Chapter 24

#FATWRTwentyFour

"Kailan mo na ba talaga planong sabihin sa kanila?" tanong ni Angeline bago inilapag ang bowl na punung-puno ng popcorn sa ibabaw ng lamesa.

Bumuntong hininga ako at nag-aalangang tumingin kay Angeline. "Sa totoo lang ay 'di ko alam, pakiramdam ko sobrang laki ng magiging galit nila sa'kin pati sa'yo kapag nalaman nilang alam mo na pala..."

Hinila ni Angeline ang upuan saka umupo sa harapan ko, "Mas lalo silang magagalit kapag mas pinatagal mo pa..."

Napatungo ako. "'Yun na nga eh."

Sumandal si Angeline at pinagkrus ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. "Ano ng gagawin mo?"

"Pagkatapos ng dalawang araw..."

Mabilis na kumunot ang noo ni Angeline, "Dalawang araw? Bakit, anong meron?" taka niyang tanong sa akin.

Malungkot akong ngumiti bago sinagot ang kanyang tanong.

"Pagkatapos ng susunod na dalawang araw... wala ng kami ni Earl."

"Nagkaroon ba ng kayo?"

Natahimik na lamang ako sa biglang pagtatanong ni Angeline. Kumuyom ang mga kamay ko at pinilit na habulin ang aking hininga dahil ako mismo ay nahihirapan. Nagkaroon nga ba ng kami?

Hindi ko alam kung mayroon o wala dahil kahit nga 'yon ay 'di ko nalinaw sa kanya pero ayos lang - mahal ko naman siya. Kahit din naman gustuhin kong magkaroon ng 'official' na kami ay hindi naman mangyayari 'yon.

Isang dahilan ay dahil kay Christine. Pangalawa ay talaga namang masyado pa kaming bata at hindi pa handa o baka talagang hindi lang kami ang para sa isa't-isa.

Nasasaktan ako dahil ang akala kong magiging magandang relasyon ay hindi naman nangyari. Nasasaktan ako dahil hindi kami pwede ni Earl, nasasaktan ako dahil baka hanggang tingin na lamang at pasikreto na lang ang pagmamahal ko para sa kanya.

Nasasaktan ako kasi baka masaktan na din ang mga taong nasa paligid ko. Lalo na ang mama ko.

Kailangan niya bang malaman? Oo, dahil nanay ko siya. Kaya ko nga bang sabihin?

'Yun lang ang hindi ko sigurado.

*

Tahimik lang akong naglalakad papunta sa cafeteria. Hindi ko sigurado kung ako lamang ba 'yon o ang ibang tao ay palihim talaga akong pinag-uusapan. Pilit ko na ring iniiwas ang tingin ko sa kanila dahil kahit ako mismo ay naiilang sa sitwasyon ko ngayon.

Marahil ay hindi pa rin nila nakakalimutan ang nangyaring pag-aaway noon ni Vaughn at Earl. Sigurado akong nagulat sila katulad ko pero alam kong mas nagtaka at nalito ang ibang tao.

Si Francesca at Sheena ay hindi makakasabay sa aking kumain dahil na rin may meeting silang dalawa at parehas na kailangan sa office dahil ginawa silang katulong ng counselor noong nakaraang dalawang buwan pa. Si Angeline naman ay nasa faculty upang mag-take ng exam dahil na rin absent siya noong isang araw.

Kaya eto ako, mag-isang kakain. Pumunta na ako doon sa nagtitinda ng pagkain at bumili ng dalawang stick ng buchi na may keso sa loob. Noong unang beses kong natikman 'yon ay talagang namang nahuli ng pagkain na 'yon ang lasa ko kaya naman kapag wala na akong ibang gusto ay 'yun na lamang ang bibilhin ko.

"Ang hilig mo sa buchi, 'neng ah..." natatawang sabi ni Ate Liyen saka inabot sa akin ang dalawang stick ng buchi.

Matipid akong ngumiti saka tumango, "Masarap naman po kasi talaga eh."

Ngiti na lamang ang ibinalik niya sa akin dahil hindi niya na ako makakausap pa, may ibang mga estudyante pa na bibili.

Dahil na rin sa ingay sa canteen ay napagdesisyunan kong hindi na lang dito kumain. Gusto ko ng tahimik na lugar, gusto ko na makapagisip-isip muna. Lumabas ako ng cafeteria habang dala-dala yung pagkain na binili ko at nagtungo doon sa school garden kung saan palaging tahimik at madalang lang na magpunta ang mga tao.

Umupo ako sa ilalim na puno bago tuluyang kinain yung buchi ko. Ang sarap talaga! Minsan iniisip ko na lang kung pupwede na lang ba akong kumain ng buchi habang buhay? Baka kasi sakaling mawala 'yung mga problema ko.

Since nasasayahan din naman ako sa buchi kasi nasasarapan ako sa lasa. Wow, buti 'yung buchi napapasaya ako. Teka, ano ba 'tong pinagsasasabi ko?

Noong bata ako akala ko puro saya lang kasi ganon naman talaga ang buhay ko noon. Puro laro lang at puro saya, walang problema. Pati nga sa assignment ay hindi ako namomroblema dahil andyan naman ang mga magulang ko para sa'kin pero totoo pala talaga na kapag lumaki ka na at nasa tamang pag-iisip, minsan ay maiisipan mo na lang na gawin ang mga bagay na gusto mo na walang tulong na nanggagaling sa iba.

Nakakamangha kung paano magbago at mag-mature ang isip ng isang tao pero nakakalungkot din dahil 'yung dating inosente ay may bahid na ng kapangitan ng mundo at 'yung mga taong handang gawin ang lahat para lamang sa ikasasaya at ikabubuti ng kanilang mga sarili.

Laging sinasabi sa akin noon ni papa na dapat daw ay 'wag matakot na harapin yung bukas kasi hindi naman daw natin alam kung anong mangyayari.

"Bakit po tayo hindi matatakot? Hindi po natin alam ang mangyayari kinabukasan. Mas nakakatakot po 'yon hindi ba?"

Hinding-hindi ko makakalimutan ang itinanong ko noon kay papa noong isang beses na nag-usap kaming dalawa. Ngumiti lamang siya sa akin noon bago ako hinalikan sa noo at hinaplos ang aking buhok.

"Kapag alam na natin ang mangyayari kinabukasan, may pagkakataon tayong baguhin ang mga maling magagawa natin..."

"Mas maganda po 'yon hindi ba?"

"Kapag ginawa natin 'yon, hindi na natin matututunan ang mga dapat nating matutunan na aral sa buhay."

Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na paiyak, ang mga mata ko na nagluluha at ang mumunting hikbi na nanggagaling sa akin. Napatingin ako sa pagkain na hawak ko at biglaan na lamang akong nawalan ng gana.

Nami-miss ko ang papa ko.

Kung sa kanya ko kaya sasabihin? Anong gagawin niya?

Kahit walang gana ay pilit kong inubos ang pagkain bago ako bumalik sa klase. 'Di pa naman nagsisimula ang susunod na subject kaya naman kinuha ko na muna yung librong binabasa ko at nag-review para sa long test mamaya.

Natigil ako sa pagbabasa nang may isang lukot na papel ang tumama sa siko ko. Kumunot ang noo ko at agad na pinulot 'yon, nalaglag kasi sa sahig. Mabilis ko 'yong binuksan at nagtaka kung sino ang nag-sulat non, kung para ba talaga sa akin ang nakasulat sa papel o talagang mali lang ng natamaan.

'Labas tayo bukas.'

Tumingin ako sa paligid ng classroom at doon nakita si Earl na naka-nap pero nakalitaw ang isang mata at nakatitig sa akin. Tinaas ko ang isang kilay ko, senyas na nagtatanong ako kung sa kanya nga ba galing ang papel.

Mabilis siyang umayos ng upo at marahang tumango. Tumingin ulit ako sa paligid upang makita kung may nakatingin ba sa amin pero wala naman. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa kanya bago ako mabilis na tumango at tipid na ngumiti.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at napatigil ako sa aking ginagawa nang magtama ang tingin namin ni Angeline. Seryoso lamang siyang nakatitig sa akin, pinagmamasdan ang aking mukha.

Ngumiti ako sa kanya pero hindi naman siya ngumiti pabalik sa akin. Biglaan na lamang akong nakaramdam ng bigat sa dibdib, hindi ko alam kung anong nangyayari sa amin.

Bumuntong hininga na lamang ako bago ipinagpatuloy ang pagre-review. Nang dumating ang guro ay sabay-sabay na nagsibalikan ang mga kaklase ko sa kani-kanilang mga upuan. Si Angeline ay tahimik lamang na umupo sa pwesto niya na siyang nasa harapan ko, I tried to approach her pero mukhang hindi na niya narinig ang mahinang pagtawag ko dahil nagsimula ng magturo ang guro.

Matapos kaming bigyan ng long test ay hinayaan na lamang kaming gawin ang mga gusto naming gawin sa libreng oras na natitira. Gusto ko sanang matulog pero kahit si Angeline ay hindi naman ako pinapansin, dahilan para hindi matahimik ang loob ko.

"Angeline..." tawag ko sa kanya.

Hindi siya lumingon. Ilang beses ko pang inulit ang pagtawag ko at ang pagkuha ko sa atensyon niya bago siya tuluyang humarap sa akin.

"Bakit?" tipid niyang tanong sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya bago siya maiging pinagmasdan.

Tipid siyang tumango bago ako muling tinalikuran. Mula sa aking gilid ay nakita kong nakatingin sa akin si Earl na may litong ekspresyon sa kanyang mukha, parang nagtatanong kung ano ang nangyari.

Tanging pagkibit balikat na lamang ang aking ginawa. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

*

"Alexia!" tawag sa akin ni Vaughn nang minsang pagbaba ko sa waiting shed ay naandon din siya. Mabilis akong umiwas ng tingin at ang tanging ginawa ko lang ay ang lagpasan siya.

"Uy, Xia! Pansinin mo naman ako..." alam kong nasa likod ko lamang siya at sumusunod kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad ko.

"Xia, ililibre kita fries!" sigaw niya.

Napailing na lamang ako at nagpatuloy pa rin sa paglalakad, anong akala niya? Makukuha niya akong makausap dahil lang sa ililibre niya ako ng fries? Hindi na naman kasingdali ng sitwasyon ngayon ang mga sitwasyon sa buhay ko noon.

Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking pala-pulsuhan. Kunot noo ko siyang hinarap.

"Ano bang kailangan mo?" halos pasigaw ko ng tanong sa kanya. Pasalamat na lamang ako dahil wala talagang tao sa kung nasaan kami.

"Gusto lang naman kitang makausap. S-Simula kasi noong magtapat ako sa'yo ay hindi mo na ako pinansin..."

Tumaas ang isang kilay ko, "Wala naman akong sasabihin sa'yo para pansinin ka."

Naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. Nakaramdam ako ng guilt. Alam ko namang mali ang sinabi ko sa kanya pero ano ba ang dapat kong gawin? Ayoko namang umasa lamang siya sa'kin.

Hangga't kaya kong iwasan si Vaughn ay iiwasan ko. Kahit masira ang pagkakaibigan namin, h'wag lang siyang masaktan dahil sa pag-asa sa akin.

"Dahil ba kay Earl kaya mo ako iniiwasan?" tanong niya bago bahagyang lumayo sa akin bago ako tinitigan direkta sa mata.

Sumimangot ako. "Walang kinalaman si Earl dito."

"E bakit ka nagkakaganyan?" mabilis na tanong niya, ang noo ay unti-unting kumukunot.

Bumuntong hininga ako. "Sarili kong desisyon na h'wag kang pansinin, Vaughn. Pwede ba? 'Wag mo na lang ipilit."

Pain crossed his eyes. Totoo 'yon dahil ako mismo ang nakakita. Kumuyom ang mga palad ko bago tuluyang nagsalita. Sinabi ang mga dati pang gusto kong sabihin sa kanya.

"Ayoko lang na umasa ka sa'kin, Vaughn. Ayoko lang din na masaktan ka dahil sa'kin."

Lumapit siya sa akin at mabilis na hinawakan ang kamay ko. "Bakit?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "A-Ano?" nauutal kong tanong sa kanya.

"Bakit ayaw mo akong masaktan, Alexia?"

Mabilis akong nagpumiglas mula sa pagkakahawak niya sa akin at pilit na tumingin deretsyo sa kanyang mga mata.

"Dahil k-kaibigan kita." nahihirapan peo pinal kong sabi sa kanya.

Bumagsak ang mga balikat ni Earl at lalong nalungkot ang eskpresyon sa kanyang mukha. "'Yun lang ba talaga, Alexia?" mahinang tanong niya sa akin na tila para bang hirap na hirap sa pagsasalita.

"Oo." tanging sagot ko.

Tuluyan niya na akong binitawan at malungkot siyang ngumiti sa akin.

"Hindi porke't hindi kita niligawan ay susuko na ako sa'yo, Alexia. Ikaw ang babaeng unang minahal ko and I swear kilala ko ang sarili ko kaya alam kong totoo 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Yes, bata pa tayo at hindi katulad ni Earl, kaya kong maghintay para sa'yo."

"Vaughn, tama n-"

"I won't hide you. Hindi kita itatago sa isang madilim na sulok kung pwede namang ipagmalaki kita sa lahat ng tao bilang girlfriend at babaeng mahal ko. Mahal kita, Xia. Matagal na. Kahit gustung-gusto ko na ako naman sana ang piliin mo para hindi ka na lang masaktan ay alam ko namang hindi mangyayari 'yon. You love him, mahal mo si Earl."

"Vaughn..."

"Mas mahal mo siya. Dahil kaibigan lang naman talaga ang tingin mo sa akin."

Napapikit ako ng mariin. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko kay Vaughn pero wala akong magagawa. Kung ipagpapatuloy ko ang pagkakaibigan naming dalawa - kahit na sabihin niyang ayos lang ay alam ko namang hindi niya maiiwasang ang umasa sa'kin. Kaya hangga't maaga pa ay mas maganda na tapusin na lang ang friendship na mayroon kami ngayon.

"Kung sakaling wala na kayo ni Earl, kung sakaling nagsawa ka sa kanya? Kung sakaling na-realize mo na hindi mo naman pala talaga siya mahal? Nandito lang ako, Alexia. Katulad na lang ng paghihintay ko sa'yo noong umuwi ay handa pa rin akong maghintay para sa'yo ngayon."

"Vaughn." madiin kong bigkas sa kanyang pangalan, umaasa na baka kapag nalaman niyang naiinis ako ay tumigil na siya sa pagsasalita.

"Ako kasi hindi kita sasaktan. Lagi lang akong nandito, Alexia. Kahit maglakad ako palayo alam mo namang hinding hindi kita tatalikuran katulad ng gagawin mo kasi nga mahal kita."

Nanunubig ang mga mata ko pero pilit ko iyong pinigilan para hindi maipakita sa kanya.

"Nandito lang ako Alexia, palaging maghihintay..."

At nang tumalikod siya at naglakad palayo, naisip ko na baka isang araw na dahil sa ginawa ko ay magsisi nga ako.

***
a/n: sorry for the typos.
twitter: @jeweeelwrites

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top