CHAPTER 2
A/n: this book is painful. Kung mahina ang puso, please feel free to skip, I dont want to hurt you.
This book will be written in GULF'S POINT OF VIEW.
GULF'S POV
"Mild, I cant believe that I am finally tying the knot with Mew. I'm waiting for this moment to happen." Nakangiting sabi ko sa best friend ko na si Mild. Ito lang ang may alam ng lahat lahat ng kabaliwan ko kay Mew. Ito ang sumbungan ko ng lahat ng mga problema ko sa buhay.
"Masaya ako para sayo best friend, but please, don't hurt yourself, don't assume too much." Sabi niya sa akin. Totoo iyon, bawat galaw ni Mew binibigyan ko ng kahulugan.
Bawat simpleng ngiti niya o kahit pilit pa, pakiramdam ko gumaganda ang paligid ko.
Nandito kami ngayon sa Starbucks sa harap ng BMK, hinihintay namin si Mew, ngayon kami magpapasukat ng Tuxedo na susuotin namin sa kasal namin. Ayaw sana ng mga magulang ko na makisali ako sa preparation kaya sila kumuha nalang ng events organizer, but gusto ko makisali sa paghahanda, kasal ko to, dapat hands on ako. Lalo na matagal ko ng pinangarap to na magkatotoo.
"Ang tagal naman ng fiancé mo, hindi kita maiwan dito, wala tayong kasamang bodyguard. Mananagot ako kay Tita kung iiwanan kita mag isa tawagan mo kaya kung bakit matagal." inis na sabi ni Mild.
Nakailang order na kami ng frappe pero wala parin siya.
Tinawagan ko ang number niya, panay lang ang ring.
"Last na to friend, kapag hindi pa niya sinagot, baka busy. Tatawagan ko nalang ang couturier at mag papaset ulit ako ng appointment for fitting."
Inirapan ako ni Mild..
"Ikaw ang bahala. Tawagan mo na last na yan, kung wala parin uuwi na tayo."
Nag dial ulit ako, napahinga ako ng malalim ng sa wakas ay sinagot ni Mew ang tawag ko.
"Hello, Mew? Kanina pa kita hinihintay sa usapan natin, fitting natin ng damit ngayon, nasaan ka ba?" Napakunot ang noo ko ng maulinigan ko ang malalalim na hininga sa kabilang linya.
Mahihinang ungol at daing.
Hindi ako bobo para hindi ko agad makuha kung ano ang ginagawa ng nasa kabilang linya.
Parang tinusok ng daang daang karayom ang puso ko.
Nag iinit ang sulok ng mata ko, ayaw kong makita ako ni Mild na naiiyak.
Ibinaba ko na ang tawag.
Kung may ginagawa naman pala na milagro, bakit sinagot pa?
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili.
"Friend, tara na.. Hindi na daw siya makakarating, something came up and he is occupied by now." Pagtatakip ko.
"Kainis naman yang fiance mo, hindi man lang nag text na hindi siya darating. Muntik na tayo tubuan ng ugat dito kaka antay."
"Busy kasi siya, sa kandungan ng iba."
Bulong ko sa isip, ayaw ko din na sumama ang loob ni Mild kay Mew. Magkaibigan din naman sila.
Napatikhim ako ng maramdaman ko na nagbabara ang lalamunan ko sa luha na pilit kung pininigilan.
Nauna na akong tumayo, baka dito pa ako umeksena, nakakahiya.
"Tara na friend, sa bahay ko na tatawagan ang designer."
Agad namang dumikit si Mild sa akin. Alam ko na kung bakit, para protection ko, maraming masasamang tao na pwedeng kumuha sa akin, dahil sa yaman namin. tulad ng nangyari dati kaya hindi ako lumalabas ng bahay na walang bantay, ngayon lang kasi umasa ako na darating si Mew. Pero wala.
Kaya ito at over protective si Mild sa akin.
"Deretso na ako sa bahay friend."
Sabi ko kay Mild habang nagmamaneho siya. Tahimik ako sa byahe. Ayaw kong magsalita dahil baka maiyak ako.
Si Mild naman pa sulyap sulyap lang sa akin. Pakiramdam ko gusto niyang magtanong kung anong nangyari sa akin pero pinigilan na niya sarili niya.
Nakarating naman kami ng ligtas sa Mansyon.
"Salamat, chat me when you arrive home." Kumaway ako sa kanya. Agad aking umakyat sa kwarto ko.
Dahil walang magawa pagkatapos ko magshower at mag bihis, ayaw ko namang mag mukmok kaya naisipan ko na magbake ng cake. Iyong paborito ni Mew na chocolate cake.
Nang matapos ako. Ini set ko ang timer ng oven at nilinis ang kalat ko saka ako naupo at tumambay sa Garden.
"Sir, andito po si Sir Mew, hinahanap kayo." sabi nang isang katulong namin.
"Paki sabi nandito ako sa garden Neng tapos paki check iyong cake sa oven, dating gawi lang Neng."
"Okay po."
Umayos ako ng upo. Nakita kong papalapit si Mew aa akin.
Napaka gwapo niya talaga. Mula ulo hanggang paa. Wala kang maiipintas.
"Tumawag ka ba kanina? Nagpunta ako sa Starbucks bakit wala kayo? Ang tagal kong naghintay doon." asik niya sa akin sa madiing boses.
Kung matagal siyang naghintay, paano pa kami?
"Tumawag ako Mew, hindi lang isa dalawa o tatlo kundi maraming beses. Last tawag ko sayo, mukhang nasa session ka sa gym?" Kunwari inosente kong tanong.
"Wala ka na roon!"
"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko sa kanya, "Para awayin na naman ako? At umatras sa kasal?"
"Hindi na kailangan, nag uusap na kami ng boyfriend ko, payag na siya sa ganitong set up."
Nakagat ko ang labi ko. Kasabay ng pag iinit ng mata ko ay ang pag bangon ng hikbi.
"Call me anything about the wedding, this time I will cooperate."
Napatango lang ako, habang ang paningin ko ay nakapako sa bermuda grass ng garden.
"Since wala na tayong oag uusapan, aalis na ako. Hinhintay niya ako sa kotse."
"Nag bake ako ng favorite cake mo, gusto mo kuhanan kita sa loob?" Offer ko parin kahit alam ko tatanggi siya.
"No thanks, we'll eat outside, he hates waiting, I gotta go." Saka siya walang lingon likod na umalis.
Naghintay din naman ako kanina, Karma ko na yata ito. Sa pagpupumilit ko na ikasal kay Mew, nasasaktan ako. Pero ang sakit na iyon ay agad nawawala makita ko lang ang mukha ni Mew, masaya na ako.
"He hates waiting"
"He hates waiting"
"He hates waiting"
Ang kaninang nagbabadyang luha sa mga mata ko ay bumuhos. Walang tigil, walang patid at ayaw maampat.
Kasabay ng tunog ng kuliglig at kulisap sa gabi, ang aking hikbi at dalamhati.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top