Chapter 15


James' Point of View

SABADO NGAYON at alam n'yo ba kung ano ang ibig sabihin no'n? Walang pasok! I didn't need to wake early. I could sleep until I wanted.

Kailangan na kailangan ko talagang magpahinga dahil napagod ako sa mga sunod-sunod na araw na paggising nang maaga, pagpasok sa school, pag-upo sa loob ng klase umaga mula hanggang hapon, at pakikinig sa mga boring na paliwanag ng teacher namin. It was so exhausting! Parang naubos ang lahat ng lakas ko kaya't wala pa akong balak bumangon ngayon. Ang balak ko? Matulog hanggang sa muling bumalik ang nawala kong enerhiya.

"James, gumising ka na. Magdya-jogging tayo ngayon."

Narinig ko 'yon, ngunit parang parte lamang 'yon ng panaginip ko. At kahit malakas pa ang kanyang boses, hindi pa rin ako nagising. Bukod sa pagod ako dahil sa nakapapagod na routine, sobrang late na akong natulog kagabi kaya't naubos talaga ang lahat ng lakas ko.

"Hey, wake up! Mukhang nagpuyat ka na naman kagabi, namamaga 'yang mga mata mo, oh." Ramdam kong may nakatingin sa aking mukha. "Ano ba'ng ginagawa mo sa sarili mo? Magmumukha kang zombie kung hindi mo ititigil 'yan."

Nagpatuloy ako sa pagtulog.

"James! Gising na!" Mas tumaas ang kanyang boses. "Ayaw mong gumising, ha?"

Nagulat ako at naibukas ko ang aking mga mata nang may biglang kumiliti sa akin. My best friend's smirk was the first thing I saw. At nasa ibabaw ko siya ngayon! at kinikiliti ako. I moved my body and tried to stop her. Pero sobra akong nakikiliti kaya't hindi ko siya magawang patigilin.

"Please... stop..." Nagpatuloy siya sa giangawa niya. Napapikit naman ako at hindi mapigilang matawa. "Ste...phanie... Stop! Please!"

Huminto na siya at umalis mula sa ibabaw ko. Lumayo naman ako sa kanya dahil baka bigla na naman niya akong kilitiin. Pagod na nga ang katawan ko, mas napagod pa ito. Kung hindi ko lang siya best friend at mahal, baka nasaktan ko na siya't nasuntok sa mukha pagkatapos na pagkatapos niyang itigil ang pangingiliti niya sa akin. Kapag ba bigla kang kiniliti habang natutulog ka, magagawa mong magpasensya at matuwa?

"Ano'ng pumasok sa isip mo't kiniliti mo ako?!"

"Punishment mo 'yon para sa pagpupuyat mo at hindi paggising kahit maraming beses na kitang sinusubukang gisingin," sagot niya.

"Kailangan mo ba talagang gawin 'yon? Pwede mo naman akong hawakan, tapikin, o yugyugin! Kung hindi lang kita best friend, baka..."

"Baka ano?" Nakataas ang kanyang mga kilay. "Okay, sorry. What I did was wrong. Maling inistorbo ko ang pagtulog mo at kiniliti kita. Pero hindi ko pinagsisisihan--"

"You don't? Then why did you say sorry?"

"I said it dahil tanggap at inaamin kong nagkamali ako. But I don't regret it kasi dahil sa ginawa ko, nagising ka at handa na ang katawan mo para mag-exercise."

My eyebrows furrowed. "What? Sinasabi mo bang magdya-jogging tayo?" She nodded. "That's why you got here early?" She nodded again. "Hindi! I won't exercise. Magpapahinga ako buong araw."

"Why? 'Cause you're tired? Eh, sino ang may kasalanan? It's you! Kung hindi ka sana nagpuyat, e di hindi ka mapapagod. At saka kung magpapahinga ka sa pamamagitan ng paghiga sa kama mo o pagtulog, mas mapapagod ka lang. Ang pagtulog nang hindi sapat at sobra ay parehong magpapahina sa katawan mo. You really need to exercise. Tigilan mo na rin ang pagpupuyat dahil kung hindi, you'll eventually look like a zombie. Gusto mo bang pumangit ka?"

Nagsalubong ang aking kilay. "I don't need to make an effort to stay handsome. Likas na katangian ko na ito. At kung pumangit man ako, mawawala na ba 'yong feelings mo para sa akin? Itong mukha ko lang ba ang dahilan kaya mo ako nagustuhan?"

Her face became serious. "Paano ang feelings ko para sa 'yo ang naging topic natin? At 'yon lang ba ang tingin mong dahilan kaya kita nagustuhan? Ang gwapo mong mukha? Gusto kita dahil ikaw si James Cortez. Kaya kahit mawala pa ang kagwapuhan mo, magugustuhan pa rin kita."

Napahawak ako sa aking dibdib. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko at parang nawalan ako ng hininga. Bakit ganito ang epekto sa akin ng mga sinabi niya?

"Um... Ano... Sorry. Patawad at sinabi ko 'yon. I'm sorry if I offended you, Stephanie."

She smiled. "Hindi naman ako na-offend kaya huwag kang mag-sorry," sabi niya. "Tumayo ka na diyan at palitan mo 'yang suot mong pantulog dahil magdya-jogging na tayo."

Kahit ayokong gawin ito, sumunod pa rin ako sa kanya. Gano'n naman ang palagi kong ginagawa kapag inuutusan niya ako: sinusunod ko siya. At saka dahil sa paggising niya nang maaga sa akin, nawala ang pagod ko at ayoko na ring bumalik sa pagtulog.

We were walking down the stairs when she said, "I hope next time na pupunta ako nang maaga rito, hindi na kita maaabutang natutulog kundi nakahanda ka na."

"Hindi mo naman ipinapaalam sa akin kapag pumupunta ka rito kaya paano ako makakapaghanda?"

"So you just wake up early kapag nandito ako? You should be waking up early every day, nandito man ako o wala. Kung pwede lang talagang pumunta ako rito araw-araw, gagawin ko 'yon para masigurong may disiplina ka palagi."

"Bakit hindi ka na lang kasi mag-transfer sa school ko?" tanong ko. "Kapag ginawa mo 'yon, araw-araw na tayong magkakasama. Dito ka na rin tumira. Siguradong papayag naman sina mom and dad."

"Gusto ko rin sanang gawin 'yan, but I can't, James. Kung dito ako titira, paano na si lola? Walang mag-aalaga sa kanya. Ayokong iwan sila ni daddy."

Magsasalita pa lang sana ako nang biglang lumitaw si mom. Nakarating na pala kami sa mga huling baitang ng hagdanan. "Stephanie, salamat at nagising mo 'yang si James. Alam mo bang halos palagi siyang puyat? I think dahil 'yon sa pakikipag-chat at video call niya sa 'yo gabi-gabi."

What my mother said was true. Palagi nga akong puyat at pagod dahil sa kase-cellphone ko. And yeah, may ka-chat at ka-video call ako. But it wasn't Stephanie. Si Trixie 'yon. Palagi niya akong tsina-chat o 'di kaya'y nagre-request ng video call kahit nagkikita naman kami sa school. And because I didn't want to be rude, I just replied to her messages and answered her calls.

"Po? Paano po nangyari 'yon, eh kahit kailan hindi po ako tinawagan o chinat man lang ni James?" She looked at me. May ngiti sa kanyang labi. It wasn't her usual smile. "May ka-chat ka pala gabi-gabi, James? Sino 'yon?"

Bakit gano'n 'yong boses niya, parang ang pait? Nasasaktan ba siya o ano? Mali ba na makipag-chat ako sa ibang babae? But we weren't in a relationship, we were best friends! Pero bakit kahit sabihin ko 'yon sa sarili ko, parang pakiramdam ko'y nakagawa ako ng pagkakamali?

I nodded. "Oo, pero kaibigan ko lang 'yon."

"Hindi ikaw 'yon, Stephanie?" Napatingin kami kay mom. "Akala ko it was you kasi parang sobrang nag-e-enjoy--"

"Mom, sino'ng nag-e-enjoy? Hindi ako nag-e-enjoy habang ka-chat o kausap ang taong 'yon, okay? Huwag kang gumawa ng kwento, mom." I looked at Stephanie and held her hand. "Mag-jogging na nga tayo."

Ginawa ko 'yon para hindi na muling makapagsabi pa si mom ng kahit anong bagay na maaaring makasira sa relasyon namin ni Stephanie. Ayokong isipin niyang naibabaling na sa iba ang atensyon at pagmamahal ko. She was my one and only best friend and I loved her so much. Walang makatatapat o makahihigit sa kanya. Ayoko ring masaktan siya. I hadn't forgotten that she had feelings for me.

Paano kung inisip niya na may gusto na ako o may girlfriend na ako? Baka mawala ang feelings niya para sa akin. Bakit parang natatakot akong mawala ang pagmamahal niya para sa akin? No! Ang bagay na ayoko mawala ay siya at hindi ang feelings niya para sa akin. Paano kung pareho ko silang ayaw mawala? Hindi. Ayokong masaktan siya dahil ayokong mawala siya sa akin, at ayoko siyang mawala dahil mahal ko siya bilang matalik kong kaibigan. 'Yon lang 'yon.

Nag-jogging kami at noong mapagod kami, naupo muna kami sa damuhan.

"James, sorry kung hindi ako nakabisita noong nakaraang Sabado o Linggo, ha? Ayoko kasing iwan si lola, lalo't wala si daddy sa bahay. Gumawa rin ako ng mga gawaing bahay. Hindi kasi pwedeng palagi na akong umaalis sa bahay," sabi niya.

"Bakit ka nagso-sorry? Kahit immature ako, nauunawaan kong may responsibilities kang kailangang gawin," sagot ko. "You don't need to always visit us. Kapag wala kang kailangang gawin sa bahay n'yo, saka ka lang dapat pumunta rito. Salamat nga pala sa pagbisita mo. Tinutupad mo talaga ang lahat ng ipinangako mo."

"Wala 'yon, maliit na bagay lang naman 'yon. We're best friends and I think isa sa mga responsibility ko ang gumawa ng paraan para nagkita tayo at hindi mawala ang communication natin."

Parang may naramdaman akong kirot matapos niyang sabihin na best friends kami. Bigla ko tuloy naitanong: Paano kaya kung hindi lang kami best friends? Malaki kaya ang magbabago? Napagtanto ko rin na siya lang ang gumagawa ng paraan upang magkita kami. Parang siya lang ang gumagawa ng effort para hindi masira ang pagkakaibigang ito.

"Paano kita masusuklian?"

She looked at me and raised an eyebrow. "Bakit mo naman ako susuklian?"

I looked away. "Naisip kong ikaw lang ang palaging nagsisikap para hindi mawasak ang friendship natin. Ako naman, walang kahit anong ambag. Kaya paano kita masusuklian? Sabihin mo, at kahit ano pa 'yan, gagawin ko."

Tumingin na ako sa kanya kaya't nakita ko ang pagngiti niya. "James, that's not true. Tingin mo ba, kung ako lang ang may ginagawa para mapatibay ang friendship natin, magkaibigan pa rin tayo hanggang ngayon? Pareho tayong may ambag." Natawa siya matapos niyang sabihin ang huling salita. "Ang pagkakaibigan ay katulad ng isang upuan. Tayong dalawa ang mga paa nito. No matter how hard I try to make an effort para hindi ito masira, kung wala kang ginagawa, hindi ako magtatagumpay. At ang katotohanang magkaibigan pa rin tayo ay patunay na may ginagawa ka, James. Isa na roon ang pagiging isa mong mabuting kaibigan."

I almost laughed. "Isa akong mabuting kaibigan?"

She nodded. "Hindi ka lang mabuti, masunurin ka pa."

"Eh, paano ako hindi magiging masunurin? Kapag hindi kita sinunod, baka kainin mo ako nang buhay."

"Hinding-hindi ko gagawin 'yan, 'no."

"I know. Mahal mo ako, eh." Bigla siyang napatitig sa akin. Tinitigan ko rin siya. Napakaganda ng mga mata niya. Parang may kung ano sa mga 'yon na naging dahilan upang unti-unting lumapit ang mukha ko sa kanya. My eyes landed on her gorgeous lips. Gustong-gusto ko na 'yong halikan. Pumikit ako at hahalikan na sana siya nang may biglang pumigil sa akin. "I'm sorry." Lumayo ako sa kanya.

I loved her so much...as a friend. That was one of the reasons why I didn't do what I was going to do. And I respected her. Alam ko kung gaano siya ka-conservative at sigurado akong napakahalaga sa kanya ang kanyang first kiss. Ayokong nakawin 'yon mula sa kanya. Mahal niya ako, ngunit hindi 'yon nangangahulugang may karapatan akong halikan siya kung kailan ko gusto. Hindi ako ang lalaking para sa kanya kaya't hindi rin dapat ako ang maging first kiss niya.

Naisipan niyang gumawa ng lumpiang gulay upang gawing meryenda namin. Tinulungan ko naman siya kahit hindi niya pa ako inutusan. Kahit sinabi niyang may ambag ako sa pagkakaibigan namin, gusto ko pa rin siyang suklian kahit sa pinakamaliit na paraan.

"Siguradong magiging masarap ito, lalo na habang nanonood ng romantic movie," sabi niya habang binabalot ang mga gulay gamit ang wrapper.

Tinulungan ko siyang maghiwa ng mga gulay at pinanood ko siyang magluto. Ang sabi niya, panoorin ko raw dapat siya sa tuwing nagluluto siya para malaman ko raw kung paano lutuin ang mga iniluluto niya para sa akin, at kahit wala siya, kaya kong magluto. Ang tugon ko naman, bakit kailangan ko pang matutunan 'yon kung nandiyan naman siya at hindi niya ako iiwan? She just smiled.

Ngayon nama'y pareho kaming nagbabalot ng mga gulay na iniluto niya.

"Romantic movie? Kahit gaano pa ito kasarap, kung 'yon ang panonoorin natin, baka masuka lang ako."

Natawa siya. "Bakit ba ayaw na ayaw mo sa love stories? What do you wanna watch, action movies na naman? Puno kaya 'yon ng karahasan."

"At least may natutunan ako sa panonood ko ng gano'ng movies. Natutunan ko kung paano dapat sumuntok at lumaban. E di kapag kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko o ang best friend ko, may magagawa ako," sagot ko. "Eh, bakit mo ba gustong-gusto ang romantic movies? Ang boring kaya no'n."

"It's not boring! Nakaaaliw at nakakakilig kaya lalo na kung gwapo 'yong bidang lalaki."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi lang ako ang gwapo sa paningin mo?"

Napataas ang kanyang kilay. "Bakit? Mali ba na gwapo rin sa paningin ko ang ibang lalaki? Yeah, I like you. So much. But I'm not blind, James, nakikita ko rin ang itsura ng ibang tao."

"Gusto mo pa rin ba ako?"

She nodded. "Gustong-gusto kita."

"Pero napapakilig ka ng ibang lalaki? Baka hindi mo talaga ako gusto?"

"Gusto nga kita--"

Biglang tumunog ang aking phone. Someone sent a message. Kinuha ko 'yon sa aking bulsa at agad na binasa ang mensahe.

James, nasaan ka na? I'm here kanina pa. Pwede bang pakibilisan mo ang pagpunta rito? Ang daming lalaki rito at natatakot ako.

Oo nga pala! Ngayong araw ang birthday ng kaibigan ni Trixie at nangako akong pupunta ako roon. Nalimutan ko!

"James, sino 'yong nag-chat sa 'yo?"

I looked at her and said, "Ah...'yong kaibigan ko. Today was his birthday and I promised I would come. Okay lang ba sa 'yo kahit umalis ako?"

She smiled. "Oo naman. Ayokong magtampo ang kaibigan mo dahil sa akin."

Bigla akong na-konsensya. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang kauna-unahang pagkakataong nagsinungaling ako sa kanya. And at this very moment, I wanted to tell her the truth. Pakiramdam ko kasi, nagtataksil ako sa kanya. I wanted to tell her that the one who texted me was a girl named Trixie. Gusto kong amining nagsinungaling ako.

But I didn't. And it was one of the biggest mistakes in my life.

"Thank you, Stephanie. Ikaw na ang magsabi kay mom na umalis ako, ha?"

Tumango siya.

Nagpalit muna ako baka umalis ng bahay. Hindi pwedeng pumunta ako roon na nakapambahay lang. Nakakahiya na nga na pupunta ako doon kahit hindi ko kilala ang may birthday at hindi siya ang nag-imbita sa akin, tapos hindi ko pa aayusin nang mabuti ang sarili ko? Mas nakakahiya 'yon.

Ang totoo, ayoko talagang pumunta roon. But I promised Trixie that I would be there and I didn't want to break that promise. Inaalala ko rin siya. Paano kung may nambastos sa kanya roon? Paano kung may nanakit sa kanya? Siguradong mako-konsensya ako at sisisihin ko ang sarili ko. Kailangan ko talagang pumunta roon.

Nai-chat na sa akin ni Trixie kung saan gaganapin ang birthday ng kaibigan niya kaya't alam ko na kung saan ako pupunta. Pagkarating ko roon, tumaas agad ang aking kilay. Kahit nasa labas pa lang ako ng bahay, dinig na dinig ko na ang napakalakas na music na nagmumula doon. Nagtaka tuloy ako. Birthday party ba talaga ang nagaganap? Eh, bakit gano'n 'yong tugtog? Parang hindi pang-birthday kundi pang-fiesta.

Chinat ko kay Trixie na nandito na ako. Siya ang nagbukas ng gate.

"James!" She hugged me.

Matapos niyang humiwalay, tiningnan ko siya mula ibaba papunta sa itaas. Halos mapanganga ako. This girl was so hot! Sobrang fit na fit sa kanya ng suot niya kaya't halata ang bawat kurba ng kanyang magandang katawan. Napaiksi pa ng suot at kapag naitaas lang ito kaunti, siguradong magpapakita na ang hindi dapat makita ng kahit sino. Plus, may butas pa ang kanyang suot sa bandang may dibdib niya kaya't kitang-kita ko ang hindi ko dapat makita.

Bigla akong pinagpawisan at nahirapang makahinga. Nararamdaman ko na naman 'yong naramdaman ko noong yakapin niya ako.

"Sabi na nga ba't darating ka!" Sobrang lawak ng ngiti niya. She didn't look scared, she looked okay. Kasinungalingan lang ba 'yong message niya kanina? Pero baka natatakot talaga siya at naging okay lang siya nang makita ako? Siguro nga.

"Nangako ako sa 'yo at ang mga pangako, dapat tinutupad," sabi ko.

Kasabay ng pagsabi ko no'n, naalala ko si Stephanie. She was the only person I knew who never made a promise she didn't intend to keep. At nangako rin ako sa kanyang sabay kaming kakain ng ginawa naming lumpiang gulay habang nanonood ng movie, hindi ba? Pero maliit na bagay lang naman 'yon at okay lang kahit ipagpalit ko 'yon para rito, tama?

"Tama! Napakabuti mo talagang tao, James, at dahil diyan, may kiss ka mula sa akin."

She was going to kiss me when I moved away from her. "Baka may makakita sa atin."

Gusto kong sabihin sa kanya na maling basta na lang siyang humalik ng lalaki, ngunit hindi ko 'yon ginawa. Pinahiya ko na nga siya sa pamamagitan ng pag-iwas ng aking mukha, tapos sasaktan ko pa ang damdamin niya? Mali 'yon.

And yeah, she was hot. Napaka-sexy niya ngayon at napakatindi ng epekto nito sa katawan ko. Para na nga akong hihimatayin ano mang oras. But why was my brain telling me that I should keep away from her? At bakit ang isipin man lang na halikan siya'y hindi ko magawa? Did I like her or not? And what should I follow: my body or brain?

She smiled. "Ang gentleman mo talaga." Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang aking braso. "Let's get inside na at ipakikilala na kita sa friends ko."

Pagpasok namin sa loob, nabigla ako. Parang hindi kasi bahay kung saan nagaganap ang isang birthday party ang pinasukan namin kundi bar. Never pa akong nakapasok sa bar, ngunit alam ko ang itsura nito. Nakasara ang mga bintana kaya't madilim ang paligid at ang mga ilaw (na iba't iba ang kulay at nakabubulag dahil ang mga ito'y sumasayaw) lang ang nagbibigay ng liwanag. Kasabay ng pagtugtog nang malakas ng music na hindi ko maunawaan ay ang pagsayaw ng maraming tao na mukhang mga kabataan din gaya namin. May mga umiinom din ng alak. May mga babaing nakaupo sa hita ng mga lalaki. At may mga naghahalikan.

Yuck!

I turned around and was about to leave, but Trixie held my hand. I turned to her. "Where are you going? Hindi ka naman aalis, right?"

"Um... Of course, hindi ako aalis. Magpapahangin--"

"You're not here para magpahangin kundi para dumalo sa birthday ng friend ko. Ipakikilala na kita sa mga kaibigan ko," sabi niya at hinila ako.

Nagpahila ako sa kanya ng hindi nang hindi inililibot sa paligid ang aking paningin. Hindi ko kayang panoorin o tingnan man lang ang ginagawa ng mga tao sa paligid ko. Baka masuka na ako. Bakit ba kasi ako nandito? Nangako nga pala ako. Eh, bakit kasi ako nangako?

Tumigil kami sa paglalakad nang nasa harapan na kami ng isang table. Bakante 'yong isang couch. Kaharap nito ang isang lalaki at babae na nakaupo sa hita nito. They were talking with each other and stopped when they noticed us standing in front of them.

They looked at us.

"Trix, is he the guy you were talking about? The guy who will surely become your boyfriend?" the guy asked.

What?

Trixie nodded. "Siya nga, Liam. James, ito si Liam, 'yong kaibigan ko at ang may birthday." She pointed to the girl. "Siya naman si Kriza, ang girlfriend niya. And Liam, siya si James, ang future boyfriend ko."

Hindi ako natuwa. I couldn't even smile. Paano kung nakarating kay Stephanie na may babaing nagsasabi na ako ang kanyang future boyfriend? Ano ang sasabihin niya? Ano ang magiging reaksyon niya.

"Pleased to meet you. Happy birthday, Liam." I tried my best to say those words in a very nice way.

"Pleased to meet you too, dude."

"Maupo ka, James," sabi ni Trixie sabay turo sa bakanteng couch.

Ginawa ko ang sinabi niya. Pagkaupong-pagkaupo ko, napatingin ako sa babaing nasa ibabaw ng hita ni Liam. Ang kapal ng kanyang makeup at hindi ko 'yon gusto, lalo't itim pa ang kanyang ginamit na lipstick. She looked like a bad girl. 'Yong suot niya, grabe. Parang tuwalya lang 'yon na ipinangtakip niya sa katawan niya. Kitang-kita na ang kaunting parte ng kanyang dibdib, gano'n din ang matatabang hita't binti niya. At katulad ng suot ni Trixie, maitaas lang 'yon nang kaunti, siguradong masisilipan na siya.

Hindi ba nilalamig ang mga babae rito?

Napansin kong lahat ng babaing nandito ay nakasuot ng revealing clothes. Sa halip na matuwa, para akong naasiwa. Pero kung si Stephanie ang nakasuot ng gano'n, siguradong matutuwa ako. I really wanted that girl to wear clothes like that and I didn't know why. Siguro'y dahil kapag nangyari 'yon, tiyak na masosorpresa ako dahil hindi siya nagsusuot ng gano'n?

"James, heto, uminom ka." Inabutan ako ni Trixie ng isang bote ng alak.

I stared at it and said, "I'm sorry, pero hindi ako umiinom ng alak."

"E di simulan mo nang uminom ngayon. Sige na, James. Birthday naman ni Liam," pangungumbinsi sa akin ni Trixie.

I shook my head. "Sorry, I can't. Hindi rin 'yan maganda para sa kalusugan ko."

Ni pag-inom nga ng soft drinks, hindi ko na ginagawa dahil kay Stephanie, tapos iinom ako ng alak? Hindi pwede. Todo siya paalala sa akin ng mga bagay na dapat at hindi ko dapat gawin upang mapanatiling malusog ang aking katawan kaya't mas dapat kong alagaan ang aking kalusugan.

"Ang good boy mo pala, James?" Napunta kay Liam ang aking paningin. Sarkastiko ang pagkakasabi niya no'n. "Guys like you still exist, huh? Unbelievable." He even shook his head.

"And what's wrong with being a good boy? Liam?"

He shook his head again. "Wala naman. I just can't believe it. Parang endangered species na kasi ang mga gaya mo," sagot niya. "Pero kung good boy ka talaga, ang tanong: hanggang kailan kaya 'yan magtatagal?"

Halos magsalubong ang aking kilay. I didn't like this guy. I also didn't want to stay here any longer. I really wanted to leave. Kung pwede ko lang gawin 'yon, hindi na ako nagdalawang-isip isip at kanina pa ako umalis. Pero kahit immature ako, alam ko pa rin kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin. Ang pag-iwan sa kanila nang basta-basta ay nagpapakita ng pagiging bastos. At hindi ako bastos.

"Ako na lang ang iinom nito para sa 'yo."

Pipigilan ko pa lang sana si Trixie, ngunit nainom na niya ang alak. Nagpatuloy ang pag-inom niya at sinubukan ko naman siyang pigilan, ngunit hindi niya ako pinansin. Kinumbinsi niya pa akong uninom ngunit hindi siya nagtagumpay. They were all drinking alcohol while I was just drinking water.

"Kriza, let's dance!" sigaw niya sabay tayo.

"G na G!" Umalis siya sa hita ng kanyang boyfriend. "Li, sayaw lang kami ni Trix?"

"Okay, go!" he replied.

Pinanood ko silang sabay na maglakad papunta sa gitna upang makipagsabayan sa ibang tao. Noong nandoon na sila, sisimulan na nilang igalaw ang kanilang mga katawan. They both looked hot, but I didn't like the way they danced. Mukhang lasing na si Trixie.

"Kailan mo balak gawing girlfriend si Trix?"

Napatingin ako kay Liam. "Do I need to answer that question?" Nilakasan ko ang aking boses upang marinig niya ang sinabi ko.

"Of course, you do. She is my friend at may karapatan akong malaman ang sagot mo," tugon niya. "Do you like her?"

I thought for a few seconds. Gusto ko ba si Trixie? Maybe? Honestly, I liked her face and body. Nangangahulugan ba ito na gusto ko na siya? I didn't know.

Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita. "Trix is so pretty. Mayroon siyang mukha at katawan na tiyak na magugustuhan ng kahit sinong lalaki. Kung hindi lang kami magkaibigan, baka nagustuhan ko na siya. But we're friends and I know everything about her. Kilala ko siya." He became serious. "She's a dangerous girl, James. She's also clever. Ginagamit niya ang magandang mukha't katawan meron siya to get what she wants. Mag-iingat ka sa kanya."

Kumunot ang aking noo. "Are you serious? Kaibigan mo siya kaya bakit mo siya sinisiraan?"

"I'm just giving you a warning, dude. Kaibigan ko siya, pero hindi ako sinungaling. At tingin ko, kailangan mo itong malaman. Nag-aalala lang ako sa 'yo."

Nanliit ang aking mga mata at tinitigan siya na parang sinusuri ko ang kanyang mukha nang mabuti. Warning, huh? "Nag-aalala ka sa akin at hindi sa kaibigan mo? She's your friend and she's a girl. Siya ang dapat mong inaalala."

"I already told you, dude, she's clever. Kayang-kaya niya ang sarili niya. Eh, ikaw? You look so innocent. Para kang batang madaling linlangin," sabi niya. "She has a pretty face and perfect body. She looks like an angel, yeah. But believe me, dude, she's really a wicked angel, not a good one. Kung ayaw mong magkaproblema, you better get away from her now. Pero kung hindi mo kaya, ang maipapayo ko na lang sa 'yo: ihanda mo na ang sarili mo."

Dapat ko ba siyang paniwalaan o hindi? Pero parang ang sama ko namang tao kung basta ko na lang lalayuan si Trixie. Wala siyang ginawa o ipinakitang masama sa akin. (Wala nga ba talaga?) And we were friends and a true friend doesn't just leave his friend. At kung totoo man ang sinabi ni Liam tungkol sa kanya, dapat tanggapin ko pa rin siya. That's what a true friend does. And what if I liked her already? Kailangan ko pang hanapin ang sagot, at mahahanap ko lang 'yon kung mag-i-stay ako sa tabi niya.

Tumingin ako kay Trixie. May kasayaw na sila ni Kriza na mga lalaki. Tatayo na sana ako upang puntahan sila, ngunit pinigilan ako ni Liam.

"They just wanna have fun. Hayaan mo lang sila."

Nagsalubong ang aking mga kilay. "You're not jealous of those guys?" He shook his head. I looked at the girls, then at him. "Kahit parang ang laswa ng paraan nila ng pagsasayaw sa harapan ng ibang lalaki, okay lang 'yon sa 'yo? Kriza is your girlfriend, right? You shouldn't be letting her dance with other guys, lalo na kung revealing ang suot niya at hinahawakan na siya ng mga lalaking 'yon."

He smirked. Parang pinipigilan niya ang kanyang sarili na matawa. "You're so conservative, dude. Para kang batang masyadong naniniwala sa mga turo ng mga magulang niya. Walang halong malisya ang paghawak ng mga lalaking 'yan sa kanya. They all know that she's my girlfriend. At kahit may halo 'yong malisya o halikan pa nila siya, I don't care. Gusto ko pa siya at hindi ko pa siya pinagsasawaan kaya hindi pa ako makikipaghiwalay. Kaya ko naman siyang palitan kahit kailan."

My eyebrows furrowed. "What? Gamit ba ang tingin mo sa mga babae? Na kapag may sira o ayaw mo na, kaya mong palitan kahit anong oras?" He nodded and I suddenly wanted to punch him in the face. "Hindi ka seryoso sa kanya. Hindi mo siya nakikita bilang mapapangasawa mo."

He smirked. "Kailangan ko bang maging seryoso sa kanya? Dude, I'm not crazy enough para planuhin nang itali ang sarili ko sa isang babae. Dapat nagsasaya lang tayong mga lalaki. Ayokong masayang ang kagwapuhan ko, at dapat gano'n ka rin. You're handsome, James, and I'm certain you could have any girl you want."

I just looked away and clenched my firsts. Kapag tiningnan ko pa nang mas matagal ang nakangiti niyang mukha, baka masuntok ko na siya at ayokong mangyari 'yon.

Mabuti't bumalik din sa aming table sina Trixie at Kriza. Dahil kung hindi, baka hindi ko na napigilan ang sarili ko na suntukin ang pagmumukha ni Liam. Muli silang uminom ng alak at muli ko ring pinigilan ang kaibigan ko. Ngunit katulad kanina'y nabigo rin ako. Ipinagpatuloy niya 'yon hanggang sa hindi na niya kaya. Ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking balikat at natulog. Her thighs were parted so I took off my jacket and put it on her lap.

Gano'n ang aming posisyon nang may bigla akong maalala. It was my best friend Stephanie. Nasa bahay pa rin kaya siya? Hindi ba siya malungkot dahil wala ako?

Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa upang tingnan ang oras. 7:05 na. Gabi na pala. Hindi ko man lang ito namalayan. Mahirap kasing malaman kung maaga pa o gabi na dahil dito sa loob, parang gabi na magmula pa nang dumating ako.

I looked at Liam who was drinking alcohol. "Liam, pwede mo bang sabihin sa akin ang address ni Trixie? Kailangan ko na kasing umuwi kaya ihahatid ko na siya."

"Huwag mo na siyang ihatid, good boy." His voice was shaky and his face turned red. Mukhang lasing na siya. "May taga-sundo siya. Maya-maya'y darating na rin ang asawa niya." Ang malinaw lang sa huling sinabi niya ay 'yong may taga-sundo siya.

Inayos ko ang posisyon ni Trixie sa couch at nagpaalam sa kanya. May sasabihin sana ako kay Liam na mensahe ko para kay Trixie, ngunit hindi ko ginawa dahil alam kong hindi rin 'yon makararating sa kanya. Pagdating ko sa labas, nandoon pa rin ang aming kotse at driver.

"Salamat sa paghihintay n'yo, manong," sabi ko sa kanya.

"Trabaho ko po ito at hindi po kita pwedeng iwan, sir."

When we got home, the first thing I looked for was my best friend. But she was nowhere to be found.

"Mom, where's Stephanie? Umalis na ba siya? Ng hindi ako hinihintay na umuwi?"

"No, James, she didn't leave. Kaninong birthday party ka nga pala nanggaling? Gano'n ba 'yon kahalaga at si Stephanie na ang nagpaalam sa akin para sa 'yo?"

"Hindi po 'yon mahalaga ngayon. Ang mahalaga ngayon, mom, ay kung nasaan si Stephanie. Gabi na po, ah, nasaan siya?"

"Umalis sila ni Gavin."

My eyebrows furrowed. "What?!"

"Niyaya siyang lumabas ni Gavin. Hindi na ako nagtanong kung saan sila pupunta dahil may tiwala naman ako sa kaibigan mo. Baka sobra silang nag-e-enjoy habang magkasama kaya--"

"I'm going to his house. Baka dumating na sila," sabi ko at agad na tumakbo.

Kakabukas ko pa lang ng gate nang makita ko sina Stephanie at Gav. Nagtago ako at pinakinggan ang pag-uusap nila. Sa mga sandaling ito, gustong-gusto ko nang magpakita sa kanila, hawakan ang kamay ni Stephanie, at hilahin siya papasok, ngunit pinili ng katawan kong magtago.

"Salamat at pumayag kang sumama sa akin, Stephanie."

"Ako ang dapat na nagpapasalamat dito. Thank you at isinama mo akong mamasyal at panoorin ang sunset."

Mas pinili niyang sumama kay Gav para lang panoorin ang sunset kaysa hintayin akong dumating sa bahay? She should've asked for my permission before she went out with him. Why? Because I was her one and only best friend! And I had the right to know it. Hindi ba mahalaga ang opinyon o approval ko para sa kanya?

"Wala 'yon," nakangiting sabi niya. "I hope it will happen again. Let's watch the sunset together again."

She smiled. "Okay lang 'yon sa akin. Pero mas okay sana kung next time, kasama na natin si James." Nawala ang ngiti ni Gav at natahimik silang dalawa. "Sige, papasok na ako."

Tatalikod na sana si Stephanie nang biglang magsalita si Gav. "Do you still like James?"

He knew it? Kailan pa?

She raised an eyebrow. "How did you know that I like him?"

"It's obvious," he answered. "Ang pagkagusto mo sa kanya ang naging dahilan upang mapalapit kayo sa isa't isa, tama?"

Stephanie nodded. "When I was in fifth grade, inamin ko sa kanya na gusto ko siya at ginawa ko ang lahat para mapalapit ako sa kanya. Then we became friends na nauwi sa pagiging mag-best friends namin."

"Masaya ka ba ro'n?"

Ang dami naman niyang tanong. Did he really need to ask those questions? Our relationship had nothing to do with him. It was none of his business.

She nodded. "Masayang-masaya. I never expected na lalalim ang relasyon namin at magiging best friend ko siya. Masaya rin ako dahil nararamdaman kong mahal niya ako...kahit hindi sa romantic na paraan."

"Kuntento ka ba?"

"Oo naman. Pero katulad ng ibang babaing gusto ang isang lalaki, umaasa rin ako na magugustuhan niya rin ako, hindi bilang best friend niya kundi bilang isang babae, bilang si Stephanie na may nararamdaman para sa kanya."

"But it hurts you, doesn't it? Habang patuloy ka sa pagkagusto sa kanya, siya nama'y patuloy sa pananakit sa 'yo. Stephanie, you don't deserve it. You deserve something and someone better. You deserve to and to be loved."

"Tama ka at alam ko naman 'yon, pero mahal ko talaga siya. And I made a promise to myself na sa kanya lang ako magkakagusto."

"Hanggang kailan mo siya gugustuhin? Hanggang kailan mo siya hahayaang saktan ka ng paulit-ulit? Paano kung may makilala siyang ibang babae na mamahalin niya? Paano ka na? Ano'ng gagawin mo?"

Natahimik so Stephanie. Napaisip naman ako.

Kaibigan ko ba talaga si Gav? Bihira na kami nagkikita at nagkakasama ngayon kaya't malaki na ang nagbago sa pagkakaibigan namin. Pero sapat na dahilan na ba 'yon upang sabihin niya ang mga 'yon sa babaing nagmamahal sa akin? Was just jealous? Or did he want to steal my best friend?

Stephanie gave him a smile. "I will still like and love him. Wala akong pakialam kahit tumanda akong dalaga o hindi ko maranasang mahalin din. I love him and that's all that matters." She turned around and started to walk.

"But love is not enough, Stephanie."

She stopped and looked up. Parang may mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Then she walked away from him. "James?" sabi niya noong makita niya ako.

I held her hand. "Halika na." At hinila ko siya papasok sa bahay.

FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top