5/11/18
Friday.
Ang daming nangyari ngayong araw. Nakakatakot kasi baka wala na next week.
J, mamimiss talaga kita. 'Yung salamin mo. 'Yung yellow polo shirt mo. 'Yung jawline mo. 'Yung hikaw mong kumikinang katulad ng ngiti mo. 'Yung tawa mo. 'Yung pagiging madaldal mo. 'Yung height mo. 'Yung ngiti mong nagpapangiti rin sakin. 'Yung labi mo. 'Yung mata mo. 'Yung pagod mong mga mata. 'Yung eyebags mo. 'Yung nakakunot mong noo habang nag-iisip. 'Yung mukha mo na korteng mangga raw. Ikaw mismo.
Mamimiss ko 'yung lagi kitang sinisilip sa room niyo sa SB first floor. Mamimiss ko 'yung after i/o makikita kaagad kita sa SB first floor. Mamimiss kong hanap-hanapin ka kapag wala ka sa usual na oras na nakikita kita, o kaya kapag nasa pav lahat ng tropa mo maliban sayo. Mamimiss ko 'yung mga pagkakataon na nasa pav lang kami tapos bigla ka na lang susulpot. Either kapapasok mo pa lang or bumaba kang LB or kung ano pa man.
Mamimiss ko 'yung pagtambay sa pav hanggang alas nuebe para lang makita ka nang matagal. Para masilayan 'yung mga ngiti at tawa mo. Para masilayan 'yung kasiyahan mo. Para masilayan kita. Mamimiss ko 'yung maaga kang umuuwi every Thursday at Monday tapos ako aabangan ka lang. Mamimiss ko 'yung pagbabye ko sayo kapag pauwi ka na kahit ako lang ang nakakarinig. Mamimiss ko 'yung malungkot na feeling kapag mauuna kaming umuwi sa inyo kasi ang tagal-tagal niyong umuwi.
Mamimiss ko yung mga moments na dumadaan ka sa harap ko o kaya dumadaan ako sa harap mo. Tapos nakatingin lang ako sayo. Tapos parang bumagal ang lahat. Mamimiss ko 'yun, pati 'yung seryoso mong mukha kapag palapit na tayo sa isa't isa. Mamimiss ko 'yung pang-aasar sayo ng mga kaibigan ko na mangga, hinog, at mulawin kasi mukha ka raw ibon dahil sa buhok mo.
Sana next sem ganun pa rin, ano? Kung may magbago man sana konti lang.
Pero one last chance this sem. Sana matignan na kita sa mata. 'Yung straight. Gusto ko ulit mangyari 'yun. 'Yung ikaw lang. Wala 'yung mga Neneng B. Wala 'yung mga friends mo.
Haba pa ng sinabi ko di mo naman mababasa 'to.
Kapiranggot man ang moments natin ngayon, masaya pa rin ako. Masaya ako kasi nakilala kita. Naging masaya ako ngayong sem.
Salamat, J.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top