Chapter 12

#FATWRTwelve

"Sana man lang nag-isip ka muna bago mo siya sinundan. Hindi ka lang nagmukhang tanga, nagmukha ka pang desperada. Kahit alam mo na ganoon yung sitwasyon nilang dalawa, may girlfriend pa din yung tao. Sana ginamit mo na lang utak mo, Xia. Matalino ka naman."

Hindi ko makalimutan ang sinabing 'yon ni Angeline sa akin. Nang makita niya kami noon sa rooftop ay takot na takot ako dahil ang plano ko naman talaga noong una pa lang ay h'wag nang sabihin sa kanila ang pagtulong ko kay Earl ukol sa grades nito.

Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Now that it happened, ngayon ko lang din na-realize na hindi pala ako naging masyadong vocal tungkol sa pagkagusto ko kay Earl.

I like him because of who he is. He's natural, he's real and his words aren't sugarcoated. Di ko alam kung paano nangyari pero sa tingin ko ay isa 'yon sa mga araw noong tinuturuan ko siya.

Gumising na lamang ako isang umaga na ang una kong naalala ay si Earl. Ang unang mukha na nakita ko sa isipan ay ang kanyang mukha habang matamis siyang nakangiti sa akin. Ang unang gusto kong marinig nang araw na 'yon at sa mga sumunod pa ay ang boses niya lang.

Doon ko nalaman na gusto ko siya. Doon ko nalaman na nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya at sa mismong araw na nalaman kong gusto ko siya ay 'di na ako nagpaliguy-ligoy pa - inamin ko na din mismo sa sarili ko ang nararamdaman ko.

Tahimik lang akong nakaupo sa kama at nakabalot sa makapal kong kumot. Anong oras na ba? Two? Three? Or four am in the morning? Hindi ko na alam. Hindi ko naman makita ang orasan dahil 'di bukas ang ilaw sa kwarto ko pero ang alam ko lang ay hanggang ngayon 'di ako makatulog ng maayos.

Napasabunot ako sa sariling buhok at sumandal sa headboard, ano bang pwede kong gawin para antukin ako? Bumuntong hininga ako at sinubukang pumikit pero wala pang ilang minuto ay ginusto ko nang dumilat.

"Bakit ba hindi ako makatulog?" inis na bulong ko sa sarili ko at napasimangot. Nagpalit-palit na ako ng posisyon ng higa sa kama pero 'di ko pa rin mahanap ang tama para mapahimbing na ako at makatulog ng maaga.

Tumingin ako sa paligid at napunta 'yon sa cellphone ko na naka-pwesto sa ibabaw ng side drawer na katabi lang naman ng kama ko. Agad kong kinuha 'yon at binuksan, makapag-facebook na nga lang.

Nag-scroll lamang ako sa newsfeed ko upang makita kung meron pang online na friend ko pero base sa mga posts nila ay mukhang kanina pa sila tulog. Tumingin na lamang ako sa listahan ng mga taong online ngunit be-bente na lamang ang naandoon at halos lahat ay 'di ko kilala personally o kaya 'di ko naman talaga close.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko upang subukan ko na lamang uli na tuluyang makatulog pero biglaang umilaw 'yon at nakita ko sa screen ang pangalan ni Vaughn na tumatawag.

Naibagsak ko pa ang cellphone ko dahil sa gulat. Bakit ba 'to tumatawag? Napatingin ako sa oras na nasa taas ng cellphone ko, alas dos pa lang pala ng madaling araw.

Sinagot ko na lamang ang tawag niya.

"Hello?" at inilapag ko na lamang ang cellphone ko sa ibabaw ng hita ko na balot ng kumot.

"Bakit gising ka pa, Xia?" tanong nito sa akin mula sa kabilang linya. Biglaan na lang kasing tumatawag ng voice call sa messenger!

"'Di nga ako makatulog eh. Hindi ko alam kung bakit. Ikaw, bakit gising ka pa?" tanong ko sa kanya bago inayos ang pagkakaupo ko sa ibabaw ng kama.

"Wala, gusto ko lang naman magpuyat. Tsaka 'di rin ako dinadalaw ang antok. Parehas lang naman pala tayo..."

Tumango ako kahit alam kong 'di niya nakikita. "Bakit nga pala parang ang tamlay tamlay ng tono mo, Alexia? Ayos ka lang ba?" sunod niyang tanong sa akin.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at bumuntong hininga.

"O-Okay lang naman ako. Siguro..." sabi ko bago pinagsiklop ang dalawa kong kamay at doon ko mas lalong naramdaman ang lamig ng buwan ng Pebrero.

"Bakit siguro lang? 'Di ka sigurado?" tanong nito at may narinig akong parang pag-urong ng isang upuan sa kabilang linya.

"Ewan ko din eh. Basta, hindi ko rin kasi alam ang dahilan..." pagsisinungaling ko bago ko kinunot ang aking noo at tumingala para pigilan ang luha ko mula sa pagtulo, bakit ba bigla-bigla na lamang akong naiiyak sa ganitong oras?

"Kung ganon..." pag-sasalita nito pero hindi niya agad tinuloy.

"Ano?" tanong ko sa kanya.

"Kung ganon sana maging okay ka na Xia. Ayokong nakikitang malungkot ka. Noong isang araw nga ay nagkasalisihan tayo ni hindi mo man lang ako nabati. Sobrang occupied ka at ang lungkot ng awra mo..."

Napangiti ako, "Ang bait mo talaga sa'kin Vaughn. Sana nga kuya na lang kita eh para may matatakbuhan ako kapag may nanakit sa'kin na lalake. O diba, sapakan kung sapakan..." biro ko pa.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya naman kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Dahil baka mamaya ay may nasabi akong mali.

"Vaughn?"

"Ayoko maging kuya mo, Alexia..."

Napasimangot ako kahit na 'di naman niya nakikita. "Bakit naman?"

"Ayoko lang. Ayoko lang na maging kuya mo. Kapag kasi kuya ang daming limits pati feelings nalilimitahan..."

Nagiging weird na naman si Vaughn. Kumunot ang noo ko at agad siyang tinanong, "Anong ibig mong sabihin? Ano naman ang connect ng feelings sa pagiging kuya ko? Hindi ko talaga gets."

Tumawa siya, "Hindi mo na naman kailangang i-gets. Siguro sa tamang oras na lang."

"Uma-aldub ka ha!" sabi ko at hindi na mapigilan ang pag-ngiti ko nang malapad dahil nasa mood na ako para mang-asar.

"Hindi kaya. Tamang panahon 'yon, 'di tamang oras."

Pinisil ko ang sarili kong ilong, "Ganon na 'din naman 'yon. Panahon at oras, parehas lang 'yon..."

"O sige na, sige na. Panalo ka na..." sabi nito habang bumubungisngis.

"Vaughn, hindi pa rin ako inaantok..." reklamo ko sabay kamot sa aking ulunan.

"Alam mo kung anong magandang gawin?" tanong niya sa'kin.

"Ano naman?"

"Higa ka na lang Alexia, kakantahan kita..."

"Sus! Maganda ba boses mo?" pabirong tanong ko sa kanya pero sinunod ko na din naman agad ang sinabi niya. I lie down and hugged my pillow bago ako inilapit sa akin ang cellphone ko.

"Gusto mo bang marinig?" tanong niya.

Napangiti ako, "Sige ba..."

At sinimulan niya na akong kantahan.

"So I look in your direction but you pay me no attention, do you? I know you don't listen to me 'cause you say you see straight through me, don't you?"

Napangiti ako lalo nang marinig ang kanyang boses na kinakantahan ako. Gusto ko sanang sabihin na ang ganda pala talaga ng kanyang boses pero ayoko nang tumigil siya sa pagkanta, gusto ko na tapusin niya muna ito.

"And on and on from the moment I wake to the moment I sleep, I'll be there by your side. Just you try and stop me, I'll be waiting in line. Just to see if you can..."

Biglaang bumigat ang talukap nang aking mga mata pero pinigilan ko, gusto ko pang pakinggan ang boses ni Vaughn.

"Did she want me to change? Well I change for good and I want you to know. But you always get your way
I wanted to say...Don't you shiver, shiver, shiver?"

Isang ngiti pa ang lumitaw sa aking labi hanggang sa tuluyan na akong dinalaw ng antok. Hindi ko alam kung ako lang 'yon o talagang tinapos pa ni Vaughn ang kanta at bago ibaba ang tawag ay may sinabi pa siya.

"Tulog na. Good night, prinsesa ko..."

Nang makarating ako sa school ng maaga ay agad na sumalubong sa akin silang tatlo. Francesca, Angeline at Sheena.

Iba ang tingin na ibinabato sa akin ni Angeline kaya naman natahimik na lamang ako. Tahimik lang din siyang nakaupo sa bench at palipat-lipat ang tingin sa akin papunta sa librong kanyang binabasa.

"Mukhang zombie ka, bes. Natulog ka ba talaga kagabi?" kunot-noong tamong ni Francesca sa akin bago iniangat ang baba ko at maigi niyang tinignan ang pagmumukha ko.

Umiwas na lamang ako ng tingin at bumuntong hininga, "Oo naman. Nakatulog ako."

"Ganon? Mga ilang oras? Dalawa?" taas-kilay na tanong ni Sheena sa akin habang maigi akong inuusisa.

Peke na lamang akong tumawa, "Nakatulog naman ako kagabi. Mga kalokohan niyo talaga eh noh..." at sabay kong pinisil ang kanilang mga pisngi.

Napunta ang tingin ko kay Angeline na seryoso lamang nakatingin sa akin. Hindi siya umiling pero basang-basa ko ang disappointment sa kanyang mga mata.

"Ang kulit niyo talagang dalawa. Hayaan niyo na nga si Alexia, nakatulog naman talaga 'yan.."

Pinasadahan niya lamang ako ng tingin at tipid na ngumiti ako sa kanya. Ewan ko, biglaan na lamang akong nahiya sa kanya.

Sabay sabay kaming naglakad paakyat at pabalik sa kanya kanya naming classroom nang makasalubong ko ang isang grupo ng mga lalake na nagkakatuwaan at ang ingay ng mga usapan.

Nandoon si Rayver at Andrei at kahit hindi ko sabihin ay alam ko sa sarili ko na may isang tao akong hinahanap.

Nadatnan ko siya na nasa gitna at tahimik lamang na naglalakad kasabay ang tropa niya habang may isang ngisi sa kanyang labi. Napunta lamang ang tingin ko sa kanya at hindi ko na alam kung paano alisin 'yon.

Nang magtama ang aming mga tingin ay parang nakikipagkarera na naman ang puso ko dahil sa sobrang bilis nang pagtibok nito. Isang seryosong tingin ang ibinigay niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya, umaasa na ngingiti siya pabalik sa akin pero hindi iyon nangyari. May naramdaman na lamang akong humawak sa palapulsuhan ko at mabilis akong hinila.

"Tara na, Alexia." matigas na sabi ni Angeline at nauna na kaming maglakad, nauna kaynila Francesca at Sheena.

"Uy wait lang!" sigaw nang dalawa. "Hintay naman mga bes!" dagdag pa ng mga ito.

At 'di ko alam kung ako lang yun na umaasa o baka talagang sinundan ako ng tingin ni Earl hanggang sa magkalampasan na kami.

"Bakit ang bilis niyo naman? Grabe ha!" reklamo ni Francesca bago hinawi ang kanyang buhok at pinunasan ang kanyang noo.

Umirap si Sheena, "H'wag ka nga umarte na para kang pinawisan dahil hindi naman. Iisang floor na lang naman ang inakyat natin nang mauna silang maglakad eh."

Masamang tinignan ni Francesca si Sheena, "H'wag ka nga mangealam aba? Lagi ka na lang naninira ng trip!"

"Nyenye." tanging sagot na lamang ni Sheena na mas lalong nagpainis kay Francesca.

"Bye Frances..." paalam ko kay Francesca nang pababa na siya ng jeep. Ngumiti na lamang siya sa akin at kumaway para magpaalam na lang din.

Bumuntong hininga ako nang maiwan na lamang ako sa jeep nang walang kilala. Tumingin ako sa paligid at malapit na din pala ako sa Bucandala kaya naman inayos ko na ang bag ko at pumara nang nandoon na ako mismo.

"Prinsesa!"

Nagtaka ako sa sumigaw dahil parang pamilyar ang boses sa akin pero hindi ko na lamang nilingon at tinignan. Mamaya kung sinong weird-o na naman 'yan.

"Prinsesa!" muling pag-ulit nito.

Kumunot ang noo ko kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag ko. Sino ba 'yon at sinong tinatawag niya?

"Alexia De Rama!"

Sigaw niya sa pangalan ko kaya naman biglaan akong napalingon at kumunot ang noo nang malaman na si Vaughn lang naman pala ang tumatawag at kanina pang sumisigaw.

"Ano bang trip mo at kanina ka pa sigaw ng sigaw diyaan?" gulat kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya nang malapad at parang isang bata na nagpa-cute sa harapan ko.

"Hinintay kita umuwi."

Napakunot na naman ang noo ko, "Ako? Bakit ako?"

Umiling siya at nagkibit balikat. "Masama na bang hintayin ka? Tskaka gabi na oh..."

Naningkit ang mga mata ko at dahan-dahan siyang lumapit sa akin bago siya itinuro.

"Ikaw ha, napapansin na kita..."

Nanlaki ang kanyang mga mata at itinago ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. "A-Ako? Anong ako?" tanong niya.

"May gusto ka sa'kin noh?" seryoso ang ekspresyon na tanong ko sa kanya pero ang totoo ay nagbibiro lang naman ako.

Seryoso siyang tumingin sa akin at agad na dumeretsyo ng tayo. Pinanatili ko lamang ang pagiging seryoso ko hanggang siya na ang nagbalik ng tanong sa akin.

"Paano kung meron nga? Anong gagawin mo?" tanong niya.

Napatigil ako saglit at napatitig sa kanyang mga mata. Wala talagang bakas ng pagbibiro sa kanyang mga mata pati sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mararamdaman ko.

Namagitan ang katahimikan sa'ming dalawa kaya naman nag-isang hakbang ako palayo sa kanya. Nang biglaan siyang ngumiti nang malapad sa akin at bumungisngis.

"Biro lang. Ihatid na kita?"

"Ihahatid?" tumingin ako sa kanya at tiningala siya. At the age of sixteen, ang tangkad na agad ni Vaughn samantalang ako na fifteen at dalaga na naman talaga ay parang pang first year high school pa lang ang height.

Naiinis na nga ako dahil madalas akong maasar dahil na rin sa height ko pero naniniwala ako na hanggang hindi ako pa ako eighteen ay tatangkad pa ako.

Tiwala lang!

"Oo dwende, ihahatid kita." sabi niya bago ngumisi at mabilis na tinanggal ang bag mula sa pagkakasukbit non sa balikat ko.

"Dwende?" nakasimangot kong tanong sa kanya.

Umurong siya at umiling, "Ha? Wala akong sinabi ah. Tara na nga! Anong oras na? Baka hinahanap ka na ni Tita..."

Napatawa ako sa sinabi niya, "Wow. Tita talaga?"

Tumango siya.

"Para mas respectful, kaysa manang o ate hindi ba? Mas okay na ang tita..."

Napatango na lamang din ako sa kanyang sinabi, sabagay ay tama naman. Mas maayos nga 'yong pakinggan.

"Tara na."

At sabay na kaming naglakad pauwi. Doon ko lang napansin na naka-uniform pa pala si Vaughn. Four thirty ang uwian ng fourth year at ganon din naman ang sa amin. Napatingin ako sa aking orasan, six thirty na! Na-late lang naman ako ng uwi dahil sa may ginawa ako.

Agad akong tumingin sa kanya, "Vaughn!"

Mabilis siyang tumingin sa akin, "Hmm?"

"Talagang hinintay mo ako?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"Oo." sagot niya at ginulo ang buhok ko. "H'wag ka nang magtanong pa, kailangan mo nang makauwi."

Lihim na lamang akong napangiti. Thankful ako na meron akong kaibigang katulad niya.

Sobra.

***
a/n: the song mentioned here is entitled 'shiver' by coldplay. happy valentines ulit lovelies, sana nag-enjoy kayo kasama ang mga ka-date ninyo. thanks for reading.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top