Chapter 30
#FATWRThirty
Maswerte ka kung may mga tao sa paligid mo na sumusuporta sa'yo kahit sa pinakamahirap na yugto ng buhay mo. 'Yung mga taong naandiyan para palakasin ang loob mo, para pawiin ang sakit at pagdurusa na nararamdaman mo at 'yung mga taong ipaparamdam sa'yo na kahit hanggang sa huli ay hindi ka nila iiwan at mananatili lamang sila sa tabi mo.
"Kaya mo 'yan, Alexia. Nandito kami para sa'yo, hindi lang ikaw ang dadaan dito. Pagdadaanan nating lahat 'to nang magkakasama..." wika ni Angeline habang hinahaplos ang aking likod. Napangiti na lamanga ko bago sumandal sa kama at pinunasan ang luha na lumandas mula sa aking mga mata.
"Salamat at hindi na kayo galit sa'kin. K-Kasi baka kung hanggang ngayon ay may nararamdaman kayong galit sa'kin, baka mas lalo kong di kayanin ang problema ko ngayon."
Sabay-sabay na tumango sila Francesca, Sheena at Angeline habang nakatitig sa'kin. Kahit masakit pa ang nararamdaman ko ay may maliit pa rin na ngiti ang lumalabas sa bibig ko.
"Nagugutom ka ba?" tanong ni Sheena sa'kin bago tatayo sana pero agad siyang napalingon sa may pintuan nang bigla iyong bumukas at iniluwa non si Vaughn.
"Vaughn?" takang tanong ni Francesca nang makita siya.
Naiilang at nag-aalangan na ngumiti si Vaughn bago bahagyang kumaway. "Hi?"
Nagkatitigan ang tatlo bago tumingin sa'kin, 'yung makahulugang tingin na para bang sinasabi nila na may dapat pa akong ipaliwanag sa kanila at dapat pang sabihin. Nagpeke na lamang ako ng ngiti at dahan-dahang umiling. Ibinalik nila ang tingin kay Vaughn bago nagtanong.
"Para kay Alexia lang ba 'yan?" tanong ni Francesca sa kanya.
"H-Hindi naman. Para sa'ting lahat, I mean sa inyo." sabi ni Vaughn bago pinaglapat ang kanyang mga labi at tipid na ngumiti.
"Ah..." tumango si Sheena bago tuluyan nang tumayo at hinila 'yung dalawa. "Tara, samahan niyo muna ako sa labas. May pupuntahan ako pero saglit lang."
Kumunot ang noo ni Angeline. "Ha? Saan ka naman pupunta?"
Nanlaki ang mga mata ni Sheena bago ako sinulyapan. Napaawang ang bibig ko, halata namang may pinaplano sila!
"Ah, oo nga pala!" lumingon sa'kin si Francesca at matamis na ngumiti. "Babalik kami agad friend, ha? May pupuntahan kasi talaga si Sheena pero mabilis lang kami. Swear!" ani nito bago hinila na silang dalawa.
Mentally ay napa- face palm ako. Gusto ko silang pigilan pero hindi naman ako nakapagsalita agad. Ewan ko na nga lang ba kung ano ang nangyari sa'kin eh.
Tumikhim si Vaughn at inilapag sa ibabaw ng side drawer ang pagkain. Maayos siyang umupo sa upuan na malapit sa kama ko bago ako nginitian.
"Lalabas ka na mamaya at 'yung mama mo..." aniya sa mahinang boses na para bang ingat na ingat sa bawat salitang sasabihin niya sa akin.
Tumungo lamang ako kumuyom ang aking mga palad. Sa tuwing pumapasok sa isip ko ang nangyari kay mama ay nalulungkot ako, nagsisisi.
"Malalagpasan mo naman lahat ng 'to, Alexia. Maaayos din ang lahat, sasaya ka ulit..." wika ni Vaughn sa akin bilang pampalakas ng loob.
Tumango ako. "Sana. Kahit hindi na ganoon kasaya katulad noong naandito pa si mama pero sana... Sana maging masaya ulit ako kapag natapos na lahat ng 'to."
Mabilis na tumango si Vaughn at matamis na ngumiti sa'kin. "Nandito lang ako lagi sa tabi mo..."
Pinagmasdan ko lamang si Vaughn at kusa nang lumitaw sa mga labi ko ang isang totoo at matamis na ngiti, kasabay ang panunubig ng mga mata ko at ang pagtulo ng aking mga luha.
"Mahal kita..."
Aniya bago tumayo at yinakap ako, hinaplos at hinalikan ang aking buhok bago muling binigkas ang mga salitang hindi siya natigil sa pagsabi sa'kin sa bawat araw.
Nang makalabas na ako sa ospital ay isang mahirap na pagsubok ang hinarap ko. 'Yun ay ang pagtanggap na wala na ang nanay ko at ang pagkakakita sa kanya na nakahiga sa ataul at wala ng buhay, napakasakit para sa'kin. Napakasakit para sa isang anak na punung-puno ng lungkot at mga pagsisisi.
"Nakikiramay kami..." ani ng ibang mga bisita noong bumisita sila sa burol ni mama. Tanging pasasalamat at simpleng tango na lamang ang isinasagot ko sa kanilang lahat noon, wala akong ibang masasabi.
Wala dahil hindi ko alam kung matatanggap ko bang wala na ang nanay ko. Wala na ang babaeng ang ginawa lang ay ingatan ako at mahalin pero paulit-ulit lamang akong nagsabi ng mga kasinungalingan.
Nang dumating ang araw kung kailan ililibing ang nanay ko ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak at magmakaawa na ibalik siya sa'kin ng Diyos. Pero katulad nga ng sinabi sa akin ng nanay ko noon kapag nagagalit siya sa'kin na kahit umiyak pa ako ng dugo kapag wala na siya, ay 'di na siya babalik.
Ilang buwan pa ang lumipas hanggang sa tuluyang umabot ng bakasyon ay hindi ko pa rin matanggap, tuwing gabi at ako'y tulog -- kinakausap ako ni mama sa aking panaginip. Lagi ko siyang nakikita sa mga taong hindi naman siya, 'yun 'yung mga oras na hindi ko talaga matanggap.
'Yung mga oras na sinasabi ko sa sarili ko na hindi ko matatanggap ang pagkawala ng nanay ko at kahit kailan ay hindi ko matatanggap.
Ngunit isang gabi kung saan napanaginipan ko ang mama ko ay kinausap niya na naman ako. Kinausap niya ako tungkol sa sitwasyon ko, tungkol sa biglaan niyang pagkawala at sinasabi niyang tanggapin ko na lamang daw dahil hindi siya masaya na makitang malungkot at miserable ang kanyang anak.
Hindi niya makaya na makita ako ng ganoon.
Kaya naman kahit masakit, kahit mahirap para sa'kin ay pinilit ko pa rin ang matanggap ang pangyayaring 'yon. Ang pagkawala ng nanay ko, hindi lang sa piling ko kung hindi pati na rin sa buong buhay ko.
Bawat araw sa tuwing pag-gising ko ay nagdadasal ako. Hinihiling at sinasabi na sana isang araw paggising kong muli ay maluwag na sa kalooban ko ang nangyari at mabawasan ang kabigatan na nararamdaman ko sa aking dibdib. Gabi-gabi ay nagdadasal din ako - sinasabi na sana isang araw ay magbago ulit ang takbo ng buhay ko sa isang magandang paraan, sa isang magandang paraan kung saan hindi ko na gagawin ang mga katangahan, kasinungalingan at kasalanan ko noon.
Malaki ang pasasalamat ko sa nasa itaas dahil kung hindi dahil sa Kanya ay baka lugmok pa rin ako, baka miserable pa rin ang lagay ko ngayon. Dahil din sa Kanya kaya ko tuluyang nakita ang suportang ibinibigay sa'kin ng mga kaibigan at iba pang kapamilya ko. Dahil sa Kanya.
Dahil sa Diyos lahat kaya ako nakabangon ngayon. Siya ang naging rason at Siya na lamang ang iisipin ko bago gumawa ng isang bagay at sa pagdedesisyon.
Dahil ang pag-isip sa Kanya ay ang pag-isip na din sa mga taong nakapaligid at patuloy na nagbibigay pagmamahal sa'yo.
Ilang buwan din naman ang ginugol ko para lamang matanggap na wala na si mama para makasama ko. May part sa'kin na malungkot pero nagkaroon na ulit ng puwang sa puso ko ang pagiging masaya dahil kahit papaano - nararamdaman ko naman na lagi niya akong binabantayan. Sa tuwing matutulog ako ay biglaang lalakas ang hangin o sa tuwing paggising ko ay lagi na lamang akong may nakikitang paru-parong nakadapo sa dulo ng aking kama.
"Mama..."
'Yun lagi ang lumalabas sa bibig ko kapag nakakakita ako ng paru-paro na kulay puti. Maliban sa nakakaramdam ako ng kakaibang koneksyon sa paru-parong 'yon ay alam ko din na 'yun ang paboritong kulay ng aking ina. Laging parang may humahaplos sa aking puso sa tuwing pumapasok sa isipan ko ang mga nangyayaring 'yon. Natutuwa na lamang ako kahit nararamdaman ko pa rin ang matinding pagka-miss sa aking ina.
Dahil kahit pagbali-baliktarin pa ang mundo, siya pa rin naman talaga ang pipiliin ko.
Bumaba ako mula sa aking kuwarto papunta sa sala kung saan naandoon si Tita Joy pati na rin si Chantal.
"Tita, bakit niyo po ako pinatawag?" taka kong tanong nang tuluyan na akong makababa. Umupo ako sa upuan na nasa tapat niya bago pinirmi ang aking mga kamay.
Tumikhim si Tita Joy bago pinaglapat ang kanyang mga labi at ngumiti sa akin ng matamis. "Gusto ko sanang isama ka na namin sa paglipat doon sa bahay namin..."
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko mula sa mga narinig ko mula sa kanya pero agad din naman iyong napalitan ng pagkunot ng aking noo.
"Bakit naman po? Ayos lang naman po ako rito."
Bumuntong hininga si Tita Joy bago seryoso akong tinignan. "Gusto ko lang naman na may makakasama ka. Wala na ang mama mo, Alexia. Mag-isa ka na lamang dito sa bahay. Gusto namin na doon ka na, para makalimutan mo na rin ang lahat ng nangyari..."
Natahimik ako at kinuyom ang aking mga palad. Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong isagot kay Tita dahil kahit ako ay naguguluhan na din. Tama nga din naman si Tita Joy dahil simula noong nawala si mama at kapag umaalis sila ay talagang wala na akong kasama. Wala na akong kasama sa bahay at wala na rin nagbabantay kapag ako ay aalis.
"Ano? Gusto mo ba? Gusto rin ni Chantal na naandoon ka at kasama namin sa bahay dahil may kalaro siya at alam niyang naandoon ka bilang ate niya." ani Tita Joy bago lumipat ng upuan at tumabi sa'kin, hinawakan niya ang aking kamay.
Tinignan ko siya direkta sa mata bago tuluyang nagsalita.
"T-Tita, pwede po bang pag-isipan ko na lamang muna?" tanong ko sa kanya.
Sumilay ang isang matamis na ngiti sa mga labi ni Tita bago pinisil ang aking kamay at sunud- sunod ang ginawang pagtango.
"Syempre naman! Hihintayin ko ang desisyon mo, Alexia. Gusto lamang namin na maging safe ka."
"Salamat po..." wika ko bago tumango.
Nagpaalam si Tita Joy sa akin at sinabing uuwi na lamang muna daw sila ni Chantal sa kanilang bahay. Babalikan na lamang daw ako bukas. Agad naman akong pumayag doon, may pakikramdam din ako na gusto kong mapag-isa ngayon. Lalo na't dahil sa in- offer ni tita sa akin tungkol sa pagsama sa kanila sa kanilang bagong bahay.
Ini-lock ko ang gate at papasok na sana ulit sa bahay nang biglang may mag-ingay sa labas. Mabilis na kumunot ang aking noo at mas lalong lumalim ang gatla nito nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Mabilis ang ginawa kong pagharap at doon ko nakita sila Sheena, Angeline, Francesca pati na rin si Vaughn na masiglang kumakaway sa'kin.
Malapad ang mga ngiting ibinigay sa'kin ni Francesca bago inginuso ang lock ng gate, sinasabi na buksan ko 'yon para sa kanila. Agad akong lumapit doon at kinuha ang padlock bago binuksan ng tuluyan ang gate upang makapasok na sila.
"Anong ginagawa niyo rito?" taka kong tanong sa kanila habang isinasarado ko na ulit ang gate.
Narinig kong tumawa si Sheena at pinalo ang isa sa mga kasama nila. Nang mai- lock ko na ay mabilis akong humarap sa kanila bago sumimangot, "Bakit ka natatawa?"
Umiling si Sheena. "Wala. Kinikilig lang ako."
Napanganga si Angeline. "Wow! Kinikilig ka pala?"
Naningkit ang mga mata ni Sheena bago pinalo sa braso si Angeline. "Malamang! Tao kaya ako."
"Ay, tao ka?"
"Ay, tinatanong pa ba 'yan?"
"Akala ko hayop ka, Sheena."
"'Di naman. Medyo lang. Parang ikaw."
At napatawa na lamang ako dahil sa barahang ginagawa nila Angeline at Sheena. Si Francesca naman ay nakatingin lamang sa'kin habang may isang maliit na labi ang nakasilay sa kanyang mapupulang labi. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Bakit mo naman ako tinititigan masyado, Francesca?"
"Tomboy 'yan." biglang singit ni Sheena.
Napatawa na naman kaming lima dahil sa kanyang sinabi at sa ginawa ni Francesca.
Sinakal niya si Sheena.
Doon lamang kami sa living room nag-stay. May mga dala pala silang pagkain at ilang movies para amin daw panoorin. Sa tuwing tinatanong ko sila kung bakit ba sila pumunta dito ay hindi sila nasagot bagkus ay sabay-sabay na lamang nilang hinahampas si Vaughn. Nakakaawa na nga yung tao sa totoo lang.
"Bakit nga kayo pumunta rito ng biglaan at sino naman ba ang nag-isip?" ulit kong tanong sa kanila.
Tumikhim si Vaughn at mabilis siyang pinalo ni Sheena sa dibdib, "Sabihin mo na kasi."
Napunta ang tingin ko kay Vaughn. Nang magtama ang mga tingin namin ay mabilis siyang umiwas pero wala na siyang nagawa kung hindi ang tumingin sa'kin nang tawagin ko ang kanyang pangalan.
"A-Ano kasi..."
"Ano?"
"Gusto kitang makita."
Kumunot ang aking noo. "Nagkita tayo kahapon. Magkakasama din tayong lima..."
Napakamot na lamang sa batok si Vaughn at pinaglapat ang kanyang mga labi, bumuo ito ng isang manipis na linya bago siya sumandal sa upuan at nagpeke na lamang ng isang ngiti. Wala na rin siyang isinagot sa aking sinabi.
Hindi ko na lamang dinagdagan pa ang tanong ko. Ginawa ko na lamang ang gusto kong gawin nang mga oras na 'yon. Ni- enjoy ko ang oras na kasama ko ang mga kaibigan ko kahit paminsan ay pumapasok sa isipan ko si mama at ang isang tao na pa naging malaking parte ng buhay ko.
Si Earl.
Kamusta na kaya siya?
Simula kasi nung binigay sa'kin ni Vaughn ang letter ay wala na kaming naging communication. Oo, naandoon pa si Christine sa school pero si Earl ay nawala na. Ang sabi ay tumigil daw, ang sabi naman ng iba ay lumipat daw ng school. Hindi ko alam kung ano ang totoo pero sana - sana man lang ay nakapag-usap kami sa personal para nabigyan namin ng maayos na closure ang namagitan sa aming dalawa noon.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung may nararamdaman pa nga ba ako sa kanya. Ilang buwan na din ang lumipas. Bakasyon na at hindi ko na rin nakikita ang babaeng isa sa mga naging dahilan kung bakit kailangan na patago lamang ang relasyon naming dalawa. Hindi kasi siya nahiwalayan ni Earl.
Nasaan na kaya siya? Bakit kahit sa facebook ay hindi man lang niya ako kinakausap, kinakamusta o nico- contact? Nakakapagtaka na nakakakaalala. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang kausapin si Christine para lamang malaman kung alam niya ba kung nasaan si Earl o hindi pero alam ko naman na wala akong karapatan.
Isang pagkakamali naman ang nagawa namin ni Earl. Sa murang edad, natuto na kaming magmahal. Pero 'yung pagmamahal na 'yon - siguro ngayon at ituturing ko na lamang isang katangahan ko at isang mahalagang aral para sa'kin.
"Alam niyo ba, gusto ni Tita Joy na sumama ako sa bahay nila. Wala na rin naman daw akong kasama dito. Delikado daw at hindi maganda 'yon..."
Napatingin silang apat sa'kin. Unang nagsalita si Angeline. "Tama naman ang tita mo. Wala kang kasama rito sa bahay na 'to simula ng mawala ang... mama mo. Siguro mas maganda na din kung naandon ka, magagabayan ka pa rin ng tita mo."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, kung sumama na lang kaya ako kayla Tita?
"Pero diba nandito ang memories niyo ng mga magulang mo? Syempre malulungkot ka, Alexia. Iiwan mo ang bahay kung saan ka lumaki at kung saan mo nakasama ng matagal ang mga magulang mo..." ani naman ni Francesca bago humalukipkip.
Napakibit balikat na lamang ako. "'Yun na nga din ang iniisip ko..."
Sunod naman na nagsalita si Sheena. "Ikaw naman ang magde- desisyon niyan, Alexia. Basta kung saan ka ligtas at the same time masaya, doon na kami. Basta susuporta lamang kami sa'yo..."
Tumango naman ako at matamis na ngumiti. "Salamat."
Tahimik lamang kaming nanonood ng movie nang bigla akong mauhaw kaya naman pumunta ako sa kusina para makakuha ng tubig. Nanatili lamang ako sa kusina hanggang sa maubos ko ang tubig at iniisip ko kung anong gagawin sa paglipat ba sa bahay nila Tita Joy o hindi.
Kung lilipat ako ay magiging maganda rin naman dahil mabait ang asawa ni Tita Joy pati na ang buong pamilya nila, lalong lalo na ang mga pinsan ko. Kaya naman wala akong dahilan upang umayaw sa kanyang pag-aalok at hindi sumama sa kanya ngunit itong bahay na 'to - kahit maliit man at simple ay dito na ako lumaki at nandito ang alaala ko habang kasama ko pa noon sila mama pati na rin si papa.
Pero kung iisipin ay alam kong ayaw din naman ni mama na mag-isa ako, na alanganin ang kaligtasan at sitwasyon ko. Totoong nalulungkot ako sa bahay na 'to dahil mag-isa na lang ako. At kung magiging totoo lamang ako sa aking nararamdaman, alam ko naman na pwede kong itatak na lamang sa aking isipan ang mga ala-ala kung saan magkakasama pa kami at buo pa bilang isang pamilya at bumuo na lamang ng bago kasama sila Tita Joy. Siya na rin mismo ang nagsabi na ituring ko na siyang ina at tawagin siyang 'mama'.
'Yun daw ang ibinilin sa kanya noon ni mama, limang oras bago siya tuluyang atakihin siya sa puso.
Siguro tama rin naman na isa na 'to sa mga bagay na gawin ko upang iwanan ang mga masasamang ala-ala. 'Yung alaalang namatay ang papa ko pati na rin ang pagkawala ni mama. Siguro... Siguro nga.
Siguro nga ay 'yun na din ang gusto ng mga magulang ko para sa'kin.
Sa ilang saglit na natahimik ako at nanatili lamang na nakatayo sa aking pwesto habang seryosong nakatitig sa aking harapan ay nakapagdesisyon na ako. Pabalik na sana ako nang makita kong pumasok si Vaughn sa kusina at pumunta sa aking harapan.
"Oh? Iinom ka din?" tanong ko sa kanya at kukuha na sana ng isa pang baso nang bigla niyang hawakan ang aking kamay at seryoso akong tinitigan.
Kumunot ang aking noo. "M-May problema ba?"
Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Vaughn sa aking kamay pero nang ininda ko na ang sakit ay tuluyan iyong lumuwag at tuluyan niya na din akong binitawan. Hindi nawala ang pagtataka ko nang biglaan na lamang siyang lumayo pero patuloy pa rin ang pagtitig sa aking mga mata.
"P-Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" tanong niya.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumayag.
Pumunta kami ni Vaughn sa bakuran bago umupo sa pahabang upuan doon. Nakakapagtaka na nga rin sila Sheena dahil hindi man lang nila kami hinanap na dalawa o para bang hindi nagtaka kung bakit ang tagal naming dalawa na bumalik doon.
"A-Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko kay Vaughn bago naiilang na hinarap siya.
"Alexia, hindi naman sa minamadali kita at alam kong hindi ito ang tamang panahon para sabihin 'to sa'yo at para pag-usapan nating dalawa ang bagay na 'to pero sa tingin ko ay wala ng ibang oras, araw o panahon pa para sabihin na..."
"Na?"
"Na mahal na mahal na mahal kita, Alexia. I-I mean hindi naman ako ganito dati. Hindi naman ako 'yung lalakeng kailangan ng girlfriend para lamang sumaya pero nang maipit ko ang palda mo sa jeep, nang malaglag ang wallet mo at sa mga panahon na paulit- ulit tayong nagkikita? Doon pa lamang Alexia ay alam ko na kung anong mali sa'kin. Kung anong mali sa nararamdaman ko dahil ikaw... ikaw 'yung una. Ikaw 'yung unang babaeng totoong minahal ko, totoong minamahal ko at totoong mahal ko..."
Napakurap ako ng ilang beses bago umiwas ng tingin. Biglaan na lamang akong nakaramdam na para bang may bara ang aking lalamunan muli sa mga naririnig ko sa kanya, mula sa mga bagay na namumutawi sa kanyang bibig. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot.
At hindi ko rin talaga alam kung kaya ko bang tapatan ang lakas ng loob niya upang sabihin ito lahat sa'kin ng harapan at walang takot.
"Naghihintay naman ako sa'yo hanggang ngayon, Alexia. Naghihintay talaga ako sa'yo araw-araw. Sa bawat pagtitig mo sa mga mata ko, sa tuwing tatawagin at bibigkasin mo ang pangalan ko, sa tuwing malapit ka sa'kin at sa tuwing kasama kita. Umaasa ako na sana... sana isang araw ay may nararamdaman ka na sa'kin. Na sana... sana isang araw ay mahal mo na rin ako. Sana naalis na si Earl diyan sa puso mo na sana ako naman ang papasukin mo. Papasukin mo ng tuluyan sa puso mo pati na sa buhay mo dahil ako, Alexia, ako. Gusto kong pasayahin ka..."
Napapikit na lamang ako, kasabay ang malakas na pagtibok ng aking puso, kahit nga mga kamay ko ay namamawis na rin dahil sa sitwasyon naming dalawa.
"Gusto kong laging nakikita 'yung mga ngiti mo. Gusto ko laging nandiyan lang yung mga kislap sa iyong mga mata, gusto ko... gusto ko na matuto ka ulit magmahal. Yung magmahal ka ng walang halong takot dahil sa nangyari sa'yo noon. Yung magmahal ka ng buung-buo at sa tamang oras dahil hindi ka na takot, dahil handa ka na at handa na ang puso mo na tanggapin ang pagmamahal na maibibigay sa'yo. 'Yung sa oras na handa ka ng tanggapin ang pagmamahal na ibibigay ko sa'yo. K-Kahit gaano pa kalaki, gusto ko kapag sana... kapag sana'y minahal mo na ako? Sana kahit gaano kalaki ang pagmamahal na maibibigay ko sa'yo ay matatanggap mo..."
Napaangat ako ng tingin nang marinig ang iba pa niyang sinabi. Hindi ako naiilang na tumitig sa kanyang mga mata. Doon ko nakita ang pagmamahal, ang lungkot at ang kagustuhan niyang sumaya ako. Doon ko nalaman, doon ko nakita - sa kanyang mga mata na hindi siya nagsisinungaling. Na gusto niya talaga akong sumaya, na gusto niya talaga akong sumaya at na gusto niya talaga akong mapasakanya.
"Vaughn-"
"Maghintay man ako ng mas matagal, ayos lang. Hanggang sa handa ka na, nandito pa rin ako. Sa'yo lang ako aasa, Alexia. Sa'yo lang ako kakapit na kahit alam kong walang kasiguraduhan kung mamahalin mo ba ako pabalik ay ayos lang. D-Dahil alam ko namang gagawa ng paraan ang nasa itaas. Kahit ingatan Niya na lamang ang puso mo a-ay ayos na sa'kin..."
Itinaas ko ang aking kamay bago hinaplos ang kanyang pisngi. Hinawakan ni Vaughn ang aking kamay na nakalapat sa kanyang pisngi bago iyon dahan-dahang hinalikan. Matamis akong ngumiti sa kanya at nagsalita.
"Salamat, Vaughn..."
Dahil alam kong sa oras na 'to, hindi lang si mama ang gumawa ng paraan upang iparating sa'kin na kailangan ko ng magsimula ng bagong buhay.
Kung hindi pati na rin ang Diyos na laging nagbabantay sa'kin.
"Alexia!" tawag sa'kin ni Sheena nang makita ako sa harapan ng McDo. Nanlaki ang aking mga mata nang makita siya at sa kanyang likod ay si Angeline at Francesca na mabilis na tumatakbo upang sumunod.
Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanila at nang makapunta sa harapan ni Sheena ay agad ko siyang tinalon ng yakap.
"I missed you guys!" ani ko bago ako umayos at yinakap sila isa-isa. Mahihigpit na yakap ang aking ibinigay at ganoon din sila sa'kin.
Sabay-sabay at malalakas na tili ang kumawala sa aming mga bibig nang matitigan namin ang mata ng isa't-isa. Muli kaming nagyakapan bago sabay-sabay na nagsalita, ni isa sa amin ay wala ng maintindihan pero kahit ganoon ay wala kaming tigil.
Sa anim na taon na lumipas ay masasabi kong marami na din talaga ang nangyari at nagbago pero ang pagkakaibigan namin? 'Yun ang alam na alam kong hindi at kailanman ay hindi magbabago!
Si Sheena ay magte-take na ng board exam para sa course na kanyang napili. Naka-graduate na siya last year sa course na ECE or electrical engineering. Hindi nga namin akalain na ganung course ang kukunin niya dahil sa engineering ay isa 'yon sa pinakamahihirap. Tungkol sa mga code, sa wires at grabe ang Math kung titignan mong mabuti pero bilib kaming lahat sa kanya dahil nagawa niya pang maging Cum Laude. Hindi niya sinabi sa'min 'yon! Noong pumunta kami sa graduation niya ay doon lang namin nalaman! Iba lang talaga si Sheena.
Si Angeline naman ay patuloy pa rin na nag-aaral para sa kursong napili niya. Ang pagiging doctor. Ang una ay nagsimula siya sa MedTech hanggang sa makatapos at pinagpatuloy ang pag-aaral ng medisina gamit ang perang pinapadala ng kanyang mga magulang kasama na ang perang kinikita niya sa pagta-trabaho sa kanyang part time job.
Si Francesca naman ay ni- pursue ang arts. Dahil mahilig siya sa mga ganoong bagay. Sa pagpipinta, sa pagdo-drawing at sa pagi-illustrate ng mga bagay na nakikita niya. Paminsan nga ay hindi namin maintindihan ang kanyang ipinipinta o idino- drawing pero kahit ganoon ay napapanganga na lamang talaga kami sa ganda non. Kakaiba man pero sobrang nakakamangha, si Francesca na rin mismo ang nagsabi na lahat ng kanyang ginagawa ay talagang may malalim at totoong ibigsabihin.
Ako naman...
Pinagpatuloy ko ang pangarap kong maging isang chemical engineer. Kahit pa gaano kahirap sa last year ng aming course ngayon ay kakayanin ko. Kasi ito yung pangarap ko at nandito na rin naman ako, marami na akong pinagdaanang hirap at mga gabing walang tulog. Dagdag lang 'to sa mga pagdadaanan ko, bakit pa ako susuko kung ang layo na rin naman ng narating ko?
"Grabe ka girl, ganda ng kilay mo ha!" puna ni Francesca sa kilay ni Angeline. Napatawa naman ito at umiling na lamang.
Talagang gumanda sila. Talagang ang laki ng pinagbago. Mas na-enhance yung mga assets and features nila dahil sa makeup pero kahit wala naman sila ng mga ganoon, para sa'kin ay sobrang gaganda na nila. Inside man o out.
"Itong si Alexia, blooming! Halatang in love!"
Napailing ako. "Hindi naman!"
"Hindi naman blooming o hindi naman in love?"
Napangiwi ako, "Parehas?"
"Sus!" sabi ni Sheena bago ako inakbayan. "Kamusta kayo ni Vaughn?"
"Kayo na ba?" tanong naman ni Angeline.
"Grabe ka girl, ang haba haba ng hair mo! Balita ko ang daming nanliligaw sa'yo pero hindi makagawa ng moves dahil agad ka ng binabakuran ni Vaughn. Lakas ng kumpyansa sa sarili na sa kanya ka mapupunta ha?" natatawang sabi ni Francesca.
Napatawa na lamang ako. "Halata na naman 'yon! Sa anim na taon ba naman, nanligaw si Vaughn at ni minsan itong kaibigan natin ay hindi pinatigil. Hanggang ngayon pa din naman ay nanliligaw!"
"Uy, grabe kayo!" ani ko bago iwinagayway ang aking kamay upang tigilan na nila ang usapan.
"Ang tatag lang ni Vaughn kaya kapag naging kayo at tuluyan mo na siyang sinagot? Aba, talagang hindi na ako kokontra...." ani Angeline bago pinagkrus ang braso niya sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Kung ako sa'yo girl, sagutin mo na 'yan. Gwapo 'yang si Vaughn, baka masulot ng iba. Sige ka!"
Sumimangot ako. "Heh!"
"Uy nagseselos si ateng. Talagang pakipot lang kay Vaughn Darren Magsino!" at talagang sinabi pa ni Angeline ang buong pangalan!
Nagtawanan na lamang kaming tatlo at nagkwentuhan tungkol sa kung anu-ano. Pumasok na nga rin kami ng McDo para doon na rin kumain. We catch up, ang dami na palang nangayayari! Ngayon ko lang na-realize na sobrang tagal din pala namin mga hindi nakapag-usap.
"May nanliligaw kay Sheena. I mean, siya pala yung nanliligaw."
Kumunot ang noo ko, "Ha? Bakit siya?" bumaling ako kay Sheena. "Sheena, wala ka na bang dangal?"
Pabiro akong tinampal nito. "Gaga. Ang OA mo naman! Bakla kasi yung mahal ko..."
"Eh?" taka kong tanong.
"Grabe ka. Pati bakla papatulan, no choice ka ba be?" natatawang tanong ni Francesca.
"Ay! Ewan ko sa inyo basta mahal ko 'yung baklang 'yon tsaka nararamdaman ko na gusto na din ako non. Dalawang buwan na siyang walang ka-date na lalake!"
Nagtawanan kami. Talaga nga sigurong tinamaan itong si Sheena sa baklang 'yon. Kung sino man 'yon.
"Tahimik 'tong si Angeline pero may boyfriend naman. Di pinapakilala sa'tin!"
Ngumiwi si Angeline, "Komplikado kasi..."
"Bakit naman?" sabay naming tanong ni Sheena.
"Taga-probinsya e. Nakilala ko noong nag-educational trip doon at nagkaron ng isang medical mission kasama ang seniors namin pati na ang ibang mga doctor..."
Tumango-tango kami.
"Anong pangalan?" tanong ko.
"Oliver Alistair..."
Napailing ako nang biglaang matawa si Sheena. Napasimangot naman si Angeline, marahil ay nagtataka. "Bakit?"
"Hindi naman tunog pang-probinsya ang pangalan. Mukhang yayamanin!"
"Haciendero at nagdo- doctor din..." bulong ni Angeline.
Sabay sabay kaming napasinghap pero agad din na napunta ang usapan kay Francesca.
"And I'm proud to say that I have a boyfriend. Maayos kami, mahal na mahal namin ang isa't-isa. I really think he's the one!"
Umismid si Sheena, "O talaga?"
"Bwisit ka!"
Napag-usapan lamang namin ang iba't-iba pang mga bagay maliban sa aming mga buhay. Yung mga ala-ala noong high school pa kami at lahat ng kalokohang aming ginawa noon. Napatingin sila Francesca doon sa pintuan nang biglaang may pumasok. Impit na tumili si Sheena at paulit- ulit akong hinampas sa braso.
"Ano ba- aray!" sabi ko pero patuloy akong natatawa.
Si Vaughn kasi ay pumasok sa McDo. May dala-dalang bouquet of roses habang nakatitig lamang sa'kin. Awtomatiko akong napangiti lalo na nang mas mapalapit siya sa'kin. Agad siyang lumapit sa akin at mabilis akong hinalikan sa noo.
"Hi..."
Kumislap ang kanyang mga mata at ako naman ay nakaramdam na naman ng ganoong pakiramdam. "Hello..."
"Flowers for you. Para sa magandang katulad mo..." anito bago iniabot sa'kin ang bulaklak. Napatawa ako at pinalo siya sa kanyang kamay, "Bolero ka."
Umiling ito. "Nope. You're really beautiful..."
Tumango na lamang ako. "Salamat sa bulaklak..."
Tumikhim silang tatlo at doon kami napatingin. "May tao pa o, di lang kayong dalawa ang naandito."
Ani Francesca bago umirap. Nagkatawanan kami at isa- isa niyang binati ang mga ito. Tumabi sa'kin si Vaughn at hinawakan ang aking kamay bago tinitigan ang aking mga mata.
And he whispered the same thing na lagi niyang sinasabi sa'kin sa mga nakalipas na taon...
"I love you..."
***
a/n: so yeah. it took me two hours to write this. may distractions kasi lol. sorry sa typos.
twitter: jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top