Final





"Alam mo Suho-hyung, may kailangan ka talagang malaman." bulong ni Chen at tumabi kay Suho at inakbayan ito. Napa eye roll nalang si Gramps. Alam na alam na niyang ang susunod na mangyayari.



Napabuntong-hininga nalang si Suho at tinignan si Chen. "Oh, ano nanaman yan Jongdae?" tanong nito gamit ang kanyang bored na tono.



"Sale ang Cheriffer sa drugstore," masayang sagot ni Chen. "Gusto mo ilibre kita this time?" sabay wink at thumbs up sa kanilang leader. Napa facepalm nalang si Suho at pinalo si Chen gamit ang unan sa tabi niya.



"Tama na nga!" sigaw nito. "Parati mo nalang napapansin yung height ko ah!"



Natawa nalang si Chen at lumayo kay Suho. Napa-cross arms siya at itinaas ang dalawang paa sa table sa gitna ng sala nila. Napabuntong hininga siya at pumikit. "Ang boring kasi, Gramps."' daing niya. "Walang magawa dito sa dorm!" reklamo pa niya at tumagilid na parang matutulog.



Napasabunot naman si Suho sa ulo niya habang umiinom ng green tea. Ibinaba niya ag tea cup na hawak niya at pinatong ang dalawang kamay sa kanyang tuhod. "Subukan mo kayang tumulong sa gawaing bahay?" tanong nito at inilibot ang kamay sa paligid.



Napatingin naman si Chen at napangiwi. Ang KaiSoo ay nagluluto sa kusina, ang BaekYeol naman naglilinis sa paligid habang naghaharutan, ang HunHan nasa garden at inaayos ang mga halaman sabay dilig, samantalang ang TaoRis ay nagwa-washing machine sa may backyard.



Sumalampak ulit si Chen sa sofa. "Ayoko!" sigaw niya. "Nakakatamad eh."



Napa-iling nalang si Suho. "Tamad kasi eh," bulong nito at umirap pa kay Kim Jongdae. "Puro nalang panloloko ang alam mong gawin! Doon ka masipag, alam mo ba yun? Lahat na ata kami dito, na-jongdae mo na!" reklamo ni Suho at kinuha ang newspaper para magbasa nalang ng balita.


Agad naman na natahimik si Chen. "Hindi ah." bulong nito at tumagilid para hindi makita ni Suho ang mukha niya. Namumula siya habang iniiisip ang nag-iisang tao na kahit kelan, hindi niya magawang i-joke.



"Ah!" sigaw ni Suho at itinaas pa ang isang daliri sa hangin. "Oo nga pala." sabi nito habang naiiling at ngumingiti. "Si Xiumin-hyung pala. Hindi mo niloloko. Hay!" sabi nito at binigyan pa si Chen ng isang nakakalokong ngiti.



Umirap si Chen kay Suho at niyakap ang isang throw pillow. "Pagod ako." biglang sabi nito kahit wala naman siyang ginawa. "Matutulog na muna ako, okay?!" sigaw pa niya at halata sa mukha ang salitang "defensive". Natawa nalang si Suho at tumango. Napapansin naman niya lahat ng members niya eh. Bilang isang leader, trabaho niya yun.



Pumikit na si Chen at humiga sa sofa nang magsalita si Kyungsoo.



"Uy guys!" tawag ni Kyung mula sa kusina. "Kulang na tayo ng ingredients para next week. Sinong gustong mamili muna sa grocery? Please?" tanong nito habang tumitingin tingin sa paligid.



Sumilip naman si Kai mula sa likod niya at nagsalita. "Hindi namin maiwan tong niluluto eh. So, any volunteer?"



Napatigil ang lahat at nagtinginan.



"Hindi pa kami tapos eh." sagot ni Baekhyun habang may hawak na vase at pinupunasan ito. "Yung wala nalang ginagawa ang utusan mo, Kyung."



Napatingin naman si Chanyeol sa isang "tulog" na nilalang sa sofa. Tinuro niya ito. "Si Chen!" malakas na sabi niya. "Walang ginagawa." Lumapit siya dito at inalog. "Huy Chen! Gising ka nga diyan, mag-grocery ka! Huy!"



"Oo nga!" pag-sang ayon naman ni Kyungsoo. "Wala kang ibang ginawa buong araw kundi manloko at manira ng mood! Magtrabaho ka naman!" bulyaw pa nito habang hawak ang isang spatula sa kamay.



Napangiwi si Chen at umiling. "Ayoko." reklamo niya. "Nakakapagod eh~" sabay takip ng unan sa mukha niya. Gumulong pa siya palayo kay Chanyeol at nagkunwaring humihilik.



"Aba't--" simula ni Kyungsoo pero pinigilan na siya ni Suho. Itinaas niya ang isa niyang kamay at tumayo mula sa sofa.



"Ako nalang, Kyungsoo." sabi nito at inubos ang natitirang tea sa baso niya. "Akin na yung listahan."



Ngumiti naman si Kyungsoo at kinuha mula sa bulsa ang listahan ng mga bibilhin. Medyo mahaba ito at mukhang matatagalan si Gramps. "Salamat Hyung ah. Itong pera oh." sabi ni Dyo sabay abot kay Suho ng listahan at pera. "Yung iba kasi diyan!!!" pagpaparinig pa niya kay Jongdae na walang ginawa kundi ngumiti lang sa ilalim ng unan.



Tinignan ito sandali ni Suho at saka tumango. "Medyo madami ito ah." sabi niya. "Mukhang kailangan ko ng kasama."



Napatingin ulit ang lahat ng Kim Jongdae.



Pero bago pa sila pumuntang lahat sakanya at kaladkarin ito, isang bihis na Kim Minseok ang bumababa mula sa hagdan at tinawag si Suho. "Gramps, samahan na kita." masiglang sabi nito habang inaayos ang shawl na nakapulupot sa leeg niya. "Gusto ko din kasing lumabas muna. Nababato na ako dito sa dorm eh." reklamo nito at lumapit kina Kyungsoo.



Napangiti naman ng malawak si Suho. "Nice!" sabi nito at iniabot kay Xiumin ang listahan. "Kunin mo muna ito at kukunin ko lang ang coat ko sa kwarto." pag-papaalam nito.



Nang paakyat na si Suho sa hagdan ay napatingin si Xiumin sa listahan at naglakad papunta sa pintuan. Isa-isa niya itong binasa hanggang sa isang kamay ang humila sakanya at kaladkarin siya palabas.



"T-teka--sinong--!" napatigil lang si Xiumin nang makita kung sino ba ang humila sakanya. "Chen?! Bat ka nanghihila?!" sigaw nito habang inaayos ang jacket. Minadali lang ni Chen ang paglalakad habang hindi parin binibitawan ang kamay ni Xiumin.



Napangiti ito ng palihim at tumingin lang ng diretso.



"Huy!" sigaw ni Minseok at tinusok ang tagiliran ni Chen. "Sumagot ka nga!"



"Yah!" reklamo naman ng isa at hinimas ang tagiliran niya. "Sasamahan kita." simple niyang sagot at ngumiti ng malaki sa kanyang hyung.



Napatigil si Xiumin sa sinabi ni Chen at naramdaman ang pamumula ng mukha niya. Hindi niya alam kung bakit, kahit konting ngiti lang ng Jongdae na to, kaya nang patalunin yung puso niya. Oo, alam niyang hindi tama na ganito ang nararamdaman niya. Pero.. iyon eh. Hindi niya mapigilan.



Napakunot noo naman si Chen habang pinapanood ang mukha ni Xiumin na nakatingin lang sakanya ng diresto. "H-hyung?" tanong nito at sinundot ang pisngi nito ng marahan. "Okay ka lang? Namumula ka na oh!" pansin nito at medyo nakaramdam ng pag-aalala.



Napa-iling iling si Xiumin at saka lang narealize ang nangyayari. "A-ahh--" simula niya at napakamot ng ulo. "O-oo. Ayos l-lang ako." sagot niya at umiwas ng tingin. Napahawak siya sa pisngi niya at naramdaman na medyo mainit na ito. Huminga siya ng ilang beses bago tumango. "Halika na?" tanong ni Minseok at tumango naman si Chen.



Mauuna na sanang maglakad si Xiumin nang hawakan ng mahigpit ni Chen ang kamay niya. Napatingin siya dito at napansin na medyo mapula na din ang mukha ni Jongdae. "Uhh... Chen..." simula niya pero tumungo lang si Kim Jongdae saka siya tinignan ng diretso.



Ngumiti ito ng maliit at parang may kakaibang naramdaman si Xiumin sa tiyan niya.



"Malamig kasi Hyung." bulong ni Chen na parang nahihiya. "Okay lang naman na hawakan ko kamay mo diba?" tanong nito. "Hindi ko nakuha yung gloves at coat ko." sabi nito sabay kamot sa ulo niya.



Tumango ng mabagal si Xiumin at saka umiwas ng tingin. Kahit pa anong dahilan ni Chen sa paghawak ng kamay niya. Isa lang ang alam niya... magkahawak-kamay sila ngayon at parang hindi niya kayang bumitaw.



Napangiti si Chen at saka hinila si Xiumin. Naglakad sila papunta sa pinaka-malapit sa grocery kung saan lagi silang namimili. Wala kasing masyadong tao at tiyak na safe sila. Kung tutuusin, pwede naman silang sumakay ng kotse pero sa pagkakataong ganito, mukhang mas pipiliin nila ang maglakad kahit pa gaano kalayo ang pupuntahan nila.



Nang marating nila ang grocery, sinalubong agad sila ng mainit na hangin. Mukhang naka-on ang heater para tapatan ang lamig sa labas. Inaasahan ni Xiumin na bibitiwan na ni Chen ang kamay niya pero hindi yun ang nangyari. Kung tutuusin, hinigpitan pa nito ang hawak at inayos ang mga kamay nila para hindi mabilis maalis.



Napangiti ng palihim si Xiumin. Inilabas niya ang listahan na binigay ni Kyungsoo at saka ito binigay kay Chen. "Mukha namang ikaw ang mahilig manghila," simula nito habang nakatass ang isang kilay. "Career-in mo na. Ito ang listahan oh." sabay abot sa kasama niya.



Natawa ng mahina si Chen at kinuha ang listahan. "Sige ba." sagot nito at tumingin kay Xiumin. "Ipapakita ko sayo kung gaano ako kagaling mamili." nagpahabol pa ito ng isang killer wink na halos nagpatigil sa mundo ni Kim Minseok.



Napa-eyeroll nalang si Xiumin habang pilit na tinatago ang kilig sa mukha niya.

















Mahigit dalawang oras din na nagpa-ikot ikot ang dalawa sa grocery store. Hindi naman kasi nila inasahan na sobrang hirap hanapin ng mga gustong ingredients ni Kyungsoo. Ilang sulok na ang napuntahan nila at ilang galon ng pawis na din ang nawala sa mga katawan nila.



Pero ang higit sa lahat... ilang tawanan na din ang nailabas nila.



Napatingin si Xiumin sa magkahawak nilang kamay ni Chen. Hindi ito binibitawan ni Jongdae maliban nalang kung may kailangang abutin o kailangang buhatin para mailagay sa cart. Pero basta aalisin niya ito, nakakaramdam siya ng lungkot. At sa tuwing kukunin niya ulit, bibilis nanaman ang tibok ng puso niya.



Nakakabaliw. Yun ang tamang definition sa nararamdaman niya ngayon.



"Grabe!" reklamo ni Jongdae sabay lagay ng huling bagay na nasa listahan nila. "Para na din akong nag-work out dun ah!" masaya niyang sabi at napapunas ng pawis sa kanyang noo. Napangiti naman si Xiumin at sa di malaman na dahilan, ginamit niya ang shawl na hawak niya at pinunasan ang pawis sa mukha ni Chen.



Nanlaki naman ang mata ni Chen sa ginawa ng kanyang hyung at siguradong-sigurado siya na para na siyang kamatis sa pamumula ngayon.



Agad na binawi ni Xiumin yung kamay niya mula sa mukha ni Chen. "A-aah." awkward na simula nito. "A-ano kasi.. ahh." hindi niya alam ang sasabihin kaya tumungo nalang siya habang nagdadasal na kainin na siya ng lupa dahil sa kahihiyan.



"Ayos lang." biglang sabi ni Chen. "Pwede mo namang punasan ang mukha ko kahit kelan mo gusto eh." bulong nito at walang ibang laman ang boses niya kundi lambing.



Napatigil si Xiumin at napatingin ulit kay Chen. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sakanya. Totoo ba yung sinabi niya? naisip niya.



"Halika na, para maka-alis na din tayo dito." tawag ni Chen at hinila (ulit) si Xiumin papunta sa counter. Tumango lang ang isa at pilit na ngumiti. Ikaw ba naman ang gawing abnormal ang heartbeat diba? Kung di ka ba naman mapatigil nalang!



Matapos magbayad ay inarkila na muna nila ang cart na ginamit nila para maihatid sa kanilang dorm ang lahat ng pinamili nila. Sabay nila itong tinulak habang naglalakad ng mabagal sa pathway sa gilid ng daan.



Ayaw nilang magmadali. Ayaw nilang bumalik ulit sa dorm at sampung lalake nanaman ang magiging hadlang para magkasama sila ng sila lang.



Gusto nilang dalawa yun. Pero walang may alam. Walang gustong umamin.



Napatingin si Xiumin kay Chen. "Bakit pala naisipan mong samahan ako?" tanong nito. "Kawawa naman si Gramps." pahabol pa niya sabay pout.



Natawa ng marahan si Chen. "May atraso kasi ako sakanya." sagot niya. "Saka kanina ko pa siya niloloko." sabay tawa habang inaalala ang mga jokes niya sa kanilang napakabuting leader.



Napa-iling si Xiumin habang nangingiti. "Parati mong niloloko mga ka-grupo natin," pansin niya sabay napakunot noo siya. "Pero kahit kelan, hindi ako nakarinig ng pangjojongdae mo sakin. Bakit kaya?" tanong niya.



Napatigil si Chen at napalunok.



Hindi niya kayang sabihin yung nararamdaman niya para sa kanyang Hyung. Hindi sa ganitong paraan! Napa-iwas nalang ng tingin si Chen at sumipol na parang walang narinig. Huminga siya ng malalim na pilit na nag-iisip ng isasagot kay Xiumin.



"Bakit ba Chen?" tanong muli ni Minseok sabat tapik sa balikat ni Jongdae.



Napa-shrugg nalang si Chen at tumingin ng diretso. "E-ewan?" hindi sure na sagot niya. "W-wala lang siguro akong maisip na i-joke sayo." pagdadahilan niya. Pero alam niya sa sarili niya na hindi totoo yun.



Napa-pout si Xiumin at lihim na nalungkot. Ang akala niya kasi, may mas malalim pa na dahilan si Chen. Pero mukhang nagkamali nanaman siya.



Parati nalang siyang nagkakamali pagdating sa taong gusto niya.



"Mag-joke ka nga sakin." sabi agad ni Xiumin habang naka-frown at nakatingin kay Chen.



Napa-kunot noo naman si Jongdae. "Ano?" gulat na tanong nito. "Joke?"



Tumango si Xiumin at pilit na ngumiti. "Sige na." pagpipilit niya. "Kahit isa lang." tawad pa niya sabay taas ng dalawang kilay. Gusto lang naman niyang maranasan din na ma-jongdae ni Chen. Gusto din niyang maramdaman yung nararamdaman ng ibang members. Pakiramdam niya kasi, hindi lang siya napapansin nito.



Napa-iling si Chen. "Ayoko nga." sagot niya. "Ayokong mag-joke sayo." sabay tulak ng mas mabilis sa cart nila.



Napa-pout si Xiumin at nakaramdam ng lungkot. Siguro nga, hindi talaga siya napapansin ni Chen kaya wala siyang mapuna dito.



"Bakit?" tanong ni Xiumin at hinila ang sleeve ng damit ni Chen. "Bakit wala kang ma-joke sakin? Hindi ba ako worthy ng attention mo?"



Gusto niyang maging simpleng tanong lang yung sinabi niya pero pakiramdam niya, halata ang sakit sa tanong niya. Napatigil si Chen at napatingin kay Xiumin.



"Ha?" gulat na tanong nito. "Anong sinasabi mo?" Nanlaki ang mga mata ni Chen dahil sa narinig niya. Hindi niya akalain na matatanong ni Xiumin yun sakanya. Kung alam lang niya kung gaano niya ito napapansin!



Umiling si Xiumin. "Nagtataka kasi talaga ako, Chen." medyo inis na sabi niya. "Bat hindi mo ako jino-jongdae o niloloko? Bakit pakiramdam ko, outcast ako?" tanong niya muli. Sa pagkakataong ito, hindi na niya sinubukang itago pa ang sakit at inis sa taong nasa harap niya.



Napa-iling si Chen at napahawak sa batok niya. "Hindi naman sa ganun, Hyung." dahilan niya.



"Eh ano?" tanong ni Xiumin at tinaasan ng isang kilay si Chen.



Umiwas ng tingin si Jongdae. "B-basta ah!" dahilan pa niya at naglakad na muli pero hinabol lang siya ni Xiumin.



"Ano nga, Chen?!" tanong niya at nararamdaman na niya ang pagbuo ng inis sa dibdib niya. Naaasar na talaga siya kay Chen! Ang hirap kausap eh!



Napa-iling si Chen at napabuntong hininga. Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad.



"KIM JONGDAE!" sigaw ni Xiumin at saka lang tumigil si Chen at lumingon sa kanyang Hyung na ang kulang nalang ay usok sa tenga at ilong. Napalunok siya at napakamot ng ulo.



"A-ano?" tanong niya ulit at hindi matago sa boses niya ang kaba.



"Bakit ba ayaw mong mag-joke sakin?!" sigaw ni Xiumin at naiiyak na siya sa inis. "Bat ba kasi ayaw mo?!"



Napatungo si Chen. Hindi na niya alam ang sasabihin.



"Ano na?!" sigaw ni Xiumin. "Bakit ba kasi--"



"Mahal kita."



Napatigil si Minseok nang marinig ang lumabas sa bibig ng taong nasa harap niya. Nanlaki ang mga mata niya at hindi nakagalaw.



"A-ano?" bulong nito. "Iyon na ba yung joke mo?" tanong niya pero alam niyang ayaw niyang "Oo" ang sagot ni Chen.



Napabuntong hininga si Chen at saka tumingin kay Minseok ng diretso. Binulsa niya ang dalawa niyang kamay at pilit na pinapa-bagal ang tibok ng puso niya.



Umiling siya.



"Mahal kita kaya ayaw kitang niloloko. Mahal kita kaya wala akong mapuna sayo. Mahal kita kaya ayokong mag-isip ng ijojoke sayo. Mahal kita kaya ayaw kitang itulad sakanila. Mahal kita kaya kita sinamahan ngayon. Mahal kita kaya ayaw kong bitiwan yung kamay mo. Mahal kita kaya ayaw kong sagutin yung tanong mo. Mahal kita kaya ko ito sinasabi ngayon." huminga si Chen at saka tumitig pa ng mas maigi sa mga mata ng taong kaharap niya. "Hindi sa hindi kita napapansin, Hyung. Kilalang kilala kita. Mahal kita at ayaw kong gawing joke yun. Mahal kita at alam kong hindi tama na lokohin ka. Mahal kita. Yun lang yun. Mahal na mahal." bulong niya.



Tumungo si Chen dahil sa kahihiyan. Hindi niya akalain na nasabi niya lahat ng iyon sa taong gusto niya, sa wakas.



Mga ilang segundong nanahimik ang lahat hanggang sa dalawang kamay ang yumakap sa ating dakilang troll. Naramdaman niya ang ulo ni Xiumin sa kanyang dibdib at alam niyang naririnig nito kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya.



"Akala ko, hindi mo lang ako napapansin." bulong nito at hinigpitan pa ang yakap sa kanyang Chen. "Pero mali ako. At natutuwa ako sa pagkakamaling yun."



Napangiti si Chen at niyakap din si Xiumin.



"Salamat naman at umamin ka na." bulong ni Xiumin. Inalis niya ang kanyang ulo mula sa dibddib ni Chen at tumitig sa mga mata ng kaharap niya. "Mahal din kita Kim Jongdae. Mahal na mahal. Sorry kung ngayon ko lang din nasabi." sabi niya at nagpout.



Napangiti naman si Chen at umiling. "Tamang panahon lang naman ang hinintay natin diba?" tanong nito at saka hinalikan ang ilong ni Xiumin. "At ito na yun."



Natawa ng marahan si Xiumin at napatango. "Sa gilid ng highway, habang maraming kotse ang dumadaan." sagot niya. "Tamang panahon nga... at lugar."



Natawa ng marahan si Chen at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Minseok. "Don't ruin the moment." bulong niya at saka hinila ang mukha ni Xiumin at dinampi ang kanyang mga labi sa labi ng taong mahal niya...



Isang halik na puno ng pagmamahal at pangako ng habang-buhay.



Sinong nagsabing jongdae lang ang alam gawin ni Chen?











* * * * * End.







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top