Chapter 18
James' Point of View
I HEARD what I needed to hear, but I still didn’t know what exactly I was going to do. I didn’t know if I should break up with Trixie or not, kaya’t pinili kong huwag munang magdesisyon at hintayin muna ang susunod na mangyayari. If things got better, I wouldn’t end our relationship. But if things got even worse, I would have to end it.
Ang totoo, a part of me wanted to break up with her. But she apologized. That simple apology was enough to fix what was needed to be fixed in our relationship. For now.
“James, sorry na,” nagpapa-cute na sabi niya. She looked like a kid.
Ako nama’y nakatingin sa malayo at magkakrus ang mga braso. Ewan ko, pero parang gusto ko na lang umalis dito at iwan siya. There was something about her na nakapagpapairita sa akin.
“…”
"James, magsalita ka naman. Since we argued, friends mo na ang lagi mong kasama. Ito na nga lang ang chance na ibinigay mo, hindi mo pa ako kakausapin nang matino." Sa tono ng boses niya, halatang pinipilit niyang habaan ang kanyang pasensiya. "James, I'm really sorry for what I did. You were right, I shouldn't have said what I said about your parents. Dapat pinili kong maging honest at Hindi plastik. But I hope you understand na nagawa ko lang naman 'yon kasi my feelings were hurt. nasaktan 'yong feelings ko. Halata kasing ayaw na ayaw nila sa 'kin kahit that night lang nila ako na-meet."
Finally, I managed to look at her face. I then raised an eyebrow. "Nanghihingi ka ba talaga ng tawad or you're blaming my parents and making them look like the villain here?"
Hinawakan niya ang kamay ko, at hinayaan ko lang siya "James, sincere ang apology ko. And yes, I know I made a mistake. But please try to understand that it wasn't only me who did something wrong. Kahit hindi nila ako gusto, they should've at least tried na pakitaan ako ng maganda. Right? James, babae lang din ako. Fragile din ako gaya ng iba, madaling masaktan. Intindihin mo naman ako, oh. And please don't forget that I'm your girlfriend."
Kumunot ang noo ko. "And? You mean na dahil girlfriend kita, dapat mas matimbang ka kaysa sa parents ko? Gano'n ba?"
"No, James," she replied, shaking her head. "Hindi 'yan ang pinalalabas ko. What I'm trying to say is I'm your girlfriend kaya pakinggan mo ako at unawain mo sana ang nararamdaman ko. I'm not asking you to choose between me and your parents. I know you love them at hindi ko matatapatan ang halaga nila sa 'yo, but regardless of that fact, I'm still your girlfriend. Huwag ka sana sa isang side lang tumingin, unawain mo rin ang side ko. Nasaktan lang ako."
Pinag-isipan ko ang sinabi niya at sinubukang unawain ang nais niyang ipaunawa sa akin. Well, tama naman siya. How my parents acted that night wasn't right. I knew they didn't like her because of some reason I didn't know, but still, they should've treated her the best way they could. Lalo't siya ang girlfriend ko, ang pinakauna kong girlfriend. Mahal ko sila, ngunit nagkamali sila. Ang parents at ang girlfriend ko ay parehong nagkamali.
"Sige, pinatatawad na kita."
Dahil sa sinabi niya, naisip kong patawarin siya. Oo nga pala, babae rin siya, nasasaktan din. Ang mga babae ay talagang madaling masaktan at madalas, emosyon nila ang pinaiiral nila. Likas na 'yon sa kanila. Dapat ko siyang unawain, lalo't girlfriend ko siya.
She smiled and whispered to herself, "Sabi na nga." Then she hugged me. "Thank you, babe. Salamat at pinatunayan mong mahal mo ako at ayaw mong masira ang relationship natin."
Niyakap ko rin siya. "Thank you rin sa paghingi mo ng tawad. Basta, huwag mo nang uulitin 'yon, ha?"
"Oo naman! I love you!"
Bumalik na ang lahat sa dati. Okay na kami ulit. Ngunit hindi ako sigurado kung alin ang mas mabuti: ang magkaayos o maghiwalay kami. Sa umpisa, wala sa isip na mas okay na hindi na lang kami nagkaayos, ngunit kasabay ng paglipas ng panahon, unti-unting nabubuksan ang aking mga mata.
"James, may naghahanap sa 'yo, best friend mo raw siya," sabi ng kaklase kong si Xian. "Ayon siya, oh."
Tumingin ako sa kung saan nakaturo ang kanyang hintuturo at nagtagpuan ko ang isang pinaka-cute na babaing nakita ko na nakatayo sa may pintuan ng aming classroom. Nakangiti akong tumayo at nagtungo roon. "Hey, bakit hindi mo sinabing pupunta ka rito? Mabuti't pinapasok ka ni Manong Guard? Wala ba kayong pasok ngayon?"
"Ang dami mo namang tanong. Hindi ba pwedeng i-hug mo muna ang nag-iisa mong best friend?" nakangiting sabi niya at niyakap ko naman siya.
Nagulat siya at nanigas. Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Kahit may makakita pa sa amin, wala akong pakialam. Mahal ko siya at gusto ko 'yong iparamdam sa kanya, 'yon ang mahalaga sa mga sandaling ito. "Mahal kita, best friend ko," sabi ko't humiwalay na sa kanya.
She gave me a bigger and sweeter smile. "Siyempre, mahal din kita."
"Dahil?" Hindi ko alam kung bakit ko 'yon itinanong.
"Dahil... best friend kita. Ano pa ba?"
Hindi ba siya aamin? Wala ba siyang sapat na lakas ng loob para sabihin sa akin na hindi niya ako gusto lang dahil mahal na niya ako? Was it hard for her to say that that was not the only reason why she loved me? But what if she did, what would I say and do? Hindi ko alam. Baka masaktan ko lang siya. Mas okay pala na hindi na lang niya 'yon ginawa.
"So why are you here?"
"Ayaw mo ba?"
Niyakap ko siya ulit. "This is my answer to that question."
"Mahal mo talaga ako, 'no?" Tumango ako pagkatapos kong humiwalay. "Pero mas mahal kita. Kaya nga nagpunta pa ako rito para lang ibigay itong lunch na ginawa ko para sa 'yo." Itinaas niya ang isang bag na hawak niya. "Tuwing Saturday and Sunday na lang kasi kita nalulutuan at hindi ko rin alam kung masustansiya pa rin ang kinakain mo o hindi. Kaya naisipan kong magluto ng ginataang gulay at gumawa ng lumpiang gulay. Wala kaming pasok ngayon kasi may kailangang pag-meeting-an ang teachers."
Tinanggap ko 'yon at tiningnan ang nasa loob. May dalawang box at isang bote ng malamig na tubig doon. "Talagang nagdala ka pa ng malamig na tubig, ha," nakangiting sabi ko.
"Oo. Mainit ang panahon ngayon kaya kailangan mo 'yan," tugon niya. "Kumusta? Wala bang umaway sa 'yo? Ah! Pwede mo bang ituro sa akin kung nasaan 'yong lalaking sumuntok sa 'yo?"
Nginitian ko siya. "I'm okay, Stephanie, so don't worry about me. At hinding-hindi ko ituturo kung nasaan ang taong 'yon dahil ayokong madamay ka. At saka ayoko ring bastusin ka niya. Ayokong mapalapit sa kapahamakan ang mahal kong best friend."
Napangiti siya. "Mahal mong best friend, ha? Pero baka may girlfriend ka na kahit alam mong gusto kita?"
Nawala ang ngiti sa aking labi. Paano ko ba sasabihin sa kanya na totoo 'yon? Na kahit alam kong may romantic feelings siya para sa akin, hindi ako nagdalawang-isip na makipagrelasyon. Paano ko ito ipaaalam sa kanya? I didn't know. All I knew was I needed to let her know it as soon as possible. Kasi kung hindi ko 'yon gagawin, aasa siya at mas masasaktan lang siya sa huli. Mahal na mahal ko siya at ayokong mangyari 'yon.
"Paano kung meron na nga talaga? Mawawala na ba ang pagkagusto mo sa akin?" nakangiting tanong ko.
Her smile disappeared. She didn't expect I would say that. Mukha rin siyang nasaktan. But... she smiled. "Bakit naman 'yon mawawala? Kahit may girlfriend o asawa ka na, magugustuhan pa rin kita. Ganoon kita kagusto."
Bumigat ang pakiramdam ko at para akong biglang na-konsensya. Paano na? Gustong-gusto niya talaga ako. Mas nahirapan tuloy akong isipin kung kailan at paano ko sasabihin sa kanya ang katotohanang may girlfriend na ako.
"Pero huwag ka naman sanang maging single habambuhay."
"Gusto kita at ikaw lang ang gugustuhin ko, so bakit ako makikipagrelasyon sa iba? Kapag ginawa ko 'yon, makakapanakit lang ako ng iba. Wala akong balak gamitin ang iba para ipakita sa 'yo na okay lang ako o para mawala ang sakit na nararamdaman ko. I like you and that's all that matters. It doesn't matter gusto mo man ako o hindi. Handa naman akong maging single habambuhay."
"Minsan talaga, mapagbiro ka," natatawang sabi ko.
Her face became serious. "Hindi ako nagbibiro. I'm serious, James."
"Babe!"
Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon. We found Trixie running to us. When she was already in front of me, she gave me a hug.
"Tara na sa canteen at mag-lunch na tayo."
"Babe?"
Humiwalay sa akin si Trixie at tumingin kay Stephanie na nakatingin sa amin sa paraang hindi ko mailarawan. Expressionless ang kanyang mukha, ngunit may kung ano sa mga mata niya na talagang kakaiba at hindi ko maipaliwanag. Para siyang... nasasaktan.
Tumaas ang kilay ni Trixie. "Oo, tinawag ko siyang babe. Sino ka ba?"
Bago pa man may masabing hindi dapat si Trixie, nagsalita na ako. "Um... Stephanie, heto si Trixie, kaibigan ko. Trixie, siya si Stephanie, ang best friend ko."
"Kaibigan? Bakit hindi mo sabihin sa kanya--"
"Stephanie, totoo 'yon, kaibigan ko siya," sabi ko. Mabuti't nagawa ko pa ring magsalita kahit sobra na akong kinakabahan.
Ngumiti si Stephanie. "Ahhh," tumatangong sabi niya. "Hi, Trixie. It's nice to meet you."
Tiningnan muna ako ng girlfriend ko bago siya tumugon sa best friend ko. "It's also nice to meet you, ang best friend ng kaibigan ko."
"James and Trixie, magpapaalam na ako sa inyo. Kailangan ko na kasing umalis."
"Sige, Stephanie. Mag-iingat ka, ha?"
She just nodded.
"Bye!"
I watched my best friend walk away. Hindi ko alam kung totoo 'yong nakita ko, ngunit may nakita akong luha sa gilid ng mga mata niya. Her voice was shaky. And her smile, it looked fake. I saw her smile countless times. 'Yon siguro ang dahilan kaya alam ko na kung fake ang ngiti niya o hindi. Fake ba talaga 'yon o nagkamali lang ako?
"James, magpaliwanag ka. Sino ba talaga ang babaing 'yon? Ano ang ginawa niya rito at bakit hindi mo sinabi sa kanyang girlfriend mo ako?"
Sinimulan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat. Mukhang nakumbinsi naman siya dahil tango siya nang tango. Pero pagkatapos kong magpaliwanag, ngumisi siya at may kakaiba talaga roon. Hindi ko alam kung ano 'yon, ngunit masama ang kutob ko.
***
TODAY WAS Stephanie's birthday. And I told Trixie about that. Tingin ko kasi, kailangan ko 'yong gawin dahil siya ang girlfriend ko at dahil babae ang best friend ko. Kinailangan kong magpaalam sa kanya. Tingin ko, gano'n ang dapat na ginagawa ng isang matinong boyfriend. Gusto kong ipakita sa kanya na siya ang mahal ko at mahalaga siya sa akin.
Nasubukan ko nang ikumpara sila sa isa't isa. Hindi lang isang beses kundi maraming beses. At sa tuwing ginagawa ko 'yon, ang halos palaging lumalabas na better ay ang best friend ko. Mas maganda si Trixie at ma sexy, pero parang sa mga mata ko, mas higit ang gandang mayroon si Stephanie. Hindi ko pa tuluyang nakikita si Trixie, pero parang sigurado na ako na mas mabuting tao at babae si Stephanie. Si Trixie, maganda siya at seksi. Bukod doon, ano pa ang magagandang katangian na mayroon siya? Wala akong maisip. Si Stephanie? Hindi lang siya maganda, cute, matalino, mapagmahal, maalaga, magalang, at maunawain. Mayroon din siyang malambot na puso.
Pero ang palagi ko na lang sinasabi sa sarili ko sa tuwing nangyayari 'yon, mas lamang pa rin ang girlfriend kong si Trixie. Why? Because she was the girl I loved. Wala man sa kanya ang lahat, nasa kanya naman ang puso ko.
Siya nga ba talaga?
May maliit na tinig sa loob ng utak ko na itinatanong ang tanong na 'yon. Sa tuwing naririnig ko ang tanong na 'yon, maraming tanong ang sunod-sunod na nabubuo sa utak ko. Mahal ko ba talaga si Trixie? Baka 'yon lang ang iniisip ko, ngunit hindi naman talaga 'yon ang totoo? Siya ba ang babaing pakakasalan ko? Nakikita ko ba siya bilang mapapangasawa ko at magiging ina ng mga anak ko sa hinaharap? Magiging masaya ba ako kapag siya ang pinili kong makasama habambuhay?
At pagkatapos no'n, nagiging magulo ang lahat at hindi ko na alam kung ano ang totoo. I didn't listen to those questions or thoughts. Kahit paulit-ulit silang parang music na nagpi-play sa loob ng utak ko, sa halip na pakinggan at unawain, pinatahimik ko sila. Akala ko, 'yon ang dapat kong gawin kaya 'yon ang ginawa ko. Ngunit nagkamali na naman ako. Mali na naman ang akala ko. Siguro nga... nababaliw na ako.
"Anak, tara na."
"Opo, mom. Aayusin ko na lang po itong buhok ko."
Nakita ko sa salamin, na nasa harapan ko, ang pagngiti ni mom. "Talagang nag-e-effort ka, anak, ha. Gusto mo talagang gwapo ka kapag nakita ka ni Stephanie, 'no?"
"Siyempre naman po. Bukod po roon, birthday niya po ngayon kaya dapat lang na mag-effort ako."
"Mahal mo talaga siya, James," nakangiting sabi nito. "Sayang lang! kasi may girlfriend ka na. Akala ko talaga, siya ang magiging first girlfriend ng gwapo kong panganay. Pero may biglang dumating at sinira ang lahat. But it's okay dahil hindi pa naman kayo kasal ng babaing 'yon. Sigurado akong magigising ka rin at maghihiwalay rin kayo."
Itinigil ko ang pag-aayos sa aking buhok at hinarap si mom. "Mom, naiintindihan ko po kung bakit niyo nasasabi 'yan. Pero, mom, Trixie is my girlfriend. She's the girl I love. Sana po'y tanggapin n'yo na po 'yon at magawa n'yo na rin siyang tanggapin. Mahal ko po ang best friend ko, mahal ko rin kayo ni dad, pero mahal ko rin po ang girlfriend ko. Huwag naman po sanang sabihin 'yon, lalo na sa harapan niya."
"Mahal mo ba talaga siya, son?"
Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko inasahang maririnig ko ang tanong na 'yon. Iniiwasan ko ang tanong na 'yon dahil ayoko 'yong sagutin. "Um... Ano po..." I smiled. "Oo naman, mom. I love Trixie."
She smiled. She looked so happy. Para siyang nagtagumpay. "Sige, son! Tatanggapin ko na ang relasyon ninyo at pati na rin siya. Pero ito ang tandaan mo: hangga't hindi pa kayo kasal, maaari ka pang umatras at makipaghiwalay sa kanya," sabi nito. "Sige, hihintayin ka na lang namin ng dad mo sa baba."
Nang makaalis si mom, naupo ako sa aking kama at tumitig sa kawalan. Hindi pa lumilipas ang isang minuto nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko 'yon sa aking bulsa at binasa ang natanggap kong mensahe.
James, pwede bang puntahan mo ako rito ngayon? May nambastos sa akin at masamang-masama ang loob ko ngayon.
Matapos kong matanggap 'yon, nawala sa isip ko kung saan dapat ako pupunta. Nagmadali akong bumaba at nagpaalam sa parents ko.
"Mom and dad, mauna na po kayo roon. May kailangan po akong puntahan. Importante po ito, eh," sabi ko sa kanila.
Nawala naman ang ngiti sa kanilang mukha. "Saan 'yon, anak?" tanong ni mom.
"Saka ko na po sasabihin at ipaliliwanag. Sabihin n'yo po kay Stephanie, susunod ako. Sige po. Kailangan ko na po talagang umalis. Sasakay na lang po ako sa ibang sasakyan." Tumakbo ako at nagmadaling humanap ng masasakyan.
Nasabi na ni Trixie sa sumunod niyang message kung nasaan siya. Noong mga oras na 'yon, ang nasa isip ko lang ay siya. Ni hindi sumagi sa isip ko na birthday ngayon ni Stephanie at kailangan kong magpakita sa kanya kahit anong mangyari. Dahil doon, nasabi ko sa sarili ko na mahal ko talaga si Trixie. Siya talaga ang mahal ko.
Pagkarating ko sa lugar na sinabi niya, nakita ko siyang nakaupo sa isang upuan. Magkakrus ang kanyang dalawang braso at gano'n din ang kanyang mga hita. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatingin sa harapan. She smiled when she saw me.
Lumapit ako sa kanya at kunot-noong nagtanong. "Totoo bang may nambastos sa 'yo?"
Nawala ang ngiti niya at tumaas ang kanyang kilay. "What do you mean? You don't believe me? Tingin mo ba, nagsinungaling ako?" malungkot na sabi niya. She acted like she was about to cry.
"Hindi sa gano'n, pero--"
"Ano ba, James!" sigaw niya. "Huwag na nga tayong maglokohan dito. Napilitan ka lang bang puntahan ako rito at mas gusto mong magpakita sa best friend mo dahil birthday niya ngayon? Sino ba talaga ang mas mahalaga sa 'yo: ako o siya?"
Kumunot ang aking noo. "Ano ba'ng sinasabi mo, Trixie? Nilinaw ko na sa 'yo na kaibigan ko lang siya, hindi ba? Bakit ka ba nagkakaganyan? Tinanong ko lang kung may nambastos ba sa 'yo, and now, look at you, you're overreacting."
"Wow! So, nag-o-overreact na ako? Iwan mo na nga ako! Doon ka na sa best friend mo. Doon ka sa kanya kasi magaling siyang magluto at napaka-thoughtful niya. That's what you really want, right? Ang babaing katulad mo na napaka-bait at umaakto na parang perpekto at parang walang ginagawang masama. Siya naman talaga ang gusto mo, 'di ba?"
"Ito ba ang dahilan kaya mo ako pinapunta rito? Para masabi mo ang lahat ng 'yan? Kung oo, pasensya na pero kailangan ko nang umalis. Kailangan ko pang um-attend sa birthday party ng best friend ko," sabi ko at saka tumalikod.
Maglalakad na sana ako papalayo, ngunit niyakap niya ako mula sa aking likuran. "Please don't go, James. I'm sorry. Promise, it won't happen again. Hindi na kita aawayin. Masama lang talaga ang loob ko kasi nabastos ako ng mga lalaki kanina. Kailangan kita, James. Please dito ka lang."
Girls were really the weirdest creatures on the planet. Kanina'y ang dami niyang sinasabing hindi maganda at sinusubukan niya akong paalisin, tapos ngayo'y gusto niyang huwag akong umalis. Kung napaka-immature ko pa rin, baka iniwan ko na siya kanina pa. Ngunit siguro'y marami na rin akong natutunan na naging dahilan upang mabawasan ang immaturity sa katawan ko.
Tinanggal ko ang kamay niya sa aking tiyan at hinarap ko siya. "I'm sorry rin. Dapat inunawa muna kita. Gusto mo bang mag-usap tayo tungkol sa nangyari para mabawasan ang sama ng loob mo."
She shook her head. "Pwedeng gumawa na lang tayo ng mga bagay na tutulong para malimutan ko 'yon?"
"Katulad ng?"
She smiled. "Pagsa-shopping at pagdi-date!"
Hindi na naman ako nag-isip ng mabuti bago ako sumagot at um-oo sa kanya. Ang sabi ko sa sarili ko, I was her boyfriend and it was my obligation to help her feel better. I just did what I needed to do and what I thought I should've done.
Lumipas ang mga oras at kanina ko pa gustong sabihin kay Trixie na kailangan ko nang umalis, ngunit hindi ko magawa. Hindi maganda ang nangyari sa kanya kaya hindi ako maaaring basta umalis na lang dahil gusto ko.
Ang dami kong natanggap na message mula sa parents ko at sa best friend ko. Karamihan sa mga 'yon ay hindi ko ma-reply-an, hindi dahil wala akong oras, kundi dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Halos malimutan ko nang birthday niya nga pala ngayon dahil masyado akong naging abala.
"Babe, kanino galing 'yang message na 'yan?"
Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain ng masasarap na pagkain. Kahit mahal ang mga pagkain dito, nag-e-enjoy pa rin ako sa pagkain. Bukod sa masasarap ito, napagod at nagutom din kasi ako dahil sa paglalakad at pagsama ko sa kanya sa pagsa-shopping.
Ibinaba ko ang aking cellphone at tiningnan siya. "Huwag mo na itong intindihin. Hindi naman ito importante."
Sinabi ko 'yon dahil mukhang okay na siya at ayokong sirain ang pagkakataong ito. Gusto kong malimutan na niya ang hindi magandang nangyari kanina at maging masaya na ulit siya. I chose to ignore the messages I received because I thought that was the best thing to do. Dahil ini-spend ko ang lahat ng oras ko sa pagtulong sa kanya na makalimot, kahit gusto ko pang humabol at pumunta sa birthday party ng best friend ko, hindi ko na magagawa.
James, nasaan ka na ba? Isa-isa nang nagsisialisan ang mga bisita, anak. Pumunta ka rito, ha? Kung hindi, you're dead! Bilisan mo!
My son, you said you'd come. Don't break your promise and Stephanie's heart. Subukan mong humabol dito.
James? Makakapunta ka pa ba? Please magpakita ka ngayong araw.
I wanted to reply to her message. I wanted to type the word sorry, but I couldn't. I just couldn't. Wala akong lakas ng loob para gawin 'yon. Dahil kapag ginawa ko 'yon, parang sobrang kapal na ng mukha ko. Ang lakas ng loob kong mangakong darating ako, ngunit sa huli, hindi ko man lang nagawang magpakita sa kanya kahit sandali lang.
I hate you, James!
Hindi ko siya masisisi kung magalit siya sa akin dahil kahit ako, galit sa sarili ko. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko ginawa ang ipinangako ko, dahil binigo ko siya. At higit sa lahat, galit ako dahil sinaktan ko na naman siya.
"Gusto mo bang puntahan siya?"
Nagulat ako nang marinig ko ang girlfriend ko na itanong 'yon. Kanina ko pa gustong-gustong magsabi sa kanya tungkol doon, ngunit inunahan niya ako. Tumango ako. "Gusto ko sana, pero huli na ako."
She smiled. "Hindi ka pa huli. Pwede ka pa namang humabol ngayon. All you gotta do naman ay magpakita sa kanya, right? Sure akong mauunawaan ka niya dahil matalik kayong magkaibigan. Don't worry, 'cause I'll go with you naman and I'll explain to her everything."
"Talaga?" nakangiting sabi ko.
Nabuhay ang aking munting pag-asa. I thought that would solve the problem. I thought that would make things better. But it didn't. It just made the situation even worse.
Madilim na nang dumating kami roon dahil matagal ang aming naging pagbiyahe. Wala nang ibang tao roon bukod sa babaing nakasuot ng pinakamagandang dress sa lahat ng nakita kong dress at nakaupo sa isang upuan. Nakatingin siya sa malayo. Bagsak ang kanyang balikat. Malungkot siya at lumuluha.
Nang makita ko siyang gano'n, parang gusto ko na ring umiyak. Nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib. Parang may kumurot sa puso ko. Nagsimulang mamuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. I couldn't move. I was like a statue. At parang gusto ko na lang tumakbo at umalis. Parang hindi ko kayang lapitan siya at magpakita sa kanya. Nahihiya ako. Nasasaktan. At natatakot dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Ngunit kahit na gano'n, nilakasan ko ang loob ko upang tawagin siya. "Stephanie!" Tumigil siya sa pag-iyak at unti-unting lumingon kung nasaan ako. "Nandito na ako!"
Magpapaliwanag na lang ako sa kanya. Sasabihin ko ang totoo. Aayusin ko ito. Gagawin ko ang lahat upang hindi masira ang pagkakaibigan namin dahil sa ginawa kong pagkakamali.
Tumayo siya at hinawakan ang mahaba niyang dress. "Dumating ka," sabi niya at nagsimulang tumakbo papunta sa kinatatayuan ko.
Nabuo ang ngiti sa aking labi dahil akala ko'y magiging maayos na ang lahat. Ngunit nabigla ako nang biglang pumunta si Trixie sa harapan ko mula sa aking tabi, hawakan niya ang aking magkabilaang pisngi, at halikan ang aking mga labi. Nanlaki ang aking mga mata. Mas hindi ako nakagalaw.
Ang mga labi ni Trixie ang nakadikit sa mga labi ko, ngunit ang mga mata ko'y nasa kanya lang. Napahinto siya. She stood there with those teary eyes. She watched as Trixie kept kissing me. Nagsimulang bumagsak ang mga bagong luhang nabuo sa gilid ng kanyang mga mata. Nasasaktan siya. Sobra. Nakikita ko 'yon kahit parang napakalayo niya mula sa akin. Unti-unting nawawasak ang puso niya. Ramdam ko 'yon kahit ibang babae ang humahawak sa akin ngayon. Hindi na niya kaya. At hindi ko na rin ito kaya. Habang nakikita ko siyang lumuluha at nasasaktan, unti-unti, hindi ko namamalayan, bumabagsak na ang luha sa aking mga mata.
I closed my eyes and hoped that this was just a dream.
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top