Chapter 4: You Again
Dalawang linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang insidente pero hindi pa din maalis sa isip ko si Girl On The Train.
Hindi ko kasi alam kung ano ang nangyari sa kanya matapos kaming maghiwalay.
Natuloy kaya ang balak niya?
Buhay pa kaya siya?
Sa sobrang pagkabalisa ko sa nangyari, naikwento ko sa kaibigan kong si Vanessa ang nasaksihan ko ng umagang iyon.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa train station ng ganung oras?" Tanong niya habang maayos na sinasalansan ang paper clips according to colors.
Ten to four ang duty naming dalawa sa medical clinic at swerte naman na hindi busy kaya may time siya para i-sort ang mga paper clips samantalang nagche-check naman ako ng mga appointments sa computer.
"Ay oo nga pala. Nakalimutan ko." Siya na din ang sumagot sa tanong niya.
"Sa palagay mo, buhay pa kaya siya?" Inalis ko ang tingin sa screen at binaling ang attention sa mga pulang paper clips na siya namang pinagkakaabalahan niya naman ngayon.
"Malay ko?" Kumuha siya ng bilog na metal holder at doon nilagay ang mga naisalansan na asul na paper clips.
"Alam mo, Joy, huwag mo na siya masyadong isipin. Hindi mo pwedeng pigilan ang tao sa mga bagay na gusto nilang gawin."
"Paano kung mali ka?"
"Saan ako nagkamali?"
"Diyan sa sinabi mo?"
Tiningnan niya ako ng seryoso.
"You don't have to save everyone." Pinatong niya ang kamay sa ibabaw ng kamay ko na nakahawak sa mouse.
"Just look at what happened to Sheila."
"You don't have to remind me." Inalis ko ang kamay sa pagkakahawak niya.
"I'm only trying to make a point."
"Then you've made your point. Hindi mo siya kailangang banggitin pa."
"Shit!" Pasigaw na sabi ko.
Napatingin tuloy ang matandang babae sa waiting area na tahimik na nagbabasa ng McLean's magazine.
We always have to be professional kapag nasa work setting.
What I did was considered unacceptable.
Tumayo ako bigla at nagmamadaling pumunta sa employee washroom.
Padabog na sinara ang pinto at tahimik na umupo sa toilet.
Three years na.
Three years since Sheila passed away.
Pero sa loob ng mga panahon na iyon, I was still haunted by the thought na I could have done more.
We were together for two years until one day, tinawagan ako ng Ate niya para sabihin na Sheila was rushed to the ER.
She crossed a busy street and got hit by a van with a mother and two young kids who miraculously survived the accident with minor injuries only.
Sheila didn't make it.
She got what she wanted.
Kinatok ako ni Vanessa sa washroom.
Nagsosorry siya for being insensitive.
Lumabas na daw ako kasi dumadami na ang pasyente namin and she needs my help.
Pagbalik ko sa reception, sakto naman na bumukas din ang pinto.
Napatingin kami ni Vanessa sa bagong dating.
Natigilan ako.
Saglit kaming nagkatinginan ng babae habang mabilis na lumapit sa reception ang kasama niyang lalake.
Binaling ko ang tingin sa kasama niya.
Matangkad, payat, hipster ang style.
Light brown ang buhok, hazel ang kulay ng mata at medyo crooked ang ilong.
"We have an appointment at three thirty." Sabi ng lalake kay Vanessa.
"What's the patient's name please?" Nakangiting tanong niya sa lalake.
"Emerald Cruz." Ang babae ang sumagot sabay lumapit sa counter.
Chineck-in siya ni Vanessa sa computer at sinabihang umupo muna.
Tahimik na tumalikod ang dalawa at umupo sa dulong upuan.
Humugot ng magazine ang lalake habang nakatingin naman sa muted TV screen si Emerald.
Yun pala ang pangalan niya.
Who knew na magkikita kami ulit at dito pa sa clinic kung saan ako nagwowork?
Napatingin ako sa pwesto niya at nagkatinginan kami ulit.
Matigas ang mga panga niya at matalim ang tingin sa akin.
Somehow, a part of me was glad to know na buhay pa siya.
Hinayaan ko si Vanessa na samahan si Emerald sa therapist.
Naiwan ang lalakeng sa tingin ko ay boyfriend niya kung pagbabasehan ang madalas na paghawak nito sa mga kamay niya.
He seemed overprotective na para bang anytime ay mawawala sa kanya si Emerald.
Alam kaya niya ang nangyari dito?
Pagdating ng alas-kuwatro ay nagmamadaling kinuha ni Vanessa ang purse niya sa locker.
Niyaya niya akong sumamang magkape pero tumanggi ako dahil may usapan kami ni Mommy na magkita sa bahay nila for dinner.
Nagluto daw siya ng kare-kare.
Alam niyang paborito koi yon.
Bago umalis ay naisipan kong dumaan muna sa washroom.
Matraffic kasi at ayokong abutan sa daan.
Palabas na ako ng washroom ng hindi sinasadyang meron akong nakabanggaan.
"Shit!" Sigaw ng babae.
Si Emerald pala.
"Ikaw na naman?" Galit na tanong niya.
"At ikaw din?" Mataray na bwelta ko.
High blood pa din siya sa akin at nahahigh-blood na din ako sa kanya tuwing nakikita ko siya.
"Sinusundan mo ba ako?"
Nagulat ako sa tanong niya.
"Baka ikaw ang sumusunod sa akin? I was here first." Paalala ko sa kanya.
"Bakit ngayon lang kita nakita dito?"
Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya.
"Dito. Sa clinic na 'to." Tinuro niya ang carpeted na sahig.
"Malay ko."
"Matagal na akong pumupunta dito at ngayon lang kita nakita. Bago ka ba dito?"
Tiningnan ko siyang mabuti.
She looked angry and not gloomy like the first time I saw her.
I noticed na she had a faint blush of pink sa cheeks niya.
Mukha siyang tao at hindi mukhang makikipagkita kay kamatayan.
"Ugali mo ba talagang tumitig?"
Imbes na sumagot, lumakad ako palayo sa kanya.
"Bastos!" Nilakasan niya talaga para marinig ko.
Hindi ko na siya pinatulan.
Kahit papaano, masaya akong makita na buhay pa siya.
Mula kasi ng araw na iyon sa train, lagi kong iniisip kong ano ang nangyari sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top