V - Fiery

Kayne

“Hoy! Gumising kayo! Papatayin niya tayo!”

Nangunot ang noo ko sa nakabubulahaw na sigaw ni Ryan. Iminulat ko ang aking mga mata at pinilit intindihin ang nangyayari.

“Ahhh!”

“Sino ka?”

Nanlaki ang mata ko nang madatnang may taong naka-coat at may hawak na itak sa harapan namin. Iwinawasiwas nito sa hangin ang itak at itinatapat sa bawat isa sa amin.

Seryoso ba ‘to?

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakasandal sa puno.

“Ano bang problema mo?” ani Ryan na unti-unting nilalapitan ang taong naka-coat. Napapaatras naman siya habang naalimpungatan ang iba.

Bobo!

“Mga tanga!” sigaw ko at hindi na nag-aksaya ng panahon. Tumakbo na ako sa direksyong papunta sa kalsada.

Wala na akong pakialam sa kanila, at narinig ko na lang ang mga sigawan mula sa likuran ko.

Mga tanga kasi! Tatanungin pa kung anong problema, eh papatayin ka na nga! Walang utak! Napaismid na lang ako habang tumatakbo.

Hininga ko lang ang aking naririnig habang binabaybay ang kagubatan. Inilayo ko muna ang sarili ko sa kanila bago dumiretso sa kalsada.

“Tanginang ‘yan,” bulong ko nang sa wakas ay makatapak na sa daan.

Napatingala ako at sa gitna ng makakapal na ulap, natanaw ko ang bilog na buwan.

Buwan.

Paborito niya ang pagtitig sa buwan. At ngayon, sana ay nanonood siya habang unti-unting pinagbabayad ang mga taong sumira sa kaniya.

Ang mga ‘yon... sana pinatay na sila. Mga walang kuwenta!

Masama ba kung sabihin kong na-excite ako noong makitang nangangatog sila sa takot?

Bagay lang sa kanila ‘yon. Wala naman silang kuwenta… mga basura sa lipunan! Kung akala ng iba ay isa lang silang normal na tropang mahilig gumala, doon sila nagkakamali. Hindi lahat sa kanila ay malinis ang budhi. Mga demonyo sila!

Kung hindi lang sana sila ang nakilala niya... siguro maayos pa ang lahat. Siguro hindi nangyari ang mga masasaklap na pangyayaring ‘yon. Siguro hindi ako nag-iisa ngayon.

“Mamatay na kayo. Mga punyeta.”

Ilang sandali pa ay muntik  na akong mapatalon nang may kumaluskos mula sa gilid ko, ang gubat na pinanggalingan ko kanina.

“Alam kong may tao… ‘Wag mo na akong takutin, gago.”

“Takutin? Kaso...” Mula sa isang madilim na parte ay iniluwa nito ang pigura ng isang tao.

“... mukhang takot na takot ka na nga.”

Napaismid ako.

“Tanga. Hindi ako takot. Hindi ko lang maisip kung anong klaseng kagaguhan ba ang nangyari kanina.”

“Gusto mo ba talagang matakot?” Unti-unting humakbang ang taong ito palapit sa akin habang nakatago sa likod ang isang kamay. Kinutuban naman ako at napalunok.

Kailangan ko siyang unahan.

“Ah!”

Mabilis kong sinalubong ang taong kaharap ko at siniko sa tiyan. Napahalinghing siya sa sakit at napaupo. Kumaripas na ako ng takbo pagkatapos.

Kailangan ko pang makaalis dito. Ayoko nang makisali pa sa kanila.

Dire-diretso lang ako sa pagtakbo sa kahabaan nitong kalsada na hindi ko alam kung saan papunta. Pero... parang lumilipad ang isip ko habang humahagibis.

Tama ba ang ginagawa ko? Paano siya?

Naaalala ko siya. Ang mga nakakatawa niyang karanasan. Ang nakangiti niyang mukhang punong-puno ng pag-asa. Ang tono ng boses niya na para bang naririnig ko mula sa malayo at nagsasabing, “Kamusta ka na, Ate?”

Pinilit kong alisin ‘yon sa aking isipan. Ang mahalaga ay makalayas na ako rito—

Sandali.

Hapit ang aking pagtakbo kaya medyo sumasakit na ang tagiliran ko. Tumigil ako nang isang saglit at lumingon sa taong iniwan ko.

“Ay, puta.”

Buwisit! Hinahabol pa rin pala ako, kaya umariba na ulit ako ng takbo. Pakiramdam ko tuloy ay delikado na rin ako.

Sa kalagitnaan ng aking pagtakbo ay may nahagip ang mata ko sa isang tabi.

“Anong...” Mabilis na akong lumiko at nilapitan ang malaking bagay na ‘yon.

“Nandito lang pala ang van?” saad ko. Nakapasok sa isang medyo malawak na patag na lupa sa isang bukana ng gubat ang van na akala namin ay nawawala. Itinabi lang pala sa gubat? Katarantaduhan.

Agad kong nilapitan ang pinto nito at sa kasamaang-palad ay ayaw bumukas.

“Hayop, bumukas ka!” Sinubukan kong buksan pati ang bintana at ibang pinto pero wala.

Naalerto ako nang marinig ang mga yabag na papalapit mula sa kalsada. Nalintikan na!

Agad akong umikot papunta sa likuran ng van at nagtago. Sumandal ako patalikod at sinubukang huwag gumawa ng ingay.

Ilang segundo na ang lumipas ay wala akong naririnig na kahit ano. Hindi ba ako nasundan?

Bumuntonghininga ako at dahan-dahang tumayo. Sinipat ko ang paligid at nang walang makita, maingat akong naglakad papunta sa harapan ng van.

“Buti naman—”

Aray! Ramdam na ramdam ko ang matigas na bagay na tumama sa ulo ko nang makarating ako sa harap ng van. Nagtatago pala siya roon!

Napalugmok tuloy ako sa lupa at napapikit sa sakit. Putangina talaga!

Pinilit kong hawakan ang parte ng ulo ko na kumikirot, at sa nanlalabo kong paningin ay naaninag ko ang mga paa ng taong humampas sa akin.

“Bakit mo ba ako tinatakbuhan, Kayne?”

•••

Kelly

Jusmiyo!

Mangiyak-ngiyak ako ngayon habang patuloy sa pagtakbo mula sa kung sino mang taong ‘yon. Ano bang ginawa namin sa kaniya?

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Juice colored! Bakit ba ganito ang nangyayari?

Hingal na hingal na ako at nanlalambot na. Napagpasiyahan kong tumigil na dahil baka mahimatay pa ako sa pagod. Naupo ako sa ugat ng isang puno ng mangga para magpahinga.

Isang malaking buntonghininga ang aking pinakawalan at napasabunot sa buhok ko. Natanggal tuloy ang pagkaka-pony nito.

Napatulala ako sa kawalan.

Unti-unti pa lang na nagsi-sink in sa utak ko kung ano ba ang nangyayari sa amin. Mabibigat ang paghinga ko na medyo nangangatal pa sa pagod.

Ano bang gagawin ng taong ‘yon sa amin? Bakit niya kami sasaksakin?

First of all, sino siya?

Jusme. Hindi ko kinakaya.

Napatingin ako sa kamay ko kung nasaan ang pamuyod na ginamit ko.

Ang mga pambabaeng gamit na ito... dapat ko pa bang suotin?

Nakakagulat man, pero kahit bilang isang miyembro ng katipunan ng ikatlong kasarian, may part sa akin minsan na gusto kong bumalik sa dati. Sa dating ako na kinalimutan ko na.

Noong bata ako, hindi mo naman mahahalata na magiging ganito ako paglaki. Kung tatanungin mo ako noon kung barbie o baril, talagang barb— este baril ang pipiliin ko.

Mahirap lang ang pamilya namin. Mula noon at kahit ngayon. Tarantadong lasinggero si Tatay na wala nang ginawa kundi mambuwisit at manghingi ng pera kay Nanay na natunaw na yata ang kamay sa kaka-labandera.

Nag-iisa lang akong anak, kaya kahit papaano ay naigapang nila ang pag-aaral ko. Kaso hanggang elementary lang ‘yon. Mula high school ay nagtatrabaho na ako sa salon para may panggastos din ako.

Noong high school ko lang nalaman na ganito pala ako. Noong una, pasama-sama lang ako sa mga babae at ‘di nagtagal, feeling babae na rin ako. Ewan ko ba.

Nakatapos din naman ako hanggang Grade 10, kaso nahirapan ako sa sumunod na taon. Tumigil ako nang isang taon at nagtrababo para makaipon, at sa kabutihang-palad ay nakakuha ng scholarship sa Yelton. Nagpatuloy ako ng pag-aaral at ‘yon na nga, naging fully-developed girlalou na ang ate n’yo sa paglipas ng panahon.

Noong nakilala ko si Jane at ang tropa niya noong Grade 12, mabilis ko silang nakapalagayan. Ewan ko ha, pero parang matagal na nila akong kasama kung ituring, kahit three years pa lang naman kaming nagsasama. Sabagay, mahaba na rin ang tatlong taon. Ramdam ko na totoong kaibigan nila ako.

Wala rin naman akong matatawag na true friends dati kasi nga mahirap lang ako. Pero sila, lalo na si Jane, napakabait nila sa’kin.

Kaya nga ako nakapagpatuloy hanggang college ay dahil sa financial support ng pamilya ni Jane. Balak ko na sanang hanggang senior high school na lang ang tapusin at magtrabaho na nang full-time, pero pinilit ako ni Jane na pumasok at sinabing tutulungan ako.

Isa ‘yon sa mga dahilan kung bakit hinding-hindi ko siya iiwan. Poprotektahan ko siya, lalo na sa sitwasyon namin ngayon.

Saan naman papasok doon ang kagustuhan kong maging lalaki ulit?

‘Di ba, sabi ko nga poprotektahan ko si Jane? Paano ko naman magagawa ‘yon kung palembot-lembot ako?

Pero…

Mga lalaki lang ba ang puwedeng maging malakas at kayang pumrotekta sa mga mahal nila?

Madalas kong naiisip mas mabuting maging lalaki ako. Gusto kong maging matibay, malakas, at maaasahang Kelvin na inaasam sa akin ni Nanay.

Si Nanay ay isa sa mga nagtakwil sa akin noong nagladlad ako. Actually, pareho naman sila ni Tatay, eh. Lumayas pa ako noon ng bahay dahil bubugbugin ako ni Tatay.

Nakitira ako sa isang kakilala kong bakla rin, at ‘yon… Tumagal din ako ng ilang buwan sa kanila.

Isang araw na dumaan ako malapit sa amin, natanaw ko si Nanay na sinasaktan ulit ni Tatay at sa harap pa ng maraming tao. Hudas talaga! Nanggigil ako kaya kahit ayaw kong magpakita sa kanila,, sumugod ako’t ipinagtanggol si Nanay.

Tandang-tanda ko pa ang umiiyak na mukha ni Nanay noon habang nakayakap sa akin. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa kaniya, at sinabi niya na tanggap na niya ako.

Pero kahit hindi niya sabihin, alam ko namang nanghihinayang siya sa akin.

Noong bata pa kasi ako, palagi niya akong kinakausap na maging matagumpay raw ako paglaki, para ako ang mag-aahon sa amin sa kahirapan at mailalayo ko na siya kay Tatay na lagi naman kaming pinapabayaan.

Eh, hindi naman sa pag-aano sa mga kasamahan ko sa asosasyon ngayon, pero mas mahirap talagang umunlad lalo na’t baliko ang kasarian mo. Hindi pa namin napapatunayan kung anong kaya namin, bagsak na agad dahil sa grabeng diskriminasyon.

Kaya nga pumapasok din sa isip ko, paano kaya kung straight na lalaki ako? Magiging mas madali kaya ang buhay? Kasi s'yempre, wala namang diskriminasyon sa mga straight, 'di ba? Sila lagi ang itinuturing na matuwid. Kami lagi ang pariwara, makasalanan, ibubulid sa impiyerno. Marami sa amin ang sinasaktan dahil lang mismo sa pagiging bakla.

Ang hirap.

Pero hindi ako susuko hangga’t hindi natutupad ang nag-iisang pangarap ko sa buhay. Ang matulungan si Nanay at ibalik sa kaniya lahat ng pagsasakripisyo niya para sa akin. Si Tatay? Nevermind.

Laging isinasampal sa akin ng iba na mali. Mali ang pagkatao ko. Mali ang pinili kong landas. Pero sila ang mali, eh.

Hindi ko ito pinili. Ang pagiging bisexual ay hindi isang relihiyon na puwede kang sumali at tumiwalag kung kailan mo gusto.

Matagal na akong naghahanap ng pagkakataon kung saan masusukat ang kakayanan ko bilang isang tao. Kakayanan upang magmahal, maging malakas, at tumayo para sa sarili ko sa kabila ng naiiba kong kasarian. Siguro, ito na ‘yon.

Tutal ay nasa dangerous moment na rin kami ng buhay, I will be making sure this is sulit. Dapat maganap na ang bonggang character development ni accla.

Ginamit ko ulit ang pamuyod at itinali ang buhok ko, saka tumayo at pinagpagan ang sarili.

Napabuntonghininga ako na akala mo’y hinugot pa sa madilim at masikip na kuweba ni Maria ang hangin. Napalunok din ako at napayakap sa sarili dahil sa sobrang lamig, jusme.

Napanguso na lamang ako dahil sa mga aksyon ko kanina. Pagmulat ko ba naman kasi, bumulaga sa akin ‘yong taong naka-coat na akmang tatagain na si Ryan, kaya nag-panic na ako at kaagad tumakbo sa kung saan mang direksyon.

Ni hindi ko man lang nakita kung nasaan si Jane. Sana naisama ko siya sa akin kung hindi agad ako tumakbo. Nag-aalala rin talaga ako sa kaniya dahil kilalang-kilala ko ‘yong babaeng ‘yon. Mas matatakutin pa ‘yon sa akin at huwag naman sana, pero sa tingin ko, siya ang pinakamahina sa amin kaya madali siyang mahahabol ng killer kung sakali.

Sana kasama niya ang iba pa naming kaibigan, para kahit papaano ay may magpoprotekta sa kaniya. Kailangan ko na silang makita sa lalong madaling panahon. Mahirap na, baka nasa malapit lang ang mang-iitak na ‘yon. Mas ligtas kami kung sama-sama.

Hindi ko man alam ang direksyong pupuntahan ko, unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko at binaybay ang kagubatan. Hindi pa ako nakalalayo ay may narinig na akong kaluskos ng mga tuyong dahon. Ibig sabihin ay may tao sa malapit.

Napalingon ako sa kaliwa’t kanan para malaman kung sino ‘yon, pero wala akong nakita. Medyo kinabahan ako dahil baka ang killer na ‘yon. Napalunok ako at dahan-dahang naglakad.

Mayamaya pa, mas malakas na kaluskos ang narinig ko. Tumigil ako upang makarinig nang mas maayos.

Sandali...

Muli kong narinig ang kaluskos, at nalaman kong galing ito sa kanan ko. Muli akong napalunok. Lalapitan ko ba? Paano kung ang killer nga ito?

Pero naisip ko rin... paano kung sila ito? Ang mga kasama ko?

Dinahan-dahan ko ang paghakbang papunta sa direksyong ‘yon. Mahirap na.

‘Di nagtagal ay nakita ko na ang pigura ng isang taong nakatayo. Kung hindi ako nagkakamali, babae ito.

Si Jane kaya? Sana.

Ilang metro na lang ang layo ko sa kaniya pero parang nakatalikod siya at nahaharangan ng ilang puno kaya hindi ko masigurado kung sino.

Sa paglapit ko ay nakita ko nang buo ang taong ‘yon na naliliwanagan ng buwan.

Humarap siya sa akin, at napasigaw naman ako.

“Catherine!”

•••

Jane

Bakit ba nangyayari ‘to? Why did our supposed-to-be enjoyable trip turn into a deadly one?

My tears started falling as I laid down on the ground, embracing my knees tightly.

Pilit kong inaalala ang mga panahon bago kami mapunta sa sitwasyong ito. Those moments na nagtatawanan lang kami, nagkakainan, nag-aasaran.

Masaya.

Wala akong ibang masasabi kundi masaya.

Pero kanina... Nakita ko...

The bolo knife shone under the moonlight as if it had diamonds embedded into it. I froze when the coated man pointed the blade to me, but luckily, Jessica pulled my arm and we ran.

My spine is still tingling from that... experience. I really hate pointing sharp things in front of me. More so, by an unknown creepy person!

Why do things need to get worse? Why do we have to experience something like this?

Napapikit na lang ako at humikbi.

Nasaan na kaya ang iba? How are they doing? Hinabol kaya sila noong nakakatakot na tao? Pakiramdam ko ay sasabog ang utak ko sa mga biglaang pangyayari.

“Why are you crying again?”

Napalingon ako kay Jessica, ang nag-iisa kong kasama ngayon. She was staring at me intently while leaning against a tree.

Suddenly, parang narinig ko ulit ang mga boses nila... Boses ng family ko na walang ginawa kundi pagalitan ako at i-point out ang mga mali sa akin. Just before this trip, they even gave me those endless blabbering saying that I’m going astray in my life. They still treat me as if I was an unknowing seven-year-old.

“Why?” Napasinghot ako bago sumagot.

“Because... It is the only thing I can do perfectly. No one can tell me that I cried the wrong way... No one can bring me down anymore when I’m crying...”

“Ang pangit mong umiyak, Jane.” I gasped at the sudden words of Jessica and stared at her.

“See? I can still mock you even while you’re crying. And others will always find a way to do it, too. Learn to be brave, Jane. What if they look down at you and overlook your abilities?”

“They’ve always been overlooking my abilities! In everything I do, there’s always a flaw! There will always be something wrong with me!” Hindi ko na napigilan. My emotions that I've been hiding these past few weeks finally came out. I let out a sigh as more tears flowed down.

“Did you forget something? We are humans. Tao lang tayo. As they always say, nobody is perfect. So why?”

I did not dare to look at Jessica at this moment. Sigurado akong mas maiiyak lang ako at hindi makakapag-explain nang maayos.

“Alam n’yo naman…” Pinunasan ko ang mukha ko using my arms. “That my family is a perfectionist ‘di ba?”

“Wait. We already talked about this before. Akala ko ba you’ll start being strong? Nasabi na namin sa ‘yo na disregard those criticisms, and do not be afraid to be yourself!”

“Hindi ‘yan madali, Jessica! Akala mo ba hindi ko sinubukan? I tried my best! Kulang na lang kalikutin ko ang tenga ko para alisin ang lahat ng mga masasamang naririnig ko! Pero no matter how hard I tried, wala pa rin!” Tumayo ako at hinarap si Jessica. My vision is blurry dahil sa walang patid na pag-agos ng luha ko.

“Do you know what’s the biggest problem? My family! My own family is the greatest source of hurtful criticisms! Isipin mo, we are living under the same roof, paano ko naman—”

“Okay, stop! Stop... calm down.” Jessica raised her hands as if she’s trying to stop me. Napahinga naman ako nang malalim.

Jessica held me in my arms and guided me to sit down again.

“Okay, I’m sorry. I know that I shouldn’t even question your feelings right now. Lalo na’t we are in danger,” she uttered. Niyakap niya ako at mas napaiyak lang ako. I buried my face into her chest and I felt her fingers caressing my hair. I released all the burdens I’m feeling right now.

After a while, I gradually stopped crying and calmed down. We slowly parted from our hug and sat side by side on the tree’s roots.

Huminga ako nang malalim at napalingon kay Jessica.

Her perfectly pointed nose, long eyelashes, hazel brown eyes, and her luscious lips… not to mention her slightly tanned skin with sweat that glistens like crystals when they roll down her face.

Shocks. Her side profile is glorious. She looks like a warrior princess who defended herself from enemies. Lalo na ngayon na she’s wearing just her white sando tucked in her denim shorts na ipinalit niya kanina.

“You know what…” She tucked her hair behind her ear, but instead more strands slid down her face. Hinipan lang niya ang buhok na nasa tapat mismo ng bibig niya.

Gosh. That... emphasized the image I just thought about her.

“W-what?” I even almost forgot to respond to her. She looked down before speaking again.

“Just like you, I’m also scared. I also want to cry. I’m also weak inside.” I blinked twice at her statement. Tumingin siya sa akin and she smiled bitterly. “Yeah, yeah. I know na hindi halata. But what I said is true. I’m just like you. Natatakot ako because I don’t know what’s going on at hindi ko alam kung makakauwi pa ba tayo nang buhay. Pero kita mo naman ‘di ba? I stand up as if fear has no place in me.”

Hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan ako sa mata.

“That’s what we want to see in you. It’s okay to be scared and it’s okay to cry. But you should not let your fear devour you and your tears drown you. If you push aside your fear, you can slowly become strong even when you are really weak inside. You need to be strong in our situation, Jane.”

Every word from her was full of sincerity, and I felt that. Her words did not pass from one ear to the other, but it resonated in my heart and mind. I let out a sigh at hinawakan ang kamay niya.

“I’ll be strong. We’ll get over this.”

Jessica smiled sweetly and so did I. Take note, that was a genuine smile. I’m taking her advice seriously and I’m not letting myself be overcome by fear anymore.

“Nasaan na kaya ang iba nating—” Jessica didn’t finish talking because a ray of light suddenly flashed past our faces. Nagkatinginan kami ni Jessica and we quickly stood up. We hid behind the tree we were leaning on and held our breath as we heard footsteps coming to us.

I looked at Jessica with bulging eyes. Is that... the attacker? Are we done for?

Jessica seemed to understand me through my gaze and signaled me ‘hush’. I prevented myself from sobbing because I couldn’t control myself and my tears just started falling. I clutched Jessica’s hand tightly.

My gosh, kasasabi ko lang na I’ll be strong but here I am, crying again. Why am I like this?

I held my breath as the footsteps sounded as if they were just behind us.

“Sigurado ka ba’ng nakita mo sila?”

“Of course. I caught a glimpse of their faces and I think those are Jessica and... Jane?”

My mouth fell open as we heard two voices. Tumingin ako kay Jessica na gulat na gulat rin. We know those two!

Agad kaming lumabas at nagpakita sa kanila— kina Noel at Ryan. Their lips formed a smile as we saw each other.

“Babe!”

“Jessica!”

Jessica and Noel clashed with each other and went into a hug. Lumapit naman ako kay Ryan na nakangiti sa akin. We hugged for seconds. After that, hindi ko na naman napigilan. My eyes became a tear faucet again. But this time, it’s not because of fear or worry. I’m just really happy that we found each other.

“I thought... hindi na namin kayo makikita.” I turned to see that Jessica is crying while holding Noel’s hands.

Oh, so that’s what she’s been keeping to herself this whole time. Tama nga siya, she can be strong when she needs to. Ngayon, she’s the Damsel Jessica who is always with her Knight Noel.

“Mabuti at ligtas kayo,” Ryan said. He smiled at me again and patted my back. I wiped my tears using my fingers.

“You’ll never know how much relief I felt when I found you. We’ll always be together from now on,” Noel added while smiling.

A moment passed between us na nagtititigan lang kami. It was like we haven’t seen each other for years, kahit magkakasama lang kami kanina.

“‘Yong nangyari kanina... is that a prank?” I asked, breaking the silence.

“If that is a prank, that is a really bad one. They almost killed us in terror!” answered Jessica.

“No. The bolo that was used earlier is not fake. You saw it closely, right?” Noel turned to Ryan.

“Oo. Kitang-kita ko na bumaon ‘yong talim sa puno sa likod ko. Totoong itak ‘yon,” Ryan replied. I bit my lip.

“So... we’re really in danger.”

“I’m afraid so,” answered Noel. This time, nararamdaman ko na namang gustong tumulo ng luha ko but I prevented it. Well, I was just hoping that everything’s gonna be alright. But that’s not the case right now.

“Nakita n'yo ba lahat ng kasama natin kanina, habang may umaatake sa ’tin?” My forehead creased upon hearing Ryan’s question.

“I-I’m not sure because it was all so sudden... Bakit?” asked Jessica.

“Sa tingin ko kasi... isa sa atin ‘yong taong nakaitim.”

What? Kaibigan namin ang taong may itak kanina?

“How did you say so?” I commented.

“Hindi ko rin alam... Pero hindi ba kahina-hinala na basta na lang tayo susugurin nang gano’n? Kahit hindi natin kilala?”

“Paano kung may crazy serial killer dito?” Our heads turned to Jessica. Lalo tuloy akong kinakabahan sa mga sinasabi nila.

“Puwede ba, let’s stop this killer talk? Natatakot ako lalo. What about the others, hindi ba natin sila hahanapin?” I suggested.

“Maybe that’s the best we can do,” Noel agreed. He signaled us at naglapit-lapit kaming apat.

“I have no clue as to where everyone else is, and I guess so are you. We’ll venture through this forest to find them. We need to be very careful dahil baka umaaligid lang d’yan kung sino man ang umatake sa atin. Okay?”  Tumango kami sa sinabi ni Noel. He is serving as our leader right now.

Wala nang umimik sa amin at naglakad na kami. We headed sa direction na pinanggalingan nina Noel at Ryan. Nakakapit ako sa braso ni Jessica, Noel is in front of us and Ryan is at the back. Noel is the only one who has a flashlight, so our vision is limited. Minutes passed and we kept on walking while observing the surroundings.

This forest is really healthy, if that’s the correct word. The trees are very tall and there are no traces of human activities. That made our search difficult since parang paulit-ulit lang ang nakikita naming mga puno at halaman. Isama pa ang fog na nakalalabo ng paningin.

“Wait, stop.” Finally, nagsalita si Noel. We stopped and looked where he was looking. My eyes squinted.

Hmm... I can see in the distance that there is a light... light coming from a fire?

“May bonfire?” blurted Ryan. Nakisilip siya sa amin para makita ang liwanag.

“Should we go there?” stated Jessica.

“What if it’s a trap by the attacker?”

“Hindi ako sigurado, pero baka puwede nating lapitan. Baka nand’yan si Catherine, o ang iba nating kasama.” Ryan refuted Noel’s assumption.

“Do you think they will really do that? The fire can attract the attacker too, right?” countered Noel.

“He’s right,” I seconded. Ryan seemed to think seriously kaya natahimik kami.

“Kahit na. Opportunity na ‘to para makita ang iba. May tsansa rin na trap nga lang, kaya maghanda tayo. Maghanap muna tayo ng mga sandata o kung anong pandepensa para masaktan man lang natin ang taong umatake sa atin kung nandoon nga siya. Saka tayo tumakbo nang mabilis,” he ordered.

I’m not really sure about this, but eventually, we all agreed at namulot na kami ng mga bato at kahoy sa paligid namin.

“Are you ready?” Noel asked. Tumingin ako sa mga batong hawak ko. I really hope na wala roon ang killer because I don’t think we can evade him. I nervously nodded and we continued walking.

Maya’t maya kaming tumitigil to see if there’s another person approaching. Hindi nagtagal, nakalapit na kami sa liwanag. Just like we thought, it was a bonfire. Ilang puno na lang ang layo namin dito.

When we finally came close to it, agad napukaw ang pansin ko sa isang tao: si Steve. He was just staring at the fire with enlarged eyes.

“Steve!” I got excited and called him. Napangiti ako dahil nakita na namin siya. I stepped closer at umuna na ako kay Noel. Napatingin naman ako sa apoy.

Then, it struck me. This is not a simple bonfire. At the base of the dancing fire, there’s a...

“What the...” Noel’s voice trailed off as they also saw what I did.

At the base of the fire, there’s a body. A human body. Nilalamon ng apoy ang kabuuan nito but I can still see a part of the shoes.

“Oh my gosh...”

I noticed a stake standing just beside the fire. My eyes slowly focused on a thing that seemed to be stuck on the stake, and...

My heart skipped a beat.

There’s a head. A severed human head resting on the stake...

What’s more, I recognize the face... I will never fail to recognize that face...

My knees suddenly lost their strength as I felt myself approaching the ground.

W-Why...

Why did I see Kelly’s head impaled on that stake?

•••

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top