Chapter 11


James' Point of View

IT HAD almost been five years since that terrible tragedy happened. And no matter how hard it was for Stephanie to keep on going, she never gave up. She did what her mother wanted her to do.

I stayed by her side. I saw how she struggled to accept the truth and move on. Maraming luha rin ang kinailangan niyang ilabas upang mawala ang sakit na nararamdaman niya. Actually, I was not sure if she was totally okay now. Ang alam ko lang, mas okay na siya ngayon kaysa noon. Hindi na siya umiiyak kumpara noon, at bumalik na ang kanyang matatamis at napakagandang mga ngiti.

At dahil mas napalapit kami sa isa't isa, mas lumalim ang relasyon naming dalawa. We weren't in a relationship, okay? Our friendship just leveled up! Because now, we were best friends! At masaya talaga ako at nangyari ito. Ang feeling na magkaroon ka ng best friend (na katulad niya) ay ang best feeling na naramdaman ko. Pakiramdam ko nga, mas masaya pa ako kaysa sa lalaking sinagot ng "oo" ng kanyang girlfriend matapos niya itong yayaing magpakasal. Well, I couldn't really compare those different feelings to each other. Magkaibang-magkaiba kasi ang mga 'yon, at wala rin akong experience pagdating sa gano'n. I had never been in love and I still hadn't experience to have a girlfriend.

Mas napadalas din ang pagsasabi ni Brix sa kanyang favorite line na: "Ni hindi mo pa nga kayang bumili ng briefs mo, mag-g-girlfriend ka na?" Kaya bakit ako mag-g-girlfriend?

"James? Wake up."

Napakahimbing ng tulog ko ngayon dahil nagpuyat ako kagabi. Katulad ng madalas kong gawin, ginamit ko na naman buong gabi ang aking cellphone. Tuwing gabi kasi, sobrang lakas ng signal kaya nasisiyahan ako sa paglalaro sa aking cellphone, panonood, pagtingin-tingin sa Facebook at Instagram, at iba pa. Siguro nga, maaari na akong tawaging adik. Could you blame me? It was  addicting, really.

"Hey, James, wake up." She walked to my bed, and even though I heard her footsteps, it didn't wake me. "Ang himbing ng tulog mo, ah."

Then there was silence. Someone was staring at me, I felt it. But still, I didn't wake me.

"Ang gwapo mo talaga. You look like an anime guy, lalo't ganyan 'yang buhok mo. I really love your hair." I felt she touched my hair. "What am I doing? Stephanie, stop! You and him are best friends!"

Tumagilid ako. Of course, I was still asleep when I did it.

"Hindi pa rin siya nagigising, huh? I'm sure nagpuyat ito kagabi. Hey, James! Gising na!" Inalog-alog niya ang aking katawan.

Dahil hindi siya tumigil, nagising tuloy ako. I didn't open my eyes. "Hmm... Stop, natutulog pa ako."

"Gumising ka na! Talagang sinusulit mo ang bakasyon, ha? Mabuti na lang at dumating ako ngayon. I'll make sure na hindi ka na makapagpupuyat ulit." Ipinagpatuloy niya ang pag-alog sa aking katawan.

I slowly opened my eyes. Itinigil na niya ang ginagawa niya. "Stephanie? Why didn't you tell me that you'd come here?" Naupo ako. "And why did you wake me? Anong time na ba?" Magkasalubong na ang aking mga kilay.

Dumating na naman siya. Siguradong hindi ito magiging ganoon kasaya. Well, I was glad she was here today. But there was part of me that was not. Kakailanganin ko na naman kasing sundin ang mga gusto niya gaya ng pagkain ng mga gulay, pagtulong sa mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng mga pinggan at paglalaba, pagbabasa, pag-iwas sa pagbababad sa cellphone, pagtulog ng sobrang aga, at "marami" pang iba.

"Lagpas 5:30 pa lang." Mas nagsalubong ang aking mga kilay. "Inagahan ko talaga ang pagpunta rito dahil kailangan kitang gisingin. Tumayo ka na at magdya-jogging tayo."

"What? Pumunta ka rito ng ganito kaaga para gisingin ako at yayaing mag-jogging?" She smiled and nodded. Kung hindi maganda ang ngiti niya, baka kanina pa uminit ang ulo ko. "Nandito ka lang yata para pahirapan na naman ako? Do you really like me?"

Her face became serious. "James, I like you so much." Para akong mas nagising matapos kong marinig 'yon. "And I'm not doing this para pahirapan ka. I'm helping you. Gusto mo bang sabihin nina tito't tita na immature ka pa rin hanggang ngayon?"

"E di immature kung immature na. Ganito na ako mula pa noon at hindi na yata ito magbabago pa." I sounded like a kid. "Basta! Dito lang ako, at hindi ako magdya-jogging. If you want to exercise, then do it. Huwag mo na akong isali."

She crossed her arms in front of her chest. Her face was still serious. "James, whether you like it or not, mag-e-exercise ka. And what you said is wrong. You can change. May magagawa ka para mawala na 'yang pagka-immature mo. Hindi pwedeng ganyan ka na lang habambuhay, walang disiplina."

"Are you insulting me? We're friends--No, best friends. We're best friends, aren't we? "

She shook her head. "I'm not insulting you, I'm just saying the truth. And yeah, we're best friends and that's why I'm being honest with you."

"You sounded like my little brother," I commented.

She smiled. "At para sa akin, you're not that immature. May pagka-immature ka lang."

My eyebrow rose. "May pinagkaiba ba ang dalawang 'yon?" She nodded. "Itigil mo na nga ang pagpilit sa akin. I don't wanna exercise. Dito lang ako at matutulog ako ulit."

She shook her head. "No, no, no. Hindi pwede. Kapag bumalik ka sa pagtulog, sure akong late ka na namang magigising. Manghihina na naman 'yang katawan mo and you won't be productive throughout the day again. Hindi 'yon tama. Malaki ka na ngayon at sa susunod na pasukan, Grade-12 ka na. Kailangan mo nang itigil 'yan."

"Now, you sounded like my mom."

She smiled. "Maghanda ka na at magdya-jogging na tayo. Dapat nating unahan ang pagsikat ng araw." Hinila niya ako at pilit na pinatayo. "Tumayo ka na diyan!"

"Oo na, tatayo na."

Wala na naman akong nagawa kundi ang sundin siya. Kahit ayokong tumakbo, ginawa ko pa rin ito. Kahit sumasakit na ang paa ko, nagpatuloy pa rin ako. Why? Because I had to. Pagdating sa kanya, napakamasunurin ko. Kay mom? I was not like that. Napakakulit ko at minsan ko lang siya sundin. Minsan tuloy, sumasagi sa isip ko na maaaring siya talaga ang tunay kong ina.

"Nakakapagod," sabi ko at naupo sa unang upuang nakita namin. I still remembered that this chair was the same chair we sat on after we biked together. 'Yon 'yong pinakaunang pagkakataong sinabi niya sa aking may cancer ang mom niya at umiyak siya no'n. Until now, this chair was still here. It was just rusting. At sa tuwing nakikita ko ito rito, naaalala ko ang pagkakataong 'yon at...hindi ko maiwasang masaktan. Pagkatapos kasi no'n, nangyari ang pinakamatinding trahedya sa buhay niya, na pareho naming 'di inasahan.

She sat beside me. "Pagod ka na agad? Ang bilis mo namang mapagod. Halos palagi ka lang kasing nakahiga at nakaupo."

"Ang bilis kong mapagod, huh? Ang layo kaya ng tinakbo natin."

"Tama ka naman," nakangiting sabi niya. "At mahaba pa ang kailangan nating takbuhin."

"Seriously? No, uuwi na ako."

"Susunduin mo ako," seryosong sabi niya.

"Oo na. I don't wanna argue with you anymore. Ikaw naman ang nasusunod palagi."

She smiled. "Good. Pupunta nga pala tayo sa grocery store mamaya at sa bus tayo sasakay."

"Huh! Bakit tayo doon sasakay, eh may kotse naman kami? Para saan pa ang sarili naming sasakyan kung gano'n? Ikaw na lang ang pumunta, hindi ako sasama. Kaya mo namang gawin 'yon ng mag-isa, tama?"

Tumango siya. "Well, yes. I can. Pero sasama ka pa rin sa akin. Kailangan mong mas matutong sumakay sa public transportation para kapag may problema ang kotse n'yo, alam mo kung ano ang gagawin mo."

"That won't happen, hindi magkakaproblema ang sasakyan namin. At hindi ko gustong maghintay para lang may masakyan ako. That's one of the things I don't wanna do, ang maghintay na parang kawawa."

"Parang kawawa? And what if umalis ako, hindi mo ba ako hihintayin at kalilimutan mo na lang ako?"

Nagsalubong ang aking mga kilay. "So may balak kang iwan ako?"

"Wala. What if lang naman 'yon. Eh, paano nga kung nawala o umalis ako, what would you do?"

I thought before I spoke, "Depende, depende sa sitwasyon. Kung umalis ka na lang basta, hindi ako maghihintay lang at hahanapin kita kahit nasaan ka pa. Pero kung umalis ka dahil ayaw mo na akong makasama at maging kaibigan, baka..." I looked at her in the eye. She did the same. Parang nag-uusap ang mga mata namin. "I don't know. Kung nangyari, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. But I don't have to know it, do I? You will never leave me, right?"

Three seconds passed before she answered, "Siyempre, hindi ko gagawin 'yon. I like you so much so how can I leave you?"

I trusted what she said. Dahil lahat ng ipinapangako niya'y tinutupad niya, naniwala akong tutuparin niya 'yon. I believed that she would stay by my side. Forever. And no matter how hard it would be. Umasa at inakala kong gano'n ang mangyayari, ngunit mali pala 'yon. Ang umasa ay nakasasakit at ang pag-aakala'y nakamamatay. Kung hindi, e di sana'y hindi ako masasaktan at hindi ko halos ikamamatay ang mangyayari sa hinaharap.

"Pinayagan ka ba ng lola mo na dito magbakasyon?" tanong ni mom sa kanya habang kumakain kami ng breakfast.

Stephanie nodded. "Opo, tita. Okay lang daw po na mag-stay ako rito."

"Talaga? Ang bait talaga ng lola mo at palagi ka niyang pinapayagan sa tuwing magpapaalam ka sa kanyang mag-i-stay ka rito." She looked at me. Kahit alam ko na ang kahulugan no'n, itinaas ko pa rin ang aking kilay na parang wala akong alam. "Ibig sabihin, ikaw James, doon ka muna sa room ng kwarto mo matutulog. Okay lang naman 'yon sa 'yo, 'di ba, son? Hindi naman kasi pwedeng doon sa isang kwarto si Stephanie matulog kung saan nakalagay 'yong mga luma nating gamit. Maraming ipis, sapot, at gagamba doon. Babangungutin lang siya roon."

Nauunawaan ko naman ang ibig sabihin ni mom. Pero baka kasi ako ang bangungutin. Si Brix kasi, naging makalat na. Ang gulo sa loob ng kwarto niya, at para itong Jurassic world. Ang daming libro, papel, tira-tirang cardboard, plastik, at iba pa. May basurahan naman siya, pero halatang tinatamad siyang ilagay roon ang mga basura niya. Hindi ko nga alam kung bakit naging sobrang tamad na niya, eh. Siguro kung hindi niya kailangang kumain at maligo, hindi talaga niya ito gagawin.

I smiled. "It's okay with me, mom."

"Sa 'yo, Brix? Okay lang din ba?"

He looked at him. Sa wakas, nalaman na niyang nandito kami. Kanina kasi, nakatitig siya sa kawalan at malalim ang iniisip. "Do I have other choice, mom?"

Pumalakpak si mom. "So, okay na ang lahat! Stephanie, doon ka sa kwarto ni James matutulog habang nandito ka sa bahay!"

"Thank you po."

Bus nga talaga ang sinakyan namin. Pinilit ko siya na doon na lang kami sa kotse sumakay, ngunit hindi ako nagtagumpay. Sinabi ko pa kay mom na kumbinsihin niya si Stephanie, ngunit hindi niya ginawa. Natuwa pa siya nang malaman niyang sa pampublikong sasakyan kami sasakay. Si dad, parang gano'n din. Si Brix? Heto ang sinabi niya: "Kuya, hindi mo ikamamatay ang pagsakay sa bus."

Well, may karapatan naman siyang sabihin 'yon dahil ang totoo, marunong na rin siyang sumakay sa mga pampublikong sasakyan. But he wasn't doing it to go to parties or meet his friends. Actually, he didn't change. Siya pa rin 'yong little brother ko na halos palagi lang nasa loob ng kanyang kwarto at abala sa mga weird na bagay. Pero parang robot na talaga siya ngayon. Kasi kung dati, seryoso siya at mahirap basahin, mas mahirap siyang basahin ngayon. His face was always expressionless and he had a robotic voice now. Mas bihira na rin siyang magsalita.

Tungkol sa pagsakay niya ng public transportation, ang sabi niya, kailangan niya raw i-master (yeah, he said it) 'yon dahil malapit na raw siyang umalis at pumunta sa Maynila. Hanggang ngayon kasi, ang pagiging lawyer pa rin ang gusto niya kaya talagang doon siya mag-aaral.

"So pretty and hot," dinig kong sabi ng katabi ko at nakita ko rin kung paano niya dilaan ang kanyang maiitim na labi.

Nagsalubong ang aking mga kilay nang mapagtanto kong si Stephanie ang tinutukoy niya dahil sa kanya siya nakatingin. This guy was so annoying and a pervert!

Kanina pa ako naiinis sa kanya. Nagsimula 'yon nang umupo siya sa tabi ko at sumiksik siya sa amin ni Stephanie. Pangtatlong tao talaga itong upuan, ngunit marami pa namang ibang bakanteng upuan at pinili niyang sumiksik dito! Tapos kanina ko pa siya nahuhuling nakatingin kay Stephanie sa nakakadiring paraan, at may padila-dila ng mga labi pa siyang nalalaman. He was ogling her! So, paano ako hindi maiinis sa kanya? I really wanted to punch him in the face until his ugly face became uglier!

Mabuti na lang at ako'y nasa pagitan nilang dalawa kaya hindi siya makagagawa ng kahit anong hindi maganda sa best friend ko. Mabuti na lang din talaga at nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko mula sa pagsuntok sa kanyang mukha na parang mukha ng isang drug addict.

"Hon, miss na miss mo na talaga ang anak natin, 'no? Ako rin, I miss him so much," sabi ko sabay patong ng aking ulo sa kanyang balikat.

"Huh?"

I whispered to her, "Just act na parang mag-asawa tayo. The pervert guy is watching us."

Tumingin siya doon sa lalaki. "Okay," bulong niya pabalik. "Of course, hon, miss na miss ko na siya. Gumawa na kaya tayo ng kapatid niya para may kalaro na siya sa tuwing iiwan natin siya?"

That made me smile. Ang ganda ng naisip niyang line, ha. I loved it.

"Hon? Mag-asawa sila?" dinig kong bulong ng katabi ko. Nakakunot-noo ang kanyang noo at hindi rin siya makapaniwala.

"Oo, manong, mag-asawa po kami at may anak na kami. So stop ogling my wife. Akin na siya." Hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin 'yon.

"Manong, ha? Ang yabang nito, ah. Makaalis na nga." Binigyan niya muna ako ng matatalim na tingin bago siya umalis at lumipat sa ibang upuan. 

Inalis ko na ang aking ulo mula sa kanyang balikat at tiningnan siya. "Ang galing mo, ah. Wait, why are you looking down?"

She was hiding her face. Pilit kong tiningnan ang kanyang mukha at nalaman kong sobra itong namumula. "Nahihiya ako. 'Yong sinabi ko... Nakakahiya," sabi niya.

"Huh? Why are you ashamed of it? Dahil nga sa sinabi mo, umalis 'yong lalaking 'yon. Ang galing nga, eh." She was still looking down. "Look at me. Alam mo namang ayokong ginagawa mo 'yan. Huwag na huwag mong itatago 'yang mukha mo mula sa akin." She looked at me. I smiled. "Ganyan. Best friend kita at ayokong ginagano'n ka ng kahit sino. Okay lang 'yong ginawa mo dahil sinabi mo lang naman 'yon dahil kailangan."

"Yeah, we're best friends. I thought you were jealous or being overprotective. Ginawa mo lang pala 'yon 'cause we're best friends."

I laughed. "Jealous? Me?" Itinuro ko pa ang aking sarili. "Why would I? Inakala mo talaga 'yon? Bakit?" Nawala ang ngisi sa mukha ko nang may maisip ako bigla. "You thought I already had feelings for you?"

Siya naman ang tumawa ngayon. "Huh? Bakit ko naman iisipin 'yon? Alam ko namang isang kaibigan lang ako sa mga mata mo at hindi 'yon magbabago. Why would I forget that, eh halos palagi mo 'yong ipinapaalala? Masaya nga ako, eh. Napakabuti mong best friend. Wala na akong mahihiling pa," nakangiting sabi niya.

Mukhang nagsasabi siya ng totoo.

"Masaya ako at kuntento ka na kaibigan mo ako. Masaya rin ako at naging mag-best friends tayo. We're both happy this way kaya bakit gagawin pa natin itong kumplikado? Let's stay this way forever, Stephanie. Let's be friends forever."

She fell silent. Then she gave me a smile, a smile that was very different compared to her usual smiles. "Sige."

Nag-grocery kami ni Stephanie. May dala siyang listahan. I was the one who was pushing the cart while she was looking for supplies. Nagmukha tuloy kaming mag-asa kaya hindi na ako nagtaka nang kami ang topic ng ibang taong makakakita sa amin.

"Mag-jowa kaya sila?" dinig kong tanong ng isang babae sa kausap niya.

"Eh, ano ba'ng malay ko? Baka mag-asawa sila? Alam mo, ayokong sabihin 'to pero bagay sila, ha."

"Oo nga, eh. Mukha silang sikat na love team, gwapo at maganda. Mapapa-sana all ka na lang talaga."

"Sana all may jowa!" sabay pa nilang sabi.

"James, bakit ka nakangisi diyan? May nakatatawa ba?" tanong ni Stephanie.

Umiling naman ako. "Wala."

Patuloy kami sa ginagawa namin nang may mga babaing dumaan na nakasuot ng damit na uso ngayon. Kitang-kita ang mapuputi nilang tiyan at ang kanilang mga pusod. Halos matawa lang ako nang makita kong marumi 'yong pusod no'ng isang babae. Ang puti pa naman niya.

"Stephanie, look at them," I said and pointed to them. She looked at them. "Look at what they're wearing. It's beautiful, isn't it? Kahit sino yata ang magsuot niyan, talagang magmumukhang sobrang sexy. Gusto mo ba no'n? 'Cause if you do, I'll buy you--"

"James, ayoko."

My eyebrow rose. "You don't like it?" She nodded. "And what do you want? That kind of clothes?" I looked at her from head to toe.

"Yeah, this is what I want."

"Until now? Mukha kaya 'yang panlalaki. Oversized 'yang shirt mo, ni hindi mo man lang tinuck in. Tapos hindi pa fit na fit sa 'yo 'yang pantalon mo. You almost look like a tomboy. Ganyan ba talaga ang gusto mo? Kung hindi tomboy, eh magmukhang lola?"

"Eh, ano ba dapat ang gusto ko, James? Ang magsuot ng mga damit na uso ngayon? Para magmukhang sexy?" She paused. "James, katulad ng buhay ko, hiram lang ang katawan ko. Naniniwala akong ang katawang ito ay hindi ipinahiram sa akin para ipakita ko kung gaano kaganda. I don't need to look sexy or hot. And I don't look down on girls who wear clothes like that. I just don't like to wear it."

"Gano'n ka pa rin, napaka-conservative. Wala ka bang balak magbago? Sumabay ka naman sa uso kahit minsan lang."

"Para ano? To impress boys? James, I don't live to impress anyone. At wala akong balak makiuso. Walang makapipilit sa akin."

"Even me?"

Bakit parang ganito rin ang eksaktong nangyari noon?

"Why, James? Is that what you want? You want girls who wear clothes like that? If the answer is yes, then that only means you will never like me?" Hindi siya nakangiti, ngunit hindi siya mukhang malungkot. Hindi ko siya mabasa. Nasaktan ba siya?

"Pwede naman kitang magustuhan nang higit pa sa isang kaibigan. Why don't you do what I want? Wear make-up and trendy clothes. Show me what I can get. Show me that you can be more."

"And you will like me too?" I nodded. "Sorry, James, I'm not gonna do that. Kapag nagustuhan mo ako dahil doon, nagustuhan mo ang taong hindi naman ako. That's not who I am because this is who I really am. Itong mukhang tomboy o lola na kaharap mo ngayon ang totoong Stephanie."

"But that's version of you is not the girl I will like!" Tumaas ang aking boses.

James, you're stupid!

"Pangit na ba ako sa paningin mo ngayon, James? You said I was gorgeous. Nagbago na ba ang itsura ko sa mga mata mo dahil lang hindi ako nagsusuot ng mga seksing damit gaya ng isinusuot ng ibang babae? Kaya mo bang nasabing hindi mo ako magugustuhan dahil sa itsura ko?" Pareho kaming natahimik. She smiled. "Alam ko naman na 'yon, James. There's no chance you would like me too. Best friends tayo at hanggang doon na lang 'yon, 'di ba?"

I looked down. "I'm sorry..."

She fell silent. When I lifted my head to look at her, she looked away. Bakit parang maiiyak na siya?

"Please forgive me, Stephanie. Sorry for being stupid."

She looked at me and smiled. She was really okay, right? "Okay lang 'yon. We're best friends at hindi rin natin maiiwasang magkaroon ng pagtatalo paminsan-minsan. Pinatatawad na kita."

"Okay ka talaga, 'di ba?"

She looked at me in the eye. Then she nodded. "Oo naman."

***

"DO WE really gotta do this? May tagalaba naman kami, ah," sabi ko habang inilalagay sa hanger 'yong mga damit na maaari ko nang isampay.

Naglalaba na naman kami ni Stephanie. Siya ang taga-washing machine at tagalinis ng damit habang ako ang taga-sampay. Hindi na ito bago sa akin dahil sa tuwing nandito siya, kami talaga ang naglalaba. Sa tuwing nandito siya, kami ang gumagawa ng halos lahat ng gawaing bahay. Kasama na rin doon ang paglilinis ng napakalaki at napakalawak naming bahay. I wasn't bragging, okay? Ang gusto ko lang sabihin, napakahirap linisin ng bahay namin.

"Yes, we gotta do this. Hindi pwedeng umaasa ka na lang pagdating sa tagalaba pagdating sa paglalaba ng sarili mong damit. At least hindi na makikita ng ibang tao ang mga panloob mong damit."

"Ano namang nakakahiya doon? Ang malaman ng ibang tao na naglalaba ka kahit kaya n'yo namang magbayad ng maglalaba para sa inyo ay mas nakakahiya kaysa makita ng ibang tao ang underwears mong nagamit mo na. Paano kung may kapit-bahay kaming nakakita sa aking naglalaba, ano ang iisipin at sasabihin? Na mahirap na kami kaya kailangan ko nang maglaba?"

"Let them think or say whatever they want, James. You shouldn't be living your life to impress anyone." Nag-iba na naman ang kanyang boses. "You're not doing this para sa ibang tao. Ginagawa mo ito para matuto ka."

"Kailangan ko ba talagang matutunang gumawa ng mga gawaing bahay? I'm not a girl, I'm a boy. Baka nalimutan mo na 'yon? Wait, are you thinking na bakla ako? Gusto mo bang patunayan kong lalaki talaga ako?"

She laughed. "That never crossed my mind. Alam kong lalaki ka talaga, James. You don't need to prove anything," she said. "And of course, kailangan mo 'yong matutunan, babae ka man o lalaki. At saka mas okay rin 'to para hindi ka buong araw na nakahiga o nakaupo lang."

"Okay. Kayong mga babae naman ang palaging tama, eh. Tama talaga si dad."

Bakit parang katulad ko na si dad? Parang kami ni Stephanie ang mas batang version nilang dalawa. Si Stephanie, utos siya nang utos, at ako nama'y sunod nang sunod. Palaging siya ang tama at ako nama'y palaging mali. Wait, bakit parang may kakaiba rito? May iba bang ibig sabihin ito?

"James, 'yong niluluto mong kanin, baka luto na."

"Oo nga pala. I almost forgot that." Binitiwan ko ang hawak kong damit at hanger at saka pumasok sa loob ng bahay upang tingnan ang niluluto kong kanin. "Luto na nga. Mabuti na lang at hindi nasunog."

Pagkapatay ko ng lutuan, biglang lumitaw ang kapatid ko. Mukhang kanina pa siya nandito dahil nakakuha na siya ng malamig na tubig sa refrigerator, na mukhang ang dahilan kaya siya nagtungo rito. Para na nga talaga siyang robot. Mas hindi ko na maramdaman ang kanyang presensya. He looked at me like he scanned me.

I just raised an eyebrow.

"You're really in love with her," he said.

"Huh? You're saying I'm in love with my best friend, little bro? 'Yon ba talaga ang tingin mo o nagbibiro ka na naman?"

I couldn't read him. Kung wala lang siyang mga kilay, mata, ilong, at labi, ang kanyang mukha'y kasing blangko na ng isang napakalinis na papel.

"You love her."

I nodded. "Of course, I do. She's not just a friend of mine, she's my best friend."

"You have romantic feelings for her." I raised an eyebrow. Talagang hindi siya titigil? So, he was not joking? "Girls can't change guys. But guys can change for girls. And the only girl a guy changes for is the girl he loves. You love Stephanie."

"Sinasabi mong nagbabago ako para sa kanya? What if I tell you that I'm doing it for myself? To get better than I ever was."

"That's a lie. You're obviously doing it for and because of her. Kapag wala siya, you're doing the opposite things. But when she's here, you become a totally different person. If you don't really love her, kahit gaano pa kalalim ang pagkakaibigan ninyo, you will never follow her and let her change you."

"You talk like you're 100 % sure."

"Because I am, kuya. Dati, I was not certain. But I'm certain now that you love her. You love her so much that you are willing to change for her."

FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top