045

Medyo napaaga ang narration, fak. Excited ako eh anobah!1!1! Note: fiction lang 'to, kaya 'wag kayong maniniwala sa mga pinagsasabi ko, ah. Lol. Advance sorry dahil isa itong napakalaking fail. Tyaka sorry sorry sorry /bows 360 degrees/ sa mga wrong gramming huhuhu, grabe nagkaroon ng dalaw ang ilong ko dahil dito—pero sana magcomment pa rin kayo kahit ang fail nito kasi medyo nahirapan akong gawin 'to HAHAHAHA. Happy reading! ;)

ㅆㅆㅆ

Nakaupo lang ako rito sa studio habang kinakalikot ang phone ko't hinihintay dumating ang French professor naming si Francois. Wednesday ngayon, at ito lang ang tanging araw ng photoshoot namin ngayong linggo kaya nagpapasalamat kami dahil makakapagpahinga naman kami sa makeups, smiles, poses, and camera flashes dahil ang normal schedule ng shoots ay three times a week.

Inangat ko ang tingin ko at nakita si Zaire na nagseselfie lang sa tabi ko kaya ibinalik ko nalang din ang tingin ko sa phone ko.

Nagpapasalamat ako dahil matapos nung pagsagip sa'kin 'kuno' ni Arid nung muntikan na akong masubsob sa sahig ay hindi na niya ako kinulit pa, pati na ng mga dirty pickup lines o jokes niya. Nakapagpahinga rin ako sa mga kagaguhan ng lalaking yon sa wakas. Wish ko lang na sana, magtuloy-tuloy na 'to.

"OMG," dinig kong sambit ni Zaire ngunit hindi ko ito pinansin. Tinuloy ko lang ang paglalaro ng Color Switch. "OMG talaga!"

Medyo umingay na rin dito sa studio pero hindi ko pa rin ito pinapansin. Kadalasan mga irit ng babae ang maririnig.

Napatingin ako kay Zaire nang kalabitin niya ako ngunit hindi naman siya nakatingin sa'kin kaya sinundan ko ang tinitingnan niya.

Tumaas ang kilay ko nang makita ko ang dahilan ng pag-irit ng mga babae rito.

Si Ariddale Ashprey lang naman.

Hindi na bago sa'king makita ang lalaking yon pati na si Migo rito kaya naglaro nalang ulit ako ng Color Switch, pero hindi pa man ako nakaka-high score ay kinalabit na naman ako ni Zaire habang hindi pa rin nakatingin sa'kin.

"What?" Nang lingunin niya ako ay mukhang excited na excited siya. "Saglit nga," nilagay ko ang phone ko sa bulsa ko't umayos ng upo.

"OMG, Jace!" Niyugyog niya ako nang bahagya. "Nandito ang buong Class B!"

Nag-tilt naman ako para silipin kung totoo ba ang sinasabi ng babaeng 'to at tama nga siya, buong Class B ang nandito. Pero bakit naman?

Kinalong niya ang braso niya sa'kin at sabay naming pinagmasdan ang mga estudyante na kabilang sa Class B na kasalukuyang umuupo sa mga nakakalat na monobloc chairs.

Nahagip naman ng mata ko si Arid na may mga kausap na babae habang may isa pang babaeng nakakalong sa braso niya. Napangiwi ako.

"May I have your number?" Dinig kong tanong niya ron sa nakakalong sa kanya.

Humagikhik 'yung babae at kilig na kilig na ngumiti sa kanya, "Sex sex sex, free sex tonight!" Dahil dun ay natawa ang mga nakapalibot na babae sa kanila samantalang ngumisi lang si Arid.

"Oh my God!" Reaction ni Zaire at pinalo ang braso ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin kahit na-kina Arid ang atensiyon niya.

"I asked for your number, but if that's what you want then I'm always game for it!" Sagot naman niya rito kaya mas lalo pang naghagikhikan ang mga babae.

Sabay ata kaming napanganga ni Zaire.

Bwisit. Pwede bang kahit isang araw lang, 'wag niyang ilabas ang kalibugan niya?

Hinila ng isang brunette papalayo 'yung babaeng nakakalong sa braso ni Arid. Humalukipkip lang si Arid at hinintay ang sasabihin nung brunette.

"I'm sorry for that. She's not that very well in speaking english yet, but she said six-six-six-three-six-two-nine," paliwanag nito at nahihiyang ngumiti kay Arid. Natawa lang ang gago bago tuluyang umalis 'yung dalawang babae.

Patuloy pa ring nakipag-usap si Arid dun sa mga babae hanggang sa magtama ang mga mata namin. Kinindatan niya ako. Umirap lang ako't inismiran siya.

"Ayie! Kinindatan ka ni fafa Arid!" Tukso ni Zaire sa'kin habang tinutusok-tusok ang tagiliran ko pero hindi ako gumalaw dahil wala naman akong kiliti sa kahit saang parte ng katawan. Binigyan ko siya ng blankong tingin. Umayos naman siya ng upo. "But seriously, bakit kaya sila nandito?"

"Hindi ko rin alam."

Bumukas ang pintuan kaya napalingon kami rito. Tumayo kaming lahat para batiin ang gorgeous professor namin. Hindi mo mahahalatang nasa mid-40's na siya dahil ang fab pa rin niya.

Binati niya kami pabalik at mas lumawak pa ang ngiti niya nang makita niya ang Class B na ngayo'y nakaupo nang lahat sa kabilang side.

"Great! Kumpleto na ba kayo?" Tanong niya rito. Nagsitanguan naman sila. "Alright! Class A, maybe you're wondering why Class B are here. They're not just gonna watch you like what normally happens on the previous shoots, instead..." ngumiti muna ito nang malawak bago magpatuloy. "You're going to have a collaboration photoshoot! One student from Class A will have a partner in Class B, and so on and so forth. In short, your shoot will be done in pairs today."

Sari-saring reaction naman ang maririnig sa room. Tumahimik lang ako at hinintay ang susunod na sasabihin ni Francois.

Nagtaas ng kamay si Caitlyn, "By pairs, so does it mean... We're able to choose our partners?" Tanong nito at sinulyapan si Arid.

Napa-cross arms ako. Psh. Ano bang meron diyan sa lalaking yan? Bukod sa pagiging fvck boy, ano pa ba?

Umiling si Francois kaya bumagsak ang balikat ni Caitlyn. "Oh, no, sweetie. I've already completed the list of the pairings for today's shoot."

"Is it by rankings?" Dahil sa tanong ni Zaire ay tumahimik ang lahat at naghintay rin sa sagot ni Francois.

Naramdaman ko rin ang pag-tingin sa'kin ni Caitlyn.

"No. It's not arranged by your rankings."

Nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Kung by rankings kasi, automatic na si Arid na ang partner ko. At iyon ang pinakaayaw kong mangyari.

Bumuga ako ng hangin at sakto namang pagtingin ko kay Caitlyn ay nakatingin din ito sa'kin habang nakangisi.

Kinalabit ko si Zaire. "Ako lang ba o, tingin talaga nang tingin sa'kin yan si Caitlyn?"

Sinulyapan niya si Caitlyn saglit bago lumingon ulit sa'kin. "It's because she likes Arid, and she don't want you to be paired with him for she's gonna be jealous."

"Ganun ba? Sus. Wala akong pake. Saksak niya pa sa baga niya yang lalaking yan, eh." Napairap ako sa hangin.

Nainis ako bigla. Gusto niya si Arid, tapos ako ang binabantayan niya? Oo nga't kinukulit ako ng lalaking 'yun, pero hindi ba halata na hindi ako nagpapakita sa kanya ng interes pabalik? Kaya sana naman 'wag na rin mag-isip ng kung ano 'yung mga tao sa paligid. In the first place kasi, bakit pa ba nila kailangang makialam sa buhay ng iba? Sige, pakialaman na nila ang buhay ng iba pero pwede bang 'wag 'yung akin? Tsk.

Nagsimula nang magtawag ng pairings si Francois at nakatunganga lang ako habang hinihintay kung sinong makakasama ko.

"Migo Huxley and Zaire Brooklyn,"

Napapalakpak si Zaire. "Ayos naman pala ang magiging partner ko, eh," winagayway niya ang kamay niya para makuha ang atensiyon ni Migo. "Migo!" Habang ginagawa niya 'yun ay hindi ko naiwasang titigan siya nang may kahulugan. "What?"

"Are you and Migo—" nanlaki ang mga mata niya.

"What?! No!"

"Ba't ganyan ang reaction mo? Defensive, ah." Ngumisi ako sa kanya kaya kinunutan lang niya ako ng noo.

"Mga tinginan mo kasi, Jace," nag-roll eyes siya. "Kami ni Migo? A big NO and NO!"

Nag-cross arms ako. "Bakit nga ganyan ang reaction mo? Ano ba kayo?"

Inakbayan niya ako. "We're just best friends! Ang mommy naming dalawa ay mag-best friends din, plus," tinaas baba niya ang kilay niya. "He's my Supernatural buddy,"

Nang makarating na si Migo sa kinatatayuan namin ay nag-high five sila ni Zaire. Ngumiti naman ito nang makita ako at nakipag-high five rin. "Yo, Majesty!"

Napangiwi ako. "Stop calling me majesty, hindi naman iyon ang pangalan ko. Jaycee nalang kasi, or Jace."

Nagkibit balikat ito sa'kin. "Feel ko lang tawaging kang majesty,"

"Eh, any romantic feelings para kay Zaire, dama mo rin ba?"

Pinanlakihan ako ng mata ni Zaire kaya pinigilan ko lang ang pagtawa ko. Si Migo naman laglag ang panga. Hinarap nila akong dalawa habang nakapamaywang.

"Okay! Hindi na kita tatawaging majesty! Atyaka si Zaire, best friend ko lang yan!" Mabilis na tumango-tango si Zaire sa paliwanag ni Migo.

"Tumigil ka na kasi, Jace! 'Yung crush ni Migo! Si Camry—asdfghjkl—"

Tinakpan ni Migo ang bibig niya kaya natawa ako nang mahina. "Shit! Ang ingay mo naman!"

"Mmm—mmmM!" Tinanggal niya ang kamay ni Migo sa bibig niya. "Sorry naman! Si Jaycee kasi!"

"Anong ako?" Inosenteng tanong ko kaya mas lalong nainis ang mga mukha nila sa'kin. Tinaas ko ang dalawa kong kamay sa ere. "Oh, mahina ang kalaban. Two versus one! 'Wag niyo akong pagtulungan,"

Napabuntong hininga si Migo at tumayo nang maayos. "Jace, kasi. 'Wag kang mag-iisip ng mga ganun... Kadiri kaya,"

Binatukan siya ni Zaire kaya napa-aw siya, "Wow ha!"

"I mean, hindi ko kasi nakikita ang future ko kay Zaire! Mag-best friends lang talaga kami!" Inakbayan niya si Zaire at hinawakan bigla ang kamay nito kaya nagulat siya. Napaawang naman ang bibig ko. "Sana matanggap mo... Baka kasi mamaya may feelings ka na pala sa'kin na more than friends lang at hindi ko naman 'yun kayang sukli—" hindi na niya natapos ang kalokohan niya nang batukan ulit siya ni Zaire.

"Bawas-bawasan mo yang pagkagago mo. Hindi yan makakatulong kung popormahan mo man si Cam," tinanggal niya ang pagkakaakbay sa kanya ni Migo.

Napakamot sa batok si Migo at nag-peace sign sa kanya. Tiningnan namin ang direksiyon ni Camryn. Nakaupo lang ito sa isang tabi at naghihintay rin sigurong matawag ang partner niya.

Biglang nagsalita si Migo. "I really adore her—wait. Zaire, have I already told you that I like quiet girls? Tipong 'di makabasag pinggan?"

Umiling siya, "Nope, ngayon palang."

Lumingon sa'kin si Migo, "Okay namang partner 'to si bff, pero sana talaga makapartner ko rin si Cam," nagkibit balikat siya't ibinalik ang tingin kay Zaire. "Kwento mo na nga lang sa'kin 'yung mga nangyari sa Season Eleven."

Napailing nalang ako. Nag-usap lang silang dalawa sa harap ko tungkol sa Supernatural.

"Oh, I'm sorry," tumahimik ang lahat at tumingin kay Francois. She's flipping the pages of her lists. "Namali ako ng tawag. Migo Huxley and Camryn Milton, Zaire Brooklyn and Hector Gregory,"

Tumingin kami ni Zaire kay Migo at pinigilan lang namin ang pagtawa naming dalawa dahil nanlalaki ang mga mata niya't nakanganga. Mas lalo pang lumaki ang awang ng bibig niya nang lumapit si Camryn sa pwesto namin.

"Hi," bati ni Camryn sabay ngiti.

"Hello!" Bati ko sa kanya't ngumiti. Class A rin siya pero hindi kami masyadong nakakapag-usap. Ngumiti siya sa'kin pabalik.

Mukhang na-star struck si Migo kaya hindi niya ito nabati pabalik agad. Siniko siya ni Zaire at may binulong sa kanya. Tinulak siya ni Zaire kay Camryn kaya nagkabangga sila pero buti nalang ay na-maintain ni Migo ang balance niya at hindi sila bumagsak parehas. Natawa silang dalawa ni Camryn. Hindi naman namin naiwasang magtinginan ni Zaire at magkurutang dalawa nang patago.

Nang makaalis na silang dalawa papunta sa mga stylists ay natawa nalang kami ni Zaire.

"Sige na, punta na rin ako sa partner ko," tumango't ngumiti nalang ako sa kanya.

Halos lahat sila ay may partner na samantalang ako ay wala pa. Class A and B are composed of 20 students, all in all 40 kaming nandito sa studio ngayon kaya 20 pairs din ang nagawa ni Francois.

Tiningnan ko nalang ang mga kuko ko habang hinihintay matawag ang pangalan ko.

"And last but not the least, Ariddale Ashprey and Jaycee Fiasco." Unti-unting umangat ang tingin ko mula sa mga kuko ko papunta kay Francois. ANO?! "Okay, let's sta—"

"What?!" Napatingin kaming lahat kay Caitlyn. Hindi naman siya ang magiging miserable pero salamat na rin dahil siya na ang nag-react para sa'kin. "Miss, you said that it's not arranged by rankings! Pero bakit si Ashprey and Fiasco ang magkasama?!"

Nginitian siya ni Francois ng matamis. "Yes, dear. Pero nagkataon lang na sila ang natirang dalawa nung inaayos ko ang pairings niyo. Trust me, it's not arranged by rankings," kinindatan niya ito at iniwang nakanganga.

Napaawang din naman ang bibig ko't wala nang nagawa kundi ang pagmasdan ang paglalakad ni Francois papunta sa photographer. Minsan talaga hindi mo mahuhulaan ang trip niya.

Literal naman akong napatalon nang may humawak sa magkabilang balikat ko at nakitang si Caitlyn iyon. "Jace, please take care of Arid, huh?"

Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay niya sa balikat ko. "Caitlyn, it's just a shoot. Why do I need take care of him? What is he? A saint? A special guest? Oh, please, if you're given a chance to get to know him better, you just wanna stay at home and be bored all day than be with that evil."

"But he likes you! And I'm sure that he loves the idea of you and him being partners on this shoot! And I don't know if you love that idea too!"

"My God! This is just for grades!"

"Oo nga! Pero gusto ka niya at kailangan ko nang tanggapin na hindi magiging kami ni Arid kaya alagaan mo nalang siya para sa'kin!" Walang prenong sabi niya at ako naman ang iniwang nakanganga.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sinabi niya o hahagalpak nalang ng tawa rito sa sahig, e.

Pumunta na ako sa mga stylists at umupo sa monobloc chairs habang hinihintay ang turn ko. Ang pag-aayos ay ginagawa ngayon sa mga naunang pairs. Sa tingin ko kami ang huli dahil kami ang huling tinawag ni Francois.

Pinapanood ko lang ang pag-aayos ng mga buhok ng girls hanggang sa naramdaman kong may tumabi sa'kin.

Nilingon ko ito at nabwisit lang ako agad. "Hi, partner," bati nito sabay ngisi. Inirapan ko nalang siya.

Ba't siya nandito? Aaminin na ba niyang bakla siya? Sa pagkakaalam ko kasi magkahiwalay ang pag-aayos ng girls at boys.

Akala ko makakapagpahinga na ako sa bangungot. Shucks. Ano bang ginawa ko para parusahan ako nang ganito?!

Hindi ko pinansin ang katabi ko't pinanood lang ang mga stylists na gawin ang mga buhok at makeups ng mga babae hanggang sa naramdaman kong umalis na siya. Buti naman.

Nang matapos ng ayusan ang mga naunang pairs ay dumiretso na sila sa shooting area at doon ni-lead ni Francois. Mabilis natapos ang mga naunang pairs at naayusan na rin sina Zaire at ng partner niya, pati na sina Camryn at Migo.

Sina Zaire at Hector ay nag-piggy back ride. Cutie.

Nang ako na ang aayusan ay sakto namang sila Migo na ang magshu-shoot. Pinanood ko silang dalawa habang inaayos ang buhok ko.

Gamit ang isang kamay ay kinorner niya si Camryn habang intense na nakatingin dito. Si Camryn naman ay may hawak na specs at nakakagat sa ibabang labi niya't nakatingin din sa mga mata ni Migo.

Napangisi ako. Naka-score si koya.

Matapos akong ayusan ay binihisan na rin ako ni Maddison sa dressing room.

Pinasuot niya sa'kin ang isang white strapless crop top, beige pencil skirt at beige four inches hills. Hindi naman ako conservative pero parang ang sexy ng suot ko... Napansin ata 'yun ni Maddy kaya binigyan niya ako ng isang malaking black coat.

Pagkalabas ko ay nakita ko na rin si Arid na naka-tux. Ang mga suot namin ay nagko-complement sa isa't-isa.

Hindi ko na siya hinintay pa at naglakad na papunta kay Francois. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa'kin.

"Here comes my top students," she giggled. "At dahil kayo ang top students, iba ang ipapagawa ko sa inyo,"

I frowned. Ano na naman bang pakulo niya? "What is that?"

Mukha siyang batang excited makakuha ng lollipop. "Kiss Arid!"

Putangina.

Ano.

Napa-woah naman ang mga tao na nandito, including the stylists, pati nga si Vega na photographer ay 'di naiwasang mag-react.

Nilingon ko si Arid at parang umakyat lahat mg dugo ko sa mukha ko sa sobrang inis dahil napakalaki ng ngisi niya sa mukha ngayon.

"Legal ba 'to?" Tanong ko. Bakas sa boses ko ang iritasyong hindi ko mapigilan.

Alam kong liberated ang mga tao rito, pero grabe naman ata ang gusto niyang ipagawa sa'min! For pete's sake! It's a kiss! Walang paki ang partner ko dahil gustong-gusto niya naman ata ang idea ni Francois. Ugh. Kung siya nalang kaya ang humalik dito?! Parang lahat naman kasi pinapatulan ng Arid na 'to!

"What are you trying to say? Teka. 'Wag mong idamay ang way ng pagtuturo ko rito—"

"Miss Francois Aserneau, please don't misunderstand. Hindi ko kinekwestiyon ang way ng pagtuturo niyo. In fact, kayo nga ang pinakamagaling na professor sa batch namin dahil sa ipinapakita niyong professionalism. What I'm asking is that, is this legit?" Huminga ako nang malalim. "Lahat kami rito ay hindi pa professionals at wala pang background—three years na pagpapatuloy lang sa course na 'to, wala nang iba. And it's so unfair! Professional models lang ang gumagawa ng ganung poses at kung tutuusin ay madalang lang din,"

"That's the real challenge! Kung paano mo maipapakita sa'min ang pose na 'yun kahit na alam mo sa una palang ay hindi ka naman talaga pro," napahawak siya sa sintido niya. "I am very disappointed in you, Jaycee, for I was expecting that being my top student, you'll do it without any hesitations,"

Napailing ako. "May iba pa bang paraan para patunayan sa inyong hindi niyo pagsisihan ang paglalagay sa'kin sa rank one?"

"Nudes."

Sa sobrang panlalaki ng mga mata ko ay feeling ko parang luluwa na ito. Napa-gasp na naman ang nga tao rito.

"No," matigas kong sambit. Naalala ko bigla ang sinabi ng mga seniors ko dati, na kapag sobrang nakitaan ka raw ni Francois ng potential o kapag ipinakita mong passion mo talaga ito, gagawin niya ang lahat para i-challenge ka. Kung sana naalala ko lang 'yun nang maaga edi sana hindi ko na ginalingan! Argh. "I'm not gonna do that."

"Then say goodbye to your beloved A plus and hello to F. Madali naman akong kausap, eh," naghahamong saad nito.

Fck. Binabawi ko na 'yung sinabi kong fab siya! Isa talaga siyang monster!

"But that's really out of the line! Bakit 'yung sa iba, simple poses lang? Bakit sina Migo at Camryn, kabe don lang? Tapos kami, kiss?!"

"Just choose, Jaycee! Nudes or kiss? Gosh. Quel est le problème du baiser? Il est juste baiser!" (Trans: What's the problem about the kiss? It's just a kiss!) Sigaw niya't gumawa pa ng malalaking hand gestures sa ere.

Napasabunot ako sa buhok ko. Nakaka-frustrate! "Ugh! Lo davvero non capisco francesi!" (Trans: I really don't understand french people!)

Ridges formed on her forehead. "What did you say, Fiasco? If I'm not mistaken, that's Italian, and I'm french so if you want to say something, talk to me in french."

"But I'm Italian so don't expect me to talk to you in french."

"But there are french speaking people in North America—"

"Yes. In Canada. Not in the United States of America!" Nag-cross arms ako. "Nasa Los Angeles, California tayo, Miss. At maiintindihan ko pa kung sa wikang espanyol ka nagsalita dahil twenty-eight percent ng tao rito ay Spanish ang ginagamit na salita pero hindi,"

"But I'm french! Not Italian, nor a Spanish!"

"That's the point! I don't understand french so if you don't want my language then don't talk to me with your mother tongue!"

Akala ko ay mas lalo pa siyang maiinis sa'kin ngunit iba ang nakita kong reaction mula sa kanya. Sumilay sa labi niya ang isang mapaglarong ngiti at tumango-tango.

Na-realize kong wala na pala kami sa original topic namin.

Tiningnan ko ang paligid at lahat sila ay tahimik, 'yung iba naman nakanganga at nang mapatingin ako sa likod ko ay nakita kong mahinang napapalakpak si Arid at mas lalo pang lumaki ang ngisi niya.

"Well, that's what I like about you, Fiasco. Minsan lang akong makakilala ng estudyanteng ganyan kalakas ang fighting spirit at confidence, and I admire that trait of yours,"

Siyempre, ang turo sa'kin ni daddy ay ang ipaglaban ang alam mong tama, at tumahimik nalang kung mali ka naman talaga. Sa kaso namin ngayon ay hindi ko talaga alam kung sinong tama, ang alam ko lang ay napaka-unfair ng pinapagawa niya.

"Well, thanks," sabi ko nalang.

"You're welcome," napangisi siya at hindi maganda ang kutob ko sa ngising 'yun, ah... "But if you're expecting me to take back what I said about the kiss thingy... Hah. No. Thank you for wasting your energy to make an argument with me but you still need to do what I said to sustain your beloved A plus."

Naibagsak ko ang balikat ko. Sari-saring reaction na naman ang umaalingawngaw sa buong studio at may iba ring nagtatawanan.

Pumikit ako nang mariin at napahilamos sa mukha ko. Wala na akong pake kung nasira man ang makeup ko. "Jaycee, kiss lang yan. Walang kasamang feelings. Matabang. Walang lasa. Okay?" Pagpapakalma ko sa sarili ko dahil baka sumabog na ako. Tumayo ako nang maayos at tumango kay Francois. "Fine. It's just. A. Kiss."

A fucking kiss.

Napa-cheer naman ang mga tao. Narinig ko pang sumigaw si Migo kay Arid.

Ngiting tagumpay naman si Francois, "Alright! Maddison! Paki-retouch na si Jaycee!"

Agad na akong pumunta kay Maddy. Pinisil niya ang braso ko't ngumiti sa'kin. Matamlay kong sinuklian iyon. "Kaya mo yan," sabi niya't inayos ang salamin niya.

Saglit niya akong inayusan at bumalik kami agad sa shooting area.

Nakangisi lang sa'kin si Arid nang makita ako. Ang sarap talaga niyang sapakin. Sa mukha at balls.

Pumalakpak si Francois para makuha ang atensiyon naming dalawa. "Hindi naman natin mamadaliin ang lahat. Bale, mangilan-ngilan munang poses and then finale na ang kiss—"

"Ah. Parang make out session muna bago mag-love making?" Singit ni Arid. Tss. Kagago.

Mabagal na tumango si Francois at ngumiti sa kanya. "Basta sundin niyo lang lahat ng sasabihin ko. I know that you'll do great because the both of you are my top students,"

"Yes, miss," sagot ko sa kanya.

"Let's start!"

Pumwesto na kami sa harapan. Inilagay ko ang kanang braso ko sa balikat ni Arid samantalang siya ay nakahawak lang sa tux niya. Ginamit ko naman ang kaliwang kamay ko para alalayan ang nakalaylay kong coat sa kaliwang balikat ko.

Pagkabilang ni Vega ng one two three ay nagsimula nang mag-flash ang camera kaya nag-pose lang kami.

Pansamantalang huminto si Vega sa pagkuha ng pictures para tignan ang shots namin kaya napasulyap ako kay Arid na nakatingin din pala sa'kin habang nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin. "Idiot. 'Wag mo akong tingnan at ngisihan. Ayusin mo nalang yang pose mo para matapos na tayo," saway ko sa kanya.

Kinindatan niya ako. "Okay,"

"Jaycee! Look at him intensely! As if you're sending fireballs to his eyes!"

Sinunod ko naman ang sinigaw ni Francois. Mabuti nalang at banas ako sa lalaking 'to kaya madali lang gawin 'yun para sa'kin.

Ilang poses at shots pa ang nagdaan hanggang sa magpakuha si Francois ng malaking stool. Kulay puti, malapad, at kahit apat na tao ay magkakasya pa rito.

Pinaupo si Arid doon nang nakadekwatro. Inutusan naman akong umupo sa likod ni Arid. Sabi niya ipulupot ko raw ang dalawang hita ko sa bewang ni Arid na siyang nagpanganga na naman sa'kin.

"Miss Aserneau!"

"Do it, Fiasco."

Nilingon ako ni Arid, "Gawin mo na. Promise, hindi ako titigasan," nag-chuckle pa siya.

Lahat na ata ng mura ay nasabi ko na kay Arid. Sa utak ko. Bwisit.

Inabutan ako ni Vega ng matangkad na unan at doon ako umupo para mas mataas ang pwesto ko kay Arid tyaka ko ipinulupot ang dalawang hita ko sa bewang niya. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa balikat niya't nilagay ang ulo ko sa tabi ng kanya.

"Jaycee, yakapin mo si Arid." At sinunod ko na naman si Francois.

Nakayakap na ako sa may dibdib ni Arid. Ayos talaga. Ako ang nahihirapan dito dahil nakabukaka ako, eh.

Tumingin na kami sa camera at pinagpatuloy ang fierce na tinginan dito.

Shit. Bakit parang biglang uminit? Napatingin ako sa gilid ng mukha ni Arid at nakita kong unti-unting sumusubay ang patak ng pawis niya.

Nag-take kami ng break saglit para mag-retouch pero hindi kami umalis sa posisyon naming iyon. Utos ulit ni Francois na manatili lang kami sa ganon.

Ang laki ng ngiti ni Francois. "Jace, kagatin mo ang earlobe ni Arid,"

Tumaas ang dalawang kilay ko.

WTF?! PRACTICAL PA BA 'TO O LIVE PORN NA?!

Shet shet shet. Gusto ko na talagang matapos ang kalbaryong 'to!

Pumikit ako't kinagat nga ang right earlobe ni Arid at kasabay naman nun ang mahinang pag-ungol niya. Shit. I hate to say this but his moan is fucking sexy.

Paker. Dinudumihan ng lalaking 'to ang pag-iisip ko!

Sumigaw si Francois ng stop kaya naman napadilat ako. Nilapitan niya kami. "Arid! Control your emotions! Maraming nanonood,"

Tumawa siya, "Sorry, Miss,"

Bwisit talaga! Sanay na naman akong maraming nanonood kapag nagshu-shoot kami pero sobrang nakakahiya 'tong ginagawa namin ngayon! Kung hindi lang talaga para sa A+ ko, eh!

Nang bumalik na si Francois sa harap ay tyaka ko lang binulungan si Arid. "Pwede bang umayos ka?! Gustong-gusto ko na talagang matapos ang lecheng shoot na 'to!"

Nag-chuckle naman siya, "Chill, Jace. Nag-eenjoy pa ako, 'wag ka namang masyadong excited. And you know what, Francois should do this pairings thingy often because I'm really loving it,"

"Pwes ako hindi,"

Inulit ko ang pagkagat sa earlobe ni Arid at sa wakas ay nakuhanan na ito nang maayos.

Lumapit ulit si Francois sa'min at inayos ang posisyon namin. Magkaharap na ang mga ulo namin ngayon at nakapulupot pa rin ang mga hita ko sa kanya't nakayakap.

"Pagkabilang ni Vega ng tatlo," ngumiti ito nang nakakaloko sa'min. "Alam niyo na,"

"Noted, Miss," nakakalokong sagot ni Arid habang magkaharap kami.

Umalis na si Francois at bumalik na sa harap.

Naghahalo na ang mga hininga namin at less than one inch nalang ata ang pagitan namin. Parehas kaming nakatingin ng diresto sa mga mata.

Gusto kong kurutin ang sarili ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Huling naramdaman ko 'to kagabi nang manood ako ng Teen Wolf at ngumiti si Scott.

Hindi rin nakakatulong ang pagkakayakap ko sa kanya dahil ang mga kamay ko ay nakatapat sa dibdib niya't nararamdaman ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"One, two, three!"

Pumikit na ako't ilang sandali pa'y naramdaman ko na ang malambot niyang labi sa'kin na agad nagpadala ng libo-libong boltahe sa katawan ko dahil sa kuryenteng naramdaman ko. What the fuck?

Sobrang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko may nagliliparang butterflies sa tiyan ko.

Nang sumigaw na si Francois ng—"Good!"—ay ako na humiwalay sa kanya.

Dinikit niya ang noo niya sa'kin. Dapat ay tinutulak ko na siya ngayon pero hindi ako makagalaw... "I—" pumikit siya't napangiti, "I really like you,"

Hindi ako makahinga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top