Chapter 17
James' Point of View
I DID what I said. I stayed by her side and didn't leave her. I started to give her anything she wanted. I started to buy things she wanted and needed. Ako na rin ang bumibili ng sanitary napkin niya. Palagi kaming magka-chat at gabi-gabi naman kaming magka-video call.
Dahil pagkagising ko pa lang, cellphone ko na ang hawak ko dahil hinihintay ko ang kanyang messages, huminto ako sa pagdya-jogging sa umaga. Sa gabi nama'y hawak ko pa rin ang cellphone ko dahil kailangan kong makipag-video call sa kanya. Late na akong natutulog at madalas, kulang na kulang ako sa tulog. Dahil doon, parang bumigat bigla ang katawan ko. Tingin ko'y unhealthy na ako. Hindi na rin ako masyadong nakapo-focus sa pag-aaral ko dahil siya lang ang laging nasa isip ko. Iniisip ko ang nararamdaman niya. Nag-aalala ako at baka may mabigat siyang pinagdaraanan na hindi ko alam.
I never imagined that this would happen. I never thought that I could do those things for a girl. Ang nasa isip ko lang, mahal ko siya at obligasyon kong gawin ang lahat ng 'yon. But I knew I wasn't happy. I knew I didn't want what I was doing, but I felt obliged to do it. Kung napansin ko lang na unti-unti kong sinisira ang sarili ko, siguro'y mas maaga kong napahinto ang sarili ko. Pero sarado ang utak ko noong mga panahong 'yon dahil naniniwala akong mahal ko siya at 'yon lang ang mahalaga. Totoo ngang kung ano ang pinaniniwalaan mo, 'yon ang nagiging totoo sa paningin mo. So you should be careful what you believe because it might destroy you.
Kakatapos lang mag-discuss ng aming teacher at pagkatapos nito, may pinasasagot siyang activity sa amin. Hanggang ngayo'y nakatitig lang ako sa papel kong wala pa ring laman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung paano ako magsisimula. Simula nang gawin ang ang lahat ng obligasyon ng isang boyfriend, parang naging mahirap na para sa aking mag-isip nang tama't mag-focus sa klase.
Dahil blangko talaga ang utak ko, palihim akong sumilip sa papel ng katabi ko. He wasn't covering it. May tiwala siya sa akin. Ayokong magyabang ngunit tinitingala niya ako at bilib siya sa akin. Halos palagi niya akong pinupuri. Matalino raw ako, cool, at hindi nauubusan ng ideas. Sabi pa nga niya, hindi lang daw unrealistic na itsura ang mayroon ako kundi creative and great mind din. Ang taas ng tingin niya sa akin. At hindi ko alam kung bakit naisipan kong mandaya at gayahin ang sagot niya.
Ipinagpatuloy ko ang panggagaya sa sagot niya hanggang sa matapos ako. Noong tingnan ko siya, hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. 'Yon 'yong pagkakataong nalaman kong nahuli na pala niya akong nagtsi-cheat.
His face became serious. "Kailan mo pa natutunang mag-cheat, James? Ang isa sa pinakamagagaling na estudyante sa STEM ay nanggaya sa taong hinahangaan siya nang husto. Paano naging posible ang bagay na 'yon?"
"I'm sorry," was all I could say and I looked down like a kid who was scolded by his mother.
"James, okay lang sa akin kahit gayahin mo ang sagot ko, pero ang problema rito, nanggaya ka at mali 'yon. You are a good student, James. Magaling ka sa paningin naming lahat. Huwag mong ipagpalit ang reputation mo para sa kahit anong sagot sa activity o test."
"Sorry talaga. Hindi na kasi ako nakapagbabasa at nakapagre-review nitong mga nakaraang araw. Tapos blangko pa itong utak ko."
"Matagal ko nang napapansin na malaki ang nagbago sa 'yo, James," komento niya. "Kasama sa mga nagbago ay 'yang itsura. You don't look as good as you were. Mukha kang stressed at matamlay. Nagkaka-pimples ka na rin. Ilang beses na rin kitang nahuling natutulog sa klase na hindi mo naman ginagawa dati. Nakikita rin kitang palihim na kinukuha ang cellphone mo sa bulsa mo at nakikipag-chat-an sa babaing Trixie Guevara ang pangalan. Ang babaing 'yon, siya 'yong babaing nang-agaw sa girlfriend ng crush kong si Chelsea."
"You have a crush on her?"
He nodded. "Pero hindi 'yon ang mahalaga ngayon. Ang mahalaga ay ikaw, James. If I were you, I would stay away from the things and people that don't help me grow and get better. Alam kong girlfriend mo si Trixie, pero hindi pa huli ang lahat para makipaghiwalay ka sa kanya, lalo't hindi mo pa naman siya asawa. Layuan mo na siya habang may pagkakataon ka pa."
"How did you know that?"
"James, kalat na 'yon sa school, pati ang chismis na may nangyari sa inyo."
"What?" Sinubukan kong hinaan ang aking boses kahit gulat na gulat ako. "Paano nangyari 'yon? Sino ang nagkalat?"
He shrugged. "I don't know. But it doesn't matter 'cause it already spread," he said. "At may nangyari man sa inyo o wala, it doesn't matter. Nangyari na ang nangyari. What matters is the present and what you're gonna do. Nagkamali ka na noong nakipagrelasyon ka sa kanya, huwag mong hayaang magpatuloy ito."
"Nagkamali? Isa bang pagkakamali ang makipagrelasyon sa babaing mahal mo?"
"Mahal mo ba talaga siya? How did you know? Does she make you happy? Nakatutulong ba siya para maging better person ka? Kasi kabaligtaran ang nakikita ko, James. You don't look happy and honestly, you're getting worse."
Bigla nagsalita ang aming teacher. "If you're done, ipasa n'yo na ang papers ninyo at pwede na kayong mag-break."
He stood up. "Think about it, James." He patted me on the shoulder and gave me a smile. "Nagtitiwala ako sa 'yo at naniniwala akong pipiliin mong gawin kung ano ang makabubuti para sa 'yo." Then he walked away.
Lumabas ako at nagsimulang maglakad papunta sa canteen nang bigla akong may natanggap na message. Kinuha ko ang aking cellphone at binasa ang mensahe. It was from Trixie.
James, masakit ang ulo ko. Nag-ober da bakod ako, pwede bang samahan mo akong umuwi?
Kumunot ang aking noo. Kung masakit ang ulo niya, bakit hindi na lang niya 'yon ipinaalam sa adviser nila at nag-excuse? Bakit mas pinili niyang i-break ang isa sa rules dito sa school. Kahit nagtataka'y pinili ko pa ring puntahan siya.
Hintayin mo ako, papunta na ako.
Ginawa ko ang lahat upang walang makakita o makapansin man lang sa gagawin ko. Pumunta sa tagong lugar kung saan walang makakakita sa akin na nag-o-ober da bakod. 'Yon ang pinakaunang pagkakataon na ginawa ko 'yon, na kahit kailan ay hindi ko naisip na magagawa ko.
"Aray!" sabi ko habang nakahawak sa aking ulo. Dahil kasi sa pagmamadali ko at kakatingin ko sa paligid habang umaakyat ako sa bakod at dahil na rin sa biglaan kong pagtalon, hindi naging maganda ang pagbagsak ko. May natapakan pa akong malaking bato kaya't hindi ako naka-balanse at nasaktan ako.
"Hahaha!"
I lifted my head and looked at where the laughter was coming from. And I saw three boys who was giving me disgusting looks while laughing. Tapos napunta sa isang babae ang aking paningin. It was Trixie. Nakangisi siya, mukhang pinipigilan ang kanyang sarili mula sa pagtawa.
Kahit masakit ang aking paa at katawan, pinilit ko pa ring tumayo. Pinilit ko ring huwag silang sigawan kahit gustong-gusto ko nang gawin 'yon.
"Trixie, is he really your boyfriend? Ang layo niya sa i-dinescribe mo sa amin at sa na-imagine ko. I thought astig siya, pero lampa pala. Magandang mukha lang yata ang maipagmamayabang niya."
I gave him a deadly glare. Magsasalita na sana ako, ngunit naunahan ako ni Trixie.
"Jacob, huwag ka ngang harsh sa boyfriend ko." Lumapit siya sa akin, binigyan ako ng matamis na ngiti, at binigyan ako ng halik sa labi. At ipinulupot na naman niya ang kanyang braso sa braso ko. "Mahal ko si James at kahit siya pa ang pinaka-lampang lalaki sa mundo, hindi magbabago ang feelings ko for him."
Tiningnan ko siya at nagtanong, "So lampa ako sa 'yo?"
"Lampa ka talaga, pare."
Tiningnan ko ang nagsalita. "Hindi kita kinakausap."
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Ano'ng sinabi mo? Ano'ng gusto mo: away o gulo? Ang yabang mo, ah."
"Mayabang? Sino ba ang nang-iinsulto rito?" tanong ko sa kanila. "Eh, sino ba kayo? At bakit kasama kayo ng girlfriend ko?"
"James, huminahon ka," sabi ni Trixie sabay hawak sa dibdib ko. "Mga kaibigan ko sila, huwag mo sana silang pakitaan ng hindi maganda."
"Mga kaibigan mo sila?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo, pare. Bingi ka ba, ha?" sabi no'ng isa sa mga kaibigan niya, na pinakamaliit sa kanila. "At hindi lang kami ang lalaking kaibigan ng girlfriend mo, marami kami. You don't know that, do you? At karamihan sa amin, hindi lang basta friends ng girlfriend mo, friends with ano kami... dapat alam mo na 'yon."
Kumunot ang aking noo. "Friends with what? What do you mean by that?"
"Eh, mangmang ka pala, eh," komento niya at saka sila tumawang tatlo.
"James, huwag mong seryosohin 'yong sinabi niya. Mga kaibigan ko lang talaga sila, hanggang doon lang 'yon." Her voice sounded shaky. She was lying. "Thank you pala at pinuntahan mo ako rito kaagad. Excited na ako!" She looked so happy.
"You said you had an aching head and you were asking me to take you home. So bakit mukhang okay ka naman at masaya ka pa?" kunot-noo kong tanong at tumingin sa mga kaibigan niya. "At bakit nandito ang mga kaibigan mo?"
"Napaka-mangmang mo, pare," sabi no'ng lalaki na nagsabing hindi lang daw sila basta kaibigan ni Trixie.
"Mukhang hindi ka lang good boy, p're, innocent ka rin. Hindi pa ba obvious? Mag-a-absent tayo at magpapakasaya!"
Nagsalubong ang aking mga kilay at tiningnan ko ang girlfriend ko. "Totoo ba ang sinabi niya?"
She nodded her head. "Totoo 'yon, babe--"
"So you lied?" Inalis ko ang braso niya at lumayo ako sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin at pilit akong hinawakan. "Yes, I did. Pero ginawa ko lang 'yon dahil alam kong hindi ka sasama sa akin kapag nagsabi ako ng totoo. Sumama ka na sa amin, James. Promise, this won't happen again, ngayon lang 'to. Kailangan ko lang talagang magpakasaya ngayon para kahit papaano'y mawala sa isip ko ang mga bagay na hindi ako pinatatahimik."
"..."
"You love me, right? You said mananatili ka sa tabi ko. Please sumama ka na, samahan mo akong alisin ang problems, worries, and doubts ko ng panandalian."
I thought before I spoke, "Saan ba tayo pupunta?"
She smiled. "So sasama ka na?" Niyakap niya ako. "Thank you, babe! You're the best boyfriend on the planet! I love you so much!"
"Saan nga tayo pupunta?"
"Sa pinakamalapit na falls dito."
Akala ko'y tama ang desisyon ko na sumama sa kanila dahil ang akala ko'y nakapag-isip ako nang mabuti bago sumagot. Ngunit mali ang akalang 'yon. Kahit totoo pa na may sakit si Trixie, hindi pa rin dapat ako nag-break ng rule ng school. Kahit totoong matindi ang pinagdaraanan niya, hindi pa rin dapat ako sumama sa kanila sa falls na pinupuntahan ng mga estudyanteng lumiliban sa klase para magpakasaya roon. Noong mga oras na 'yon, sarado talaga ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang pinaka-mabuting bagay na dapat kong gawin.
Nag-bus kami papunta sa falls na sinasabi nila. Alam ko ang falls na 'yon, dahil bukod sa kilala ito sa aming lugar, paulit-ulit ko itong naririnig sa mga estudyanteng mahilig magpunta rito. Alam din ito ng lahat ng teacher sa school namin, lalo't marami na silang nabalitaan tungkol sa mga estudyanteng gumagawa ng kababalaghan dito.
Hindi ko kailanman plinanong pumunta rito. Noon, abala ako sa pag-aaral nang mabuti at sa pagsunod sa itinuturo sa akin ng mga magulang ko, ngunit ngayo'y nandito ako. Alam kong maling lumiban ako sa klase para lamang makapunta rito. Pero totoong hindi sapat na alam mo lang ang isang bagay, dapat nauunawaan mo rin ito. If you know it's wrong, don't do it. Because if you know it, but you still do it, your knowledge is a garbage.
"James, tara! Maglangoy na tayo!" sigaw ni Trixie.
"Ayoko." Nakaupo lang ako habang nag-o-obserba sa paligid at iniisip kung tama ba na sumama ako rito. Gusto ko nang bumalik sa school at mag-aral. Ayoko sa lugar na ito. Karamihan sa mga nakikita ko mukhang mga estudyante rin, ngunit hindi magaganda ang ginagawa nila. May nag-iinuman, nakikipag-away, at may nakikipaghalikan pa.
Ayoko sa ganitong klase ng lugar.
"Ayaw mo? Sige, diyan ka lang, ha? At ako nama'y mag-e-enjoy." Sinimulan na niyang hubarin ang kanyang damit.
I stopped her. "Bakit kailangan mo pang maghubad?"
"What do you want me to do? Maligo habang naka-uniform? You're funny, James."
"E di palitan mo 'yang damit mo. Basta't siguruhin mong hindi malaswang damit ang ipapalit mo. Huwag kang magpa-panty at bra lang," sabi ko.
Napansin kong karamihan sa mga babae rito'y naka-panty at bra lang. Tingin ko nama'y okay lang 'yon. Ang hindi okay ay 'yong uri ng panty at bra na suot nila, parang kinulang kasi sa tela at halos malapit nang makita ang hindi dapat makita. Gano'n na ba 'yong usong panloob ngayon? Hindi ko gusto! Disgusting!
"Why not naman? It's my body, James. Kahit maghubad pa ako rito, okay lang 'yon dahil--"
"It's not okay with me."
"Pero isa 'yon sa mga nagpapataas ng confidence ng babae. Suportahan mo na lang ako, James. Dapat nga matuwa ka pa kasi makikita mo ang katawan at makinis kong balat, eh."
"Kailangan mo bang magsuot ng gano'n para tumaas ang confidence mo? At paano naman nito napapataas ang confidence ng isang tao? I don't understand," I said. "Ang katawan mo ay para sa mga mata lang ng mapapangasawa mo. At huwag mong gawing dahilan ang katotohanang iyo ang katawang 'yan dahil hiram lang talaga 'yan. It's from God and your beauty will be shown by what you do, and not by what you wear. Umakto ka sa tamang paraan."
She laughed. "Maka-Diyos ka naman masyado, James! Hahaha!" And what was funny about that? "What do you want me to do? Balutin ang sarili ko na parang suman? Ang ganda-ganda ng katawan ko, tapos itatago ko lang--"
"'Yon na nga, eh. You've got a beautiful body, mas dapat mo 'yong itago. Ang ginto, nagiging mas maganda at tumataas ang halaga dahil hindi ito madaling matagpuan. Parang gano'n din ang katawan mo. Kapag mas maganda, mas dapat mong itago. Mas tataas ang halaga mo."
She laughed again. "Naka-depende pala diyan kung gaano kahalaga ng isang babae? Paano kung mahilig ang isang babaing magsuot ng maiikling damit dahil 'yon ang mas nagpapa-confident sa kanya? Mababa na ba ang halaga niya no'n? Akala ko ba, nagbago na ang mundo at lumawak na ang pang-unawa ng mga tao?"
"Yeah, the world has already changed. Gano'n din ang paniniwala ng mga tao. People just see what they wanna see and they believe what they wanna believe. Pero karamihan doon ay mali. And you don't need to be like them. What's wrong is wrong, kahit lahat pa ng tao ay pinaniniwalaang tama 'yon at 'yon ang ginagawa."
Saan ko na nga ba narinig 'yon?
"Itigil na nga natin 'to, James. Ayoko nang makipagtalo sa 'yo. Kahit boyfriend kita, hindi mo pa rin ako mapipigilan na gawin ang gusto kong gawin," sabi niya at saka hinubad ang kanyang damit.
I didn't know why I said those things to her. Kung si Stephanie siguro ang nagbalak na hubarin ang damit niya sa harapan ko, hindi ko siya pipigilan. Ni hindi ko rin alam kung bakit bigla siyang sumagi sa isip ko. Siguro'y hindi ko lang siya maiwasang isipin dahil ang mga sinabi ko'y natutunan ko mula sa kanya.
She was the only girl who told me things like that. Siya pa lang ang nag-iisang babaing nakilala ko na gano'n ang pinaniniwalaan. She was the best girl I had ever known. Ayoko talagang mawala siya sa akin. Gusto kong habambuhay siyang manatili sa tabi. Kaya kahit kailan, hindi ko binalak na mahalin siya gaya ng pagmamahal niya sa akin. Kung mananatili kaming mag-best friend lang, tingin ko'y hindi kami magkakahiwalay. At handa akong maging best friend niya habambuhay upang mapanatili siyang nasa tabi ko palagi.
Stephanie, I love you...
***
"JAMES, KAILANGAN mong pumunta sa principal's office. Kakausapin ka raw ng principal," sabi ni Xian, ang taong labis na humahanga sa akin, ngunit ginaya ko ang sagot niya kahapon lang.
"Bakit daw?"
"May nakahuli sa 'yo habang nag-o-ober da bakod ka."
Nagsimula akong kabahan matapos kong marinig 'yon. Alam kong totoo 'yon at mali ang ginawa ko kaya't noong mga sandaling 'yon, hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Akala ko, ang pagkakamaling ginawa ko ay hindi na lalaki pa, ngunit nagkamali na naman ako. Kung hindi lang sana 'yon totoo, hindi sana ako kinakabahan nang ganito.
"Mister James Cortez, maaari mo bang sabihin sa akin ang dahilan kung bakit mo 'yon ginawa?" Nakatingin lang ako sa ibaba at hindi nagsalita. "Marami akong naririnig na comments mula sa teachers na mabuting estudyante at binata ka raw. Ang sabi nila, bukod sa matalino at gwapo ka, gentleman ka rin at matulungin. Then why did you break one of our rules? Bakit inakyat mo ang bakod natin at lumiban sa klase?"
"I... I... I'm sorry, ma'am. Alam ko po, mali ang ginawa ko. I'm so sorry po..."
"Sorry? So it's true? Hay naku, Mister Cortez. Alam mo bang ang daming na-disappoint sa 'yo? Because of what you did, kung hindi naglaho ay nabawasan ang tiwala sa 'yo ng teachers dito."
"Patawarin n'yo po ako, hindi na po 'yon mauulit, ma'am."
"Kailangan mong papuntahin dito ang magulang mo. I need to talk to your guardian habang hindi pa ito lumalala. Your mother or father needs to know what's happening here and what you did."
I lifted my head and looked at her. "Ma'am..."
"You may go now."
Binigyan ko ito ng nagmamakaawang tingin, ngunit binigyan lang ako nito ng seryosong tingin. I stood up and turned around. Nagsimula na akong maglakad nang magsalita ito.
"I hope you've learned something, Mister Cortez."
Lumabas ako at inisip kung ano ang magiging reaksyon nina mom at dad na sa oras na nalaman nila ito. Siguradong hindi sila matutuwa. Siguradong madi-disappoint sila sa akin. Siguradong mawawala ang tiwala nila sa akin. Kasalanan ko 'to!
Akala ko'y 'yon lang ang hindi magandang bagay na naghihintay sa akin, ngunit hindi pala. Hindi ko inasahang mapapaaway ako.
"James, may nananakit sa jowa mo!" sabi ni Gio.
Nabigla ako at napatayo. "Sino?"
"We don't know his name. Mukhang may ginawa si Trixie na naging dahilan upang magalit 'yong lalaki at itulak siya nito."
Agad akong tumakbo at pumunta sa lugar kung nasaan ang girlfriend ko. Nasa canteen sila. Pagdating ko roon, nakita ko ang girlfriend ko na pinipilit tumayo habang nakahawak sa kanyang likuran. Nasa likod niya ang isang table at mukhang tumama roon ang likod niya.
"Ouch, it hurts!"
Lumapit ako sa kanya at tinulungan siya. Then I looked at the guy standing in front of us. "Why did you push my girlfriend? Tunay na lalaki ka ba? Why did you hurt a girl?"
Seryoso niya akong tiningnan. "Ikaw pala 'yong bago niyang boyfriend? What's your name? Ah, James, James Cortez. Nice name, pero isa sa mga pangalan ng lalaking nalinlang ng babaing nakakadiri na si Trixie Guevara."
Lumapit ako sa kanya. "Wala kang kwentang lalaki! Bakit mo 'yon ginawa?"
"Wala akong kwenta?" He smirked. "It's better to be worthless than to be in a relationship with a slut. And that girl deserves it. Ang pagtulak ko sa kanya ay hindi nangangahulugang masama akong lalaki. I just treated her the way she deserves."
"Nakakainis ka na, ha!" sigaw ko. Ngayon lang ako nagwala nang ganito. "Pwede bang mag-sorry ka na lang sa kanya? Ayoko ng gulo. Pero kung babastusin mo ang girlfriend ko, babasagin ko talaga ang pagmumukha mo."
"E di gawin mo. Hindi ako natatakot sa 'yo. To tell you the truth, kinaaawaan kita. Nakakaawa ka dahil ang dami namang babae sa mundo, isang slut pa ang pinili mong mahalin." Isinara ko ang aking kamao at binigyan siya ng nakamamatay na tingin. "Gwapo ka naman at siguradong marami ang magkakagusto sa 'yo, pero bakit siya ang pinili mo? Dahil ba maganda siya at maganda ang katawan niya? Nakakatawa! Maganda nga siya, nabubulok naman ang character niya. Maraming lalaki na ang nakatikim sa kanya, maghanap ka--"
I punched him in the face. Nagsimula na kaming magsuntukan. Nanood naman ang lahat ng nasa paligid namin at walang nagbalak na pigilan kami. Instead of stopping me, Trixie shouted, "Sige, James! Bugbugin mo ang lalaking 'yan! 'Yan ang deserve niya, wala talaga siyang kwenta. Gag* ka, Marvin!"
"James! Tama na!"
Mula sa kung saan, biglang sumulpot ang mga kaibigan kong sina Chris at Gio. Pinaghiwalay at pinaglayo nila kami.
Dumura si Marvin ng dugo. "Gusto mo bang malaman kung bakit ko tinulak ang nakakadiri mong girlfriend? Sinusubukan niya akong akitin! 'Yang girlfriend mo, gusto niyang makipagsiping sa akin! Baliw ka! Tang* ka, pare! Habang siya, abala sa pang-aakit sa ibang lalaki, ikaw nama'y nagpapaka-knight in shining armor at ipinagtatanggol siya! Bagay kayo! Nakakadiri kayo pareho!" sabi niya at umalis.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Binigyan ko ng hindi makapaniwalang tingin si Trixie. Dahil magulo ang isipan ko, hindi ako nagsalita at basta na lang umalis. Noong araw na 'yon, muli na naman akong naipa-principal's office. Ang problema ko'y mas lumaki dahil hindi lang ako uuwing puno ng pasa ang aking mukha, dala ko rin ang hindi magandang balita para sa pamilya ko.
"James, ano'ng nangyari sa 'yo? Nakipag-away ka sa school? Bakit?" my mom asked when I got home.
"James!"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng masigla at napaka-pamilyar na boses na 'yon. Si Stephanie. She was smiling while walking to me. And right when she saw my face, her smile disappeared. Lumapit siya sa akin, hinawakan ang aking mukha, at sinuri ito.
"Sino'ng gumawa nito? Bakit niya ito ginawa? Pupunta ako sa school n'yo at kakausapin ko ang lalaking 'yon," sabi niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi pa naman weekend, ah," sabi ko, pinipigilan ang aking sarili na mapangiti. Sobrang saya ko at nandito siya ngayon.
"Na-miss ko ang mahal kong best friend, eh. Ikaw, hindi mo ba ako na-miss."
Niyakap ko siya. Para naman siyang naging estatwa. "Siyempre, na-miss din kita. Miss na miss." Tumigil ako sa pagyakap sa kanya at ngumiti. "Parang ang tagal na nang huli kong makita ang mukha mong maganda." Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinisil-pisil ang kanyang pisngi. "Ang cute-cute mo talaga."
"Aray!" sabi niya sabay hawak sa kanyang pisngi.
Napaka-cute niya talaga. Lalo na kapag humahaba ang kanyang nguso.
"Tama na muna 'yan. Mamaya na kayo maglambingan. James, you need to explain. Pero bago ka mag-explain, kailangan muna nating gamutin 'yang sugat mo," sabi ni mom.
"Bigyan n'yo na lang po ako ng yelo na nakabalot sa towel at 'yon po ang gagamitin ko para sa mga pasa sa mukha ko. Mahapdi po kasi masyado 'yong mga pinapahid-pahid n'yo sa sugat ko."
"Ang laki-laki mo na tapos hindi mo pa kayang tiisin ang hapdi?"
Ginawa ni mom ang sinabi ko. At pagkatapos na pagkatapos no'n, sinimulan niya akong kausapin tungkol sa nangyari. Mukhang hindi na ako makatatakas pa. Pero kahit maaari akong tumakas, hindi ko 'yon gagawin. I knew that it would only make the situation even worse. At ayokong mangyari 'yon. Malaki na ang problemang ginawa ko at ayaw kong mas lumaki pa ito.
"I'm sorry for getting in trouble, mom. I know you got really disappointed and I'm sorry. Ako po ang nagsimula ng gulo, ako po ang unang nanuntok." Itinaas ko ang aking ulo upang tingnan ang mom ko. "But I just did what I did because that boy hurt my..." Napatingin ako kay Stephanie. "That boy hurt a friend of mine. Pinagtanggol ko lang po siya."
Hanggang ngayo'y hindi ko pa rin nasasabi sa kanila na may girlfriend na ako. Pero balak kong sabihin na ito. Pinag-iisipan ko pa kung kailan ko ito gagawin.
"Bakit kailangan mo pang sumali sa gulo ng iba? Pwede namang hayaan mo na lang sila at umiwas ka na lang sa gulo."
"I'm sorry, mom, pero hindi ko po kayang gawin 'yon. Tinuruan n'yo po akong maging mabuti sa kahit kanino at kahit hindi ko po kaibigan ang sinaktan niya, gano'n pa rin po ang gagawin ko."
"Tama 'yon, James," sabi ni Stephanie at hinawakan niya ang aking kamay.
I looked at her and she gave me a smile and thumbs up.
"Stephanie, nasa panig ka niya?" tanong ni mom, parang nagtatampo. "Oo na, tama ang ginawa mo. Pero may mas mabuti naman doon na maaari mong gawin. Hindi mo naman siya kailangang suntukin agad. Pagsabihan mo na lang."
"I also did that, mom. But he didn't listen to me. Sa halip, ininsulto niya pa ang girl... ang kaibigan ko po."
"Ay, ang sama naman pala niya," komento ni mom. "E di pinatatawag na ako sa school ninyo for the first time?"
I nodded my head. "Opo, eh. And it's because of two reasons." She raised an eyebrow. "One, dahil sa pakikipagsuntukan ko ngayong araw and two, dahil sa pag-o-ober da bakod ko kahapon."
"Ano?!"
***
NGAYONG ARAW ko na ipakikilala sa parents ko ang girlfriend ko. Noong isang araw, nagkaroon na ako ng sapat na lakas ng loob upang sabihin sa kanila na in-a-relationship na ako. Tandang-tanda ko pa ang reaksyon nila noong araw na 'yon. (Siyempre, wala si Stephanie noong ipaalam ko 'yon sa kanila).
"Ah, mom and dad, may aaminin po ako sa inyo..."
"Ano 'yon, James? Huwag mong sabihing pinatatawag na naman ako sa school mo?"
Umiling ako. "No, mom."
"Mabuti naman. Ayoko nang maulit pa 'yon. 'Yong pagpunta ko sa school ninyo ay dapat na ang first and last time na pupunta ako roon dahil sa kalokohan mo."
"Yes po."
"May girlfriend ka na, tama ba ako, James?" nakangiting sabi ni dad.
"How did you know, dad?"
Nanlaki ang mga mata ni mom. "May girlfriend ka na, anak?" Tumalon-talon ito dahil sa tuwa at niyakap ako. "Sobrang saya ko, anak! Sa wakas, nagawa mo nang amining mahal mo talaga ang best friend mo. Proud ako sa 'yo, anak. Masaya ako para sa inyo ni Stephanie."
"Mom, hindi po si Stephanie ang girlfriend ko."
"What?!" hindi makapaniwalang tanong niya sabay layo sa akin.
"Ang pangalan po niya ay Trixie, Trixie Guevara. She's different from Stephanie, but she's more beautiful than her. Ipakikilala ko po siya sa inyo bukas."
Pagkatapos kong sabihin 'yon, pinagpaliwanag nila ako kung bakit hindi si Stephanie ang girlfriend ko at pinagkwento nila ako tungkol sa amin ni Trixie. Ang daming nilang komento at karamihan sa mga 'yon ay hindi magaganda. Ilan na lamang sa mga 'yon ay: "Hindi pwedeng ganda lang ang meron siya. She should also know how to cook." "James, hindi dapat kayo nagmadali. Niligawan mo muna dapat siya at ipinakilala sa amin bago mo siya ginawang girlfriend mo." "Kahit hindi ko pa siya nakikita, I'm sure bakit ang personality niya." "Bago ka nakipagrelasyon sa kanya, dapat inisip mo muna ang mga payo ko sa 'yo, my son. Nakasisiguro ka bang siya na ang babaing pakakasalan mo?"
Kahit hindi pa nila siya nakikita at nakikilala, halatang ayaw na nila sa kanya. Kaya nga sobrang tindi ng kaba sa dibdib ko ngayong araw at pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang sasabihin ko.
Niyaya ko si Trixie na mag-dinner sa bahay namin. Gusto ko sana siyang sunduin, pero sa halip na gawin 'yon, pinaalam ko na lang sa kanya ang address namin. Ayaw kasi si mom na sunduin ko siya.
Heto ang sinabi niya: "James, huwag mo siyang sunduin. Kailangan mo akong tulungang magluto. Ikaw naman ang may plano ng lahat ng ito," walang kasigla-siglang sabi ni mom.
Mula pa kahapon, parang may sakit na si mom. Nawala ang kanyang sigla. She couldn't even smile at me. And it seemed that she didn't want to talk to me. Parang may sama siya ng loob at hindi ko alam kung bakit. Siguro'y hindi maganda ang pakiramdam niya.
"Pero gabi na po."
"Hayaan mo siya. Kaya naman siguro niyang bumiyahe mag-isa? Malaki na ang babaing 'yon, kaya niya ang sarili niya."
"Eh, bakit kapag si Stephanie po ang pumupunta rito, palagi n'yong sinasabing sunduin ko siya kahit may kotse naman sila at sariling driver?"
She gave me a deadly glare. "Parang kapatid mo na si Stephanie, at ang girlfriend mo? Ngayon lang namin makikilala ng dad mo. Ni wala kaming ideya sa kung ano ang pag-uugali ng babaing 'yon. Bakit kasi naghanap ka pa ng gagawin mong girlfriend sa malayo, eh nasa tabi mo naman ang tamang babae?"
'Yon ang sinabi ng mom ko. Habang nagsasalita siya, parang may mabigat ang loob niya at naramdaman ko 'yon. Para siyang galit at hindi ko alam ang eksaktong dahilan kung bakit.
Someone rang the doorbell.
"Tingnan mo kung sino ang nag-doorbell, James. Baka 'yan na 'yong sinasabi mong girlfriend mo."
"Sige po," sabi ko at nagmadaling pumunta sa gate.
After I opened the gate, the first thing I saw was the girl who was wearing something I didn't like. She wore a very revealing dress. Bukod sa maiksi ito, para itong tuwalya dahil strapless ito. She also wore make-up. I wasn't happy that I saw her, like that. I couldn't even smile. Ayokong sabihin ito, ngunit nagmukha siyang isang prostitute. At ayoko no'n, ayoko talaga no'n.
"Good evening, babe," she said and kissed me on the lips.
"Good evening," I said without smiling.
Hindi pa lang siya nakikita ng parents ko, hindi na nila siya gusto, paano pa kaya kapag nakita nila siya ngayon na ganito ang itsura?
"Good evening po," nakangiti at confident na bati ni Trixie sa parents ko.
"Oh, good evening, Miss Gorgeous." Hindi maganda ang girlfriend ko sa paningin ni dad. Alam ko 'yon. Seryoso ang mukha niya at halatang ang itsura pa lang ni Trixie, ayaw na ayaw na niya.
Seryoso rin ang mukha ni mom. She looked at my girlfriend from head to toe, then at me, and said, "Siya ba talaga ang girlfriend mo, James, o ibang babae ang nakapasok sa bahay natin?"
I tried to smile. "Siya po 'yon, mom. Siya po ang maganda kong girlfriend, si Trixie. Trixie, sila ang parents ko."
"Hi po, tito and tita na future mom and dad ko."
"Hindi ka nakasisiguro, Miss Guevara," sabi ni mom. "Maupo ka na at simulan na nating kumain. Huwag na nating patagalin 'to dahil gusto ko nang matulog at magpahinga."
Naupo na kami at magsisimula na sanang kumain, ngunit nagsalita si Trixie.
"Why puro may vegetables po ang ulam natin? Wala na po bang iba?" sabi niya sabay tingin sa amin isa-isa.
"Wala na. If you don't want to eat, okay lang naman sa amin. Pero ayaw naman naming magutom ka kaya magpapa-deliver na lang ako ng pagkain mo... prinsesa," sagot ni mom.
I tried to smile. "Mom, gusto po ni Trixie ng gulay. Actually, mahilig po siya roon. Right, babe?" I looked at her and gave her a please-say-yes look.
She smiled and looked at my parents. "Siyempre naman, kumakain po talaga ako ng gulay."
Kumain kami. Nag-usap sandali, at pagkatapos, sinamahan ko siyang lumabas sa aming bahay.
"James, bakit gano'n 'yong parents mo sa akin? Napaka-mean nila! At 'yong way nila ng pagtingin sa akin, ang sama. Para akong bato na walang halaga. Sumusobra na 'yong parents mo, James. Kung hindi lang kita mahal, baka sinagot at binastos ko na sila," sabi niya at sinipa ang mga bato sa daan.
"Eh, itong ginagawa mo, hindi pa ito pambabastos? Hindi mo nga sila sinagot kanina, pero grabe naman ang sinasabi mo sa likuran nila. Mas mabuting sinabi mo na lang na hindi mo gusto ang pakikitungo nila sa 'yo kaysa ang magpanggap ka, ngunit halos murahin mo naman sila sa harapan ko."
"James, ano ba ang sinasabi mo?" sabi niya sabay hawak sa magkabilaan kong braso.
Inalis ko ang kanyang mga kamay. "Did you think na papanigan kita at kakalabanin ko ang parents ko para sa 'yo? Kung oo, nagkamali ka," sabi ko. "Umuwi ka na. Baka kung ano pa ang masabi ko sa 'yo."
Tumalikod ako at nagsimulang maglakad papalayo.
"James, bakit parang kasalanan ko pa? Boyfriend ba talaga kita? Bakit ka nagpapaka-tang*? Can't you see na ayaw ako ng parents mo at hadlang sila sa pagmamahalan natin?!"
Pagkatapos kong makahakbang nang ilang beses, nakita ko ang parents ko na nakatayo malapit sa gate. Siguradong narinig nila ang pag-uusap namin ni Trixie.
"Kakausapin kita tungkol dito bukas, my son. Ngayon kailangan mo munang magpahinga," sabi ni dad.
***
"WHY DID you make her your girlfriend? Ano ang magandang bagay na nakita mo sa kanya? Do you love her, James? Ano'ng pinagbasehan mo?" sunod-sunod na tanong ni dad.
Kakatapos pa lang naming mag-breakfast at niyaya na ako nito agad na pumunta rito sa garden para kausapin ako tungkol sa relasyon namin ni Trixie at sa nangyari. Sumama naman ako kay dad ng hindi nagdadalawang-isip. I thought I needed this. I needed to hear what I needed to hear because I needed to know what I needed to know. Kung gusto mong matulungan ang sarili mo, pakinggan mo ang mga bagay na kailangan mong marinig.
"I think I do, dad. But I'm not sure. Paano po ako makasisiguro, eh hindi ko naman po alam ang totoong meaning ng love," natatawang sabi ko habang nakatingin sa malayo.
"You know it, James. You're just thinking that you don't," he said. "And if you're not sure you love her, why did you make her your girlfriend? Bakit ka nakipagrelasyon sa kanya?"
"Ewan ko, dad," sagot ko. "Mula pa sa simula, parang sinasabi na ng utak ko na dapat akong lumayo sa kanya, pero ang katawan at emosyon ko, kabaligtaran ang iniuutos sa akin. May nagsabi po sa akin na kapag may naramdaman daw po akong kakaiba sa tuwing nakikita ko ang isang babae, ibig sabihin in love daw ako sa kanya. Dahil may nararamdaman po ako sa tuwing magkasama kami ni Trixie na talagang kakaiba, naniwala po akong mahal ko nga talaga siya at nakipagrelasyon po ako sa kanya."
My father laughed.
My eyebrows furrowed. "What's funny, dad?"
He stopped laughing. "Ka-edad mo rin ang nagsabi sa 'yo no'n, 'no, James?" Tumango ako. He looked away. "Kayong mga kabataan talaga, pare-pareho kayo ng pinaniniwalaan tungkol sa pag-ibig. You all believe that love is a simple emotion or feeling, some kind of heat or spark. Naniniwala kayong kapag na-excite kayo, in love na kayo. Naniniwala kayong napaligaya lang kayo sandali ng isang tao, mahal n'yo na ang taong 'yon. You also believe that you can't help who you fall for. Ang mga paniniwalang 'yon? Nasa isip n'yo lang ang lahat ng 'yon. Kung nabubuhay kayo sa isang libro o palabas, totoo 'yon. But in real life? Ang lahat ng 'yon ay kasinungalingan lang."
"Then what is love, dad?"
"Love is not a simple emotion, my son. It's a commitment. Kaya nga may kasal. Sa oras na nagpakasal ang isang lalaki at babae, sumumpa silang magmamahalan sila hanggang sa sila'y mamatay. Kaya nga palaging sinasabi na sa hirap at ginhawa, magsasama ang mag-asawa dahil mawala man ang excitement, mawala man ang spark, hindi man sila maging maligaya, dapat manatili sila sa tabi ng minamahal nila. Kung wala lang ang salitang divorce, perfect na ang lahat. Ang pagmamahal, James, nasa isip lang naman ng tao 'yan. Kung iniisip mong mahal mo ang isang tao, mahal mo siya. Kung hindi, hindi mo na siya mahal. Kung ano ang iniisip at pinaniniwalaan mo, 'yon ang nagiging totoo sa 'yo."
"Wait, dad, sinasabi n'yo po ba na dapat ang pagmamahal ay katulad ng pagiging disiplinado?"
He nodded and smiled. "Tama ka, James," he said. "Discipline is doing what you need to do whether you like it or not. Gano'n din sa pagmamahal. Kahit pagod ka na, kahit iniisip mo minsan na hindi mo mahal ang isang tao, mananatili ka sa tabi niya. That is commitment. Kahit wala nang spark, hindi mo iiwan ang taong pinakasalan mo at hindi mo siya hihiwalayan."
"..."
"Kaya piliin mong mabuti ang babaing kasama mong susumpa sa harapan ng Diyos. And make sure, son, na ang babaing 'yon ay mabuti at mula sa Diyos," sabi niya sabay tingin sa akin. Ngayo'y nakatingin na kami sa isa't isa. "Choose someone like your mother. Hindi lang maganda, caring and loving din. Piliin mo 'yong babaing hindi lang sarili niya ang iniisip niya. Piliin mo 'yong babaing handa kang pagsilbihan at handang ibigay sa 'yo ang lahat ng mayroon siya dahil mahal ka niya. Piliin mo 'yong babaing hindi lang nandiyan sa ginhawa, kundi 'yong babaing sasamahan ka kahit kailan. 'Yong babaing susuportahan ka at gusto kang gawing mas mabuti o higit kaysa sa dating ikaw."
"Tingin n'yo po ba hindi si Trixie ang babaing para sa akin, dad?"
He put his hand on my shoulder and smiled. "Alam mo ang sagot na tanong mo, James. Kailangan mo lang buksan ang mga mata at isipan mo para makita ang katotohanan. Basta sinabihan na kita. Hindi ako nagkulang sa pangangaral at pagbibigay sa 'yo ng payo, anak. Basta, kapag pipili ka ng babaing mamahalin mo at pakakasalan, siguruhin mong mula siya sa Diyos at mabuti siyang babae. Dahil kung hindi ka pipili ayon doon, magiging miserable ka lang sa dulo at magsisisi ka, anak."
Kahit narinig ko na ang kailangan kong marinig, hindi ko pa rin ginawa ang kailangan kong gawin. Dahil doon, huli na ang lahat para kumilos.
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top