2

Nandito kami ngayon sa classroom habang nag kwekwentohan dahil wala daw ang teacher namin sa subject ngayon dahil may meeting sila.

"Ano nakapag paalam naba kayo? Wag kayo mag alala! Walang ibang tao doon tayo lang at ibang mga kamag anak namin." Pagbubukas niya ulit ng usapan tungkol sa Birthday niya.

Kinuha ko ang bag ko at tiningnan ang bagay na nakalagay doon. Regalo ko sana sakanya, kaya lang ay nag aalangan akong ibigay dahil baka hindi niya magustohan.

My gift for her is a jewellery set, gold necklace and bracelet together with a diamond ring. Nabili ko ito sa mall kanina dahil wala akong maisip na ibang regalo at biglaan ang pag yaya niya sa amin.

Kinuha ko yung nabili ko at ibinigay iyon sa kanya. Nag tataka niya iyong kinuha, hindi niya siguro alam kung ano yun dahil nakabalot. Binuksan niya na yun at nagulat ako ng pagkalakas lakas siyang tumili. Binatukan naman siya ni Jace dahil ang ingay niya daw.

"OMG KA BIANCA! NAKATADHANA TALAGA TAYONG MAGING FRIENDS! ALAM MO BANG MAHILIG AKO MANGOLEKTA NG MGA JEWELLERY?! OMG THANK YOU GIRL!"

"Huy ano yan?! Ang ingay ingay mo naman! akin na nga patingin." Marahas na inagaw sakanya ni Jace yung lalagyan pagkatapos ay kunot noong tiningnan yung laman.

Nang makita niya na ito, nanlaki ang mga mata niya at bigla siyang napatingin sakin ng makita niya ang laman ng regalo ko. OA naman nito kung makatingin.

"Bianca... birthday kona din next month... hindi ako mahilig sa jewellery eh, sapatos kasi ang gusto ko.." Dahan dahan niya iyong sinabi na sakin na parang nagpapaawa, kunyareng mangiyak ngiyak na din siya.

"AANTAYIN KO ANG REGALO MO PARA SAKIN AH! HINDI PWEDENG WALA DAHIL NIREGALOHAN MO NA TO SI CHIN! DAPAT AKO DIN! HINDI AKO NAIINGGIT AH! SINASABI KO LANG! HAHAHHAHA.." Bigla ay malakas niya iyong sinabi at tumawa ng malakas. Napailing iling nalang ako sakanya. Siraulo na to kung maka request akala mo may pinatago, bigyan kitang sampal dyan eh.

Hinila naman ni Aeia ang buhok niya dahil nakakahiya daw at ang lakas ng bunganga niya. Napa aray naman siya at nagsimula silang mag bangayan roon. Pinagtatawanan naman sila nila Princess at Johann.

Nanahimik lang sila noong dumatimg ang teacher namin. Maghapon kaming madaming ginawa kaya medyo nakakapagod din. Inantay naming mag uwian dahil excited na silang makakain.

"Yes uwian na! Tara tara labas na tayo nandun na daw yung sundo natin." Pagyayaya samin ni Jace. Nauna na silang maglakad ni Johann habang nagsasakalan.

"Tingnan niyo yung dalawa mga isip bata.." Sabi ni Aeia.

"We should stop them baka magkasakitan na sila. " Napatingin ako kay Princess dahil sa sinabi niyang yun at napatawa, alalang alala siya.

"Nako hayaan niyo na sila! Titigil din yan." Sambit ni Chin na kanina pa hindi binibitawan ang bigay kong regalo, yakap yakap niya pa yung lagayan habang nakangiti.

"Huy ano ka naman dyan?mukha kang tanga ilagay mo yan sa loob ng bag mo." Kunot noo kong sabi sa kanya.

Ngumiti lang siya ng malawak sakin at umiling iling bago tumakbo papunta kila Jace. Nabuntong hininga nalang ako, tinawanan naman ako ng dalawa kong kasama dito.

At dahil nasa labas na nga daw ang sundo namin, mabilis kaming nakaalis. Hindi ko alam kung ano lahi ang meron itong mga ito at hindi man lang napapagod kadadaldal, sobrang ingay sa byahe pero lumilipad ang isip ko. Feeling ko madaming tao ang nandoon, imposibleng kami lang.

Mabilis kaming nakarating sa bahay nila Chin,kasing laki ng bahay nila ang bahay namin. Pero grabe naman tong kanila, halatang mayaman. Sanaall.

Wala pang tao dito sa bahay nila maliban sa mga taong naghahanda at nag aayos. Nilibot namin ang tingin sa bahay nila Chin, panay naman ang komento ng mga kasama ko sa mga nakikita nila.

"Angas naman ng bahay nato, baka naghahanap kayo ng katulong Chin? Pwede ako HAHAHAHHA." Tatawa tawang sabi ni Jace.

"Hala, may Kuya ka pala." Napatingin kami doon sa tinitingnan ni Aeia. Portrait yun ng family picture nila, in fairness ah,gwapo.

"Ang pogi naman." Dagdag ni Aeia. Napatingin kami bigla kay Princess ng bigla siyang may kinausap.

"Hello po." Pagbati niya sa mga magulang ni Chin. Magtataka na sana ako kung bakit kilala niya sila pero naalala ko nakita pala namin ang family picture nila.

"Hi kids! Mga kaibigan kayo ni Chin right?May mga dala ba kayong damit?Pwede na kayong mag bihis." Nakangiti niyang sabi sa amin. Ang ganda niya siguro mga kasing edad din siya ng Mama ko.

"Pwede kayo sa guest room, o kaya doon na din kayo sa kwarto ni Chin." Tumango naman ang Papa niya samin at bumati din. Mamaya nalang daw muna nila kami kakausapin dahil may gagawin pa daw sila at nag paalam na.

Dinala naman kami ni Chin sa kwarto niya at pinag bihis na. Tawang tawa naman ako dahil talagang handang handa itong mga kasama ko lalo na ang mga babae.

"Bianca! Ano ka naman dyan ha?! Mag bihis kana din dali!" Pansin sakin ni Aeia dahil tinatawanan ko lang sila sa pagmamadali nila.

"Bianca, do you know how to use this? Hindi ko magawa! Ang panget pag ako gumagamit." Lumapit sakin si Princess para magpatulong ayusin ang buhok niya. Hindi naman siya excited ano? Talagang may dala pa siyang mga gamit pang ayos.

Pagkatapos kong tulungan si Princess pumasok na ako sa banyo para magbihis. Naka dress kaming mga babae at nakapolo naman ang mga lalake.

Napatingin ako sa salamin at biglang napangisi.

O ha? Tingin sa kabila. Tingin sa kanan.

Mukha akong tangang paikot ikot dito, pero isa lang ang masasabi ko. Kahit anong suot ko, maganda pa din.

Self service ang tawag dyan. Walang pumupuri kaya ako nalang. Char ganda ko lang talaga.

At tama nga ang hinala ko kanina dahil paglabas namin ay madami ngang tao. Hindi pa namin kasama si Chin dahil hindi pa siya tapos ayusan. Ano ba namang party to,mukhang debut na eh. Napatingin ako sa grupo ng kalalakihang biglang pumasok.

Wew, ang daming pogi dito.

"Huy! Sinong tinitingnan mo dyan ha?!" Biglang sulpot ni siraulong Jace. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at napatawa ako sa itsura niya.

"Ikaw sino ka naman dyan? HAHAHAH nakapag ayos kana lahat lahat pero ang panget mo pa din!" Singhal ko sa pagmumukha niya. Nanlaki naman ang mata niya sakin at pagkatapos ay suminghap.

"Huy! Excuse me?! Ang gwapo gwapo ko kaya! Wala ka kasing taste! Tse!" Dinuro niya ako habang nakabusangot at pinagtawanan ko lang siya. Inambahan niya ako ng batok bago tumalikod.

Tatawa tawa ko naman siyang tiningnan. Siraulo na yun gwapo daw siya?! Ha! Panget na nga malabo pa mata! HAHAHAH char tropa na nga pala kami.

Napatingin ako sa gilid ko ng biglang may dumating na lalake, may nilalagay siya sa gilid ko at napatingin ako doon dahil nahaharangan kona pala ang lagayan ng mga regalo.

"Uh s-sorry," Naiilang kong sabi sakanya, napatingin naman siya sakin habang kunot ang noo. Para siyang may inaalalang isang bagay na konektado sakin.

Tingin tingin nito? alam ko namang maganda ako pero nakakailang ah. Pagkausap ko sa sarili ko.

"Ah may dumi ba sa mukha ko Mr.?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang kilay. Napakurap kurap naman siya at napaayos ng tayo.

"It's you again, nice seeing you Miss." Simple niyang sabi at tumalikod na para umalis.

Tinanaw ko ang pag alis niya habang nakakunot ang noo ko. Ano raw? ako ulit? pinagsasabi no'n. Pero ako din mismo ang natigilan ng maalala ko kung saan ko siya nakita.

What the freaking shit?! Siya yung lalake sa canteen kahapon! Kaya pala pamilyar.

Napailing nalang ako at naglalad papunta sa table namin dahil nag uumpisa na ang party. Naabutan ko ang mga kaibigan kong maiingay at nagdadaldalan doon. Napataas ang kilay ko nang makita ko silang lumilingon sa kabilang table. Pag baling ko naman sa table na yun,yun yung group of guy's na nakita ko kanina at nandun din yung lalake sa Canteen.

"Gurl! Nakita mo yung grupo na yun?! Ang gagwapo! Tanong nga natin kay Chin mamaya ang mga pangalan nila!" Hinila ako ni Aeia at binulong yun sakin. Binatukan ko naman siya.

"Siraulo ka. Paano mo nasigurong kilala na niyan ha?! Bisita ng kuya niya yan o tingnan mo! Paano niya makikilala yan eh wala naman yung kaclose na ibang lalake!" Singhal ko kay Aeia na napanguso nalang at tumango tango sakin, pero nakatingin pa din sa table nila. Siraulo.

Lumabas na si Chin at binati namin siyang lahat. Habang patagal ng patagal ang party mas lalong dumami ang tao ang sobrang ingay na. Napatingin ako sa mga kasama ko na nag aasaran.

"O pustahan tayo! Magpapakilala yan sakin! Teka tabi lapitan ko lang ah!" Confident na sabi samin ni Jace bago lapitan yung babae na mag isa dun sa table malapit samin.Tawang tawa naman sakanya si Johann.

"That idiot! Tinitingnan daw siya nung girl eh it's not him naman! That girl is looking at Johann!" Napapailing na sabi ni Princess.

"Hayaan mo siyang mapahiya dyan." Sabi naman ni Aeia. Napangisi ako at tiningnan si Jace na nakalapit na sa babae.

"Hi! Nakita kitang nakatingin sakin.I'm Jace and you are?" Damn this idiot!Kunyare pa siyang seryoso siya! Nakakahiya.

Pinagtaasan siya ng kilay nung babae. Yare ka ngayon mukha pa namang masungit.

"Excuse me?! I'm not interested okay?! And hindi ikaw ang tiningnan ko it's him!" Supladang sabi niya kay Jace sabay turo kay Johann at iniwan si Jace na laglag ang panga roon.

Tatawa tawa ko siyang nilapitan doon at tinapik ang balikat niya.

"Upo na doon friend, ayos lang yan better luck next time nalang." Kunyareng seryoso kong sabi sakanya at inambahan naman niya ako ng batok bago bumalik sa table na ikinatawa ko lalo.

Lumabas muna ako at pumunta sa garden para magpahangin. Napatingala ako sa langit at malungkot na ngumiti. Ang daming stars.

Papa nakikita mo po ba kami? Namimiss kana po namin nila Mama. Si Kuya isang taon nalang collage na, ako po malapit na makapag tapos ng high school at si Brent naman pwede na din pong mag aral next year. Nakahanap na din po ng trabaho si Mama at nagtatayo na din po sila ng business kasama yung kaibigan niya. At alam mopo ba Pa? Syempre hindi pa hehe. May mga kaibigan napo ulit ako! At ipapakilala kopo sila sainyo pag nagkataon. Wag kana pong mag alala dyan Pa tutupadin po namin ang mga pangarap namin. Miss na miss kana po namin, sana nandito po kayo.

Napayuko ako at pinunasan ang luha ko dahil masyado na akong naging emosyonal. Nalugi kasi ang negosyo namin nung namatay si Papa kaya nag uumpisa ulit si Mama ngayon dahil may ipon naman kami. Naiisip ko lang na kung hindi kaya nawala ang Papa siguro mas masaya at maayos kami ngayon. Pero mas naaawa ako sa bunso namin dahil hindi man lang niya makakasama ng matagal si Papa. Kaya ginagawa ni Kuya ang lahat para magpakatatay kay Brent.

Hindi tumigil ang lintik kong luha hanggang sa may nakita akong panyo na inaabot sakin. Natigilan ako at napaangat ng tingin sa taong nagbigay noon.

Nakita ko ang lalake na tumulong samin kahapon sa canteen. Ano ba to? Siya na naman? Hindi naman sa nagrereklamo ako pero siya lagi na nakikita ko. Nako ah baka iba yan, char.

"Take this." Inabot niya sakin ang panyo at kinuha ko naman yun sa kanya.

"It's you again Miss." Napapailing niyang sabi na para bang natatawa siya dahil lagi kaming nagkikita.

"True at ikaw na naman din. Nako ah ilang beses na kitang nakikita at pag kailangan kopa talaga! Ibigay mo na lang kaya sakin pangalan mo para pag may nangyare na hindi maganda tatawagin nalang kita para hindi na ako magulat sayo!" Sinubukan kong magbiro habang nagpupunas ako ng luha ko. Napatingin ako sakanya ng seryoso lang siyang nakatingin sakin.

"Huy ito naman! Syempre biro la-" Hindi kona natuloy ang sasabihin ko dahil biglaan siyang nag salita na nakapag patigil sakin.

"Elijah." Sabi niya sa akin.

"Ha?" Taka kong tanong sakanya. Tumikhim naman siya at umayos ng tayo

"Elijah. That's my name." Huli niyang sinabi bago siya tumalikod at naglakad na pabalik sa loob. Napatulala nalang ako sa likod niya.

Hindi naman ako seryoso dun sa sinabi ko ah. Hindi naman yun mabiro, pero okay na din atleast nalaman kona pangalan niya. Napatingin ako sa papalayong bulto niya.

Elijah,

Thank you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top