3
Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay bumalik nako sa loob. Nakipag kwentohan muna ako sa mga kaibigan ko at kumain muna ako bago namin napag desisyonang umuwi na.
Lumapit kami sa pamilya ni Chin para makapag paalam. Nakausap na din namin sila kanina at ang bait nila. Sobra.
"Tita.. uuwi na po kami gabi na din po kasi baka hinahanap na din po kami," Pagpapaalam ko kay Tita. Napatingin naman siya samin at tumayo kasama si Chin at Tito.
"Uuwi na kayo hija? May sundo ba kayo? Pwede ko kayo ipahatid." Sabi ni Tito samin. Umiling naman ako at sinabing may sundo naman kami. Hinatid nila kami sa labas.
"Happy Birthday ulit Chin!" Bati naman ulit sakanya. Nakipag beso naman siya samin bago kami umalis at umuwi na.
Nagising ako dahil sa dahil sa tunog ng alarm. Napahikab ako at kinuha ang cellphone ko sa bedside table, ang aga pa pala. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakita kong galing ito sa group chat namin.
Chin: Omg! Guy's pumasok kayo ng maaga okay?! May chika ako ackkkkk!
Princess: Is this about those guys you were talking about last night?
Guys? Yung nasa party kagabi?
Me: Anong chika na naman yan mga friend?
Ae: AYUSIN MO CHIN! ALAM MO NA BA NAME NUNG PINAPATANONG KO? HEHE
Johann: Umayos kayo para di kayo mapahiya tulad ng isa dyan.
Napatawa ako ng biglang nag angry react si Jace.
Jace: Huy! Mawalang galang na sa inyo ah! Kahit hindi naman kayo ka galang galang! Trip ko lang yung kagabi.
Chin: Basta guy's pasok ng maaga okie? Byerz.
Me: Sige na mag hahanda na ako para pumasok. Sana kayo din.
Aeia: Ingay niyo ang aga aga ah! Sige babangon na din ako!
Napailing ako at bumangon na lang. Naligo na muna ako bago lumabas ng kwarto, nadaanan ko ang kwarto ni Brent kaya dahan dahan ko itong binuksan at pumasok. Nakita ko siyang naghihikab at mukhang kagigising lang.
"Ate... buhat," Inaantok niya pang sabi sa akin. Nakangiti naman akong lumapit sa kanya at binuhat siya bago isinama sa baba.
Nakasalubong namin si Ate Janice, binati niya ako at kinuha mula sakin si Brent. Dumeretso kami sa kusina at naabutan ko si Mama at Kuya na nagluluto.
"O gising kana pala, naghahanda na ako ng pagkain para makaalis na tayo. Maaga kasi ako ngayon." Sabi ni Kuya sakin, lumapit naman sakin si Mama at hinalikan ako sa pisngi bago pinaupo.
"Kamusta ang party anak?" Tanong sa akin ni Mama habang kumakain kami ng breakfast.
"Ayun Ma masaya po at nag enjoy po ako! Mabait po ang pamilya ni Chin." Pag kukwento ko naman kay Mama.
"Kailan naman namin makikilala iyang mga kaibigan mo anak?"
"Ay nako Ma basta ako kilala ko na ang mga kaibigan ni Bianca-tot!" Pagchichismis ni Kuya kay Mama. Napanguso naman si Mama at sinabihan ako na dalhin sila dito.
"Wag po kayong mag alala Mama makikilala niyo sila, dahil ang sabi ko ay dadalhin ko po sila dito kapag hindi napo busy." Nakangiti kong sabi kay Mama at malawak naman siyang napangiti sakin.
Hinatid na ulit ako ni Kuya bago siya pumasok. Habang naglalakad naman ako papasok sa gate ay nakasalubong ko si Princess. Kumaway siya sakin at sabay na kami pumasok.
"What do you think will happen if someone will leave there parent's house?" Wala sa sariling tanong ni Princess. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon.
"Ha? Bakit ka nagtatanong nang ganyan?May problema ba?" Sunod sunod kong tanong sakanya. Napatingin siya sa akin dahil bakas ang pag aalala sa boses ko. Nginitian niya na lang ako at umiling, niyaya niya na akong pumasok sa room. Tiningnan ko pa muna siya bago pumasok sa loob.
Baka may kakilala siyang mag lalayas, wala naman kasi sa itsura niya na may problema sa pamilya.
Yun ang naisip ko pero isinawalang bahala ko na muna dahil baka OA lang ako.
"Girls! Okay andito na kayo! Tara dito dali may chika ako!" Yun agad agad ang bungad samin ni Chin. Ewan ko ba din sa isang to mukhang hindi napagod kagabi, eh para nga siyang kakandidato kung maka pag ikot ikot kagabi sa buong venue at nakikipag kilala.
Baka yun talaga future niya.
Natawa ako sa sariling naisip at Lumapit nalang sa kanila na naka paikot ang upuan. Napatingin ako kay Jace at Johann dahil nag bubulongan ang dalawa at nag tatawanan. Ang mga siraulo nga naman mabilis mag kasundo.
"Guess what?! Alam niyo ba yung mga friends ni Kuya! They ask me about you two!" Pagchichika ni Chin sabay turo samin ni Princess. Napataas naman ako ng kilay at napaturo naman si Princess sa sarili niya.
"Hala! Yung mga lalaking tinitingnan ni Aeia kagabi?! Hala kawawa naman ang Aeia natin... hindi tinanong name niya HAHAHHAHA" Tawang tawa si Jace sa sarili niyang sinabi.
"Huy! Hindi mo sure! Tsaka hindi ko na yun crush kasi alam niyo ba..." Tumingin muna siya sa paligid bago bumulong samin.
"May bisita sila Papa kagabi! Business partner daw kasama yun anak nila at alam niyo ba ang yummy niya! Ay sorry mali! Gwapo pala hihi." Pag kwe kwento niya habang kinikilig.
"Tanga mo! Yun yung pinsan kong sinasabi sayo na ipapakilala dapat kita!" Sabi sa kanya ni Johann. Ano ka naman ngayon dyan friend?Cupid?
"But wait.." Singit naman ni Princess.Sabay sabay namang umikot ang ulo namin papunta sa dereksyon niya na ikinatawa niya.
"Why did those boy's ask about us?" Tanong niya kay Chin at naalala din namin bigla kaya napatingin kami kay Chin na umayos ng upo at tumikhim, akala mo naman sa isang to mg rereport.
"Diba you guys leave early kagabi? Then my Kuya introduced his friends kay Mommy at Daddy, tapos tinanong ako nung friends niya at ito pa! Yung dalawang tumulong satin sa Canteen yung nag ask! Akalain mong kaibigan pala sila ni Kuya ko!" Mahabang pag dadaldal niya habang nanlalaki pa ang mata.
"Ah si Elijah." Napatango tango pa ako habang sinasabi yun. Nagulat naman ako ng marahas nilang hinampas lahat ang desk nila.
"Kilala mo?!" Malakas at sabay sabay nilang sabi. Napatingin tuloy samin ang iba naming kaklase. Napakamot naman ako sa kilay ko.
"Ah o-oo... nakita kasi niya ako sa garden kahapon na umii-" Shit! Madudulas pa ako di pa nga pala nila alam Ang tungkol kay Papa! "-inom! Oo umiinom kasi ako ng juice at nagpahangin at nandun din siya kaya nakausap ko saglit. Tama ganun nga!"
Napatingin naman sila sakin na parang hindi naniniwala. Tumango tango ako para kumbinsihin sila, at naniwala naman sil at sabay sabay na na pa 'ahh'.
Nagkayayaan kaming mag dinner sa isng restaurant malapit lang sa school matapos ang klase namin. Pumasok kami at umupo sa upuan malapit sa bintana, nag kwentohan muna kaming mga babae habang nag oorder ang dalawang lalake nang biglang bumukas ang pinto malapit samin.
Pag tingin ko saktong pumasok si Elijah at yung lalake na kasama niya sa canteen noon at dalawa pang lalake. Napatingin siya sa gawi namin at nagtama ang mata namin. Nagulat at natigilan ako ng ngitian niya ako bago pumila.
What the?! Shit bat ang gwapo naman!
Napabalik ako sa huwisyo ng biglang hilahin ni Aeia ang buhok ko, tinapik ko naman ang kamay niya. Siraulo nato sakit nun ah.
"Gurl! OMG nginitian ka!" Niyugyog ako ni Aeia habang nakita ko namang nanlaki ang mata ni Princess habang nakatingin dun sa mga lalake bago siya nag iwas ng tingin.
"Yieee friend... crush mo yun nuh?" Pang aasar ni Chin kay Princess na namula ang mukha at umiling iling kay Chin. Ang tinutukoy ni Chin ay ang lalake na tumulong sa kanya noon na hindi ko naman alam ang pangalan.
"Huy! Iingay niyo! Hala sige ikain niyo yan at baka nalipasan na kayo!" Pang sisira ni Johann sa usapan namin.
"Sino ba dun yung gusto niyo? Nayyy! Kayo ah!" Pang gagago naman ni Jace.
Nauwi tuloy kami sa asaran bago kumain.
"Hala naiwan ko yung utensils!" Kakamot kamot sa ulong sabi ni Jace, tatayo na sana siya pero tumayo na ako.
"Ako na," Dahil balak ko ring humingi sana ng tissue. Naglalakad ako papunta sa lagayan nila ng utensils, kukuha na sana ako nang may mauna sa akin.
"Here," Gulat akong napatingin sa lalaking nag abot niyon sa akon.
"Oh! Ah thank you," Bahagya ko pang itinungo ang ulo ko para mag pa salamat.
"I didn't saw you yesterday night when the party ended," Pagkakausap sakin ni Elijah, oo si Elijah nga. Hindi kayo nag kakamali siya nga si Elijah.
Eh bakit panay ang ulit ko sa Elijah?
"Ah that! Hindi ko kasi tinapos ang party btw you're close with Chin's older brother right?" Ngiti ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.
"Yes actually my friend there wants to know your friends name," Tinuro niya yung mga kasama niya at napatingin naman ako doon.
"Yung babae sa canteen," Wew. Marunong naman pala tong mag tagalog, inisip ko muna kung sasabihin ko ba sa kanya. Napatingin muna ako kay Princess.
Ibibigay ko na lang baka mag work sila. Pero kung hindi, edi awts atleast nag try diba. Tama.
"Her name is Princess," Tinuro kopa si Princess para siguradong alam niya.
"Right," Bulong niya habang napa kamot pa sa kilay niya. Natigil kami sa pag uusap nang dumating si Johann.
Istorbo na ito. Char!
"A-ah excuse me sa inyo ah, pero baka pwede ko na makuha ang mga kutsara babae! Gutom na ako lahat lahat! Mamatay na kami sa gutom nakikipag harutan kapa dyan!" Bahagya niya akong hinila at binulongan para hindi marinig nung isa. Natawa naman ako sa kanya dahil mukha na talaga siyang gutom.
Right. Yun nga pala ang ipinunta ko rito.
"Ah una na ako Elijah, see you around nalang," Kaway ko sa kanya. Aalis na sana ako ng pigilan niya ako.
"Wait," Napatingin ako sa kamay niyang hawak ang braso ko. Napatingin din siya doon at dahan dahang bumitaw.
"What's your name? You already know my name,can I get yours?" Halos matawa ako dahil halatang naiilang siya.
"Yeah of course, I'm Bianca! Sorry I forgot to introduced myself last time," Nilahad ko ang kamay ko sakanya. Kinuha niya naman yun at nakipag kamay din.
"Right. See you around Bianca," Yun ang sabi niya, pero bago siya tumalikod ay humarap muna siya sakin. He smiled.
"Btw, nice name." Yun ang sabi niya bago umalis. Natigilan ako at kung hindi pa ako hinila ni Johann ay baka nag mukha na akong tanga doon.
"Aysus! Kinikilig ka nuh? Ikaw ah! Crush mo yun nuh? Sabagay gwapo din hindi kana lugi kaibigan!" Pagdadaldal sakin ni Johann,siraulo na to kalalaking tao tsismoso. Binatukan ko siya bago nauna nang bumalik sa table namin. Tatawa tawa namang siyang sumunod.
Habang naglalakad ay bigla akong napa ngiti.
Crush huh? Well, Not bad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top