Chapter 13

#FATWRThirteen

"Anong ginagawa mo kapag malungkot ka?" tanong ko kay Angeline nang minsang magpunta ako sa bahay nila.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa bago ako tinitigang mabuti, "Ano ba namang klaseng tanong 'yan, Xia?"

Bahagya akong napatawa, "Wala naman. Gusto ko lang malaman kung ano ang ginagawa mo kapag ganoon..."

Inilagay niya yung tasa ng popcorn sa ibabaw ng lamesa at pinanliitan ako ng mata.

"I think and rest, ganon lang." Umupo siya sa harapan ko at pinagkrus ang kanyang mga binti. "Tungkol ba 'to kay Earl?"

Umiwas ako ng tingin at bigla na lang nawala ang pakiramdam ko ng pagiging komportable. Dahan-dahan akong tumango at kinagat ang pang-ibaba kong labi.

"You like him that much?" tanong sa akin ni Angeline bago siya dumakot ng popcorn mula doon sa tasa.

Nagkibit-balikat ako, "Ewan. Siguro..." napabuntong hininga na lamang ako dahil pati ang sarili kong nararamdaman ay wala man lang akong paninigurado.

"Hindi mo rin alam?" tanong nito sa akin at mas lalong lumalim ang gatla sa kanyang noo.

"H-Hindi ko alam ang isasagot ko, Angeline..." pag-amin ko.

Umiling siya at nagsalita, "Hindi naman mali yung nararamdaman mo. Ang mali ay yung sa lalakeng komplikado pa ang buhay ka nagkagusto. Mahihirapan ka niyan eh."

Mahina akong napatawa at pinaglaruan ang aking mga daliri. Natahimik na lamang din ako pagkatapos non, hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa mga sinasabi sa'kin ni Angeline pero mukhang tama siya.

Mali yung lalaking nagustuhan ko.

"Love can never be wrong, Alexia. Tayo yung mali. Tao yung mali." seryosong sabi ni Angeline bago inubos ang orange juice. Napatingin ako sa kanya at nanatili akong nakatitig lamang sa kanyang mga mata.

"Bakit parang ang dami mong alam sa pag-ibig?" taka kong tanong sa kanya.

She smiled, "Divorced ang parents ko. Sa lola ko ako nakatira. Even though I don't have my parents, I know what love is about..."

"E di tungkol saan to?" tanong ko sa kanya bago ako nagpakita ng isang malungkot na ngiti.

Angeline sweetly smiled and looked above the sky bago muling ibinalik ang kanyang tingin sa akin.

"Love is about everything, Alexia. Kailangan mo lang mafigure out kung ano at sino ang everything na 'yon..."

Kumunot ang aking noo, "Anong ibigsabihin mo doon?" muli kong tanong sa kanya upang mas malinawan ako at maintindihan ko ng maayos ang usapan namin.

"It's about everything. Baka sa ngayon Alexia ay si Earl ang maging lahat lahat mo. If he is, then it's love." tumayo ito at iniwan ako sa garden.

Buong akala ko ay 'di na niya ako babalikan kaya naman tatayo na sana ako pero agad rin naman pala siyang babalik.

"Ayaw mo bang mawala si Earl sa'yo?"

Napailing ako. Ayoko.

"Kaibigan mo ako, Xia. I don't want to meddle with your love for him. Ikaw ang nagkagusto at 'di ako kaya wala akong karapatang mangealam. Ang tanging itatanong ko lang sa'yo..."

Seryoso akong tumingin sa kanya, walang ekspresyon at naghihintay sa idudugtong niya sa kanyang mga sinabi.

"Gugustuhin mo bang maging magka-relasyon kayo habang sila pa ni Christine? Lalo na't alam mong mahal ka niya..."

Doon ako talagang hindi nakasagot. Normal lang ang paraan nang pagkakasabi non ni Angeline sa akin pero pakiramdam ko ay 'yon na ang pinakamahirap na tanong.

Nanatili lamang akong parang nakatitig sa kawalan dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kung ano ang isasagot sa tanong niya. Hindi ko alam.

Dahil pakiramdam ko na lahat ng lalabas sa bibig ko ay puro kamalian lang na mas makakaapekto sa'kin at sa takbo ng buhay ko ngayon.

"Huy. Sagutin mo 'yung tanong ko, Xia..." pangungulit sa akin ni Angeline habang iwinawagayway ang kamay sa harapan ng aking mukha.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumungo. Nag-iinit ang gilid ng mga mata ko at hindi ko alam ang rason kung bakit. Wala namang kaiyak-iyak sa sinabi sa akin ni Angeline, hindi ba?

Wala naman talaga. Wala.

"Hindi mo alam ang isasagot noh?" parang naga-alangan pa niyang tanong sa akin.

Kumuyom ang mga palad ko habang nakapatong ito sa ibabaw ng aking hita saka mabilis na umiling. Hindi, hindi ko alam ang sagot sa tanong na 'yon.

"Maaayos din 'yan, Xia. Naandito lang naman kami para sa'yo..."

Matipid siyang ngumiti sa'kin, ganon na lamang din ang aking ginawa. Lumipas ang ilang oras na puro payo lamang ni Angeline para sa sitwasyon ko ang napag-uusapan namin at ang iba pang oras para sa iilang bagay na pinagku-kwentuhan na lamang namin.

Ilang oras naming pinag-kwentuhan ang mga nangyari sa'ming magkakaibigan noong mga nakaraang taon. Lalo na noong unang pagkakataon na magkakilala kaming apat.

"Angeline..." tawag ko sa kanya nang pauwi na ako, habang hinahatid niya ako kahit sa may gate lamang ng kanilang bahay.

"Hm? Ano 'yon?" nakangiti niyang tanong habang hawak-hawak ang gate.

"Yung tungkol sa nalaman mo..." tumigil ako sa pagsasalita at direktang tumingin sa kanyang mata.

"Ano ang meron 'don?" tanong niya sa akin.

"P-Pwede bang 'wag mo munang sabihin kaynila Sheena at Francesca ang nalaman mo? S-Sana sa'tin na lang munang dalawa 'yon. Sa'ting tatlo nila Earl..."

Saglit siyang natahimik at kasabay non ay ang pagkunot ng kanyang noo.

Naguguluhang tumingin sa akin si Angeline, "Bakit naman?"

Natahimik ako doon. Nanatili lamang akong nakatayo sa kanyang harapan pero wala akong sinasabi. Lumipas ang ilang minuto at pilit siyang ngumiti.

"Okay. Sige, ako nang bahala..." sabi nito at binuksan ang gate para sa mas maluwag na daanan. "Naiintindihan ko naman na 'di ka pa handa..." dagdag niya sa kanyang sinabi.

Agad akong lumapit sa kanya at hinapit si Angeline para sa isang mahigpit na yakap. Napapikit ako at matamis na napangiti, biglaang gumaan ang aking pakiramdam.

"Maraming salamat..."

Tinapink niya ang aking likod, "Walang problema..."

Nang kumalas kami mula sa pagkakayakap sa isa't-isa ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at naningkit ang kanyang mga mata.

"Basta ipangako mo sa'kin na sasabihin mo rin sa kanila kapag handa ka na. Maliwanag?" ani Angeline.

Agad akong tumango, "Pangako."

Nang makauwi ako ay excited akong kong binuksan ang gate dahil nangako ako kay mama na pag-uwi ko ay bibili ako para sa merienda naming dalawa. Mabilis kong binuksan ang pintuan at inilibot ang aking tingin, hinahanap si mama sa salas.

"Ma? Ma!" sigaw ko habang inililibot ang aking tingin. Isang beses pa ulit akong sumigaw pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin nasagot sa mga tawag ko.

Pumunta ako sa kusina para hanapin doon si mama pero wala siya. Kumunot ang noo ko at hinanap siya sa bakuran pero wala din siya doon. Bumalik ako sa loob at mabilis na umakyat papunta sa taas.

Sa pagkaka-alam ko naman ay hindi mamalengke ngayon si mama dahil may stock pa naman kami sa ref ng kaunting mga pagkain.

"Ma. Nasaan ka?" muli kong pagtawag sa kanya. Lalong lumalim ang gatla sa aking noo at napabuntong hininga. Nasaan na nga ba si mama?

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makitang naka-awang ang pintuan sa dulo. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at agad na tinakbo ang distansya ko doon sa pinto na 'yon.

Nang makalapit ako ay dahan-dahan kong inikot ang door knob, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang kinakabahan ako at ayoko sa pakiramdam na 'to.

Huminga ako ng malalim at umiling, bakit ko nga ba 'yon iniisip? Isang beses pa akong umiling at mabilis na binuksan ang pinto para lamang makita si mama na nasa sahig, nakahandusay at walang malay.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita, namawis ako at parang mahihirapan na ako sa paghinga dahil sa sobrang lakas at bilis ng pagkabog ng aking puso. Nag-init ang gilid ng mga mata ko at ang mga luha na kanina ay ayaw tumulo ay nag-unahan na sa kanilang pagbagsak.

"Mama!" tawag ko at mabilis akong tumakbo papunta sa kanyang nakahandusay na katawan. Ilang beses ko siyang inalog-alog habang hawak-hawak ko siya balikat.

"Mama... Mama... Gising ma!" sigaw ko habang umiiyak. Garalgal at basag na ang aking boses pero wala na akong pakealam dahil sa nadatnan ko sa aking harapan.

Ang mama ko, walang malay.

Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko pababa sa aking pisngi. "Mama... Mama..." muli kong tawag sa kanya.

Agad akong bumaba at lumabas ng bahay, humihingi ng mga tulong sa mga kapitbahay. Mabilis silang pumunta sa loob ng bahay, ang iba ay nag-abang sasakyan upang masakyan namin at mabilis na madala si mama sa pinakamalapit na hospital.

Nang makarating sa hospital ay agad na inilagay sa isang kuwarto si mama at doon ginawa ang panggagamot. Nagdasal na lamang ako habang naghihintay sa labas ng ICU.

Pinagsiklop ko ang parehas kong kamay habang sinserong nagdadasal para sa kalagayan ni mama. Naguguluhan ako kung bakit kailangan itong mangyari sa kanya. Patuloy ako sa pag-iisip ng maaaring maging dahilan kung bakit siya nagkaganyan na bigla na lamang nahimatay at naiwan sa bahay na nakahandusay sa lupa.

Biglaang may pumasok sa isipan ko. Nitong mga nagdaang araw ay may napansin na ako sa kalagayan ni mama ngunit pinagwalang bahala ko na lamang katulad ng sinabi niya sa akin na h'wag akong mag-alala sa kanya.

Kumunot ang aking noo nang maalala ko yung nangyari noong nakaraang linggo. Madalas mahilo si mama, halos araw-araw na lamang ay nahihilo siya at laging sinusumpong ng 'di naming malamang sakit o kung ano mang karamdaman.

Ang sabi sa akin ni mama ay h'wag ko na siyang alalahanin dahil baka dahil lang rin naman 'yon sa pagod at dahil na rin sa edad sapagkat matanda na siya.

Pero hindi pala. Ngayong nangyari ang mga ito ay gustung-gusto kong sisihin ang sarili ko. Bakit ba kasi hindi ko pa nagawang maibigay kay mama yung apat na buwan kong ipon para maipang-check up niya?

Naiinis talaga ako sa sarili ko!

Napatingala ako at sinubukang pigilan ang mga luha ko mula sa pagtulo dahil nasakit na ang mga mata ko sa kaiiyak pero mas masakit ang puso ko dahil mistulang pinipiga ito.

Wala pa rin akong tigil sa paghikbi kahit kanina ko pa pinipigilan ang pag-iyak ko.

Tumayo ako kaagad nang makita kong bumukas ang pintuan at niluwa non ang doctor na sumuri sa aking ina.

"K-Kamusta po ang mama ko?"

Tumikhim siya at seryosong tumingin sa akin, "Bago ko sabihin sa'yo hija maaari ko bang itanong kung ilang taon ka na?"

"K-Kinse pa lang po ako..."

Napailing siya at napabuntong hininga. "Napakabata mo pa pala katulad na lamang ng nasa isipan ko. Wala ka na bang ibang kamag-anak? Sigurado ka bang gusto mong malaman ang sitwasyon ng nanay mo?" nag-aalangang wika ng doktor sa akin.

Agaran akong tumango, "O-Opo. Sige po, ako naman po ang anak eh."

Tumikhim siya at tumango, "Hija, lumalaki ang puso ng nanay mo. Nakadagdag pa ang sobrang pagod at ang palaki nang palaki na butas sa puso ng iyong ina."

Napaawang ang aking bibig at naubusan ng salita na maaari kong sabihin. Marahas kong pinunasan ang mga luha sa mata ko bago hinintay ang kasunod na sasabihin ng doktor sa akin.

"Mas maganda kung hindi mo na siya hahayaang mapagod at kung may makakasama siya sa bahay para tumulong sa kanya sa iilang mga gawain. Paminsan din ay mahihirapan siyang huminga kaya naman magbibigay ako ng mga gamot na maaari niyang inumin upang mas mapabuti ang kanyang nararamdaman kapag siya ay sinumpong. Kailangan niya lang muna mag-stay dito sa hospital ng isa hanggang apat na araw..."

Natahimik na lamang ako sa aking kinatatayuan kaya naman ang tanging nagawa ko na lamang ay tumango at sumang-ayon sa lahat ng kanyang sinabi.

"M-Maraming salamat po..."

Tumango ang doktor at agad akong tinalikuran. Naiwan na lamang akong nakaupo sa labas, sobrang nanghihina ako. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Napahawak ako sa bulsa ng pantalon ko nang maramdaman kong magvibrate ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha at binasa ang text na na-receive.

Kuya Vaughn:
Xiaaaaa! Nasa bahay niyo ba ikaw? Gusto ko sanang pumunta diyaan dadalhin ko yung gitara na sinabi ko sa'yo noong isang araw. Yung bagong-bago na bigay sa akin ng kuya ko na may pirma pa ni Sung Ha Jung kaya sobrang espesyal? Kakantahan din kita! :) Reply ka ha?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at napahinga ng malalim bago nag-tipa ng pu-pwede kong i-reply sa kanya.

Ako:
Pasensya na Vaughn, wala ako sa bahay.

Pinatay ko na ang cellphone ko. Hindi na ako nag-abala na sabihin pa sa kanya kung nasaan ako.

Pumunta ako sa kuwarto kung saan inilipat si mama. Paulit-ulit akong suminghot dahil ngayon na lamang ulit kumalma ang aking pakiramdam nang makita ko siya.

Mahimbing siyang natutulog habang may nakatusok na dextrose sa kanyang kamay. Kinuha ko yung upuan at mabilis na umupo malapit sa kanyang kama bago maingat na hinawakan ang kanyang kamay.

"Mama..." bulong ko habang pinagmamasdan ang pagod niyang mukha. Bakit nga ba ngayon ko lang napansin lahat ng 'to kung kailan may nangyari na?

Napakasama ko na bang anak?

Napatungo ako at sinabi sa sarili ko h'wag ng umiyak at 'yon nga ang pilit kong ginawa. Hinaplos ko ang kamay ni mama at malungkot na ngumiti.

"Mama, pasensya na at wala kayong katuwang sa bahay dahil napasok ako. Pasensya na talaga ma..." bulong ko at inayos ang kanyang sabog ng buhok.

"Mama, magpagaling ka ha? Tutulungan na kita lagi para 'di ka na mapagod at mahirapan. Kukunin ko na din muna yung kaunting perang naipon sa drawer para may maipambayad tayo sa hospital bills tapos ma, hihingi ako ng tulong kayla Tita Joy..."

'Yun na lamang ang naisip ko. Kukunin ko ang kaunting perang naipon para hindi na masyadong malaki ang hingin kong pera sa kanya. Gagamitin ko din yung ipon ko para pera pang-reserba.

Hindi ako umuwi nang gabing 'yon. Binantayan ko lamang si mama sa hospital at nang malaman ni Tita Joy ang nangyari kay mama ay agad siyang nag-bigay ng pera at nag-boluntaryo na siya na lamang muna ang magbabantay kay mama sa mga dadaang araw upang makapasok ako at ako naman ang magbabantay kay Chantal.

Nalaman din agad nila Angeline ang nangyari dahil kahit gusto ni Tita Joy na pumasok ako ay nagpumilit ako na hindi kahit sa apat na araw lamanh na nasa hospital si mama. At kapag uuwi na siya ay doon na lamang ako papasok sa school.

Madalas bumisita sila Francesca at hindi hinahayaan na malungkot ako. Lagi lamang silang nandyan sa oras na kailangan ko sila at pinaalalahanan ako na h'wag ko daw masyadong dibdibin ang nangyari dahil sa huli naman daw ay magiging ayos din si mama.

Araw-araw akong pumupunta sa chapel ng hospital para magdasal at kung hindi naman doon ay nagsisimba na ako pagkauwi ko galing school. Kahit saglit lang, basta gusto kong makausap si Lord at hilingin na sana ay paayusin at pagalingin niya na ang pakiramdam ni mama.

Kuya Vaughn:
Bakit 'di ka pumasok? Pinuntahan kita sa bahay niyo pero wala ka roon.

Kuya Vaughn:
Ayos ka lang ba, Xia? Wala ka pa rin sa bahay ninyo. Pangalawang araw mo na 'to na absent ka.

Kuya Vaughn:
Pumunta ako sa bahay niyo kanina at nagtanong-tanong. Alam ko na ang nangyari, sana gumaling si tita, Alexia. Sana :)

Kuya Vaughn:
Ipagdadasal ko siya. Sana ayos ka lang. Nandito lang din ako kapag kailangan mo ng kaibigan na makakausap at masasandalan.

'Yon ang mga texts na patuloy na ini-send sa akin ni Vaughn. Napapangiti na lamang ako sa tuwing nakakatanggap ako ng text mula sa kanya, kahit papaano din naman ay lumalakas at kaunting gumagaan ang aking loob dahil sa kanya.

Umuwi ako sa bahay upang kumuha ng mga damit ko at ng mga damit ni mama para maipampalit niya. Si Chantal naman ay isinama ni Andeng sa palaruan upang hindi na kami mahirapan na gumawa ng dahilan kung bakit hindi namin siya pupwedeng isama sa mga pinupuntahan namin.

Inilagay ko na ang ilang damit ni mama sa bag at iniayos iyong mabuti. Nang matapos ako ay agad akong bumaba at lumabas ng bahay, isinara ang gate at aalis na sana ng tuluyan ng tumambad ang 'di inaasahang tao sa aking harapan.

Nanlaki ang mga mata ko at hindi makagalaw sa kinatatayuan dahil makalipas ang ilang araw o linggo? Hindi ko na alam. Ngayon ko na lamang ulit siya makikita nang malapitan dahil alam ko namang simula noong nangyari yung sa rooftop ay pilit na niya akong iniwasan at nilayuan.

Siguro ay utos na rin ni Christine 'yon.

"Alexia..."

Napaatras ako at agad na umiwas ng tingin, "A-Anong ginagawa mo dito?"

Akala ko ay diretsya niyang sasagutin ang tanong ko pero mabilis niyang tinawid ang distansya sa aming dalawa at hinapit ako sa isang mahigpit na yakap.

"Gustung-gusto kitang makita. Sobrang nag-alala ako sa'yo..."

***
a/n: sooooo what do you think? :) depende nga pala ang haba ng chapter sa mood ko kapag nagsusulat. syempre kapag tinatamad alam na. djk hahaha. anyways, thanks pala doon sa mga nagbabasa nito. means a lot. xx

God bless.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top