CHAPTER 6
MEW
Nabitawan ko ang folder. Naghihina ako. Paano nangyari to? Bakit hindi ko napansin? Bakit wala akong alam? Bakit ko hinayaang masaktan siya sa piling ko?
Naiisip ko pa lang na nasasaktan siya sa mga pinaggagagawa ko, tapos may dinadala pa pala siyang mas mabigat na suliranin.
May cancer ang asawa ko, stage 3.. Mapait akong napangiti. Anong biro ng tadhana ito? Hindi nakakatuwa.
Agad kong pinulot ulit ang folder, tumawag ako ng driver at agad kong binuhat si Gulf at dinala ko siya sa hospital. Wala parin siyang malay.
Ni hindi siya nagising noong nasa byahe kami papuntang hospital.
Agad naman kaming inasikaso ng dumating kami doon, nawala sa isip ko na tawagan ang mga magulang namin, ayaw kong pangunahan si Gulf. Kung gusto niyang sabihin sa mga magulang niya o hindi. Dahil hindi niya itatago ang results kung may balak siyang magsabi.
Napansin ko ang doctor na umasikaso kay Gulf, bulag lang ang hindi makakakita kung paano niya tingnan at hawakan ang asawa ko.
"You're the husband?" Lumapit siya sa akin.
"Yes, Doc.." pormal kong sagot.
"You didn't notice that he is sick?"
"Honestly, hindi. Minsan lang kami magpang abot sa bahay."
Pagak na natawa ang doctor.
"The negative side of an arranged marriage."
"Excuse me?" Napalakas ang boses ko.
Itinaas ng doctor ang dalawang kamay na para bang sumusuko na.
"That came out wrong.. Anyway still waiting for donor parin siya sa ngayon. Hindi ko siya kayang pilitin na Magpa actual chemotherapy, you should try to convince him."
"Hintayin ko lang siyang magising, mag uusap kami, Salamat Doc." Pormal kong sabi sa kanya. Agad namang nagpaalam si Doc Ohm.
Nag ring ang cellphone ko, gabi na.. Maliban kay Art wala nang ibang tatawag sa akin ng ganitong oras.
"Babe!" Masigla ang boses na bati niya sa akin.
"Oh. Gabi na ah. Akala ko tulog ka na?"
"Pwede mo ba akong puntahan? Please... I miss you babe.. Hintayin kita dito sa condo ko." Naglalambing na sabi nito.
Napatingin ako sa maputlang mukha ni Gulf. He look peaceful.
"I cant.. Something came up, nasa hospital si Gulf may sakit siya."
"Si Gulf na naman? Kanina hindi mo ako napuntahan kasi umuwi ka ng maaga! Akala mo hindi ko napapansin na nagbago kana?" Nanunumbat ang tono ni Art.
"Ano bang nagbago Art?". Madiin kong sabi. "Ang hirap sayo hindi mo ako naiintindihan. Matagal ko ng sinasabi sayo na may asawa na ako, itigil na natin to, pero ano? Nagpumilit ka na huwag kitang iiwan."
"Wala akong pakialam. Basta gusto ko pumunta ka dito ngayon! Kung hindi, alam mo na ang kaya kong gawin. Sana makaya ng kunsensya mo." saka niya ibinaba ang tawag.
Bahala na. Basta ayaw ko siyang puntahan. Tenext ko ang mama niya at sinabi ko na pwede pakicheck ito at baka may gagawing mali.
Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro ng games sa phone ko, malalim na ang gabi pero hindi ako makatulog. Nakaupo lang ako sa single chair na nasa private room ni Gulf.
Wala namang ginawa ang Doctor sa kanya. Kinabitan lang siya ng IV, kasi side effects daw talaga ng oral chemo ang nararamdaman ni Gulf.
Tumatawag ang Mama ni Art sa akin. Agad kong sinagot.
"Mew! Ang anak ko, sinugod namin sa hospital, hiniwa niya ang pulso niya." Umiiyak na sabi nito.
Napasabunot ako sa sariling buhok ko. Bakit ganito? Yung dalawang taong importante sa akin parehong nasa hospital.
"Please kailangan ka namin dito..."
"Tita, saan ba yan? Nasa hospital din kasi ako. Dinala ko ang asawa ko dito. Baka. Mamaya na po ako makakapunta pag nagising siya. Wala akong mapag iwanan sa kanya."
"Since when did my son becomes your least priority? Nasa BMC kami."
Nangunot ang noo ko. Nasa iisang hospital lang pala kami.
"Ngayon lang po. Delikado kasi kalagayan ni Gulf. Please intindihin niyo po ako."
Binabaan niya ako ng tawag. Napailing ako at tumawag ng nurse at ibinilin ko si Gulf, sisilipin ko lang si Art.
Dumiretso ako sa nurses station at nagtanong, agad naman nilang itinuro ang kwarto ni Art.
Nagmamadali ang bawat hakbang niya, kailangan niyang bumalik agad kay Gulf.
Pipihitin na sana niya ang door knob ng marinig niyang may nag uusap sa loob.
"Do you think he will believe?" boses ni Art iyon.
"Napaniwala mo na siya dati diba, basta umarte ka lang." Boses ng.. Ano? Mama ni Art?
"Okay na sana na anxiety reason or depression Ma, bakit suicide pa..."
"Para convincing.. Tandaan mo Na kailangan natin si Mew, malaking ginto yun kung tutuusin."
"Naiinis ako sa Gulf na iyon, sagabal sa plano, kung hindi siya pinakasalan ni Mew, kami sana ang kasal ngayon, nabawi na sana natin lahat ng nawala sa atin Mama."
"Well, mas marami tayong makukuha kapag naging taga pag mana si Mew. Kaya ayusin mo!"
Hindi na ako nakatiis sa mga narinig ko. Patulak kong binuksan ang pinto.
Nakita ko si Art nakaupo sa kama, may plaster sa pulsuhan may dugo pa.
Habang ang mama ni Art ay gulat na gulat.
"Kanina ka pa ba?" Kabadong tanong niya.
"Just enough to hear your fraud, kung kailangan niyo lang pala ang pera ko, pwede ko naman kayong pautangin, installment payment pa. Pero ginawa niyo akong gago. Pati asawa ko nagawa kong lokohin at saktan dahil sa anxiety at lintik na pagpapakamatay scheme mo na yan! Mula sa gabing to. Kanya kanya na tayo. Pinuputol ko na kung ano mang meron tayo."
Lumabas ako at Dumiretso sa kwarto na kinaroroonan ni Gulf. Umupo ako sa single chair, inabot ko ang kamay niya at ikinulong iyon sa mga palad ko.
"Gulf, please.. Be strong.. Mag simula tayo ulit.. Magbabago na ako.. Gagawa tayo ng maraming memories together, babawi ako.. Lahat ng iniluha mo, pagbabayaran ko, please Gulf."
Nakayupyop lang ako sa gilid ng kama niya, hawak ang malamig niyang kamay, at saka ako nilamon ng ANTOK.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top