Chapter 08
#FATWREight
Earl's scores were getting higher dahil na rin sa cooperation niya and sa pagiging present niya for consecutive weeks. Hindi na siya uma- absent at hindi na siya paloko loko sa pag-aaral niya.
But his bad habits, it kept on growing. Lagi siyang may sigarilyo sa pagitan ng kanyang mga labi. Nakaka-tatlo sa isang araw o minsan ay lima pa.
Hindi ko alam kung bakit ganoon si Earl. Hindi ko alam kung paano babaguhin 'yon, 'di ko alam kung paano tatanggalin sa kanya ang mga panget niyang bisyo.
"Earl, bakit ba 'di mo itigil yang paninigarilyo mo? Fifteen ka pa lang!" singhal ko sa kanya habang nililigpit ang pinagkainan naming dalawa.
"My parents don't know. My teachers don't know. Ikaw lang naman ang nakakaalam, kahit si Christine ay 'di alam. Ayos lang 'yan..."
Umirap ako, "Hindi ito tungkol sa mga taong nakakaalam sa bisyo mo, Earl. Tungkol 'to sa sarili mo..."
"Bakit ba ang laki ng pakialam mo sa'kin?" tanong niya bago kinuha ang isang bowl at sumabay sa akin pababa ng rooftop.
Napaismid ako, "Malamang kaibigan kita..." masungit na saad ko.
Napatawa siya, "Kaibigan lang?" tanong niya habang may isang mapaglarong ngisi sa kanyang mga labi.
Tumango ako.
"Oo. Ano pa ba dapat?"
Umiling siya, "Kung sana noon pa kita kilala 'noh?" sabi niya bago ipinatong ang siko sa aking balikat at ang kanyang palad sa aking ulo.
Kumunot ang noo ko, "Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti siya. "Wala. Maglinis na nga tayo. Magpapaturo pa ako sa'yo mamaya..."
Hindi na lamang ako sumagot. Nanatili akong tahimik habang nagliligpit ako ng plato at habang si Earl naman ay nagpupunas ng lamesa.
Inilagay ko sa ibabaw ng lababo ang mga nahugasan ko nang plato, isinunod ko naman ang mga kutsara para mailagay ko na rin sila sa ibabaw.
"Earl, may pamunas ba kayo ng plato dito?" tanong ko nang makakita ako ng isang drawer malapit sa lalagyanan ng mga plato at kutsara.
Tumingin siya sa akin, "Ah oo pero wala na atang nakalagay diyan. Kukuha lang ako sa taas..." agad siyang tumakbo patungo sa taas.
Tahimik na lamang akong naghintay hanggang sa makabalik siya. "Salamat..." sabi ko nang makuha ko na ang pamunas ng plato.
Isa-isa ko silang pinunasan at inilagay sa tamang lalagyanan. Lagi ako ang gumagawa ng mga ganito sa bahay kaya naman sanay ako at sa mga gawaing bahay din naman ay ang paghuhugas ng plato, paglalaba, pagtitiklop ang aking mga paborito.
"Nasan nga pala ang mga magulang mo, Earl?" tanong ko sa kanya nang matapos kong gawin ang paglilinis ko.
Piniga niya ang basahan at inilagay iyon sa gilid ng lababo, "Nasa trabaho sila buong linggo pero sa susunod na linggo ay uuwi naman sila..."
Tumango ako dahil sa aking narinig. "Mukhang sanay ka na din maglinis ng bahay..." nakangiti kong sabi sa kanya habang tinitignan ko kung may alikabok ba sa ibabaw ng lamesa.
"Sino ba namang hindi? Madalas naman ay mag-isa lang ako rito..." sabi ni Earl bago umupo sa sofa at inilagay sa ibabaw ng lamesa ang bowl ng popcorn at dalawang coke in can.
Kumunot ang noo ko, "Eh di sino ang nag-aalaga sa'yo kapag may sakit ka?" tanong ko pa ulit.
Malungkot siyang ngumiti at umiling habang nakatutok ang atensyon sa telebisyon na 'di naman bukas. "Wala..." bago siya tuluyang tumingin sa akin. "... ako lang naman lagi ang nag-aalaga sa sarili ko kapag may sakit ako."
Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng isang dakot ng barbecue flavored popcorn. "Eh si Christine? Hindi ka ba niya binibisita dito minsan?"
Umiling ito at ininom ang coke.
"Sinasabi mo ba sa kanya kapag may sakit ka?" tanong ko.
Hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko sa pagtatanong pagdating sa buhay niya. Ewan ko ba, interesadong interesado ako sa kanya. Gusto ko na nga minsan na pigilan ang sarili ko pero 'di ko magawa.
"Hindi rin."
Sumandal ako sa sofa at kinuha ang libro ng mathematics kung saan siya magpapaturo sa akin. "Bakit naman 'di mo sinasabi?"
Mapait siyang tumawa at bumuntong hininga, "Hindi rin naman siya pupunta..."
"Ha?" dahil 'di ko masyadong naintindihan ang kanyang sinabi.
"Wala. Ang sabi ko kaya 'di ko na sinasabi sa kanya dahil ayaw ko namang maging pabigat sa kanya kaya ganoon..."
"Ah..." ilang beses pa akong tumango nang marinig ko na nang malinaw ang kanyang sinabi pero may isang tanong pa na naiwan sa utak ko.
Kung bakit ayaw niyang gawin ni Christine ang mga responsibilidad nito sa kanya bilang girlfriend?
Ang gulo lang.
Ilang oras kong tinuruan si Earl sa subject na math. Madali naman niyang nage-gets yung ilang topic pero mayroong isa na naguguluhan talaga siya. Naguluhan din naman ako doon sa topic na 'yon noong una pero nang tumagal at nag-focus talaga ako ay madali lang naman pala ang gagawin.
"Wait lang Earl ah, nag-text si mama sa'kin..."
Mama:
Anak, 'di ka pa ba tapos diyaan sa tinuturuan mo? Umuwi ka na agad pagkatapos ha? Mag-iingat ka. Masarap ulam natin, hehe.
Napangiti na lamang ako saka nagtipa ng ire-reply sa kanyang mensahe.
Ako:
Opo mama. 'Di pa po tapos eh, may isa pa po siyang topic na 'di magets. Opo ma h'wag kayong mag-alala at uuwi ako agad. Iloveyou Ma. :*
Mama:
Mahal din kita 'nak. Ingat sa pag-uwi mo.
Inilapag ko na yung cellphone ko bago ipinagpatuloy ang pagtuturo kay Earl hanggang sa lumipas na pala ang tatlong oras ay 'di pa rin namin namamalayang dalawa.
"Anong oras na pala, Xia. Kailangan mo ng umuwi..." ani Earl bago isinara ang kanyang libro at tumayo.
Napatingin ako sa relos ko at bahgyang nanlaki ang mga mata nang makita kung anong oras na pala talaga.
Nine-thirty na ng gabi!
"Hala! Kailangan ko ng umuwi, Earl! Na-gets mo na ba yung tinuro ko? H'wag kang a-absent bukas ha? My exam tayo bukas tungkol diyaan!" sunod-sunod na salita ang lumabas sa bibig ko habang mabilis kong isinasalansan ang mga gamit ko pabalik sa aking bag.
"Alexia-"
"Aralin mo na lang ulit kapag may hindi ka na-gets ha? O kaya i-chat mo na lang ako mamaya para magtanong. Nako, di na talaga kita matuturuan sa ganitong oras!" singhal ko na halos sa kanya habang itinatali ko ang aking mahabang buhok.
"Hey Xia-"
"Bye na talaga Earl ha? May sasabihin ka pa ba sa'kin? Bilisan mo na o di kaya ano uhm..." napatigil ako at kinagat ang aking pang-ibabang labi. "Oo tama! Sa chat mo na lang sabihin sa akin ha?"
Isinukbit ko na ang aking bag bago ako maayos na humarap sa kanya at ngumiti ng malapad. "Bye Earl ha? Uuwi na ako!"
"Alexia Marie De Rama!"
Napatalon ako dahil sa gulat sa biglaang pagsigaw ni Earl. Nanlalaki ang mga mata kong humarap sa kanya at bahagyang napanganga, "Bakit mo naman isinigaw ang buong pangalan ko? Problema mo? Uuwi na nga ako..."
Umirap siya at napasabunot sa kanyang buhok. "Kanina pa kasi kita tinatawag pero 'di ka tumigil sa kasasalita diyan..."
Kumunot ang aking noo, "Oh ano naman? Mamaya mo na nga lang sabihin kasi kailangan ko na talagang umuwi!"
"Ang ibig kong sabihin ay ihahatid na kita pauwi. Ano bang problema mo, Xia? Napakadaldal mo!" sabi nito bago kinuha ang sumbrero niya at hinatak ako palabas.
"H-Hindi na kailangan! Kaya ko namang umuwi mag-isa. Earl eh. Maaabala ka pa!"
Masama ang tingin na ibinato niya sa'kin at ang pagkakahawak niya sa kamay ko ay mas lalong humigpit,
"Hindi ako maaabala. Kung tutuusin nga ay ikaw pa ang naabala ko. Gusto lang naman kitang ihatid para masigurado kong safe ka at walang mangyayari sa'yong masama. Gusto ko na rin makita at makilala ang mama mo."
Nanaig ang katahimikan sa aming dalawa at bumagsak ang panga ko dahil sa kanyang mga sinabi. Mga ilang minuto lamang akong bahagyang nakanganga habang nakatitig sa kanya.
"G-Gusto mong makilala ang mama ko?" nauutal- utal kong sabi at tinuro ko pa ang aking sarili.
Bigla siyang napatigil at nanatili lamang na nakatitig sa akin. Dahan- dahang umawang ang kanyang labi at napaiwas ng tingin.
"A-Ano..."
"Ano?"
"Ang ibig kong sabihin ay gusto kong makita at mapasalamatan ng personal yung nanay ng babaeng nagtuturo sa akin. Tsaka para hindi naman niya isipin na wala akong konswelo..."
Unti-unti akong napatuwid ng tayo at inayos ang aking sarili, ilang beses na kumurap bago siya nilagpasan at nagtungo sa front door.
"Y-Yun lang naman pala 'yon eh. Eh di sige, ihatid mo ako..."
Agad akong lumabas at binuksan na ang kanilang gate at ang babaeng nasa harap ko ang labis na nagpagulat sa akin.
"Xia, hintayin mo naman ako!" sigaw pa ni Earl sa loob.
"E-Earl..." bulong ko habang hawak hawak ang gate at nakatitig lamang ng deretsyo sa mga mata ng babaeng nasa harap ko.
"Xia!- Christine?" gulat na tanong ni Earl nang madatnan niya kaming dalawa sa may gate.
Matipid na ngumiti lamang ang girlfriend niya at nagsalita, "Hindi ko naman alam na may bisita ka pala sa ganitong oras..."
Nagkatinginan kami ni Earl. Akala ko sasabihin niya ang totoo na tinuturuan ko siya at ihahatid niya pa ako pauwi ngunit kabaliktaran naman ang kanyang ginawa.
Marahan niya akong itinulak palabas at hinila si Christine papasok.
"I-Ibinalik niya lang naman yung payong na naipahiram ko sa kanya noon. Uuwi na din siya..."
Tumango si Christine at ngumiti, "Ikaw si Alexia hindi ba?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Tumango na lamang ako at napalunok.
"Earl, akala ko ba-" naputol ang sasabihin ko nang biglaang magsalita si Earl.
"Diba uuwi ka na? Mag-ingat ka Xia ha? Nako! Delikado pa naman sa daan!"
Kumunot ang noo ko. "Pasok na tayo sa loob, Christine. Malamig na dito sa labas. Bakit ka nga pala napadalaw?"
Inakbayan ni Earl si Christine at tumalikod na silang dalawa. Earl waved goodbye at me. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yon o talagang ginawa niya ang isang bagay na hindi ko talaga maintindihan.
He lied and pushed me away and then the next moment, he mouthed 'sorry'.
Napapikit na lamang ako ng mariin at naglakad na lamang palabas ng golden. Wala siyang kwenta. Ano, porke't dumating lang yung Christine ay magsisinungaling na siya? At parang wala siyang sinabi na ihahatid niya ako?
"Eh ano ba namang laban ko 'don? Girlfriend 'yon..." bulong ko na lamang habang nakanguso at iritableng napakamot sa aking ulunan.
"Hah! Nakakainis!"
At hanggang sa pagsakay ko ng jeep ay dala dala ko ang inis na 'yon dahil sa kanya. Wala talagang kwenta!
Bwisit.
"Xia. Xia, gising..." may naramdaman akong umaalog sa akin at boses na tumatawag sa pangalan ko.
Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at tumambad sa'kin ang tao. Nasa jeep na pala ako! Hala, nakatulog ako!
"Nakalagpas na po ba ak-Vaughn?" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko si Vaughn na nasa aking tabi.
"Hi Xia, buti na lamang at nagising ka na. Malapit na tayo sa bucandala..."
"Ano? Paano? Teka... ha?" hindi ko magawang i-construct nang maayos ang aking sasabihin.
"Kuya, para po..." ani Vaughn bago niya hinawakan ang kamay ko at hinila ako pababa.
"Pano ako nakasabay sa'yo? Pano ako naging katabi mo sa jeep paggising mo?" tanong niya sa akin.
Kumunot na lamang ang noo ko at tumango.
"Nasa greengate kasi ako kanina. Eh yung pinarahan kong jeep, doon ka pala nakasakay. Medyo late na nga namg ma-realize kong ikaw 'yon eh. Pero nakipagpalit na ako ng puwesto doon sa katabi mo, parang minamanyak ka eh..."
Napangiwi ako, "Minamanyak talaga?"
Tumango ito at pinagdikit ang kanyang mga labi, it formed a thin line. "Yep! Buti na nga lang nandon ako. Hah! Superhero mo talaga ako eh..." sabi pa nito bago nag-pogi sign.
Napangiwi ako lalo at tinakpan ang kanyang mukha gamit ang isa kong kamay pero kamalas- malasan ay 'di nito nasakop ang mukha niya
"E di salamat..." sabi ko bago bumungisngis.
"Bakit gabi ka na nakauwi?" tanong nito sa akin saka itinago ang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon pero agad din namang inalis ang isa bago iyon inilahad sa'kin.
"Akin na bag mo..."
At dahil sa masakit na rin ang likod ko ay ibinigay ko na lamang sa kanya.
"Tinuruan ko kasi si Earl. Sabi kasi ng adviser namin at ni Ma'am Rowena ay ako daw ang tumulong sa kanya..."
Napatigil siya at parang gulat na gulat. "Earl?" tanong nito.
Tumango ako, "Jon Earl Cuesta. Bakit? Kilala mo?"
Saglit siyang natahimik at tipid na ngumiti.
"Hindi." sabi nito at nauna nang maglakad sa'kin.
"Halika na. Ihahatid na kita." ani Vaughn.
***
a/n: salamat sa mga nagbabasa. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top