004
07:49 pm
Maevel: Hoy
Maevel: Jace
Jaycee: Po?
Maevel: Kasi ano...
Jaycee: ?????
Maevel: Kinalkal namin yung student records ni Arid ;)))
Jaycee: What?
Jaycee: At, 'namin'?
Jaycee: Sinong namang kasama mo??
Maevel: Si Daylight
Maevel: Habang kinakalkal ko yung records ni fafa Arid ay dinidistract naman niya si ma'am Caly gamit ang maganda niyang boses
Maevel: Muntik na nga akong mahuli ni ma'am kasi nadistract din ako sa kanya HAHAHA
Maevel: Pero yung high notes niya talaga nagdala kaya di na ako nakita ni ma'am
Jaycee: Buti di ka namatay :D
Maevel: Konti haha
Jaycee: Pero bat niyo naman kasi ginawa yun? ;-;
Maevel: Ako kasi ang na-curious sa kinwento mo saking hindi pa natin kilala si Arid, na sinabi niya sayo.
Maevel: At tama nga siya, Jace. Hindi pa talaga natin siya kilala.
Jaycee: What do you mean?
Maevel: When you nod your head yes, but you wanna say no, what do you mean~ yeah~
Maevel: Hehehe
Jaycee: Um bye
Maevel: wEYT
Maevel: Atat naman nito. Interesado ka lang talaga kay Arid eh
Jaycee: Sabihin mo nalang kasi, anak. Sayang naman yung tinyaga niyo ni Day diba
Maevel: Yes mommy
Maevel: So, ayun nga. Hindi pa talaga natin siya kilala, kasi yung bad image lang niya yung napapansin natin dahil dun siya naging popular.
Maevel: At natabunan nung bad image na yun ang good image niya
Maevel: Jace, ano nga ulit yung final average mo nung senior high tayo?
Maevel: I remember mine's 92.37
Jaycee: Ang tagal na nun ah?
Jaycee: But as far as I remember, it's 96.21
Maevel: Talino mo talaga. Pero... Alam mo ba kung ilan yung kay Arid?
Jaycee: Oh?
Maevel: 98.69
Maevel: O diba
Jaycee: Ohmygod ._.
Maevel: Yep.
Maevel: Nakita ko rin yung previous cards niya nung high school. Napanganga na nga lang ako e. Walang line of 8, puro line of 9.
Maevel: 98 is the highest while 93 is the lowest.
Jaycee: What else?
Maevel: According to the written reports, he really loves to read books— encyclopedias, dictionaries, and novels.
Maevel: Matyagang bata.
Maevel: He knows wushu. He also competed in kung fu competitions and won 4th, 5th, and 6th in different categories.
Maevel: Marunong siyang magpiano. Nanalo na siya ng 1st place sa piano competition
Maevel: Magaling din siya magdrawing at magpaint! Nanalo na siya ng 2nd and 3rd place sa art competition!
Jaycee: The fudge.
Maevel: Eto pa, sa San Diego siya lumaki. Tapos dati pala, nakapag-shooting na siya ng commercial at the age of 2.
Maevel: Nasali na siya sa 3 movies
Maevel: And 15 tv series
Jaycee: Wow ha. Bakit di nalang siya nag-artista?
Jaycee: Atyaka, kung marami na pala siyang background dapat sikat na siya diba
Maevel: Matagal na rin kasi e, pero ewan ko. Siguro baka gusto niya talagang i-pursue ang pagiging model.
Maevel: Tyaka, Jace, sila yung may-ari ng Ashprey Tuxedos.
Jaycee: I know
Maevel: Wala kang masabi ah. Namangha ka ba
Jaycee: Nagulat ako, siyempre. Akalain mong matalino at marami palang talent ang malibog na yon
Maevel: Matalino na at maraming talents. Tapos parehas pa kayong number 1 lagi sa photoshoots at practicals niyo
Maevel: Alam mo, Jace, kung hindi lang dahil sa ginawa niya sayo nung isang araw, iisipin ko nang bagay kayo.
Jaycee: Ewwwwwwww, Mae. Kilabutan ka nga ewwwwwwww
Maevel: Lol
Maevel: Ayan, medyo kilala mo na siya ah. Pero kailangan mo pa ring mag-ingat dahil academic records lang naman ang nalaman ko.
Maevel: Lalaki siya at babae ka.
Jaycee: Wow. Yes, mommy?
Maevel: Sira ahahaha. Ikaw pa rin ang mommy ko.
Maevel: Kailangan mo kaming ilibre.
Maevel: Burger. Sa burger station nila Kian.
Jaycee: Weh? Ayos lang kay Day?
Maevel: Ililibre mo lang naman kami ng burger. Anong masama run. Atyaka natikman na niya yon, masarap daw. Kaya uulit kami
Jaycee: Okay
Jaycee: Thank you pala :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top