Chapter 15

#FATWRFifteen

"What?" gulat na tanong sa akin ni Angeline habang nag-uusap kaming tatlo ni Earl sa rooftop.

Nahihiya akong napatungo at si Earl naman ay naririnig kong mahina ngunit naiilang na natatawa. Muli akong nag-angat ng tingin upang makita kung nagbago nga ba ang reaksyon ni Angeline sa pinagtapat naming dalawa ni Earl.

"Seryoso ba talaga kayong dalawa sa sinasabi ninyo?" gulat na gulat na tanong ni Angeline habang nanlalaki pa ang kanyang mga mata.

Siniko ko si Earl at napabuntong hininga ako. Agad na tumingin sa akin si Earl at pinanlakihan ako ng mata, ganoon din naman ang ginawa ko bilang pantapat.

"K-Kailangan ko lang naman ng oras para makipaghiwalay kay Christine..." sabi ni Earl habang pinagsisiklop ang dalawa niyang kamay at seryosong nakatitig sa mga mata ng kaibigan ko.

Kumunot lalo ang noo ni Angeline at mas lalong lumalim ang gatla doon.

"You need time? B-Bakit? Hoy, h'wag na h'wag mong paglalaruan ang feelings ng kaibigan ko!"

Mabilis na umiling si Earl, "Hindi talaga. Mahal ko 'tong si Alexia..."

Dumapo ang kanyang kamay sa kamay ko at mabilis na pinunan ang mga espasyo sa pagitan ng aking mga daliri bago matamis na ngumiti.

"Mahal kita..."

Alam kong namumula na ang mga pisngi ko kaya naman pilit na lamang akong umiwas ng tingin sa kanya at mas lalo namang namula ang pisngi ko dahil sa mga salitang lumabas pa sa bibig ni Angeline.

"Aba. Kalalandi ninyo."

Tinignan ko si Angeline at nakita ko siyang nakasimangot lamang sa aming dalawa habang naka-krus ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib. Ilang beses pa niya akong inirapan at ilang beses na lamang napaawang ang bibig ko dahil doon.

"Sigurado ka bang gusto mong itago si Alexia bilang girlfriend mo habang ang kilala ng lahat ay si Christine na tine-take for granted ka lang naman?"

"H-Hindi mo kasi alam ang kaya niyang gawin..."

Umiling si Angeline at bumuntong hininga bago seryosong nagpalipat-lipat ang kanyang tingin sa akin papunta kay Earl.

"Ayoko mangealam kasi pagmamahalan niyong dalawa 'yan. Magtatago ng relasyon? Mahirap 'yan lalo na't magkasama lang kayo sa isang classroom at mahal niyo ang isa't-isa..." simula ni Angeline.

"Pero sana kung 'yan ang gusto niyong gawin, mag-ingat kayong dalawa. Dahil sa oras na malaman 'yan ng iba, lalo na sila Francesca at pati na si Christine, malaking gulo talaga ang mangyayari. Mapapahiya yung kaibigan ko Earl at mas lalong lalala yung mga issue sa'yo..."

Napatungo si Earl at pinaglaruan na lamang ang mga daliri ko. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, ano ba ang dapat kong sabihin? Dapat ko na rin bang ipaalam kaynila Francesca at Sheena ang lahat ng ito?

"Sana naman Earl h'wag mong idamay yung kaibigan ko. Ingatan mo 'yan kung ipagpapatuloy niyo yung pinaplano niyo. Ayoko nang mangealam, basta nandito lang ako kapag kailangan niyo ng kakampi at kaibigan."

'Yun ang huling sinabi sa amin ni Angeline bago niya kami iwan ni Earl sa rooftop. Ang sabi niya ay mag-usap na muna kaming dalawa kung ano ba daw ang dapat gawin para sa nga nararamdaman namin para sa isa't-isa.

"A-Ano nang gagawin natin?" nag-aalangan kong tanong sa kanya habang pinaglalaruan ang sarili kong mga daliri.

Saglit na 'di nagsalita si Earl pero maya-maya ay narinig ko na siyang tumatawa ng mahina. Kumunot ang noo ko, "Bakit ba natawa ka na naman?" naiirita kong tanong sa kanya.

Matamis siyang ngumiti sa akin at pinisil ang parehas kong pisngi, "Ang cute cute mo talaga kapag nahihiya ka tsaka kapag nagsusungit..."

Lalo akong napasimangot sa kanyang sinabi. Kung kailan naman kailangan mag-seryoso ay doon siya walang tigil sa kanyang pagbibiro.

"Biro lang..." sabi niya at mabilis na lumapit sa akin para halikan ang tungki ng aking ilong.

"Earl!" singhal ko sa kanya dahil sa pagkagulat ko sa kanyang ginagawa.

"Alexia!" pag-gaya niya pa sa akin.

Napairap na lamang ako at mabilis na tumayo para sana umalis na sa rooftop at iwanan siya doon.

Ngunit agad niya akong hinila gamit ang paghawak sa aking palapulsuhan at hinila ako paupo. I was already in between his legs at parang ayaw niya akong pakawalan.

"Hoy Earl!" pabulong kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas sa kanyang pagkakahawak at pagkakakulong sa akin.

Tumawa siya at bigla akong hinalikan sa pisngi, "Hoy Alexia..." panggagaya niya pa sa'kin.

"Tigilan mo nga ako!" sabi ko saka tinanggal ang pagkakapulupot ng kanyang braso sa aking bewang.

Mabilis siyang umiling at hinuli muli ang beywang ko. "Eh, ayoko!"

"Isa. Earl!"

"Dalawa!"

"Earl naman?!"

"Sige na nga..."

Saka niya lamang ako binitawan, nang humarap ako sa kanya ay isang malapad na ngiti ang kanyang ipinakita sa akin saka kinurot ang aking ilong.

"H'wag ka nang mainis. Basta sa'yo ako masaya. Lalo na kapag lagi tayong magkasama kaya naman sobrang kulit ko katulad na lang nito..." sabi niya bago hinaplos ang aking kaliwang pisngi.

"Nagiging sobra-sobra yung pagka-galak ko kapag nakikita kita lalo na sa harapan ko. Mahal kasi kita kaya ganoon pero trust me Alexia, gagawa naman ako ng paraan. Promise 'yon..."

Isa pang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa'kin bago niya ako hinalikan sa noo at hapitin para isang mainit at mahigpit na yakap.

I held on to his promise. Akala ko noon ay magiging ayos din ang lahat when the times comes or so I thought?

"Alexia!" sigaw ni Sheena nang makita niya akong naglalakad sa hallway.

"Bakit?" tanong ko saka siya pinagmasdan.

Nasa tuhod niya ang kanyang mga kamay habang hinahabol ang kanyang hininga. Itinaas niya ang isa niyang kamay at parang sinabing maghintay lamang ako saglit.

"Bakit ba tumatakbo ka? Ayan tuloy hingal na hingal ka na..." sabi ko sa kanya at ilang beses na marahang tinapik ang kanyang likuran.

"S-Sasali ka ba sa prom, Alexia?"

Prom? Kumunot ang noo ko. Oo nga pala at malapit na ang annual event na 'yon para sa mga junior at senior. Napakamot ako sa ulo at dahan-dahang umiling.

"Ha? Bakit?" gulat na tanong ni Sheena bago dumeretsyo ng tayo at naguguluhang tumingin sa akin.

"Yung kay mama kasi eh. Kailangan na muna naming magtipid..." sabi ko at matipid na ngumiti.

Kahit naman gustung-gusto kong um-attend ng prom ay hindi rin pu-pwede. Kapag itinanong sa akin ni mama kung mayroon ba kaming mga ganitong event ang sasabihin ko na lamang ay hindi.

Kailangan naming magtipid para sa lagay niya at ayokong pilitin sila na para bang manganak ng pera para lang makasali ako. Lalo na si Tita Joy, mahilig pa naman siya magpasali ng mga pamangkin sa mga ganitong event.

"Sayang naman..." Sheena snapped her fingers bago kinamot ang likuran ng kanyang ulo bago tumingin sa'kin at tipid na ngumiti, "Pero naiintindihan naman namin kung bakit."

"Sama ka na lang sa'kin. Viewing din naman ngayon eh tsaka wala rin namang mobilization ang mga teachers."

Tumaas ang parehas kong kilay, "Saan?"

"Doon sa baba. May mga magpa-practice ng sayaw sa prom. Eh sasayaw din ako, panoorin mo 'ko, Alexia!"

"H-Ha? O sige."

'Yun na lamang ang tangi kong nasabi dahil biglaan na lamang din akong hinila ni Sheena para bumaba at sumama sa kanya.

Pagkarating namin doon ay naupo na lamang ako sa mga bleachers at inayos ang mga papel na hinawak ko bago 'yon isiniksik sa isang blue morocco folder. Kailangan ko kasing ayusin ang mga listahan ng sasali sa cotillion at iba pang sayaw sa prom.

Tutal tapos na naman ako ay sumama na lamang din ako kay Sheena para ako ay may magawa.

Kahit manood lamang ay ayos na ako.

Komportable akong umupo doon at inilibot ang aking tingin.

"Go to your places at tumabi sa inyong mga partner!"

Sigaw nung kalbong bakla na nasa taas ng stage at nakapamewang. Strikto siyang nakatingin sa lahat ng kasali, umayos na lamang ako ng upo at inobserbahan sila.

Lahat pala ng sasayaw sa chacha ay mga third year high school. Sa fourth year siguro ay waltz at ang kalahati ng pinagsamang third year at fourth year ay sa mismong cotillion na sasayaw.

Ngumuso ako nang makita kong tumabi si Sheena sa isang matangkad at payat na lalake. Muntikan na akong sumigaw pero itinuloy ko na lamang sa aking isipan.

Ang kapartner pala ni Sheena ay yung lalakeng dating nanligaw sa kanya ngunit ni-basted lamang niya.

Sumandal ako sa bleachers at pinagkrus ang dalawa kong braso sa ibabaw ng aking dibdib nang mahagip ng mga mata ko ang dalawang taong hindi ko inaasahang makikita ko doon.

Si Earl at Christine na magkahawak kamay at matamis na nakangiti sa isa't-isa habang nagsasayaw ng chacha.

Matamis at malapad na nakangiti si Earl kay Christine habang ang babae naman ay titig na titig sa mga mata niya. Parang may kumirot sa puso ko lalo na noong mapunta ang aking tingin sa mga kamay ni Earl na nakapulupot sa beywang ni Christine at sa kamay nilang magkasiklop kahit hindi naman dapat ganoon ang pagkakahawak kamay para sa sayaw.

Parang may mga libu-libong karayom ang tumusok sa puso ko dahil na rin siguro sa selos. Oo, nagseselos ako dahil ganon ang itsura nilang dalawa. Napatungo na lamang ako at napansin lamang ako nang lahat nang bigla akong tawagin nung kanilang choreographer.

"Kasali ka ba sa sayaw?"

Kumabog ng malakas ang puso ko at hindi alam kung ano ang isasagot dahil ibang bagay ang umo-okupa sa isip ko. Napatingin ako kaynila Christine at Earl. Si Earl ay hindi pa nakatingin at patuloy ko na lamang na hiniling na 'di na siya titingin pero kabaliktaran ang nangyari.

Tumingin siya sa direksyon ko at ang inaasahan kong pagkagulat sa kanya ay hindi nangyari. Malamig lamang siyang nakatitig sa akin habang hawak hawak pa rin ang kanay ni Christine.

Si Christine na girlfriend niya.

"Binge ka ba neng? Ang sabi ko kung kasali ka ba sa sayaw?" tanong nung bakla.

Napaawang ang bibig ko at mabilis na umiling, "P-Pasensya na po. H-hindi po ako kasali, aalis na lang ako..."

Napatingin din ako kay Sheena na naguguluhang nakatingin sa akin, siguro dahil na rin sa aking mga pagkilos.

Mabilis kong kinuha ang dala-dala ko kanina sa bleachers at mabilis na lumabas ng lugar.

Tumatakbo ako nang may makabangga ako at kumalat ang mga dala ko sa lupa. Agad ko iyong pinulot at 'di na pinagtuunan ng pansin ang taong 'yon.

"Sorry-Alexia?"

Tanong niya pero 'di ko na siya agad pinansin at mabilis akong tumakbo palayo kasabay ang mga luha kong tumutulo.

"Alexia!"

'Yun na lamang ang huli kong narinig bago ako tuluyang makalayo.

***
a/n: kamusta mga kaganapan sa prom ninyo? baka mga march pa kami lol skl. hahaha. thanks for reading : )

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top