CHAPTER 10
MEW
Pagkatapos ng date namin, sinong mag aakalang sa hospital kami babagsak. Bigla nalang nahimatay si Gulf agad ko Siyang dinala dito.
Kinausap ko si Doc Ohm pagkatapos niyang maasikaso si Gulf
"Kumusta Doc?"
"Kailangan na niya ng donor."
"Try me.. If pwede ako I will donte my stem cell," Seryosong sabi ko.
"Fine, follow me."
Sumunod ako sa kanya sa isamg kwarto at doon nila ako sinuri kong papasa ba akong stem cell donor.
Ilang oras nakalipas, naka schedule na kami for operation. Pumasa ako bilang donor. Masaya ako kahit na walang kasiguraduhan.
"This is our last card. If hindi parin. Let's just accept his fate."
Dinala kami pareho sa operating room habamg naghihintay ang mga magulang namin sa labas. Both side wishes and hope for Gulf's fast recovery.
Nagising ako kinabukasan na maayos na ang pakiramdam. Stem cell lang naman ang kinuha sa akin kaya mabilis lang akong nakabawi. Inaalala ko si Gulf dahil sinabay na din ang chemo treatment niya.
Nakita ko si Mommy na nakaupo sa tabi ko.
"Mom, kumusta si Gulf?"
"He's doing fine.. Maayos na siya. Pero under observation siya hanggat hindiina mag settle ang sten cells sa katawan niya.
I secretly thank God. Sana mag tuloy tuloy na.
Nag pa tulong ako kay mommy na pumunta dahil nasa ICU siya.
Parang sinaksak ang dibdib ko na makita ang asawa ko na may nakakabit na kung ano anong tubo sa katawan.
Tiningan ko lang siya sa salamin.
Ilang araw ang lumipas at maayos na ang kalagayan ni Gulf. Pero hindi muna siya pinalabas ng hospital.
Hindi namin alam kung bakit basta sabi ni Doctor Ohm kailangan niyang ma monitor.
Nakakausap ko naman siya ng maayos, masaya kaming nagkukwentuhan, hanggang isang gabi balisa siya at hindi makatulog
"Babe. Are you not feeling well?" Nag aalala kong tanong.
"I'm fine babe.. Hindi lang ako makatulog."
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Fight for me, for us.. please."
"Of course babe.." napatango siya. Kahit alam ko na pilit na lang.
Napatitig ako sa maputla niyang mukha, sa namamalat na labi, sa humpak na pisngi at sa malalim na mata. Nahihirapan na siya.
Parang kinukurot ang dibdib ko.
Makasarili ba ako kahit na nakikita ko ng Nahihirapan siya mas gugustuhin ko na lumaban siya?
"Buksan mo ang bintana babe, gusto kong makita ang pag sikat ng araw,
you know why I love sunrise? Kasi nagpapatunay na kung may matatapos, may magsisimula."
Nakikinig lang ako sa kanya habang siya ay nakatingin sa labas ng bintana.
"Babe, kaya siguro hindi mo ako nagawang mahalin agad dahil may taong nakalaan na mas mamahalin mo, yung mamahalin mo ng kusa na walang pagpipilit," Bahaw siyang napatawa.
"Babe stop saying that things." Napailing ako habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti siya sa akin at parang hinahabol. Niya ang paghinga.
"Babe.. Babe.. Tatawagin ko si doctor Ohm!" Pinindot ko ang emergency button at agad nagsipasukan ang mga nurses at si Doc Ohm.
They revived him after a few tries.
Wala akong maramdamang kahit ano.
Namanhid ako.
Nanginginig ako habang nakatingin sa asawa ko na aagagawin na ng kamatayan sa akin.
"Babe..." bulong ko habang pinipigil maluha. Katabi ko Ang Mga magulang namin na dumating pala na hindi ko na napansin.
Na revive nila si Gulf. Ikinabit ulit sa katawan niua ang ibat ibang tubo.
Lumapit si Doc Ohm sa amin.
"I will be honest. He will not stay for long. Better say goodbye and let him go. Kaysa mahirapan siya."
Bumangon ang galit ko. Dinakma ko sa kwelyo si Doc Ohm.
"Sino ka para sabihin iyan? Diyos ka ba?!" Asik ko kanya.
Lumapit ang daddy ko at inawat niya ako.
Then realization hit me.
Nahihirapan na siya. Kailangan ko na siyang hayaang magpahinga.
Masakit man, pero kailangan tanggapin.
Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang nanlalamig niyang kamay.
Bago ko sinabi ang salitang hindi ko akalain na magiging napakasakit sa akin.
"Babe, magpahinga ka na.. Kung pagod ka na. Please rest.. I LOVE YOU SO MUCH. ayoko na pala na makita kang nahihirapan." pinipigil ko ang mapahikbi. Pero kusang lumalabas ang hagulgol ko. Inilapit ko ang kamay niya sa labi ko at hinalikan iyon. Lumapit ang mga magulang niya.
Nagsasalita pa ang mommy niya ng mag ingay ang heartbeat monitor at nag FLAT LINE IYON.
Lumapit si Doc Ohm.
"TIME OF DEATH 11:59."
Nahigit ko ang paghinga at agad akong napatalikod payakap sa Mommy ko. Ang sakit. Walang kasing sakit. Parang hiniwa ang puso ko at nilagyan ng asin.
INIWAN NA NIYA KAMI, INIWAN NA NIYA AKO.
Agad akong Lumapit sa kanya at niyakap ang walang buhay niyang katawan. Sa huling pagkakataon maramdaman ko man lang ang init ng yakap niya.
Ang taong walang ginawa kundi mahalin ako, alagaan ako kahit sa kabila ng kagaguhan ko sa kanya.
Kaya sa mga nagmamahal, habang nasa inyo pa, habang kasama niyo pa. Iparamdam iyo na na mahalaga sila. Dahil hindi natin alam ang hinaharap.
Sulitin ang panahon habang kasama pa natin ang mahal natin sa buhay. Huwag sayangin ang pagkakataon. Kung mahal mo, Iparamdam mo.
WAKAS
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top