Chapter 1

"Regine, sumama ka na kasi..." pangungulit ni kelly sakin. Kanina pa kasi yan nag-aayang gumimik.

"Alam mo kevin..."

"Kevin? Ewww ka Regine. It's Kelly.." malanding sabi ng bakla.

"Oh sya! Kelly na kung Kelly. Arte! haha...basta! AYOKO! Di ako sasama sa gimik gimik na yan. Dito nalang ako sa bahay. Gusto ko magpahinga."

"Ano ka ba naman bakla, kaya di ka magka boyfriend ehh. Wala kang social life. Hello? Naiiwan kana ng byahe..grabe ka gurl ang sakit mo sa bangs!"

"Nagmamadali nagmamadali? Mas atat ka pa saken ahhh ! At isa pa, wala kang bangs!"

"Naku naman! Ako naiinip sayo weh! Gosh! Gurl graduating na tayo pero never been ka padin..isa kang uhmmm...hayy naku. Kung ako lang naging tunay na babae naku! Dami ko na sanang fafa..."

"Alam mo kasi, di naman minamadali ang ganyang mga bagay noh! Darating din yun! Wag mo naman kasi madaliin si kupido at baka mamaya nyan mabulilyaso pa ang magandang love story ko. Oh sya para manahimik ka na dyan sasama na ako. Pero sagot mo huh?"

"Anoooo?"

"Oh bakit may reklamo? Ikaw nagpupumilit dyan. Pwes magdusa ka!"

"Ehhh...Rej naman..(naku naman! napasubo ata ako wah!) sige na nga! Kung di lang talaga ako concern sa future mo naku!"

"Naks! May pa-concern concern ka pang nalalaman dyan. If I know magboboy-hunting ka lang naman. Dinadamay mo pa kasi ako."

"Oo na! Bilis magbihis kana..Gora na tayo at nang makadami..wahahaha!"

"Sinasabi ko na nga ba..Manggagamit..hahaha" sabay takbo sa kwarto..baka sabunutan pa ko ng bakla.

***sa bar

"wooohooo! Party party!" sigaw ni kelly pag pasok palang namin dito sa bar.

"bakla, maghunos dili ka nga! nakakahiya ka."

"kj nito. kaya nga tayo nandito para magparty wehh...wuhoooo...tara sa dance floor!" kelly

"ay naku..sige mauna kana cr lang ako." sabi ko.

"okie dokie"

At yun! Nagwala na ang bakla sa dance floor..hahaha..Well, as you can see..este read pala, di masyadong gumagamit ng gay linggo etong si kelly. Pareho kasi kaming nursing ang course ng isang yun. Kaya yun! Di nga masyadong halata na bading ang isang yan. Lalaki parin naman kasing manamit. Bilang nurse, kailangan kasi lagi kaming malinis tingnan para hindi naman kahiyahiya sa magiging pasyente namin diba. Oh sya ang daldal ko na. Baka inip na ang bakla.

Kelly's POV

Ayy naku! Ang bagal talaga ng babaeng yun. May na-sight pa naman akong gwapo kanina.

--flashback--

"ay naku..sige mauna kana cr lang ako." sabi ni regine.

"okie dokie" sabi ko.

At nagpunta na ko sa dance floor hanggang sa...

**boogsshhhh**

"Sorry brad!" ayyy ang gwapo. Naku bagay sila ni regine. Nasan na ba yung babae na yun? Naku pag di yun nagpakita akin nalang tong yummy na to. haha!

"Ok lang kahit araw araw akong mabunggo basta ikaw ang babangga saken..." mahinang sabi ko.

"huh?" sabi ng gwapo.

"ahhh..sabi ko ok lang.."

"ahh sige.." tapos umalis na sya..ayy naku..asan na ba kasi yang si regine.

--end of flashback--

ano kaya pangalan nung gwapo? grabe, nalaglag ang puso ko..haha!asan na kaya yun?

ayun! malapitan nga..

"captain!" bati sa kanya ng mga kasama nya. Naku sports man. Major turn on..hahaha.

"Oh bakit nagulat pa kayo na dumating ako huh?"

"Hindi naman sa ganun captain. Pero di ba kanina kasama mo si Marjorie the love of your life?" tanong ng isa sa kanila. Naku may sabit na pala. tsk! Sayang!

"Pwede ba..wag nyo na ipaalala sakin yung babaeng yun!"

"Mukhang babaha ng alak ngayong gabi ah! Problem captain?"

"Wala naman. Ako lang naman si Prince Yvan dela Cuesta, pinagpalit ng isang babae sa isang pipitsugin. Tangna!"

"Iinom na yan!"

Prince Yvan dela Cuesta. Ang ganda naman ng pangalan nya..so nakaka-inlooveee

*boink!

"Aray naman! Kung makabatok wagas! Baka magtampo mga brain cells ko at di na mag-function ng maayos nyan. Bruha ka talaga! Tagal mo ha?" sita ko sa babaeng wagas mambatok.

"Kanina ka pa kasi tinatawagan ayaw mo sagutin. Hayy naku! Tara na! Sa ibang araw mo nalang ako i-treat tumawag si Steff sunduin daw natin sa airport." Naku naman! Wrong timing naman si Steff, one of our friend. Namasyal sa Singapore ang loka. Di manlang kami sinama. Sembreak nga pala ngayon at next week na ang pasukan kaya naman ine-enjoy na namin ang mga nalalabing araw ng bakasyon.

"Naku naman, napaka talaga ng babaeng yan. Pagkatapos tayong iwanan, may gana pang magpasundo? Kapal talaga ng feslak ng babaeng yun!"

"Ok. Ako nalang susundo sa kanya. Dito ka nalang. Ako na din bahala sa mga pasalubong nya for us. Wag ka mag-alala. Sa mabuting kamay sila mapupunta."

"Ayy nku naman regine ang bagal bagal mo. Baka kanina pa dun si Steff mainipin pa naman yun. Bilis..."  sayang naman yung pasalubong kung mapupunta lang sa luka lukang to noh, imported pa naman yun..hahaha..

...to be continued

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: