CHAPTER 19

"Hoy, Pai!" malakas na sigaw ko sa tainga niya.

Kanina pa 'yan, eh. Kain nang kain na parang gutom! Mayaman namam siya pati ang boyfriend niya, pero parati siyang ganyan kung makakain. She has no class at all. Zero in elegance.

Napapapilig na lamang ako ng aking ulo habang nakangiwing nakatitig sa kaibigan ko.

"Ano ka ba naman, Inessa Haier Mcallen?! Kita mo naman na kaharap ko kaligayahan ko, eh!" Angal niyang ikinatawa ko.

Tinignan niya ako gamit ang nangliliit niyang mga mata. I just stuck my tongue out to piss her. Pai rolled her eyes at me while having a big bite from the cheese burger she's eating. Takaw talaga...

"I bet when your boyfriend saw you eating like that, he'll have a second thought why did he like you," I was nodding my head as I took a peak at her.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na animo'y mag-usok ang ilong niya.

"Aba't talagang—hinahamon mo na ako, Haier? Ha?!"

Walanghiya, natatawa ako sa kanya. Promise.

"Aba't talagang—hinahamon mo na ako, Haier? Ha?!" I mimicked her words.

Akmang hahampasin niya ako nang maalala niya marahil na burger pa ang hawak niya.

"Nako ka! Pasalamat ka lang pagkain pa 'tong hawak ko dahil kung hindi..." She gritted her teeth.

Tinawanan ko lang ulit si Pai.

"Kaya ka tumataba niyan, eh. Kain ka kase ng kain," komento ko habang nakatingin sa kanya.

She's not really that fat. Sadyang malaman lang talaga siya. I was just saying it so that she'll at least maintain the foods she eats. Mukhang babaero pa naman ang boyfriend niyang parang gurang ang kulay ng buhok.

Uminom ako sa juice ko. I was sipping from it as I roamed my eyes around the cafe. Hapon na naman kaya nagdadagsaan na ang mga tao. Couples occupied the place mostly.

"Psh, how sweet..." sarkastikong bulong ko.

It has been weeks since Harold and I had our last talked. Hindi na niya ako tinawagan pa ulit sa sumunod na araw. But I only received a text message coming from his number saying he will be going back to State.

It's not that I am disappointed that he's going back there. Ang sa akin lang ay bakit naman parang biglaan? He didn't even bothered to tell me about it.

"Haier?" I looked back at Pai when I heard her called me.

"Bakit?" I asked.

She pointed my juice using her pouting lips. Umangat ang kanang kilay ko senyalis na nagtatanong ako.

"You've never liked drinking strawberry banana flavor," she said.

Napatingin naman ako sa inumin na nasa lamesa namin. It's true. I've never liked drinking with strawberry banana flavored drinks. Ayaw ko kase sa amoy no'n dahil sobrang tamis. I prefer orange and lemon juice rather than those.

Nagkibit balikat lamang ako.

"Gusto ko bigla ang amoy, eh. Ang sarap sa ilong," ani ko na nagpakunot ng noo niya.

"Isa pa, you're glowing..." si Pai.

"Palagi naman akong glowing, Pai, kaya bakit naman parang takang-taka ka?" kuryusong tanong ko.

She shrugged her shoulder. Ginaya lang ako, ah.

"Ano lang... I just don't want to think that your taste bud is changing because you're pregnant," aniyang nagpatigil sa akin.

Pregnant? What is she saying? Imposibli naman 'yan—

I suddenly remembered what happened at Kier's condo. My mouth fell open when it the thought about Kier planting his seeds inside me that day. Oh my god. It cannot be... I-it shouldn't be.

Agad kong binilang kung ilang linggo na ba ang lumipas magmula ang huli kong dalaw. I forgot to take some pills by those days because of Harold. Hindi ko rin naman maramdaman ang mga sintomas no'n kagaya no'ng una. The reason why I wasn't thinking about me getting pregnant.

"O, bakit? Huwag mong sabihin na tama ako? Na buntis ka?!" Pai yelled in front of me.

Bigla akong dumukwang papalapit kay Pai at tinakpan ng kamay ko ang bibig niya. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng cafe. I saw some people looking at our seat with smiles visible on their faces.

"Pai, naman!" mariing sabi ko.

"Sorry naman! Nabigla ako, eh." Tumango na lang ako at umayos ulit ng upo sa puwesto ko.

Napahilig ako sa upuan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at tumingala sa kisame.

"So... Buntis ka nga?" mahinahong tanong na niya.

I flattened my back on my seat and stared at Pai seriously. She was waiting for my words.

"Maybe?" I answered. "Maybe not?" I added.

Pai touched her chin as if she's thinking. Napapangiwi na lamang ako. Napapiksi ako sa upuan ko nang bigla-bigla na lamang siyang tumayo at lumapit sa akin. She put her burger on the plate before staring at me.

"Sabihin mo, si papang bachelor ba ang umaninag sa kadiliman sa baba mo?" Pinitik ko ang noo niya. Umaray siya.

Tsk. Babaing ito talaga, oo.

"Kung ano-ano ang sinasabi mo! Puwedi namang ganito na lang... Is he the one who fucked you and made your mind blown?" Rolling my eyes, I said.

Tumayo siya at bumalik sa upuan niya.

"Aba't sa 'yon ang gusto ko, eh. At tsaka, totoo naman, ano! Flashlight niya ang umilaw sa madilim mong gubat na buwan-buwan kong umiyak!"

What the hell is wrong with Pai?! She's so gross! Kadiri bibig niya! Dinaig pa ako.

Lumapit ako ng ilang dangkal patungo sa kaibigan kong walang preno ang bibig. Hinila ko ang buhok niya na nagpasigaw sa kanya.

"Ay, flashlight ng gubat!" Walanghiya talaga...

I just shook my head and didn't uttered even a word about it again. Mas hahaba lang ang usapan namin tungkol doon kung hindi ko pa puputulin. Bungangera pa naman si Pai.

Umalis kami sa cafe bandang alas kwatro y medya na. Dumiretso kami sa sementeryo para dalawin ang daddy niya. It was Mr. Apolonio fifth death anniversary that day. Mabuti nga at hindi nagda-drama si Pai. Maybe she's used to it already. Kagaya ko.

Pai brought a bouquet of esmeralda flower as her present for her dad. Paborito raw iyon ng ama niya kaya iyon ang palagi niyang dinadala kapag bibisita.

"Daddy..."

I bow my head when I heard my best friend talking.

"Five years. You left me for five years now," ani Pai.

It's good that she had the chance to be with her father. Dahil mabait at mabuting ama ang taong naging ama niya. My father was too far from him. Kaya marahil pati buhay namin ay ibang-iba sa mayroon ang kaibigan ko.

"Mommy... She's still doing it. Gambling her money to console herself."

Pai dropped me in front of the huge building. Doon ako nagpababa sa harap ng gusali kung nasaan ang tinitirahan ni Kier. Agad din namang umalis ang kaibigan ko dahil may pupuntahan pa raw sila ng mommy niya.

Naglakad na ako papasok sa building. Agad akong binati ng guard na palagi kong nakikita kapag pupunta ako rito. Ngumiti siya sa akin kaya iyon din ang ginawa ko.

Lumalakad-takbo ako nang mahagip ng mga mata ko ang papasarang elevator. The sound of my heels that was touching the floor creates sounds. Tumuloy lang ako ng takbo hanggang sa makaharap ako sa elevator.

Nakayuko ako nang makarating ako sa harap no'n kaya hindi ko makita agad kung sino ang nasa loob. But looking down, I saw a pair of woman's legs wearing a silver peep toe heels. Lihim akong nagpasalamat na binuksan niya iyon kaya hindi ako mahuhuli ng pasok.

Dahan-dahan akong nag-angat ng aking ulo mula sa aking pagkakayuko upang tignan kung sino iyon. But I was like a runner who suddenly stopped running when I saw her face clearly. She was smiling at me while standing elegantly on the center of the elevator.

It was Amore.

"We meet again," she said in a soft voice.

Hindi ako nakaimik nang biglang magdagsaan ang ideya sa loob ng isip ko kung bakit narito siya. I told myself that maybe Kier called her and told her to come around. Or she was there to surprise Kier. I don't know. There were so many negativity that suddenly popping inside my head.

"You should go in. It might close again," malambing ang boses na aniya. "I'm here for Kier. He called me earlier," dadag na sabi niya sa akin.

For me, it was the confirmation.

Tumango na lang ako at tipid na ngumiti sa kanya bago dahan-dahang pumasok sa elevator. I was pinching my palm from my back to calm myself. Bigla na naman akong kinabahan para sa makikita ko mamaya.

It will be... Amore, Kier, and I.

But I was just the viewer. I was only there to watched them and endured it. It was my role. I guess...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top