029
05:47 pm
Ariddale: Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ayos ako o hindi?
Jaycee: ???
Ariddale: Kasi nakipagsuntukan ako!
Jaycee: Wtf? Ano namang kinalaman ko?! Hindi na ako kasali sa mga kagaguhang pinaggagawa mo, Arid!
Ariddale: Kasalanan mo kaya!!!
Jaycee: Ako nanaman?!?!?!!! Eh wala nga akong ginagawa sayo?!?!!!
Ariddale: Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako nakipagsuntukan sa Furniss na yun!
Jaycee: Holy sht. Narinig kong nakipagsuntukan ka sa mc pero hindi ko alam na si Furniss pala yung sinuntok mo
Jaycee: Fudge
Jaycee: Nasisiraan ka na talaga!!!! At bakit nanaman ba ako ang dahilan niyan?!????!
Ariddale: Kasi sinabi niyang hindi talaga kita seseryosohin
Ariddale: Na igagaya lang kita sa ibang babaeng nakasama ko
Ariddale: Nagdilim paningin ko kaya nasapak ko siya. Nabubwisit ako sa pagmumukha niya. Gusto ko siyang baragin kung di lang talaga ako hinila ni Migo. Tsk.
Jaycee: Tama naman si Furniss!
Jaycee: Sana hindi mo nalang siya pinatulan!
Ariddale: Tangina? Nakipagsuntukan ako para sayo tapos sasabihin mo lang sa aking tama ang gagong yun? Punyeta naman!
Jaycee: Tanggapin mo nalang kasing hindi mo ako kayang seryosohin!
Jaycee: Natatakot akong kapag pinaniwalaan kita ay paglalaruan mo lang din ang nararamdaman ko gaya nang ginawa mo sa ibang babae.
Jaycee: Tyaka kung magpapaligaw man ako or what, gusto ko sa matinong lalaki naman.
Jaycee: Oo matapang ako, pero kung magkakaroon man ako ng relationship sana yung maayos.
Ariddale: Hindi ka rin naniniwalang hindi ko kayang magbago?
Ariddale: Ayaw mo kasi akong bigyan ng chance!
Jaycee: No need. Ayoko. Sana naman maintindihan mo kasi matalino ka diba?!
Ariddale: Fuck. That. Jaycee. Fiasco.
Jaycee: Hindi ka naman kasing gwapo ni Francisco Lachowski o ni Sean O'Pry para bigyan kita ng chance!!
Jaycee: Kahit ni Lucky Blue!!!
Jaycee: Kaya manigas ka!
Ariddale: Sa kanilang tatlo ang pinakamalapit sakin ay si Lucky Blue. May pagkakaparehas kami
Jaycee: ANG HANGIN!!!
Ariddale: Totoo naman!
Ariddale: Parehas kaming kinuha bilang isang trainee model nung 10 years old
Ariddale: Kasi sobra raw nila akong nakitaan ng potential sa mga ginawa kong commercials & tv series dati
Ariddale: Pero alam mo ba ang pinagkaiba namin? Tinanggap niya yung offer, samantalang tinanggihan ko. Kasi gusto kong ipursue nang mag-isa tong pagiging model.
Ariddale: Gusto kong pagsikapan ang pangarap ko.
Jaycee: Konek?
Ariddale: Na gusto kitang ipursue, Fiasco. Kasi gusto kita, okay?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top