CHAPTER 7
GULF
Nagmulat ako at nasa puting kwarto ako. Nilingap ko ang paningin ko sa paligid. Iginalaw ko ang kanang kamay ko, May nakakabit na IV fluid.
Ang kaliwang kamay ko naman, mabigat. Tiningnan ko iyon at nakita kong hawak hawak ng natutulog na si Mew.
Hindi ko matandaan kung paano ako napunta dito sa hospital basta ang alam ko nagkasagutan kami at nahilo ako kaya ako nahiga.
Epekto talaga ng oral chemo ang ganito kaya sanay na ako.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaunting saya. Nag aaalala din pala si Mew sa akin, patunay na isinugod niya ako dito.
Hinaplos ko ang malambot niyang buhok..
Ngayon ko lang nagagawa to sa ilang buwan naming pagsasama.
Our last intimate moment was on our honeymoon. That night will be forever on my memory.
Gumalaw siya, hindi parin ako tumigil sa paghaplos sa buhok niya. Chance ko na to, lulubusin ko na..
Nabigla ako ng hulihin niya ang kamay ko at nagmulat siya ng mata.
"Gulf? Thank God you are awake.. Tatawagin ko si Doc Ohm." Nagmamadali siyang lumabas.
Baliw na yata ako na ipinagpasalamat ko pa ang pagkaka hospital ko ngayon kasi nakikita ko na nag aaalala siya sa akin.
Kahit iyon lang masaya na ako, at least napapansin niya pala ako.
Pumasok si Doc Ohm, nakasunod sa kanya si Mew at isang nurse.
"How are you feeling Gulf?" Tanong niya sa akin habang sinusuri ang vitals ko.
"Maayos na Doc.. Ganito na talaga ako since sinimulan ko ang oral chemo." Napatingin ako kay Mew, nakikita ko ang guilt sa mga mata niya.
"Ayaw mo ba ng actual chemo sessions?"
"Okay naman ang iniinom ko Doc." Napailing ako. Ayaw ko talaga.
Napatingin si Doc Ohm kay Mew, saka sila sabay na umiling.
"So far, okay ang vitals mo, pwde ka ng mag discharge mamaya."
"Thanks, Doc.."
Nang makalabas na siya ay lumapit si Mew sa akin. Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko..
"I'm sorry.. I'm sorry.. Ang sama ko sayo. Please hate me. Hurt me.. Tatanggapin ko. Please be angry at me". Nakasubsob siya sa kamay ko at naramdaman ko ang mainit na likido mula sa mata niya.
"Hey.. No need to say sorry.. Wala kang kasalanan." hinaplos ko ulit ang buhok niya.
"Ang sama kong asawa. I didn't treat you well. Hindi ko alam na may pinagdadaanan ka. Bakit hindi mo sinabi?" Nag angat siya ng tingin sa akin at pinahid ko naman ang luha sa mata niya. Nag iinit din ang sulok ng mata ko sa luhang nagbabantang tumulo.
"Kasi gusto kong matanggap mo ako bilang ako, at hindi dahil may sakit ako, hindi ko kailangan ang pagmamahal na nagmula sa awa, Mew. I don't deserve that."
"No, it is me who don't deserve you. Please magpa galing ka.. Babawi ako. Gagawin ko na lahat please.. Magpa chemo ka na.." nagmamakaawa ang tono ng boses niya.
"Fine.. After this round of oral chemo. Magpa actual chemo session na ako.."
Pumayag na ako kasi alam kong hindi niya ako titigilan.
"I'm sorry.. Matatanggap mo pa ba ako bilang asawa mo?"
"Of course.. Bakit hindi.. You are too good to be true, anyway Ang mga magulang ko tinawagan mo ba?" Tanong ko sa kanya ng medyo kumalma na siya.
"Hindi pa. Hinhintay kitang magising at itanong kung dapat na ba nilang malaman?"
"They deserve to know, para kung may mangyari man, hindi na sila magugulat." Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Walang mangyayari sayo..." he said in a firm voice na para bang alam niya ang hinaharap.
"Babawi pa ako sayo.. Gagawin kong tama lahat ng mali ko.. Magiging masaya tayo at magsasama ng matagal, hindi ba?"
Pilit akong ngumiti, I don't want to give him false hopes. Tinanguan ko lang siya. Ayaw kong magsalita dahil panigurado sasambulat ang iyak ko.
Nagpaalam siya sa akin na tatawagan ang mga magulang namin.
Hindi nagtagal ay pumasok ang dalawang Mommy namin. Nakikita kong walang emotions ang dalawa.
O sadyang nagsisikap lang sila na itago ang nararamdaman.
"Anak..." lumapit si Mommy sa akin at naupo sa pwesto ni Mew kanina.
"Mom, okay lang ako.."
"Gulf anak, bakit hindi mo ipinapaalam agad?" Malungkot na sabi ng Mama ni Mew.
"Stage 3 na Tita, nang malaman ko. If this is my fate, then let it be..." inabot ko ang kamay ng Mommy ko na tingin ko konti nalang bubulanghit na ng iyak.
"I wanna go home, mas lalo akong mangkakasakit dito."
"Okay ka na ba. Anak?"
"Mom, effect lang ng oral chemo ang naramdaman ko kaya ako naisugod ni Mew dito."
"Nagtatampo ako sayo, bakit sinolo mo ito?" Naiiyak na naman ang Mommy ko.
"Mom, dont waste your tears. I'm still alive and kicking." pilit akong tumawa para pagaanin ang atmosphere ng silid.
Pumasok sa loob ang Daddy ko at ang Daddy ni Mew.
Tahimik lang silang nakatingin sa akin.
"Hindi niyo ba ako papagalitan?" I tease them.
Lumapit sila at niyakap ako.
"Hey guys, iniipit niyo ang asawa ko." saway ni Mew na kakapasok lang.
"Na settle ko na ang bills. Pwede ka ng mag discharge." naninibago parin ako sa atensyon na binibigay niya.
"Parents.. Mauna na kayo at susunod kami." tinaboy na niya ang mga magulang namin.
Natatawa naman akong tumingin sa itsura ng mga ito.
"Dinner sa bahay kayo kumain please." Pakiusap ko sa kanila.
Pumayag naman sila agad.
At nagpaalam na na aalis.
"Babe.. Iyan na itatawag ko sayo from now on.. Babawi ako.. Let's start anew. Kasama mo ako sa laban na to.. Cancer lang to babe. Malakas tayo. Kaya natin to di ba?"
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak sa sinabi niya.
Of course, with my husband
I will fight until my fate ends.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top