Chapter 25
#FATWRTwentyFive
Sabado.
Ngayon yung araw kung kailan kami lalabas ni Earl. Sa SM lang naman kami pupunta, hindi rin naman kami pwedeng pumunta sa kung saan na malayo na kami lang dalawa.
Nagpaalam na ako kay mama at alam niya naman na si Earl ang kasama ko kaya wala na akong problema. Dumeretsyo kami ni Earl sa loob ng mall. Tahimik lamang akong naglalakad sa gilid niya, tinitignan kung madami nga ba ang taong nasa mall ngayon at naggagala.
Ganoon din siya, inililibot ang tingin at nanatiling tahimik lamang. Hindi naman sa naiilang ako pero ang totoo ay hindi ko alam kung paano magsisimula ng pag-uusap o kung ako ba naman talaga ang dapat na unang kumausap sa kanya. Sanay naman akong tahimik lang pero kapag siya ang kasama ko ay talagang hindi ako mapalagay.
"Anong gusto mong unang gawin?" tanong niya sa akin bago ako matamis na nginitian.
Parang tumalon ang puso ko dahil sa ginawa niyang matamis na pag-ngiti sa akin. Oo, kinikilig ako ngayon pa lang. Ibinuka ko ang bibig ko para sana may sabihin pero isinarado ko na lamang ulit, ano nga ba ang dapat unang gawin?
"Wala kang maisip?" malumanay na tanong niya sa akin bago pinaglapat ang kanyang mga labi na para bang nag-iisip. "Manood na lang tayo ng sine..."
Muli akong napatingin sa kanya. "Anong sine naman?"
"Hindi ko din alam..." nag-kibit balikat si Earl bago itinago ang kamay niya sa bulsa ng kanyang pantalon. "Siguro kung anong magandang pelikula na lang ang makita natin doon..."
"Sige." pagpayag ko.
Dumeretsyo kami ni Earl sa floor kung nasaan ang sinehan. Nang makapili kami ng pelikulang mapapanood ay agad na din kaming pumila dahil napansin naming padami ng padami ang taong napunta sa bayaran ng ticket.
Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming humanap ng mauupuan. Sa bandang gitna kami. Tinabihan ako ni Earl, siya na ang may dala-dala ng popcorns at softdrinks na kakainin namin habang pinapanood ang movie.
"Okay lang naman sa'yo na ito diba?" tanong ko pero sa malaking screen ako nakatingin.
Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang tumango. "Oo naman. Maganda din naman 'to sa pagkakaalam ko..."
Tipid akong ngumiti. Ilang minuto na lang ay malapit ng magsimula ang movie kaya naman may kaunting excitement akong nararamdaman, noong una ko pa lang kasing nakita ang trailer ng movie na 'to ay gusto ko na talaga mapanood.
"Gusto mo pa ng popcorn?" tanong sa akin ni Earl.
"Hindi na. Mamaya na lang kapag nagsimula na 'yung palabas..." ani ko bago inayos ang pagkakaupo sa upuan at kinalma ang aking sarili, wala pa rin kasing tigil sa pagtibok ng malakas at mabilis ang puso ko.
Hindi na siya sumagot pa. Ang daming topic na pumapasok sa isip ko pero hindi ko magawang sabihin sa kanya o gawin man lang na isang usapan para hindi naman siya ma-bored sa'kin o para naman kahit papaano ay nagdadaldalan kami. Nakakahiya din kasi talaga.
Ang dami talagang pumapasok sa isipan ko na pwede naming gawin ni Earl pagkatapos namin manood ng sine at kapag lumabas na kami dito. Pwedeng pumunta kami sa arcade at maglaro, sa tronix para magpapicture, gumala sa mall pagkatapos ay kumain at mag-kwentuhan lamang tungkol sa kung anu-ano.
Napaigtad ako sa kinauupuan ko nang biglaang dumapo ang kamay ni Earl sa kamay ko. Doon dumako ang tingin ko pero hindi ko siya kayang tignan, pakiramdam ko ay parang kamatis na ako dahil sa sobrang pula. Maya-maya pa ay pinunan ng mga daliri ni Earl ang distansya sa aking mga daliri. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa.
"Ayos ka lang ba?" malumanay niyang tanong sa akin habang marahang hinahaplos ang aking kamay.
Mabilis akong tumingin sa kanya pero mali pala ang galaw na 'yon. Paglingon ko sa kanya ay napakalapit na ng mukha niya sa mukha ko, napaurong tuloy ako. Sumilay ang isang mapaglarong ngisi sa mga labi ni Earl bago ko siya narinig na tumawa.
"Ang cute mo masyado, ang sarap mong yakapin na lang..." ani Earl bago kinurot ang kaliwang pisngi ko.
Ngumuso na lamang ako, "Ayos lang naman ako. B-Bakit?"
Umiling siya bago matipid na ngumiti. "Wala naman. Napansin ko lang na masyado kang tahimik, hindi ka ba komportable na kasama ako?"
Tumikhim ako at sinubukang tumawa. "Hindi ko lang kasi alam kung ano ang pwede nating pag-usapan. Baka kasi mamaya ay hindi mo gusto ang sasabihin ko..."
Sumandal siya sa upuan bago itinaas ang kamay naming magkahawak at tinititgan iyong mabuti.
"Sa'kin, ayos lang kung ano pang pag-usapan nating dalawa. Basta yung presence mo, ayos na sa'kin 'yon. Gusto ko lang naman ay nandito ka sa tabi ko."
Pakiramdam ko ay parang may humaplos na kung ano sa puso ko na hindi ko na napigilan ang paglitaw ng isang matamis na ngiti sa aking mga labi.
"Mahal kita, Earl..." bulong ko bago sumandal sa kanyang balikat at huminga ng malalim.
Napunta ang kamay niya sa aking baba bago inangat ang aking ulo at hinarap ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin bago napunta ang kanyang tingin sa aking mga labi.
"E-Earl..."
Ngumiti siya at bumulong. "Last..."
Nakaramdam ako ng isang malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakapikit at hindi na pinigilan si Earl mula sa plano niyang paghalik sa'kin. Inilapat niya, 'yun lamang 'yon. Walang galaw o kung ano man pero ramdam na ramdam ko ang emosyon na biglaan na lamang akong naluha at nagtubig ang gilid ng aking mga mata.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay ngumiti siya sa'kin bago hinalikan ang aking tenga saka bumulong.
"Mahal na mahal kita, Alexia..."
At noong mga oras na 'yon ay 'yun na ang pinakamasayang araw ng buhay ko.
Magkahawak pa din kami ng kamay ni Earl hanggang sa magsimula ang palabas. He became extra sweet, lagi siyang nagnanakaw ng halik sa loob ng sinehan. Madalas ay sa pisngi, paminsan naman ay magugulat na lamang ako dahil magkalapat na pala ang aming mga labi. Nang matapos ang sine ay sabay din kaming lumabas, hindi niya inaalis ang pagkakahawak sa aking kamay.
"Anong gusto mong sunod na gawin?" tanong niya sa'kin bago pinisil ang aking kamay.
"Magpa-picture tayo?" malapad ang ngiti kong sabi sa kanya.
Agad siyang tumango. Hinila niya ako papunta doon sa tronix kung saan kami magpapakuha ng litrato. Nang makapasok ay nagbayad siya, sinabing tig-limang kopya kami ng bawat litrato na makukuhanan kaming dalawa.
Pumwesto kaming dalawa at sobra ang pagkakadikit sa'kin ni Earl pero wala na din naman akong reklamo dahil gusto ko na manatili lamang din siya sa tabi ko.
Ang unang pose na ginawa namin sa litrato ay ngingiti lang sana ngunit hindi ko inasahan na itataas ni Earl ang kamay naming magkahawak habang nakangiti. Ang pangalawa naman ay nagkatinginan kaming dalawa, ang mga ngiti namin sa labi ay 'di nawawala hanggang sa marinig na lamang namin ang pagtunog ng camera.
Ang sumunod ay wacky lang. Hindi ko alam ang pose na ginawa ni Earl pero ang ginawa ko ay nagduling-dulingan at ngumuso. Ang pang-apat na pose na ginawa naman namin ay biglaan akong inakbayan ni Earl bago niya kinurot ang pisngi ko. Dahil sa gulat ko ay nanlaki ang mga mata ko.
Ang pang-huli at pang-limang pose na ginawa namin ay simpleng pag-ngiti na lang sana pero hinapit ako ni Earl papalapit sa kanya at lumapat ang kanyang labi sa aking kanang pisngi. Bago pa tumunog at makunan kami ng camera ay lumitaw na sa labi ko ang isang matamis na ngiti, dahilan para mapasama 'yon sa litrato.
Paglabas namin doon ay tuwang-tuwa kami dahil maganda ang kinalabasan ng mga litrato.
"Ang ganda mo dito..." turo ni Earl sa litrato kung saan nandon ang magkahawak naming kamay at parehas kaming nakangiti.
Napatawa ako, "Talaga?" tanong ko sa kanya.
"Hmm." pag-tango niya ng isang beses bago mabilis na hinalikan ang tungki ng aking ilong. "Lagi ka naman talagang maganda. Lalo na sa mga mata ko..."
Kasabay non ang pagkindat niya na lalo namang nagpatawa sa akin. "E di salamat..." sabi ko bago ngumiti sa kanya.
"Salamat lang?" kasabay non ang kanyang pag-nguso.
Kumunot ang noo ko, "Ano ba dapat?"
"Kiss mo ko."
"Hala? Ayoko nga! Ang daming tao o." sabi ko saka bahagyang lumayo sa kanya kahit na mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Mabilis siyang kumapit sa braso ko, kulang na lang ay pag-isipan ko na isa siyang koala na nakawala at nakagala sa mall.
"Dali na! Isa lang? Sa pisngi lang e!" pagpupumilit niya na para bang isang batang musmos.
Napatawa ako at mabilis na umiling-iling. "Ayoko. Ang dami mo na kayang kiss na nakuha sa'kin kanina..." panenermon ko pa sa kanya.
Napasimangot siya lalo. "Eh! Lahat naman ng halik na 'yon ay nakaw e. Gusto ko willing ka!"
Doon na talaga ako malakas na napatawa bago nagsalita, "Ang arte mo..." ani ko bago lumapat ang labi ko sa kanyang pisngi. "Tapos na. Happy?"
Nakita kong namula ang pisngi ni Earl pati na ang kanyang tenga. Hindi ko mapigilan ang asarin siya.
"Hala, kinilig ka!" ani ko bago tinundo ang kanyang pisngi.
Umirap siya at inalis ang aking kamay na malapit sa kanyang pisngi. "Hindi ah!"
"Hala, hindi daw? Sus! Namumula ka nga e..." saka ako kumapit sa kanyang braso at halos mapunit na ang bibig ko dahil sa malapad na ngiti na nakapaskil dito.
"Hindi naman kasi kinikilig ang mga lalake e!" ani Earl saka naunang maglakad pero mabilis ko siyang hinabol at muling kumapit sa kanyang braso.
"Sus talaga! Eh anong nangyayari sa'yo kung ganon?"
"May allergy ako!"
Nagkunwari akong nagulat at tinakpan pa ang aking bibig pero ang totoo ay pinipigilan ko na lamang ang sarili ko mula sa napakalakas na pagtawa. "May allergy ka sa halik ko?" tanong ko.
Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin bago sumimangot pa lalo at iniwan ako. "Ewan ko sa'yo!"
Naiwan ako sa likod niya na natatawa at kinikilig sa parehong oras. Ang cute-cute lang kasi talaga ni Earl!
Dumeretsyo kami ni Earl sa Mang Inasal. Ang gusto niya pa nga ay sa McDo pero pinagbigyan niya na lang din ako. Natatakam kasi ako sa unli rice!
"Kumain na tayo!" excited kong sabi nang dumating na sa table ang order namin. Nagkamay ako at wala ng pagda- dalawang isip na sinimulan ang pagkain.
Napapikit na lamang ako at napangiti sa sobrang sarap! Grabe, paborito ko talaga ang Mang Inasal!
Tumingin ako kay Earl na siyang nakaupo sa harapan ko. Nakatitig lamang siya sa'kin at hindi ginagalaw ang in-order niyang pagkain.
Kumunot ang noo ko.
"Ayaw mo ba ditong kumain? Sorry ah..." paghingi ko ng paumanhin bago dahan-dahang inalis ang mga natira at dumikit na kanin sa kamay ko.
"Gusto ko dito."
"Eh bakit hindi ka nakain?"
"Nakuha mo kasi lahat ng atensyon ko. Kahit na hindi ako kumain ay ayos lang basta nakikita kita sa harap ko..." ani Earl bago mabilis na inalis ang kanin sa gilid ng aking bibig.
"H-Ha?"
Napatawa siya at mabilis na umiling. "Ang sabi ko mahal kita."
"A-Ano?"
Hala, bakit pinapaulit ko lahat ng sinabi niya? Malala na talaga ako!
"Ang sabi ko mahal na mahal kita. Kahit pagkatapos ng bukas, mahal pa rin kita..."
Bumagsak ang balikat ko sa narinig mula sa kanya. Bukas ay Linggo at huling araw na kaming dalawa. Pagkatapos non ay balik na sa normal na para bang walang namagitan sa aming dalawa.
"S-Sorry. Sige kumain ka na." ani Earl at doon siya nagsimulang kumain pero bago pa man niya maihawak ang kamay niya sa manok at sa kanin ay hinagilap ko na 'yon.
"Salamat..."
Lumungkot ang mga mata ni Earl at tipid lamang na ngumiti, hindi na siya sumagot sa huling sinabi ko.
Tahimik na lamang kaming kumain ni Earl nang oras na 'yon. Although may mga times na magkakatawanan kaming dalawa ay hindi pa rin maiaalis 'yung lungkot na nararamdaman naming dalawa.
Yung nararamdaman ko.
Bumuntong hininga ako nang makalabas kami ng Mang Inasal. Tinignan ko lamang si Earl at malungkot na napangiti. Magkakasama pa kaya tayo bukas?
Nang naandoon na kami sa labas ay mahigpit akong yinakap ni Earl. Mahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan kasabay ng pagbaon ng kanyang mukha sa aking leeg. Ang tanging nagawa ko na lamang ay yakapin siya pabalik.
"Mahal kita, Alexia. Tandaan mo 'yan. Sorry..."
Tinapik ko ang kanyang likod. "'Wag kang mag-sorry. Naging masaya ako at masaya ako dahil mahal kita..."
Mas lalong humigpit ang yakap sa'kin ni Earl at habang nasa ganoong posisyon kami ay parang nadurog ang puso ko.
Hindi lang dahil sa sitwasyon namin kung hindi pati na dahil nakita ko si Francesca at Sheena na walang emosyon habang nakatitig sa aming dalawa ni Earl na... magkayakap.
*
"Bakit hindi mo sinabi sa'min?" seryosong tanong ni Sheena sa akin.
"S-Sheena..."
"Hindi ko sinabing banggitin mo ang pangalan ko!"
"P-Please... sasabihin ko naman talaga dapat sa inyong dalawa eh p-pero napangunahan lang ako ng takot!"
Sarkastikong napatawa si Sheena, "Takot? Takot ka sa'min? Takot kang magtiwala sa'min?" halos pasigaw ng saad ni Sheena.
Mabilis at marahas akong umiling bago sinubukang hawakan ang kanyang kamay pero agad niya 'yong iniiwas.
"Francesca..."
Sarkastikong ngumisi si Francesca at walang emosyon at ipinukol na tingin sa akin. "Kaibigan ba kita?"
Tuluyan nang nanubig ang mga mata ko dahil sa narinig mula sa kanila pero pinilit ko pa rin magsalita ng maayos para masabi ang katotohanan sa kanilang dalawa.
"S-Sabihin ko naman talaga eh. S-Syempre kaibigan ko kayo, naiisip ko kayo Sheena, Francesca... Napangunahan lang ako ng t-takot eh na baka kapag nalaman niyo ay hindi kayo pumayag. N-Na baka ilayo niyo ako kay Earl..."
Pagak na napatawa si Sheena bago umiling. "Wala ka talagang tiwala sa amin ano? Tingin mo ba sa amin ay aalisin ang kasiyahan mo sa'yo?" mataras nitong tanong sa akin.
Hindi ako nakapagsalita at tumungo na lamang habang nangangatog ang aking mga balikat dahil sa ka-iiyak.
"Anong tingin mo sa'min? Walang pakealam sa'yo? Kung alam mo lang Alexia! Matagal na kong may nararamdaman na may tinatago ka sa'min pero anong ginawa ko? Diba wala? Ni hindi mo nga nahalata na may hinala na ako sa inyong dalawa! Naghintay ako, Xia! Naghintay ako na magsabi ka sa'min!"
Napapikit ako ng mariin, mas lalong dumami ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko.
I'm sorry.
"Ganyan ba ang kaibigan? Tss. Ang galing mo rin eh no? Magpapaliwanag kung kailan huli na ang lahat. Tanginang 'yan." malutong na mura ni Francesca bago ako masamang tinignan.
"Alam ba ni Angeline?"
Doon ako napatingin sa kanila. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hahayaan nalang silang kusang malaman ang totoo. Ang lamig ng tingin sa akin ni Sheena, para bang galit na galit talaga siya sa'kin.
Napangisi siya bago umiling. "Alam niya?"
Dahan-dahan akong tumango.
"Putanginang 'yan." madiin na mura ni Sheena bago sinipa ang lata na nasa sahig at hinila ako papalapit sa kanya.
"Eh kami? Kailan mo planong ipaalam sa'min, ha?"
"I-Ipapaalam ko naman t-talaga... N-Naunahan niyo lang naman ako..."
"Kailan mo ipapaalam?" mataras na tanong ni Francesca. "Kapag wala na kayo?"
Hindi ako nakasagot. Dahil totoo naman ang sinabi niya, 'yun talaga ang plano ko.
Pumalakpak si Francesca at sarkastiko akong nginitian, "Great. Gandang plano, Alexia!"
"S-Sorry na..."
'Yun na lamang ang tangi kong nasabi sa kanila. Hindi ko na alam kung ano pang pagpapaliwanag ang gagawin ko dahil parang ayaw naman nila na akong pakinggan. Hindi ko na alam kung sino ang tatakbuhan ko.
"S-Sorry na naman oh. May plano naman talaga akong sabihin sa inyo eh. Yung takot pati yung guilt pati yung pagmamahal ko kay Earl. Sorry na. Sorry na. Pakinggan niyo naman ako."
"Nakita na namin. Ano pa ang dapat pakinggan?" ani Francesca.
Napatawa si Sheena, "Hayaan natin siyang mag-explain. Para masabi niya kung kailan nagsimula yung lihim na kalandian niya."
Parang may humiwa sa puso ko nang marinig at diniinan pa ni Sheena ang pagkakasabi sa salitang 'malandi' habang pinagmamasdan ako.
"S-Sheena, hindi ako m-malandi!" ani ko.
"Eh anong tawag sa'yo? Mabuting kaibigan? The good girl? Pabebe? Ano?"
"Sh-"
"O baka naman kerengkeng? Mas cute pakinggan kaysa sa malandi diba?"
"Frances-"
Hindi ko na naituloy ang dapat na sasabihin ko dahil mabilis niya akong tinampal.
"Ang mabuting kaibigan kahit takot, sinasabi ang totoo. Hindi dahil sa gusto niyang pagkatiwalaan ang kaibigan niya pero sa dahilang alam niya na hindi niya kailangan pagdaanan ang problema niya ng mag-isa."
Humagulgol na ako ng iyak. Umaasang may magbabago pero alam kong wala. Ramdam na ramdam ko 'yung galit nila sa'kin.
"You have friends but you chose not to treat us like one. We're not options, tandaan mo 'yan."
Bago nila ako tuluyang tinalikuran. Nang humarap si Francesca ng nakangiti, akala ko ay may magbabago pa pero wala.
"Akala ko matalino ka. Top one ka kasi eh. Ang kaso, kahit pala ang pinakamatino at pinakamabait may tinatago pa rin na baho."
At nang tuluyan na nila akong iwanan doon ay alam kong huli na ang lahat.
Kinuha ko ang cellphone ko, ilang ulit na ni-dial ang number niya pero wala pa rin.
"Earl, please... Sumagot ka please..."
Pero kahit ilang ulit pa ay wala pa rin.
Alam kong grabe na ang kinahinatnan ng pinagdadaanan ko pero mas lalo pala sa oras na umuwi ako.
***
a/n: sorry for the typos. bwisit na 'yan! kung kailan mahaba update don nawalan wifi. grabehan lang mga bes.
twitter: @jeweeelwrites
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top