Epilogue
pasensiya natagalan. mahaba 'to kaya magcomment naman kayo kahit tuldok lang :(((((
Epilogue
"One, two, three, throw it!"
Sinunod ko ang sinabi ni Vince at biglaang tinapon ang tingin ko sa camera.
Ewan ko ba kung bakit pabigla-bigla ang tapon, eh formal naman ng theme. Naka-wedding gown ako dahil ang ginagawa naming shoot ngayon ay para sa company namin.
Pose lang ako nang pose at shot lang nang shot ang photographer.
Pinaupo ako ni Francesca sa circle platform kung saan ako nakatayo kanina at pinatanggal ang hills ko at pinahawak ito sa'kin.
Nagsimula na namang kumuha ng pictures si Vince sa iba't-ibang anggulo at ako naman, pose pa rin nang pose.
"Okay, Jace! Retouch muna," sabi ni France. Pumunta naman agad sa'kin si Allison para iretouch ako.
Habang nireretouch ako ni Ally ay inaayos naman ng mga staffs ang lightning at ang iba pang studio equipments. Napatingin ako kina France at Vince na kasalukuyang nag-uusap at parehas na nakakunot ang noo habang nakatingin sa laptop at video monitor.
Sa pagkakaalam ko hindi dapat ganito ang magiging reaksiyon nila kaya kahit patuloy si Ally sa pagreretouch sa'kin ay lumakad pa rin ako papunta sa kanila dahilan para mapahinto siya sa pagreretouch sa'kin.
"Is there any problem?" Tanong ko't napatingin silang dalawa sa'kin. Nagkatinginan sila bago sabay na ngumiti at umiling. Napa-cross arms ako. "France, alam kong may problema. Come on, ano 'yun?"
Napabuntong hininga siya at hinawakan ako sa balikat. "Look at your shots,"
Napakunot ang noo ko. "Bakit?" Tumingin ako sa video monitor at tinitigan ang mga shots ko. Pagkatapos nito ay lumingon ako sa kanila. "Ayos naman, ah?"
Napailing si Vince. "Hindi ayos. Tingnan mong mabuti ang mga shots mo," tinuro ni Vince ang video monitor at sinuri ko itong mabuti pero wala pa rin naman akong nakikitang mali. "There's something in your eyes..."
Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa previews. Tumalikod ako sa kanila para punasan ang mga mata ko.
"No, no," napatigil ako sa pagpupunas ng mata ko. "Wala kang morning glory o kahit anong dumi sa mata!" Umayos ako ng tayo habang sila, tinatawanan ako. Humarap ako sa kanila at itinaas ang kaliwang kilay ko. "Ang ibig naming sabihin ay ang emosyong nandiyan sa mga mata mo." Ani France.
Mas kumunot ang noo ko. "Anong emosyon?"
"Parang malungkot ang mga mata mo, Jaycee."
Tumingin ulit ako sa video monitor na ngayo'y naka-zoom in na sa mukha ko. Doon ko lang napagtantong malungkot nga ang emosyon ng mga mata ko.
Pinigilan ko ang sarili kong bumuntong hininga at tumango-tango nalang. "Mukhang okay naman?"
"Eh?" Napakamot si France sa ulo niya. "Anong peg mo? Bride na hindi sinipot ng groom kaya nagdadrama? Asan na 'yung fierce eyes mo?"
"Hindi ba dapat kalmado lang ako kasi gown ang suot ko?" Tanong ko sa kanila pero wala akong nakuhang sagot. "Hindi ako nagpapakasexy para maging fierce ang batuhan ng tingin sa camera, tyaka baka matakot ang mga magsusuot ng gown kapag ginawa ko 'yun,"
"But you're Jaycee Fiasco! Iyon ang signature look mo. Fierce eyes! Kaya nga lagi kang rank one sa klase dahil diyan sa tingin mong yan," napairap si France kaya nakita ko na naman ang resemblance niya kay Francois.
Napailing is Vince. "Jace, ano nga ulit 'yung tagline niyo?"
Napangiti ako. "Since magchechange na kami ng company name, bago na rin ang tagline! Ako ang gumawa nito, ah." I cleared my throat. "Elegancy first, Fiasco gowns doesn't humiliate you, it brings the best out of you."
France snapped her fingers. "Oh! Wala namang sinabi sa bagong tagline niyo na bawal kang magbigay ng fierce looks sa camera, ah!" Maktol niya at bahagyang ginulo ang buhok niya na para bang sobrang frustrate.
"Tama na yan," natawa si Vince. "Let's take five muna."
"I hope you'll give us your signature look after the break." Huling sabi ni France tyaka lumabas sa studio.
Napabuntong hininga nalang ako at nagtungo kung nasaan ang mga gamit ko.
Ito ang mahirap sa pagiging model, eh. Akala ng lahat madali lang ang propesyong 'to dahil kailangan mo lang magpose sa camera at magtapon ng mga tingin dito.
"Jace!"
Pero hindi, dahil bilang isang model kailangan mong itago ni katiting ng totoong emosyon mo sa harap ng camera. Kailangan mong takpan ang tunay mong nararamdaman gamit ang emosyong hinihingi sa'yo ng photographer mo. No choice kapag malungkot ka, kasi kapag sinabi nilang dapat masaya ka, kinakailangan mo talagang maging masaya.
"Jaycee!"
Katulad ng nararamdaman ko ngayon, malungkot ako dahil sa kanya. Ang hirap itago ng nararamdaman kong 'to sa pamamagitan ng fierce look na hinihingi ni France. Dahil sa nararamdaman ko nakakalimutan ko nang umaktong propesyonal gaya nang laging pinapaalala sa amin ni Francois.
"Jaycee Fiasco!"
Medyo unfair sa mga gustong magdrama gaya ko. Buti sana kung galit ako dahil sa mga nangyari, kayang-kaya kong ibigay ang signature look ko, pero mas namamayani talaga ang kalungkutan sa puso ko ngayon.
"Jaycee fucking Fiasco!"
Natigil ako sa pag-iisip at napalingon sa tumawag sa'kin. "Maevel?"
Sinamaan niya ako ng tingin habang papalapit siya sa'kin. "Sa sobrang lalim ng iniisip mo kailangan ko pang magmura para lang makuha ang atensiyon mo," inis niyang sabi.
Binigyan ko siya ng inosenteng ngiti at nagpeace sign. Napailing nalang siya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.
Hinawakan niya ang wrist ko. "Tara na!"
Kinuha ko sa kanya ang wrist ko at takang tiningnan siya. "Wait, why?"
Napakamot siya sa ulo niya. "Alis na tayo!"
Kukunin na naman sana niya ang wrist ko pero nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ko. "Maevel, kita mo namang may photoshoot ako."
Tumango-tango siya. "I know, but we have to go," napakagat siya sa kanyang mga kuko, bagay na ginagawa niya lang kapag hindi siya mapakali.
Napatingin siya sa direksiyon ni Vince at bigla na lamang siyang pumunta rito. Nag-usap sila pero hindi ko ito naririnig dahil may kalayuan sila sa'kin. Nakita kong napakunot ang noo ni Vince sa sinasabi ni Mae. Pinagdaop ni Mae ang kanyang palad at sa huli ay napatango nalang si Vince. Napangiti si Maevel at paulit-ulit na nagsabi ng thank you.
Tumakbo siya papunta sa'kin at hinigit na naman ang pulso ko pero hindi ako gumalaw. "Mae, saan ba tayo pupunta? Magbibihis muna ako!"
Umiling siya. "Hindi na kailangan..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "That's perfect. Tara na," nilakasan na niya ang paghila sa'kin kaya wala na akong nagawa kundi ang magpatianod hanggang sa makarating kami sa lobby.
Tanong pa rin ako nang tanong sa kanya ngunit parang nagbibingi-bingihan lang siya kaya napasigaw na ako at marahas na iwinakli ang kamay ko sa hawak niya. "Maevel! Saan ba talaga tayo pupunta?!"
Napatigil kami sa harapan mismo ng exit. Napabuntong hininga siya at umiwas ng tingin. "Sa hospital..." Yumuko siya. "Jace, naaksidente si Arid."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin at huminga nang malalim, pilit na pinapakalma ang sarili ko tyaka umiling at ngumisi. "Mae, nagbibiro ka lang 'di ba?" Tanong ko pero nanatili siyang nakayuko. Inangat ko ang baba niya at tiningnan siya nang diretso sa mata. "Mae, answer me..."
Kinilatis kong mabuti ang mga mata niya sa pag-asang may bakas ito ng pagbibiro ngunit wala akong nakita, kaya mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at umiling sa'kin. "Tara na. Bago pa mahuli ang lahat,"
Tuluyan na akong napaluha. Hinimas-himas niya ang likod ko at makaraan ang ilang minuto ay hinila na naman niya ako palabas.
Maraming tao ang tumitingin sa'min pagdating namin sa labas, lalo na sa'kin dahil sa suot ko at dahil na rin sa pag-iyak ko pero wala akong pake.
Pagpasok namin sa cab na pinara ni Mae ay hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko nang malakas.
Naaksidente siya...
Kasabay ng pagtakbo ng kotse ang siya ring paglalaro ng maraming tanong sa isip ko. Paano kung grabe ang nangyaring aksidente? Paano kung sa tindi nito, hindi na niya nakayanang huminga? Paano na nga kung hindi ko na siya maabutan? At... hindi ko man lang nasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
Tinakpan ko nalang ang mukha ko at doon na humagulgol nang humagulgol. Masyado akong nag-iisip ng negatives, pero sa nakita kong reaksiyon ni Mae kanina habang sinasabing naaksidente si Arid? Parang hindi na ako makakapag-isip pa ng positive.
Wala namang ginawa sa tabi ko si Mae kundi ang tapikin lang ang likod ko at paulit-ulit na binubulong sa'kin na magiging ayos lang ang lahat.
Tumigil na ako sa paghagulgol pero hindi ang mga luha ko na patuloy pa rin sa pagbuhos hanggang sa huminto na ang sasakyan.
Dali-dali akong lumabas at napakunot ang noo ko sa nakita ko.
Napahawak ako sa headdress ko at in-adjust ito tyaka lumingon kay Maevel. "M–mae? Bakit nasa hotel tayo? Ano ba talagang nangyari kay Arid? Nag-suicide ba siya? Tumalon ba siya mula sa fourteenth floor o ano?" Bumuhos na naman ang mga luha ko sa mga naiisip ko.
"You'll see," ang tanging sagot niya at nauna nang pumasok.
Kahit labis akong nalilito ngayon ay hindi na ako nagreklamo at naglakad nalang.
Pumasok si Mae sa isang malaking function room at sumunod naman ako. Nagulat ako nang makita ko sina Joshua, Francis, Daylight, Shawn, Dino, Jeremy, at Leslie. Nakatux silang lahat habang nakatayo sa bandang dulo ng kwarto na napapalibutan ng mga instruments.
"Ano 'to?" Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto at nakaayos ito gaya sa isang ordinary formal party. "Nasaan si Arid?!"
Kumurba ang ngiti sa labi ni Mae at ngumuso kaya napatingin agad ako sa direksiyong nginuso niya.
Sakto naman ang pagharap ng lalaking kanina pa pala nakatalikod sa amin. Nakatux din siya at may hawak na red rose. Ang ganda ng ngiti niya at walang bakas ng kahit anong aksidente. He looks so finer than ever.
Lumingon ako kay Mae na ngayo'y nagpipigil na ng tawa. Langya, ang galing umarte, ha.
Ibinalik ko ang tingin ko sa harap at papalapit na siya sa'kin habang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi samantalang ako, inalis ang kahit anong emosyon sa mukha ko.
"Hey," bati niya sa'kin at ngumiti na naman. Imbes na suklian ko ang ngiti niya ay taliwas sa inaasahan ang ginawa ko. Sinampal ko siya nang pagkalakas-lakas. "Shit! What was that for?!"
Tumulo ulit ang luha ko pero hindi dahil sa takot, dahil na ito sa inis. Agad kong pinunasan ito at hinampas siya sa braso. "Bwisit ka! Alam mo bang ang lakas ng iyak ko dahil akala ko naaksidente ka!"
Napangiti siya sa kabila ng sakit dulot ng pagsampal at paghampas ko sa kanya. "Hindi ba dapat masaya ka kasi okay lang ako?"
"Naiinis ako kasi sinayang ko lang luha ko!" Irita kong sambit.
"Those tears means you really care for me and you're scared to lose me." Binigay niya sa'kin ang rose na hawak-hawak niya kaya panandalian kong tiningnan ito. Marahas ko itong kinuha sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya nang napakatamis na ngiti at sinampal na naman ang kabilang pisngi niya pero hindi na kasing lakas ng una. "Jaycee Fiasco! Nakakadalawa ka na, ah! Para saan na naman ba 'yun?!"
Hindi ko na napigilan ang pagsabog ko. "Para 'yun sa pagpapagulo sa feelings ko! Hindi ako makatulog nang maayos sa gabi dahil iniisip kita, na baka galit ka sa'kin kasi hindi mo man lang ako kinakausap!"
He sighed. "I'm sorry, okay? Busy lang talaga ako,"
Kumunot ang noo ko. "Busy saan?! At ano 'to, ha?! Bakit tayo nandito?!"
"Geez. Calm down, Fiasco." Lumapit siya sa'kin at napahakbang naman ako paatras. "I'm here to propose to you," aniya at akmang luluhod na sana pero hinawakan ko ang dalawang kamay niya para pigilan siya. Kumunot ang noo niya. "W–what's wrong?"
Kung kanina ay naiinis ako sa kanya, ngayon naman nakaramdam na ako ng takot.
"Natatakot ako," mas lalong kumunot ang noo niya at para siyang batang litong-lito kaya napayuko ako. "Natatakot akong baka joke lang ulit 'to, at baka paasahin mo na naman ako."
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tipid na ngumiti. "Hindi kita masisi kung yan ang iniisip mo,"
"Okay," tugon ko at napabuntong hininga siya.
"Tao Drei Ford is the owner of this hotel and he's my friend too. Tinulungan niya akong ayusin ang lahat ng 'to kasama ng iba pa. Magpopropose talaga ako sa'yo, Jaycee." Hindi ako umimik kaya napakamot siya sa ulo niya at inilagay ang mga kamay niya sa kanyang bulsa. "I am always true to my words, Jaycee. Kaya lang dumating ka at naging komplikado ang lahat."
Napairap ako at tinupi ang mga braso ko. "So ako pa ang sinisisi mo?"
"Yes."
"Aba gago ka, ah."
Napa-chuckle siya. "Dahil sa'yo nakain ko ang mga sinabi kong hinding-hindi kita magugustuhan kahit na ikaw nalang ang natitirang babae sa mundo, kasi ngayon, mahal na mahal na kita, e." Humalukipkip siya. "At hindi ko rin natupad ang pangako kong hindi kita sasaktan. Malay ko bang ikaw ang babaeng papakasalan ko 'di ba?"
"You're a fuck boy and you can break your promise anytime you want because you're arid, Arid."
"Hindi ako tigang."
"Talaga lang, ah?" Mapanuya kong sabi.
"Jace, virgin pa ako." Kumurba ang ngisi niya sa labi. "Sobrang ikinakatakot mo talaga ang bagay na yan, ah?" Walang alinlangan akong tumango kaya mas lumaki ang ngisi niya. "Would you believe me if I told you that I'm not really like that?"
"What do you mean?"
Humakbang siya paatras at tumingin sa taas na para bang nag-iisip, at muling tumingin sa'kin. "One, I don't beg for your pictures. Two, hindi ko man naipakita sa'yo pero naniniwala ako sa labels ng relationship. Three, I'm not scared of taking you out in public. Four, wala pa akong nagiging ex. Five, fuck boys tries to make you believe they have deep feelings for you, but Jaycee, sa'yo lang ako umamin ng nararamdaman ko. Six, I'm not an idiot."
Napailing ako sa huli niyang sinabi. "You're an idiot."
Napailing din siya't ngumiti. "I'm your idiot."
Muli ay umirap ako. "Then?"
"Real fuck boys don't say sorry after they fucked up." Napakunot ang noo ko. "Sino ba namang lalaki ang magsosorry matapos niyong gawin ang bagay na 'yun kung parehas niyo namang ginusto 'di ba?" Napaawang ang bibig ko. "Noong unang beses kong makipag-make out ay ang oras ding nawala ang first kiss ko. Nawala rin ang first kiss nung hinalikan kong babae kaya nagsorry ako sa kanya. Nasundan 'yun nang nasundan at paulit-ulit din akong nagsorry, at sa dami ng babaeng hinalikan ko, nakalimutan ko na 'yung babaeng nagtanong sa'kin kung bakit nga ba ako nagsorry sa kanya pero wala siyang natanggap na sagot sa'kin. I just smiled at her and walked away."
Mas lalo akong nalito. "Ba't ka nga ba nagsosorry?"
Nagkibit balikat siya. "Kasi alam kong mali ang ginawa ko."
Napasinghal ako. "Gago ka ba? Kung alam mo naman palang mali bakit mo pa inuulit-ulit?!"
Napangiti siya, pero bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. Naguilty tuloy ako sa pagsigaw ko. "Akala ng lahat madali lang ang malagay sa posisyon ko. Palibhasa kasi hindi nila alam ang totoong nangyayari sa buhay ko. It's easy for them to say that I'm happy go lucky because they always see me just relaxed and chilled, and that I'm taking all the things easily. Hindi nila alam kung gaano kahirap imaintain ang mga A plus ko at ang maging rank one palagi sa practicals and photoshoots—they didn't know that being an Ashprey is hard." Tumingin siya sa ibaba. "Because being an Ashprey also means that you have to be perfect in everyone's eyes, and there's no room for any flaws. Kung kailangang pag-aralan ang lahat, gagawin, kasi nga Ashprey, eh.
"Bata palang ako suki na ako sa commercials at habang lumalaki naman ako ay nakukuha na ako sa ilang mga TV series. Masaya ako sa ginagawa ko dahil na rin nandiyan ang parents ko para suportahan ako. Pero naalala mo ba 'yung sinabi ko sa'yong sabay kaming inalok ni Lucky Blue para maging model scout?" Tumango ako. "Isang malaking opportunity na 'yun dahil may assurance kang makapagdebut sa isang magandang modeling agency pero tinanggihan ko, kasi kahit ten years old palang ako nun, alam ko na sa sarili kong gusto kong maging professional model sa sarili kong pagsisikap dahil ang sarap nun sa pakiramdam.
"Akala ko susuportahan ako ng parents ko sa desisyon kong iyon. Pero taliwas ang naging reaksiyon nila sa inaasahan ko... Nagalit sila sa'kin dahil nasa harap ko na nga ang offer, tinanggihan ko pa. Akala ko isang araw o dalawa ay ayos na kami pero hindi, matagal-tagal ko rin silang sinuyo hanggang sa medyo lumamig na ang ulo nila sa'kin. Sinabi ko sa kanilang mag-aaral ako nang mabuti higit pa sa dating nakagawian ko, at gagawin ko ang best ko sa lahat.
"Ginawa ko ang lahat para maging top one lagi sa klase. Bukod dun nagtry pa ako ng pwede kong mapagkaabalahan at sumali sa iba't-ibang contests sa school. Nag-aral ako ng piano, painting, pati na 'yung wushu, at tumanggap ako ng mga awards dahil binigay ko ang lahat para maging outstanding sa mga 'yun para lang maipakita sa kanilang hindi lang ako hanggang salita. Ginawa ko ang lahat-lahat, but they wanted more. Imbes na nagpapahinga na ako, kinakain na rin ng oras ko ang mga bagay na gusto nilang matutunan at maachieve ko, hanggang dumating sa point na—sa point na napagod na ako.
"Bilang isang Ashprey, dapat maging disente't galante ka sa mata ng lahat, lalong-lalo na sa parents ko. Sa lahat ng tao sila lang naman ang piniplease ko kaya naman sinusunod ko lahat ng gusto nilang ipagawa sa'kin. Naging good boy ako noong mga middle school at high school days ko kasi lagi akong chinicheck ni mommy, pero nang pumasok ako sa college, hindi na nila ako pinakialaman dahil marami na rin naman daw akong napatunayan. Akala ko magiging masaya na ako kasi hindi na nila ako kailangang bantayan pero tuluyan naman silang nawalan ng pake sa'kin."
Napaiyak na siya dahil sa pagkukwento niya. Gusto kong punasan ang mga luha niya ngayon pero hindi ko magawa dahil maging ako ay kanina pa umiiyak.
Napapikit siya at pinisil ang bridge ng nose niya sa pagkafrustrate, pero alam ko ang totoo, na pinipigilan niya lang umiyak nang todo dahil ayaw niyang makita kong nagkakaganito siya sa harap ko kasi malayo 'to sa nakilala kong Arid na matapang at... Medyo bastos.
Tinakpan ko ang bibig ko dahil may kaunting hikbi na ang kumakawala mula rito at pinunasan ang mga luha ko.
Nagpatuloy siya. "Sa pagkakataong 'yun parang ayaw ko nang ipagpatuloy ang nasimulan kong good records sa school kasi hindi na naman nila iintindihin, e. Pero bigla ko nalang naalala ang puno't dulo ng lahat, kaya sinabi ko sa sarili kong kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulan ko. Kasi konti nalang, nandun na ako sa pangarap ko."
"Ba't ka ba naging fuck boy?" Tanong ko at napakamot sa kilay ko.
"Hindi nga ako fuck boy." Pagtanggi niya. "Noong pumasok ako ng college, doon ko rin nahanap ang kalayaang matagal ko nang pinangarap. Kalayaang matagal ko nang hindi nararanasan. Isa pa, hindi na rin naman nakikita ng parents ko ang bawat galaw ko rito. Kahit na medyo napepressure ako sa mga school works and any other stuffs, parang naging madali nalang sa'kin 'yun kasi nakilala ko sina Migo, Leslie, at Dino. And the idea of being fuck boy?" Tumawa siya. "Napanood ko lang 'yun sa TV tapos ginaya ko, kasi nacurious ako."
Hinampas ko siya sa braso at natawa na rin. "Ang gago mo talaga."
Napangiti na rin siya. "Sakto pa na maraming kakilalang babae si Migo. At ang make out sessions? Iyon naging way ko para takasan ang nararanasan ko sa bahay. Na nandiyan ka nga, pero para ka lang din namang hangin. Pero gaya nga ng sabi ko, hanggang dun nalang 'yun. Sila ang nabibitin sa'kin at lagi rin akong nagsosorry." Lumapit siya sa'kin at tiningnan ako diretso sa mata. "Pero itong totoo, Jace. Nainis talaga ako sa'yo nung una nating pagkakakilala kasi ang bitch mo."
Napailing ako. "And you'll always be a prick."
Bumungisngis siya. "I'm your prick."
Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "My turn to speak?" Tumango siya. "Ayaw na ayaw ko talaga sa'yo dahil sa background mong pagiging fuck boy, pero nagulat at humanga ako sa'yo at the same time kasi ikaw lang ang naglakas loob sabihin sa'kin ang nararamdaman mo kahit hindi naman ako naniniwala kasi alam ko 'yung mga kagaya mo, e. Malay ko ba naman kung pinagpupustahan niyo lang ako ng mga kaibigan mo 'di ba? Sa dami ng umaaligid sa'kin ikaw pa, Ariddale Ashprey, ikaw pa na rank one ng class B na fuck boy pa.
"Kinabahan talaga ako nung sinabi mo sa'king hindi mo ako titigilan at liligawan mo pa ako kasi alam ko namang hindi mo ako seseryosohin," magsasalita sana siya kaya lang itinaas ko ang kamay ko kaya tinikom nalang niya ang bibig niya. "Oo, nagkaroon na ako ng past relationships at puro lokohan lang naman 'yun. Immature pa talaga at alam ko namang walang patutunguhan, kaya sinabi ko sa sarili kong hindi muna ulit ako papasok sa isang relasyon at aral muna ang aatupagin ko at ang goal kong maging isang professional model. Pero hindi mo nga ako tinigilan kaya unti-unti na akong naniwala, at simula nung kiss natin sa MC, may naramdaman na akong kakaiba, eh—na kahit kailan, sa'yo ko lang naramdaman.
"I saw the way my dad looked into my mother's eyes, and how my mom return's it. It's just perfect." Napalunok ako. "Makikita mo talaga sa kanila 'yung love. Ang parents ko ang epitome ko ng love. Sinabi ko sa sarili ko na gusto ko rin ng ganung love pero dahil sa'yo, hindi ko na inisip yon. Maraming nagtutulak sa ating dalawa, at naloko rin ako ng katagang there's no harm in trying kaya pumayag na ako sa courtship na sinasabi mo. Natatakot akong masaktan, Arid... Sobra. Pero nasaktan pa rin naman ako,"
"I'm sorry," mahinang sabi niya pero umiling ako agad.
"Wala kang kasalanan. Kung sana nalaman lang natin ng mas maaga wala na sigurong masasaktan sa ating dalawa." Napapikit ako at tinakpan ang mukha ko dahil iyak pa rin ako nang iyak. Bigla kong naramdamang hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ito sa mukha ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinatingin ako sa mga mata niya. "Jace, kung tungkol man 'to sa pagiging fuck boy thingy ko, at kung hindi pa sapat ang paliwanag na narinig mo sa'kin, handa naman akong magbago para sa'yo, e. Magiging madali lang naman 'yun dahil totoo ang mga sinasabi ko. Hindi ako titingin sa iba because, Jace, you're my everything."
Napatango ako nang mabagal. "Alam mo ba, pagbabago rin ang offer ni Daylight kay Maevel noon para mas maging maayos na ang relasyon nila sa pangalawang pagkakataon, pero iba ang sitwasyon natin, Arid."
Huminga ako nang malalim. "Oo nga't magbabago ka para sa'kin, pero ngayon hindi ko maiwasang hindi matakot kasi sa mundong 'to, ang permanente lang na nangyayari ay pagbabago. Mamaya kasal na tayo't lahat-lahat, magkaroon ng mga anak—" bigla siyang natawa sa sinabi ko kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Napatakip siya sa bibig niya at nagpigil ng tawa at itinaas ang kamay niya bilang pagsuko. Nagpatuloy ako, "At ilang taon pa ang lilipas, baka magbago ka ulit, dahil din sa'kin. Natatakot ako na baka isang araw, magising nalang ako sa tabi mo pero hindi mo na pala ako mahal."
Bigla nalang niya akong niyakap nang mahigpit. "Hey, listen. Tama ka, ang permanente lang na nangyayari sa mundong 'to ay pagbabago. Pero itong nararamdaman ko para sa'yo, constant din, e. Hinding-hindi magbabago," he cupped my face again. "Kwestiyunin mo na lahat ng bagay sa mundo, 'wag lang ang pagmamahal ko sa'yo, kasi hindi mapapantayan ng kahit anong awards ang ma-achieve kong mahalin mo rin ako."
Napaluha na naman ako dahil ramdam na ramdam ko ang sinseredad sa bawat salitang binitawan niya kaya unti-unti na ring nawawala ang doubts ko sa kanya tungkol sa pagiging fuck boy.
Sa pagsasama namin ni Arid ng ilang buwan, masasabi kong hindi siya sinungaling. Lahat kasi ng nasa utak niya, sinasabi niya talaga kahit minsan na nabibwisit na ako, at least alam kong nagsasabi pa rin siya ng totoo.
Natawa nalang ako sa iniisip ko.
"Sinabi ko na ba ang tatlong mahiwagang salita?" Tanong ko.
Alam kong hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tatlong salitang iyon, pero alam ko sa sarili kong parehas kami ng nararamdaman. Bakit ko nga ba pinagdudahan ang nararamdaman niya para sa'kin?
Fuck boy man siya o hindi, sigurado na akong mahal na mahal ko na ang isang 'to.
"Not yet," binitawan na niya ang kamay ko at unti-unting lumuhod. Biglang tumugtog sila Shawn kaya napatingin ako sa kanila at naghahanda na rin si Daylight para kumanta. Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko habang kinukuha ni Arid sa bulsa niya ang isang makinang na bagay at inilahad sa'kin. "Will you marry me, Jaycee Fiasco?" Tiningnan niya ang singsing. "I am not proposing for our parents' agreement, I am asking you this question because I love you, and you're the woman I want to be with for the rest of my life."
Kapwa kami nakatingin sa mga mata ng isa't-isa habang hinihintay ang sagot ko.
Bago pa man ako makasagot ay kumanta na si Daylight. "And if I lost everything, in my heart in means nothing cause I have you, girl I have you."
Napapikit ako at dahan-dahang tumango. Nang idilat ko ang mga mata ko ay nakangiti siya nang napakalapad pero may luhang tumulo sa mata niya.
Tumayo na siya at pinunasan ang pisngi niya. Natawa naman ako dahil ang cute lang.
Itinaas ko ang isa kong kamay para makuha ang atensiyon niya. "Let me clear things up. I did not say yes in behalf of our parents agreement, I said yes to you because I love you, and I want you to be the man that will stay with me forever."
Nang maisuot niya sa'kin ang singsing ay niyakap niya agad ako nang mahigpit na ibinalik ko naman sa kanya. Nang humiwalay siya sa'kin ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya at tumitig lang sa mga mata niya habang inilalapit ang mukha niya sa'kin.
"Tss. Lamporeber." Dinig naming paghihimutok ni Jeremy kaya napatingin kaming dalawa sa direksiyon nila.
As usual ay suot na naman niya ang masungit niyang aura. Napansin ata ni Leslie na nakatingin kami sa kanila kaya siniko niya si Jeremy na katabi lang niya. "Shhh. Bibig mo. Alam mo ba kung anong meron kina Jace at Arid?" Tanong niya kay Jer. Kinunutan lamang siya nito ng noo samantalang kami ay naghintay rin ng sagot. "69ever!"
Natawa nalang kami ni Arid sa kanya nang akmang sisikuhin na siya ni Jeremy pero nakaiwas siya agad at tinawanan na lamang ito.
Nagkatinginan ulit kami ni Arid na hawak pa rin ang pisngi ko. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Pumikit ako at ilang sandali pa, naramdaman ko na ang labi niya sa'kin.
Ginantihan ko ang mga halik niya at siya ang unang humiwalay tyaka pinagdikit ang noo namin. Ngumiti kami sa isa't-isa hanggang sa makarinig kami ng mga palakpakan.
Napatingin ako sa harapan at laglag ang panga ko.
Unti-unting nahahawi ang malaking kurtinang humaharang kani-kanina lang sa kwartong kinaroroonan namin kaya nagmistula itong theater.
Nireveal nito ang mga taong nakasuits or formal wear at namumukhaan ko ang ilan sa kanila bilang business partners ng company namin. Lahat sila ay may mga ngiti sa kanilang mukha habang pinapalakpakan kami sa kanya-kanya nilang tables.
Dumako naman ang tingin ko sa malaking LED TV na kasalukuyang nakafocus sa mga mukha namin ni Arid.
Napatingin ako sa kanya. "Oh my god... All these time pinapanood nila tayo?" Bulong ko.
Tumango siya. "Yep. Idea ni dad ang likod ng kurtinang 'to para raw pagkatapos ng proposal, diretso engagement party na." Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito. "Pero idea ko ang pagpopropose sa'yo, ah." Nagpout siya kaya pinisil ko nalang ang ilong niya.
Tumingin ako sa harapan at nahagip ng mga mata ko ang dalawang taong perfect example ng love para sa'kin.
Tumakbo agad ako papunta sa kanila ng may ngiti sa aking labi. Pagkalapit ko kay mommy ay agad ko siyang niyakap nang mahigpit. "Mommy!"
Muli na namang tumulo ang mga luha ko, pero hindi dahil sa lungkot o sakit, dahil ito sa sayang nararamdaman ko. Hinagod niya ang likod ko. "My baby girl is going to be a bride soon," masayang pahayag niya.
Nang bumitaw kami sa yakap ay nakangiti siya nang napakalapad ngunit kasabay nito ang pagluha niya.
"What about daddy? Hindi mo ba yayakapin si daddy?" Napalingon ako kay daddy na may malapad ding ngiti sa kanyang labi. Napangiti rin ako at niyakap siya nang mahigpit. Naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko habang hinahagod ang likod ko. Nang humiwalay siya sa'kin ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "My daughter is really beautiful, even though your hair is short—nah, any hairstyle would suit my pretty girl."
Nginitian ko siya. "Dad, thank you. Thank you sa lahat. Hindi ako lalaking ganito kundi rin dahil sa inyo ni mommy," pinahiran niya ang mga luha ko.
"Iyakin ka pa rin, kaya kahit ikakasal ka na, ikaw pa rin ang baby girl ni daddy, ha?"
Natawa ako't tinanguan siya. "Always," tiningnan ko si mommy at hinawakan ang kamay niya. "Mom, can I have a favor?" Hinintay niya lang akong magsalita. "Pwede bang, ikaw ang magdesign ng gown ko?"
She smiled. "It's my pleasure, honey. Salamat at pinagkakatiwalaan mo ako."
Napailing ako. "Mom, ikaw ang pinakamagaling na designer na kilala ko, kaya sa'yo ko talaga ipagkakatiwala ang susuotin ko sa special day ko."
Nagkaroon lang kami ng madaliang conversations ng parents ko hanggang sa mahagip ng mga mata ko si Arid na kasalukuyang kausap din ang mga magulang niya.
"I'm really sorry, anak. Hindi namin alam na... Hindi namin alam na ganun na pala ang nararamdaman mo,"
"It's okay, mom, dad. Tapos na po 'yun. Ang mahalaga ay 'yung ngayon,"
Hindi sa pagiging chismosa pero iyan ang narinig kong pinag-uusapan nina Arid at ng parents niya.
Napalingon siya sa direksiyon ko kaya sinenyasan niya akong lumapit sa kanila.
"Yeah?" Tanong ko nang makalapit sa kanila.
Agad niyang pinulupot ang braso niya sa bewang ko. "Mom, dad, Jaycee."
Nginitian ko ang mga magulang niya at ganun din ang ginawa nila sa'kin pabalik. Nagkakilala na naman kaming lahat noong formal dinner, masyado nga lang windang si Arid kaya hindi nakakibo.
"Go on, talk to your friends." Ani ng daddy ni Arid kaya tumango nalang kaming dalawa.
Nagpunta kami sa direksiyon ng banda kung saan kumpletong nakahilera ang mga kaibigan namin.
Agad kong nilapitan si Maevel at niyakap siya. Nang humiwalay ako sa kanya ay kinaltukan ko siya nasapo nalang niya ang noo niya.
Sinamaan niya ako ng tingin ngunit tinawanan ko lang siya. "Gaga ka. Napaniwala ako ng acting skills mo, ah!"
"Aba siyempre! Alagang glee club ata 'to!" Pagmamalaki niya. Ngayon ko lang napansing nakadress na pala siya.
Nagtawanan kaming dalawa. "Pero 'wag mo nang uulitin 'yun, ah? Kinabahan talaga ako, eh."
Tumango siya. "Yeah, sorry. Wala na akong ibang naisip na dahilan para lang sumama ka sa'kin. Siguro kung hindi ko sinabi 'yun malamang nasa studio pa rin tayo ngayon."
Hinawakan ko ang kamay niya't pinisil ito. "Pero salamat pa rin naman dahil sinabi mo 'yun. Basta, Mae, ha? Ikaw ang maid of honor ko?"
Napangiti siya nang malapad. "Oo naman! Basta ikaw rin, Jace. Ikaw rin ang maid of honor ko kapag kami naman ni Daylight ang ano... Alam mo na,"
Natawa nalang ako at tumango sa kanya.
Nakita ko si Zaire na kausap ang ibang guests sa may 'di kalayuan. Nang magtagpo ang mga mata namin ay nag-mouth siya ng 'congrats' at ngumiti. Ngumiti ako sa kanya at nag-mouth din ng 'thank you' pabalik.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa bewang ko kaya napangiti nalang ako kay Arid.
Ni-congratulate kami ni Migo.
"Migs, tol. Ikaw best man ko, ah?" Tanong sa kanya ni Arid at walang alinlangan naman itong tumango.
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dumako ang tingin ko kay Shawn na kumakain na ngayon ng steak habang nakatayo.
Natawa ako nang mahina at napatingin kay Leslie. "Leslie, kayo ang kukunin namin sa catering, ah?"
Nag-thumbs up siya. "No problem!"
Nag-thumbs up din si Shawn habang kumakain. "Oo nga! Ang sarap ng steak niyo, eh!"
Napangiwi naman si Vernon na katabi niya lang. "Ang takaw mo talaga,"
"Shattap," sabi nito at sinubuan ng steak si Vernon.
Natawa nalang kami. "Wala pala tayong poproblemahin sa wedding niyo, eh!" Ani Migo. "Kasi si Arid, sa Ashprey Tux. Si Jace naman sa Fiasco Gowns na, si Leslie sa Castle's, sina Daylight, Shawn, Joshua, Jeremy, at Vernon, sa banda na."
Tumango-tango si Daylight. "Oo, kami nang bahala sa music. Basta ba kapag nagpropose ako kay Mae, tulungan niyo rin ako, ah." Namula naman si Mae dahil dun at hinampas si Daylight nang mahina.
Nag-agree kami sa sinabi ni Daylight at nagpatuloy si Migo. "Tapos ako nang bahala sa susuotin ni Arid na sapatos. Tapos si Camryn—" napatingin siya kay Camryn na kaakbay niya at ngumiti.
Tumingin sa'kin si Camryn at ngumiti. "Jace, sana icheck mo ang Milton shoes. Maraming magagandang hills para sa'yo,"
Tumango-tango ako. "Sure. I'll check it out soon."
"Jace, ako na sa flowers." Pagpipresinta ni Maevel kaya naman nagthumbs up ako sa kanya.
"At siyempre, ako!" Napatingin kaming lahat kay Dino. "Kami na ang bahala ni mommy sa wedding cake niyo."
Naramdaman kong inilapit ni Arid ang bibig niya sa tenga ko. "Wouldn't we look cute on a wedding cake together?" Bulong niya at nag-chuckle.
Nagsikainan na sila pagkatapos ng sandaling padadaldalan namin samantalang kaming dalawa ay nakatayo pa rin habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko.
Kumuha siya ng champagne sa dumaang waiter, ganun din ako.
Bigla nalang lumapit sa amin ang mommy ni Arid at kumuha rin ng champagne kaya ngumiti ako rito.
"So, kailan ang kasalan?" Tanong nito sa amin.
Nagkatinginan kami ni Arid. Hindi siya sumagot kaya awkward akong natawa. "Uhm, after we graduate po?" Napatingin ako sa kanya at tumango-tango siya.
"Yep. Maganda 'yun." Reaksiyon ni Arid at ininom ang champagne niya.
Ngumiti ang mommy niya at tumingin sa katabi ko. "Hon, paano nga pala 'yung mga modeling agencies na isa sa mga requirements ay ang pagiging single ang status? Hindi ba't pangarap mong makapasok sa mga yon?"
Natigilan naman ako. Oh my god, nakalimutan ko ang tungkol dun! Pero teka, kung alam naman pala ng parents niya na gusto ni Arid makapasok sa mga 'yun, dapat hindi nila kami pina-arranged marriage. Sa tingin ko, gusto lang talagang itanong ito ng mommy niya.
Naramdaman kong humigpit ang yakap ni Arid sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa mommy niya. "Okay lang 'yun, ma. Ang mahalaga ngayon ay si Jaycee ang babaeng papakasalan ko. Besides, ako na ang official model ng Ashprey Tuxes, so don't you dare na kumuha pa ng ibang models. Isa pa, ako na rin naman ang magmamanage ng company natin."
Ngumiti nalang ang mommy niya sa amin at inexcuse ang sarili niya para ientertain ang ibang guests.
Nang kami nalang dalawa ang naiwan ay hinarap ko siya. "Hey, are you sure na okay lang sa'yong ikasal agad pagkatapos ng graduation? Nasabi ko lang naman 'yun kasi hindi ka sumagot sa mama mo," tumango siya pero hindi ako nasatisfy. "Pwede namang five to ten years pa ang hintayin natin bago ikasal? Para naman makapagmodel ka pa—"
"Okay na okay 'yung pagpapakasal natin after graduation. You wanna know why? Kasi gusto ko na agad magkaroon ng little Arid or Jace," seryosong giit niya pero kalaunan ay ngumisi na siya.
Pabiro ko siyang inirapan. "Ah, I get it. You're not a fuck boy but pervertedness really runs on your blood." Natawa lang siya at napailing. "But seriously, kakasabi mo lang kanina na pangarap mo talaga ang maging professional model,"
Nagkibit balikat siya. "Napalitan na 'yun nung dumating ka," tumingin ako sa ibang direksiyon para itago ang ngiti ko. "Eh, ikaw? Baka ikaw 'tong gustong magmodel muna sa Victoria Secret?"
Hinawakan ko ang kamay niyang nasa bewang ko. "Hindi naman problema 'yun. Tingnan mo nga si Miranda Kerr, may anak na pero rumarampa pa rin."
Ngumisi na naman siya. "So gusto mo na rin pala magkaroon ng little Ariddale or Jaycee?" Hinampas ko ang braso niya at parehas lang kaming natawa.
"Ewan ko sa'yo,"
"What's I love you in Italian?" Tanong niya.
"Ti amo." Sagot ko.
"Well, um, ti amo anch'io." Sabi niya at hindi siguradong tiningnan ako na para bang tinatanong kung tama ba ang sinabi niya.
Napaawang naman ang bibig ko pero unti-unting napangiti. "When did you learn Italian?"
Mabilis siyang nagnakaw ng halik sa pisngi ko. "Actually, I love you and I love you too are just the words I know, but learning new language will be easier now as long as Jaycee Fiasco's teaching me."
Patuloy lang kaming nag-usap hanggang sa magkaroon ng tuloy-tuloy na camera flashes kaya naman napatingin kami sa harap.
Napangiti ako. "Francesca! Vince!" Bineso ko silang dalawa.
"Congrats, Jaycee." Nakangiting bati ni France.
"Thank you," hinarap ko si Arid. "Arid, this is Francesca, and this is Vince." Pagpapakilala ko sa kanila.
"I'm Vince, pinsan ni Vega. Kshare." Natawa kami ni Arid sa kanya.
Ngumiti si France. "Hi! I'm Francesca Aserneau, little sister ni Francois. Nabalitaan kong ikaw, Ariddale, ang laging rank one sa class B at ang nakapartner ni Jaycee sa nakakalokang photoshoot na pinagawa ng kapatid ko. Anyways, nice to finally meet you."
Kumunot ang noo ko. "Wait, so ibig sabihin hindi kayo kasabwat dito?"
Natawa si France. "Nope. Sinundan namin kayo ni Maevel papunta rito." Tumango ako. "And since hindi naman natin natapos ang shoot mo, I suggest na, dito nalang kaya natin gawin ang first pre-wedding photoshoot niyo?"
Nagkatinginan kami ni Arid at sabay na tumango. "Okay." Sabay rin naming sagot.
Napapalakpak si France. "Great! So now, I want you to pose according to your feelings. Gusto kong gawan niyo ng actions ang nararamdaman niyo para sa isa't-isa,"
Napaisip ako sa instructions ni France. Para sa isang ordinaryong tao, kapag pinapose ka patungkol sa nararamdaman mo at halimbawang masaya ka, ay bibigyan mo ang photographer ng isang ngiti.
Pero, ano nga bang nararamdan ko sa lalaking 'to?
Tumingin ako ng diretso sa mga mata niya at bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko. Napangiti ako. Ang lalaking nasa harapan ko ay walang iba kundi ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko kahit wala naman siyang ginagawa. Ang lalaking 'to ang nagpaparamdam sa'kin ng boltahe sa katawan ko kapag nagdidikit ang mga labi namin.
Binigay namin kay Francesca ang wine glass atyaka ipinwesto ang mga sarili namin.
Magkaharap kami ngayon at lalo niya pa akong inilapit sa kanya sa pamamagitan ng paghawak nang mahigpit sa bewang ko at para bang ayaw niya akong pakawalan. Nilapat ko naman sa dibdib niya ang kanang kamay ko at pinakiramdaman ang tibok ng puso niyang gaya ko ay mabilis din.
Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata niya at naalala ko ang nangyaring nung photoshoot pairings ni Francois. Napangiti ulit ako. Kung hindi dahil sa pangyayaring 'yun ay baka hindi ko maiisipang bigyan siya ng pagkakataong mapalapit sa'kin at wala siguro kami ngayon dito.
Hinawakan ko ang batok niya at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa'kin. Nakangiti lang siya sa'kin habang pinagdidikit ko ang noo namin.
"I—" Napapikit ako at napangiti. "I really love you," sambit ko at sa pangalawang pagkakataon sa araw na 'to, ay nagdampi ulit ang mga labi namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top