Chapter 14


James' Point of View

KAHIT ANO ang mangyari ang lalaki ay mananatili pa ring lalaki. Well, I believed that it was really true. Ang mga lalaki, tumitingin sa maraming babae, pero nag-iisang babae lang ang nasa kanilang puso. Was it true? Tingin ko, totoo naman 'yon dahil sa puso ko, nag-iisa lang ang number one at walang makatatapat o makahihigit sa kanya. That was my mom. Pero kung romantic and true love ang pag-uusapan, hindi ko alam kung totoo 'yon. I had never been in love, okay?

I didn't even know what exactly "true love" meant, and how it felt to fall or be in love. Mahirap talaga kapag wala ka pang experience dahil marami kang hindi alam at mga tanong na hindi mo masagot. But I didn't think it was the right time for that. But what if someone came and stole my heart? What should and would I do? The answers to the questions? I was still looking for them.

"James, naranasan mo na bang ma-in love?"

Break time namin ngayon at nasa labas kaming tatlo (si Chris, Gio, at ako). Nakatingin ako sa malayo habang kinakain ang pagkaing kabibili ko nang biglang magtanong ng gano'ng klase ng tanong si Chris.

Seriously?

My eyebrows rose and I was about to answer his question but Gio suddenly spoke, "Hay naku, Chris! Hindi pa kailanman nagka-jowa 'yang kaibigan natin kaya malamang, hindi pa 'yan nai-in love." Tinaasan niya ako ng kilay. "Tama, James?"

"Gio, ang pagiging inexperienced ni James when it comes to relationship ay hindi nangangahulugang never pa siyang na-in love. Maaaring naduduwag siya at hindi niya lang kayang umamin sa babaing mahal niya. Malaki ang posibilidad na gano'n 'yon dahil wala pa siyang karanasan kaya't mahina ang loob niya."

Gusto ba nilang malaman ang sagot ko o sila na lang ang sasagot sa mga tanong na para talaga sa akin? And why were they even interested in it? Bigla ko tuloy naisip na maaaring kapag wala o nakatalikod ako, ako o ang buhay ko ang topic nila.

"Si James, duwag?" hindi makapaniwalang sabi ni Gio. "Ang lalaking may perfect na mukha, naduduwag? Whoever the girl he loves is, siguradong makita niya lang ang kaibigan natin, titibok agad nang sobrang lakas at bilis ang puso niya. Sadyang biniyayaan ka, James, ang kaso nga lang, hindi mo ito ginagamit. If I were you, gagamitin ko na parang magnet ang mukha ko para mang-attract ng girls kahit kailan ko gusto."

"Mabuti na lang at hindi ikaw si James," sabi ni Chris.

"Hoy, Chris! Huwag ka ngang maging panira! And do you think you're handsome? Hindi porke't marami ka nang naging jowa, gwapo ka na. Always remember this: cheap products attract more buyers."

Hindi ko napigilang matawa. Napatingin naman sila sa aking dalawa.

"Tatawanan mo na lang kami, James? Wala ka bang balak sumagot?"

"Siyempre, meron. Pero kayo naman ang sumasagot para sa akin kaya hinahayaan ko na lang kayo." I paused. "Bago ko sagutin 'yong tanong mo, Chris, sabihin mo nga muna sa akin ang talagang ibig sabihin ng love? Paano mo ba talaga malalaman kung in love ka na?"

They both stared at me for a few seconds and laughed. Kumunot naman ang aking noo. What was funny?

"Sobrang inosente mo talaga, James! Pati ba naman ang sagot diyan, 'di mo alam."

"Bakit, Gio? Have you experienced to fall in love? Yeah, you've been in so many relationships, but that doesn't mean you have fallen in love. Para kayang mga damit ang mga babae para sa inyo," sabi ko.

"Hoy, James! Ang baba naman ng tingin mo sa akin! Kaibigan ba talaga kita?"

"Naging honest lang ako." I sounded like my little brother. I looked at Chris. "How about you, Chris? May experience ka ba roon? If you do, tell me, how do you know that you're already in love?"

"Ako?" He looked up. "Sandali, pag-iisipan ko."

"Chris, hindi na kailangang pag-isipan pa 'yan," biglang sabi ni Gio, nagtunog na parang alam na niya ang lahat. "Ganito 'yan, James. When you see a girl at na-turn on ka, in love ka na! Gano'n kadali 'yon."

"Ha?" kunot-noo kong tanong.

"Inosente ka nga pala. Ganito, kapag nae-excite ka sa tuwing nakikita mo ang isang babae, ibig sabihin nito ay mahal mo na siya. Para mas madali mo malaman kung in love ka na, look at her from head to toe. At kapag may naramdaman kang nangyari sa katawan mo na talagang mahirap ipaliwanag, mahal mo na talaga siya. Ang dali, 'di ba?"

"Pwede bang gawin mong specific 'yong paliwanag mo? Ano ba 'yong kakaibang mangyayari sa katawan mo kung in love ka? Ha, Gio?"

Inilagay niya ang kanyang palad sa kanyang noo na parang masakit ang ulo niya. "Mahirap palang magpaliwanag sa walang-karanasang gaya mo," sabi niya. "It's something that only happens to boys' body. Parang nahihirapan kang makahinga at makapag-isip nang matino. Gano'n. Basta, you'll surely know it."

"Gano'n ba talaga 'yon?"

"Gio, tama na. Baka paniwalaan ni James 'yang mga pinagsasabi mo. And I don't think that's love. Tungkol sa lust yata 'yang ipinaliliwanag mo."

"Maniwala ka sa akin, James. Gano'n 'yon, okay? Don't believe Chris dahil inexperienced din siya. Ako ang expert diyan," pangungumbinsi niya sa akin. "Basta kapag naramdaman mo 'yong mga sinabi ko sa 'yo dahil sa isang babae, mahal mo na siya. Maniwala ka. That's really what they called love."

I didn't know what to believe anymore. Pero pinakinggan ko pa rin ang sinabi niya at hinayaan kong pumasok ito sa isipan ko. Hindi ko alam na nakumbinsi na pala ako kahit hindi ko pa napatutunayang totoo nga 'yon.

May nabasa na ako noon na nagsasabing huwag ka raw magtanong (tungkol sa bagay na gusto mong malaman) sa taong wala naman talagang karanasan pagdating doon. If you want to be physically fit, ask someone who is already physically fit. If you want to be smart, ask someone who is smart. If you want to be rich, ask someone who is rich. And if you want to know what love really means, ask someone who have fallen in love.

Kapag gusto mong maging matalino at sa mangmang ka nagtanong, ano sa palagay mo ang isasagot niya sa 'yo? Tingin mo ba'y mapagkakatiwalaan at magagamit mo talaga ito o ipapahamak ka pa rin nito?

That knowledge... Mas maganda sana kung nagamit ko 'yon. Ngunit noong mga oras na kailangan ko 'yong maalala, nabura na 'yon sa memorya ko.

KUMAKAIN AKO ng lunch nang biglang dumating sina Chris at Gio. Halatang nagmamadali sila. Lumapit sila sa akin at nagulat na lang ako nang sinubukan nila akong hilahin.

Nagpabigat ako. "What are you guys doing? I'm eating, can't you see?"

Nagpatuloy sila sa paghila sa akin, pinipilit akong patayuin. Mas nagpabigat naman ako. Ngunit kahit ibigay ko pa ang lahat ng lakas ko, unti-unti nila akong napapatayo dahil dalawa silang nanghihila sa akin.

What's wrong with them?

"Tama na 'yan, James. Malapit mo na rin namang maubos 'yang kinakain mo. Just go with us bago pa maglaho 'yong mga babae," sabi ni Chris.

Kumunot ang aking noo. "Mga babae?"

"Sumama ka na lang!" sabi naman ni Gio. "Kapag ginawa mo 'yon, siguradong mas mabubusog ka. Bilisan mo na at baka umalis na sila sa C. R. Baka babae na nga, magiging bato pa!"

"What? Maninilip tayo?"

"Oo, kaya halika na!"

Nahila at napatayo na nila ako nang tuluyan. They suddenly ran and because they were both holding me, I also ran.

Ano ba ang problema ng dalawang 'to? Wala na bang ibang bagay sa isip nila bukod sa mga babae? Couldn't they live without girls? Every time we talked and were together, all they were talking about was girls! Babae rito, babae roon. Hindi ba sila nagsasawa?

James, your friends are boys! Ano ba ang ine-expect mo?

Pagdating namin sa lugar kung nasaan ang banyo na para sa mga babae, pumunta kami sa gilid. Magkatabi lang ang mga banyo na para sa lalaki at babae at dito lang kami sa gilid maaaring sumilip. (Bakit parang isa ako sa mga nagplano nito?)

Bakit kasi sobrang baba nitong pader? E di talagang magiging madali para sa mga lalaki na gumawa ng kasalanan! No! It wasn't the wall I should be blaming! Ang mga lalaking gaya ng mga kaibigan ko ang dapat kong sinisisi.

"Chris and Gio, huwag n'yo nang ituloy 'to. Isa itong malaking kasalanan."

"Yeah, it's a sin, but it's exciting," nakangising sabi ni Gio.

"Itigil n'yo na 'to. It's not right! Umalis na tayo."

"Kung ayaw mo talagang manilip, e di sana ginawa mo ang lahat kanina para hindi ka namin mahila papunta rito, James. Kung ayaw, may dahilan. Kung gusto, palaging merong paraan. At hindi ka gumawa ng paraan para hindi ka namin maisama rito, so that means gusto mo ring manilip."

"Huwag ka nang makipaglokohan sa amin, James. You're also a boy at normal lang na maramdaman mo ang nararamdaman namin. You're also human kaya hindi mo rin maiiwasang makagawa ng kasalanan."

Hinila nila ako at naghanap sila ng pinakamagandang lugar kung saan sila sisilip. May nakita akong kamay na may itinaas na damit. Siguradong nagpapalit ng damit ang babaing 'yon. May narinig naman ako na umiihi. Ano ba ang ginagawa ko rito?

Sisilip na sana sila, ngunit pinigilan ko sila. "Don't do it. Let's just leave."

"Leave? Nandito na tayo tapos aalis pa tayo?"

"Chris, mali ito."

"Alam ko 'yon, James. Kahit pervert ako, I still know what's right and wrong. Pero lalaki pa rin ako."

"You're just making an excuse."

"Hoy, James! Kailan mo ititigil ang pagmamalinis, ha--"

"Ano'ng ginagawa ninyo?"

Napatingin kaming tatlo sa biglang nagsalita. Dahil nagulat ako, para akong naging estatwa. I didn't notice that my friends already left. I wanted to leave now, but the girl was already in front of me. I couldn't escape this now! Mga tunay na kaibigan ba talaga sila? Sa pagpaplano ng paggawa ng kasalanan, kasama ko sila, tapos kapag delikado na ang sitwasyon, bigla na lang nila akong iiwan?

"Hey!"

I tried my best to say that single word. Bukod kasi sa kinakabahan ako, hindi ko maiwasang titigan ang mukha ng babaing kaharap ko ngayon na naging dahilan upang mahirapan akong magsalita. She was the transferee. The girl who got in trouble with Chealsea because of the guy named Troy. The girl who smiled and winked at me before she left.

Para akong biglang nagising nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at hilahin ako. Papasok sa C. R.? Why did she do it? What was she planning to do?

Ini-lock niya ang pinto at inilapit sa akin ang kanyang katawan. She licked her lips and said, "Do whatever you want to do to me."

"What?" was all I could say.

She was a transferee and we didn't know each other. Then she suddenly dragged me here, locked the door, and said that? Without even thinking twice? What was wrong with this girl?

"Kiss me, undress me. You can do whatever--"

"Miss, why are you saying that?" I asked and she raised an eyebrow. "Do you even know me? You don't. Then why did you take me here?"

"You came here para manilip, 'di ba? Dinala kita rito para hindi ka na mahirapan at hindi lang ang makapanilip ang magawa mo. I'm allowing you to do whatever you want to me." Kumunot ang kanyang noo. "Eh, bakit mo ba itinatanong 'yan? Alam mong manilip, pero hindi mo alam--"

"Miss, you're wrong. Wala akong balak silipan ang kahit sino. Hinila lang ako ng mga kaibigan ko rito. At pwede bang tumabi ka? Lalabas na ako." She did what I told her to. I opened the door and looked at her. "Miss, don't do this again, to me or to other guys. Maling basta mo na lang ibigay ang sarili mo kung kani-kanino lang, lalo na sa taong hindi mo naman kilala." I suddenly remembered what she said to Chealsea. "And you're beautiful. You don't need to seduce a guy para magustuhan ka niya. Bye!"

Pagbalik ko sa classroom namin, ang una kong nakita ay ang mga nakangising mukha ng mga kaibigan ko. Halatang nang-aasar silang pareho.

I wanted to shout at them. I wanted to asked them why they did that. Pero 'yong nangyari kanina at 'yong ginawa no'ng babae, nasa isip ko pa rin. Gano'n ba talaga siya? Handa siyang ibigay ang katawan niya sa kahit sino, kahit sa lalaking hindi niya naman kilala? What was wrong with her? Bakit niya 'yon ginagawa sa sarili niya?

Hindi ko 'yon kayang burahin sa isip at memorya ko. That was the very time it happened. First time ko ring makakilala ng babaing gaya niya. What I said to her was true. She was beautiful. Maliit ang kanyang mukha, malaki ang kanyang dibdib, at napakaganda ng hubog ng kanyang katawan. Wait, may kamukha siya. Sino nga ba? Oo, 'yong other woman noon ng dad ni Stephanie. Wait, nagkataon lang ba 'yon o mag-ina sila? Hindi ko alam, pero bakit pakiramdam ko, may dahilan kung bakit magkamukha sila at nagkrus ang mga landas namin?

Ano'ng gustong iparating sa akin ng universe?

***

"HI! PWEDE ba kitang sabayang kumain?" tanong ng transferee sabay upo sa upuang nasa harap ko.

Tumingin ako kina Chris at Gio na ang dapat na makasasabay ko sa pagkain ng lunch. Nauna kasi akong umupo tapos biglang dumating ang transferee at naupo sa upuang uupuan dapat nila. Yeah, siya 'yong babaing bigla akong hinila sa C. R. noong isang araw at nagsabi sa aking maaari ko raw gawin ang lahat ng gusto ko sa kanya.

Nginisian lang ako ng mga kaibigan ko at may sinabi sa akin sa pamamagitan lang ng paggalaw ng kanilang mga labi. All I understood was the word enjoy! Then they both turned their backs to me and walked away.

"My name's Trixie, you can call me Trix. Ano nga pala'ng name mo?" I looked at her and didn't answer her question. "Sorry nga pala sa ginawa ko noong isang araw. Gusto ko lang naman gawing madali para sa 'yo ang lahat." What? She smiled. "Don't worry 'cause that's never going to happen again. Pwede ba tayong maging friends?"

Tiningnan ko ang kamay niya kasabay ng pag-angat nito. Gusto niyang makipag-handshake sa akin. Tatanggapin ko ba ang kamay niya at makipagkaibigan ako sa kanya? What should I do? Was it right to be friends with someone like her?

James, don't look down on her!

I should respect her. Mali ang ginawa niya, ngunit hindi no'n ipinakikita kung sino talaga siya. We all make mistakes. We're just humans. Hindi ko dapat siya hinuhusgahan. Siguro'y nagawa niya lang 'yon dahil... Dahil sa ano? Hindi ko alam. Siguro'y stress lang siya? O may mahirap na pinagdaraanan?

Pwede naman siguro akong makipagkaibigan sa kanya? Pero may parte sa akin na nagsasabing mali 'yon. It was telling me that I should distance myself from her. Pero bakit? Parang ang sama ko naman kung gagawin ko 'yon ng walang sapat na dahilan. Tinuruan ako nina mom and dad na maging mabuti, sa kahit sino, lalo na sa mga babae.

Tinanggap ko ang kanyang palad at nakipag-handshake sa kanya. "My name's James at okay lang 'yon sa akin. Let's be friends."

I thought before I acted. Ngunit hindi ako nag-isip nang mabuti. I didn't know that everything would get complicated after I did it. Hindi ko alam na magkakaroon ako ng problema at masasaktan ko ang babaing pinakamahalaga sa buhay ko dahil lang doon. Siguro kung nalaman kung maling hinayaan ko siyang basta na lang lumapit sa akin, mag-iiba ang takbo ng istorya. But if I didn't meet her, I wouldn't have realized what I needed to realize. If our paths didn't cross and I didn't make that mistake, I wouldn't have seen what I needed to see.

That was why for me, the day I met her was one of the important days in my life.

Dahil sa pagkakaibigan namin ni Trixie, mas napalapit kami sa isa't isa. Marami na rin akong nalaman tungkol sa kanya. Grade-11 student pa lang pala siya at HUMSS ang pinili niyang strand. When she told me about that, I asked why.

"Bakit HUMSS ang pinili mo? Ano ba ang pangarap at balak mo sa future mo?"

Bigla siyang natahimik. She didn't expect me to ask that kind of question. Tama bang itinanong ko 'yon? Sapat na ba ang lalim ng pagkakaibigan namin para magtanong ako ng gano'ng tanong?

"You don't need to answer it if you don't want to. Sorry kung parang feeling close ako."

She suddenly held my hand and smiled. Gusto kong ilayo ang kamay ko dahil hindi ako komportable, ngunit hindi ko ginawa. "Okay lang 'yon, James. We're friends at normal lang na gusto mong malaman ang mga gano'ng bagay." She paused. "Actually, I also wanted na mag-STEM or ABM. Pero tingin ko, HUMSS lang ang kakayanin ko kaya 'yon ang pinili ko. At ang totoo, wala pa akong plano sa future ko. Mahirap mangarap dahil mahirap lang kami."

"Mahirap kayo?" tanong ko. Hindi ko ipinahalatang nagtataka ako.

Kung mahirap sila, bakit mukha siyang mayaman? Totoo kaya 'yong sinabi niya? Magkaibigan kami at ayoko namang isiping nagsisinungaling siya, ngunit hindi ko lang talaga maiwasang magduda. Ang buhok niya, sobrang straight at mukhang inaalagaan nang mabuti. She had a glass, white, and soft skin. Paano ko nalamang malambot ito? I always felt it every time she touched me. At kung ikukumpara sa balat niya ang balat ko, ako ang magmumukhang mahirap at parang napakaitim ko dahil lamang na lamang siya sa kaputian. Hindi rin siyang mukhang nahihirapan sa buhay.

Pero hindi ko nalilimutan ang sinasabi nila. That don't judge the book by its cover. At saka maaari namang mahirap sila, pero prinsesa siya kung tratuhin ng pamilya niya, 'di ba? Maaari ring todo alaga sila sa kanya dahil kayaman siya para sa kanila.

She nodded. "Totoo 'yong sinabi ko, mahirap lang talaga kami. Naniniwala ka sa 'kin, right?"

"Of course, I do."

She smiled. "But it's okay. And I don't think it's the right time to think about the future. Masyado pa kaya tayong bata. Dapat we're just having fun muna."

Parang ganyan din 'yong sinabi ko noon kay Brix. Naaalala ko pa ang tugon niya.

"Huwag kang masyadong seryoso, Brix. Ang bata-bata mo pa. Sabi nga sa kantang Father and Son, just relax, take it easy. Why? You're still young! Dapat nag-e-enjoy ka lang muna ngayon."

"Kuya, age doesn't define the maturity level of anyone. Makikita ito sa pag-iisip at pagkilos ng isang tao. At para sa akin, ginagamit lang 'yang ganyang lines as an excuse para hindi muna isipin ang mga bagay na dapat sana'y iniisip mo na. You're making yourself believe that it's not time para seryosohin mo ang buhay mo. And that is so stupid."

Napangiti tuloy ako. Kumusta na kaya siya sa Manila? Was he okay there? I hoped he was.

There was the silence. Then I suddenly remembered the first time I saw her. Nakikipag-away siya no'n kay Chealsea dahil sa isang lalaki. I also remembered when she dragged me into the C. R. and what she told me.

"Do whatever you want to do to me."

Gustong-gusto ko nang itanong sa kanya kung bakit niya ginawa ang lahat ng 'yon. Gusto kong tanungin kung bakit siya nagawang mang-akit ng boyfriend na ng iba. Gusto kong malaman kung bakit handa siyang ibigay ang sarili niya sa taong hindi naman niya kilala. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin 'yong magawa. Nagdadalawang-isip pa rin ako dahil hindi ko alam kung dapat ko ba 'yong itanong sa kanya o hindi.

The fact that I didn't know the reasons why she did that made me doubt if being friends with her was a right decision. Parang nangyari lang ang nangyari na noon. Nagduda rin ako kung tama bang kinaibigan ko sina Chris at Gio. Yeah, they were good friends of mine (though most times, they were acting like they were not), but they were both doing things that weren't right. Isa sa mga hindi nila magagandang katangian o ginagawa ay ang pambabastos sa mga babae. Ngunit ang pagdududa ko'y hindi ko inintindi at hindi ko pinutol ang relasyon namin.

Kahit immature ako, mayroon akong mga alam na alam ng isang mature na tao. I knew that you should choose your friends wisely. Because whether you like it or not, you will be influenced by them. Who they are affects who you are or become. Kung mabubuti sila, magiging mabuti ka rin. Kung masasama sila, magiging masama ka rin.

Yeah, I knew that but I didn't fully understand what it meant. Siguro'y 'yon ang dahilan kaya't hinayaan ko lang na patuloy kong maging kaibigan sina Chris at Gio.

I ALWAYS saw Trixie at school. She always appeared in front of me. Tingin ko'y sinasadya niya 'yon. What she was doing was the same as what Stephanie did when we were still at elementary school. But she was really different compared to her. Palagi niya akong hinahawakan, niyayakap, o umaakto siyang parang may romantic relationship kami sa tuwing makikita niya ako o magkasama kami.

Tulad ngayon...

Natapos na ang klase namin ngayong araw kaya't uwian na. I was walking with my friends when she suddenly appeared.

"James!" Bigla niya akong niyakap na parang sobrang tagal na noong huli kaming nagkita. Pero ang totoo, kaninang break and lunch time, nakita ko na naman siya.

"Hey!"

Nagpaalam sa akin sina Chris at Gio habang nakangisi.

"James, mauna na kami. Mukhang kailangan na namin kayong iwan."

Gio gave me thumbs up. "Bilib ako sa 'yo, babae na mismo ang lumalapit sa 'yo. Galingan mo, ha? Nagtitiwala kami sa 'yo."

Napakunot ang noo ko matapos kong marinig 'yon.

Tumigil na si Trixie na pagyakap sa akin. Mabuti naman, parang hindi na kasi ako makahinga at hindi rin ako komportable dahil ramdam na ramdam ko 'yong dibdib niya. "May sasabihin ako sa 'yo. Upo muna tayo ro'n." Itinuro niya 'yong upuan na gawa sa semento na malapit lang mula sa kinaroroonan namin.

Tumango ako at sabay kaming pumunta sa may upuan.

"Birthday no'ng kaibigan ko bukas. Siyempre, pupunta ako. Pwede bang sumama ka sa akin?" nakangiting sabi niya.

"Huh? Why would I go there? Ni hindi ko alam at kilala kung sino ang mag-b-birthday. Wait, is he a guy?"

She nodded. "Yes, isa siya sa mga kaibigan kong lalaki." Ilan kaya ang kaibigan niyang lalaki? I thought I was the only one. "At hindi mo kailangang mahiya. Ipakikilala na lang kita sa kanya. Please sumama ka na sa akin."

I just stared at her face. Nagpapa-cute siya, ngunit hindi siya nagmukhang cute sa paningin ko.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Sige na, James. Pumayag ka na." Then she hugged me and my eyes widened. Muli ko na naman kasing naramdaman ang dibdib niya. "Please sumama ka. Paano kung magkagulo roon, sino'ng magtatanggol sa akin? Baka may mambastos din sa akin doon. Kung wala ka roon, walang po-protekta sa akin."

"Sige, sasama na ako."

Sinabi ko 'yon upang tumigil na siya sa pagyakap sa akin. Ngunit sa halip na mangyari 'yon, niyakap niya lang ako nang mas mahigpit.

"Thank you, James!"

Mas naramdaman ko tuloy 'yon. Kasabay no'n, nakaramdam ako ng pakiramdam na wala pang nakapagpaparamdam sa akin. Yeah, that kind of feeling was something that even Stephanie hadn't made me feel. Uminit ang katawan ko, nagsimula rin akong pagpawisan, nahirapan akong huminga at parang hindi ako makapag-isip nang matino.

Wait, bakit parang ang pakiramdam na ito'y katulad lang no'ng naramdaman ko noong yakapin ko siya noon sa loob ng sarili kong kwarto? No! Magkaibang-magkaiba ang dalawang pakiramdam na ito. Parang mas matindi itong nararamdaman ko ngayon. May gusto akong gawin na alam kong mali. Gustong kumilos ng katawan ko kahit ayaw ko. Mabuti na lang talaga at kaya pa akong kontrolin ng utak ko dahil kung hindi, makagagawa ako ng isang malaking pagkakamali.

Ito na ba 'yong feeling na tinutukoy ni Gio? Mahal ko na ba ang babaing ito?

FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top