Chapter 10
James' Point of View
NAGULAT NA lang ako noong isang araw ay malaman kong pumanaw na ang mom ni Stephanie. Halos isang buwan na ang nakalipas matapos kong malamang may cancer pala ito. Honestly, it never crossed my mind that there was any chance she would die. Every time I went to their house to pick Stephanie up, she always showed me smiles and acted like everything was fine. And those smiles were like hopes, and they made me believe that she could make it. Katulad 'yon ng mga ngiti ni Stephanie, napakaganda at nakagagaan ng loob. Dahil doon, hindi ko nakita ang nasa likod ng mga ito. Hindi ko alam na ganoon na pala kalala ang kanyang kondisyon.
It's really true that life is too short. Hindi mo alam kung hanggang kailan na lang ang itatagal ng buhay mo o kung kailan ka mawawala. Kahit anong oras, maaaring bawiin ng Diyos ang buhay na ipinahiram niya sa 'yo. So live your life to the fullest. Siguruhin mong buhay mo'y kabuluhan, katulad ng gustong mangyari ni Stephanie sa kanyang buhay. Pero minsan talaga, nalilimutan natin 'yon kaya't nalilimutan din nating mabuhay sa paraang nararapat.
Habang bumibiyahe kami papunta sa bahay ng kanyang lola kung saan na sila nakatira ngayon, nakatitig lang ako sa labas...sa kawalan. Siguradong malungkot na malungkot at nasasaktan siya ngayon. Sino'ng hindi malulungkot kapag nawala ang pinakamamahal niya sa buhay, lalo na kung ang mismong ina niya ito? Kung mayroon man, siguradong baliw 'yon.
Nitong mga nakaraang araw, naging bihira na ang pagpunta ni Stephanie sa bahay. I thought there was nothing wrong. Malayo kasi talaga ang bahay ng kanyang lola sa amin, at mukha rin naman siyang okay. Kapag binibisita niya kami, palagi siyang ngumingiti...katulad ng kanyang ina. Those smiles, they were so sweet and looked so genuine. They looked exactly the way her mom's smiles looked. So I didn't even notice that she was not okay and just pretending to be okay. Hindi ko alam na noong mga araw na 'yon, sobrang lala na ng kalagayan ng kanyang ina at malapit na itong mawala.
Bakit ba nawala sa isip ko 'yong sinabi niya? Na magaling siyang magtago ng tunay niyang nararamdaman? Magkaibigan kami at akala ko'y kilalang-kilala ko na siya. But it turned out that I didn't.
"Kuya..."
Okay lang kaya siya?
Ano ba sa tingin mo, James? Of course, she's not!
"Kuya..." Halos napatalon ako nang hawakan ako Brix sa kanang balikat ko. I gave him a what look. "I just wanna say that you should stop overthinking. Gano'n talaga sa buhay, may namamatay at may naipanganganak. Everyone will surely die, even you and I, or even the strongest, smartest, or richest man in this world. That's how it really works, kuya. So itigil mo na ang pagda-drama diyan. Mangyayari rin sa 'yo 'yon."
Lumingon sa kanya si mom. "Hey, Brix. Hindi ko gusto 'yong sinabi mo."
"Mom, I was stating a fact. Lahat tayo ay mamamatay, even you, mom."
"Brix!"
"Jane, huwag kang magalit dito sa loob ng sasakyan. And Brix is right. Ang lahat ng tao--"
"Shut up, Brian. I didn't give you my permission to talk."
"Oh, sorry..."
Muli akong tumingin sa labas ng bintana. "Everyone knows that, Brix. Pero ang pagkamatay ng mom ni Stephanie ay hindi maliit na bagay. Siguradong sobra siyang nasasaktan...at gano'n din ako."
"Oh, yeah. I forgot that you love her."
I kept silent for a moment and spoke, "I love her, I really do. She's my friend and she's so important to me. Malaki ang lugar niya sa puso at buhay ko."
"Friend? Really? Pero ayon sa nabasa ko, a boy and a girl can't be just friends." Hinintay niya akong sumagot, pero hindi ko ginawa. "Okay, if that's what you think the truth is, then believe it. I won't question you anymore 'cause I still don't have enough knowledge about love. That's your life anyway, at kapag nagkaroon ka ng regrets, hindi naman ako ang magsisisi. So...bahala ka, kuya."
Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ni Brix. Ilang ulit ko na 'yong narinig mula sa kanya at nagsasawa na rin ako roon. I couldn't understand why he was thinking that I loved Stephanie. I didn't even know where that idea came from. What made him think that I had romantic feelings for that girl? Well, kung ibang tao ang nag-isip no'n, hindi ako magtataka. Why? Because that's what normal people usually think when they see a girl and a boy together. And him? He wasn't and would never be normal. Pero siya pa ang taong hanggang ngayon ay iniisip na mahal ko sa romantic na paraan si Stephanie?
Baka nang-aasar o nagbibiro lang siya? Gano'n kasi ang kapatid ko, mahirap basahin kaya't hindi mo masabi kung nagpapatawa siya o seryoso. Kung siya 'yong uri ng taong hindi nagbibiro, iisipin kong seryoso ang mga sinasabi niya. Pero kahit kasi parang robot (isang matalinong robot) siya, nagbibiro pa rin siya.
Malapit pa lang dumilim nang dumating kami sa bahay nila kaya kaunti pa lang ang mga taong nandoon. When I got out of the car, I walked as fast as I could. I started looking for her. Hindi ko na hinintay ang family ko, at kung maaari lang, tumakbo na ako.
Nakasalubong ko ang lola ni Stephanie. "James, apo, ikaw pala 'yan. Bakit hindi ka nagsabing ngayong oras ka darating? E di sana'y hindi ako nabigla."
Kahit malayo ang lugar na ito sa bahay, pumunta na ako rito. 'Yon 'yong mga pagkakataong naisipan kong sunduin at inihahatid ko pauwi si Stephanie. 'Yon ang dahilan kaya kilala na ako ni Lola Sally. And yeah, she really called me apo. Parang apo na rin daw niya ako. Ako rin daw kasi ang kauna-unahang lalaki na nagpakita sa bahay nila. She looked so happy the first day she saw me. At ako? Masaya rin akong maramdamang tanggap ako ng pamilya ng kaibigan ko.
Pero ang dad ni Stephanie? It was like he didn't like me. Yeah, he was acting nice in front of me. But he was like just doing it because his daughter was watching us. That was why I couldn't help but feel nervous every time he was around. Para akong manliligaw na kinakabahan sa presensya ng tatay ng nililigawan ko.
"Pasensya na po kung hindi ko nasabi sa inyo, lola, and sorry for your loss po," sagot ko. Tumango lang ito at ngumiti. "Nasaan nga po pala si Stephanie? Hinahanap ko po kasi siya."
"Nandoon siya sa kanyang kwarto." She nodded. "Sige, dalian mo na't puntahan mo na siya. Kailangang-kailangan ka talaga niya sa mga oras na ito."
"Salamat po..."
Alam ko na kung nasaan ang kwarto ni Stephanie. Ang totoo, ilang beses pa nga akong pumasok doon. Pero nagagawa ko lang talaga 'yon kapag wala ang kanyang dad. Kasi kapag ginawa ko 'yon ng nandito siya, baka mas hindi niya ako magustuhan at saktan niya ako. Ang makaharap at makausap pa lang siya'y nakakakaba at mahirap na para sa akin. Paano pa kaya ang mabugbog niya?
"Bakit ba basta ka na lang sumusulpot?"
Tumaas ang aking kilay. Habang naglalakad ako papunta sa kwarto ni Stephanie, narinig ko ang boses ng kanyang dad. Parang mula ito sa kusina.
"Bakit galit ka? Aren't you happy to see the woman you really love?"
Boses 'yon ng isang babae. Bigla tuloy akong nagtaka kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Hindi ko alam kung bakit ako maingat na humakbang at kinailangan ko pang magtago na parang isang magnanakaw. All I knew was I needed to do that, and there was something that I needed to confirm.
"The woman I love? You're thinking it's you?"
Sumilip ako nang palihim. Magkaharap ang dad ni Stephanie at ang isang babae na halatang mas bata sa kanya. I looked at the woman from head to toe. Well, she was pretty, hot, and looked so young. Ang liit ng kanyang mukha, malaki ang dibdib niya, at maputi't flawless pa ang kanyang balat. Parang hindi lalampas sa twenty-five ang kanyang edad. My eyes landed on the table. May alak doon at isang baso. Tingin ko'y umiinom mag-isa kanina ang dad ni Stephanie nang bigla na lang dumating ang hot na babaing kausap niya ngayon, na pakiramdam ko'y...ang ibang babae niya.
I hid. I didn't know what I should feel, think, or say, and how I should react. Parang hindi ko kayang paniwalaang may ibang babae ang dad ni Stephanie, na dumating sa mismong unang araw ng lamay ng kanyang ina. Hindi ko kayang paniwalaan na pinagtaksilan ng ama ni Stephanie ang kanyang masipag, mabait, at mabuting asawa. Well, I didn't know her that much. Pero 'yon ang sinabi sa akin ni Stephanie, at sigurado akong totoo 'yon dahil kitang-kita ko 'yon sa itsura ng mom niya na halatang pagod na pagod at sa mga kilos na ipinakita niya.
How would Stephanie react once she knew it? That her father had an another woman?
"Oo, at sigurado akong ako talaga ang mahal mo. Nagmamahalan tayong dalawa. You're only mine and I'm yours. Hindi man tayo ang sumumpa sa loob ng simbahan na magsasama habang buhay, tayo naman ang para sa isa't isa. Ang Diyos na mismo ang nag-alis ng hadlang, which is 'yong walang kwenta mong asawa. And because she's already gone, we can be together now! Kaya ka ba nag-iinom dahil nagse-celebrate ka?"
Muli ko silang pinanood nang palihim.
Hinawakan siya sa magkabilaang braso ng dad ni Stephanie. Halatang mahigpit 'yon. At ang paraan ng pagkakatingin niya sa babae ay talagang masama. "Huwag na huwag mong sasabihing walang kwenta ang asawa ko! Dahil walang karapatan ang mababang uri ng babaing tulad mo na insultuhin siya!" Binitawan niya ito sa marahas na paraan. "Tandaan mo 'yan!"
She was like about to cry, and she looked so mad. "Ano? Tinawag mo akong mababang uri dahil sa babaing 'yon? Ang sabi mo, mahal mo ako kahit isa akong bayarang babae! You said I was better than your wife! Have you forgotten what you told me habang magkayakap tayo sa iisang kama? Ang sabi mo, ayaw mo na sa asawa mo dahil hindi niya kayang ibigay ang gusto mo. You said she was so boring. Hindi siya maganda. Ang pangit na ng katawan niya. Mukha na siyang matanda. Sinabi mo ang lahat ng 'yon. Nalimutan mo na ba, ha?!"
"Oo! Sinabi ko ang lahat ng 'yon. Pero nasabi ko lang 'yon dahil malayo na ang itsura niya sa itsura ng babaing pinakasalan ko. She didn't have a beautiful body anymore. She wasn't young anymore. And that's also the reason why I found someone else who looks better than her."
So that was the reason why he did it? Because he wanted a woman with a beautiful body and who looked young?
"You also said na hindi mo na siya mahal at wala ka nang maramdamang intimacy! Do you remember it now? Sinabi mo pang idi-divorce mo na siya at magsasama na tayong dalawa!"
"That was a mistake! I was wrong!" Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili mula sa pagsigaw. "Now that she's gone, I have realized that it was all a big mistake. Nagkamali ako nang maisip kong mambabae. Nagkamali ako nang isipin kong hindi ko na siya mahal."
The woman slapped her. Napaharap sa kaliwa ang kanyang mukha. She looked so mad. Parang gusto na niyang pumatay. "Sumiping ka sa akin ng maraming beses tapos sasabihin mong nagkamali ka?! Walang hiya ka! I gave everything to you! Pati ang puso ko tapos sasabihin mo ito ngayon sa akin?"
"Just slap me until you want. Hurt me. Nararapat lang sa akin 'yon dahil walang kapatawaran ang mga ginawa ko. 'Yon ang parusa ko, at iisipin ko na lang na ang asawa ko ang sumasampal sa akin ngayon, ang bagay na hindi niya ginawa kahit nalaman niyang may iba akong babae." His voice was shaky.
"Kaya mo ba iniisip na mahal mo pa siya dahil ganoon siya kabait? Then, that's not love! Hindi mo siya mahal! You just admire and pity her."
"I don't love her because of that. I love her because she's not like you. She's a good woman, a good wife--"
She slapped him in the face again. Then the tears started to roll down her cheeks. And she left.
Bago pa man malaman ng dad ni Stephanie na pinanonood ko sila, agad na akong umalis at nagtungo sa kanyang kwarto. I knocked on the door, but she didn't open it. I did it again, but she still didn't open it. Dahil hindi naman ito naka-lock, ako na ang nagbukas nito.
"Stephanie?"
She was on sitting on her bed. Nakatingin siya sa labas ng kanyang bintana, sa kawalan. Her face was expressionless. Parang hindi na siya 'yong kaibigan kong palaging nakangiti at masaya. I closed the door and walked to her. I sat beside her.
She turned to me and smiled. Her smile still looked sweet and genuine. "James, thank you for coming."
I stared at her. "Bakit ngumingiti ka pa rin kahit nasasaktan ka na?" Naglaho ang kanyang ngiti. "Alam kong nasanay ka nang itago ang sakit na nararamdaman mo. But please, always be honest and genuine with me. If you're really happy, then smile. But if you're not, please don't. Show your true feelings to me. Don't pretend in front of me. We're friends, aren't we?"
She smiled again. But her smile was bitter. "Yeah, we're friends." She nodded. "Thank you for reminding me."
"What?" She shook her head and smiled at me. "Do you wanna cry?"
"Ah? Hindi, okay lang ako. I'm always okay."
"Nandiyan ka na naman, you're pretending to be okay again. How many times do I have to tell you to stop doing that? Please magpakatotoo ka sa akin. Kung hindi ko alam na nasasaktan ka na, then paano ako makagagawa ng paraan para mawala na 'yong sakit?"
"May magagawa ka ba talaga, James?" My eyebrow rose. Nagpapakamabuti akong kaibigan tapos sasabihin niya pa 'yon? She laughed. "Pasensya na. Of course, may magagawa ka. Pero may gusto muna sana akong ipabasa sa 'yo. May...iniwang sulat kasi si mommy na...nakita ko sa room niya. At hindi ko 'yon kayang basahin kaya--"
"Give it to me and I'll read it."
"Sige." Tumayo siya at kinuha ang isang sulat na nakaipit sa isang libro.
Bigla kong naalala 'yong araw na binigyan niya ako ng love letter. Uwian na namin noong time na 'yon tapos naghihintay na siya sa labas ng classroom namin. Tapos paglabas na paglabas ko, inamin niyang gusto niya ako sabay bigay ng letter. Tingin ko, sa mommy niya natutunang gumawa ng sulat. Siguro'y mahilig silang gumawa ng mga sulat? Hindi ako sigurado dahil iisang beses pa lang naman siyang nagbigay ng sulat sa akin.
"Heto," sabi niya sabay abot sa akin ng sulat at naupo siya sa aking tabi.
I looked at her and she gave me a smile. Then I opened the letter and started to read it.
"Mahal kong anak,
Alam kong malapit na akong lumisan sa mundo kaya't gumawa ako ng sulat para sa 'yo. The moment you're reading it, I'm sure I'm already gone. I never wanted to leave you, kayo ng daddy mo, pero panahon na kasi upang mangyari ito. Gusto kong humingi ng tawad sa inyo. Sorry dahil hindi ako nagtagumpay sa paglaban sa sakit ko. Sorry rin kung sinubukan kong itago ito. Nagawa ko lang 'yon dahil ayokong mag-alala at masaktan kayo, ngunit pinalala lang nito ang sitwasyon. Forgive me, Stephanie.
I hope na alagaan mo ang sarili mo at ang ama at lola mo. And I also hope you don't forget everything I taught you. Mabuhay ka ng naaayon doon, anak. Kahit wala na ako, huwag kang magbabago at maging mabuting tao ka pa rin. Don't blame God for everything at huwag ka ring magagalit sa kanya.
At kung may matuklasan ka mang hindi maganda na ginagawa ng daddy mo, huwag ka ring magagalit sa kanya. I already forgave him, anak. Matagal ko na 'yong alam at nauunawaan ko kung bakit niya 'yon nagawa. I hope you understand him too. Huwag mong babaguhin ang tingin mo sa daddy mo. He is and will always be a good man. Ako ang may pagkukulang kaya ako talaga ang dapat sisihin.
Keep on going and moving forward, anak. Don't let it kill all your hopes. Sana'y palagi kayong maging maligaya. Hindi ko man masusubaybayan ang paglaki mo, alam kong lalaki kang mabuti, anak.
Hanggang dito na lang...
Love... Mommy..."
Nang isara ko ang sulat at tingnan siya, namumuo na ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Mukhang gustong-gusto na niyang umiyak ngunit dahil sa hindi ko alam na dahilan, pinipigilan niya ang sarili niya. Couldn't she really cry in front of me?
"Tatalikod na ako, umiyak ka na diyan..." Tumalikod ako. Narinig ko siyang suminghot kaya't palagay ko'y hinayaan na niya ang sarili niyang umiyak sa mga sandaling ito. "Stephanie, do you have any idea tungkol sa tinutukoy ng mom mo na maling ginagawa ng dad mo?"
Tama ba na tanungin ko 'yon? I didn't know. I made a mistake again. I didn't think before I asked that question.
Muli siyang suminghot. "Oo..." Nagulat ako sa isinagot niya. Lilingunin ko na sana siya, ngunit naalala kong hindi pala pwede. "Before my mother died, natuklasan kong may other woman si daddy. And you know what's funny? Sa mismong bahay namin ko sila nahuling magkasama...at naghahalikan. Salamat na lang kay God kasi ako lang ang nakakita no'n. That day kasi, mommy and lola was in the hospital and I went home para magpahinga."
Mas nagulat ako matapos niyang sabihin ang salitang naghahalikan. Sobrang gumugulo na sa isip ko ang nakita ko kanina kahit hindi ko naman tatay ang nahuli kong may kabit pala. Kaya't siguradong mas gulong-gulo ang isip ni Stephanie, lalo't hindi niya lang nalamang may ibang babae ang dad niya kundi nahuli niya pa silang naghahalikan.
"I'm sure nakato-trauma 'yon," komento ko.
She fell silent for a moment. She was crying. I heard her sobbing. Then she spoke, "Oo, tama ka, sobra nga 'yong nakato-trauma. Halos sirain na nito nang tuluyan ang pamilya namin..." She paused and sobbed. "I never expected na kayang gawin 'yon ni daddy. That's why kahit napapadalas ang pag-alis niya at pag-uwi niya ng late sa gabi, hindi ko inisip na pinagtataksilan na niya si mommy. He is a good man and he always treated mommy the best way he could. And...I trust him. I almost thought that everything was perfect. Pero hindi ko alam na...palabas lang pala ang lahat at ipinagpalit na pala niya si mommy."
"..."
I didn't know what to say. Pareho lang kami. We both never expected that this would happen, especially to a girl like her. Ang dami-daming tao sa mundo, bakit kailangang mangyari sa kanya ito? Bakit kailangang maging makasarili ng dad niya? Sapat ba ang dahilan na hindi na ganoon kaganda ang mom ni Stephanie para gawin niya 'yon.
"Sobra akong nasasaktan... Si mommy, she's gone and never coming back. Tapos bago siya nawala, nalaman pa niya na may ka-affair si daddy. Hindi ko man lang siya nadamayan. Even telling her that everything was gonna be fine, hindi ko nagawa. Siguradong nakapakasakit no'n para sa kanya. Tiniis niya ang lahat, pati ang sakit niya, she did everything she could para sa amin, and she was always acting like she was fine even though she was not. Habang si daddy..." Hindi niya naituloy ang dapat ay katuloy ng sasabihin niya. "Ang totoo, gusto ko nang magwala. Gusto kong puntahan si daddy at tanungin kung bakit niya 'yon ginawa sa amin...lalo na sa mommy ko. Gusto kong malaman kung ano'ng meron sa babaing 'yon na wala kay mommy. Gustong-gusto ko nang malaman ang sagot pero... hindi ko kaya."
I didn't say a word. Maybe she didn't need any comments or advice right now. She just needed someone who would listen to her.
"Mommy... Bakit mo ako iniwan? Mommy... Please come back. I don't know what to do. Mommy..."
She cried and cried and cried. And all I could do was listen to her and clench my fists. Parang gusto kong sumuntok at manakit. Noong matapos na siya, tumayo at sinabi sa kanya na magpahinga muna siya at lalabas lang ako sandali upang magpahangin.
I went to the garden and stared at nothing. I remembered how she looked. I remembered how sad her face and voice was. I remembered almost everything she said. And it broke my heart. Ayokong makita siyang nasasaktan! I wanted her to always smile and be happy! She deserved to be happy. Pero nasira na ang lahat at unti-unti na siyang nawawalan ng pag-asa. I was afraid I would never see her smile again.
Lumapit ako sa isang puno at sinuntok-suntok 'yon. Doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob at galit ko. Inisip ko pang 'yon ang dad ni Stephanie at ang kabit nito kaya naging mas matitindi ang mga suntok ko.
"May gusto ka bang saktan, bata?"
I stopped after I heard that voice. I turned around and found Stephanie's father walking toward me. Sa halip na kabahan, parang mas nagalit lang ako. Hindi ako parte ng pamilya nila at wala akong karapatang husgahan siya (kahit pa gumawa siya ng isang malaking kasalanan dahil sa walang kwentang dahilan). Pero ang nasa isip ko lang sa mga oras na ito ay ang katotohanang sinaktan niya ang napakaimportanteng tao sa buhay ko. Sinaktan niya ang kaibigan ko.
"Oh? Why are you looking at me like that? Ako ba 'yong taong gusto mong suntukin kanina pa?"
Oo! At sisirain ko 'yang pagmumukha mo!
Kahit gustong-gusto ko na siyang bugbugin, pinigilan ko ang aking sarili. Hindi ako maaaring gumawa ng gulo. It would only make the situation even worse. And if I did it, I was certain my family and even Stephanie would really get disappointed. And I never wanted it to happen.
I looked away as I clenched my fists. "Masama lang po talaga ang loob ko ngayon, tito. May tao kasing nanakit sa taong mahal ko."
He laughed. Suntukin ko na kaya siya para hindi na siya makatawa pa? "Kaya naman pala. If I were you, I would have punched that person in the face."
Saktan ko na kaya siya?
No, James!
I looked at him in the eye. "I really wanted to do that, tito. Kung pwede nga lang, kanina ko pa 'yon ginawa."
He stared at me. Nakipagtitigan naman ako sa kanya. Naging seryoso bigla ang kanyang mukha at boses. "Ako ang taong 'yon, tama?" Nagpatuloy ako sa pagtitig sa kanya. "You're mad at me 'cause you heard and found out everything."
My eyebrows furrowed. "How did you know that?"
"I felt that someone was watching us when we were talking. And I also saw him leave. That guy was wearing the same clothes you are wearing right now, kid." He looked away. "I just hope you don't tell Stephanie about it. Masyadong mabigat para sa kanya ang pagkamatay ng mommy niya kaya huwag mo na sanang dagdagan pa ang bigat na 'yon. Kung talagang may pakialam ka sa kanya, then you'll shut your mouth."
Bakit parang hindi niya kasalanan kung malaman ni Stephanie ang katotohanan at mas mahirapan siya? He was the one who made a mistake! Siya ang may other woman! Hindi ko alam na sobrang selfish pala niya!
I clenched my fists again. "She already knows it." He looked at me. "No one told her about it. Siya mismo ang nakatuklas nito. She saw you and your other woman kissing each other."
Natahimik siya. "Ang anak ko na 'yon, katulad na katulad talaga siya ng nanay niya. Pareho silang magaling magpanggap at magtago ng nararamdaman nila." Totoo bang para na siyang maiiyak? May puso pala ang taong ito? "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, siguro...napigilan ko pa ang sarili kong matukso."
"Bakit mo 'yon ginawa? Ano ang eksakto mong rason? Is it because that woman is prettier than your wife? Is it just because she looks so young? O dahil natukso ka lang?"
Dahil hindi siya kayang tanungin ni Stephanie, ako ang tutuklas ng mga sagot para sa kanya.
"You care that much, huh?"
"Sagutin n'yo po ako. Bakit n'yo 'yon ginawa?"
He looked away. "Well, marami akong dahilan, bata. Pero para mas madali mong maunawaan, gusto kong sabihin sa 'yo na lalaki lang din ako." Kumunot ang aking noo. "You're too young to understand what exactly it means, but I know you'll get it eventually. Ang mga lalaki ay mga tao rin, mapaghangad at madaling matukso. And love is not enough upang hindi ka matukso."
"What? Pwede bang maging mas specific pa ang paliwanag mo?"
He smiled. "Ganito. In men's eyes, women are like different kinds of food or dish. Kahit gaano pa nila kagusto o kapaborito 'yong pagkaing pinili nila, natutukso pa rin silang tumikim o kumain ng ibang pagkain. Nauunawaan mo na ba?" Mas kumunot ang aking noo. Eh, bakit ako? Hindi naman sila ganoon sa paningin. "Alam kong nakalilito. Hindi ko rin noon ito maunawaan nang sabihin ito ng papa ko sa akin. But like me, I know you'll also get it as you get older."
"..."
"And about you and my daughter, tatapatin na kita, hindi kita gusto. Siguradong sasaktan mo lang ang anak ko."
I stared at him. He also stared at me. I spoke, "That's not true. I love your daughter and I'll do everything so that she won't get hurt."
"Mahal? As what? As a friend? That's one of the reasons why I'm certain you will only hurt her. Nakatatawa ka, bata. Marami ka pang hindi alam."
"Well, you're right. I'm still naive. Pero alam n'yo po? I am not and will never be like you. I don't and won't break the promises I made, at isa na roon ang pangako kong hinding-hindi ko siya sasaktan."
"Huh! Gaano ka naman nakasisigurong matutupad mo 'yon?"
"Well, hindi talaga ako sigurado. Basta nangangako pa rin ako."
Nangako na naman ako. Emosyon ko na naman ang pinairal ko at basta na lang akong nagsalita nang nagsalita. Ano ba kasi'ng problema ng utak ko't parang hindi ito gumagana nang maayos?
"Keep that promise, kid. Once you break it, you're dead."
FOREVER WITH YOU
TiffGRa (Tiffany)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top