01

Nag-aayos na ako ng mga gamit ko dito sa apartment ko. Buti naman at kahit papaano ay sakto lang pala ang dala ko. Inaaalala ko kasi na bago ako pumunta dito eh baka masyadong marami akong dala buti na lang at sakto lang.

Dahil may ilang araw pa naman ako bago pumasok sa bago kong trabaho dito eh maggagala muna ako. Saan nga ba magandang puntahan dito sa Seoul?

At syempre mamimili na din ako. Total nakapagpalit na din ako ng Pera Kong dala galing pinas. Hays, nakakalungkot lang din pala kapag mag-isa ka na lang dito.

Wala ng mag-aasikaso sa'yo kapag mag-isa kana lang talaga. Isa Kasi sa goal ko eh maging independent. Ayaa kong lagi nakaasa sa magulang ko. Yung kada na gigising ako eh may pagkain na agad ganun eh gusto ko naman maging mapag-isa naman.

Kaya nagalit sa akin si Mike eh. Okay naman daw sa pinas bakit ko pa daw pinili dito sa SoKor? Eh sa gusto ko dito eh. Highschool palang ako gustung gusto ko na makapunta dito. Gusto ko naman makaranas makapunta ng ibang bansa.

Maganda naman ang offer sa akin dito at minsan pwede naman ako magwork from home. ayos talaga dito eh. Saka, iniisip ko palang si Mike naiinis na ako sa kaniya. Oo, Mahal ko sya pero kung hindi nya gagalangin ang desisyon ko eh di hiwalayan na lang nya ako. Ayaw nya akong pumunta dito, ayaw nyang mapalayo ako. Pagtumuloy ako dito eh hiwalay na kami. Okay?

Masyado syang nakakasakal. may sarili din naman akong buhay at desisyon. Hindi ko pa sya asawa ganyan na sya. Paano Kaya kung asawa ko na sya? Sakal na sakal na siguro ako nun.

Hays.

Dahil ang kaibigan Kong si Jean ang may pakana nito eh. Pumunta din dito at ayun, nasa iisang bansa na kami kaso magkaiba yung trabaho at apartment nya.

Nako, Kaya mo 'to Mirela Santos! Nandito ka dahil gusto mo at sa pangarap mo! Kahit mag-isa ka, at least nandyan lang si Jean sa tabi tabi.

Speaking of Jean, nasaan na Kaya Yun? Kanina pa ako nagtxt sa kanya pero walang reply lamang.

Tawagan ko na nga lang.

"Jean?"

[Yes, mir?]

"Nasaan kana ba? Kanina pa kita inaantay dito sa unit ko?"

[Eh, dumaan muna ako sa isang restau. Dyan ako makikitulog haha eh ilang buwan na ba tayong Hindi nagkikita. Namiss kitang loka loka ka!]

"Ay wow. Sweet naman po! Basta bilisan mo na lang ha?"

Agad ko na pinatay ang tawag ko. Six months Ang huling Kita namin. Matagal tagal na din pala. Puro video call lang ang ginagawa namin para Makita ang isa't Isa.

Maya maya pa ay narinig ko na ang doorbell hudyat na nandyan na sya. Agad ko naman pinuntahan pinuntahan ang pintuan at saktong binuksan ko na agad ito. Magandang ngiti ang iginawad nya sa akin na maraming dalang pagkain. Tinulungan ko naman sya agad.

"Grabe, lalo kang gumanda ah!" Sabi nya sa akin. Nako, bes.

"Ikaw talaga hindi ka pa din nagbabago," Sabi ko na lang sa kaniya. Tinulungan ko na lang siya mag-ayos ng makakain namin.

"Oh, nasaan si Mike? Bakit ikaw lang pumunta dito mag-isa?" Tanong nya. Napanguso na lang ako sa kaniya.

"Hiwalay na kami ni Mike. Ayaw nya kasing tumuloy ako dito. Ewan ko ba dun. Napaka-immature." Tinaasan lang nya ako ng isang kilay niya. Problema nito?

Napa-oh na lang siya na para bang hindi naniniwala sa akin.

"Bes, hindi ako marupok, okay? Kung ayaw nya eh di wag. Saka matagal ko ng gusto pumunta dito. Dapat matured na sya, kung may tiwala sya sa akin eh dapat hayaan nya ako."

"Baka Kasi nag-aalala lang yung tao. Pero sabagay, nakakasakal naman no? Baka hindi nya lang kaya yung LDR na yan. Baka kasi sya mismo magloko? Hahahaha. Nako, mga lalaki talaga ngayon." Sabay iling iling nya pa sa sinabi nya mismo.

Tama naman sya at may punto. Baka sya mismo magloko kapag naging ganito kami. Buti na lang at naghiwalay na kami agad.

"Eh ikaw bes? Musta ka dito sa SoKor?" Tanong ko naman sa kanya. At ayun ang lokaret ang ganda ng ngiti sa akin. Napa-what na lang ako sa kaniya.

"Marami akong nakakadate dito! Minsan hinihingi na nga lang number ko eh. Tapos bes, ay grabe! Para bang ang ganda ganda ko. Halos lahat ng gwapo na nakikilala ko eh ako gusto."

"Ano ba yan bes, nandito ka para magtrabaho hindi maghanap ng jowa!"

"Minsan kasi kailangan maglibang din at wag pasubsob sa sobrang dami ng trabaho. Minsan ko lang naman ginagawa yun dito. Kapag may free time lang." Sabay subo nya ng pagkain nya.

Ako naman ang napailing sa ginawa nya. Hays. Sabagay, hindi ko maitatanggi na maganda talaga sya. Lalo na't purong Filipina kami. Kaya siguro marami ding gustung gusto sya makilala at makadate.

"Nako, Jean. Ingat ingat lang ha? Baka hindi mo alam may ibang balak na yan sayo." Payo ko na lang sa kaniya. Aba, biglang nagsalute pa sa akin. Napailing na lang ulit ako sa kaniya sa ginawa nyang yun.

Hawak hawak ko ang phone ko ng buksan ko 'to at bumungad sa akin ang lockscreen kong kami pa dalawa ni Mike. Agad ko binuksan ang phone ko at pinalitan ang lockscreen at wallpaper ko. Binura ko na din ang lahat lahat ng pictures namin. Sa loob ng four years, ganito nya lang itatapon ang lahat sa Amin?

Hays. ganito talaga siguro sya kababaw. Hindi ko pa talaga siguro sya lubos na kilala pa. Oo, Mahal ko pa sya pero hindi na katulad ng dati pa.

Siguro imbes na isipin ko pa sya ay pagtuunan ko na lang ng pansin itong si Jean habang kasama ko pa sya at panigurado ay minsan na lang kami magkikita.

Pagplanuhan ko na din ang lahat ng gagawin ko bago mag-umpisa sa trabaho.

Sana, maging maayos ng lahat sa mga susunod na araw.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top