CHAPTER 4

A/N: Per request of Kaye Tungol. Hehe. Enjoy.Last update for this story. 

CHAPTER 4

Maagang-maaga palang ay haggard na si Kara. Tawag doon, tawag dito. Halos hindi na nga niya alam kung saan siya magsisimula sa dami nang papeles sa table niya. Mga schedule yon nang pupuntahan niyang photo shoot. Ang masaklap pa ay medyo gusto nang pumikit ng mga mata niya. Si Shane naman kasi kagabi, kung hindi yon naglasing ay hindi siya mapupuyat nang ganito.

“Kara, eksaktong alas-nuebe, dapat nasa lugar ka na kung saan ang photo shoot nang model.” Wika sa kanya nang head nila sa photography section.

 “Yes, ma’am.” Sagot niya. Gusto na niyang mag protesta pero trabaho ito kaya kailangan gawin niya nang mabuti para naman matuwa ang kuya niya sa kanya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagtingin sa mga papeles na nasa mesa niya ng tumunog ang cell phone niya.

Sinagot niya ang tawag ng hindi tinitingnan ang Caller I.D. “Hello?”

 “Hi. Musta na ang trabaho, girl?” Tanong sa kanya ng nasa kabilang linya na nakilala naman agad niya kung sino.

 “I’m doing fine, Giane. Ito nga ang dami kung pupuntahang photo shoot. Pakiramdam ko talaga e pinapahirapan lang ako ng Shane na yon. Alam niyang wala akong talent sa ganito at dito pa talaga ako nilagay.” Aniya ng naiirita.

Narinig niyang tumawa si Gianne sa kabilang linya. “Speaking of Mr. Shane, your cousin. Nai-in love ka na ba sa kanya?” tudyo nito.

Alam ng mga kaibigan niya na ampon lang siya ng mga San Miguel kaya naman palagi siya nitong tinutudyo sa pinsan niyang hilaw. Hindi niya itinatago ang impormasyong ‘yon. Masaya siya at may pamilyang umampon at nagmahal sa kanya.

 “Giane! In-love? No way! Kahit hindi kami magpinsan hindi ko yon papatulan. Eh naabala nga ako niyan kagabi.” Inis na wika niya.

 “Owww! Kagabi. Anong nangyari kagabi?” Pilyang wika ni Giane sa kabilang linya.

 “‘Yang tuno nang pananalita mo, alam ko yan! Naabala ako dahil naglasing siya at ako ang naghatid sa unit niya, ang kapal, wala man lang salamat na nabanggit!”

 “Wait. Kara, bakit defensive ka masyado pagdating kay Shane?”

 “Hindi! Bye na. Marami pa akong trabaho.” Wika niya at pinutol na ang linya at ini-off ang phone niya. Ayaw niyang tumawag ulit si Giane at kulitin siya tungkol kay Shane.

Nagmamadaling lumabas si Kara sa kotse niya at tinungo ang lugar kung saan ang photo shoot. Ini-on na niya agad ang kanyang camera at umupo sa isa sa mga stool na bakanti pagkadating niya sa isang kwarto na pagdadausan nang photoshoot.

“Hoy! Anong ginagawa mo!?” Sigaw sa kanya nang isang bading sa.

 “Huh!? Anong gagawin ko?” Tarantang tanong niya rito.

Tinarayan siya nito. “Duh! Magtrabaho ka na.”

“Oo, magtatrabaho na. Huwag mo lang ako sigawan please.” Pagtataray din niya.

“Magtrabaho ka na kasi. Nagrereklamo na ang model.”

“Sino ba kasi naman yong model na yan?” Irita niyang tanung. “Napaka hot-headed naman!”

“Please.” Maarteng wika nito. “Pumunta ka nalang doon. Take a picture.”

Sa halip na mag salita ay tumayo nalang siya at ikinuyom ang kanyang kamao. Hindi pa siya nasisigawan ng ganito sa buong buhay niya na hindi siya lumalaban. Gusto talaga niyang sabunutan ang lalaking, este, baklang ito pero iniisip niya ang lalabas na image niya at baka maibalita pa yon sa kuya niya at sigurado patay siya rito.

 “Okay. Let’s start this.” Wika niya sa model na inaayusan pa.

Ilang segundo lang at nagpo-pose na ang model at kumukuha naman siya nang mga litrato nito, buti nalang at may isang mabait na photographer at tinulungan siya kung paano kumuha nang magagandang shots.

Ilang oras din ang tinagal bago natapos ang photo shoot. Ini-unat-unat muna niya ang kanyang mga kamay at mga paa bago siya naglakad palabas nang kwarto.

 “Kara!” Malakas na tawag sa pangalan niya, nilingon niya kung sino ang tumawag at napa-tikwas ang kilay niya ng makita kung sino ang kumakaway sa kanya. Walang iba kung hindi ang nakakairita niyang pinsan.

“Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya dito nang makalapit na ito sa kanya.

 “Duh! Ako ang may-ari nang pinagta-trabahoan mo.”

 “So?”

 “Anong so?”

 “Shane, pagud ako ngayon kaya please lang wag mo akong iritahin.” Wika niya at nagpatuloy siya sa paglakad patungong elevator.

 “I’m not here to irritate you. Nandito ako kasi may kausap akong model para sa cover ng magazine natin sa susunod na buwan.” Wika nito na akmang papasok na siya sa elevator.

Nilingon niya ito nang naka-kunot ang noo niya. “So, if you’re not here to irritate the hell out of me, then why did you call me?”

 “Gusto kong mag lunch kasama ka.” Wika nito na ikinatamimi niya. Mula ng ampunin siya ng kuya Den niya, hindi pa siya niyaya ni Shane na mag lunch or dinner sa labas kahit kailan na sila lang dalawa, Usually, family dinner lagi pag niyayaya siya nito.

 “Kara.” Pukaw sa kanya ni Shane.

 “Ha?”

 “Let’s go?”

Napakurap muna siya nang ilang beses bago siya nakapagsalita. “Sure.” Wika niya sabay ngiti nang palihim. Hindi niya alam pero bigla gumaan ang pagod niyang katawan dahil sa nangyari.

Kara can’t believe that having lunch with Shane would make her feel so giddy.

Sa paghahanap nila ni Shane na makakainan, napadpad sila sa isang fast food restaurant. Hindi gaano madami ang tao sa loob kaya nakahanap agad sila nang table.

“Here.” Nilapag ni Shane ang isang tray na puno ng pagkain sa table nila habang nakatingin lang siya rito. “What?” Tanung nito na kumunot ang nuo.

Bwesit! Nahuli pa akong nakatingin sa kanya. “Wala. Ngayon lang kasi nangyari ang cousin bonding natin.” Alam niyang hindi yon ang gusto niyang sabihin pero wala na siyang iba na maisip, hindi naman niya puweding sabihin na nakatingin siya dito dahil na shock siya na niyaya siya nito mag lunch sa labas.

Wait! Nagiging big deal sa akin ang pagyaya ni Shane na mag lunch kami na dalawa. No! It’s just a lunch, no further explanation.

“Naisip ko kasi last night na hindi ako nakapagpasalamat sayo nang ihatid mo ako sa condo ko.”

 “Oh!” Aniya sabay subo ng pagkain sa bibig niya. Kailangan niyang pagtakpan ang disappointment ng boses niya. Akala naman niya… what? Akala niya ano? My gosh, Kara! Ano ba yang pinag-iisip mo?

 “’Yon lang? No screaming and throwing food at my face?” Parang shock na shock na tanong ni Shane kay Kara.

 Napatigil siya sa pagkain. Kara, ano bang nangyayari sayo? Dapat sa ganitong sitawasyon binabato mo nang cursing words yang lalaking kaharap mo at sinisigawan nang malakas. Natamimi muna siya nang ilang segundo bago siya naka-isip nang isasagot.

“Shane, pagod at gutom ako. I can’t afford to argue with you right now, saka medyo ititigil ko na yon kasi ikaw na ang boss ko and nasigawan mo ako kahapon.”

 “Ahh. Bumabait ka na Kara.” He let out a chuckle and smile at her which made her whole mind went blank, those hazelnut brown eyes that can captive any woman he wants. His lips that so kissable.

Basta! Ang sarap lang talaga niyang titigan. Kara gumising ka!

“Hey, are you okay?”

Kumurap-kurap siya nang may maaninag siyang kamay sa mukha niya. Napaatras siya nang kaunti at bumuntong hinga nang malalim. “Yeah. I’m super fine. Gutom lang talaga to.”

 “Okay.”

“Sana nga gutom lang to.” Mahinang sabi niya sa sarili.

 “What?”

 “Nothing. Kumain nalang tayo.”

“Okay.” He said but his voice sound like he didn’t believe her.

Habang kumakain si Kara pinipigilan niya ang sarili na tumingin sa mukha ni Shane. Ayaw niyang mahuli nito na nakatitig siya sa mukha nito. God! Kailangan niyang pigilan ang sarili. Hindi ito puwedeng lumago. Hindi niya iyon papayagan.

Marahas na ipinilig niya ang ulo. Hindi! Hindi niya ‘yon papayagang mangyari!

“Okay ka lang, Kara?” Pukaw sa kanya ni Shane, may pag-aalala sa boses nito.

Napaigtad siya sa kinauupuan niya. Dahan-dahan siyang tumingin kay Shane. “Yeah, I’m fine.”

Napailing si Shane. “No, you’re not. Something is definitely wrong with you today.”

Hindi umimik si Kara at nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya pinansin ang nararamdaman niyang pagtitig sa kanya ni Shane. Nag concentrate siya sa pagkain.

“Kara?”

Silence.

“Are you okay?” Tanung ni Shane.

Silence.

“Hindi ka talaga magsasalita?”

Silence

“Hindi mo ako papansinin?”

Silence.

“Pag hindi mo ako kausapin, sasabihin ko kay Tito Henry na hindi maganda ang performance mo sa trabaho.”

Kara instantly looked up. “I can’t believe you can sink that low.” She hissed. Hindi siya makapaniwala na ginagamit nito ang daddy niya para kausapin niya ito.

“Kara—”

She cut him off. “You know what, nawalan na ako ng gana.” Tumayo siya. “Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ‘yong gumagamit ng ibang tao para manakot.” ‘Yon lang at naglakad siya palayo. Ini-expect niya na susundan siya ni Shane kaya naman nilingon niya ang mesa na inukopa nila para alamin kung sinusundan nga siya nito.

She greeted her teeth when he saw her talking and smiling to a woman. Hay! Ano ba ang bago sa lalaking ‘yon. Kailan ba si Shane nabakante? At bakit ba nag-i-expect siya na habulin nito? Urgh! Naloloka na siya!

Pumara siya ng taxi at agad na umuwi sa kanilang bahay.

Batak na batak ang katawan ni Kara ng makauwi siya sa bahay. Halos hindi na nga niya maitaas ang kanyang braso sa sobrang pagod.

“Kara?”

Nagtaas siya ng tingin at nakita niya ang kanyang Kuya Den na naka-upo sa sofa at may binabasang libro.

Tumigil siya sa pag-akyat sa hagdanan. “Yes, Kuya Den?”

“Are you okay? Anong nangyari sayo? Mukha kang palaboy.” He joked.

She rolled her eyes. “Palaboy is an understatement, Kuya. Pagod na pagod ako sa dami ng trabaho na pinapagawa sa akin sa opisina.”

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng Kapatid niya. “Are you okay?”

Tumango siya. “I’m fine.”

“Are you sure?” pangungulit ng kapatid niya.

Tumango siya. “I’m sure. Magpapahinga na ako. I’m so tired and I want to rest.”

“Okay. I’ll just send your dinner to your room.”

Tumango ulit siya at nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdanan. Papasok na siya sa kuwarto niya ng makarinig siya ng boses mula sa likuran.

“You look pale.”

Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sino ang nagsalita. She already knew who it is. Ano na naman ba ang ginagawa ng lalaking ‘to dito?

Binuksan niya ang kuwarto at pumasok. Iniwan niyang nakaawang ang pintuan. “Anong kailangan mo, Shane? Pagod na pagod ako.”

Narinig niyang pumasok ito sa kuwarto niya at isinara ang pinto. Biglang may ibang kaba na lumukob sa dibdib niya sa isiping sila lang dalawa sa silid niya at nakasara pa ang pintuan. Kahit kailan, hindi pa sila nakapag-solo ni Shane. Pagmagkasama sila, palagi silang may kasamang mga kaibigan o ang kuya niya.

“Kinausap ko lang ang Kuya mo kaya ko nandito. Hindi mo ako nakita ng pumasok ka sa bahay kaya naman sinundan kita dito.”

Hindi siya nagpahalata na kinakabahan siya at tumingin ng diretso kay Shane na nakatingin sa pang-upo niya. Kumunot and nuo niya. “Why are you looking at my butt?” Sita niya.

Nanigas ito sa kinatatayuan at dahan dahang tumingin sa mga mata niya. “I-I’m just admiring you …” Tumikhim ito bago nagpatuloy. “Y-Your jeans. That’s right. I’m just admiring your jeans.” Sa tono ng pananalita nito, parang mas kinokombensi nito ang sarili sa halip na siya.

She rolled her eyes. Tumalikod siya para itago ang ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Yeah right. Admiring her jeans? Only kids will believe that. Mas lumuwang ang ngiti niya ng maka-isip ng kapilyahan. She composes herself and makes her face as innocent as possible before turning to face him.

“Admiring my jeans?” She batted her eyelashes. “Wow, Shane, hindi ko alam na pambabaeng damit na pala ang type mo ngayon.”

Shane blinked his eyes innumerable times like he was on a daze. Umawang ang mga labi nito na parang rumerehestro palang sa utak nito ang sinabi niya. She giggled at his stunned face.

“W-What?” Anito ng makabawi ito sa pagkabigla. “Hindi ako bakla if that’s what you’re initiating and for your information, I am not admiring your butt!” Pink coloring his cheeks.

She faked a shock. She bit her lower lip to keep herself from laughing. “Admiring my butt? Hmm. I didn’t say that. Ikaw ang may sabi ‘non.” She taps her chin as if thinking. “Kita mo nga naman, ang isda palaging nahuhuli sa sariling bibig.” Ngumiti siya dito ng pagkatamis-tamis. “Its okay, Shane. Matagal ko ng alam na pamatay talaga ang pang-upo ko.” She playfully winked at his face at nagmamadaling pumasok sa banyo.

Medyo nabawasan ang pagod niya sa nakitang reaksyon ni Shane ng kindatan niya ito. Naka-awang ang labi nito at halatang hindi ito makapaniwala na kinidatan niya ito.

They both know that she is flirting with him and she doesn’t care. Hindi niya mapigilan ang sarili.

Binuksan niya ang shower at nagmamadaling naligo. Gusto na niyang humiga sa malambot niyang kama at matulog. Pagkatapos niyang maligo, ipinulupot niya ang malaking itim na tuwalya sa katawan niya at lumabas ng banyo. Sa isiping lumabas na si Shane, wala sa loob na tinungo niya ang underwear drawer niya at kinuha ang matching black lacy underwear niya. Nasa kalagitnaan siya ng pagsusuot ng panty niya ng makarinig siya ng tikhim na ikinabitaw niya ng panty niya sa sahig.

Hindi niya kailangan lumingon para makilala kung sino ang tumikhim. She squeezed her eyes shut and slowly turn around. And there he is. Looking at her dropped panty. Agad niyang pinulot iyon at tiningnan ng masama si Shane.

“Ano tinitingin-tingin mo diyan?!” Pa-asik niyang tanung. Pinigilan niya ang sarili na mag-blush. Tinago niya ang underwear sa likuran niya. Pasalamat lang siya at hindi niya tinanggal ang nakapulupot na tuwalya sa katawan niya. Nag bold-star sana siya ngayon sa harap ng lalaking ‘to!

Lumunok ito at nag-iwas ng tingin. “I-I’m leaving.” He stuttered.

“Leaving?” She scoffed. “Kung ganoon, ano pa ang ginagawa mo dito, Alis na!”

Hinablot ni Kara ang unan niya at ibinato ‘yon sa mukha ni Shane ng hindi ito gumalaw sa pagkaka-upo sa kama niya. “Alis na sabi!”

Shane didn’t move and just stared at her. She rolled her eyes and moves to grab another pillow to throw at his face. Pero naunahan siya nitong kunin ang unan at itinago ‘yon sa likod nito.

He breathes out. “Kara.” His eyes traveled down from her face down to her body. Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin. “Magbihis ka sa banyo. May pag-uusapan tayo. Importante.”

Napaka-seryoso ng boses ni Shane kaya naman sa halip na sigawan niya ito, tumango nalang siya at doon nagbihis sa loob ng banyo. Pagkatapos magbihis, tiningnan niya ang sarili sa salamin. Nakasuot siya ng black satin pajama at kulay gray na tank top.

Lumabas siya ng banyo at nakitang nakatingin si Shane sa mga larawan niya na nakasabit sa dingding. Naglakad siya patungo sa kama niya at na-upo.

“Ano ba ang pag-uusapan natin, Shane? Pagod ako at gusto ko ng matulog.” Agaw niya sa atensiyon nito.

Tumingin si Shane ng matiim sa kanya. He looked at her picture one last time and moves to sit beside her.

“Kara…” Bumuntong hininga ito. “Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw kong salita?”

“Huh?” Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin.

“Ayoko sa salitang ‘pinsan’. Nakaka-irita ang salitang ‘yon.” Tumaas ang kamay nito at hinawakan ang pisngi niya. He was looking at her softly. “Don’t you agree with me?” Then he did the thing that makes her heart thump. He caress her cheek softly likes she’s made of glass and he’s afraid to break it.

 Palakas ng palakas ang tibok ng puso niya. “Shane, ano bang—”

“I hate that word very much. Since the day I saw you in your welcome party, I cursed that word. I—”

“Shane!” Sigaw niya para tumigil ito sa pagsasalita. “Bakit mo sa akin sinasabi ang mga ‘yon?” Puno ng pagkalito ang boses niya.

His lips parted like he was about to say something but closed it. Hinintay ni Kara ang sagot nito. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng puso niya na hindi niya alam kung bakit ganoon ang reaksiyon niya sa mga sinabi nito.

After a minute of silent, he finally answered. “Because we’re cousins.” His voice sounds weird. Ano naman ang kinalaman nang pagiging manpinsan nila sa mga pinagsasasabi nito.

“Huh?.” Sobrang disappointed siya. Hindi niya alam kung bakit. “Shane, ano naman ang koneksiyon ng sagot mo sa tanung ko?”

Kumurap-kurap ito sa pagkakatitig sa kanya. “N-Nothing. I’m leaving.” Gusto niyang tumawa kasi hindi naman ito gumalaw para umalis. He just stayed there staring at her eyes and caressing her cheeks.

Habang tinititigan niya ang magandang mukha ni Kara. Shane’s mind drifted off to his conversation with Den this morning.

Nakangiting pumasok si Den sa opisina niya. Nandito ito para alamin ang performance ni Kara. Kung nagtatrabaho ba ito ng maiigi o hindi.

“Hey, couz.” Bati nito sa kanya. “Where’s my sister?”

“In her little office.” Napangiti siya sa kanyang sinabi. Naaalala pa niya ang mukha ni Kara ng sabihin niya na doon ang opisina nito.

“Oh. Nagtatrabaho siya ng mabuti?”

Gustong magsinungaling ni Shane para magtagal pa si Kara sa kompanya niya, pero hindi niya kayang gawin ‘yon sa dalaga. “Yeah, she’s doing fine.”

Tumango-tango si Den. “Dapat lang naman na galingan niya. Dapat may maganda siya trabaho pag nagka-pamilya na siya.”

Shane tensed up. “What do you mean? May nanliligaw ba sa kanya?” he hoped he doesn’t sound jealous.

Ngumiti si Den ng makahulugan. “Someone is courting her and I think she’s serious about him. At least, ‘yon ang sabi sa akin ni Kara.”

He gripped the arm of his swivel chair to stop himself from asking the guy’s name. Shit! Kailan pa ngaseryoso si Kara. Kaya nga hindi siya gumagalaw kasi alam niyang wala pang balak mag-seryoso ang hilaw niyang pinsan. At ngayon…

“Talaga?” Pinilit niyang umaktong wala siyang pakialam. “That’s good.”

Napapantastikuhang tumingin si Den sa kanya. “That’s good? Ano naman ang maganda doon?”

I gave him a duh look. “It means nagmamature na si Kara.” Nanggigigil siya pero hindi siya dapat magpahalata. “Kung sino man ang lalaking ‘yon, sana magseryoso din siya kay Kara. Baka mapatay ko siya pag sinaktan niya si Kara.” Hindi niya napigilan ang bibig sa huling sinabi niya.

Den gaved me an arched look. “Shane—”

“She’s my cousin after all.” Pagpuputol siya sa sasabihin sana nito.

Den looked at him funny. “Ito ang unang beses na sinabi mong pinsan mo si Kara.”

Shit! “Ano naman ang masama doon?” he’s starting to get irritated.

Nagkibit-balikat lang si Den. “Wala naman. It’s just…” tumingin ito sa kanya. “Parang hindi ikaw ang Shane na kilala ko. Masyado kang protective kay Kara.” May paghihinala sa boses nito.

“Man, pinsan ko siya at kapatid mo.”

Biglang naging seryoso ang mukha nito. “Sana nga ‘yon lang Shane. Sana naman hindi mo pa nakakalimutan ang banta ko sayo.” ‘Yon lang at umalis na ito, leaving Shane gaping at his words.

God! Nahalata ba niya?

Hindi mapakali si Shane sa opisina kaya naman tinungo niya ang bar na malapit lang sa building niya. Doon, uminom siya at nagplano kung anung gagawin niya tungkol sa nararamdaman niyang atraksiyon sa hilaw niyang pinsan.

Nakarinig siya ng tikhim na pumukaw sa kanya. Tumingin siya kay Kara.

“Mabuti sigurong tanggalin mo ‘yang kamay mo sa pisngi ko.” Ani ni Kara na nakatingin sa kanya. “Kasi sigurado akong hindi gawain ng magpinsan ang ginagawa mo ngayon.”

Gusto niyang sigawan ito na hindi niya ito pinsan pero hindi niya ginawa. Akmang bibitawan na niya ito ng maalala na naman niya ang pag-uusap nila ni Den tungkol doon sa lalaking gusto ni Kara.

“Anong pangalan niya?” Tanung niya.

Kumunot ang nuo nito. “Huh?”

“The guy you were dating. Anong pangalan niya?”

“Shane, hindi ko alam ang sinasabi mo. At puwede ba tanggalin mo yang kamay mo sa pisngi ko. It’s kind of creepy, you know. Hindi yan gawain ng isang mabuting pinsan.”

He looked at his hand on her cheek. “This?” Aksidenteng napatingin siya sa labi nito. It looks so soft. So damn inviting. The thought of that guy kissing Kara makes his green monster resurface. Damn! Screw her being his step-cousin. Screw Den and his threat. Hindi niya hahayaan na may magmay-aring iba kay Kara. Siguro nga oras na para ipaalam niya dito at sa lahat ang totoo kung ayaw niyang mapunta si Kara sa iba.

 Shane smiled at Kara who has a daze look on her face. “I’m sure cousins don’t do this too.” He crashed his lips against hers.

Nanlaki ang mga mata ni Kara ng mag-sink in sa kanya ang nagyayari. Hinahalikan siya ni Shane. Si Shane na babaero. Si Shane na boss niya. Si Shane na pinsan ng Kuya Dan niya. Si Shane na pinsan niya. Si Shane na crush niya!

She felt her lips move against hers. She wanted to kiss him back. She wanted to nip his lips. But she didn’t. Kilala niya si Shane. Kilalang-kilala niya ang karakas nito at sapat na ang naamoy niyang alak sa hininga nito para masabing naka-inom ito at hindi alam ang ginagawa. Kaya naman ginawa niya ang nararapat. Tinulak niya si Shane palayo sa kanya.

Disappointed coated her being. She bit her lower lip and look everywhere but him. Ramdam pa niya ang labi nito sa mga labi niya. “Umalis ka na Shane. Naka-inom ka. You don’t know what you’re doing.”

Agad din naman itong tumayo at naglakad papuntang pintuan ng kuwarto niya na walang imik.

She dropped herself on her bed when he heard him leave. Nagpakawala siya ng mahabang buntong-hininga at ipinikit ang mga mata.

Ano kaya kung hinalikan niya ako at hindi siya naka-inom? Alam na ni Kara ang sagot sa tanung niya.

Yes, she would have kissed him back.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #forbidden