Chapter 18
#FATWREighteen
"C-Christine?" nauutal-utal kong tanong sa kanya.
Isang makahulugang ngiti ang ibinigay niya sa'kin bago hinila ang upuan pero 'di pa rin siya umupo sa aking tapat.
"Pwede ba akong makaupo?" tanong nito sa akin habang paunti-unting sumisilay ang isang ngisi sa kanyang mapulang labi.
Wala ako sa sariling tumango bago sumandal sa aking upuan. Pakiramdam ko ay biglaan akong nahirapang huminga dahil sa pagkakakita ko sa kanya, ang lapit na lamang sa akin ni Christine at 'di ko alam ang dapat kong gawin.
Vaughn, nasaan ka na ba? Dalian mo!
'Yun ang gustung-gusto kong isigaw pero mas pinili kong tumahimik at isaisip na lamang iyon. Kumuyom ang aking mga palad na siyang nasa ilalim ng lamesa bago ko sinubukang ngumiti pero peke lamang ang sumilay sa aking mga labi.
"Salamat. Ang bait mo talaga, Alexia..." ani Christine saka umupo sa harapan ko at pinagmasdan akong mabuti.
Gusto kong umiwas ng tingin ngunit hindi ko magawa. Tipid akong ngumiti sa kanya at tumango na lamang. Ano bang dapat kong sabihin sa kanya?
"So sinong kasama mo? Mag-isa ka lang ba?" tanong niya sa akin saka inilagay ang kamay sa ilalim ng kanyang baba.
Hindi ko alam kung may pananadya ba sa tanong niya na alam niyang kasama ko ang stepbrother niya o hindi niya talaga alam. Pwede bang hindi na lang ako sumagot? Mamaya ay ako pa ang masabihan ng sinungaling.
"Alexia, bakit naman 'di ka nasagot? Do I make you feel uncomfortable?" taas kilay niyang tanong habang may isang mapaglarong ngisi sa kanyang labi.
I grinned, "H-Hindi naman sa ganon..."
Nabangga ni Christine ang paa ko sa ilalim ng lamesa. Gusto kong isipin na hindi niya 'yon sinadya ngunit hindi man lang siya humingi ng paumanhin at bahagya pa siyang natawa.
I creased my forehead and sighed. "Eh bakit hindi ka nasagot?" muli niyang tanong sa akin saka tinaasan akong muli ng isa niyang kilay.
Huminga ako ng malalim bago sasagot na sana nang biglang may maglapag ng tray at makisali sa usapan naming dalawa.
"Anong ginagawa mo dito, Christine?"
Nag-angat ng tingin si Christine at napairap. Ako naman ay tinignan din kung sino ang taong 'yon, nakahinga na agad ako ng maluwag.
Buti ay naandito na si Vaughn.
"Paepal naman..." bulong ni Christine na parehas naman naming narinig ni Vaughn. He scoffed and rolled his eyes.
"Magkasama kayo?" tanong ni Christine habang palipat-lipat ang kanyang isang daliri na tinuturo kami.
Vaughn just casually nodded and grinned, "Ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya.
Christine shook her head ad sweetly smiled pero alam kong sa likod ng mga ngiting 'yan ay ang malditang siya.
"Kakain lang din naman ako with someone. Kaso nakita ko si Alexia, I thought dapat mag double date na lang tayo? Actually, hinihintay ko 'yung kasama ko."
Alam kong nananadya si Christine dahil sa mga salitang binitawan niya ay ang mga salitang 'kasama ko' lamang ang talagang may diin.
Tumingin sa akin si Vaughn bago inilipat iyon sa kapatid, "Gusto ko sana na kami lang dalawa ni Alexia. Ayos lang ba 'yon?"
Ngumuso si Christine at nag-beautiful eyes pa kay Vaughn, "I don't want. Double date na nga kasi. The more the merrier, Kuya Vaughn!"
Nilagyan ni Christine ang salitang 'kuya'. Agad naman akong napatingin kay Vaughn na ngayon ay nagi-igting ang panga at ang kanyang mga palad na nasa kanyang gilid ay nakakuyom.
"Diba kuya? Mas madami mas maganda?" naningkit ang mga bilugang mata ni Christine habang mapaglaro ang ngiting nakasilay sa kanyang mga labi.
Tumahimik na lamang ako sa aking kinauupuan dahil ayoko na munang makigulo sa kanilang dalawa. Vaughn cleared his throat a lot of times habang nagtititigan lamang silang dalawa ng kanyang kapatid.
"Ano kuya? 'Di ka ba sasagot?"
Vaughn breathed heavily at wala na siyang ibang sinabi. Dahan-dahan niyang hinila ang upuan. Ngumiti si Christine at napapalakpak.
"I'll take that as a yes." bago ito kumindat at malapad na ngumiti pa sa aming dalawa.
Hindi ako komportable. 'Yun ang totoo. Paano ba naman ako magiging komportable kung nasa harapan ko ang babaeng 'to?
Vaughn took his phone out at napatingin ako doon dahil agad siyang nag-type ng kung ano. Akala ko ay may ite-text siya pero bahagya niyang dinali ang aking hita kaya naman napatingin ako sa ibaba kung nasaan din pala naka-pwesto ang cellphone niya.
'Its all good. Magiging okay din, matatapos din 'tong araw na 'to, Xia. Keep your calm'
Nag-type pala sa notes si Vaughn. Sinulyapan niya ako at ang paglapat lamang ng aking mga labi ang tangi kong sagot sa kanya. Vaughn sighed and shooked his head, marahil ay 'di na rin alam ang gagawin.
"Ayan na pala siya!"
Napatingin kami kay Christine nang bigla siyang tumayo at masayang nagsalita. Tumingin kami sa may entrance ng McDo at doon nakita ang isang lalake na papasok.
Si Earl.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso bago bahagyang napaawang ang aking bibig. Nakasuot si Earl ng isang blue long sleeved checkered polo habang naka-puting pantalon at puting vans na sneakers. May relos din siya sa kaliwa niyang braso at ang kanyang buhok ay ayos na ayos.
Alam kong napansin niya na kaming dalawa ni Vaughn na kasama ni Christine sa lamesa pero wala akong nakitang pagkagulat sa kanya katulad na lamang ng inaasahan ko. Why does it seem so natural to him? Na kahit magkakasama kaming apat sa isang lugar ay 'di naman siya naiilang?
Dere-deretsyo lamang siyang nag-lakad papunta sa'min bago nagbago ang timpla ng kanyang mukha. From poker face to a smiling and happy one. 'Di man lang niya kami tinapunan ni Vaughn ng tingin, bagkus ay dumeretsyo siya kay Christine upang halikan ito sa pisngi.
Nang maglapat ang pisngi ni Christine at ang labi ni Earl ay sigurado akong pinasadahan ako ng tingin ng babaeng 'to. I wanted to roll my eyes over and over again pero 'di ko magawa kaya naman kinuyom ko na lamang ang aking mga pala para pigilan ang inis na namumuo sa aking loob.
Lumapit sa akin si Vaughn at mabilis akong binulungan, "Nandito ako, Alexia..."
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago ako tumingin sa labas para 'di ko na sila masyadong pagtuunan ng pansin.
"Earl, this is Vaughn. Siya yung kuya ko..." pakilala ni Christine kay Vaughn.
Tipid lamang na ngumiti si Earl bago tumango, "Yes. Kilala ko siya. Hey pare..." sabi pa nito at itinaas ang kaliwang kamay para sana makipag-high five.
Akala ko ay papatulan ni Vaughn ngunit 'di 'yon ang kanyang ginawa. Nagulat na lamang kami nang biglang gumalaw ang lamesa at umuga ito, naalog pa ang mga pagkain na nasa itaas at nakapatong dito.
"Oh. Sorry, aayusin ko lang sana ang upo ko..." ngumisi si Vaughn at parang bumigat ang pag-hinga base na rin sa kanyang pagsasalita.
Sarkastikong napatawa si Earl at nagkibit balikat, "If you say so..."
"Tama na nga 'yan! Kung anu-ano ang sinasabi ninyo sa isa't-isa eh!" umiling pa si Christine bago bumungisngis.
"Earl, this is Alexia..."
Mabilis akong napatingin sa kanilang dalawa. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso at pakiramdam ko ay namamawis ang mga kamay ko kaya naman ginusot ko ang dulo ng aking bestida at 'yon ang mahigpit na hinawakan.
"Magkakilala na-"
"Ngayon ko lang siya makakausap kahit magkaklase kami..." nakangiting tugon ni Earl sa akin. Ang mga mata niya ang nagsasabi na para bang hindi naman talaga niya ako kilala.
"Really? Grabe naman 'yon!" nagulat na tugon ni Christine habang mas lalong namilog ang kanyang mga mata. "Totoo ba 'yon, Alexia?" tanong nito sa akin.
Ilang beses pa akong napakurap bago sumagot, "A-Ah... o-oo."
Ayokong magsinungaling pero natatakot ako na baka dahil sa'kin ay masaktan na naman ni Christine si Earl. Earl loves her, kahit ako ay mahal ni Earl.
Hindi ko nga lang alam kung sino ang mas matimbang. Pakiramdam ko nga minsan ay pinaglalaruan na lamang nila akong dalawa. Dahil minsan pakiramdam ko ay ako ang mas matimbang at sa mga susunod na araw naman ay magiging si Christine para sa kanya.
Hindi lang naman ako naguguluhan. Nasasaktan din ako. Sobra.
Pasikreto akong pumikit ng mariin at nang mag-angat ako ng tingin ay may isang matamis na ngiti na sa aking mga labi.
"Vaughn, kumain na tayo!" kunwaring excited kong sabi bago malapad na ngumiti. Gulat na tumingin sa akin si Vaughn.
Nakangiti lamang ako at pinagmamasdan siya, umaasang makukuha niya ang pinapahayag ko tungkol sa dapat naming gawin.
His eyebrows raised and his mouth formed an 'O' shape, "Ah, yes. Kumain na tayo."
Nagsimula na kaming kumain habang silang dalawa ay nagde-desisyon pa lamang kung ano ang o-order-in.
Dumating si Earl na may dala-dala ng tray at sumunod ang isang worker dala pa ang isang tray. Sa kanilang dalawa ang lahat ng 'yon?
"Ang dami pala ng na-order ko, babe..."
Babe? Kababuyan ng ugali ninyong dalawa.
Napatawa si Earl at umiling, "Hindi naman. Gusto kong nabubusog ka, babe. Don't worry."
Shit.
Kinuha ko agad yung baso ng coke bago ko 'yon ininom. Biglaang nanuyo ang aking lalamunan dahil sa mga naririnig ko sa kanilang dalawa. Gusto kong masuka.
Earl, shit. Pinaglalaruan mo lang ako.
"Baby, okay ka lang ba? Mukhang kulang sa'yo 'yang nakain mo..."
Dahan-dahan akong napatingin kay Vaughn habang nanlalaki ang aking mga mata. Muntikan ko na ngang maibuga sa kanya yung coke na nasa bibig ko na buti na nga lang ay nalunok ko na bago pa siya magsalita.
Pinanlakihan ko pa siya lalo ng mata, sana ay ma-realize niya kung ano ang gusto kong sabihin gamit lamang ang aming mga mata.
Napangiti ng malapad si Vaughn at napatawa bago ako kinurot sa parehas kong pisngi, "Ikaw talaga baby ko! Ang cute cute mo! Oo na alam ko namang diet ka kahit ang payat payat mo na..."
Nag-igting ang aking panga at peke na lamang akong ngumiti sa kanya at itinaas ang aking kilay bago siya pabirong hinampas sa kamay.
"Ikaw talaga! Alam mo namang ayaw kong nataba ako eh..." pagbibiro ka pa.
Vaughn cocked his head to the side and chuckled, "Kaya nga sorry na baby ko..."
Inalis ko na lamang ang tingin ko sa kanya bago pinagpatuloy ang pag-subo ng pagkain nang biglaan siyang lumapit sa'kin at mabilis na hinalikan ako sa pisngi.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang kanyang ginawa. Hindi ako tumingin kay Vaughn, kay Earl ako napatingin na siyang nakatitig sa aming dalawa ni Vaughn.
Wala naman akong mabasang ekspresyon sa kanyang mga mata, ni selos o sakit ay wala akong nakita.
Dahil doon ay parang may kumirot at sumakit sa aking puso. Bakit ganito? Bakit ang gulo? Naiinis na ako sa sarili ko pati na sa nangyayari sa buhay ko!
"Baby ang tawagan ninyo? Kuya, hindi ko naman alam na may girlfriend ka na. Akala ko ay magkaibigan lang kayo. Close friends, like that..." sabi ni Christine habang may nalalaman pang pagesture-gesture.
Vaughn nodded, "You don't know na kami na? Then why did you mention na double date?" ngumisi si Vaughn saka tinapik ang lamesa ng ilang beses.
Tumikhim si Christine at nanliit ang mga mata, "My fault."
"Yes. Baby ang tawagan namin, got a problem with that, baby sis?" mapaglarong tanong ni Vaughn.
"Wala naman." nagtaas ng kilay si Christine. "It's just too mainstream..."
Nag-taas ako ng kilay, "At ang tawagang babe ba ay hindi?"
Napunta ang tingin nilang tatlo sa akin and I kept my stern look.
Punyeta, asar na asar na talaga ako!
"Ikumpara mo naman ang babe sa baby. Baby is better, babe? Ano kayo? Baboy?"
Nag-igting ang panga ni Christine sa sinabi ko ngunit hindi ko na lamang 'yon pinagtuunan ng pansin. Sa pagsulyap-sulyap ko ay nakikita ko pa silang nagbubulungan.
Palihim akong umirap, lumalabas na talaga ang kamalditahan ko.
Narinig ko ang sarkastikong pagtawa ni Christine maya-maya pero hindi ko na 'yun pinansin. Nang mag-angat ako ng tingin ay 'yon ang pinagsisihan ko.
Mabilis nilang pinaglapat ang kanilang mga labi bago matamis na ngumiti sa isa't-isa. Parang nadurog ang puso ko sa nakita ko sa aking harapan, hindi ko alam kung paano pipigilan ang sarili ko mula sa pagiging malungkot.
Parang gusto ko na namang umiyak.
'Di ko na napigilan ang sarili ko mula sa pagtayo. Doon na din tumulo ang luha ko kasabay ng pagtayo ko at mabilis akong nagtungo sa exit. Ano ba namang kadramahan 'to? Talagang naganap pa sa McDo.
Mamaya maging commercial pa 'to.
Nang makalabas ay doon tuluyang tumulo ang luha ko. Bakit kasi kailangan sa harapan ko pa? Akala ko talaga ay matutulungan na ako ni Vaughn pero hindi pala. Hindi na ako nagpa-abot sa kanila at nang makakita ako ng jeep patungong Imus, kahit siksikan pa ito ay doon na ako sumakay.
Nag-text ako kay mama nang makuha ko ang cellphone ko mula sa bag.
Ako:
Mama, pauwi na po ako. Nandiyaan pa po ba si Tita Joy at Chantal?
Mga trenta minutos na ang lumipas at natanggap ko na ang reply ni mama sa aking text message.
Mama:
Ingat ka 'nak. Nandito pa sila, sa isang buwan pa sila lilipat sa sarili nilang bahay.
Hindi na lamang ako nag-reply at isinandal na lamang ang ulo ko bago saglit na pumikit at huminga ng malalim.
Gusto ko na lang mag-pahinga para makalimutan ko na lahat ng problema ko, at least.
Nang makababa ako ay nag-stay na lang muna ako sa waiting shed dahil may malapit doon na nagti-tinda ng fishball. Bumili ako doon at sinabi ko na sa tindero na siya na ang tumusok para sa akin kaya naman maghihintay na lang ako kapag tinawag ako.
May tumigil na jeep sa tapat ng waiting shed pero hindi ko na lamang 'yon pinagtuunan ng pansin dahil nakatutok ako sa pinapanood kong k-drama sa aking cellphone. Mas ayos na ito kaysa problemahin ko pa ang nakita ko kanina na ginawa nila Earl at Christine.
Bakit ba kasi 'di ko na lang binalewala itong nararamdaman ko? Ako lang din naman ang masasaktan - alam ko na 'yun noon pa.
Nandoon na ako sa nakakakilig na part kung saan hahalikan na nung bidang lalake yung female lead, unti-unti na sana akong ngingiti nang biglang may humablot ng cellphone ko.
"Ay snatch-"
Seryoso siyang tumingin sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"H'wag kang kikiligin sa ibang lalake kahit pa korean drama. Nagse-selos ako."
Earl?!
***
a/n: lol. ang corny na neto. i kennot hahahaha. follow me on twitter! @jeweeelwrites ! [ #teamvaughn ] or [ #teamearl ]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top