CHAPTER 14
Can I do it? Can I endure the pain of seeing them together? Can I hide it? C-can I?
I don't know... I really don't know. Hindi ko alam kung kaya ko ang manatili sa tabi ni Kier kung nandiyan naman si Amore. Hindi ko alam kung makakaya ko ang makita sila nang gano'n sa tuwing nasa puder niya ako.
It was them. It was Kier and Amore. They are perfectly fit for each other. Mula sa estado nila sa buhay maging hanggang sa hitsura. Mas bagay sila kung ikukumpara sa amin. Siya sa akin...
I ran from his place and stayed at our house. Mabuti na lamang at wala rito si Menchie nang makarating ako kanina. Kaya mag-isa lamang ako at nakapangulambabang nakaupo sa loob ng kwarto ko.
Kier already accepted me to be his maid. Kaya marahil simula ngayong araw ay dapat naroon na ako at nagta-trabaho. But I am still here. Thinking about him and the woman he's with.
Siguro nga ay dapat ko na lang kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Because it will go nowhere. Wala rin namang patutunguhan iyon. I will just hurt myself. I will only let myself hurting because of him.
Gabi na nang mag-desisyon akong ayusin ang mga gamit ko. I packed some of my clothes and put it on my backpack. I decided to work as an stay out. Na uuwi rin ako kapag nakarating na siya galing sa trabaho niya. I'm sure that he will agree with it. Kaya nanguna na ako.
"Pai," tawag ko sa kaibigan kong nakahiga sa lumang sofa namin.
Tinapunan niya ako ng tingin.
"Bakit?" It was her question.
Ngumuso ako at itinuro kung nasaan banda si Menchie. Sinundan naman niya iyon ng tingin.
"I'll leave my sister with you. Hindi na rin naman magtatagal at uuwi na si Justine. Samahan mo muna si Menchie habang hindi pa dumarating ang isa," sabi ko.
Tinignan niya ako habang kunot ang kanyang noo.
"Saan ka pupunta? Sabi ni Vivian sa akin ay umalis ka na sa club, eh," her voice was laced with curiosity.
Tumalikod ako mula kay Pai at kinuha ang bag na dadalhin ko bago sagutin ang tanong niya.
"Ipinasok ako ni Justine bilang katulong sa isa sa mga De Asis," sagot ko na nagpabangon sa kanya.
"De Asis kamo?!" malakas ang boses na sigaw niya.
Napangiwi ako.
"Oo nga. De Assis. It was the man you saw at the club that night. Naging customer ko rin 'yon nang gabing 'yon din mismo," I said honestly.
Napatalon na lamang ako nang bigla akong sunggaban ni Pai sa leeg ko nang sabihin ko iyon.
"Hoy, gaga ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin, asul?! Gusto ko pa man din 'yong kasama niyang pogi rin!" she exclaimed exaggeratedly.
Mas napangiwi ako sa sinabi niya.
"Nawala na sa isip ko, eh," ani ko. "At isa pa...." Natahimik ako.
My friend immediately glanced at me. I diverted my gaze away from her.
"Bakit? May nangyari ba?" Dahan-dahang tanong niya.
I shook my head in disapproval. There's no point on telling it to her. Kakalimutan ko rin naman ang kung ano'ng nararamdaman ko para kay Kier. Because I know that it is the best way to keep going. Besides, we aren't in a mutual state for me to keep liking him...
"Haier..." tawag sa akin ng kaibigan ko.
Dalawang beses akong nagpilig ng aking ulo bago pilit na ngumiti sa kanya. I know that my smile didn't even reach half of my face. And it was because I was forcing myself to do it.
"I'm going, Pai. Baka bukas ng gabi na ako ulit makauwi rito. Please look Menchie after," paghingi ko ng pabor sa kanya.
Walang atubiling nagtango siya ng kanyang ulo sa akin. I gave her a hug before walking out from the house.
Nang makalabas na ako ay huminga ako ng malalim bago tumingala at tignan ang kalangitan. Madilim iyon dahil gabi na. All I could see were the stars that shining brightly in the middle of the night.
"Kaya mo 'yan, Haier. Don't let your feelings ruin them, okay?" I told myself.
I don't want to ruin what they have. Ayaw kong sirain ang kung ano mang mayroon si Kier at Amore. They're close in building their own family, I don't want myself to be the reason why won't they do it.
Nakalabas na ako sa eskeneta mula sa amin nang may bumusina sa kabilang kalsada. At dahil madilim na ay hindi ko iyon agad makita ngunit naaaninag ko naman ang pigura no'n. It was a silhouette of a man leaning on the door of his car.
Dumiretso ako ng lakad patawid sa kabilang kalsada. May pitong hakbang pa ako nang makilala ko kung sino iyon. My eyes went round when I saw him completely. Bigla akong nakaramdam ng mabilis na kabog sa loob ng dibdib ko.
"K-Kier?" I uttered his name in a question.
He chewed on his bottom lip before his eyes darted at me and glimmered with playfulness. Kunwari kong inikot ang mga mata ko sa ere upang alisin sa kanya ang paningin ko.
"Give me your bag," he stretched his right arm towards me.
Napatingin ako roon.
"I-I can carry my things alone, Sir," I said. Trying to keep our distance a bit.
"Uh-huh?" I can sense him grinning like an idiot. But I remained stiff in front of him.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" I asked instead.
He stepped forward towards me.
"I'm here to pick you up so we can go home together," aniya.
Hindi ko narinig ang iba sa sinabi niya dahil unti-unting humina ang boses niya. Nagkibit balikat na lamang ako.
"Hindi mo na sana inabala pa ang sarili mo. Kaya ko naman ang pumasok sa trabaho ko ng mag-isa," I said. Dismissing our talk.
"But I want to, Haier—"
"And you shouldn't, Kier. I don't want to ruin your life..."
Totoo iyon. Ayaw ko talaga ang masira ang relasyon niya kay Amore. I'm just a mere hostess who isn't educated. And I don't want to dare ruining their lives just because of me.
Tinalikuran ko na siya at humakbang papasok sa sasakyan niyang nakaparada sa may amin. I sat on the passenger seat and waited for him to enter the car.
Nang makita ko mula sa salamin sa harapan na naglalakad na rin siya papasok sa sasakyan ay umayos ako ng upo sa puwesto ko. I crossed my legs and place my arms on my chest before sitting straight.
Sinimulan niyang paandarin ang sasakyan niya bago magmaneho papalayo sa lugar namin. Tahimik lang ako at hindi lumilingon sa gawi niya.
"About earlier..." he started opening up the topic again.
"Ano naman kanina?" Diretso sa kalsada ang tingin na tanong ko.
"Hindi na ako magpapaliwanag tungkol sa kung ano man ang mayroon sa amin ni Amore," aniyang ikinangiti ko nang walang buhay.
See that, Haier? He isn't even willing to explain his side...
"Of course you don't have to. Wala naman akong pakialam sa personal mong buhay," sabi ko upang takpan ang pait na nararamdaman ko.
Hindi siya nagsalita matapos kong sabihin 'yon. Kaya nabalot kami ng katahimikan nang maging ako ay hindi na rin nagsalita.
We arrived at his place after minutes of driving from our house. Hindi ko na hinintay pa siyang maunang makababa kaysa sa akin dahil ako na ang nauna.
Hanggang sa makaabot kami sa unit niya ay tahimik pa rin kami ngunit ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Ngunit hindi ko iyon pinapansin at diretso lamang ng lakad.
We both stopped when we are in front of the door. I moved a bit to give him a space so he can open his place. I saw him swipe a card before the door opened.
He went in first before I followed him. Hindi na ako namangha pa ulit nang makapasok ako sa loob no'n. It didn't even change a bit also. Gano'n na gano'n pa rin 'yon.
"You can use that room on the left side," I heard him said that.
Nilingon ko kung saan ang itinuro niya.
"Sige," sagot ko.
From the outside, I can say that it isn't that huge compared to his room. But it's still big. Marahil ay dahil hindi naman yata iyon ginagamit. But this place is a condo unit. Sigurado naman na pareho-pareho rin lang ang sukat ng lahat ng kwarto rito.
"This one is my room," aniya ulit.
Muli ko iyong nilingon upang tapunan ng tingin.
Tumango ako. "Noted." I said.
"Hmmm, then rest. Magpahinga ka na dahil gabi na." I just nodded my head again at him.
Nang wala na akong naririnig pa na sasabihin niya ay naglakad na ako patungo sa kwartong itinuro niya sa kaliwa. Pinihit ko ang lock no'n ngunit hindi mo mabuksan.
"I couldn't open the door," I told him when I turned my body to face him.
"It has the key," tipid na sabi niya.
"Nasaan?" It was me who asked that.
"There..." Turo niya sa may maliit na lamesa malapit sa kung nasaan siya.
Hindi ko na hiningi pa ang tulong niya para kunin iyon. Dahil ako na mismo ang kumuha no'n mula sa kung saan iyon nakalagay. Nang makuha ko na iyon ay naglakad ulit ako papasok sa magiging kwarto ko. Ngunit napatigil ako nang akmang papasok na ako ng tuluyan nang magsalita pa ulit siya.
"I can finally see you in every minute that I wish, Haier," his words that made me stopped completely.
Agad kong narinig ang ingay sa loob ng dibdib ko dahil sa sinabi niyang iyon. Bigla akong napakuyom ng mga palad ko upang kontrolin ang sarili ko na gumawa ng kakaibang reaksyon maliban sa dalawang iyon.
What he said just bothered me even more. It made me anxious and... Terrified.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top