Chapter 09
#FATWRNine
"Bakit hindi mo nasabi sa akin na varsity ka pala? Never ko din narinig ang pangalan mo sa school..."
Napakamot sa ulo si Vaughn at napangiwi, "Hindi mo ba talaga naririnig ang pangalan ko? Grabe naman 'yon!" at mas oa pa sa oa ang reaksyon niya tungkol sa bagay na 'di ko naman talaga naririnig ang pangalan niya ni minsan sa school.
"Baka wala lang talaga akong pake sa'yo..." ani ko saka tumingin sa malayo at hinigop ang zest-o juice na inilibre sa akin ni Vaughn kanina.
"Akin na 'yang juice. 'Wag mong mainom-inom 'yan. Idura mo yan!" singhal nito sa akin kaya naman bumulanghit ako ng tawa.
Napaka-OA talaga ng kanyang reaksyon!
"Tapos ngayon tatawanan mo ako? Wala kang utang na loob..." sabi nito na para bang nagtatampo at talagang pinagkrus pa ang dalawang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.
"Biro lang naman 'yon, Vaughn. Tsaka siguro hindi lang talaga ako mahilig sa mga ganyan sa school maliban na lang sa badminton. Siguro ay nabanggit ka na naman din sa'kin ng mga kaibigan ko, 'di nga lang tumatak ang pangalan mo..." paliwanag ko at matamis na ngumiti sa kanya.
Napanganga siya, "Wow. Rhyming naman 'non. Poet ka ba?"
Napangisi ako, "Poet as in yung gumagawa ng tula?"
Umiling siya, "No. Puwet as in ass."
Nanlaki ang mga mata ko at malakas siyang sinuntok sa dibdib at ngayon naman ay siya ang tumatawa nang napakalakas at may kasama pang palakpak.
"Bastos naman!" sabi ko bago pinunasan ang bibig ko ng kumalat na juice. Dahil kasi sa pagtawa ko ay may tumulong onti at kumalat sa gilid ng aking bibig, naging malagkit tuloy.
"What? Nagtanong ka eh. I just answered your question. Puwet as in ass." natatawa niyang sabi.
"Kailangan talagang ulitin?" sabi ko pa at tinaasan siya ng kilay pero sa totoo lang ay pigil na pigil na talaga ang tawa ko.
Ngumiti siya, "Saglit nga..." sabi nito at may binunot na panyo mula sa bulsa ng kanyang shorts. Bigla siyang lumapit sa akin at iniharap ang mukha ko sa kanya.
"Third year high school ka na ba talaga? Juice lang 'yan ang dungis mo pa..." sabi nito sa akin habang pinupunasan ang gilid ng aking bibig pati na ang parte sa aking baba.
Ilang ulit niyang pinunasan ang gilid ng aking bibig bago siya kusang napatigil. Nakatitig lamang siya sa mga nakaawang kong labi hanggang sa dumako ang tingin niya sa mga mata ko.
Ilang saglit pa ay siya na ang mismong umiwas ng tingin at lumayo sa akin. Napangiti ako.
"Pwede na talaga kitang kuya eh. Sobrang maalaga ka yata sa'kin..." sabi ko bago tinapik ang kanyang balikat at pinagpatuloy ang pag-ubos sa juice.
"Sa'yo lang naman ako maalaga..." sabi pa nito na 'di ko naman masyadong marinig ng maayos.
Kumunot ang noo ko, "Ha? Anong sabi mo?"
Inirapan ako nito, "Wala. Ang sabi ko siguro ay naiisip mong kuya mo ako dahil mas lamang nga ako sa'yo ng isang grade level..." sabi nito bago itinapon ang nalukot na balat ng chips sa basurahan.
"Uy, bili tayo fries. Yung sa 'keri mo 'to' yung kasama na yung drinks? Tara 'don!" sabi ko at itinuro ang isang stall kung saan nga nagtitinda ng mga ganoon.
"Ayoko. Uuwi na ako..." sabi nito bago tumayo at tinalikuran ako.
"Hala siya! Bakit biglang ang sungit mo naman, Vaughn?" tanong ko bago humabol ng lakad sa kanya.
Itinago niya ang kamay niya sa dalawang bulsa ng kanyang pantalon bago nagkibit balikat na lamang, "Hindi naman ako masungit. Gusto ko na lang talagang umuwi 'noh..."
Napanguso ako, "Sayang naman. Wala pa namang masyadong tao roon..." bulong ko at sumabay na sa kanya sa paglalakad.
Bigla siyang bumagal at tumigil saka bumalik, "Aish! Halika na nga, bibili na tayo!" sabi nito at kinuha ang wallet mula sa kanyang bulsa.
Isang malapad na ngiti ang sumilay sa aking mga labi at mabilis na sumunod sa kanya, "Talaga?"
"Oo nga! Tara na kasi!"
At sa huli ay doon pa rin kami tumambay malapit sa school ng INHS hanggang sa parehas na kaming mawalan ng sasabihin at mapagdesisyunan na lamang na umuwi.
"Close na ba kayo nung Earl?" tanong ni Vaughn sa akin nang minsan ay magkasabay na naman kami nakapag-abang ng jeep papasok sa may waiting shed.
Tumango ako, "Masasabi kong ganoon na nga..."
Hindi na siya nagsalita pagkatapos 'non pero inilahad niya ang kanyang isang kamay kaya naman agad kong tinanggal ang pagkakasukbit ng bag ko at ibinigay sa kanya.
Napakunot siya, "Anong gagawin ko sa bag mo?"
Napakunot din ang aking noo, "Diba nakalahad yung kamay mo? Ibig sabihin gusto mo na ikaw yung magdala ng bag ko..."
Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at napasuklay na sa kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri hanggang sa siya na mismo ang bumulanghit sa tawa.
"Ano bang nakakatawa?" nakataas ang kilay kong tanong sa kanya at napasimangot na lang rin.
"Cellphone mo kasi ang hinihingi ko..."
"Anong gagawin mo sa cellphone ko, aber?" lalo akong naguluhan sa mga sinabi niya.
"Ilalagay ko lang naman yung number ko sa cellphone mo. Makatanong naman 'to kala mo snatcher ako eh..." sabi nito saka ngumuso.
Ako naman ang napangiti at inilabas ang cellphone ko, "Eto oh..." sabi ko saka ibinigay sa kanya ang aking cellphone.
Mabilis niya iyong kinuha at itinipa niya na agad ang kanyang cellphone number doon. Iniabot niya sa'kin 'yon pagkatapos at sabay na rin kaming dalawa na dumeretsyo sa school.
"Xia. Libre mo 'ko sa seven-eleven..." sabi nito at patuloy sa pag-alog sa akin habang nakahawak sa balikat ko.
Napasimangot ako, "At bakit kailangan kitang ilibre?"
Ngumuso si Vaughn, "Bawi ka naman sa'kin, aba? Dali na! Ang dami ko na kayang nilibre sa'yo nung isang linggo!"
Napasimangot ako lalo, "So kapag nilibre mo pala ako laging may kapalit?" taas- kilay kong tanong sa kanya.
Tumango ito. "Sa'yo lang! Ang dami ko kayang nagastos sa'yo. Puro ka kasi keri mo 'to!"
Umirap ako, "Oo na. Baka hanggang sa chat ay pilitin mo pa ako. Ayoko sa makulit!" singhal ko sa kanya pero natawa rin pagkatapos.
"Vaughn!" tawag ng isang lalakeng matangkad at kulay chestnut ang buhok. Tinignan ko lamang siyang mabuti habang naglalakad siya patungo sa aming dalawa ni Vaughn na nakatayo sa harap ng malaking bulletin board sa ground floor.
"Trevor!" balik tawag ni Vaughn sa lalakeng matangkad at guwapo.
Napunta ang tingin ng lalake sa akin at biglaang ngumiti ng malapad, "Ikaw ba ang girlfriend ni Vaughn?" diretsyahang tanong nito sa akin.
Napaawang ang bibig ko at 'di nakasagot dahil sa pagkabigla sa kanyang tanong.
Iwinagayway pa niya ang kamay sa harapan ng aking mukha.
"Hey? Bakit 'di ka makasagot?" tanong nitong muli sa akin.
"Pwede ba Trevor? Hindi ko girlfriend si Alexia..."
Ngumisi si Trevor at mabilis akong inakbayan, "So Alexia is your name huh? I'm Trevor James Fallale..."
Napangiwi ako nang malaman ko kung anong pakay niya. Agad na tinanggal ni Vaughn ang braso ni Trevor na nakapulupot sa aking balikat.
"Pwede ba Trev? Palagpasin mo 'tong si Alexia. Junior lang siya..."
Napatakip sa bibig si Trevor at parang nagkunwaring nagulat pero agad siyang ngumiti ng malapad at umiling.
"Kidding. I know na third year lang siya. Just wanna make friends..." sabi pa nito bago kumindat kay Vaughn.
Napasimangot si Vaughn at hinila ako papalapit sa kanya. "Friend? Tanginamo Trev, bulok na 'yang style mo eh..."
Napatawa nang malakas si Trevor dahilan para mapalingon lahat ng nadaan sa amin. Nahagip ng mga mata ko sila Francesca, Sheena at Angeline na nakatayo sa 'di kalayuan at pinagmamasdan ako pati na ang mga kasama ko.
Sinamaan ko sila ng tingin at sinabihang pumunta sila sa kinaroroonan ko para naman may kasama akong babae. Mukha namang nakuha ni Sheena ang sinasabi ko kaya mabilis niya na din na hinila ang dalawa pa naming kaibigan.
"Girls, girls, girls..." bulong ni Trevor at kasunod 'non ang pagsipol niya habang nakatitig sa tatlo kong kaibigan na papalapit sa puwesto namin.
"Palagpasin mo din ang tatlong 'yan, Trevor."
Nagtaas ako ng kilay. "Subukan mo lang hawakan ang tatlong 'yan. Dumikit lang ang dulo ng daliri mo sa buhok niyan ay alam ko na ang plano mo..." mariin kong sabi habang tinatapunan siya ng masamang tingin.
Tumango lamang si Trevor. Nagkukunwaring naiintindihan ang sinasabi ko pero ang totoo ay labas sa kabilang tainga lang naman ang nangyayari.
Nagkwentuhan lamang kaming anim. Nakilala nilang tatlo si Trevor na parang tanga umarte dahil sa pagiging sobrang hyper. Naitanong ko rin kay Vaughn kung ganoon ba talaga ang lalakeng 'yon pero nagiging ganoon lang naman daw kapag maraming magandang babae sa paligid.
"Pinapatawag kayong tatlo sa faculty?" tanong ko sa kanila. "Bakit kayong tatlo naman? Anong meron? So uuwi na naman ako mag-isa?" naiinis kong tanong sa kanila.
Nagkibit balikat si Francesca, "Na-community service kasi kami. Wala kaming magagawa..."
"Kung alam mo lang ay gusto ko na umuwi kagaya mo." umirap si Angeline at sumandal sa pader bago hinigpitan ang hawak sa mop.
"Bakit ba kasi kayo na-community service?" kunot-noo kong tanong sa kanilang tatlo.
"Late kami nakapasok noong isang linggo."
Tumango na lamang ako. Oo nga, noong isang linggo ay lagi silang hindi nakakapasok ng maaga. Speaking of noong isang linggo ay biglaan ko na lamang naalala si Earl.
"Uuwi na ako..." sabi ko sa kanila bago isinukbit ang bag ko sa aking balikat.
"Ingat ka!"
"Bye Xia!"
"See you tomorrow!"
Si Earl...
Magi-isang linggo na din niya akong iniiwasan. Akala ba niya ay hindi ko napapansin? Kapag tinatawag ko siya ay magdadahilan siya ng kung anu-ano, minsan naman ay deretsyo tatlong araw na absent siya, madalas kapag magkakasalubong kami at makakahanap ako ng pagkakataon na kausapin siya ay iiwas siya.
Halatang- halata. Hindi naman ako tanga at manhid para 'di mahalata ang ginagawa niya.
Palabas na ako ng gate ng school nang biglaan siyang tumakbo at dumaan sa harapan ko, lalagpasan ako.
"Earl-" pero hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita kong mabilis niyang hinawakan ang kamay ng kanyang girlfriend bago matamis na ngumiti dito.
Si Christine naman ay wala nang ibang ginawa kung hindi ang bumitaw at ang irapan si Earl.
Hindi ko alam kung bakit kailangan akong makaramdam ng inis kay Christine dahil sa ginagawa niya kay Earl, 'di ko alam kung bakit kailangan na may kakaiba akong inggit na maramdaman.
Inggit dahil nahahawakan niya ang kamay ni Earl. Inggit dahil may 'sila' at inggit dahil lahat ng atensyon at pagmamahal ni Earl ay nasa kanya.
Pero anong ginagawa niya?
Ipiniling ko na lamang ang aking ulo at huminga ng malalim, ano ba 'tong mga iniisip ko?
Mabilis akong naglakad palabas sa gate at tumayo doon sa may gilid upang makapag-abang ng jeep hanggang sa tumigil ang isang bike sa harapan ko.
Kumunot ang noo ko, "Vaughn?"
"Alexia?" pag-gaya niya pa sa akin kaya naman napairap na lamang ako sa kanyang kakulitan.
"Biro lang. 'To naman oh!" sabi nito bago pabirong tinapik ang aking balikat. "Angkas kita." sabi niya at matamis na ngumiti sa akin.
"Angkas?" pag-ulit ko.
"Lipad. Ililipad kita..."
"Vaughn!"
"Ia-angkas na nga kita para 'di ka na mag-abang ng jeep diyaan. Parehas naman tayong taga-bucandala eh. Alam ko na din naman ang bahay mo kaya 'lika na, umangkas ka na..."
Kumunot ang noo ko at tinignan ang bike bago siya, "Kanino ba 'yan?"
Ngumisi siya, "Kay Trevor 'to. Dinekwat 'ko." bago siya kumindat at ginawa ang hilig niya - ang pag-pogi sign.
"Paano siya makakauwi?"
"Magaling siyang magpahulog ng mga babae. Siguro naman may utak din siya kung paano siya makakauwi kahit wala ang bike niya."
At sa kagustuhan kong makauwi ng maaga at maibulsa pa ang sampung piso sa wallet ko ay umangkas na lamang ako. Tipid pamasahe na lang rin.
Pagkarating sa harapan ng bahay ay mabilis akong bumaba at kinuha ang bag ko kay Vaughn. "Maraming salamat sa paghatid..."
Ngumiti siya at ginulo nang bahagya ang aking buhok, "Wala 'yon. Sabay tayo pasok bukas ha?"
Tumango ako, "Sige ba!" Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang kanyang kaliwang balikat. "Thank you ulit..."
"Basta ikaw."
Bago siya umalis at dumeretsyo sa kanila.
Kinabukasan ay maaga kaming nakapasok. Nagtungo naman ako agad sa library upang makapagbasa ng ilang libro at maghintay ng bell para sa isang general assembly daw.
Kinuha ko ang library card ko at ipinakita 'yon sa librarian bago niya ako payagan na ilabas at hiramin ang mga libro.
Nakasalubong ko pa si Earl pero ni isang sulyap ay hindi niya man lang ako tinapunan. Napairap na lamang ako sa kawalan at pinagdesisyunan na h'wag na lang muna siyang problemahin.
Dumating agad ang uwian at 'di ko rin naman 'yon namalayan agad dahil sa bilis na rin ng oras at sobrang okupado ako sa aking ginagawa.
Patuloy pa rin sa pagpasok sa isip ko si Earl. Kahit naman anong pilit ko na h'wag siyang isipin - sa huli ay ganoon pa din ang kinahahantungan ko.
Iniisip ko siya.
Nang tumigil ang jeep sa tapat ng greengate ay hindi na ako nag-dalawang isip na pumara rin nang sa maunang jeep ay nakita kong bumaba si Earl. Ano ba talagang meron dito sa greengate?
Hindi naman siya rito nakatira. Posible kayang dalawa ang bahay nila?
Tahimik ko lamang siyang sinundan hanggang sa makarating siya sa harapan ng isang malaki at malawak na bahay na kulay cream. Kumunot ang noo ko, kaninong bahay naman 'yon?
"Earl! Ano na namang ginagawa mo dito?"
Napalingon ako sa babaeng nagsalita nang mapagtanto ko na si Christine pala 'yon. Mas lumapit ako at nagtago sa likuran ng isang malaking puno.
"Tine, h'wag kang makikipaghiwalay sa'kin parang awa mo na..." yun ang una kong narinig kay Earl mula noong sinundan ko siya kanina.
"Ayaw mo namang gawin ang mga pinapagawa ko sa'yo!" sigaw ni Christine.
Nakita kong nangatog ang mga balikat ni Earl at mas nanlaki ang mga mata ko nang makita siyang unti-unting lumuhod sa harapan ni Chrsitine habang nakakapit sa kamay ng babae.
"E-Earl..." naiiyak kong bulong sa aking sarili kasabay 'non ang parang pagtusok ng milyun-milyong karayom sa aking puso.
Nasasaktan ako. Masakit. Nasasaktan ako para kay Earl.
"Please, h'wag mo akong hiwalayan ulit. Christine. A-Ayos lang naman na may Genesis ka... H'wag mo lang akong iwan. M-Mahal na mahal kita eh..." pagmamaka-awa pa ni Earl.
"E di gawin mo ang gusto ko." Napangisi si Christine at iwinaksi ang kamay ni Earl na nakahawak sa kanya. "Continue acting as the horrible boyfriend. Ako naman yung girlfriend na lagi mong pinagmumura at kinakawawa. Understood?"
Natagalan bago makasagot si Earl. Garalgal at basag na ang boses niya nang marinig ko itong muling sumagot sa tanong ni Christine. "O-Okay... H'wag mo lang akong iwan."
Napangisi si Christine bago tinapik si Earl sa ulo na para bang isa itong aso at nagsalita, "Pathetic."
Bago tuluyang iniwan ni Christine si Earl sa labas ng kanilang bahay. So this is what he goes for here in greengate? Kaya siya nagpupunta rito madalas ay dahil sa girlfriend niya?
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at pumunta sa kanyang likuran. Kinuyom ko ang mga palad ko bago lakas loob na tinawag ang kanyang pangalan.
"Earl."
Napansin kong nabato siya sa kanyang kinaluluhudan kaya naman dahan- dahan lamang siyang tumayo at unti-unting humarap sa akin.
Ang mga mata niya ay punung- puno ng luha.
"X-Xia?"
At sa oras na nagkatitigan kami ay alam ko na. Sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
Gusto ko si Earl. Matagal na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top