Chapter 17
#FATWRSeventeen
Ang minsan na sinabi ni Vaughn ay ngayong araw. Linggo at alas dos pa lamang ng hapon ay tapos na akong mag-ayos ng aking sarili. Nakapag-paalam na rin ako kay mama kagabi at umalis sila ni Tita Joy ngayon. Naisip ni tita na dapat ipasyal si mama kahit minsan sa mga lugar na mage-enjoy siya at hindi pa niya napupuntahan.
Kinuha ko ang cellphone ko at ang ine-expect ko na text o tawag man lang mula kay Earl ay wala akong natanggap. Alam ko namang nakita niya ako kahapon na nakita sila ni Christine na magkasama pero ni isang paraan lamang upang malinawan ako at makausap niya ako ay wala naman siyang ginawa.
Ganon niya ba kamahal si Christine? Pero ang sabi niya ay mahal niya rin naman ako hindi ba?
Ini-text ko na lamang sila Angeline at sila Sheena upang mangamusta kung paano ang linggo nila. Angeline replied within three minutes, ang sabi niya ay pupunta sila ng mall ng family niya at pagkatapos non ay magsisimbasa Baclaran.
Si Sheena naman ay nasa bahay lang at tinatamad lumabas kaya naman kahit anong aya ko sa kanya na sumama sa'kin mag-simba ay 'di ko siya mapapayag.
Si Francesca naman ay nasa mall rin kasama ang pamilya at mukhang next week pa sila uuwi. Ibigsabihin ay absent siya for one whole week?
Napaisip ako, wala rin naman masyadong gagawin next week - hindi na nga rin kami nagdi-discuss o kahit ano pang lecture. Hindi rin naman ata kasali si Francesca sa practice ng mga sayaw sa prom sa pagkaka-alam ko kaya siguro ay okay naman na um-absent siya.
'Yun nga lang, kailangan niyang sabihin sa mga teacher kung bakit talaga siya absent. 'Di pinapaburan ng mga teachers ang excuse na family gatherings dahil alam naman nila na pwedeng gawin 'yon sa ibang araw o sa bakasyon.
Muli akong tumayo sa harap ng salamin at tinignan ang aking itsura. Suut-suot ko ang baby blue dress na ibinigay sa akin ni mama noon at yung sandals na ibinili sa akin noon ni papa noong buhay pa siya. Matipid akong napangiti, sobrang nami-miss ko na si papa.
Naaalala ko noon kapag umiiyak ako ay bibigyan ako ni papa ng band-aid kahit wala naman akong nakuhang sugat mula sa paglalaro o sa kahit anong dahilan kung bakit ako biglaang umiyak.
Nagtataka ako noon kung bakit niya ako laging binibigyan ng band-aid samantalang hindi ko naman 'yon magagamit sa kadahilanang wala nga akong sugat.
Sa tuwing magkukulong ako sa kwarto at magmumukmok ay kakatukin niya ako, aaluin bago ibibigay ang band-aid na may cute na design at kulay pa.
"Bakit mo ako laging binibigyan ng band-aid kapag naiyak ako pa? Wala naman po akong sugat..." taka kong tanong habang nasa gitna ako ng kanyang mga hita.
Napatawa si papa noon bago sinuklay ang isang side ng aking buhok gamit ang kanyang mga daliri.
"Kasi anak pwede mo 'yang gamitin lahat sa oras na magkasugat ka. E di mas mabilis na maghihilom ang sugat mo, binibigyan kita para magkaroon ka ng koleksyon..."
Kumunot ang noo ko, "Eh hanggang ngayon po kapag umiiyak ako ay 'di naman po dahil sa sugat. Baka masayang lang po ang mga band-aids na 'yon..."
"Kasi habang bata ka pa magagamot pa ng band-aids ang mga sugat mo pero kapag lumaki ka na, hindi na gagana ang mga iyan. Dahil ang sakit na mararamdaman mo kapag lumaki ka ay 'di na pisikal, madalas ay emosyonal na..."
At noon ay wala akong maintidihan sa sinabing iyon ni papa pero ngayong lumaki na ako ay mayroon na.
Naiintindihan ko na talaga.
Noong bata ako ay nilalakasan ko talaga ang pag-iyak para malaman nila na may nang-away sa'kin at i-comfort nila ako hanggang sa maging masaya na ulit ako. Ngayon namang malaki na ako ay 'di na ganoon, sobrang dami na ang nagbago.
Tahimik lamang akong humihikbi kapag naiyak ako dahil ayokong malaman nila na nasasaktan ako.
Dahil kumpara sa mga sakit na naranasan ko noong bata ako ay mas masakit ang nararanasan ko ngayon.
"Tao po!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Vaughn. Muli kong tinignan ang sarili ko sa salamin para sa huling beses bago kinuha ang aking bag at mabilis na bumaba para siya'y salubungin at pagbuksan.
"Hi-"
Hindi naituloy ni Vaughn ang sasabihin nang makita niya ako sa kanyang harapan. His mouth were slightly opened kaya naman agad kong nilagay ang dalawang daliri ko sa kanyang baba bago pilit na isinara ang kanyang bibig.
"Baka gawing tirahan ng mga langaw..." natatawa kong sabi sa kanya bago siya tinaasan ng kilay.
Ilang beses pa siyang kumurap-kurap, "H-Ha?"
"Vaughn! Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit bigla-bigla ka na lang natutulala?" sabi ko sa kanya.
"Ang ganda mo kasi..."
Napangiti ako at pinanliitan siya ng mga mata, "Talaga ba? Wala akong pera para mailibre ka ha..."
Agad siyang tumango at napakamot sa kanyang batok na para bang nahihiya, "Totoo naman at tsaka wala naman akong balak magpa-libre sa'yo. Ako ang sasagot sa lahat ng gastos natin mamaya..."
Lalong lumapad ang ngiti ko, "Talaga, Vaughn?"
Mabilis siyang tumalikod, "Oo nga! Kaya halika na!"
Napabulanghit na lamang ako ng tawa nang makita kong namumula ang kanyang tainga.
Nakasakay kami agad ni Vaughn sa jeep at patuloy lamang kaming nagke-kwentuhan hanggang sa maitanong ko sa kanya kung saan kami magsisimba.
"Saan ba?" tanong ko sa kanya saka inilagay ang cellphone ko sa aking bag na nakapatong sa mga hita ko.
"Sa COG..."
Umawang ang bibig ko, "Sa Church of God?" tanong ko.
Pinaglapat niya ang kanyang labi saka mabilis na tumango, "Oo. Ngayon ka lang ba makakapunta doon?"
"Nakapunta na ako doon ng isang beses nang isama ako ni Angeline. Ngayon na lang ulit ako makakapunta..."
Isang malapad ang ngiti na binigay ko sa kanya. Nang makarating kami doon ay agad na kaming bumaba. Malapit ang COG sa JCKL na paaralan kung saan nag-aral noon ang isa sa mga pinsan ko.
Malaki ang COG. Wala pa sa entrance ay napakalawak na ng madaraanan mo, naglakad lamang kami Vaughn at doon makikita ang mga lamesa, sa harapan ay mayroong mahabang lamesa kung saan nandon ang ilang mga kabataan na naguusap-usap at naga-anyaya ng mga bisita.
"Uy Vaughn!" tawag ng isang babae kay Vaughn. Nandoon rin pala siya sa mahabang lamesa kasama ang iba pa at kumakaway siya kay Vaughn.
Malapad na ngumiti si Vaughn at binati ang babae, "Uy Danica! Kamusta?"
"Ayos lang naman ako. Ikaw? Aba ngayon na lang ulit nakapunta rito ah!"
Tinapik ni Danica si Vaughn sa kanyang braso. Tawa lamang ang naging tugon ni Vaughn sa kanyang ginawa. Masaya silang nag-uusap nang biglaang mapunta sa akin ang tingin nung babae.
"May girlfriend ka na pala Vaughn?"
Tumaas ang dalawang kilay ko at bahagyang napaawang ang aking bibig. Si Vaughn din ay ganoon bago napangiwi, "Danica talaga..."
Ngumisi din ang iba pang mga lumapit. "So may girlfriend ka na nga talaga, Vaughn?" tanong pa ulit nito.
Siniko ko si Vaughn at agad siyang umiling.
"H-Hindi ah! Kaibigan ko lang 'to, sinama ko lang dito para makapagsimba..."
Nanliit ang mga mata nila, "Talaga ba? Sa tagal ng pagkakaibigan natin ay ngayon ka lang may dinalang babae dito na kasama mo mag-simba. At 'di pa namin kilala!"
Umiling ako at matipid na ngumiti, "H-Hindi niya ako girlfriend. 'Y-Yun yung totoo..." at kasunod non ay ang awkward kong pag-tawa.
Tumango tango sila pero may disappointment akong nakita sa kanilang mga mata. Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil na silang apat sa pagtatanong.
"Alexia, ito nga pala si Danica, Yellaine, Henry at Dave..." isa-isang tinuro ni Vaughn ang apat na nasa aming harapan.
Ngumiti ako, "Nice meeting you..." sabi ko sa kanila at kumaway pa kahit napakalapit na nila sa'kin.
"Nice to meet you too, Alexia. Ang pretty mo! Kaya nagtataka kami bakit di ka nililigawan nitong si Vaughn eh..." pag-nguso nung Yellaine bago pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Torpe kasi 'yang si Vaughn. Sikat man 'yan bilang varsity doon sa school nila ay 'di marunong manligaw 'yan!"
"Tumigil ka na nga kayo. Mga siraulo talaga kayo, ako na naman ang napag-tripan ninyo!" reklamo ni Vaughn bago pilit na itinaboy ang mga kaibigan niya.
Nang magpaalaman ay sabay na kaming pumasok ni Vaughn sa loob. Malaki ito at napakalamig, may malaking screen sa harap at ang malaking stage. Pagpasok pa lamang namin ay marami na agad tao kaya mabilis kaming naghanap ni Vaughn nang pwesto na aming mauupuan.
"Dito na lang..." sabi ni Vaughn bago hinila ang isang upuan at hinayaan akong umupo doon.
Tumango ako at ngumiti, "Ang ganda dito sa pwestong nakuha mo..." sabi ko sabay ayos ng aking dress pati na ang aking pagkaka-upo.
Ngumiti si Vaughn sa akin bago umupo.
"Buti nakaabot tayo sa worship service..." mahinang sabi ni Vaughn bago pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.
Maya-maya ay may isang grupo na lumabas sa stage. Ang iba ay naka-green, naka-red at ang iba naman ay naka-blue. May tatlong microphone sa oinakaharap kaya naman pumwesto ang tatlo doon at ang iba naman ay nasa likod, magsasayaw.
Naglabasan na din yung mga tutugtog ng instrumento. Nag-tayuan ang mga tao at kasama na kami doon ni Vaughn. Isang Christian song ang kanilang pinerform at ang aming mga kamay ay nanatiling nakataas, nakapikit, at taimtim din na nag-darasal.
"Magsisimula na..."
At mamaya-maya pa ay lumabas na ang pastor. Binati niya muna kami ng isang magandang hapon bago tuluyang nagsimula sa pagse-sermon.
"When we pray, dapat ACTS. Do you know what ACTS means?" tanong niya sa amin habang nakatayo sa stage.
Sumagot kaming lahat, "No!"
"In ACTS. A means adoration, C means confession, T means thanksgiving and S means supplication..." pagsisimula niya para ipaliwanag samin kung ano ang meaning ng mga salitang 'yon.
"When we pray, we should learn to show our love for Him, for the one above and show him our adoration of how much we want to talk to Him and tell Him our problems. With confession, we should be real and honest with Him dahil iisipin niyo pa lang ang isang bagay ay alam na niya kung ano ang mangyayari sa inyo. Lying has no use when it comes to Him, he knows everything. Kaya dapat kapag tayo ay nagdadasal, we should confess and tell Him all of our sins."
"With thanksgiving, we should give thanks for everything He gave us, for the everyday guidance and for the everyday love. With the supplication, kailangan nating i-apply ang mga bagay na 'to sa ating buhay at sa kabila ng cruel na mundo, dapat araw-araw pa rin nating sundin ang kanyang mga utos..."
Ngumiti siya at kitang kita iyon sa malaking LED screen, "That's how we should pray and let us all talk to Him everyday."
Pinalakpakan namin siyang lahat at kahit tahimik lamang ako at hindi nag-take notes ay tandang tanda ko sa isip at puso ang kanyang mga binitawang salita.
"Nag-enjoy ka naman ba?" tanong sa'kin ni Vaughn nang makalabas kami.
Mabilis akong tumango, "Oo naman! Nag-enjoy talaga ako! Baka bumalik rin ako dito kahit mag-isa lang ay ayos na..."
Ngumuso si Vaughn, "Di mo ako isasama?"
"Kung gusto mo sabay ulit tayo pero baka kapag busy ka, ako na lang ang pumunta. Sumaya ako..."
Vaughn patted my head bago siya malapad na ngumiti, "Ganyan talaga kapag paunti-unti kang bumabalik kay Lord. He fills your heart with His love and His blessings..."
Tumango ako, "Thank you, Vaughn... sa pagdala sa'kin dito."
Kinindatan niya ako, "Basta ikaw!"
Nag-kwentuhan lamang kaming dalawa at hindi talaga kami nauubusan ng topic. Kahit nonsense man o iba pa ay nage-enjoy talaga kaming mag-usap.
"Kain kaya tayo? Tara sa McDo?" tanong niya.
Tumango ako, "Basta sagot mo pamasahe ko!" sabi ko at tumawa.
Bumuntong hininga siya at ngumuso, "Oo na, oo na. Tara nagugutom na ako..."
Naglalakad na kami nang may marinig akong ilang mga bata na nag-iingay. Napalingon ako sa likod ko at mga bata pala iyon na nagba-bike at sakop ang buong daanan.
Kung hindi pa siguro ako nahila ni Vaughn ay baka mas malaking disgrasya ang nangyari.
"Alexia!" sigaw ni Vaughn habang hawak-hawak ako sa braso.
"Dito ka na nga lang sa gilid, mamaya ay kung ano pa ang mangyari sa'yo..."
Napatungo ako, "I'm sorry..."
"Okay lang. Basta mag-iingat ka kaya lagi akong nag-aalala sa'yo eh. Dapat ata lagi mo kong kasama..."
Nang makarating kami sa McDo ay siya na agad ang nag-volunteer na um-order at ako naman ang naghanap ng lamesa at upuan na pwede naming ma-pwestuhan.
Komportable akong umupo malapit sa may salamin kung saan kita ko ang lahat sa labas. Inililibot ko lamang ang tingin ko nang biglang may isang pamilyar na tinig ang kumuha sa aking atensyon.
"Excuse me..."
Nag-angat ako ng tingin at nabato sa aking kinauupuan. Hindi ko naman inasahang makikita ko ang babaeng ito sa harapan ko.
Isang ngisi ang lumitaw sa kanyang mga labi.
"Hi Alexia..." ani Christine.
***
a/n: so hindi ko alam kunh mahaba 'tong chap na 'to pero bahala na hahaha. follow me on twitter @jeweeelwrites and tweet me your thoughts about this! : ) #teamvaughn or #teamearl ? enjoy reading! <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top