Chapter 02

#FATWRTwo

It was something I never expected to happen. Never.

"Xia, ipasa mo na yung research paper mo..." utos sa akin ni Angeline na siyang nasa harapan ko. Bumalik ako sa sarili kong diwa bago ilang beses na kumurap at kinuha ang makakapal na bond paper na magkakasama sa iisang folder.

Inabot ko iyon kay Angeline bago niya pinagipon ang lahat lahat ng mga research papers na galing sa mga ka-row naming dalawa.

"Parang wala ka ata sa sarili mo ngayon, Xia? Ayos ka lang?" tanong ni Angeline matapos iabot kay sir. ang mga research papers.

Ilang beses akong kumurap at itinuro pa ang aking sarili, "Ako?"

Tumango siya, "Oo. Ilang araw ka na ding ganyan eh."

Peke akong ngumiti at iwinagayway ang dalawa kong kamay sa aking harapan bilang pagtanggi sa mga sinasabi niya.

"Ayos lang ako Ange, ano ka ba?" At kasunod 'non ang pagbibigay ko sa kanya ng isang pekeng tawa. Nanliit pa ang kanyang mga mata at sa mga oras na 'yon ay alam kong 'di siya naniniwa sa akin pero napanatag ang loob ko nang hindi na siya muling magtanong pa at iniba na lamang ang topic naming dalawa.

"Magta-tryouts ka ba sa badminton? Bukas na kasi 'yon at sasali ako. Sumali ka na Xia para may kasabay naman ako..." yinugyog pa ni Angeline ang aking braso.

"Susubukan ko. Last year kasi noong second year tayo ay hindi ko nagawang mag-tryouts."

Ngumiti ng malapad si Angeline bago pinagsiklop ang dalawa niyang kamay at mistulang pumalakpak pa.

"Yes! Thank you, Xia!"

Bahagya akong natawa, "Hindi mo kailangang sumigaw. Nakatingin tuloy sa atin si sir."

Tinakpan niya ang kanyang bibig bago humagikgik. "Oops. Pasensya na..."

Pagkatapos magpasa ng research paper ay hindi na rin nag-discuss si sir. Hinayaan niya na kaming magkaroon ng free time at magusap- usap tungkol sa mga bagay bagay.

"Hanggang ngayong third year na tayo ay hindi pa rin humuhupa yung mga issue tungkol diyaan kay Jon Earl..."

Kumunot ang noo ko mula sa narinig kong usapan mula sa aking likuran. Dahan- dahan akong sumandal sa upuan at pasimpleng nakinig sa kanilang mga daldalan.

"Oo. Balita ko ay pinagmumura niya pa rin yung girlfriend niya. Hindi ko nga alam kung bakit ganyan siya..."

Tumikhim yung isa at hinawi ang kanyang buhok. "Gwapo pa naman sana siya..."

Napakamot ako sa aking noo bago bumuntong hininga. Isang taon, walang hupa yung mga issues tungkol kay Jon Earl. Hindi ko nga alam kung ano talagang meron sa kanya at hindi siya tinatantanan ng mga tao.

Tumingin ako sa aking gilid at isang upuan pa bago ang pwesto niya ay doon ko siya nakita. Natutulog habang nakasapak ang earphones sa kanyang mga tainga.

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.

Jon Earl Cuesta.

"Hindi ko alam na hilig mo pala ang tumitig sa mga taong tulog."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nabato sa aking kinauupuan.

"A-ah ano kasi, hindi ah!" pagtanggi ko pa bago nag-iwas ng tingin at mas lalong lumayo ng puwesto sa kanya.

Narinig ko siyang tumawa bago siya nagsalita, "Ang guilty mo naman pala. Masyadong defensive..."

Masama akong tumingin sa kanya. "Eh hindi naman kasi talaga kita tinititigan!" singhal ko sa kanya bago pinagkrus ang dalawa kong braso sa ibabaw ng aking dibdib.

Tumango siya, "Okay. Sabi mo eh."

Magsasalita pa sana ako dahil ang tono ng pagkakasabi niya 'non ay parang sarcastic pa ngunit may tumigil na jeep sa tapat ng waiting shed ngunit hanggang Greengate lamang 'yon.

Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang paa niya na gagalaw. Siguro ay tatayo na pero 'di niya itinuloy.

Kumunot ang aking noo. "Bakit hindi ka sumakay?" taka kong tanong sa kanya.

"Bakit mo ko tinatanong? Alam mo ba kung tagasaan ako?" balik tanong niya sa akin habang may isang maliit na ngisi sa kanyang mga labi.

Umiling ako. "Hindi. Bakit, masama bang magtanong?" tanong kong muli sa kanya bago ko siya pinagtaasan ng kilay.

Ngumiti siya. "Hindi naman..."

'Di na lamang ako nagsalita at tahimik na lamang akong naghintay para sa susunod na jeep na dadaan at titigil sa tapat ng waiting shed. Yung iba ay hanggang Open canal lamang at yung iba ay hanggang Greenvale lang. Hindi pa aabot sa uuwian ko.

Sabay kaming napatayo nung lalake nang may tumigil sa tapat ng waiting shed na may nakalagay na 'Imus'. Sabay pa nga kaming nagpunta pero mas nauna siyang sumakay. Akala ko naman ay papaunahin niya akong sumakay dahil na rin sa pagtulon niya sa matanda kanina pero mali pala ako.

Napasimangot ako at sumakay sa jeep. "Kuya bayad ho..."

"Saan 'to?" tanong nung driver nang makuha niya ang bayad ko.

"Bucandala po. Isa, estudyante..." sabi ko bago sumandal sa upuan at dahan- dahang pumikit. Malayo- layo pa 'to.

Napadilat ako nang marinig ko ang kanyang boses at agad dumapo ang tingin ko sa kanya.

"Bayad ho..."

"Saan 'to?" muling tanong ng driver.

"Greengate po yan. Isa, estudyante..."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko sa kanya. Kumunot din ang aking noo hanggang sa tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti.

May tumigil nang jeep kanina na hanggang Greengate lamang at hindi pa ito puno. Bakit hindi siya doon sumakay? Gusto ko sanang itanong sa kanya 'yon ngunit hindi naman kami ganon ka- close at hindi naman talaga kami magkaibigan kaya't nanahimik na lamang ako sa aking kinauupuan.

Nang makarating sa tapat ng bukana ng Greengate ay doon na siya bumaba. Sinadya niya pa nga atang sagiin ang paa ko para mapunta ang atensyon ko sa kanya. Nang tumigil kasi ang jeep ay nakadungaw ako sa bintana at tinitignan ang mga taong nagsisilabasan at pumapasok sa subdivision. Yung iba ay naglalakad at yung iba naman ay dala- dala ang kanilang mga sasakyan.

"Bye..."

Hindi ko alam kung imahinasyon ko lamang 'yon o talagang narinig ko iyon mula sa kanya. Mula sa bintana ay nakita ko siyang naglalakad papasok sa subdivision. Hindi ko na rin pinagtagal ang pagtitig ko sa kanya bagkus ay umayos na lang ako ng upo at isang beses na huminga ng malalim.

At sa 'di malaman lamang dahilan ay natagpuan ko ang sarili kong palihim na ngumiti noong araw rin na iyon.

"Xia, magta- tryouts ka ba sa badminton ngayong araw? Parang wala akong nakikitang gamit na dala dala mo..."

Umiling ako, "Hindi eh. Wala akong lalaruin ngayong intrams..." paliwanag ko.

Kumunot ang noo ni Framcesca. "Bakit naman?"

Nagkibit balikat ako, "Ewan ko. Parang ayoko lamang maglaro..."

Tumango si Francesca. "Sige, basta manood ka ha? Magta- tryouts ako mamaya. I-cheer mo ako, please?"

Ngumiti ako. "Hindi mo na kailangang itanong 'yan, Francesca. Talagang manonood ako para i-cheer kayong dalawa ni Angeline..."

"Si Sheena nga pala anong lalaruin?" tanong ko.

"Basketball for girls." nakangusong sabi ni Francesca bago hinawi ang kanyang buhok.

"Ngayon din ba ang tryouts 'non?" tanong ko.

"Nope. Basketball boys muna ngayon..." sabi ni Angeline na mukhang kakatapos lang basahin ang kanyang libro.

Tahimik na lamang akong tumango at bumalik sa pagsasagot sa aking libro.

Mag-isa na lamang akong bumaba papunta sa gymnasium dahil nandoon na sila Angeline at Francesca. Si Sheena naman ay nauna na sa akin na pumunta doon. Tahimik akong bumaba ng hagdan hanggang sa napatigil ako dahil sa aking narinig sa isang classroom.

"Tangina naman! Ako pa paglolokohin mo? Tanginang 'yan!" boses ng isang lalake ang narinig ko. Para itong hirap na hirap at basag ang kanyang boses.

"Hindi naman kita niloloko. Nagsasabi ako ng totoo..." sagot nung babae na base sa kanyang boses ay parang malapit na din umiyak.

Kumunot ang noo ko namg mabigkas nung babae ang pangalan ng kanyang kasintahan. Earl. Ibigsabihin ay siya yung lalakeng ikini-kwento sa akin noon ni Francesca?

Nang mapansin kong parang umawang ang pintuan ng classroom ay agad na akong tumakbo palayo. Baka kasi mamaya ay buksan iyon at makita pa ako, ayokong madamay sa away na dapat ay wala naman talaga akong kinalaman.

Hingal akong nakarating sa gymnasium. Sumandal muna ako saglit sa pader para habulin ang aking hininga.

"Whew..." hinga ko ng malalim at marahang hinampas ang parte ng dindib ko kung nasaan ang puso.

"Alexia!" narinig kong tawag ni Francesca sa 'di kalayuan. Agad akong ngumiti at kumaway bago ako tuluyang pumunta sa kanilang tatlo.

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Sheena sa akin habang nakasimangot.

Kinamot ko ang aking batok at nag-isip na lamang ng pwedeng idahilan.

"Pasensya na. Pinatawag ako sa faculty, may iniutos sa akin si ma'am..."

Tumango silang tatlo bago ako hinila ni Angeline. "Tara na! Ni- reserve na namin kayo ni Francesca ng upuan doon sa bleachers..."

Nagpahila na lamang ako hanggang sa matagpuan ko ang aking sarili na nakaupo sa bleachers at excited na inaabangan ang laban para sa tryouts nila Francesca at Angeline.

"Sheena, anong team ka?" tanong ko sa kanya saka ko inilagay ang bag ko sa aking harapan.

"White team. Blue ka, hindi ba?" tanong sa akin ni Sheena pabalik.

Tumango ako. "Oo. Sayang nga at wala ako sa mood para makapaglaro ngayon ng kahit anong sports at mag-tryouts. Wala akong gana..." sambit ko saka hinilot ang aking sentido.

Ngumiti si Sheena at tinapik ang aking balikat, "Ayos lang 'yan. Ganyan naman talaga..."

Hindi na ako sumagot at tahimik lamang akong nanood ng laban nila Francesca at Angeline para makapaglaro sila sa badminton games.

"Bukas daw malalaman kung tanggap kami..." sambit ni Angeline bago matipid na ngumiti.

"Bakit parang 'di ka naman masaya?" kunot- noong tanong ni Sheena.

"Masaya naman. Pagod lang talaga kami. Tara kain tayo!" yaya ni Francesca bago kami parehas na inakbayan ni Sheena at Angeline.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga mawala ang pagkakaroon ko ng matinding kaba sa narinig ko kanina habang bumababa ako.

Jon Earl, bakit nga ba ganyan ka?

Tahimik lang akong nakaupo sa waiting shed. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit mistulang may hinihintay akong dumating.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang isang pamilyar na pigura na papalapit sa waiting shed.

Doon ko siya muling nakita. Napatitig ako sa kanya at 'di napigilan ang sarili ko mula sa pagsasalita.

"Bakit baliktad ang suot mo sa jersey mo?" tanong ko.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa at dahan- dahang tumingin sa akin. Napakurap ako ng ilang beses nang mapagtanto kung ano ang aking ginawa.

"Pa-pasensya na!" ani ko bago tinampal tampal ang aking bibig sa mahinang paraan ng ilang beses.

"Trip ko lang isuot ang jersey ko sa baliktad na paraan..." sagot nito bago ngumiti sa akin at umupo sa aking tabi.

Hindi na ganoon kalayo katulad noon pero 'di rin naman ganon kalapit.

"Ayan na yung jeep..." sambit nito bago tumayo at kinuha ang kanyang bag. Tumayo na rin ako at tinanong siya nang makasakay kami.

"Taga-Greengate ka ba?" tanong ko.

Tipid at isang malamig na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Hindi..."

Kumunot ang noo ko. Eh bakit siya doon nababa?

"H'wag mo nang alamin kung bakit doon ako nababa." ani nito.

"Ha? Eh ano na lang ang pangalan-"

"H'wag mo na rin alamin ang pangalan ko." malungkot na wika nito at magsasalita pa sana ako ngunit nasa tapat na pala ng Greengate.

Hindi ko nagawang itanong ang nais kong itanong sa kanya.

Kung bakit lagi na kaming sabay nauwi kahit hindi naman namin sinabihan ang isa't- isa.

"Alexia, tara uwi na tayo..." yaya sa akin ni Francesca at napakurap pa ako ng ilang beses dahil marahan niya akong tinapik sa aking pisngi.

"Para kang lutang. Ano bang iniisip mo?" tanong nito sa akin.

Inilagay ko yung mga libro ko sa locker at hindi nagsalita. Sabay na lamang kaming lumabas ni Francesca.

"Uy girl, ano nga iniisip mo?" tanong nitong muli sa akin.

Sakto namang nakita ko siya. Napatitig ako sa kanyang pigura habang naglalakad palayo at habang naka- akbay sa babaeng mahal niya.

Si Earl, kasama ang girlfriend niya.

"Wala 'yon..." ang tanging naisagot ko na lamang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top