Chapter 16


James' Point of View

SOBRANG BILIS lumipas ng mga araw. Parang kahapon lang, pinanonood ko ang isang transferred student na nakikipag-away sa kapwa niya babae dahil sa isang lalaki, na ang pangalan ay Troy. That girl was already a friend of mine. Mas napalapit kami sa isa't isa. Well, ang friendship namin ay hindi kasing-lalim ng friendship namin ng best friend ko. But she was always acting like our relationship was more than that, like she was my girlfriend.

Tulad ngayon...

Magkakasabay kami nina Chris, Gio, Trixie, at ako na nagla-lunch. Magkatabi kami ni Trixie, at ang dalawa ko namang lalaking kaibigan ang magkatabi. 'Yon ang dahilan kaya't kanina pa nila ako binibigyan ng mga nakakaasar na ngisi. Hindi na ito bago sa akin dahil nangyayari naman ito sa tuwing pumapasok ako sa school. Palagi kasing sumusulpot si Trixie kaya't palagi rin nila akong inaasar.

I still hadn't forgotten what they said when they noticed Trixie acting like I was her boyfriend.

"James, ano'ng ginawa mo at parang ayaw nang lumayo sa 'yo ng kain-katawan-at-kain-ulong babaing 'yon?" nakangising tanong ni Gio.

Kumunot ang aking noo. Bakit parang may ibang ibig sabihin ang tanong niya. Kakaiba kasi ang kanyang ngisi. "What do you mean?"

"Naka-shoot ka na ba?"

"Naka-shoot? What does that mean?"

"Lalaki ka ba talaga, James? Ang tanda-tanda mo na tapos hindi mo alam ang ibig kong sabihin? Wala ka lang bang alam o alien ka?"

I looked at Chris when he spoke, "James, huwag mo nga kaming lokohin. Bukod sa matanda ka na, you're a boy kaya siguradong marami ka ring alam tungkol sa bagay na 'yon. Stop acting like an innocent kid."

Hinintay nila akong magsalita, ngunit hindi ko ginawa. Mas kumunot lang ang aking noo.

"Wala ka ba talagang alam?"

"Wala. At saka bakit n'yo ba ako tinatanong tungkol sa basketball? Naglalaro ako no'n, pero bihira na ngayon."

They looked at each other and laughed. My eyebrows rose. Did I say something funny?

Pinalo ni Gio ang aking braso habang patuloy sa pagtawa. "Nakumbinsi mo na kami, wala ka nga talagang alam. Hahaha!"

"Gio's question was not about basketball, James. Tinatanong niya kung naka-score ka na o may nangyari na sana inyo ni Trixie."

Pinalo ko rin sa braso si Gio. "Are you crazy? Bakit mo iniisip 'yon? Trixie's just a friend of mine. She's not my girlfriend, and not my wife. Bakit namin gagawin 'yon?"

"You're the one who's crazy, James. Ang hina na nga ng utak mo, mahina rin ang katawan mo. At magkarelasyon man kayo ng isang babae o hindi, it doesn't matter. You don't need to make her your girlfriend or wife bago mo siya makasiping. Lumawak na kasi ang pang-unawa ng mga babae ngayon. Naiintindihan na nila na hindi kailangan ang commitment para mapaligaya nila ang mga sarili nila."

"Hindi lahat ng babae ay ganyan."

Bakit ba ang bababa ng tingin nila sa mga babae? Girls are like precious stones, they should be valued. Girls are more precious than they think. They should be respected and loved. That's what they deserve, but that's not what they're getting.

"Yeah, you're right. Not all girls are like that, but most of them are, James," Chris said. "Open your eyes 'cause that's the truth. Halos wala nang babaing matino ngayon. Kaya kung ang dahilan kaya ka pa rin single hanggang ngayon ay dahil naniniwala kang may darating na tamang babae para sa 'yo, itigil mo na ang paghihintay. Because if you don't, you'll only get hurt and disappointed. Magpakasaya ka na lang. Get all the girls you want and leave them if you don't like them anymore. You're handsome, James."

He was serious. He didn't like he was joking. That was what Chris believed. Wala siyang tiwala sa mga babae. Naniniwala siyang sasaktan lang ng mga babae ang puso ng mga lalaki. Well, hindi 'yon malabo dahil nangyayari na 'yon. Girls break boys' heart, but not all girls do that. And boys also do the same. Patas lang ang mundo. Siguro'y may nangyari lang na hindi maganda sa mga kaibigan ko sa nakaraan kaya't gano'n ang tingin nila sa mga babae.

Hindi ko naman sila maaaring husgahan. I didn't wear the same shoes they wore. Kahit gaano pa ako katalino, hindi ko sila mauunawaan dahil hindi ko naman pinagdaanan ang pinagdaanan nila. Mataas ang tingin ko sa mga babae. Siguro'y totoo ang sinabi nila na tinitingnan ko ang mga babae (paminsan-minsan) ng may pagnanasa. But that didn't mean that I didn't respect them. Lalaki lang din ako. And one of the reasons why to me, girls were more precious than any precious thing in the world was the fact that I had a great mom and best friend (who were also girls). Mahal ko sila at hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung wala sila sa buhay ko. To me, girls were the weirdest creatures on the planet, but the world needs them.

"Eh, kailan mo naman balak gawin 'yon, James?"

"Gio, I will never do that with her unless she's the girl God has given me."

"Corny," he commented.

Hindi na ako nagtataka kung bakit nila naisip 'yon. Kung nakikita ko lang siguro ang itsura namin ni Trixie habang magkasama kami, baka gano'n din ang inisip ko. Every time she saw me, she always hugged me. Sometimes she also kissed me on the cheeks. Tapos madalas, nakapulupot pa ang kanyang kamay sa braso ko at 'yong paraan niya ng paghawak sa akin ay talagang ibang-iba kumpara sa kung paano dapat hawakan ng isang tao ang kaibigan lang niya.

Tulad ngayon...

Nagulat ako nang bigla kong maramdaman ang kamay ni Trixie na nakapatong sa aking hita. This was the first time she put her hand on my thigh. Hindi talaga ako komportable. I tried to act like there was nothing wrong and slowly removed her hand from my thigh. But after that, she put it on it again. I looked at her. She smirked. I smiled and tried to remove it again, but she stopped me. Wala akong nagawa kundi hayaan lang ang kanyang kamay na nakapatong doon.

"James, hindi ka ba nagsasawa sa pagkain ng gulay o prutas? Araw-araw, palaging masustansiya ang kinakain mo."

"And I don't think it's a bad thing."

"Anything that's too much is bad, James. Ang good example ay ang pagiging sobrang buti. Ang pagiging mabuting tao ay good, but if it's too much? It's bad. Gano'n din ang pagkain ng nutritious foods. Kapag sobra, masama," paliwanag niya. "At tingnan mo nga 'yang ulam mong tinola, oh. Halos wala nang karne ng manok. Parang puro sayote na lang ang nakikita ko."

"Pero gusto ko ito."

She raised an eyebrow. "Do you like it o wala ka lang choice but to eat and like it? Ang unang reason kaya kita nagustuhan ay ang pagiging good boy mo, James. Pero huwag mo ka namang maging sobrang buti. You don't need to always follow the rules. Learn how to break them, kahit minsan lang. Kapag nagawa mo 'yon, mas magugustuhan pa kita."

Iniisip ba niyang may pakialam ako sa nararamdaman niya para sa akin? Pero may pakialam ba ako o wala? I didn't know. Maybe I did? Because I liked her too? Gusto ko na ba talaga siya? I didn't know. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakatitiyak kung alin ang tamang paraan para malaman kung gusto o mahal mo na ang isang tao. But if what Gio said was true, that when you felt something really different whenever you saw someone, you were already in love, then I didn't just like her. Because that only meant that I already fell for her.

"Ayieeh!"

I gave Chris and Gio a deadly glare. Binigyan naman nila ako ng nakaaasar na ngisi.

"Akina nga 'yan." Bago ko pa malaman, kinuha na niya ang paglagyan ng aking ulam. Kinuha niya naman gamit ang kanyang kutsara ang hot dogs at longganisa at inilagay 'yon sa kinakainan ko. "'Yan ang kainin mo."

"Pero--"

Inilagay niya ang kanyang daliri sa harapan ng aking labi upang patahimikin ako. "Huwag ka nang magdahilan. And if natatakot ka na may magsumbong sa 'yo, don't worry, dahil hindi ito malalaman ng mom mo." She looked at my friends. "Hindi ba, boys?" They nodded. "At para siguradong hindi malaman ng mother mo na hindi mo inubos ang niluto niya para sa 'yo, itatapon ko na lang ito."

"No!" I shouted.

Niluto 'yon ni mom at ayokong masayang ang effort niya kaya hindi niya 'yon maaaring itapon na parang basura. Ano ba ang problema niya? Yeah, palagi ngang masustansiya ang kinakain ko, pero ginagawa ko 'yon hindi dahil napipilitan lang ako't wala akong choice kundi gawin 'yon. Ginagawa ko 'yon dahil gusto ko at alam kong makabubuti 'yon sa akin.

Who did she think she was?

"Ah, I'm sorry, James. I forgot na mom mo pala ang nagluto nito. Sige, kakainin ko na lang ito para hindi sayang."

"Trixie, may problema ka ba? We're friends at halos palagi tayong magkasama, pero hindi mo pa rin ako kilala? Mukha ba akong 'yong uri ng tao na mas pipiliing kumain ng hot dogs kaysa sa tinolang manok na luto ng mom ko?"

"James, wala akong problema, okay? Inaalala lang naman kita. Huwag kang masyadong maging good boy, lalo na kung hindi mo naman talaga 'yon gusto." She stood up. "Sandali, may bibilhin lang ako."

I watched her walk away. Kaibigan ko ba talaga ang babaing 'yon? Kailan niya kaya ako mauunawaan? Parang ang labong mangyari no'n.

"Hoy, James. Ikaw yata ang may problema, eh. Trixie was right, too much is bad, kahit ang pagiging mabuting tao pa. Pakinggan mo siya kahit minsan lang. Hindi masamang i-break mo ang rules paminsan-minsan," sabi ni Gio.

"Be nice to her, James. She's so gorgeous and she likes you. Huwag mo siyang sayangin."

"Sige, tama na kayo. But it's my life at kalusugan ko ang nakataya rito--"

"Nakataya?" sabi ni Gio sabay tawa. "Baliw ka talaga, James. Sobrang seryoso mo naman. Kung magsalita ka, parang ang tanda mo na at alam mo na ang lahat, ah. You don't even know the meaning of naka-shoot or naka-score. At saka ang pagkain mo ng hot dogs paminsan-minsan ay hindi mo naman ikamamatay."

"There are lots of things that you don't know and that you need to know, James. At hindi mo 'yon malalaman kung nakaupo ka lang diyan, nag-o-obserba, at walang kahit anong experience. Bago mo maintindihan ang isang bagay nang tuluyan, kailangan mo muna itong ma-experience."

"And what you're trying to say is?"

Si Gio ang sumagot, "Bakit hindi mo subukan ang bagay na hindi mo pa nagagawa?"

Matapos niyang sabihin 'yon, dumating si Trixie. Inilagay niya ang soft drinks na binili niya sa tabi ng aking baunan. "'Yan ang inumin mo. Hindi pwedeng water palagi ang iniinom mo," sabi niya sabay upo sa aking tabi.

"Ayieeh!"

"Ang sweet naman sa 'yo ni Trixie, James. Umamin na nga kayo, mag-jowa na ba kayo?"

I looked at Trixie and she did the same. She smiled and looked at my friends. "Oo, hindi pa ba sinasabi sa inyo ni James?"

Tumaas ang mga kilay nila. Nanlaki naman ang aking mga mata. Pare-pareho naming hindi inasahan na gano'n ang isasagot niya. I never told them that we were in a relationship. Bakit ko naman gagawin 'yon, eh hindi naman talaga kami magkarelasyon?

"Girlfriend na kita? Kailan nangyari 'yon?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at sumagot. "Noong mismong araw na may nangyari sa atin. Nalimutan mo na ba? Ah, oo nga pala, napagdesisyunan pala nating itago itong sikreto." Ipinulupot niya ang kanyang kamay sa aking braso at ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat. "Sorry, babe. Pero okay lang naman na malaman ng friends mo 'yon, 'di ba? I'm sure mapagkakatiwalaan sila at hindi nila ito ikakalat sa buong school."

"James, why didn't you tell us about it? Wala ka ba talagang tiwala sa aming mga kaibigan mo?"

"Marami kang kailangang ipaliwanag, James."

Nakataas ang kanilang mga kilay at mukhang hindi pa rin sila tuluyang nakukumbinsi na totoong may relasyon na kami ni Trixie. Wala naman kasi talaga kaming relasyon! At mas lalong walang nangyari sa amin! Why would I do that? Ni hindi ko pa nae-experience humalik at mahalikan.

"No, we're not--"

"Unawain n'yo na lang siya," sabi ni Trixie. Hanggang ngayo'y nakapulupot pa rin sa akin ang kanyang kamay. "Na-sha-shy lang siguro si James kaya pinili niyang ilihim muna ito. Ayaw niya rin kasing malaman ng iba na may nangyari sa amin."

I faked a smile and gently removed her hand from my arm. Lumayo rin ako sa kanya kaunti. Naging mas hindi ako komportable. "Chris and Gio, believe me, there's nothing--"

"Sige, uunawain ka namin. Pero sana'y sinabi mo sa amin ang totoo dahil mga kaibigan mo kami. Alam kong hindi kami mukhang katiwa-tiwala, pero hindi ka pa rin dapat naglilihim sa amin," sabi ni Gio.

Chris' face was serious. "Are you really in a relationship with her?"

I looked at Trixie and she gave me smile. What should I do? I swallowed the lump in my throat and nodded. "Totoo 'yon, Chris."

"Prove it. Kiss her in front of us."

My eyes widened. Was he serious? "Um... I can't... Ahh--"

"James."

When I turned to face her, she suddenly kissed me. And it was on the lips! My first kiss! I didn't move. Ni hindi ako kumurap. Si Trixie, halatang nag-e-enjoy siya dahil nakapikit pa siya habang hinahalikan ako. Naging blangko ang utak ko kaya't hindi ko alam noong mga sandaling 'yon kung ano ang dapat kong gawin. Hanggang sa matapos 'yon, blangko pa rin ang utak ko at nanatili akong parang estatwa sa inuupuan ko.

"Wow! That was amazing! Parang kissing scene lang sa isang drama," komento ni Gio habang nakangiti nang malawak.

"Napatunayan n'yo na ang kailangan n'yong patunayan."

I didn't know how to react and what to think. My mind was telling me that I should've pushed her away. Pero ang katawan ko, kabaligtaran ang sinasabi. Parang nag-enjoy ako at gusto ko pang maulit 'yon. Ngunit ang utak ko ay sumasalungat. Nako-konsensiya ako. Pakiramdam ko, nakagawa ako ng isang pagkakamali. Pakiramdam ko, nagtaksil ako.

Trixie gave me a smile. That smile, I didn't like it. Parang simula pa lang ito ng isang bagay na hindi ko alam kung ano. All I knew was it wasn't a good thing.

Matapos ang nangyari, ang mga kaibigan ko'y hindi na natahimik. They always brought her and that thing up. They talked about it like I wasn't with them and I couldn't hear their conversation. At ang dami nilang tanong. Para nila akong ini-interview. Minsan, nakakaya ko namang hayaan lang silang mag-usap at umaktong parang wala akong naririnig. Minsan, nagagawa kong ibahin ang topic. Ngunit minsan, hindi ko na kayang manahimik lang at wala akong magawa kundi ang sagutin sila.

"Hoy, James. Sagutin mo na kasi ang mga tanong namin. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin malinaw ang lahat," sabi ni Gio. "May nangyari ba talaga sa inyo ni Trixie? Kailan? Pwede mo bang i-kwento sa amin ang mga pangyayari noong araw na 'yon?"

"Gio, ilang beses mo na 'yang naitanong. You sounded like an investigator," I said.

"Yeah, ilang beses ko na nga 'yong itinanong. But you never answered any of those questions. Kailan ka ba magku-kwento? Nagka-jowa ka lang, naging malihim ka na."

Napaniwala na ni Trixie ang mga kaibigan ko na may relasyon kaming dalawa, at hindi ko 'yon itinanggi. Hindi ko alam, pero hindi ko magawang sabihin na hindi ko talaga siya girlfriend. Hanggang ngayo'y naguguluhan pa rin ako. Ni hindi ko pa rin alam kung tamang hinayaan ko siyang halikan ako o hindi. Hindi ko rin alam kung gusto ko siya o hindi. Siguro'y gusto kong masiguro muna kung may feelings ako sa kanya o wala bago ako kumilos. Paano kung itinaboy ko siya, tapos mapagtanto ko bigla na mahal ko na pala siya?

Ano ba kasi ang tunay na meaning ng pagmamahal? Totoo ba 'yong sinabi ni Gio? Kasi sa tuwing kasama ko si Trixie, palagi akong may nararamdamang kakaiba na alam kong hindi tama. Baka mahal ko na talaga siya?

"Sigurado ka bang tama ang desisyon mong gawin siyang girlfriend? Do you love her or you're just doing what we told you to do? Kasi kung nakipagrelasyon ka lang para magkaroon ka ng experience, mas mabuting ngayon pa lang, makipag-break ka na sa babaing 'yon," seryosong sabi ni Chris.

Pinalo siya ni Gio. Chris gave him a deadly glare. "Ano'ng nangyayari sa 'yo, Chris? Hindi ba't noong nakaraang araw, tinutulak mo si James na mag-jowa na? Sabi mo pa nga, dapat gamitin niya ang handsome face niya para makuha ang kahit sinong babaing gusto niya, at kapag nagsawa na siya, pwede na niya itong iwan."

"Noong nakaraang araw 'yon. What's past is past. Na-realize kong hindi para sa gaya ni James ang gano'ng paniniwala," sagot niya. "James, you're a good guy. Ang deserve mo ay 'yong pangmatagalang relasyon sa nag-iisang babae, at hindi maraming relasyon sa iba't ibang babae na isang laro lang at malaking pag-aaksaya ng oras. Kaya bago ka makipagrelasyon sa isang babae, siguruhin mo munang mahal mo siya at mabuti rin siya kagaya mo."

"Do you think there's still a girl like that, Chris? Hindi ba't pareho lang tayong naniniwala na manloloko ang mga babae?"

"Yeah. But this advice is for James. And he is different from us. May mabuti siyang ina at iginagalang niya ang mga babae. Kahit hindi pa ako nakakakilala ng babaing matino, may parte pa rin sa akin na naniniwala nag-e-exist ang gano'ng uri ng babae," sagot niya at muli akong tiningnan. "Kaya James, huwag kang gagaya sa amin. And if you don't love her, break up with her now."

"Hoy, Chris, ang pangit ng advice mo!" sigaw ni Gio. "James, don't listen to him. Don't break up with Trixie. Hindi ka na makahahanap ng babaing kasing-ganda at seksi niya. Siya lang ang makapagpapaligaya sa 'yo nang lubos. At saka mahal mo naman siya, 'di ba? Matapos ng nangyari sa inyo, imposible namang wala ka pa ring feelings para sa kanya?"

Gusto kong sabihin sa kanya na walang nangyari sa amin, ngunit hindi ko ginawa. "To tell you the truth, hindi ako sigurado kung mahal ko ba siya o hindi. Hindi ko alam kung ano ang tawag sa nararamdaman ko para sa kanya."

"So may nararamdaman ka para sa kanya?" nakangiting sabi ni Gio. Nakakaasar ang kanyang ngiti. "Nararamdaman mo ba 'yong kakaibang feeling na sinabi ko sa 'yo kapag nakikita mo siya?" Itinuro niya pa ako gamit ang kanyang hintuturo.

I nodded my head. "Oo, palagi."

Gumawa siya ng ingay sa pamamagitan ng pagpalo ng kanyang palad sa isa pa niyang palad. "Mahal mo na siya, James! 'Yon ang tinatawag nilang heat or spark na ang makapagpaparamdam lang sa 'yo ay ang babaing mahal mo."

"James, huwag kang maniwala--"

"Don't listen to him, James. Maniwala ka sa akin. You love Trixie. Huwag mo na siyang pakakawalan. Kayo ang itinadhana para sa isa't isa."

"Totoo ba?"

He nodded. "Oo nga!"

***

NANIWALA AKO sa sinabi ni Gio. Naniwala akong mahal ko na nga ang babaing 'yon, kahit may pagdududa sa loob ko. Dahil doon, hindi ko tinapos ang relasyon namin ni Trixie na hindi ko alam kung kailan nagsimula.

Everything was okay until I remembered something. Hindi ba't may kung ano sa pagitan nila ni Troy? Naging magkasintahan ba sila? At kung oo, naghiwalay na ba sila? Hindi ko ito naisip bago ko hayaan ang sarili kong makipagrelasyon sa kanya.

I went to their room and looked for her. Hindi ko siya nakita roon, ngunit may narinig akong pag-uusap na naging dahilan upang manatili ako roon.

"Alam mo ba ang dark past ng malanding si Trixie?" tanong ng isang babae sa kanyang kaibigan.

"May dark past siya?" She nodded her head. "Gaano naman ka-dark? I-share mo nga sa akin."

"Mula pa noon, slut na ang babaing 'yon. That girl came from a poor family and when she was fifteen, she seduced a guy na mayaman para lang maiahon niya ang sarili niya sa kahirapan."

Napatakip ng kanyang bibig ang kanyang kaibigan, halatang nabigla sa narinig niya. "Really? Ang pretty girl na katulad ni Trixie na mukhang artista ay mahirap lang? Hindi naman yata kapani-paniwala 'yan. Ang ganda kaya ng skin niya at nakikita ko rin sa posts niya sa social media, ang palagi gaganda ng suot niya roon at ang ganda rin ng bahay niya. Maraming ibang bansa na rin ang napuntahan niya."

"Totoo itong chika ko, girl. Hindi lang ako basta chismosa, imbestigador din ako, 'no. Naiinis na kasi ako sa babaing 'yon dahil kahit mababang uring babae lang naman siya, ang taas ng tingin niya sa sarili niya kaya naisip kong alamin ang itinatago niyang baho."

"Eh, saan mo nakuha 'yang information na 'yan?"

"Girl, mayaman kami. Basta may pera ka, madali mo lang makukuha ang kahit anong gusto mo. Ipagpatuloy na nga natin ang pagtsi-chika-han about sa slut na 'yon."

"Sige, sige!" Mukhang excited na excited siya.

"Alam mo bang may mas titindi ba sa bagay na 'yon?" pagpapatuloy niya. "After kasing ma-seduce ni Trixie 'yong guy, nabuntis siya. 'Yon talaga ang gusto niyang mangyari, ang mabuntis siya no'ng lalaki para may magamit siya laban sa kanya. Dahil doon, tumigil siya sa pag-aaral kaya naging repeater siya."

"What?" Ang laki ng mga mata niya at tinakpan na naman niya ang kanyang bunganga. "Ibig bang sabihin no'n, nagka-baby siya."

She nodded. "Oo. Kahit slut siya, hindi naman siguro sira ang ulo niya para ipalaglag ang sarili niyang anak," sagot niya. "Kahit grabe 'yong apoy, walang usok dahil tinulungan siya no'ng guy na itago ang nangyari. Uto-uto kasi 'yong guy at siya na ang sumuporta sa kanya financially. Siya ang nagpapaaral sa kanya, siya na rin ang bumubuhay sa kanya. At 'yong house na nakita mo sa post niya, house talaga 'yon no'ng guy. Nasa iisang bubong lang sila nakatira."

"Sobrang galing naman nilang magtago ng sikreto kung gano'n."

"But it's not a secret anymore dahil sisiguruhin kong kakalat ito. That girl deserve to suffer and to be miserable."

Naglakad ako papalayo. Sinubukan kong isipin nang mabuti ang lahat ng narinig ko. Was it true? Na si Trixie, na girlfriend ko na ngayon, ay nang-seduce ng lalaki para makaahon mula sa kahirapan? At may anak na siya?

"Oh, James. Hinahanap mo ba ako?"

Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko napansing nagkasalubong na pala kami. I just stared at her. Tinitigan ko ang nakangiti niyang mukha.

"Why are you looking at me like that? May problema ka yata. Gusto mo ba ng kiss?"

Hahalikan na sana niya ako, ngunit niya niya nagawa dahil pinigilan ko siya. I held her by the hand and said, "We need to talk."

Pumunta kami sa tagong lugar, kung saan walang makakakita sa amin at makaririnig sa aming pag-uusap.

"James, pwede mo na ba akong bitiwan? Ang higpit ng pagkakahawak mo sa kamay ko, eh," sabi niya. She looked around. "Why did you take me here? Sa tagong lugar? Nangangahulugan ba ito na handa ka na? Nagbago na ba ang isip mo at gusto mo na akong maka--"

"That's not what I want. I took you here because I want you to explain," I said. Her smirk disappeared and her eyebrows rose. "Totoo ba'ng noong fifteen ka, nang-akit ka ng mayamang lalaki at nagkaroon kayo ng baby?"

She froze. And instead of answering my question, she said, "Kanino mo nalaman 'yan?"

Binigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. "So it was true? You used your body to get what you wanted? Bakit hindi mo ito sinabi sa akin? Bakit mo pa sinabi sa mga kaibigan ko na girlfriend kita kung may sarili ka na palang pamilya?" Hindi siya sumagot. "Bakit?!"

Nanahimik lang siya.

"Trixie, mahal kita, pero ayokong sumira ng isang pamilya. Mahal kita, pero ayokong gumawa ng isang bagay na makasasakit sa isang inosenteng bata at makasisira sa kinabukasan niya. Huwag na nating ituloy 'to. Layuan mo na ako."

Aalis na sana ako, ngunit hinawakan niya ako sa braso. "No, James. Hindi tayo maghihiwalay. Hindi mo ako iiwan. Akin ka lang!"

Inalis ko ang kanyang kamay. "No, I'm not. And I love you, but you don't love me. Ang taong mahal mo ay ang sarili mo lang. Sarili mo lang ang iniisip mo. You're selfish. I'm leaving." I turned to go but she said something that made me stop.

"Na-rape ako!"

Hinarap ko siya. Halos nakaupo na siya sa lupa at nakatakip sa kanyang mga kamay sa mukha niya. Lumapit ako sa kanya. "Ano?"

"Noong fifteen pa lang ako, na-rape ako ng isang lalaking hindi ko kilala. At... 'yong nangyari, nagbunga. Nagkaroon kami ng baby."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Totoo ba ang sinasabi niya?

Tumingala siya sa akin. Lumuluha na siya. Hinawakan niya ang aking kamay. "James, believe me, hindi ko 'yon ginusto. Biktima lang ako. At oo, may anak na ako, ngunit hindi ko kailanman matatanggap ang batang 'yon. Ikaw ang mahal ko, James. Please stay by my side. Huwag mo akong iiwan. I need you."

Lumuhod ako upang magkapantay na kami at niyakap ko siya. Niyakap din niya ako. "Don't worry, hindi kita iiwan. I will stay by your side, lalo na't mas kailangan mo ako ngayon."

My mind was telling me that I shouldn't believe her and that she was lying. But my heart, it was telling me to do the opposite thing. Noong mga sandaling 'yon, hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Ngunit emosyon ko ang pinairal ko. Mabuti akong lalaki, at ang mabuting lalaki ay hindi nang-iiwan ng babaing mahal niya, lalo na kapag kailangang-kailangan siya nito.

Because of what I did, because I chose to listen to my heart and not to my brain, I made a mistake again. Bago ko pa ito malaman, unti-unti na palang lumalala ang sitwasyon.

***

"MAGDYA-JOGGING po ako, mom," sagot ko sa kanya. "Kahit po wala rito si Stephanie, ang mga turo niya, nakatatak na sa isip at puso ko. Hinding-hindi ko 'yon malilimutan."

"And it's obvious, James. Para ngang mas sinusunod mo pa siya kaysa sa akin, eh," sabi niya. "Pero hindi naman ako nagseselos. Ang totoo nga niyan, masaya ako dahil mas tumataas na ang tsansang lumevel up na ang relasyon ninyo."

I wanted to tell her that it wasn't going to happen, but I didn't. Baka masaktan kasi si mom. Siguradong mas masasaktan siya kapag nalaman niyang may girlfriend na ako. Pinaplano ko nang ipaalam 'yon at ipakilala si Trixie sa kanila. Pinag-iisipan ko lang nang mabuti kung kailan ko ito gagawin.

Mahal ko ang best friend ko, pero hindi sa parehong paraan kung paano niya ako minamahal. Mahal ko rin ang family ko, na ang gustong makatuluyan ko ay si Stephanie. But I also loved Trixie. At kailangan ko nang gawing klaro ang lahat bago pa man sila mas umasang may mangyayaring mas higit sa pagitan namin ng best friend ko.

I just smiled and said, "Sige po, alis na ako, mom."

"Bumili ka ng water mo, ha?"

"Yes, mom!"

Lagpas 6:00 AM na kaya't maliwanag na ang paligid. Araw-araw ko nang ginagawa ang pagtakbo sa umaga. Napagtanto ko kasing dapat ko talagang gawin ito dahil bukod sa kailangan ito ng aking katawan, itinuro rin ito sa akin ni Stephanie. Parang ginagawa ko rin ito dahil baka bigla siyang dumating at sermunan niya ako kapag hindi ko ito ginawa. I didn't want that to happen again. Ayoko ring makiliti ulit.

Stephanie, I miss you...

Tuwing Sabado at Linggo at kapag wala silang pasok, binibisita niya ako, pero kahit na gano'n hindi ko pa rin siya maiwasang ma-miss. Parang kulang ang dalawang magkasunod na araw na kasama ko siya. I wanted to be with her, always. Gusto kong araw-araw kaming magkasama. 'Yon ang dahilan kaya't kinukumbinsi ko siya noon na mag-aral na parehong school na pinag-aaralan ko at doon na lang siya tumira sa bahay. Ang problema lang, ayaw niya dahil sa lola niya at nauunawaan ko naman 'yon.

Malayo na ang natakbo ko. Sa hindi kalayuan, may nakita akong isang babae na nakaupo. Mukhang umiiyak siya. Naisip kong lapitan siya. Bumili ako ng dalawang bote ng tubig at saka ako naglakad papalapit sa kanya.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at iniabot 'yon sa kanya. Tinanggap niya naman 'yon. "Heto, oh, miss, tubig," sabi ko sabay abot naman ng tubig. Naupo ako sa kanyang tabi at uminom ng tubig. Dahil nasa kanya ang aking panyo, kamay ko na lang ang ginamit kong pampunas ng mukha kong puno ng pawis.

"Salamat dito." Pinunasan niya ang kanyang mukha at saka uminom ng tubig.

Pinagmasdan ko siya. Mukha siyang mas matanda sa akin. She had a pretty face, but she didn't look okay. She looked pale. Para siyang may sakit. Ang dark din ng ibaba ng kanyang mga mata, nagpapakitang stressed siya at kulang siya sa tulog. Mukhang hindi niya masyadong naaayos ang sarili niya. Siguradong mabigat ang pinagdaraanan niya.

"Miss, okay ka lang ba? Oo, stranger ako, pero pwede kang magkwento sa akin. Promise, I won't tell anyone what you're gonna tell me. Mapagkakatiwalaan mo ako."

She smiled. "Thank you..."

"James po."

"Salamat, James. Ang buti mo." nakangiting sabi niya. She looked away and took a deep breath. "Lalaki ang dahilan kaya ako nagkakaganito, pero feeling ko, mabuti kang tao at iba ka kaya't pagkakatiwalaan kita. Buntis ako."

"Talaga po?" hindi makapaniwalang sabi ko. "Congratulations, ate!" I sounded like a little kid.

"Buntis ako, ngunit ang ama ng batang dinadala ko, iniwan ako." She looked at me. Her tears started to stream down her face again. "Student pa ako, pero buntis na ako. Hindi ko alam kung biyaya ito. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong gawin. Umaasa ang pamilya ko sa akin, pero binigo ko sila. Tapos 'yong lalaking minahal ko nang lubos, iniwan lang ako. Mag-isa na lang ako ngayon. At hindi ko alam kung... paano ako babangon."

Hinayaan ko lang siyang umiyak. I couldn't say that everything was going to be fine. I didn't even know what to say, but I spoke anyway, "Why did he leave you?"

She smiled. Mapait ang kanyang ngiti. "Iniisip niyang hindi siya ang nauna sa akin, na hindi siya ang nakakuha ng virginity ko. Ang sabi niya, katulad lang daw ako ng ibang babae at ang batang dinadala ko..." Hinawakan nito ang kanyang tiyan. "...ay hindi niya anak, kundi anak ng ibang lalaki. Ang sakit, ang sakit-sakit."

"Is that the only reason why he left you? Dahil tingin niya hindi siya ang nauna sa inyo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Baliw ang gano'ng lalaki! Siguradong nagda-dahilan lang siya dahil ayaw niyang tanggapin ang responsibilidad niya."

Ano ba ang problema ng mga kapwa ko lalaki sa mundo? Ang lakas ng loob nilang makipagsiping sa babae tapos kapag nagbunga ang ginawa nila, gagawa sila ng dahilan at basta na lang tatakas? Mga duwag! Hindi sila tunay na mga lalaki! Those guys don't deserve to be loved! Pero kadalasan, ang gano'ng uri pa ng mga lalaki ang mas higit na minamahal ng mga babae.

"Kasalanan ko ito. Ang landi ko kasi, eh! Ang landi-landi ko!" Pinalo-palo nito ang kanyang ulo. "Hindi ako nakinig sa mga magulang ko. Akala ko mahal niya talaga ako at hindi niya ako iiwan. Pero tama nga si mama, sa oras na nakuha na ng lalaki ang gusto niya sa isang babae, maglalaho na lang siya na parang bula."

Dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin, hinagod ko na lang ang kanyang likuran. Habang pinakikinggan at pinagmamasdan ko siya, naalala ko si Trixie. Kahit magkaiba ang pinagdaanan nila, pareho silang biktima. Siya'y biktima lang ng isang masamang lalaki, at ang babaing ito ay biktima naman ng pag-ibig. Siguradong walang katumbas ang sakit at paghihirap na nararanasan ng mga babaing humaharap sa gano'ng klase ng pagsubok.

Mas kailangan ako ni Trixie. I needed to make her feel the love she deserved. I needed to make her feel that she deserved to be loved, no matter what her past was. Kahit ano pa ang nakaraan niya, tatanggapin at mamahalin ko pa rin siya. Kahit may namagitan pa sa kanila ni Troy, hindi pa rin ako titigil sa pagmamahal ko sa kanya. Siya ang babaing para sa akin kaya dapat ko siyang ingatan, at dapat ko ring gawin ang lahat upang hindi kami magkahiwalay. Kasama na roon ang paglimot sa nakaraang mayroon siya.

FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top