Chapter 19
James' Point of View
AFTER SHE saw what she saw, she ran away and disappeared. That moment, I really wanted to push Trixie and chase her. I wanted to explain, to make it up to her. But I didn't. I had no enough courage to do that.
When she was gone, Trixie stopped kissing me and smirked. "Let's go, babe," she said.
At ang ginawa ko naman ay tingnan ang bahay nina Stephanie, kung saan siya pumasok, tumango, at umalis kasama niya. Bukod kasi sa wala akong lakas ng loob na harapin siya't ipaliwanag ang lahat, naging blangko na naman ang aking utak. I didn't know what to do and say to her. Kaya pinili kong umalis muna at hayaang matapos ang gabing 'yon.
Wala akong kaalam-alam na pagkatapos ng araw na 'yon, wala na akong pagkakataon para ayusin ang lahat. Ang ginawa ko'y isa sa mga pinagsisihan ko sa huli.
"James, we're here para magpakasaya. Bakit ba ganyan ka mula pa kanina?" tanong ni Trixie.
We were at Liam's house. Siya 'yong lalaki, na kaibigan ni Trixie, na nagpa-birthday party sa kanyang bahay kung saan ako dumalo. Ngayo'y nagpa-party na naman siya sa kanyang bahay at hindi ko alam kung bakit. Tingin ko, ganito ang ginagawa niya sa tuwing nais niyang magsaya. Trixie invited me to go here with her. At dahil gusto kong makalimot muna kahit sandali lang, pumayag ako.
Ngunit sa halip na mangyari ang nais kong mangyari, mas naalala ko lang ang mga bagay na nais ko munang alisin sa aking isipan. Magmula nang dumating kami rito, nakaupo lang ako at nakatitig sa kawalan. I was thinking about everything that happened that day. Iniisip ko isa-isa ang pagkakamaling ginawa ko.
Pagkauwi ko sa bahay noong gabing 'yon, sinubukan akong kausapin nina mom at dad. Pagdating na pagdating ko, ang unang sumalubong sa akin ay ang seryoso nilang mga mukha at ang marami nilang tanong. They wanted to know what happened and why I didn't show. But I didn't explain. I didn't even answer any of their questions. Ang sabi ko sa kanila, pabayaan muna nila ako dahil gusto kong mapag-isa at kailangan ko nang panahon upang pag-isipan ang mga bagay-bagay.
Ginawa naman nila 'yon. Kahit ramdam kong gustong-gusto na nilang marinig ang paliwanag ko, hindi na sila nagtanong pa ulit. Habang ako'y sinusubukang pigilan ang mga tanong sa pagkabuo sa isip ko. I had been doing that because I didn't want to realize how stupid I was. Pero kahit subukan ko pa nang subukan, hindi ko kayang hindi pansinin ang mga tanong na gumugulo sa isip ko.
Tama bang pinaniwalaan ko si Trixie at mas pinili ko siyang puntahan kaysa si Stephanie? Tama bang hindi ako gumawa ng paraan upang makahabol dahil kailangan ako ng girlfriend ko? Tama bang hinayaan kong halikan ako ni Trixie sa harapan ng best friend ko? Tama ba ang ginawa kong hindi paghabol at pagpapaliwanag sa kanya? At bakit ko siya sinaktan, bakit?
Ang mga tanong na 'yon, ilan lamang 'yon sa libo-libong tanong sa utak ko na humahanap ng kasagutan.
Gusto kong sisihin ang girlfriend ko. Honestly, galit ako sa kanya. Hindi ko talaga gusto ang ginawa niya. At gustong-gusto ko talaga siyang sigawan matapos kong mapagtanto na siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng 'yon. But I couldn't do that. Hindi ko siya maaaring sigawan at sisihin dahil maaaring masaktan ko rin siya. Ayoko nang makapanakit pa ulit. At saka kung iisipin kong mabuti, ako lang naman talaga ang dapat sisihin dahil ako ang nagdesisyon. Ako ang pumili ng ginawa ko.
Ang gulo-gulo na ng utak ko. Sobra talaga akong naguguluhan. Hindi ko pa nga alam kung tamang ipagpatuloy pa namin ang relasyong ito, tapos may dumagdag na namang problema.
"James, ang lalim ng iniisip mo, mas malalim pa yata sa pagmamahal mo para sa akin. Anuman 'yan, just forget it. Ngayon, magpakasaya ka muna. Marami ka pa namang time para--"
"Trixie, bumalik ka na lang sa pagsasayaw. Right now, all I want is to be alone. Please huwag mo muna akong kausapin o guluhin," tugon ko na naging dahilan upang halos mapanganga siya.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "What?! So panggugulo ang tawag mo sa ginagawa ko? Gusto lang naman kitang maging masaya, ha. Pero sa halip na ma-appreciate mo ito, 'yan pa ang sasabihin mo sa akin? Ano ba ang problema mo, James? Ha?! Mula noong magtampo ang ma-drama mong kaibigan sa gabi ng birthday niya, palagi ka nang wala sa sarili. Palaging malalim ang iniisip mo. Mukha kang malungkot at matamlay. Tapos wala ka nang energy sa tuwing kasama mo ako. Ano ba, James?! Sabihin mo nga sa akin, who do you really love: ako or 'yong best friend mo?"
Nagsalubong na rin ang aking mga kilay. "Eh ikaw, what's your problem? You heard what I said, didn't you? Ang sabi ko, gusto ko munang mapag-isa! Bakit ba hindi mo maibigay ang simpleng bagay na 'yon sa akin, ha?" naiinis na sabi ko.
"Sagutin mo muna ako!" sigaw niya. "Mahal mo ba talaga ako o hindi?"
"What if I tell you that I don't?" Ang masamang ekspresyon sa kanyang mukha ay mas sumama pa. She was speechless. I looked away. "Huwag muna tayong mag-usap. Kung pipilitin nating mag-usap, maaaring matapos ang relasyon natin ngayon."
After that, she became silent. She didn't talk again. Uminom na lang siya ng alak habang nakaupo sa tabi ko. Ako nama'y nakatingin lang sa malayo at ipinagpatuloy ang pag-iisip tungkol sa mga bagay na kailangan kong pag-isipan nang mabuti.
Akala ko'y hindi na kami magtatalo ulit, ngunit nagkamali ako. Muli na naman kaming nagtalo, ngunit ngayon, ang dahilan ay ang pagtutulak niya sa aking uminom ng alak.
"James, drink, oh," sabi niya. Muntik nang matapon ang alak na nasa basong hawak niya. Halos pumikit na rin ang kanyang mga mata. Halatang lasing na lasing na siya. "Kahit isang beses lang, uminom ka na. Dali!"
Umiling ako. "Ayoko, hindi ako umiinom at ayaw kong subukan."
Inilapit niya sa aking mukha ang basong hawak niya. "Uminom ka please. We're here para mag-party kaya huwag ka nang killjoy. And if you love me, gagawin mo ang gusto kong gawin mo. Drink ka na. Patunayan mong ako ang love mo at hindi 'yong ma-drama at mang-aagaw mong best friend."
Because of what she said, my forehead furrowed. I didn't like what I heard. "Mang-aagaw? Kailan pa naging mang-aagaw si Stephanie? At ano'ng inagaw niya sa 'yo?"
"Bakit? Mang-aagaw naman talaga siya, ah! At ikaw, ikaw ang inagaw niya sa akin!" Mas inilapit niya ang baso sa akin. "Uminom ka na nga lang. Patunayan mong kahit malandi siya, hindi nagtagumpay ang plano niya na agawin ka mula sa akin. Shi-ge na, James."
"Hindi malandi ang best friend ko!" sigaw ko. Mabuti't malakas ang tugtog dito dahil kung hindi, may nakaalam na nag-aaway kami. "At hinding-hindi ako iinom ng alak para sa 'yo. Kung mahal mo talaga ako, hindi mo ako pipiliting gawin ang bagay na ayaw kong gawin. At kung mahal mo talaga ako, gugustuhin mong mapabuti ako at hindi 'yong ikaw pa ang nagtutulak sa aking gumawa ng hindi maganda." Kinuha ko 'yong baso mula sa kanya at inilagay 'yon kung saan hindi niya ito maaabot.
Pagkatapos no'n, tuluyan nang pumikit ang kanyang mga mata. Mukhang nakatulog na siya dahil sa sobrang kalasingan. Napagdesisyunan kong ihatid siya. Tinanong ko kay Liam kung ano ang address niya, at hindi naman siya nagdalawang-isip na ipaalam sa akin 'yon. Wala siyang ginawa habang kami ay bumibiyahe kundi ang matulog. Matagal ang aming naging biyahe. Hindi ko inakalang medyo malayo pala ang tinitirhan niya.
Mas hindi ko inakalang sobrang laki ng bahay na tinitirhan niya. The house I saw was bigger than ours. It was also more amazing. Na-sorpresa talaga ako matapos ko 'yong makita.
Niyugyog ko ang balikat niya upang gisingin siya. "Trixie, nandito na tayo. Wake up."
Agad naman niyang ibinukas ang kanyang mga mata at sinimulang ilibot ang kanyang paningin sa paligid. "Hinatid mo ako?" tanong niya.
I nodded my head. "Yeah. Ano, okay ka na ba ngayon? Akala ko, sobrang lasing ka na at kakailanganin pa kitang buhatin."
Napangiti siya. "Okay na ako. Sige, salamat sa paghatid mo." Akala ko'y lalabas na siya, ngunit hinalikan niya muna ako. "Bye!" Kakabukas niya pa lang ng pinto ay napahinto na siya at lumingon sa akin. May ngisi sa kanyang mukha. "Pwede bang pumasok ka muna sa bahay? Kahit sandali lang?"
Matapos kong marinig 'yon, nakaramdam ako ng hindi maganda. Alam ko na agad na may hindi magandang hindi mangyayari sa oras na pumayag ako. My mind told me not to go, but my body and my emotion told me to do the opposite thing. I wanted to follow my mind. But my body was stronger. Sa huli, pumayag ako kahit hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko sa loob ng kanyang bahay. Maybe I was really crazy.
You're not just immature, James! You're also out of your mind!
Noong malapit na kami sa hagdanan, umakto siya na parang nahihilo at nanghihingi. I knew she was just pretending. And I also knew what she wanted to happen.
Lumapit siya sa akin, ipinulupot niya ang kanyang braso sa aking braso, at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "James, pwede bang pa-help sa pag-akyat sa stairs hanggang sa makarating tayo sa room ko? Sige na please," sabi niya.
"S-Sige."
Baliw ka talaga!
Nang makarating kami roon, nagulat ako nang bigla niya akong itulak papalayo sa pinto. Then she locked the door and faced me with a smirk.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" Nagsimula na akong kabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Imposibleng hindi mo alam ang sagot diyan?" nakangising tanong niya.
Mas tumaas ang kaba sa aking dibdib. I didn't like how she spoke. I also didn't like her smirk. I didn't like what was happening. Ayoko nito. At mas lalong ayokong mangyari ang nais niyang mangyari sa amin.
Nilakasan ko ang aking loob. Umakto ako na parang wala akong kanang nararamdaman. "Trixie, it's already late in the evening. I need to go home now. Palabasin mo na ako."
Lumawak ang kanyang nakatatakot na ngisi. Nagmukha siyang mangkukulam sa aking paningin. "No, it's not, ang aga pa kaya. At saka bakit ba parang takot na takot ka? Kinakabahan ka rin ba? Bakit naman? Hindi mo pa nasubukang humawak ng babae, 'no? So tama nga ako, virgin ka pa?" She laughed.
Kahit kinakabahan ako, nagawa ko pang magkunot-noo. "And why are you laughing? There's nothing funny about being a virgin. I don't really understand why you all think that being a virgin is a funny thing. Nababaliw na siguro ang mga tao sa mundo."
Mas lumakas ang kanyang pagtawa. "Oo, James, marami na talagang baliw sa mundo, isa ka na sa kanila. Ang mga taong umaakto na parang malinis at hindi natutukso ay ang mga tunay na baliw," tugon niya. "To tell you the truth, when I first saw you, gusto na agad kita dahil alam ko na agad na ibang-iba ka sa mga lalaking nakilala. Isa sa mga nagustuhan ko sa 'yo ang pagiging ignorante mo. Halos lahat kasi ng lalaking nakasiping ko na, masasama talaga. Ikaw, ang buti-buti mo at para kang batang walang kahit anong alam. Sinabi ko sa sarili ko na, ako ang bubura sa pagka-inosente mo at ako ang unang magpapaligaya sa 'yo sa paraang never mo pang naranasan."
Nagsalubong ang aking mga kilay. "So 'yan talaga ang rason kung bakit ka lumapit at nakipagrelasyon sa akin? Dahil ano? Gusto mong mawala ang pagka-inosente ko at ikaw ang una kong makasiping?" I laughed, then became serious. "Ikaw ang nababaliw." Naglakad ako papalapit sa pintuan, ngunit nakaharang siya roon. "Umalis ka sa daraanan ko. Aalis na ako."
"No, you're not leaving, James. And oo, 'yon talaga ang reason kung bakit ginusto kong mapalapit sa 'yo. Pero noong simula lang 'yon, dahil ngayon, mahal na kita. Totoo ang pagmamahal ko para sa 'yo," sabi niya.
"Totoo? Eh, bakit gusto mong gawin natin ang bagay na hindi dapat? Hindi ba't nag-aral ka rin? At itinuro sa atin na ang pakikipagtalik bago ang kasal ay mali at hindi nagpapakita ng tunay na pagmamahal."
"Hindi totoo 'yon, James. Mali ang paniniwalang 'yon."
"Hindi 'yon paniniwala lang dahil katotohanan 'yon. Just because our culture normalizes what's wrong, doesn't make it right. Ang mali ay mali, kahit lahat pa ng tao sa mundong ito ay naniniwalang tama 'yon," sabi ko. "Kaya palabasin mo na ako. Kailangan ko nang umalis."
"Hindi! Sa oras na umalis ka ng hindi ako hinahawakan o hinahalikan, break na tayo. Kapag umalis ka, pinatunayan mo na ring hindi mo talaga ako mahal. Kung mahal mo ako, ibibigay mo sa akin ang bagay na magpapaligaya sa akin." I looked at her in the eye. Unti-unti siyang ngumiti. "Mahal mo ako, 'di ba?"
I stared at her and asked myself, "Do I really love Trixie?" Sinimulan kong isipin ang sagot sa tanong na 'yon. And I started to remember the moments we were together and everything we did. Noong mga sandaling 'yon, masaya ba talaga ako? And I also tried to imagine marrying her, living with her under the same roof, kissing her, making love to her, and having our own family. But it was hard for me to do that. I even closed my eyes, but I saw nothing. All I saw was darkness. At wala akong maramdaman. Wala, kahit ano.
That moment, I realized what I should've realized from the very start. I didn't love her. I didn't have feelings for her. She was not the girl God had given me. She was not the girl for me. At pagkatantong pagkatanto ko no'n, bigla kong naisip si Stephanie.
Kung noong pumikit ako upang subukang imagine-in ang future ko kasama si Trixie, wala akong makita, ngayo'y may nakikita na ako. I saw her face, her beautiful face. She was smiling at me. And I remembered all the days I was with her. Naalala ko ang lahat ng pagkakataong nasa tabi kami ng isa't isa. Sa saya at lungkot, magkasama kami. Sa hirap at ginhawa, hindi namin iniwan o tinalikuran ang isa't isa.
Unti-unting nabubuksan ang aking mga mata. Unti-unti kong nakikita ang tunay na halaga niya. Unti-unti kong nakikita ang katotohanang... mahal ko siya. She was the girl I loved. Everything was clear now. Siya talaga ang mahal ko, mula pa sa simula. Mahal ko siya hindi lang dahil best friend ko siya. Mahal ko siya dahil siya ang babaing laman ng puso ko. Siya ang babaing gusto kong makasama sa bawat minuto at oras at sa lahat ng pagkakataon. Siya ang gusto kong makasama panghabambuhay. Siya ang gusto kong pakasalan, halikan, at hawakan. Siya ang babaing gusto kong maging ina ng mga magiging anak ko. Siya lang.
I opened my eyes and said to her, "No, I don't. You're not the girl I love."
Nawala ang kanyang ngiti at unti-unting sumama ang kanyang mukha. "Ano?"
Ako naman ang ngumiti. "Hindi kita mahal. Narinig mo na ba? Pwede mo na ba akong palabasin? Pasensya na, pero hindi ko na kayang makasama ka pa ng mas matagal."
"Nagbibiro ka lang, tama?" nakangising tanong niya. I shook my head. Nagsimulang bumagsak ang mga luha niyang hindi ko napansing nabuo pala. Umiling-iling siya. "Hindi, that's not true. You're lying. Mahal mo talaga ako."
"I'm not lying, Trixie. Hindi talaga kita mahal. Wala akong feelings para sa 'yo. Mula pa sa simula."
She laughed. "Mula sa simula? Eh, bakit ka nakipagrelasyon sa akin? At saka sinabi mo sa aking mahal mo ako. Nag-e-enjoy ka rin sa tuwing magkasama tayo, 'di ba? Huwag mo nga akong lokohin. Alam kong mahal mo ako."
"I'm sorry," I said and looked down. "Everything I said and everything you saw, it was all a lie. I didn't do it because I wanted to do it, I did it because I felt obliged to. 'Yong sinabi ko na mahal kita, hindi 'yon totoo. Naguluhan lang ako kaya't hindi ko alam na pati ang sarili ko, niloloko ko na rin. At hindi talaga ako masaya no'n dahil ang totoo, mabigat ang loob ko." I lifted my head and looked at her. "I'm sorry, Trixie. Hindi ko gusto ang pagbili sa 'yo ng lahat ng gusto mo. Hindi ko gusto ang pagtsa-chat natin at pagbi-video call gabi-gabi. Hindi ko gustong makasama ka. At hindi ko gustong patuloy na maging girlfriend ang babaing tulad mo."
"Bakit?" Tuloy-tuloy ang kanyang luha sa pagbagsak. "Ano'ng dahilan?! Bakit hindi mo ako gusto?! Dahil ba hindi ako kasing-buti ng best friend na handa ka pang puntahan sa school para lang ibigay sa 'yo iniluto niya? O baka dahil hindi na ako virgin? Dahil ba roon?"
Nagsalubong ang aking mga kilay. "It's not because of that!" Tumaas na ang aking boses. "Hindi kita gusto, hindi dahil sa katotohanang hindi ka na virgin. Kung totoong mahal kita, tatanggapin kita dahil para sa akin, hindi naman 'yon kasing-halaga ng pagmamahal ko sa 'yo. But I don't love you. Why? It's because of your character! Okay lang kahit hindi ako ang unang makahahawak sa 'yo. Pero hindi ko gusto ang basta-basta mong pagbibigay ng sarili mo kung kani-kanino."
"..."
"Totoo 'yong sinabi ni Marvin, tama? You tried to seduce him! Si Troy, 'yong boyfriend ni Trixie, inakit mo rin siya. Ayokong paniwalaang kaya mong gawin 'yon, pero 'yon ang totoo. Alam ko na kung ano'ng uri ka ng babae. Noong sabihin mo sa akin na maaari kong gawin sa 'yo ang lahat ng gusto ko, napatunayan ko na na hindi ka mabuting babae. Sadyang tang* lang ako kasi kahit nakita ko na 'yon, nakipagrelasyon ako at pinaniwalaan ko pang mahal kita. Ang tang* ko, 'di ba?"
"Magbabago ako. Magiging matino na ako. Huwag mo lang akong iwan," umiiyak na sabi niya.
"Akala ko talaga, mahal kita. At 'yon ang pinaniwalaan ko. Dahil doon, hindi ko nakita ang katotohanan. Dahil din do'n, nasaktan ko ang babaing tunay kong minamahal." My tears started to stream down my face. "Pero hindi kita sinisisi. Kasalanan ko naman ang lahat. If I didn't believe that I loved you, I wouldn't have done what I have done and I wouldn't have hurt her. Ako ang dapat na sisihin."
"'Yong best friend mo talaga ang mahal mo? Sabi na nga ba, eh," umiiyak na sabi niya at naglakad papalapit sa kanyang study table at itapon ang lahat ng gamit na nandoon. "Hindi, hindi ko ito matatanggap! Hindi pwedeng makuha ng babaing 'yon ang bagay na gusto ko! James, akin ka lang!"
"Hindi, Trixie. I'm not and will never be yours!"
"Hindi!" Kinuha niya ang isang garapon at binasag 'yon.
"Trixie! Buksan mo ito!" sigaw ng boses ng isang lalaki mula sa labas. Tumigil ang pagsigaw ngunit makalipas ang ilang segundo'y biglang bumukas ang pinto. "Trixie, ano'ng nangyayari?" And we saw a man who was holding a key. Mukhang umalis muna siya sandali kanina upang kunin 'yon para mabuksan ang pinto. Tumingin siya sa akin. "Sino ka?"
"He's my new boyfriend," Trixie answered.
Nakatingin na siya kay Trixie. "At ano'ng ginagawa ng ibang lalaki sa loob ng pagmamahay ko?" He looked at and pointed to me. "At ikaw, pwedeng mag-usap tayo?"
***
"LIVE-IN-partner ka niya?" tanong ko sa kanya. "So the rumors I heard were true and Trixie lied to me? So hindi rin siya na-rape?"
Kumunot ang kanyang noo. "Na-rape? Did she told you that?" Tumango ako. "That girl, hindi na siya nagbago. Sinungaling at mapanlinlang pa rin siya."
"Gerald, I'm sorry. Sorry kung pumasok ako sa bahay mo at nahuli mo pa kaming magkasama sa kwarto niya. Pasensya ka na talaga," sabi ko.
Nagpakilala muna siya sa akin. Noong yayain niya akong makipag-usap sa kanya, hindi ako nakaramdam sa kanya. Bukod kasi sa mahinahon siyang magsalita, ramdam ko rin na mabuti siyang tao at hindi niya ako sasaktan.
"It's okay," he replied. "Do you know that this was not the first time it happened?"
My eyebrows furrowed. "What do you mean? Ibig bang sabihin, nahuli mo na siya noon na may kasamang ibang lalaki rito noon?"
He nodded. "At hindi lang 'yon. Dahil bukod sa nahuli ko silang magkasama, nahuli ko rin silang gumagawa ng milagro."
Nabigla ako. Sa mismong bahay niya, nahuli niya ang ka-live-in-partner niya na nakikipagtalik sa ibang lalaki? Well, alam ko namang hindi 'yon malabong mangyari dahil kung hindi lang ako matino kanina, baka may nangyari nang isang malaking pagkakamali sa amin ni Trixie. Thank God I woke up and was able to open my eyes.
"Nasaktan ka ba? Bakit parang hindi ka galit matapos mo kaming mahuli?"
He smiled. "Nasanay na ako, James," sabi niya. Paano niya pa nagagawang ngumiti. "At oo, nasasaktan ako. Mahal ko siya, eh. At kahit ilang beses na niya akong pinagtaksilan, kahit maraming beses ko na siyang nahuling may kasamang ibang lalaki, mahal ko pa rin siya."
"And you're thinking that you can't change it? You believe that you can't choose who you love?"
He nodded. "Oo. 'Yon naman ang totoo, hindi ba? Ang puso natin ang pumipili ng taong mamahalin nito."
"No," I replied. "That's what they say. They say you can't help who you fall for, but that's not really the case. Nasa isip mo lang talaga ang lahat at kaya mong piliin kung sino ang mamahalin mo." I sounded like my father. Talagang tumatak sa isipan ko ang lahat ng sinabi niya sa akin. Ang dami kong napagtanto.
He smiled again. "Siguro nga, pwede kong gawin 'yon. Pero ayoko na ring subukan. Magpo-focus na lang ako sa anak namin at iisipin ko na lang kung paano ko siya palalakihin, kaysa sayangin ang oras ko sa paghahanap ng true love ko." Hindi pa man ako nakapagtatanong, nasagot na niya ang aking tanong. "Two years old na ang anak namin. Fifteen si Trixie nang mabuntis ko siya at twenty naman ako."
"Limang taon ang agwat ninyo?" He nodded. "Estudyante ka pa no'n, ha. Nag-aaral ka pa rin ba hanggang ngayon?"
"Oo," tumatangong sagot niya. "Matigas din kasi ang ulo ko noon. Spoiled child din kasi ako. Kahit estudyante pa lang ako, may sarili na akong bahay at kotse. Mayaman kasi ang pamilya namin. Si Trixie naman, mahirap siya, pero napakaganda niya. Nagkunwari siyang mabait at may pakialam sa akin, tapos inakit niya ako. At dahil mangmang naman ako, naakit ako at nakagawa ako ng bagay na pinagsisihan ko lang sa dulo."
"Halos wala akong masabi," komento ko. "E di nasira ang buhay mo pagkatapos no'n?"
Umiling siya. "Hindi naman talaga nasira ang buhay ko. I regret because I love the girl who is just using me. Pero hindi ko pinagsisihan na nagkaroon ako ng anak at maaga akong naging ama. My child, he was a blessing to me. Nagpapasalamat ako at ibinigay siya ng Diyos sa akin." Tumingala siya. "Kaya nga kahit hindi maganda ang relasyon namin ng ina niya, I'm still grateful. Dahil sa kanya, mas nagkaroon ng direksyon ang aking buhay at mas nagkaroon ako ng dahilan upang mabuhay at ayusin ang sarili ko. Dahil sa nangyari, natutunan kong palaging may biyaya sa likod ng bawat pagsubok sa buhay ng tao."
"Masaya ka ba talaga?"
He looked at me. "Sometimes, I am, and sometimes, I can't help but feel sad and down. Nasasaktan din ako habang iniisip ko na walang pakialam si Trixie sa anak namin. Nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na habang abala ako sa pag-aaral at pagtatrabaho, abala naman siya sa pagsasaya kasama ang kung sino-sinong lalaki."
"'Di ba, mayaman kayo? Hindi ka na ba sinusuportahan financially ng parents mo?"
"Sinusuportahan pa rin naman nila ako, pero ang suporta nila ay hindi na katulad ng dati. Since nagkaroon ako ng anak, nagsimula na akong magtrabaho at tumayo sa sarili kong mga paa. Sinabi ko pa nga sa parents ko na huwag na nila akong bibigyan ng pera, pero ayaw nilang masyado akong mahirapan. Kaya hindi ganoon kahirap ang obligasyon ko."
"Even though I just met you, I think you're really a good man. Hindi ka lang masyadong sinwerte."
Natawa siya. "Hindi mo siya mahal, 'no? What you felt was lust and not love, am I right?" Tumango ako. "Sasabihin ko na sa 'yo, narinig ko ang halos buong pag-uusap ninyo ni Trixie. Kanina pa talaga ako nakatayo sa tapat ng pintuan niya kaya narinig ko rin ang mga sinabi mo sa kanya. . . Alam mo, noong una, pinagnasaan ko lang din siya, pero habang kasama ko siya, natutunan ko na rin siyang mahalin. Despite the fact that she always hurts me, I still love her. Para sa akin, true love is loving someone despite of her flaw, mistakes and imperfections, and not loving someone because of good things about her."
"Magkakaiba-iba talaga ang paniniwala ng mga tao, 'no?"
"Yeah," he answered, nodding. "That's one of the reasons why we're different compared to each other."
"Pwede mo ba akong payuhan? Tingin ko kasi, marami akong matutunan mula sa 'yo."
Tumango-tango siya. "Oo naman, bakit hindi? Basta ang kapalit, magkaibigan na tayo?" Tumango naman ako habang nakangiti. He thought before he spoke again, "Ganito. Matuto kang i-identify kung pagnanasa o pagmamahal ang nararamdaman mo para sa isang tao. If you just love her because of her beautiful face or body, it's not true love, it's lust. But if it's her soul, heart, and character that you love, then you really love her. Ang pagnanasa ay pansamantala mo lang mararamdaman habang ang tunay na pagmamahal ay mananatili panghabambuhay sa puso mo."
Natahimik kaming pareho. Umihip naman ang malakas na hangin.
"Pwede ka bang magsabi ng isa pa?"
He nodded. "Sige. Piliin mong mabuti ang taong seseryosohin at pakakasalan mo. Para sa lalaking katulad mo talaga ang advice na 'to, James. Ako, may anak na ako at wala na rin akong panahon para pumili. Pero ikaw, habang may panahon ka pa, dahan-dahanin at galingan mo ang pagpili." Akala ko'y tapos na siya, ngunit hindi pa pala. "And if you think you've already found the one, gawin mo ang lahat para kayo ang magkatuluyan sa huli. Give and do everything you can para ikaw rin ang piliin niya. At kapag kayo ang nagkatuluyan, huwag mo na siyang pakakawalan. Love her, forever and always. And stay forever with her."
Ngumiti ako. "Salamat..."
Nang matapos ang araw na 'yon, pumunta ako sa bahay ng lola ni Stephanie upang kausapin siya at magpaliwanag. Umasa akong maaayos namin ang kung anong mayroon kami, at magiging mas higit na ang relasyon naming dalawa. Ngunit nahuli na pala ako. Kung kailan ko napagtanto na mahal ko siya, doon siya naglaho na parang isang bula.
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top