Chapter 12
James' Point of View
I WAS busy watching an action movie. It was one of Jackie Chan's movies. Isa siya sa mga hinahangaan ko kaya't sobra akong nag-e-enjoy sa panonood. He was really cool. And one of the things I admired about him was the fact that he was the one who performed all the stunts and scenes, even the dangerous ones. Hindi stuntman ang gumawa nito para sa kanya.
Kasama kong nanonood si Stephanie, at halatang inip na inip siya. She didn't like what we were watching, she never did. Ang gusto niya kasi ay romantic movie. Tungkol sa lalaki't babae na ang daming pinagdaanan at sa huli'y magkakatuluyan din naman. Gano'n naman palagi ang romantic na mga palabas, tama? 'Yon ang tunay na boring!
"Hey, bakit mo inilipat?" tanong ko nang bigla niyang ibahin ang channel ng TV. I forgot that she was holding the remote control.
Halos masuka ako nang makita sa screen ang naghahalikang babae't lalaki. Nilingon ko siya. She covered her eyes with hands. Niloloko niya ba ako? Inilipat niya 'yong pinapanood ko sa nakakadiring palabas na 'yan tapos magtatakip din lang siya ng paningin niya?
"Sorry, James," sabi niya habang tinatakpan pa rin ang kanyang paningin.
I smirked. "Ikaw kasi, eh. Bakit mo kasi inilipat? Ang ganda na no'ng laban ni Jackie Chan at no'ng unggoy na 'yon, eh!"
"Sorry talaga. Na-boring-an kasi ako roon kaya inilipat ko. Heto, oh. Ilipat mo na." She handed to me the remote control.
"At ano ang hindi boring? Ang palabas na may naghahalikang babae't lalaki? I don't like romantic movies, alam na alam mo 'yon, pero inilipat mo pa rin, without even asking me if it was okay with me." Kinuha ko 'yong remote control mula sa kanya. "Kaya parurusahan kita. Hindi ko ililipat 'yong channel. We're going to watch this movie."
"What?" She removed her hands from her face. "No, James. Hindi tayo manonood ng ganyan."
"Oh?" I smirked. "Ayaw mo bang malaman kung paano dapat humalik ng lalaki? Ayaw mo ba talaga o nagpapanggap ka lang? Wait, have you already experienced to kiss someone and to be kissed?"
Her cheeks turned red. She looked so cute! "Hindi pa!"
"Really? Mabuti. Ako rin, eh. I still haven't experienced to be kissed and to kiss a girl. Gusto mo na bang ma-experience? Gusto ko na, eh. Can I kiss you?" I said and moved close to her.
Mas namula ang kanyang mukha. Naging dahilan 'yon upang lumawak naman ang aking ngisi. This girl never changed! Napaka-cute pa rin niya! Parang gusto ko tuloy pisil-pisilin ang kanyang mga pisngi.
"James, you're not funny."
"I know. I am not joking anyway," I said and moved closer to her.
Itinago niya ang kanyang mukha, halatang sinisigurong hindi ko siya mahahalikan. Was she expecting or hoping I would do it? Well, I was just joking. Pero kung okay lang sa kanya na i-kiss ko siya, bakit naman ako tatanggi? Yeah, sinabi ko sa kanyang mas okay kung mananatiling magkaibigan lang kami, pero lalaki pa rin ako. At kung halikan ko siya, okay lang naman 'yon, 'di ba? Wala 'yong ibang ibig sabihin, lalo't mag-best friends kami. And you could call it a friendly kiss. Right?
Para akong biglang nagising nang kunin niya ang unan sa kanyang likuran at ihampas 'yon sa akin. Well, hindi naman talaga 'yon masakit. Nagulat lang siguro ako dahil masyado kong iniisip 'yong tungkol sa paghalik sa kanya.
"Why did you do that? Aray!" I acted like I was really hurt.
Lumapit siya sa akin. She looked worried. Hindi niya talaga ako kayang tiisin. "James, sorry. Saan ang masakit?"
I hugged her. Nabigla siya at nanigas. "Ang hina ng palo mo kaya paano ako masasaktan? And it's just a pillow!" Tiningnan ko ang kanyang mukha, mga mata, at labi. Then I smirked. "Ngayon, mahahalikan na kita." I slowly moved my face closer to hers.
"Ni hindi mo pa kayang bumili ng briefs mo tapos manghahalik ka na ng babae?"
Napatingin ako sa nagsalita. It was Brix! Nakatayo ito sa likod ng inuupuan namin, magkakrus ang kanyang mga braso, at nakatingin sa amin ng walang ekspresyon ang kanyang mukha. Nagsisimula na akong matakot sa kapatid kong ito. Parang dinaig niya pa ang multo na hindi nakikita. Ang multo kasi, magpaparamdam talaga sa 'yo. Eh, siya? Hindi lang nagpaparamdam at basta na lang lumilitaw. Hindi mo mararamdaman ang kanyang presensya kahit gaano pa siya ka-cold na tao.
Binitiwan ko si Stephanie na yakap ko pa rin pala. Then I said, "'Di ba, sinasabi mo lang 'yan kapag relasyon ang pinag-uusapan? Ano ba ang kinalaman ng pagbili ng briefs sa paghalik ng babae?"
He looked at me like he was telling me, "You don't really know the answer to that question, huh?"
"Ano nga?" tanong ko ulit dahil mukhang wala siyang balak ipaliwanag 'yon sa akin.
Bakit tinitingnan niya ako sa paraan na parang sobrang stupid ko?
"If you kiss a girl, you might step beyond your limitation. Something might happen sa inyong dalawa. So before you kiss a girl, make sure that you're ready to deal with big responsibilities. Isa na roon ang pagpapakain o pagbuhay sa kanya."
Seriously?
I laughed. "Overthinker ka pala, Brix?"
"I'm not. Hindi lang ako katulad mo, kuya. Unlike you, I think before I act. I always use my brain." She looked at Stephanie. "Stephanie, if you don't want to be miserable or to suffer, distance yourself from someone like him. Huwag kang magpapahalik sa lalaking alam mong hindi ka pa naman kayang buhayin o bumili man lang ng briefs niya." Then he walked away.
"Hey, Brix! Why do you keep telling me that? Kaya mo na bang bumili ng briefs mo, ha?!"
"James, he's right. Hindi ka maaaring manghalik ng babae kung kahit sarili mo'y hindi mo pa kayang buhayin at kung hindi pa naman kayo kasal na dalawa. Your first kiss should happen inside the church, sa mismong araw na ikinasal kayo."
"Huh! What's wrong with kissing your best friend? And you said you like me! If you really like me, you'll let me kiss you!"
Ano ba itong mga sinasabi ko? Why was I even saying this?
"I like you so much, but we can't just kiss! Hindi pwede!" Tumayo siya at tumakbo papalayo habang nakayuko.
I smiled. Hindi pwede? Eh, bakit sobrang pula ng kanyang mukha? Kinikilig siya! Ang cute talaga niya. At sayang! We were about to kiss. But Brix suddenly appeared and ruined the moment! Ang little brother ko talaga, oo! 'Yon ang tinatawag na "panira ng moment"!
***
I WAS in my little brother's room. He was reading a book and I was just watching him. There was nothing but the silence. Para kaming magkasintahan na may lovers' quarrel, hindi nag-uusap at nagpapansinan.
"Little brother, hindi ka ba nabo-bore? Ganito ka lang palagi, hindi ka ba nagsasawa?"
He didn't answer. Parang wala ako rito, ah! Pero hindi ako nakaramdam ng hiya dahil ganyan naman siya palagi. Sanay na ako.
"Brix, kapag ba magiging lawyer ka, kailangan para kang robot? Kaya ba mina-master mo ang pamumuhay na parang robot?" He didn't answer me again. "Masaya ka ba? Paano kung habambuhay kang maging single at tumanda kang mag-isa dahil ganyan ka?"
There was nothing but the silence again.
"Brix! Sumagot ka nga!" Tumaas ang aking boses.
Ibinaba niya ang kanyang libro at tiningnan ako. He gave me a cold stare before he spoke, "I am never bored. Hindi ako nagsasawa. And you don't need to live like a robot if you wanna be a lawyer. Of course, I'm happy. And I don't care if I die ng hindi nae-experience mahalin at magmahal. Okay na ba? Kuya?" Nagpatuloy na naman siya sa pagbabasa.
"Nasagot mo nga ang lahat ng tanong ko at sunod-sunod pa, pero ang iiksi naman ng mga sagot mo. Parang nag-yes or no ka lang," sabi ko. "Okay lang ba talaga 'yon sa 'yo? E di sino'ng mag-aalaga sa 'yo kapag matanda ka na? Sino'ng makakasama mo? Siguradong wala na ako sa tabi mo sa panahong 'yon dahil may pamilya na ako o maaaring patay na ako. Paano na? Kahit ikaw pa ang pinakamagaling na lawyer, wala rin 'yong saysay."
Nagpatuloy na naman siya sa ginagawa niya na parang wala siyang narinig. Kailangan ko pa bang magtaas ng boses bago siya sumagot? Ang parang robot kong kapatid talaga, oo, napaka-pambihira.
Dahil ayoko nang kausapin pa ang kapatid kong parang wala rin naman dito, naglaro na lang ako sa aking cellphone. Siyempre, ML na naman ito. Ano pa ba? Adik na yata talaga ako sa ML. Pero okay lang, hindi naman ako nag-iisa.
Pareho kaming abala ni Brix at may kanya-kanya kaming mga mundo. The difference between our worlds? His world was so boring! And mine was exciting! Wala nang mas e-exciting pa kaysa sa paglalaro ng Mobile Legends: Bang Bang. Ipinagpatuloy namin ang aming ginagawa hanggang sa biglang nag-brownout.
"Bakit ngayon pa? Ang ganda na ng laro, eh!"
Siyempre, hindi na ako makapaglalaro dahil walang kuryente at hindi gumagana ang aming wifi. Hay naku! Ang galing talaga ng pagkakataong mang-inis at mang-asar.
Pero si Brix? Hindi napigilan ng brownout. Hinanap niya ang kandila at posporo niya at sinindihan 'yon. At muli siyang nagpatuloy sa pagbabasa.
"Brix, baka mabulag ka. Baka mabaliw ka na rin kakabasa."
Parang wala na naman siyang narinig.
Naalala ko si Stephanie. "Dito ka na nga, pupuntahan ko lang si Stephanie." Umalis ako roon at nagtungo sa kwarto ko na tinutulugan niya. "Stephanie?"
Isinindi ko ang flashlight ng aking phone. Nandoon siya sa ilalim ng kumot ko, nagtatago na parang may multong kukuha sa kanya. This girl never changed, takot pa rin siyang mapag-isa sa gitna ng dilim.
"James?" Inalis na niya ang kumot na nakatakip sa buo niyang katawan. "What are you doing here?"
"Siyempre, sasamahan ka sa gitna ng dilim. You're afraid of being alone in the dark. At hindi ko pwedeng hayaang matakot ang best friend ko." Naglakad ako patungo sa aking table. Hinila ko ang lagayan nito at kinuha roon ang kandila at posporo. Katulad ni Brix, may ganito rin ako. Siyempre, para handa kami kung sakaling mag-brownout. "Oh, heto, para hindi ka na matakot." Sinindihan ko na ang kandila.
"Salamat."
Lumapit ako sa kanya at naupo sa aking kama. "Alam mo namang may kandila at posporo akong itinatago diyan kaya bakit hindi mo sinindihan?"
"Natatakot kasi ako."
"Do you want me to give you a hug?"
"Huh?"
"Halika na, alisin na natin 'yang takot mo." I moved closer to her and hugged her. Nanlaki ang aking mga mata. Naramdaman ko na naman ang naramdaman ko kanina. Hindi ko tuloy nagawang gumalaw kaya't para akong yelo na nanigas.
Bakit mo ba kasi nalilimutang babae siya, James? You're out of your mind!
"James, pwede bang tama na?" Lumayo ako sa kanya. Mapanuri niyang tiningnan ang aking mukha. Mas nanlaki ang aking mga mata nang ilapit niya sa aking mukha ang kanya. "Pahiram nga ako saglit nitong cellphone mo." Kinuha niya ito at inilapit sa aking mukha. Para akong nagising bigla at lumayo ako. "Bakit ka namumula? Sobrang pula ng mukha mo."
Mas inilayo ko ang aking mukha. "Ako? Namumula? Hindi, ah. Bakit naman ako mamumula?"
"Hayan, oh," sabi niya sabay lapit ng liwanag sa aking mukha. I covered my face. "Bakit nahihiya ka?"
"Nahihiya? I'm not! And guys don't blush! At saka bakit naman ako magba-blush? Naramdaman ko lang naman 'yong ano..."
Kumunot ang kanyang noo. "Ano?"
I looked down. Kanina ko pa nararamdamang mainit ang aking mga pisngi. "'Yong ano mo kasi... Ano..." What was happening to me? Bakit ko ba kasi siya niyakap? "Ano... Nalimutan kong dalaga ka na."
"Oh? Tapos? At saka ano ba 'yong naramdaman mo na ano ko? Ano 'yon?"
Sasabihin ko ba? Tingin ko, dapat ko 'yong sabihin sa kanya. Para kasi akong pervert kapag hindi ko ginawa. Kasalanan ko 'to, eh! My best friend was a girl! And she was now a lady! Malamang, may gano'n din siya!
Humugot ako ng sapat na lakas ng loob upang tingnan siya at sumagot. "Um... Ano... Noong yakapin kita, naramdaman ko 'yong ano..." She raised an eyebrow. "'Yong dibdib mo!" Pumikit pa ako bago ko 'yon sinabi. "And I always feel it every time I hug you. Sorry!" Yumuko pa ako na parang isang aliping humihingi ng tawad sa hari.
Hindi ko naman talaga 'yon sobrang naramdaman dahil hindi naman ito ganoon kalaki, pero naramdaman ko pa rin ito! Baka naman hindi 'yon 'yong dibdib niya? Baka foam lang 'yon ng bra niya? Sana nga. Every time I thought that I felt it, I felt the strangest feeling I had ever felt. And that feeling wasn't good! Baka may magawa pa akong hindi dapat.
I looked at her when she fell silent. Her face turned red too. And she was now looking down.
"Nahihiya ka rin?"
She nodded.
"Huwag kang mahiya, baka bra mo lang talaga 'yong naramdaman ko. At saka...best friends naman tayo. Wala 'yong halong malisya at hindi ko rin naman sinasadya," sabi ko. Tama ba 'tong mga sinasabi ko sa kanya? "Let's forget it."
Pareho kaming natahimik. Kung hindi lang siya takot sa dilim, baka kanina pa ako umalis. Because right now, I wasn't sure I could control myself and my body. Pakiramdam ko, handa na ang katawan kong gumawa ng hindi tama. Sinisimulan na rin akong pagpawisan.
James! Umayos ka!
"James, meron ka bang mga bagay na gustong sabihin sa akin na hindi mo masabi nang nakaharap sa akin?"
Thank you, Stephanie, for saving me! Muntik na akong mawala sa sarili mo. Thank you for the distraction!
I thought before I spoke, "Yeah, meron naman."
Ang pinaka-hindi ko kayang sabihin sa kanya ay 'yong tugon ko sa pag-amin niya sa akin na sobrang gusto niya ako. I never wanted her to get hurt so I never said it to her. Baka kapag sinabi ko rin 'yon sa kanya, mahirapan siyang umakto na parang ayos lang ang lahat at masira pa ang friendship namin. I never wanted that to happen. Ni imagine-in 'yon, hindi ko kayang gawin.
She stared at the wall. "Ako rin. Marami akong gustong sabihin sa 'yo na hindi ko masabi-sabi sa 'yo." She looked at me. "Let's say it to each other by writing it down. Okay lang ba 'yon sa 'yo? Isusulat natin ang lahat ng gusto nating sabihin sa malinis na papel tapos ibibigay natin 'yon sa isa't isa. At kapag ready na tayong malaman ang nakasulat doon, babasahin na natin ito."
"Pwede nating basahin kahit kailan natin gusto?"
She smiled and nodded.
"Okay lang 'yon sa akin."
Para na rin mas ma-distract ako.
Kumuha ako ng dalawang bond paper at ballpen. Doon siya nagsulat sa aking kama. Ginamit niya ang flashlight ng cellphone ko para makapagsulat siya. Doon naman ako nagsulat sa mesa kung nasaan ang kandila.
Stephanie, talagang masaya na akong mag-best friends tayo at ayokong magbago ito. Noon, hinahangaan lang kita. But now, I don't just admire you. I like and love you so much. But as a friend, and not the same way you like me. I know you know that, but I also know that it's hard for you to stop yourself from liking me. Sana'y mawala na ang pagkagusto mo sa akin. Kasi kung hindi, masasaktan ka lang. And I never wanted my best friend to get hurt.
Darating ang araw na makakakilala ako ng babaing mamahalin ko. Hindi ikaw ang babaing 'yon. Well, malaki ang pag-asang mahalin kita. You're gorgeous and you've almost got everything a guy needs. Pero pinipigilan ko ang sarili kong mahalin ka. Ayokong masira ang pagkakaibigan natin. I want us to stay that way forever. Kung best friend kita habambuhay, siguradong mananatili ka rin sa tabi ko habambuhay. But once we became more than friends, everything would get complicated at maaaring sa huli'y magkalayo rin lang tayo. Gusto ko ang meron tayo at kuntento na ako roon. Sana'y gano'n ka rin upang hindi ka na mahirapan pa, lalo na kapag dumating na ang araw na nagmahal ako ng ibang babae.
Matapos kong magsulat, tapos na rin siya. She folded the letter and I copied what she did. Noong iniabot namin sa isa't isa ang mga sulat, biglang sumindi ang ilaw. Dahil may kuryente naman na, iniwan ko na siya roon at bumalik na ako sa kwarto ni Brix.
Pagkabalik ko roon, nagbabasa pa rin si Brix. Gabi na kaya naisip kong matulog na. Niyaya ko siyang matulog na rin, ngunit hindi niya ako pinakinggan. Pinilit kong matulog, ngunit hindi ko magawa. Paulit-ulit ako sa pagtagilid ngunit hindi talaga ako makatulog.
"Brix, matulog ka na."
"Ni hindi mo pa nga mapatulog 'yang sarili mo tapos sasabihin mo sa akin 'yan?" sabi niya ng hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.
Wow! Finally, he answered me! Mayroong himala!
"Nakakatakot ka kasi," pang-aasar ko. "Para akong may kasamang multo rito ngayon kaya nahihirapan akong makatulog."
"May nangyari sa kwarto mo, 'no? And that's why you can't sleep."
I suddenly remembered what happened before we both wrote letters. 'Yong dibdib niya...
James, stop!
Si Brix kasi, eh. Pinaalala niya pa 'yon. Wait, paano niya nalaman 'yon? Nasa labas ba siya ng kwarto ko kanina at nakikinig? Baka naglakbay doon ang kaluluwa niya at pinanood kami ni Stephanie? Hindi rin talaga ganoon kagandang magkaroon ng kasama sa bahay na katulad ng kapatid ko. Nakatatakot siya.
"Wala, 'no," sabi ko habang nakatingin sa ibaba.
"You're blushing. May nangyari talagang kung ano." Tumingala ako. I was blushing? How did he know? Did he look or glance at me? But his eyes were just on the book he was reading! Nakatatakot talaga siya. "What you did was really wrong. Hindi mo maaaring samahan ang isang babae sa isang madilim na kwarto. I'm a boy like you so I know why."
"I know that, Brix. Wait, have you experienced na makasama ang isang babae sa iisang kwarto at kayo lang ang nandoon?"
"Hindi. Pero kilala ko ang sarili ko. Malaki man ang pinagkaiba ko sa 'yo, I'm still a boy and that will never change." Akala ko'y tatahimik na siya, ngunit mali ako. "So don't do what you did again. Ayokong maging uncle nang maaga."
"At hindi ko pa kayang bumili ng briefs ko?"
He nodded, his eyes still on the book. "Right."
Hindi ko na muling kinausap si Brix. I forced myself to sleep, but I couldn't. Dahil wala akong magawa, naisip kong basahin ang letter na ibinigay ni Stephanie. Binuksan ko 'yon at binasa gamit ang aking mga mata. Mahirap at baka may mai-comment na naman si Brix.
Dear James,
I think I don't just like you. I think I love you now. How did I know? Sa tuwing iniisip kong mawawala ka, para akong mababaliw. I think I can't live without you.
I know you don't feel the same at maliit lang ang tsansang mahalin mo rin ako. Pero mamahalin pa rin kita. I have promised myself na sa buhay kong ito, ikaw lang ang mamahalin ko. Of course, it hurts me. Nasasaktan ako sa tuwing binibigyan mo ng diin na isang kaibigan lang ang tingin mo sa akin at hanggang doon na lang 'yon. But it's okay. Mahal kita dahil mahal kita. Mahalin mo man ako o hindi, my feelings for you won't change.
Pero kahit okay lang sa akin kahit mag-best friends lang tayo, umaasa pa rin ako na mamahalin mo ako gaya ng pagmamahal ko sa 'yo. Sana'y dumating ang araw na masabi mo sa akin na mahal mo, hindi dahil best friend mo ako, but because you also can't see yourself without me.
Isa sa mga dahilan kaya patuloy ako sa pagmamahal sa 'yo ay ang pakiramdam kong ipinanganak ako para sa 'yo at gano'n ka rin sa akin. Feeling ko, you're the one that God has given me. Feeling ko, you're the one. Sabi ni mommy, sa oras na na-in love daw ako, ibigay ko nang buo ang puso ko sa taong 'yon. But she said before I do that, siguruhin ko muna raw na mahal din ako ng taong 'yon dahil kung hindi niya raw ako mahal, walang matitira sa akin. Pero handa akong ibigay ang lahat sa 'yo, kahit ang kapalit nito'y sakit at pagdurusa. Nangako na rin ako sa sarili ko na sa 'yo ko lang iaalay ang pagmamahal ko.
Mahal na mahal kita, James.
Love,
Stephanie
I almost cried after I read it. Honestly, I really wanted to cry. I just didn't my brother to see me crying. I was certain he would comment again. I didn't want to hear his comments right now. I needed to think.
Hindi ako pinatulog ng letter na 'yon. Sobrang lalim na ng gabi at natulog na rin si Brix, ngunit gising pa rin ako at ang isip ko. Sobrang saya ko talaga matapos kong malamang mahal niya. Nasaktan din ako nang malaman kong nasasaktan siya. At naguguluhan ako dahil parang alam ko naman kung ano ang dapat kong gawin, ngunit wala akong balak gawin ito.
Why things gotta be so complicated?
"Life is simple, we just insist on making it complicated."
Bigla ko tuloy naalala 'yong quote na nabasa ko noon. Simple lang daw ang buhay, ngunit pinaku-kumplikado lang natin ito. If I knew what to do, what was it? What should I do?
A girl had fallen for her best friend. May mas gaganda pa ba sa ganyang istorya? I thought it only happened in books and movies, but I was wrong! It also happens in real life! Bakit ba hindi ko nalaman 'yon nang mas maaga? Sinabi na niya sa aking gusto niya ako, ngunit hinayaan ko pa ring maging magkaibigan kami. And now, she loved me. And everything became so complicated. But if I didn't let it happen, we wouldn't become best friends. Ano ba kasi ang dapat kong ginawa sa nakaraan?
Okay, what's past is past. I should focus on the present time. Eh, ano ba ang dapat kong gawin ngayon? Magtanong kaya ako kay mom or dad? No! Malalaman nila na mahal pala ako ni Stephanie at gusto nila siya para sa akin kaya alam ko na kung ano ang sasabihin at gagawin nila. Magiging biased lang sila. Eh, kay Brix kaya ako manghingi ng advice? Mas lalong huwag! Ayoko ng mga comment niya. Baka sabihin na naman niya ang kanyang favorite line. Eh, i-post ko na lang kaya ito sa Facebook at doon manghingi ng advice? Hindi pwede! Personal pronlems need personal solutions. At saka kapag ginawa ko 'yon, magiging mas kumplikado ang lahat. Marami na akong kakilala na mas namroblema matapos nilang i-post sa social media ang kanilang mga problema.
Sa hinaba-haba ng pag-iisip ko, ang naisip kong gawin sa huli ay puntahan siya at pag-usapan namin ito. Dahan-dahan akong lumabas upang hindi magising si Brix. Ngunit pagdating ko roon, natutulog na siya.
I stared at her face. She was so gorgeous and cute, and she had a gorgeous lips. I wanted to taste them. I licked my lips.
Wala ba talaga akong romantic feelings para sa babaing 'to?
Mahirap talagang malaman ang mga sagot kung wala ka pang experience. Ano ba kasi ang pakiramdam na ma-in love? Paano ko malalaman na mahal ko na siya?
I suddenly remembered something she wrote in the letter. Ang sabi niya, nalaman niyang mahal niya ako nang imagine-in niya na mawawala ako at halos mabaliw siya matapos niyang gawin 'yon. I closed my eyes and tried to imagine it. Bakit hindi ko kaya? I couldn't picture it because I remembered that she promised me that she would never leave me. Siguro'y sobrang taas ng tiwala ko sa mga salita niya. Tutuparin niya naman 'yon, 'di ba?
Lumapit ako sa kanya at mas tinitigan ko pa siya. "Bakit ako pa ang pinili mong mahalin? I don't think I deserve to be loved by someone like you. You're gorgeous, the cutest, smartest, kindest, and best girl I've ever met. You've got everything. At ako? I'm stubborn and immature, and just like what they say, I always think, talk, and act like a little kid. Bakit sa akin ka pa na-in love?" Napayuko ako. "And...we're best friends. I want you to stay by my side forever. And I think that will only happen kung mananatili tayong mag-best friends. Ayokong maging kumplikado ang lahat at ayokong...mawala ka. Sana'y mawala na ang feelings mo para sa akin."
After I said those words, I left.
Nang mag-umaga at makita ko siya, namamaga ang kanyang mga mata. Sobra akong nag-alala.
"What happened to your eyes?"
She tried to hide his eyes from me. "Um... Ano... Nakagat ng ipis."
"What? Paano nangyari 'yon? Never pa 'yong nangyari sa akin and it happened to you?" tanong ko sabay suri sa kanyang mga mata na patuloy niyang iniiwas.
Biglang dumating si mom. Agad nitong napansin ang mga mata niyang namamaga. Itinuro niya 'yon at nagtanong, "Stephanie, ano'ng nangyari diyan? Umiyak ka ba?"
Umiyak?
I looked at Stephanie. She shook her head. "Hindi po. Nakagat po ito ng ipis."
"Pero--" Parang may sinabi si Stephanie gamit ang kanyang mga mata na agad namang naunawaan ni mom. Ano naman 'yon? "Ahhh." Tumango-tango siya. "Lagyan mo na ng yelo 'yan para um-okay na. James, kumuha ka roon sa ref at ikaw ang magpahid sa kanya. Kasalanan mo naman kung bakit nagkaganyan ang eyes ni Stephanie."
"What? Kasalanan ko, mom?"
She didn't answer me and walked away.
Ginawa ko ang sinabi ni mom, hindi lang dahil utos niya 'yon kundi dahil sobra akong nag-aalala. Hindi talaga ganoon katalas ang isip ko dahil kahit napaka-simpleng bagay ay hindi ko kayang maintindihan o makuha. Hindi lang mahina ang utak ko, manhid din ako.
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top