Chapter 13
James' Point of View
BRIX WAS leaving. Malapit nang mag-start ang pasukan kaya kailangan na niyang pumunta sa Manila. Doon siya papasok sa De La Salle. Even though he was so weird and kinda creepy and I hated his comments, I didn't want him to leave. Ayokong malayo siya sa akin, lalo't nasanay na rin ako na nakakasama ko siya sa iisang bubong (kahit parang wala rin lang siya). Pero ganoon talaga sa buhay natin, maraming umaalis. Nakakalungkot lang at ang nag-iisang kapatid ko pa ang aalis.
Sinubukan ko siyang kumbinsihin na huwag nang umalis. Ngunit buo na ang desisyon niya at wala nang makapagpapabago ng kanyang isipan.
"Brix, ganoon mo ba talaga kagusto ang pagiging isang lawyer? Bakit hindi mo na lang din pangaraping maging engineer? At saka pwede namang huwag ka na lang sa Manila mag-aral. Marami namang malalapit na schools dito."
Tinapunan niya ako ng cold na tingin bago nagsalita, "Ganoon ko kagusto ang pagiging lawyer. At wala akong balak gustuhin na maging engineer din because that's what my older brother wants. At gusto kong pumasok sa school na hahasain ako nang husto. After you graduated high school, you'll leave too at sa Manila ka rin pupunta. Mas mapapaaga lang ang pag-alis ko. Stop being immature and selfish, kuya. This is my life at hindi pwedeng nakadepende ang desisyon sa ibang tao at sa gusto nila."
"Ibang tao ako sa 'yo?" tanong ko.
Nasaktan ako sa sinabi niya, ha. He was smart and very unique. Dalawa lang 'yon sa magaganda niyang katangian. Ngunit insensitive siya. Totoo nga talaga 'yong linyang: If you're so clever, you forget to be kind. Na katulad ng line na: If you're so kind, you forget to be clever. That's why too much is bad.
"Don't be dramatic. I'm just leaving, not dying, okay?"
Niyakap siya nang mahigpit ni mom. "I will miss you so much, Brix. Kahit nakakainis ka, mahal pa rin kita at gusto kong nasa tabi lang kita. But if that's what you really want, susuportahan ka namin ng dad mo. Sure kaming malayo ang mararating mo sa buhay."
"Thanks, mom."
Aalis na nga siya at iiwan na niya kami tapos ni ngumiti man lang o gawing sweet ang kanyang boses, hindi niya magawa? Talagang paninindigan niya ang pagiging robotic niya, huh?
Tinapik siya ni dad sa kanyang balikat at ngumiti. "Mag-iingat ka roon, anak. I know you'll succeed."
He nodded.
He looked at our mom when she said, "Huwag ka lang puro aral doon, Brix, ha? Make sure na matutulog ka at kakain nang sapat. Alagaan mo nang mabuti ang iyong sarili."
"I will, mom. Don't worry, kaya ko po ang sarili ko."
"Brix... I love you. Kahit para kang robot o multo, kahit nakakainis 'yong comments mo madalas, kahit magkaibang-magkaiba tayo, mahal kita. Babalik ka, ha?" parang maiiyak kong sabi.
"Stop being dramatic. Hindi ako sa kabilang buhay pupunta kundi sa Manila."
I just laughed. Mabuti na lang at sinabi niya 'yon. Kung hindi, baka naiyak na ako.
"Mom, dad, and my immature older brother, aalis na po ako. Stop worrying about me. Mag-iingat ako, I will take care of myself, and come back here." He looked at me. "And kuya, before I go, I wanna say na ayokong sa pagbalik ko, uncle na ako. Sana'y hangga't hindi ka pa nakaga-graduate, never try to do something na magbibigay sa 'yo ng big responsibilities that we know you still can't handle. Before you kiss or touch a girl, siguruhin mong nag-mature ka na nang tuluyan."
I smiled. "Bakit mo sinasabi sa akin 'yan? May pakialam ka na ba sa akin ngayon?"
"I always care about you, kuya. If I don't, I won't always remind you that you should be able to buy your own briefs before you enter a relationship. Pero hindi lang ikaw ang inaalala ko, si Stephanie rin. I don't want her to suffer, lalo na nang sobrang maaga."
My eyebrows furrowed. "Paano ka nakasigurong siya ang babaing 'yon?"
He gave me a cold stare before he answered, "It's obvious at stupid lang ang hindi makahahalata no'n. And I'm not stupid para hindi 'yon malaman. At saka ayoko ring maging uncle nang sobrang maaga. Kids are annoying. I hate them. That's also the reason why I never wanted to have a girlfriend."
"Oo na."
"Mom, dad, and Kuya James, I'm leaving and goodbye."
Gano'n nga ang nangyari. Umalis siya at walang nakapigil sa kanya. I never expected it to happen that was why it was hurting me to see him go. Noong unang beses na sinabi niya sa aking gusto niyang maging isang lawyer, inisip kong masyado pa siyang bata at magbabago rin 'yon. I thought he would change his mind. Kaya hindi ko inisip na kakailanganin niyang umalis. Nalilimutan kong kakaiba talaga siya at ang mga gaya niya, mataas ang gustong maabot at malayo ang gustong marating sa buhay.
All I could do right now was wait until he came back and wish nothing but the best for him. I wished he would succeed. I hoped his dreams would come true, and prayed that he would always be safe and okay and have the strength to just go on.
Matapos ang pag-alis ni Brix, nalaman kong aalis na rin pala si Stephanie. Mas nalungkot lang tuloy ako.
"Pinauuwi ka na ng lola mo?" tanong ni mom habang kumakain kami ng dinner.
She nodded. "Opo, eh. Pasensya na po kung ngayon ko lang nasabi. Kaka-message niya lang po kasi sa akin kanina."
"Hindi, okay la--"
"Umalis ka na. Kahit huwag ka nang bumalik," sabi ko habang nakatingin sa aking plato.
I didn't know why I said that. Siguro'y sobrang lungkot ko lang dahil kaaalis lang ni Brix tapos siya naman ang aalis. Bukod sa ayaw kong maghintay, ayaw ko ring iniiwan. At kung papapiliin ako, siguro'y mas pipiliin kong ako ang mang-iwan kaysa ako ang maiwan. Para kasing katapusan na ng mundo sa tuwing iniiwan ako ng mahahalagang tao sa buhay ko. Ang immature na gaya ko lang ba ang nakararamdam nito o hindi? Ang hirap ding maging immature.
"Gusto mo ba talaga no'n, James?" Her voice became serious.
I looked at her and into her eyes. Parang may gustong sabihin sa akin ang mga mata niya, na hindi ko naman maunawaan. I was not an eye/s reader, okay? Ang mga salitang may nais ipaliwanag, madalas ay hindi ko maunawaan, paano pa ang sinasabi ng mga mata ng isang tao?
"Hay naku, James! Halata namang hindi mo gustong mawala si Stephanie. Hindi ka nga lang niya puntahan dito ng ilang araw, para ka nang mamamatay tapos kakayanin mo kapag iniwan ka niya? Isang malaking kalokohan!" sabi ni mom.
Itigil ko na ang pakikipagtitigan kay Stephanie. "E di umalis siya kung aalis siya! Diyan naman kayo magagaling, eh, sa pag-alis at pag-iwan sa akin!" Tumayo ako. "Busog na po ako kaya pupunta na po ako sa kwarto at matutulog."
"James! Ang immature mo talaga!" dinig kong sigaw ni mom, ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad papalayo.
Someone knocked on my door. I expected that it was Stephanie so I pretended to be busy using my phone.
"James. Huwag ka nang magkunwaring naglalaro."
Nagkamali ako. It was my mom, and not Stephanie. Bakit si mom ang nandito? Wala ba siyang balak magpaliwanag sa akin o lambingin man lang ako? Mahal niya ako, 'di ba?
Naupo si mom sa kama ni Brix. Nagpatuloy naman ako sa pagpapanggap. "Hindi ko na naman nagustuhan 'yong ginawa mo. Mali 'yon."
Ibinaba ko na ang aking cellphone. "Kailan po ba ako naging tama? I'm always wrong."
"James, stop acting like a little kid. You're seventeen now at mag-e-eighteen ka na. Binata ka na, at maaaring bukas, magugulat na lang ako dahil isa ka nang ama."
I raised an eyebrow. "What, mom?"
"All I'm trying to say is that you should be acting like a grown man now. Dapat mature ka nang mag-isip at kumilos. You have to, son," she said. "Para maiwasan mong makagawa ng mga pagkakamali, at para na rin hindi ka makapanakit ng iba. Once you do that, everything will be better. Pero kung hindi, palagi kang magkakamali at marami kang pagsisisihan."
"May nagsabi na rin po sa akin niyan."
Sino na nga ba 'yon?
Nalimutan ko na. Parang sobrang tagal na rin kasi magmula nang marinig ko 'yon.
"May nagsabi na pala sa 'yo, then why didn't you listen to that person?" she asked. "Alam mo, James, kahit gaano pa karami ang magpayo sa 'yo, kung hindi mo 'yon pakikinggan o susunduin, wala rin 'yong silbi. Bago ka mag-aral, dapat willing kang matuto. Bago ka makipagkaibigan, dapat willing kang umunawa. And before you talk, dapat willing kang makinig. Gano'n dapat."
I nodded and smiled. "Okay, mom," sagot ko kahit hindi ako sigurado kung pumasok sa tainga ko ang mga sinabi nito. Tumingin ako sa likod ni mom at sa pintuan, umaasang makikita ko roon si Stephanie. "Si Stephanie ba ang hinahanap mo? Nasa baba pa rin siya, naghuhugas ng pinggan. Kung gusto mong itama ang pagkakamali mo, go there and apologize to her for your mistake."
"Um..." Yumuko ako.
"Maiwan na kita at pupuntahan ko na ang dad mo sa room namin."
Pagkaalis ni mom, nag-isip ako. Ano ang sasabihin ko sa kanya pagdating ko roon? Paano ako magso-sorry? Bahala na nga si batman!
I stood up and went to the kitchen. She was still there and washing the dishes. Lumapit ako at kinuha mula sa kanya ang platong nabanlawan na niya. Nagpatuloy siya sa ginagawa niya. Siya ang tagalinis ng mga pinagkainan habang ako nama'y tagalagay sa lagayan ng mga plato't baso.
"Thank you--"
"Sorry!"
Sabay pa kaming nagsalita matapos naming linisin at iayos ang mga pinggan. Nakayuko ako dahil nahihiya ako sa kanya at hindi ko rin talaga alam kung ano ang dapat kong gawin at ang susunod kong sasabihin.
"Um... Para ba sa sinabi mo kanina? It's okay. Hindi naman ako nasaktan at saka nauunawaan naman kita. Kaaalis lang ni Brix tapos nalaman mong uuwi na ako kaya nasabi mo 'yon. Nasaktan ka and you just carried away by your emotion."
I looked up. "Thank you for understanding my behavior and for forgiving me. You're so kind. Hindi ka ba talaga nasaktan?"
Kapag sinabi sa 'yo ng isang tao na okay lang siya at hindi siya nasasaktan, paano mo malalaman na hindi siya magsisinungaling? Paano kung sinabi niya lang 'yon dahil kailangan at wala na siyang choice?
Sa tuwing tinatanong ko siya kung okay lang siya, hindi ko itinatanong ang mga tanong na 'yon sa sarili ko. Hindi ko alam na dapat pala'y inalam ko muna ang mga sagot sa mga katanungang 'yon bago ako nagtanong sa kanya.
She gave me a sweet and genuine smile. "Oo, okay lang ako. Napaka-sensitive ko naman kung nasaktan ako sa gano'n kaliit na bagay."
I nodded. "Well, you're right. Matatag ka nga pala kaya siyempre, hindi ka madaling masaktan. Pero sorry pa rin talaga. What I said was still wrong."
"Okay na nga 'yon," nakangiting sabi niya.
"Basta bibisitahin mo pa rin ako, ha?"
She nodded and smiled. "Oo naman! Bakit ko naman makalilimutang bisitahin ang best friend ko na mahal na mahal ko?"
Matapos niyang sabihin 'yon, bigla na lang akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya na para bang wala akong balak na pakawalan pa siya. I even closed my eyes.
Ramdam na ramdam ko ang dibdib niya, ngunit hindi ako bumitiw. Nothing could stop me from hugging this lady, even that thing. Masyadong maganda ang moment na 'to para tapusin ko na lang agad-agad. Parang ito na rin kasi ang huling pagkakataong mayayakap ko siya, lalo't aalis na siya. Gusto kong...magtagal ito. Kung maaari lang, gagawin ko ang lahat para manatili kaming magkayakap habambuhay.
"I love you too..."
Parang may sariling utak at buhay ang mga labi ko. I said those three words without even thinking. Maybe I didn't need to think anymore because my lips knew the right words to say? Well, totoo namang mahal ko siya. Siya ang nag-iisa kong best friend. Ang best friend kong ayaw kong umalis sa tabi ko at mawala. Ang best friend ko na gusto kong makasama ko habambuhay.
Ano ba ang pinagkaiba ng pagkagusto mo na manatili sa tabi ng best friend mo habambuhay at sa pagkagusto mo na manatili sa tabi ng babaing mahal mo romantically? Sana'y nalaman ko ang sagot nang mas maaga.
E di sana'y wala akong kahit anong pagsisisi.
***
ONE OF the things I hated about school was waking early. Kapag kasi may klase, hindi na ako makapagpupuyat. Paulit-ulit din ang mga pangyayari araw-araw at wala akong magagawa kundi gawin ang kailangan kong gawin, kahit gaano ko pa 'yon hindi kagusto.
I also hated wearing our school uniform. Mainit kasi ito at ayoko rin ng itsura nito. Hindi ko nga alam kung bakit sinasabi ng mga babae na ang gagwapo raw namin dahil dito. I also hated doing homeworks. Pati rin ang pag-upo buong maghapon sa loob ng klase, pakikinig, pagre-recite, pagku-quiz, at marami pang iba. Lahat yata ng tungkol sa pagpasok sa school ay hindi ko talaga gusto?
Ayoko ring pumasok sa school dahil parang pine-pressure ka ng mga classmate at kaibigan mo na pumasok na sa isang relasyon o "magka-jowa". Ni hindi pa nga nila kayang bumili ng briefs nila, magdyo-jowa na sila? Gustong-gusto kong sabihin sa kanila 'yong favorite line ni Brix, ngunit palagi ko namang pinipigilan ang aking sarili.
"James, may jowa ka na ba? Alam mo bang sa buong bakasyon, walo ang naging jowa ko?" tanong ni Chris, isa sa mga kaibigan ko dito sa school.
"Pero online lang naman?" sabi ni Gio. "Ako? Kahit aapat lang ang naging jowa ko, hindi naging kami online lang. Nakilala ko silang lahat sa personal."
This was my very first day then I already needed to hear this kind of conversation? Seriously?
"Eh, ano naman? At least magaganda silang lahat. Eh, 'yong mga ex-jowa mo ba, magaganda ba sila o mukhang mga aswang?"
"Kailan pa ako nagka-jowa ng mukhang aswang? Ha, Chris?" tanong ni Gio. "And they're not just pretty, dahil sexy rin sila. Hindi sila hipon o lollipop. Eh, 'yong sa 'yo? Baka tapon ulo, kain katawan o kabaligtaran?"
"Kain ulo at katawan sila, 'no! They have pretty faces and sexy bodies!"
"Gio and Chris, stop! Respetuhin n'yo naman ang mga babae. Parang mga damit lang sila para sa inyo na kailangang palitan agad, ha?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita.
Akala ko'y nagbago na ang mga kaibigan kong ito, ngunit mukhang malabong mangyari 'yon. Mula pa noon, ganyan na sila. Mahilig silang magyabang sa isa't isa, at ang mga naging girlfriend o jowa nila ang mga ipinagyayabang nila. Bakit ba para sa kanila'y parang mga trophy ang mga babae at kung sino ang may pinakamarami no'n, siya ang panalo, pinakamagaling, at pinaka-astig?
"Stop talking like you're different from us, James. Mahilig ka rin kaya sa mga babae," sabi ni Chris.
"Mahilig?" kunot-noo kong tanong. "And I'm really different compared to both of you. I've never been in a relationship and I never looked at girls like they were some clothes I wanted to try on."
"Yeah, you've never been in a relationship, but that doesn't mean na hindi ka na mahilig sa babae. Don't you know na nakikita kita na tumitingin sa legs ng mga babae mula pa noon na parang fried chicken 'yon at gusto mong kagatan?"
My eyebrows furrowed. "What? I never did that!"
"Hindi raw?" Muling nagsalita si Chris. Pinagkakaisahan yata nila ako, ha. "Kitang-kita ka namin, James. Huwag ka nang magkaila. At saka okay lang naman 'yon dahil katulad namin, lalaki ka lang din."
"Boys will always be boys, James."
Matapos nila akong pagkaisahan, nag-apir sila at umalis habang nagtatawanan.
Napaisip tuloy ako. Was it true? I was ogling my girl classmates? When? And why would I do that?
Because you're a boy like your friends!
No! Hindi ako gano'n! Nirerespeto ko ang mga babae. Mabuti akong lalaki. Hindi ako makasalanan. Pero lahat ng tao ay makasalanan, hindi ba? Oo, pero kilala ko ang sarili ko. Pinalaki ako nang maayos ng parents ko. Lalaki ako, pero hindi ako pervert.
Kapapasok ko pa lang sa school, pero parang sasakit na agad ang ulo ko. Ang mga kaibigan kong 'yon, halatang walang ibang magawa kaya ginugulo na lang nila ang isip ko.
Nagsimula at nagpatuloy ang aming klase. Akala ko'y magiging tahimik at mapayapa ang lahat hanggang sa biglang humihingal na pumasok ang isa naming kaklaseng babae.
Inilagay niya sa magkabilang gilid ng kanyang bunganga ang kanyang palad upang lumakas ang kanyang boses. "Mga ka-Marites! May nag-aaway na mga babae sa labas dahil sa isang lalaki! Kung gusto n'yong masaksihan ang labanan nila, tayo na!"
"Ayos, ah! First day na first day, may away agad? I'm sure exciting 'yon kasi labanan yata 'yon para sa jowa."
"Eh, sino naman kaya ang mga mahaharot na babaing 'yon?"
"Nag-chat sa akin 'yong friend ko na kaklase raw no'ng isa sa dalawang girls na 'yon. Si Chealsea at 'yong transferee raw 'yon."
"Tara na!"
I just watched my classmates go. Nanatili ako sa aking upuan na parang hindi ko alam ang balita. Hindi naman isa sa mga ipinunta ko rito ang panonood ng away ng iba. And that trouble had nothing to do with me. Hindi ko kailangan makiusyoso.
"James, ano pa'ng ginagawa mo diyan? Didn't you hear our marites classmate? May away raw kaya tumayo ka na at manood na tayo!"
Umiling ako. "Ayoko, Chris--"
Biglang lumapit sa akin si Gio at hinila ako, pilit akong pinatatayo. "Chris, tulungan mo nga akong patayuin 'tong kaibigan nating killjoy."
Lalapit na sana si Chris, ngunit tumayo na ako bago pa man niya 'yon magawa. "Sasama na ako."
"'Yon naman pala, eh. Minsan talaga, pabebe ka, James."
Sinundan ko sila at nagtungo kami sa lugar kung saan nangyayari 'yong away. Ang naabutan namin ay ang mga estudyanteng bumuo ng isang bilog, halatang pinalilibutan 'yong mga babaing nag-aaway. They went here just to watch those girls hurt each other, huh? And I didn't see anyone stopping the girls from making a scence! Karamihan sa kanila'y nagtsi-chika-han o may hawak na cellphone at kinukuhanan ng video ang pangyayari.
Hindi ko pa makita nang maayos ang nangyayaring away dahil ang daming nakapalibot sa kanila. I just listened to a conversation about the trouble to figure out what exactly I came here for.
"Oo, gano'n nga ang nangyari kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sobrang mad si Chealsea. Ikaw ba naman agawan ng jowa, hindi ka ba magiging ganyan kagalit?"
"Kung gano'n, sobrang landi pala no'ng transferee? First day pa lang ng pasukan tapos nanglandi na siya ng jowa ng may jowa?" tanong ng kauspa niya.
"Hindi siya sobrang malandi, dahil sobra-sobra-sobrang landi niya. Bago ang pasukan, nilandi na niya si Troy! Nagkita na raw sila noong dalawa kaya kilala na nila ang isa't isa bago pa magsimula ang pasukan. Paano naman maaakit si Troy sa kanya sa una nilang pagkikita, 'di ba? At heto pa, ha! May nakahuli raw sa kanila habang gumagawa ng milagro!"
"Ha? Talaga? Saan naman at kailan?"
"Alam mo namang mahilig magpa-party 'yang si Troy, 'di ba? Invited daw 'yong transferee tapos 'yon! May isa sa mga dumalo ang nakakita sa kanila na naghahalikan at... Alam mo na 'yon!"
"That girl is such a whore! Hindi na ba siya nahiya?"
"Hay naku! Marami na talagang ganyan ngayon. Ayoko talaga sa mga babaing gaya niya dahil ibinababa at dinudungisan nila ang reputasyon nating lahat na babae!"
Lumayo ang mga nanonood upang bigyan ng mas malawak na space ang nag-aaway dahil mas tumitindi ang pag-aaway nila. Finally, I could see and watch them now! Naghihilahan sila ng buhok habang pinapalo ang isa't isa. I couldn't see their faces because they were covered by their messy hair and they were moving so fast.
"Malandi kang babae ka! Kaka-transfer mo lang dito at inilabas mo na agad ang baho mo. Ang kapal ng mukha mong hawakan at halikan ang bf ko!" sabi ng isa, na halatang 'yong inagawan ng boyfriend. Chelsea ang pangalan niya, tama?
Patuloy lang sila sa paghila ng buhok ng isa't isa. Halos magsalubong ang mga kilay ko habang pinapanood ko sila. Kailangan ba talaga nilang gawin 'yan para lang sa isang lalaki? There's a lot of guys in the world! Pwede pa silang maghanap ng iba. Hindi nila kailangang pagmukhaing desperada ang mga sarili nila.
The transferee slapped her in the face. "'Yong lalaking 'yon ang sabihan mo niyan! Yes, I seduced him. Pero nagpa-seduce naman siya kaya siya ang dapat mong sinasaktan at hindi ako." Mas hinigpitan niya ang paghawak sa buhok ng kaaway niya. "And it's not my fault kung nagsawa na siya sa 'yo at sa katawan mo! Hindi ko kasalanang ayaw na niya sa 'yo!"
Bumawi siya. Sinampal niya rin siya. "Haliparot ka! You used your dirty body para lang maagaw mo siya! Isa kang slut!"
Itinulak ng transferee si Chelsea. Napaupo naman siya sa lupa. Tinanggal niya ang buhok na tumakip sa kanyang mukha. Gano'n din ang ginawa ng transferee. But I didn't see her face because her back was on me. "Pareho lang tayong slut. Alam mo bang sinabi sa akin ni Troy na nagpagamit ka raw sa kanya para lang maging girlfriend ka niya? Eh, ako? Oo! Nagpagamit din ako, pero siya ang may gusto na makarelasyon ako! Mahal na niya ako!"
"That's not true!" the girl shouted. "Ibinigay ko ang virginity ko sa kanya dahil mahal ko siya at hindi dahil gusto kong maging gf niya. And he doesn't love you! It's your dirty body that he loves!"
"Believe what you want to believe. Ang alam ko lang, ayaw na niya sa 'yo at ako na ang mahal niya."
She stood up. "Kakalbuhin talaga kita." Muli na naman niyang hinila 'yong buhok ng transferee at sinampal-sampal ito.
Hindi ba sila nagsasawa? Pero aaminin ko, nakaaaliw ang away nila. Kailan ba naging hindi nakaaaliw ang away ng mga babae?
Binawian naman siya no'ng isa. And the viewers? Instead of stopping it, they shouted and made noise like they wanted to attract more attention.
"Kal-bu-hin! Kal-bu-hin!" sabay-sabay nilang sabi habang pumapalakpak.
Ngayo'y nakahiga na ang transferee sa lupa at nasa ibabaw naman niya si Chealsea. Chealsea slapped her in the face repeatedly like she didn't want to stop. "Walang hiya ka! Malandi ka! Makati!"
Ang transferee naman ang pumaibabaw sa kanya at sumampal-sampal. "Pathetic ka! Walang kwentang girlfriend!"
Kanina ko pa sila gustong paghiwalaying dalawa, pero marami ang pumipigil sa akin. There was a lot of students here right now. At kapag nagpakabayani ako, masasali ako sa eksena at sa video na kinukuha nila. Ayokong maging sikat, lalo na sa social media. I hated the crowds and attention! Pero ano ba ang ginagawa ng isang lalaking pinalaki nang tama at maayos?
I couldn't just stand here and watch!
Papatigilin ko na sana sila, ngunit pinigilan ako nina Chris at Gio. Iniharang pa ni Gio ang kanyang mga braso na parang maglalaro kami ng patintero.
"Hep! Hep! What are you gonna do, huh?"
"I'm going to stop it, Gio," I answered.
Chris spoke, "Magpapaka-Jose Rizal ka? Are you out of your mind?" He pointed to the girls. "Tingnan mo nga 'yong mga nag-aaway, babae sila! Away 'yan ng mga babae, James, at hindi ka maaaring basta pumunta roon at patigilin sila."
"Bakit hindi pwede?" kunot-noo kong tanong.
"Dahil masisira mo 'yong eksena. Hindi ka ba natutuwa at may ganyang palabas? If you're not, huwag kang maging killjoy at hayaan mong magpatuloy sa panonood ang audience."
Mas kumunot ang aking noo. "What? Biro o laro lang ba ang tingin mo sa isang away, Chris? Kung oo, you're the one who's out of his mind."
Napatingin ako sa mga babae noong maghiwalay na sila. Pareho na silang nakatayo ngayon at inaayos nila ang magugulo nilang buhok.
"Hindi pa rito natatapos ang lahat. Magbabayad ka!" sigaw ni Chealsea.
"Ano pa ba ang magagawa mo, eh mahal na nga ako ni Troy? Kahit saktan mo pa ako, he will never like you again. Ang pangit na nga ng mukha mo, pati ang katawan mo, pangit din! Paano ka ba niya naging girlfriend, ha? Nakakaawa naman siya." Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala si Chelsea. Kanina kasi, nakatakip sa kanyang mukha ang buhok niya, ngunit ngayo'y hindi na. "Oh, ano? Umiiyak ka kasi totoo, 'no? Huwag mo na kasi siyang ipaglaban dahil kahit ano'ng gawin mo, he's mine now! And he will never come back to you!"
She flipped her hair and turned around. Our eyes met. We stared at each other. Then she smiled, winked at me, and walked away.
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top