1



"Anak! Anak! Ano kaba unang araw ng eskwela ngayon! Bangon na riyan at mag almusal kana! Baka ma late ka!"

Napabalikwas naman ako ng bangon dahil sa sigaw na yun ni Mama. Muntik kona makalimutan! First day of school pala ngayon! Dali dali akong naligo at nagbihis para makapag almusal na ako.

Pagbaba ko andun na ang mga kapatid ko at naghahanda na ring kumain. Si Kuya Baste na inaayos ang mga gamit niya at ang bunso naming si Brent na naglalaro at unang nakapansin sakin. Nginitian ako ng kapatid ko at tumakbo papunta sakin.

"Ate! Ate!" Nakangiti siya sakin kaya napangiti rin ako at binuhat siya. Bagong lipat lang kami sa bahay nato dahil namatay si Papa dahil sa sakit last year at dito sa lugar nato nakahanap ng trabaho si Mama. Kaya lumipat din kami ni kuya ng papasokan.

"Anak ibaba mo na yang kapatid mo. Hali ka na at kumain dahil baka malate pa kayo dali!" Aligagang kinuha ni Mama sakin si Brent at pinaupo na ako sa hapang.

"Bianca 4th year kana saan mo balak mag aral ng SHS? Sa School na papasukan mo pa din ngayon? O sasama ka sakin?" Tanong ni Kuya habang kumakain.

"Hindi ko pa alam kuya pag may nakasundo ako sa school baka dun nalang din." Napatawa si kuya sa narinig at napangiti naman si Mama at ako.

"Ikaw kasi! Maghanap kana kasi ng kaibigan mo! HAHHAA para di ka lagi mag isa doon! Sige ka wala pa naman ako doon kaya wala kang kasama." Tumango nalang ako sakanya at nagsimulang kumain.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami ni Kuya kay Mama at Brent. Ihahatid daw muna ako ni Kuya bago siya pumunta sa papasukan niya.

"Ingat Bianca-tot, sunduin kita mamaya ah?text nalang kita." Pagpapaalam sakin ni Kuya bago umalis.

Napatingin naman ako sa harap ko dahil andun ang Gate ng school namin. "Cavite National High School" ang pangalan ng school namin.

Pumasok na ako sa loob at hinanap ang room ko. Tiningnan ko ang numero ng bawat room at nung nahanap kona ang room ko ay pumasok agad ako at dumeretso sa upuan sa gilid sa pinaka dulo.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong room at unti palang kaming nandito. Napatingin ako sa harap ko ng may umupo doon, napatingin sakin ang babae pagkatapos ay binigyan ako ng maliit na ngiti. Mukha siyang mahiyain.

"Hi, bago ka lang din ba dito?" Nahihiya niyang tanong at tumango naman ako at nginitian din siya. Mukha kasi siyang takot! Sa ganda kong to?! Matatakot siya?! Hayst, mga tao nga naman ngayon oh!

Napatingin naman ako sa gilid niya dahil may umupong isang babae at isang lalake doon. At ang ingay nila,ano ba naman tong mga to? mukha silang tanga. Paano ba naman nakatingin sila samin habang may nginunguya at biglang ngumiti.

Hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin at nanahimik nalang. Unti unti na kaming dumadami at ilang saglit pa dumating na ang teacher namin.

"Okay class since 36 kayong lahat dito, group yourselves into 6. Anim na student sa isang group bale, anim din na group. Kayo na ang bahala mag hanap ng ka group at ilagay ang mga pangalan niyo sa 1/4 sheet of paper."

Nagtayuan ang mga kaklase ko at naghanap ng kanya kanya nilang group. Nanahimik lang ako hanggang sa biglang narinig kong nag uusap ang dalawang maingay kanina.

"Ikaw na nagtanong matapang ka diba?!" Sabi ng lalake

"Siraulo ka ba?! Ikaw ang lalake ikaw magtanong!" Singhal sakanya nung babae.

"Aba't siraulo nato! Sige na ako na! Tabi!"

Hindi na ako nagulat na may kumalabit sakin ng dalawang beses. Napatingin naman ako sa lalaking kumalabit sakin. Nakangiti siya ng malawak at nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko at nakipag shake hands.

"Hello! Ako si Jace Pangilinan! Tara tayo nalang mag ka group! Isama natin iyang isa mong kaibigan na tahimik lang sa tabi! HAHHAHA hindi mo naitatanong kaya sasagutin kona lang kahit hindi mopa tinanong!Matalino ako! Honor student din ak-" Napaaray siya ng batukan siya ng babae kanina.

"Hi! I'm Aeia Santos. Group na tayong apat ah? Pasensya na dito kay Jace papansin kasi talaga yan. Ah uy miss kasali kana samin ah anong name mo?"

Tanong niya sa babaeng nasa unahan ko yung tahimik.

Napatingin naman siya samin at nahihiyang ngumiti. "Hello, I'm Princess Cree Valencia.Kalilipat ko lang ng school." Nakangiti niyang pakilala, putcha mukha siyang big time at spokening dollars.

Sabay sabay kaming napatingin sa isang babae at lalake na biglang sumulpot ng kung saan. Kumaway samin yung magandang babae.

"Hi! I'm Francine Vasco,apat palang ba kayo? pwede kaming sumali? Para complete na tayo!" Kwelang sabi niya at mukha ding mayaman. Ano ba tong school nato? Puro pang mayaman? Edi wow, Halabaka naligaw ako! Syempre Jk! Hindi naman kami mayaman din may kaya lang.

"Hello beautiful faces! Ako si Johann Villaranza! Tropa kami niyan ni Chin! Hindi lang halata HAHAHA tropa nadin tayo ah!" Malakas ang boses niyang sabi. Ano ba naman tong bunganga ng dalawang to, pang battalion ang ingay eh.

Tuwang tuwa naman si Jace at Aeia kasi complete na daw kami. Sinulat na nila sa 1/4 mga pangalan namin kahit di pa ako pumapayag. Oo ganun sila! Desisyon! At yung dalawang bagong dating lumipat dito sa dalawang upuang katabi ko, pinaalis yung mga naka pwesto.

Walang ibang ginawa ngayon kundi ang magpakilala at mag test ng saglit.

Dumating ang break time at umalis na ako para bumili ng pagkain. Pumili ako sa canteen at naghanap ng mauupuan nang biglang may tumawag sakin.

Napatingin ako sa boses na yun at nakita kong si Aeia yun na kumakaway. Kasama niya si Jace at si Princess, dahil wala namang ibang pwesto ay lumapit na ako sa kanila.

"Bianca dito ka! dali dali! tabi tayo!" Sabi sakin ni Jace at doon na ako pumwesto.

Biglang sumulpot si Chin at Johann at naki pwesto na din samin. Nag uusap usap nalang kami ng kung ano ano pag katapos ay napatingin kami sa dalawang lalake na dumating sa canteen.

Para silang artista dahil pinagbubulongan sila ng mga tao, palibhasa gwapo. Napatingin kami kay Princess na nakapila sa canteen kanina, nakita kong sinadya siyang banggain ng grupo ng ilang babaeng nakasalubong niya.

Tatayo na sana ako ng nakita kong napansin din yun nung dalawang lalake. Kumunot ang noo nung dalawa at nilapitan sila Princess.

"OMG girl! Papunta sila dito!" Sabi nung isang mukhang clown dahil nasobrahan sa makeup.

"Shut up! Tabi kakausapin ko." Sabi nung isang mukhang leader.

"Why did you do that?" Seryosong tanong nung lalakeng naka sumbrero. Umaktong walang alam yung mga ipokretang babae.

"What do you mean? we didn't do anything." Maarteng sabi nung leader nila pagkatapos tingnan si Princess na inaayos ang nalaglag niyang pagkain.

Hindi kona napigilang tumayo at naramdaman kong nakasunod sakin ang iba. Dahil sa gigil ko sa babae hinablot ko ang I.D niya at nilapit siya sakin. Napasinghap ang mga nakakita.

"Siraulo ka ah! Bakit mo siya binangga?!" Maangas kong tanong nakita ko kung paano nagulat at natakot yung clown sa likod niya.

"W-what are you doing huh?! Let me go!" Tapang tapangan niyang sabi eh halata namang takot!"

"Woy! Woy! Easy lang Bianca,easy." Yun ang sabi ni Jace pero iba naman yung ginawa niya. Marahas niyang nilingon yung babaeng binitawan ko na halatang natakot sa kanya.

"Huy ikaw! Siraulong to! Bakit mo niaaway si Cess?! Ang bait bait niyang aawayin niyo lang?? Halika rito at ng mabangasan ki-" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya dahil hinila siya ni Johann.

Halos matawa ako sa mukha nung babae, halatang natakot. Nakita ko yung clown na susugod sana sakin pero hindi natuloy dahil humarang yung isa sa mga lalake kanina. Seryoso siyang tiningnan ng lalake at pagkatapos ay ngumisi ito.

"Ang tapang tapang mo eh ang liit mo naman." Seryosong sabi ng lalake. Nalaglag ang panga nung clown dahil sa sinabi niya.

Sabay sabay kaming nakalingon sa pinto ng canteen nung may mga pumasok na grupo doon. Deretso silang pumunta sa mga babaeng nang gulo at hinila ang mga ito papuntang office. Mga SSG pala sila.

"Ah thank y-you." Napatingin kami kay Princess dahil sa sinabi niyang yun. Nakatingin siya sa lalaking tumulong sa kanya yung naka sumbrero. Seryoso itong nakatingin kay Princess, tumango lang ito sakanya at tumalikod na kasama yung lalake kanina.

"See you around." Sabi ng lalake kay Princess at umalis na.

Pumunta kami sa ladies room para mag ayos. Mga siraulong babaeng yun kapal ng mukha, kasing kapal ng make up.

"Grabe ang gwapo nung tumulong sayo girl ah." Pang dadaldal ni Aeia kay Cess.

"Parang nakita kona siya noon sa board meeting nila Dad." Sagot sakanya ni Cess. Pero putcha! Board meeting daw, Sanaall.

"Huy punta tayo sa bahay bukas after school ah! Malapit lang rito yun,magluluto kasi si Mommy dahil birthday ko!" Pag singit ni Chin sabay tingin sakin. Ngumiti ito sakin.

"Sige pero magpapaalam muna ako kay Mama baka kasi wala siyang kasama sa bahay." Sabi ko dahil iniisip ko din si Brent baka mag pasaway habang wala ako. Nakangiting tumango tango lang si Chin sakin.

Dumating ang uwian at sabay sabay na kaming lumabas. Nag text na din si Kuya nasa labas na daw siya. Pumunta na kami sa labas at nakita kona si kuya na nag aantay sakin.

"Hala Bianca kuya mo?" Malaki ang matang tanong ni Jace. Tumango naman ako.

Napasapo na lang ako sa noo ng nakita ko sila na patakbong lumapit kay Kuya. Ang mga loko nauna pa sakin! Nagulat naman si Kuya dahil sa mga biglang lumapit sakanya.

"Hello po! Ako si Aeia.."

"Ako po si Princess."

"Hello Kuyaaaa!Ako si Chin!"

"KUYAAA! Ako si Jace pogi." Sabay pogi sign.

"Kuya ako si Johann,gwapo din ako." Mahangin niya ding pakilala.

Lumapit na ako kay Kuya at hinalikan siya sa pisngi. Nginitian niya ako at hinalikan sa noo. Napatingin siya sa mga nagpakilala sa kanya at tinanong ako.

"Mga kaibigan mo Bianca?" Nakangiting tanong niya.

Napaisip naman ako bigla.Teka anong isasagot ko? oo o hindi? kaibigan kona ba tong mga to? Napatingin ako sa kanila at nakita kong nakangiti silang tumatango tango. Naiilang ako napatingin kay Kuya.

"Ah o-oo Kuya..." Nahihiya kong sagot. Napangiti lalo ang Kuya ko.

Pagkatapos ng saglit na pag uusap ay nagpaalam na kami sa isa't isa at bukas nalang magkikita ulit. Umuwi na kami ni Kuya sa bahay. Pag bukas namin ng gate ay pinark niya na ang sasakyan bago pumasok sa bahay.

Nakita ko ang pagngiti ni Brent ng makita kami. Naglalaro siya sa sala at tumakbo papunta samin at nagpabuhat kay Kuya.

"Kuya! Ate!" Nakangiti niyang bati samin. Binati namin siya pabalik at hinalikan sa pisngi. Lumabas si Mama mula sa kusina na may dalang meryenda.

"Andito na kayo mga anak,tara dito meryenda muna tayo." Nakangiti niyang sabi.

Nag kwentohan muna kami at pagkatapos ay umakyat na sa taas para makapag bihis na ako. Nakatulog ako saglit at nagising dahil gabi na.

Pagbaba ko ay naghahanda na sila para makakain na kami. Nakita kong nandito na din si Ate Janice siya ang katulong namin sa mga gawaing bahay ag nag aalaga din kay Brent. Niyakap ko siya at nag kwentohan saglit bago kami kumain.

Habang kumakain ay naalala kong nagyaya nga pala si Chin kaya naisipan kong magpaalam na.

"Ma, nagyaya po yung kaibigan ko sa bahay nila, birthday niya daw po kasi." Napangisi lang si Kuya at hindi na nag salita. Chinika naman ako ni Ate Janice at nagpa kwento tungkol sa mga kaibigan ko at nakisali na din si Mama.

"Sige anak itext mona lang ang Kuya mo pag ginabi ka para masundo ka." Pagpayag sakin ni Mama.

Umakyat na ako sa kwarto matapos makipag usap saglit sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang Fb account ko. Hindi na ako nagulat ng nakita ko ang mga friend request nila sakin.

Aeia Santos sent a friend request.

Jace Pangilinan sent a friend request.

Princess Cree Valencia sent a friend request.

Johann Villaranza sent a friend request.

Francine Vasco sent a friend request.

Hindi ako nagdalawang isip na I accept sila. At halos matawa ako dahil may gc na sila agad. Ang daldal ng mga to kung ano ano nalang ang pinag uusapan. Pag katapos ng pag uusap namin, pinatay kona ang cellphone ko at napatitig sa kisame. Unang araw palang andami na ng nangyare at isa lang ang masasabi ko.

Disaster ang first day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top