Chapter 11
#FATWREleven
Isang halik. Milyun-milyong emosyon parang kasabay ng isang firework. 'di ko alam kung ano ang uunahin ko.
"Alexia, gumising ka na!" sigaw ni mama mula sa labas. Napakunot ang noo ko nang may biglaang parang sumampa sa kama ko at binuksan ang bintana, dahilan para tumagos ang sinag ng araw at tamaan ang aking mukha.
"Ah.." bulong ko saka dahan-dahang bumangon habang kinukusot ang aking mata. Umagang umaga ay nakasimangot ako, wala ako sa mood para ngumiti at 'di ko alam kung bakit.
"Good morning ate Xia!" sigaw ng isang maliit na boses. Kinusot ko pa ng isang beses ang aking mga mata bago tuluyang dumilat. Napatingin ako sa bata na nasa harapan ko at bahagyang napaawang ang aking bibig.
"Chantal?" gulat kong tanong nang makita siya sa aking harapan. Isang beses ko pang kinusot ang aking mga mata at ilang beses na kumurap para lamang malaman kung totoo ba talagang nasa harapan ko ang batang ito.
"Yes ate Xia! It's me, Chantal! Good morning. You should wake up na po hindi ba? Don't you have school?" conyo na tanong nito sa akin.
Napangiwi na lamang ako at ang kasunod non ay ang malakas kong pagtawa dahil na rin sa sobrang ka-cute-an niya.
"Kailan ka pa dumating, Chan? And yes, I have school."
Malapad ang ngiti kong sinagot ang kanyang tanong. Sumampa siya sa kama at umupo sa aking tabi.
"Kaninang madaling araw lang po ako dumating. Didn't Tita tell you? Nakakatampo naman po..." sabi nito bago nanliit ang kanyang mga singkit na mata at kasabay noon ay ang pag-haba ng kanyang mapulang nguso.
Inilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok, "Hindi nasabi sa akin ni mama eh. I miss you, Chan. Did you miss me too?" tanong ko sabay buhat sa kanya at ginawaran siya ng isang matunog na halik sa kanyang pisngi.
"Opo ate! I miss you so much! Mags-school na po ako next year eh, excited na nga po ako!" At ngayon naman ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagtatagalog.
Anong oras na ba? Napatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ko at agad akong kumilos nang makitang malapit nang mag-six thirty ng umaga.
"We'll go down na, Chan. Kailangan ko nang mag-prepare for school. Tara na?" sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay bago kami sabay na bumaba patungo sa kusina.
"Hi Ma, good morning po..." bati ko kay mama sabay halik sa kanyang noo. Matamis siyang ngumiti sa akin at tinignan ako.
"Bilisan mo sa pagbibihis at pagkain, Xia. May naghihintay sa'yong kaibigan sa labas, kanina pa siya sa labas."
"Kaibigan po?" taka kong tanong. Kumunot ang aking noo, posible kayang sila Francesca 'yon?
Pero hindi naman magkukusa ang mga 'yon na pumunta sa bahay ng isa't-isa. Posible kayang si Angeline? Siya lang naman ang masipag manundo sa aming apat.
"Hm." tumango si mama at dumeretsyo sa lababo. "Magsepilyo ka na muna, kumain at maligo at bago ka na magbihis. Wag makupad..." paaalala ni mama.
"Pwede ko po ba munang tignan kung sino ang nasa labas?" pag-papaalam ko.
Matamis na ngumiti sa akin si mama at umiling, "Hindi. Maghanda ka na muna at baka magkwentuhan pa kayo, parehas pa kayong ma-late..."
Napanguso na lamang ako bago umupo sa lamesa at sinandukan ang sarili ko samantalang si Chan ay umakyat pabalik sa taas para matulog ulit dahil tinawag siya ni Tita Joy.
"Vaughn daw ang pangalan."
Muntikan ko nang maibuga ang kinakain ko nang marinig ko ang pangalan ng sinasabing bisita ni mama.
"P-Po?"
Tinuyo ni mama ang kanyang kamay at takang tumingin sa akin, "Vaughn daw ang pangalan niya. Sabay raw kayong papasok eh..." dagdag pa ni mama.
"S-Sabay po?"
Tumango si mama. "Oo. Ano bang meron sayo't parang 'di ka makaintindi ngayon?" kunot noo niyang tanong.
Nilapag ko yung kubyertos at sumandal sa upuan bago huminga ng malalim at binigyan ng isang pekeng ngiti si mama.
"H-Hindi po! Naiintindihan ko! Kanina pa po ba talaga siya? Maligo na po kaya ako?" sabi ko habang dahan- dahang tumatayo mula sa pagkakaupo sa upuan.
"Ano bang nangyayari sa'yo, anak?" mas lalong lumalim ang gatla sa noo ni mama kaya naman napatingin ako sa orasan sa kusina at itinuro 'yon.
"A-Ah! Male-late na po kasi ako kapag kumain pa ako eh. Tsaka nakakahiya po kay Vaughn na siyang kaibigan ko! Maliligo na po ako..." sabi ko at mabilis na tumakbo paakyat para kuhanin ang tuwalya ko at mas mabilis pa sa kidlat na bumalik ako at nagtungo sa banyo.
"Magse-seven pa lang naman? Ang aga mo naman ata ngayon, Alexia?" tanong ni mama mula sa labas. Napapikit ako ng mariin at napahinga ng malalim habang nakasandal sa likuran ng pintuan ng banyo.
"Pero sa bagay, nakakahiya nga naman talaga sa kasama mo..." dagdag pa ni mama.
Hawak- hawak ko ang cellphone ko nang mga oras na 'yon kaya naman isinabit ko na muna ang twalya sa hanger at maghahanap sana ng pwedeng pagpatungan ng cellphone ko nang bigla itong mag-vibrate.
1new message
Kuya Vaughn
Kumunot ang noo ko at mabilis na in-slide para makita kung ano ang laman ng text message.
'Hi Xia. Si Vaughn 'to, nandito ako sa labas ng bahay niyo. Di na ako pumasok kasi nakakahiya, sabay na tayo pumasok ha? (:'
"Ano ba naman 'to..." bulong ko sa sarili ko bago ilang beses na mahinang pinalo ang aking noo. Bakit naman ganito ang umaga ko?
Binuksan ko na ang gripo at pinuno yung timba. Kailangan makaligo na ako ng mabilis, nakakahiya naman kay Vaughn na kanina pa ata naghihintay.
Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na agad ako ng aking sarili. Nang masigurado kong ayos na ang aking itsura ay mabilis akong bumaba para magpaaalam kay mama.
"Mama, aalis na po ako. Pakisabi na lang po kay Tita Joy at kay Chan na mamaya na lang ako babawi..."
Ngumiti na lamang si mama at tumango, "Ingat ka..."
Tumakbo ako palabas ng bahay at sa di kalayuan ay nadatnan ko si Vaughn na nakatayo at nakasandal sa may pader habang nakasalpak na naman ang earphones sa dalawa niyang tainga.
Noong makita niya ako ay agad niyang pinindot ang cellphone niya at tinanggal ang earphones, "Oy! Good morning Alexia!" bati niya habang nakaway.
Hilaw akong ngumiti sa kanya bao sinuntok ang kamay niyang nakataas sa ere at ang ginamit niyang pang-kaway sa akin.
"Hala? Para saan naman 'yon?" gulat na tanong nito sa akin.
"'Di ka naman nagsasabi na sabay pala tayong papasok ngayon! Nakakahiya tuloy at naghintay ka pa tsaka dapat pumasok ka na rin sa bahay! Sigurado naman akong pinilit ka ni mama..." wika ko bago siya tinapunan nang masamang tingin.
"Payat payat mo Alexia pero ang lakas mong sumuntok. Babae ka ba talaga?" tanong niya habang nakangisi.
Umirap ako at mas nauna nang naglakad kaysa sa kanya, "Ewan ko sa'yo. Tara na nga!"
"Gusto mo ba ng fries tsaka ng drinks? Maaga pa naman? Kain muna tayo!" yaya niya sa akin.
Pakiramdam ko ay naging hugis puso ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Halos mapuknat na ang labi ko nang marinig ko ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
Inaalok niya na naman akong kumain!
"Talaga?" paninigurado ko sa kanya dahil baka niloloko niya lamang ako.
Agaran siyang tumango habang magkadikit ang kanyang labi.
Pinanliitan ko siya ng mata, "Talagang talaga?"
Umirap siya at pinitik ako sa noo. "Ang kulit! Gusto mo bang bawiin ko na?"
Napasimangot ako, "Eh! H'wag! Seven twenty pa lang naman eh, tara na 'don. Libre mo na ako..." hinila ko siya papunta doon sa stall kung saan nagtitinda nung fries at drinks na ubod ng sarap!
Nang makarating kami doon ay agad siyang nagbayad. Nagtaka nga ako noong una na pang-isang tao lang ang binayaran niya pero siguro makiki-share na lamang siya sa akin.
"Gusto mo?" tanong ko at inilapit sa kanya ang pagkain ko.
Tipid siyang ngumiti at umiling, "'Di na. Gusto lang talaga kitang ilibre eh..."
Ngumuso ako, "Aba bakit naman?"
Tumitig lang siya sa akin ng matagal, nakipagtitigan naman ako. Minsan talaga ay nawe- weirduhan na din ako sa kanya.
Bigla niyang tinampal ang labi kong nakanguso.
"Bakit mo ginawa 'yon? Mamaya madumi pa 'yang kamay mo eh..." reklamo ko sa kanya sabay punas ng panyo sa aking labi.
"Ang arte mo, Xia..." ani Vaughn bago kinurot ang aking ilong.
"Eh bakit nga? Wala naman sigurong lamok sa labi ko diba?" tinaasan ko siya ng isang kilay at mas lumapit sa kanya.
"Wala nga pero baka may ibang lumapat diyan kapag 'di mo tinigilan 'yang pagnguso-nguso na yan..." sabi ni Vaughn at umiwas ng tingin.
Lumayo ako sa kanya at itinapon ang lalagyan ng naubos ko ng pagkain. "Wala namang masama sa pag-nguso ah? Ang laki naman ata ng problema mo..."
Ang mga mata ni Vaughn na singkit ay lalo lamang lumiit nang tapunan niya ako ng masamang tingin.
"Tigilan mo 'yan lalo na kapag nasa harapan ka ng ibang lalake. Mahirap na..." sabay kamot nito sa kanyang batok.
"Ha?"
Dahil hindi ko naman narinig ng maayos ang una niyang sinabi.
Ngumiti siya sa akin ng sarkastiko bago hinawakan ang dulo ng bag ko at hinila ako papalapit sa kanya.
"Halika na nga. 'Wag kang lalayo sa'kin, delikado kahit umaga."
Napakunot na lamang ang aking noo, ang weird talaga ni Vaughn minsan. Hindi mo malaman kung saan nanggagaling ang mga sinasabi madalas.
"Lagi na kayong magkasama ni Vaughn."
'Yan ang ibinungad sa akin ni Sheena nang pumunta kaming dalawa sa cafeteria.
Napalingon ako sa kanya at ngumiti, "Ha? Oo naman. Magkaibigan naman kami eh..." pag-sagot ko sa kanyang sinabi.
"Kaibigan lang ba ang turing niya sa'yo?" tanong sa akin ni Sheena na siyang ikinakunot ng noo ko.
"Oo naman. Ano bang gusto mong sabihin, Sheena?" diretsyang tanong ko nang makahanap na kami ng lamesa at makaupo sa upuan.
Pinanghalo niya yung straw na nandoon sa shake niya at makahulugan akong tinignan, "Wala naman. Baka may hindi ka lang sinasabi sa amin..."
Ngumiti na lamang ako at napailing.
Ever since, Sheena has always been the mysterious and the unpredictable one. Mahirap siyang basahin kaya naman minsan ay 'di mo alam kung nagsisinungaling nga ba siya o hindi. Lalo na sa pagtatago ng sikreto - kung siya ay mahirap basahin, siya naman ang magaling mambuking.
Si Angeline naman ang prim and proper. Siya din ang pinaka-mature sa aming apat at ang nagdidisiplina sa amin kapag nakakagawa kami ng mga kamalian. Mabait si Angeline at mahaba ang pasensya pero once na naubos na 'yon at talagang napuno na siya ay iba siyang magalit. We've seen it, we witnessed it.
Nakakatakot.
Si Francesca naman ang pinaka-isip bata. Despite of her glasses and braces, siya naman ang immature. Yes, she's smart pero napakamatampuhin at sobrang sensitive na matatawag mo na siyang brat.
Ako? I'm always in between. Tahimik lamang kaming kumakain ni Sheena. Inilibot ko ang tingin ko sa buong cafeteria at napako lamang ito sa dalawang tao.
Si Christine at Earl na magkasama.
Parang biglaang may kumirot sa puso ko. Kung dati ay lagi kong sinasabi na 'di ko alam ang dahilan, ngayon ay alam ko na. Nasasaktan ako dahil magkasama sila, nagseselos ako, naiinggit ako kay Christine.
Pinagmasdan ko silang mabuti at lubos na lang ang pasasalamat ko dahil ni isang tingin ay 'di nila ako tinapunan. Ang ibigsabihin lang naman non ay 'di nila ako napapansin.
Napatitig ako kay Christine nang makita ko siyang pinandidilatan ng mata si Earl. Napunta ang tingin ko sa ilalim ng mesa, he even stepped on his foot.
Ano bang gusto niya?
Kumunot ang noo ko nang makita kong kumuyom ang palad ni Earl. Nanliit ako mga mata ko at mas tinitigan silang mabuti at ang bagay na inaasahan ko ay nangyari na nga.
"Putangina naman, Christine! Tinapunan mo pa ng juice yung uniform ko!" malakas na sigaw ni Earl.
Si Christine naman ay mistulang iiyak. Mapait akong napangiti, akala mo kung sinong inaapi. Walang kwentang babae.
"Paano na 'to ngayon? Wala akong dalang extra t-shirt. Putanginang 'yan, pwede ba Christine 'wag kang tatanga- tanga?!"
Napayuko na lamang si Christine. Napunta ang tingin ko sa mga kamay ni Earl - alam kong nakakuyom iyon hindi dahil sa galit kung hindi dahil sa pinipilit siyang gawin ang isang bagay na ayaw naman niya.
"L-Labhan ko na lang ngayon, Earl..." malakas ang pagkakasabing 'yon ni Christine.
"Putangina." matigas na pagmumura ni Earl at napadabog na lamang sa lamesa, dahilan para malaglag yung mga pagkain sa ibabaw non sa sahig.
"Anong gusto mong mangyari? Lalabhan mo ngayon? Hah! Gusto mong mag-sando lang ako buong araw? Pwede ba? H'wag kang tanga!" at sa pagkakasabing 'yon ni Earl ay biglaan na lamang siyang umalis.
Natulala na lamang ako sa kinauupuan ko. Wala akong pakealam sa mga palakas ng palakas na bulungan at ang mas maraming tao na naiinis at pingtatawanan si Earl.
Wala akong pakealam.
"Grabe talaga 'yang lalakeng 'yan..." ani Sheena bago inubos ang kanyang inumin.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napunta ang tingin kay Angeline. Kailan pa siya nandito? Hindi ko napansin na umupo na siya.
"Okay ka lang, Xia?" tanong nito sa akin.
"Excuse me..." 'yon lamang ang naging sagot ko sa kanyang tanong bago ako tumakbo palabas ng cafeteria, susubukang sundan si Earl.
Hindi ko na inintindi ang pag-tawag sa akin nila Angeline bagkus ay mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Isang lugar kung nasaan siya? Rooftop.
Agad akong nagtungo doon. Kahit hinihingal na ako ay nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo upang makita siya doon at 'di nga ako nagkakamali. Nandon si Earl, nakaupo at nakatungo.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago huminga ng isang hingang malalim. Nang maging maayos na ang paghinga ko ay agad ko siyang nilapitan.
"Earl..." ani ko pagdating ko sa tabi niya.
Hindi niya ako nilingon. Agad siyang tumayo at nilayuan ako.
"Anong ginagawa mo dito?" malamig niyang tanong sa akin.
"E-Earl, ayos ka lang ba?" garalgal ang boses na tanong ko sa kanya dahil naawa ako sa lagay niya.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Lagi naman akong ayos. Bakit mo ako sinundan dito?"
At ang ngiting 'yon ay parang isang ngiti ng taong nasira na at 'di na muling maiaayos pa.
"'Wag ka ngang magsinungaling sa akin Earl. Nakita ko yung nangyari kanina, alam kong nasasaktan ka na naman..." ani ko bago siya sinubukang lapitan pero agad siyang umatras.
"Ano bang pakealam mo? Dapat nga hindi ka na nakikisawsaw eh. Bakit ka ba nandito? Wala ka dapat pakealam sa mga nangyayari sa buhay ko, De Rama."
Saglit akong napatigil at napatitig lamang sa kanya. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko para lamang makita yung totoong ngiti na meron siya.
"Anong pakealam ko? Bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya habang nakakuyom ang aking mga palad.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at parang umiikot ang ulo ko pero ininda ko na lamang 'yon para masabi sa kanya ang dapat na sinabi ko matagal na.
"Gusto mo talagang malaman?" isa pang tanong ko sa kanya bago ako mabilis na lumapit sa kanya.
At ang palad ko ang lumapat sa kaliwa niyang pisngi.
Nakita kong nandilat ang kanyang mga mata dahil sa gulat pero agad rin naman 'yong bumalik sa kanyang malamig na ekspresyon sa akin.
"Kasi gusto kita. Gusto kita Earl higit pa sa isang kaibigan, matagal na..."
Mistulang nabato siya sa kanyang kinatatayuan at unti-unting tumingin sa akin.
"A-Ano kamo?" tanong niyang muli habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin.
Malungkot akong ngumiti sa kanya bago humakbang ng isa paatras.
"Gusto kita Earl, matagal na. Ngayon..." napatungo ako at napalunok bago ko ibinalik ang aking tingin sa kanya. "... pwede na ba akong mangealam?"
Nakipagtitigan lamang siya sa akin. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita at ang kumikilos. Tanging ang malakas na ihip lang ng hangin sa rooftop, ang tibok ng puso naming dalawa at ang mga huni ng ibon ang maririnig.
Pagak na napatawa si Earl bago ngumisi, "Mali 'yang nararamdaman mo sa'kin, Alexia. Baka nga hindi totoo 'yan eh..."
Umiling siya. "Layuan mo ako, Alexia. Sira na yung sarili ko, ayokong pati ikaw masira ko..."
Napatungo ako at saglit na napatawa, yung sarkastikong tawa na pinaghalo ang inis at awa sa sarili.
"Alin ang totoo? Yang katangahan mo? Yang sinasabi mong pagmamahal ni Christine sa'yo? Hindi 'yon totoo, Earl. Hindi. Ka. Mahal. Ni. Christine." bawat salita ay nilagyan ko ng diin para magising na sana siya sa katotohanan.
"Puta." narinig kong bulong niya bago napasabunot sa sarili niyang buhok. "Layuan mo na lang ako, Alexia. Wala kang mapapala sa'kin..."
Napailing ako, "May mapapala ka ba kay Christine? Wala naman eh! Bakit hindi ka lumalayo?" galit na tanong ko sa kanya.
"Ako yung babaeng nagustuhan mo noon kaya nagkaganito kayo hindi ba? Ako 'yun diba? Ako ang dahilan?"
Nanatili lamang siyang tahimik habang ako naman ay parang sasabog na sa pagkainis.
"Earl, sagutin mo ako!"
"Oo! Oo! Oo, ikaw yung nagustuhan ko noon! Ikaw yung dahilan kung bakit ganito kami, ikaw yung dahilan kung bakit ginagawa ko laha't ng 'to! Kasi bukod sa nagmamahal ako ng dalawang babae? Alam mo kung ano mas mahirap? Hindi ko alam kung sino yung pakakawalan!"
Napatigil ako at natulala sa kanya.
"Ang bata bata pa natin pero bakit ganito na? Sa inyong dalawa, hindi ko alam kung sino yung bibitawan ko kasi putangina Alexia..."
Tumingala siya at basag ang boses na sinabi sa akin ang pahayag na hindi ko inakalang sasabihin niya sa akin.
"Gusto kita noon, gustung-gusto kita noon na naisip kong hiwalayan si Christine para ikaw na lang, para sa'yo na lang ang bagsak ko. Ngayon naman... ngayon naman, Xia... Mahal kita..."
Nagulat ako. Gulat na gulat ako kaya naman sa mga pinaghalo-halong emosyon ko ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko mula sa pagtulo.
"Kaya mo ba ako hinalikan?"
Nagtitigan lamang kami. Hinihintay ang isa't-isa na magsalita muli. Hinihintay na magsabi, hinihintay na sabihin ang lahat ng mararamdaman.
Hanggang sa narinig ko na lamang na bumukas ang pintuan ng rooftop at nadatnan ko ang taong 'di ko inakalang makakarinig ng lahat.
Si Angeline.
"Kailan pa? Kailan pa lahat ng 'to, Alexia?"
***
a/n: imagine them as fifteen years old and don't cringe. may ganyang drama sa mga grade nine students ngayon, so young. this story is about young love and regrets, h'wag sanang magreklamo sa concept. thank you sa mga nagbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top