09/13/18



Ang galing mo talaga, ano? Isang ngiti mo lang, napapasaya mo na ako. Makita lang kita, buo na ang araw ko. Paano mo nagagawa 'yon, hah? May superpowers ka ba or something? Kalahi mo ba si Flash? Kasi napapabilis mo ang tibok ng puso ko. Pero parang kabaligtaran ka ni Flash. Ang bagal mo kasi. Oo, napakabagal mo. Kada dumadaan ka kasi sa harap ko, bumabagal ang paligid. Para bang isang minuto kang naglakad sa harapan ko kahit na wala pa atang segundo 'yon. O baka naman ikaw si Superman na napaka-busy. Sa sobrang dami mong nililigtas, hindi mo na ako napapansin. Pero kahit naman siguro wala kang ginagawa hindi mo pa rin ako mapapansin. Hindi naman kasi ako si "Lois Lane". Naku! Baka hindi ka DC fan, edi failed 'to. Hmm. Marvel? Hawk-eye? Kasi sinapul mo ang puso ko. Oh? Korni diba? Laos na. Ah, basta! Hindi ka naman maikukumpara sa iba. You're unique in your own way. At itong nararamdaman ko sayo...kakaiba na.



Ingat lagi, hero.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top