sasabay lang kapag na-trip-an. Bukod doon, my mind was elsewhere.
For unknown reason, I started to think about everything that had happened since the day Stephanie confessed to me.
"I like you!"
"James, I like you."
"You heard it right, James. I like you, and I mean it."
I'd realized na sa halos lahat ng pag-uusap namin, pareho ang palagi niyang sinasabi - that she liked me. Now I couldn't help but wonder what I should feel. Kilig? Saya? O takot dahil magmula nang araw na 'yon ay mayroon nang nagmamasid sa 'kin?
Pinakarimdaman ko ang sarili at tinanong sa isip, Ano ba'ng nararamdaman ko?
Wala. I felt nothing at all.
Muli kong inalala ang mga pangyayari. It played in my head like episodes of a drama. Simula sa mga pagkakataong dinadaan-daanan ko lang siya at parang hangin lang sa 'kin hanggang sa mga sandaling ito. Back then, there was nobody in my life. Now . . . it was different.
She was starting to have a role in my life, in my story.
Nakatuon man ang atensiyon sa aming teacher, nagawa ko pa ring marinig ang usapan sa likuran. And, oh. It was about Stephanie again. My eyebrow rose.
"Ang ganda niya palagi," dining kong sabi ni Joseph.
"I agree, pare," Kyle replied. "I may not have a crush on her, but it's hard to deny it. Ang lakas ng dating niya. I guess the song Nasa 'Yo Na Ang Lahat was made for her. Parang wala siyang flaws, ebarg!"
Napangiwi ako.
Hindi yata mawawala sa schedule ng magkaibigang 'to ang pag-usapan si Stephanie. Kung kikita sila sa pag-compliment sa kanya, they would've become billionaires by now. Tsk. Joseph had a on Stephanie, right? Plus, Kyle was his friend. Siguro'y clouded lang ang judgment ng una at napipilitan um-agree ang huli.
"Crush na crush ko talaga siya," parang babaeng sabi ni Joseph. Kalalaking tao pa naman, tsk. "If I have no fears, I wouldn't think twice at aamin ako nang agaran. Pero naduduwag ako, Kyle. I'm afraid of what could happen if ever ilabas ko ang nararamdaman ko. I don't wanna get rejected."
Eh, talo pala siya ni Stephanie! Kahit i-push away ko ang babaeng 'yon, hindi sumusuko. Hindi takot sa rejection. Kung makangiti nga sa 'kin, daig pa ang cr-in-ush back. Kaunti na lang, iisipin kong hindi siya nasasaktan.
"I feel you, pero let me ask you, Joseph. Hanggang kailan ka magpapadala sa takot? Sa kaduwagan? Baka kapag ready ka na, nasa iba na pala ang atensiyon niya."
"Hindi ko alam. Teka! Totoo ba 'tong nakikita ko o nananaginip na naman ako? Si Stephanie ba talaga 'yong nasa labas?"
"Itigil mo na 'yang pagkusot sa mga mata mo, haha! Siya nga talaga 'yan! At pare! Papasok yata sila ng kasama niya rito!"
Tumingin ako sa labas. Tama sila, nando'n nga talaga si Stephanie. Along with her was a girl. She was smiling sweetly as they were talking. Nakuha man ng ngiti niya ang aking atensiyon, nahagip pa rin ng paningin ko ang folder sa kamay niya. And I guessed Kyle was right, papunta sila sa aming classroom.
"Good morning, ma'am," they both said and walked in. Napatingin ang halos lahat sa kanila.
Our teacher stopped writing on the board as she turned to them. She gave them a smile. "Oh. Good morning din."
Stephanie handed to her the folder. "Heto na raw po 'yong hinihingi ninyo mula kay Ma'am Cynthia. Pasensya raw po kung ngayon niya lang naibigay."
"Tell her, thank you and it's fine. Salamat din sa paghatid ninyo rito," sabi niya sabay taas sa folder na kakatanggap.
"Stephanie!" She looked at my classmate, and I did the same. My eyebrows furrowed as I watched him point to Jerome, who was sitting next to him and covering his face with his both hands. "Crush ka raw nitong si Jerome! Pinapatanong niya kung may jowa ka na ba?"
Si Jerome 'yong lalaking sumingit sa usapan ng magkaibigang sina Kyle at Joseph noong nakaraan. The one who told Joseph that he also had a crush on Stephanie. Tila nainis ako sa kaartehan niya.
Katulad kanina'y parang nahiya bigla si Stephanie. It was obvious that she didn't know how to react and what to say.
"Pagpasensyahan mo sana ang mga 'yan, Stephanie. Mababait sila - sadyang minsan, ganyan lang talaga sila. At saka hindi ko rin sila masisi kung may crush sila sa 'yo. Maganda ka na nga, matalino pa. I wouldn't be surprised kung lahat ng boys dito, eh may crush sa 'yo."
Napangiwi ako sa nakangiting si ma'am. Para siyang - what? Kinikilig?
Mas lalong nahiya si Stephanie. "Um . . . Okay lang po 'yon. Thank you po sa mga papuri."
Pinanood ko ang pagtingin niya sa ibaba. Kung may butas doon, baka nga nagpakain na siya.
"Stephanie, pwede raw bang manligaw?"
Nanliliit kong binato ng tingin ang kaibigan ni Jerome at siya mismo na hindi pa rin magawang ipakita ang mukha.
"AYIEEEH!"
Ano ba'ng tingin ng mga 'to, nasa palabas sila?
"Sorry, bawal pa akong magpaligaw, eh. Masyado pa akong bata. At saka -"
"Haha! Jerome oh, ang tanda mo na pala! Bawal nga ang pedophile! Bad 'yon!" someone commented.
"Pedophile? Ano'ng meaning no'n?"
"Hindi mo alam? Hindi ko rin alam, eh. Narinig ko lang na sinabi 'yon ni kuya habang pinag-uusapan nila ng kaibigan niya 'yong kakilala nilang pumatol sa mas bata sa kanya ng anim na taon."
"Bakit naman? Age doesn't matter! Age is just a number!" tugon ng kaibigan ni Jerome, halatang handang lumaban. "Stephanie, baka may jowa ka na kaya ayaw mong magpaligaw? Kawawa naman 'tong si Jerome. Sana sinabi mo noong una pa lang para hindi siya umasa. Paasa ka pala, eh."
Paasa? Natawa ako sa isip ko. Walang kasalanan si Stephanie kung umasa ang kaibigan niya!
"Um . . ." She lifted her head to look at him. "Nagsasabi talaga ako ng totoo. Wala pa akong boyfriend. At saka crush niya lang naman ako, hindi ba? Bakit niya ako liligawan?"
"Crush ka man niya, gusto, o mahal, iisa lang ang ibig sabihin no'n. They're all the same."
"Pasensya na talaga. B-Bukod kasi sa bawal pa akong magpaligaw, may . . . ano . . . may iba na akong gusto." Her eyes looked into mine. I stared back at her. "S-Sorry."
"Ha? Sino?"
"Hey, kids! I think kailangan nang umalis nina Stephanie," singit ni ma'am nang matigil na ang kanilang pag-uusisa.
Stephanie stared at me for a few seconds, bid our teacher goodbye and smiled in front of the class. "Bye! Aalis na kami!"
"Boom! Ang sakit no'n, Jerome! May iba palang gusto kaya hindi ka napapansin, pighati!"
"Hindi ka pa nga nanliligaw, na-reject ka na agad? Harap-harapan pang sinabing may gustong iba. Double dead!"
"Ganyan talaga ang love. Kung hindi para sa 'yo, it's not for you. Jerome, ang importante ay mahalaga - Uy, umiiyak ka ba? Confirmed! Umiiyak ka nga!"
I looked at him. Pinapahid niya ang gilid ng kanyang mga mata. "Hindi, ah! Napuwing lang ako!"
"Hay naku, Jerome! Huwag mo nga akong pinagloloko."
Seriously? Napaluha siya dahil lang doon? Para siyang bakla. Ni-reject ko rin si Stephanie, pero hindi siya umarte nang ganyan.
"Mukhang may pag-asa ka, Joseph!" I heard Kyle say to his friend. Isa pa 'to, eh. "Paano kung ikaw 'yong gusto niya? Sabi na nga ba! Crush ka rin ng crush mo!"
"Paano kung hindi? Ayokong umasa, Kyle. Mas masasaktan ako kung hindi pala ako 'yon."
I stopped listening to them. Halos takpan ko pa ang mga tainga ko. Nakakasawa na ang usapan nila.
Ano ba kasi'ng meron sa babaeng 'yon at nagkakaganyan sila? Hindi ko sila maintindihan. Sabihin na nating karamihan sa magagandang sinasabi nila kay Stephanie ay totoo, eh, ano naman? Was she that special?
I was at the canteen. Nakapili na ako ng makakain, pero nang kapain ko ang aking kanang bulsa, nanlaki ang aking mata. I tried to remain calm kahit tila namumuo na ang malamig na pawis sa 'king noo. Kinapa ko ang kaliwa kong bulsa, pero - UH, OH!
Hindi ko dala ang wallet ko!
"Bayad mo?" sabi ng tindera sabay lahad ng kanyang palad.
"Um . . ." I threw her a small, forced smile. Ibabalik ko na sana ang mga bibilhin ko nang may biglang dumating.
Tingnan mo nga naman . . . Hindi ko alam kung swerte ba ito o ano.
"Ako na po ang magbabayad," nakangiting sabi ni Stephanie at nag-abot ng one hundred pesos. I stared at her. "Wait - soft drinks talaga ang iinumin mo, James? And you're gonna eat junk food?"
Kumurap-kurap ako at umiling-iling. Ano ba'ng meron sa kanyang mukha at madalas akong mapatitig dito? Mukha na siguro akong ewan.
"Eh, ito ang gusto ko."
She sighed. "Dahil ako ang magbabayad, okay lang sigurong ako ang magdesisyon kung ano ang babayaran ko? 'Yong gusto ko ang masusunod. Okay, James? Now, ibigay mo sa akin 'yang soft drinks at junk food."
"No - "
"Ako ang magbabayad, James," she cut me off and took the can of soft drinks and junk food in my hand. Ibinalik niya 'yon sa tindera. "Dalawang bote ng mineral water at dalawa ring hamburger po ang bibilhin ko."
Inabutan siya nito ng dalawang tubig, at ibinigay niya sa 'kin ang isa. Kumuha naman siya ng dalawang hamburger, at iniabot ang isa sa akin.
"Oh, sukli mo."
She looked at me with a smile. Sa ngiti niya, hindi mo masasabing ang demanding niya sa kakainin ko kani-kanina lang. Para siyang nanay, tsk! "Magpakabusog ka, James. Um... Pwede ba kitang makasabay mag-break?"
"May kasabay na ako." She raised her eyebrows. I then pointed to Gavin who was eating sandwich while using his phone. "Nandoon siya, oh. He's a friend of mine."
She nodded. Hindi nawala ang ngiti niya, nakadikit na yata 'yon sa kanyang maamong mukha. "Ah. Okay."
"Anyway . . . " Nangunot ang aking noo nang maalala ko ang nangyari. "Most of my classmates really admire you. But it's sad to think that you're not as angelic as they think you are. Salamat at inilibre mo ako, but you didn't have to emphasize na ikaw ang magbabayad. Hindi mo ako kailangang sumbatan kasi babayaran naman kita."
Ngumiti siya nang nasasaktan. I'd just discovered that such a smile existed. She said while looking down, "I-I'm sorry, James. H-Hindi naman kita sinusumbatan. Inaalala ko lang ang kalusugan mo. It was for you, James . . . Huwag mo na akong bayaran. Inilibre kita, hindi pinautangan."
"Really?" She nodded her head. "Alam mo? Fake ka man o hindi, I don't have to know. But if my assumption was really wrong, then I'm sorry. And thanks for your concern, but I wasn't asking for it."
Namayani ang pansamantalang katahimikan sa 'min. Pansamantala ko ring nakita ang sakit sa mga mata niya. But guess what? After a second, she smiled at me.
"Okay lang, James. I understand."
"You do?" hindi makapaniwalang sabi ko. "O-Okay. Um, thanks and bye."
Stephanie. Nine letters, one name. The name of a girl I couldn't quite figure out. Sa unang tingin, tila napakasimple niya. Parang puzzle na madali mong mabubuo. But she wasn't. There was more to her than what the others - especially me - could see.
It was time to go. As I was about to walk out of the classroom, my eyes found her standing at the door. Nang maramdamang may nakatitig sa kanya, iniangat niya ang kanyang paningin at kinawayan ako nang may ngiti.
I had to look around to see if someone was watching the scene. Napangiwi na lang ako nang makitang hindi iisang pares ng mata lang ang nakatuon sa amin.
"What are you doing here?" Sinubukan kong itago ang inis nang makaharap siya. Kung makakaway sa 'kin, parang girlfriend!
"Tingnan n'yo sina James at Stephanie, oh. There must be something between them!"
"Ay, oo! Nakita ko nga no'ng nakaraam na hinintay siya ni girl tapos nag-talk sila."
Pinilit kong ilabas sa kabilang tainga ang usapan sa paligid. Ewan ko ba sa mga taong 'to, ang gagaling gumawa ng issue. Their life must be so boring that they had time to spend minding other people's business.
Nanatili ang ngiti ni Stephanie. "Hi, James! I waited for you para sana sabay tayong umuwi."
"Why? We don't have the same address."
"Alam ko naman 'yon. Ang gusto ko lang is maglakad kasama ka hanggang gate. Only if that's okay with you - "
"Okay," I said and walked away.
"Hintayin mo 'ko, James!"
Silence ensued as we walked together. It wasn't uncomfortable though. Kahit feeling ko'y may stalker na ako simula nang mag-confess siya sa 'kin, never kong naramdamang nasa panganib ako. Hindi naman siguro niya ako lalapain na parang tigre
"James, sorry ulit about sa nangyari kanina. Sorry for making you feel the way you felt." That made me shift my gaze at her. "But believe me, totoo 'yong sinabi ko. Nasabi ko lang 'yon dahil inaalala ko ang kalusugan mo."
When her eyes stared into mine, I immediately had to look away. Nakakapaso ang tingin niya, ang hirap tagalan. Para niyang binabasa ang pagkatao ko. Kapag nagkataon, baka magsisi siyang nagustuhan niya ako.
I swallowed hard. "S-Sorry rin. Paniwalaan mo rin sana ako, I didn't intend to throw harsh words at you. And about me rejecting you, I'm really sorry. I just think that it's actually better than lie or let you have false hope."
"Okay lang, ano ka ba!" The smile on her face grew wider. "I like you, but it doesn't mean na you need to feel the same way. Malaki nga ang pasasalamat kong malaman na kahit hindi mo ako gusto, inisip mo pa rin ako ang makabubuti para sa akin. Thank you so much, James."
The time stopped as I stared at her. I was trying to figure out what was running on inside on her mind. I wanted to figure her out.
What's with her? She was something, huh. I may not like her, but as much as I hated to admit it, it was actually hard for me to not admire her.
I had no feelings for her. Mas maliwanag pa 'yon sa buwan. But that didn't mean I didn't care about her. I did. Ganito ako pinalaki ng parents ko. So, I'd try to not hurt her and make it up to her.
"Ano ang nagustuhan mo sa akin?"
"Hindi ako sure, eh. Siguro, lahat ng tungkol sa 'yo? Wala akong nakikitang mali sa 'yo, kaya baka nga gano'n. Yeah, you may have flaws and imperfections, but without them, I don't think I'd still feel the same."
"Bakit parang siguradong-sigurado ka sa sagot mo? Ngayon lang tayo nagpapansinan, so I don't think you know me enough para masabi 'yan. You haven't seen the flaws I've been hiding beneath this facade of mine. How could you say that you like everything that I am?"
She just shrugged and smiled. "Nandito na pala tayo. Masyado akong natuwang kausap ka at hindi ko na namalayan ang oras. Nando'n na pala 'yong sundo ko, oh. Paano, James? I'm leaving! Thank you nga pala sa pagpayag mong sumabay maglakad sa akin! Bye! Ingat ka!"
I just nodded and watched her walk away. She was about to get in the car nang makita ang isang batang pulubi. She said something to her driver and went to the nearest store. Pagbalik niya'y inabot niya ang dalawang bote ng tubig at mga tinapay na naka-supot sa bata. She was saying something to her while smiling. The kid smiled at her, too. After that, she walked away from her and got in the car.
Napangiti ako.
Kakaiba talaga ang babaing 'yon. Hindi siya pangkaraniwan. She was the very first girl to have such unique traits. The first girl to confess her feelings to me. The girl who always chose to smile in every situation she was in. She was such a good and genuine person.
She proved to me na totoo nga ang sinasabi ng iba tungkol sa kanya. Nagkamali ako nang husgahan ko siya't pag-isipan ng
"You're in love, kuya."
I almost jumped after hearing my brother's voice. I turned to my side and found him standing there. Seryoso ang kanyang facial expression habang nakatitig sa 'kin.
"Kailan ka pa dumating, Brix?"
"What do you think, kuya? Kung kararating ko lang, do you think I would find out that you were smiling because of Stephanie? Kung kararating ko lang ba, I would still see you looking like a mad man, staring at nothing while thinking of her?"
"Little bro, baka may superpower kang maging invisible. Ipaalam mo naman para hindi ako nasusurpresa sa biglaan mong pagsulpot. Ni hindi ko naramdaman ang presensya mo." Lumapit ako sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. Pinalo niya ang kamay ko. "You're wrong, Brix. I am not in love with her. And it's not her I was thinking of, it's something you have no idea about. Matalino ka, little bro, but when it comes to love, you still have so much to learn."
In love daw ako? Seriously? Ako? In love kay Stephanie? No! Siya nga, gusto niya lang ako, tapos in love na ako sa kanya? Impossible!
"Yeah, right. I hate to admit it, pero marami pa nga akong kailangang matutunan. I may have the brains, but I don't know everything."
"Tama ka diyan, little bro." Guguluhin ko sana ulit ang kanyang buhok, ngunit nakalayo siya sa 'kin.
"But I was not wrong, kuya. You are really in love with that girl." Nangunot ang aking noo. Makikipag-debate pa yata siya sa 'kin about dito. "Siya talaga ang laman ng isip mo kanina. Aminin mo na, kuya."
"Okay." Napabuga ako ng hangin. "Yeah, it's really her, but - "
"Then, you really love her!"
"I don't! Sobrang bilis naman!" Medyo tumaas ang aking boses.
"Kuya, mas mabilis ma-in love ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Mas halata lang ang mga babae kapag nai-in love. Tayo kasing mga lalaki, we are more capable to hide our feelings. The girls? They are good at pretending. They can fake smiles and force laughters kahit gusto na nilang umiyak, sumigaw at umaktong parang baliw."
"Talaga?" He nodded his head. "Pero little bro, nagkakamali ka. Hindi ako in love sa kanya, okay?!"
"Maybe you like her?"
I shook my head. "No, I also don't like her. Siya ang may gusto sa akin."
"Crush mo siya?"
I was about to shake my head when a thought crossed my mind. "Maybe? Crush means hinahangaan, 'di ba? You admire the person, gano'n? Sige, crush ko na siya. Okay na?"
"Masyado kang defensive, kuya. Tine-test lang kita. And because of your exaggerated response, I have proven that you are really in love with her."
Mas kumunot ang aking noo.
"Joke." Nothing changed on his face.
"So, binibiro mo lang ako?" He nodded. Ginulo ko ang buhok niya and this time, hindi siya nakaiwas. "Huwag mo nang uulitin 'yon. Hindi ka talaga magaling magbiro, Brix. That's one of your weaknesses. Kinabahan ako, ah."
"Kinabahan?" He looked at me like a detective. "Baka in love -"
Tinakpan ko ang kanyang bunganga. "Minsan talaga, nagiging talkative ka." I removed my hand when he slapped it hard. "Kanina pa naghihintay 'yong driver natin kaya tara na! Bilisan mong maglakad!"
May mga bagay talaga na kahit gaano pa ka-obvious ay nahihirapan tayong aminin sa mga sarili natin. Maybe it's because we think that's the best thing to do. Or maybe we are just too afraid of the things that are possible to happen once we accept the truth.
Sabihin man nating mas gusto nating masaktan na alam ang katotohanan, sa reyalidad, mas pipiliin nating lumigaya sa kasinungalingan. Normal na 'yon sa mga tao lang na kagaya natin na puno ng takot at pangamba. That's why at times, we are being dominated by our fears, choosing to close our eyes and escape from the truth. Kahit pa alam nating hindi tayo makatatakbo habambuhay.
It's just that . . . what you don't know just can't hurt you . . .
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top