Start
A/n: Hi, S-xents. Here's the second installment of Variejo Series. Enjoy reading! Don't forget to vote and comment your thoughts!
--------
The dried vegetative parts and rough tree barks on the dark forest ground terrain clattered underfoot when I harshly stepped on them. Rotting wood. Scents of the wind from the nearby wood smell. Scrabbling of lizards on the twigs penetrated my flared nostrils.
I can hear the sledgehammer of my heart while trying my best to run as fast as I could from them. Old trees were staring at me like sentries from the border. I'm sweating grains. I'm so tired of running for my life.
I looked back and forth behind me and to the barely visible trails I'm taking. While holding the bleeding side of my abdomen. I don't know who shot me. It keeps on hurting but I chose to endure. I lifted my face so I could breathe. Stars glanced through the tall tree breaks. The pale crescent moon shone in the dark skies like a silver claw.
"Run...Little cat...Run!” A percussive voice of a middle-aged man echoed in the forest.
I cussed under my breath when I almost fell on the cliff! It's a dead end... I stepped back and anxiously looked at the man who chased after me without mercy!
"Wala ka nang matatakbuhan..." His voice is like a cold, sharp knife that pierced my veins.
It spooked me. My eyes widened when he smirked at me. He then lifted his arm that holds a metal caliber and pointed it in my direction.
My heart stopped beating. My tears fell profusely while shaking my head leisurely. "N-No... Please..."
Without inhibition, he pulled the trigger.
"Laire!"
Mabilis akong napabangon sa aking higaan. Naupo siya sa gilid niyon.Nanginginig ang mga kamay ko. Kinapa ko ang aking mukha. Basang-basa iyon ng pawis at luha. Mabilis ang aking paghinga. Waring inipit din ang aking dibdib.
"Hey..."
Natutulala akong tiningnan si Geon na haplusin ang mukha ko upang punasan ng luha at pawis. Iginilid ko ang aking mukha upang hindi niya ako tuluyang mahawakan. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi bago itinungo ang ulo sa magkadikit ko ng tuhod.
"Bad dreams?" He asked worriedly. "Memory?"
I remained silent. Natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit ako nananaginip ng ganoon kasama. Hindi ko alam kung bakit kasama ko si Geon ngayon. I don't know anything! I'm puzzled with what's going on around me. I don't know...kung may kinalaman ba ang panaginip ko sa ala-ala ko noon.
Bakit may baril? Bakit ako tumatakbo? Bakit...nila...ako hinahabol?
Dinig ko ang malalim na pag buntong hininga ni Geon. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng lumang katre upang ilayo ang sarili sa akin. Bahagya ko siyang tiningnan. I saw shades of pain in his rebellious eyes. Nag-iwas ako muli ng tingin.
Tumama ang mata ko sa nakabukas na bintana. Noon ko napansin ang pagsikat ng araw sa silangang bahagi ng bundok. Tumingin muli ako kay Geon na nakabihis ng simpleng puting t-shirt at pantalon. Naka tsinelas lang din siya.
"Gusto mo bang sumama sa akin sa bayan?" malamig ang pagkakatanong niya.
Umiling ako, natutulala pa rin. "Dito na l-lang... ako."
Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ay nagkaroon na naman ako ng masamang panaginip. Noong mga nakaraang buwan ay maayos ang tulog at gising ko. Ngayon na lang ito naulit.
Geon heaved a deep sigh again. "May gusto ka bang ipabili? Kahit ano."
Pinupunasan ko ang natirang luha sa pisngi ko habang umiiling. Kailangan namin magtipid. Sapat lang ang kinikita niya sa pagtatanim ng palay sa mga karatig na lupain. Ako naman ay paghahabi ng magagandang damit pambata at ipinagbibili sa mga taga rito. Isa pa, lahat ng kailangan ko'y kumpleto pa.
He provided everything I need. Even the medicine and hospitalization everytime my head aches so bad or I lost my consciousness. He paid for it. Kahit piso, wala siyang hiningi sa akin. Ni hindi ako nakarinig ng reklamo o panunumbat mula sa kanya dahil sa gastos niya para sa akin.
"Hindi...Okay lang." Hindi niya pa rin tinatanggal ang mga mata sa akin. "Pasensya na...Hindi ko naalala na aalis ka ng maaga ngayon. Hindi man lang kita na lutuan ng agahan." sabi ko rito, pinipilit alisin sa isipan ang napanaginipan.
Noong nagising ako, isang araw s a hospital, siya ang una kong nakita. When I asked him, what happened to me and who he was. He told me that I got into an accident. He found me on the foothills in Ilocos, unconscious. He introduced himself as my fiancé.
"Don't bother. I cooked." aniya, nag-iwas ng tingin. "Kumain ka...Aalis na ako."
Pinanood ko siyang maglakad palapit sa pinto. Hawak na niya ang seradura ng kahoy na pinto. Nang titigan niya muli ako ng malamig.
Why do I feel nothing? Towards him. Kung fiancé ko siya, ibig sabihin may proposal na naganap noon at tinanggap ko dahil mahal ko siya. Or was it just a fixed marriage? Either way, hindi ko siya tinataboy. Pinakikisamahan ko na lang. I've lost my memory. So...I doubt it. I didn't show him that I don't believe in him. I just...can't.
"Matatagalan ka ba sa pagbalik?" tanong ko.
A hint of surprise flashed in his eyes. That did not last. He sighed. Para bang may gusto siyang sabihin o gawin pa bago tuluyang umalis. Hindi niya lang magawa. Tila may pumipigil.
Sometimes, I act like a real wife-to-be. Just to put his mind in inner peace. I always wake up early in the morning then cook breakfast. Inaasikaso ko rin ang mga dadalhin niya sa bukid. Sa pag-uwi niya sa hapon, may luto ng hapunan at laba na rin ang mga susuotin niya para sa mga susunod na araw. Sinabi niya sa akin na hindi ko kailangan pagurin ang sarili ko sa mga gawaing bahay. Pero nagpupumilit pa rin ako.
"Hindi ako magtatagal, Laire." sagot niya.
Kapag nagpapaalam naman siyang pupunta sa bayan sa San Fernando, bandang hapon o kung minsan ay ginagabi na siya ng uwi rito. Hindi ko naman siya inuusisa kung anong ginawa o sinong kasama niya maghapon doon. Kusa siyang nagpapaliwanag.
Tumango ako ng mababaw. Naglaban ang mga daliri sa kamay ko. Nagkukurutan. Wala na akong idinagdag sa sinabi ko. Kaya tuluyan na niya isinarado ang pinto ng kwarto. Narinig ko ang mga yabag niyang humahakbang na pababa.
"Kina Marina ang taniman ngayon, Solaire. Hindi ko nakita ang asawa mo roon ngayon, ah?" si Darlene, kapit-bahay namin.
Hilaw akong ngumiti. I feel uncomfortable every time I hear them na asawa ko si Geon. Fiancé ko lang siya, sabi niya. Kahit ang salitang iyon ay hindi matanggap ng pakiramdam ko. Ayoko pilitin ang sarili kong makaalala. Baka raw mas lalong hindi bumalik kapag pinilit.
"Nasa bayan siya ngayon, Darlene." Hindi ko alam kung anong ginagawa roon. Iniisip ko na trabaho rin.
Sa isip ko na lang dinutong. Ipinagpatuloy ko ang pananahi ng mga pambatang damit. Ang iba kasi nito, kapag hindi nabenta sa mga taga rito baryo, dadalhin ni Darlene sa bayan upang ipagbili. Siyempre, ang hatian noon at 60-40 percent. Ako ang nanahi, at puhunan ko ang ginamit sa input, e.
Naupo sa kahoy na silya si Darlene sa hindi kalayuang gilid ko. Nasa sewing machine ang mga mata ko. Sa gilid ng mata ko lang si Darlene pinapanood. Medyo kakaiba ang pagtitig niya. Hindi ko pinansin, medyo nasanay na ako.
"Sa tikas at gwapo ni Geon, panigurado ng maraming babae ang aaligid doon, Solaire. Dapat sumasama ka kapag nagpupunta siya sa bayan!" pangaral niya. "Aba, sa panahon ngayon daig ng malandi ang maganda, ah!"
Hindi ko lang basta kapit-bahay si Darlene. Kaibigan ko rin dito sa baryo. Sa lahat ng babae rito, sa kanya lang naging palagay ang loob ko. Siya lang rin ang hindi nagpakita ng inis sa akin. At interes kay Geon. Taliwas sa mga ugaling mayroon ang mga babae rito sa baryo. Laging naiinis sa akin kapag nakikita ako. Hindi ko naman inaano. Baka dahil kay Geon.
I sighed. "Anong gusto mo gawin ko? Magselos?" Parang hindi ko Gawain iyon.
Ewan ko. Hindi ko nararamdaman ang mga bagay na tulad ng selos. Kung may mga babae man na nagkaka interes sa kaniya, okay lang sa akin. Depende naman iyon kay Geon kung papatulan niya. Kapag nalaman ko na nagka interes na rin siya sa iba, okay lang ulit. Hindi ko naman kontrolado damdamin niya.
Nagtutupi na ako ng mga natahi ko ng damit. Nang lapitan ako ni Darlene at pamewangan. Nagtataka ko siyang pinag angatan ng tingin.
"Hay, na'ko! Malamang, nagseselos ka! Asawa mo na 'yon, e! Mahal mo 'yon tapos walang selos na nararamdaman? Sus!" she chastised me. "Ang mga gaya si Geon hindi dapat pinadadapuan sa putakti, Laire. Kahit sabihin mong may tiwala ka sa tao kung ang mga nakapalibot sa kaniya ay demonyo, wala silbi 'yan!"
Mahal...Kailan ko ba huling naramdaman 'yon? Bumaba ang mga mata ko sa silk na tela, humaplos doon. Ang malandas nitong tekstura ay nagbigay sa akin ng dahilan para mahulog sa isipin. Did I love Geon even before the accident?
"Sabagay...mukhang hindi si Geon ang tipo ng lalaking kayang mangaliwa." matunog siyang ngumisi. "Kung tumingin ba naman sa'yo ay para bang hawak niya ang mundo!" tawa niya.
Hindi ko pa naririnig si Geon na sambitin ang mga salitang iyon. Hinihiling ko na sana'y huwag niyang sambitin na ganito ang kalagayan ko. Wala akong maalala. Wala akong nararamdaman para sa kaniya...ngayon.
"Ito na ang kalahati." Ibinigay ko kay Darlene ang isang plastic ng kalahati ng damit pambata na maaaring ipagbili sa bayan.
May natapos ako kagabi at ngayon kaya siguro naman ay sapat na iyon para sa araw na ito. Isa pa, wala pa akong bagong tela na ginagamit para makapagtahi ng bago. Kapag nabawi na lang ang puhunan, bibili na lang ulit kami sa bayan.
Ngumiti ako at ipinakita ang isa pang supot na ipagbebenta ko naman sa mga taga rito sa baryo. "Ako na bahala rito."
Ngumiwi si Darlene sa akin. "Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na nagbebenta ka ng mga gaya nito, Solaire."
"Aba, bakit naman hindi?" Kumunot ang aking noo.
Sumabog ang buhok ko sa mukha dahil sa hangin na biglang humampas sa terasa ng aming bahay. I collected and put it on the other side of my shoulder.
Lumapit si Darlene sa akin at pinisil ang braso ko. Agad iyon namula at medyo nag-bounce pa. What's wrong with her?
"Sa kutis at ganda mo ay halatang anak mayaman at laki ka sa syudad! Parang kahit langgam mahihiyang lapitan ka, e." tukso niya sabay pisil na naman sa braso ko. "Kapag katabi ka namin, nagmumukha kaming uling, ah!"
"Hindi ah..." ramdam ko ang pag-iinit ng aking mukha sa sinabi niya.
"Sus! Huwag ka mahiya. Sa buong baryo na ito, ikaw ang artista!" ngiti niya.
Kinamot ko ang noseline ko, umiling iling. Kahit kailan talaga siya. Kapag narinig ito ni Rara, iyong patay na patay kay Geon, ang mga papuri ni Darlene sa akin. Siguradong sasabog na naman iyon sa inis sa akin.
Humalakhak si Darlene sa reaksyon ko. Ngumuso ako at hindi na nagsalita pa. Hindi nagtagal, nagpaalam na siyang tutulak na rin paalis. Nagpasalamat ako sa kaniya at kumaway.
Naglinis muna ako ng bahay at naligo. Alas dos na ng hapon ako lumabas. Bitbit ang hindi kalaki ang plastic ng damit, tinalunton ko ang mga bahay na madalas kong pagbentahan. Suki ko na kasi sila. Isa pa, maraming bata sa lugar nila at medyo malayo ang bayan para puntahan nila. Sa akin na sila bumibili sa halip na sa bayan.
"120 pesos na lang, Ate Celia. Tinawaran ko na dahil suki kita!" ngiti ko sa kaniya.
"Naku, Solaire! Okay na ako sa 200! Sa gaganda ng gawa mo, hindi maaaring 120 lang, ano! Ikaw talaga..." tawa niya.
Kinamot ko ang buhok ko sa sinabi niya. Ngumiti ako at tumango na lang. Iyong mga kapit-bahay niya, dinumog na ako. Kasama ang mga anak nila. Halos masira ang plastic sa pagsasalitan ng mga ito sa paghahalwat doon ng mga damit na bibilhin.
Medyo inilayo ko ang aking sarili upang humawan ang espasyo. Ang ibang mamimili ay tuwang-tuwa sa disensyo ng mga damit. Karamihan sa kanila, ang presyong binayaran tig-250. The price varies depending on the sizes and the designs. I worked hard for it.
Pero kapag alam kong wala silang extra money pero gusto nila ang produkto, tinatawaran ko na lang.
Habang pinapanood ko silang masayang nagpapalitan ng komento sa damit na pinipili nila, hindi ko maiwasang mapaisip. Paano ba ako natuto magtahi ng mga damit? Bakit marunong ako nito? Ito ba ang ginagawa ko noon?
Hinilot ko ang aking sentido nang maramdaman ang kuryenteng mabilis na dumaan doon. Pumikit ako't ininda ang sakit.
"Laire..."
Mula sa aking likod ay hinablot ng kung sino ang aking braso paharap sa kaniya. Nanlamig ako nang makita ang madilim na mukha ni Geon. His jaw tensed as he glanced at the busy neighbors. When he returned his eyes at me, agad kong naramdaman ang diskomportableng pakiramdam.
"What do you think you're doing? Hm?" katamtaman lang ang boses niya, ako lang ang nakarinig. "Paano kung bigla ka inatake ng pananakit ng ulo?"
"I'm selling..." Hindi ko alam kung nasabi ko ba iyon ng maayos dahil windang pa rin ako sa biglaan niyang pagsulpot.
"I told you not to do it anymore." mariing aniya. "Laire..." he's now holding the bridge of his nose.
Binalingan ko ang mga namimili, sinisiguro na hindi nila kami makikitang nagtatalo na. Abala pa rin sila. Ibinalik ko na ulit ang mga mata kay Geon. Nakipagtitigan ako sa madilim niyang mga mata.
Bumuntong hininga siya matapos ibaba sa mesa ang mga supot ng pagkain, kagamitan sa bahay, at damit.
"But I want to do it for income. It's not right that I only stay in our house, doing nothing. Even without helping you sa lahat ng gastusin natin dito..." sagot ko habang kinukurot ang daliri.
Naubos ang mga damit sa isang benta ko lang. Pagkatapos akong mabayaran ng mga mamimili ay nagpaalam na kami sa kanila. Tinangay na ako ni Geon pauwi.
"Laire, you don't need to worry about the expenses. I can provide..." huminahon ang boses niya. "You should just...rest."
Nasa kusina kami. Ako ay nasa pintuan habang siya kanina ay nasa tapat ng mesa. Ngayon ay humahakbang na siya pabalik sa akin. Tumingala ako sa kaniya. Nagkatitigan kami.
His height is desirable. He has this deep masculine voice. Oras na rumehistro sa isipan mo, daig mo pa ang na hipnotismo. And those pair of rebellious eyes are like acid in my soul. Soul-liquifying. Whenever his jaw tensed firmly while staring at me, my breathing hitches! Pakiramdam ko kapag tinititigan niya ako ng ganoon, nasa pagitan ako ng pagsasabi ng totoo at kasinungalingan. My eyes dropped on his broad and toughened shoulder. I can't stand to meet his eyes this long.
Hindi ako nakapaghabi ng mga salita. Nanatili ang aking mga mata sa kanyang balikat dahil hanggang doon lang naman ang taas ng mata ko.
He sighed. "Is that what you want?"
I nodded. Ang totoo, ayoko maramdaman na nagiging pabigat lang ako sa kanya. He works under the extreme heat of the sun. He will use his little earnings from planting rice grain to provide everything I need. Plus, my meditation and check-ups. Just thinking about his hardships to earn everyday conscience me.
Siguro naman ay may pamilya pa ako, hindi ba? If that's right, then I think it's better na nasa puder nila ako ngayon. Dapat sila ang kasama ko at hindi si Geon. Gusto kong bumalik na lang doon para hindi ako nagiging pabigat sa kanya.
"Fine—"
"May pamilya pa ba akong uuwian?" Nagkasabay kami ni Geon sa pagsasalita.
Vertical lines on his forehead suddenly drawn after a hint of surprise on his face. Hindi nito inaasahan na itatanong ko 'yon . At hindi ko rin inaasahan na lalabas sa aking bibig iyon. Kung bakit ko lang napagtanto ang tungkuling ginagampanan niya sa buhay ko ngayon.
Tiningnan ko itong muli. Bumuntong hininga ako. Tutal nabanggit ko na ang tungkol doon, itinuloy ko na. "Bakit hindi mo na lang kaya ako...ibalik sa kanila? Para hindi mo na rin kailangan na magpaka hirap para lang maibigay ang lahat ng kailangan ko?"
Anong malay ko kung may mga tao pang umaasa sa kaniya at hihintay siya sa kanila? Pero dahil sa akin...
Tila isang makapangyarihang hari ng isang palasyo, mariing tingin ang iginawad niya sa tila lapastangan alipin gaya ko na naglakas loob na pasukin ang teritoryo niya. The way he looks at me now shouts bloodbath. Para akong isang palayok na biglang hinampas gamit ang napaka tigas na bagay. Nagkadurog-durog at nawalan ng pakinabang.
I swallowed. I don't understand the feeling. Sa simpleng tingin, it is as if he's holding the full authority of something and then using his power, he rules. He controls. He dominates.
"You can't go home, Laire." The firmness in his voice made him more like a ruler.
Nilabanan ko ang pinaghalong kaba at takot na nararamdaman. I don't fathom the mere logic here from within. Para bang may nagtatalong dalawang tao sa pagitan ng tama at mali. Noon at ngayon. Bakit at ano. Nakakasira ng katinuan.
"And why can't I?" malamig kong tanong. "Tell me...may uuwian pa ba ako o wala na? May pamilya pa ba ako?" nasa pagitan ako ng alinlangan at takot nang itanong iyon. "Do they even know that I'm still alive?"
Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Geon matapos kong itanong iyon. Sa halip na sagutin niya ako, tinalikuran niya ako at walang sabi na naglakad patungo sa aming silid. Sa puntong iyon, alam kong may hindi siya sinasabi sa akin. Na may mali!
Uminit ang dalawang sulok ng aking mga mata. Maging ang tungki ng aking ilong. Ipinagsa walang bahala ko iyon. Hinabol ko si Geon na pumasok sa aming silid. Sa tangka nitong paglapit sa terasa, humarang ako. Nagtagpo muli ang aming mga mata. I saw the veins in his temple as he suppressed his wrath. Bakit?
"Bakit hindi mo 'ko sagutin, Geon?" pigil ang inis kong tanong. "I want to know..."
"It's better not to tell you, Laire. You will not understand this state. You can't--"
"Maiintindihan ko!" Damn it! Hindi ko alam saan galing ang aking tapang ngayon. But I feel like it's fine. Pakiramdam ko ay sanay na sanay ako sa ugali ng ganito.
"You can't even remember your fiancé. So, how can you understand the most complex part of your life?" mariing anita.
That shut me up. Lumandas ang aking luha sa pisngi. He's now staring at me coldly. Like I used to be his favorite hobby but now, he's sick of it. Cold expression. Yet painful eyes.
Gusto kong malaman kung anong complex na sinasabi niya about sa buhay na mayroon ako noon. Bakit niya iniisip ang ganoon? I badly wanted to remember even a scratch about my past but how? By means of waiting, isn't it? Hanggang kailan!
"Yes, they're alive. Yes, they're looking after you. Until now, Laire." He then looked away, gritting his teeth. "But I don't think I can let them see you."
"Bakit mo ako itinatago rito sa puder mo, Geon? Why can't you just let me go back to my family!" I beat his cast-iron chest! "Why do you want me to hide here with you, huh?" I didn't prevent myself from raising my voice.
Kung sana lamang nasa akin ang lahat ng ala-ala ko. Damn, amnesia!
Nasaksihan ko ang pagsilip ng solidong sakit sa kanyang mga mapanganib na mga mata nang nagtaas ako ng boses. Ngayon, parang gusto bawiin ang sinabi ko sa kaniya. Pakiramdam ko'y napigtas ang aking mga ugat sa dibdib at pumulupot roon upang pahirapan akong huminga. Napakurap-kurap ako.
"Laire, hindi kita tinatago." Sagot niya na lalong nagpalandas sa luha ko. "Pinoprotektahan kita. Even if it means selfishness. " Aniya bago ako lampasan.
Naiwan sa hangin ang kaniyang pang lalaking amoy. Natutulala pa rin ako sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nakokonsensya ako sa aking inaasal ngunit naiinis din sa hindi maipaliwanag na rason!
Protektahan? Sa buong oras ay iyon ang tumatakbo sa aking isipan. Madilim na sa labas ng sumilip ako sa bintana nitong silid. Si Geon ay nasa kusina yata. Simula pa kanina ay hindi pa ulit kami nagpapalitan ng mga salita. Kanina pa rin umiikot sa ulo ko kung dapat ba akong mag-sorry sa sagutan namin o hindi.
Ngayon, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Nabigla lang naman ako, e. Gusto ko lang naman malaman... At ngayong alam ko na may uuwian pa ako, mas hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. O isipin. Dapat ko ba siyang pagkatiwalaan? I don't know.
Iyong mga nasasaktang mata ni Geon... Nababagabag ako. May nangyari ba noon na hindi naming pareho ginusto? O...may malaki akong naging kasalanan sa kaniya? Kilala ko mba talaga siya noon? O ang lahat ng ito ay palabas lamang? Paano kung isa siya sa mga nagkakagusto sa akin at kinuha ang oportunidad na ito para magustuhan ko rin siya?
Hinawakan ko ang aking ulo nang bigla iyon sumakit! Sa sobrang sakit, mula sa pagkaka upo ko sa gilid ng kama ay dumauosos ako pababa sa malamig na sahig. Hawak ko ang aking sentido, mariin akong pumikit upang subukan indahin ang sakit! Pakiramdam ko ay namamaga ang utak ko.
A raw moan escaped my lips as I try to deal with the excruciating pain. I was waiting for an immediate recurrences but nothing appeared. It's just a worst pain! That's when I heard the door creak open. Hindi ko na nakuha pang alamin kung sino ang pumasok . Agad kong nakilala dahil sa kaniyang pabango.
"Laire, let's eat--- shit!" Nilapitan ako ni Geon at dinungaw ang aking mukha. " You okay? What's wrong?" banayad na pagkakatanong niya.
Hindi ako makapagsalita. Ang mas mahalaga sa akin ay huminto sa pananakit ang aking ulo.
"Is there any recurrences?" nilapit niya ang mukha sa akin at kalamado iyon tinanong.
Mamasa-masa ang aking mga mata nang tumingin sa kaniya bago umiling. Wala akong ibang mabaanag sa kaniyang mga mata kundi ang pag-aalala para sa kalagayan ko. Hinaplos nito ang aking namamawis na noo bago marahang alalayan patayo. Iniupo niya ako muli sa gilid ng kama.
"Mahiga ka na muna," aniya.
Tumango ako bago ihilata ang aking katawan sa katre. Kinumutan niya ako. Naupo siya sa gilid ko at matamang tumitig. Hawak ko pa rin ang aking ulo at ngayo'y pumipikit na. I was trying to surmount it but...it kills. Parang binibiyak ang aking ulo. Tears escaped from the corners of my eyes.
"Nothing appeared?" he inquired, worried.
I nodded. I gasped for air. Napamulat ako ng mata nang maramdaman ang malaki at mainit na palad ni Geon sa aking noo. Nagkatinginan kami. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa mga mata niya. Nadagdagan pa. Parang may mainit na bagay ang biglaang ipinatong sa aking puso...
Maya-maya ay tumayo siya. Sinundan ko siya ng tingin sa pag-alis. "Don't move. I'll get your food. Kumain ka muna bago uminom ng pain reliever."
Hindi naman nagtagal sa pagbalik si Geon sa silid. Ipinatong niya sa katre ang tray ng pagkain, tubig, at gamot. Inalalayan niya ako sa pagbangon hanggang sa nakaupo ng maayos. Nasa kaniya ang mga mata ko habang inilalapit niya ang pagkain sa akin.
"Kumain ka na..."
Tumunog bigla ang mumurahing cell phone ni Geon. Tumitig muna sa akin bago tumalikod at nagtungo sa terasa ng silid. Doon niya sinagot ang tawag. Naroon pa rin ang sakit sa aking ulo. Subalit kinakaya ko na damhin.
Patapos na ako kumain nang balikan ako sa katre ni Geon. Halos wala pa sa kalahati ang nabawas ko. I can't feed myself by forced lalo na't wala ako sa kondisyon kumain. Kailangan lang talaga dahil kailangan ko uminom ng gamot.
"Anong nararamdaman mo?" He asked like a professional doctor.
"Medyo umayos na." tugon bago nag-iwas ng tingin.
Ilang buwan ko na siya kasama pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong kaalam-alam tungkol sa kaniya. My fiance is not enough reason to introduced himself to me. He will remain a conundrum for me.
Tumango siya ng mababaw, sabay buntong hininga. Nang ibalik ko ang mata ko rito, nakatitig na siya. Tila may gustong sabihin. Ako man ay nag-aalangan na kausapin siya.
"I'm sorry...sa kanina." Ako.
"Laire, I'm sorry." Siya.
Walang mga salitang namumutawi sa pagitan namin matapos ng sabay naming pag paumanhin. Magkatitigan lang kami. Hindi ko siya lubusang kilala. Ngunit taliwas sa iniisip ko kanina na baka palabas lang ito dahil gusto niya ako makasama. Dahil ang pakiramdam ko ngayon ay pawang...kapayapaan.
Epektibo ang ipinainom sa aking pain reliever ni Geon. Kinabukasan, maaga akong gumising upang maghanda ng agahan. Ang totoo, hindi talaga ako marunong magluto. Natuto lang din ng kusa rito. Sinabi ni Geon na hindi ko na rin daw kailangan aralin ang pagluluto dahil kaya na raw niya iyon. Ayaw niya akong gumagawa ng gawaing bahay o nagpapaka pagod. Ako lang itong mapilit.
Wala si Geon trabaho ngayon. Sabado. Tuwing Sabado ay pumupunta kami sa bayan upang mamasyal at ang mga pahapon na kung makauwi. Sumagi sa isip ko ang bintang ko kagabi sa kaniya na itinatago niya ako kaya ayaw niya akong ibalik sa pamilya ko. Kung itinatago niya ako, bakit ako nakakalabas? Bakit niya ako dinadala sa bayan kung saan mas maraming tao, hindi ba? Bobita, Solaire.
"I bought you new clothes. You can wear it later."
Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng agahan nang magsalita siya. Buong pagkain ko, hindi ko siya kinakausap. Yes, I am ashamed of what I've done yesterday.
Uminom ako ng tubig. Halos lindulin pa ang baso dahil sa pangangatal ng aking kamay. Shit, Laire. Para kang tanga!
"Kung gusto mong magbenta ng damit sa mga taga rito, sasamahan kita. Maging sa pagbili ng mga tela sa bayan..."
Umangat ang aking mata kay Geon dahil sa sinabi niya. Magkahalong mangha at kalituhan. "How about your work?"
Isinadlak niya ang malapad niyang likod sa upuan. Halos hindi siya magkasya roon dahil ang laki niyang tao. He tilted his head a bit as he put his bronze sturdy arms over his chest. His eyes bore into me. Tuloy ay gusto pagsisihan na tumingin pa ako pabalik. Bumagsak ang mga mata ko sa biceps niya.
"Don't mind it. May ipon pa ako para sa ating dalawa."
Miski ako ay hindi gusto paniwalaan na isa siyang magsasaka, gaya ng palaging bukambibig ng mga tao rito sa baryo. Ngayon, gusto niya pa maging tindero ng damit na tatahiin ko?
Hindi ako mapalagay sa upuan ko ngayon. Nakakapaso ang titig niya. At seryoso yata siya sa sinabi. Ngumuso ako...Paano kung lalapit lang sa amin ang mamimili para lang kausapin at makita siya sa malapitan? Bebenta naman kami, oo. Pero...
"Mas mahalaga ka sa lahat, Laire." Seryosong aniya.
Kinain ko na naman ang aking dila. Hindi ko alam ang dapat kong itugon kung kaya't mas mabuting manahimik. Sing nipis na ng hangin ang aking hininga. Is he this caring when it comes to me before?
"Laire..." namamaos niyang tawag.
I absent-mindedly nodded.
Tumayo na siya. Tapos na siyang kumain. Gayundin naman ako kaya tumayo na rin ako at nagsimulang magligpit ng mga pinagkainan namin. Pero inunahan niya ako.
"Ako na rito." Malamig niyang sinabi at tuluyang inagaw ang mga gawain sa akin.
Hindi na ako nakipagtalo pa. Tumango lang ako bago pumihit na papunta sa silid. Bago tuluyang pumasok sa aming silid, narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya na noo'y nakapatong sa mesa. Napapadalas naman yata ang pagtanggap niya ng tawag?
Binalingan ako ni Geon. Tumaas ang kilay niya. Ngumuso ako't pumasok na lang sa silid at naligo.
Pag patak ng hapon. I wore the simple white midi off-shoulder dress Geon bought for me. Pati itim na flip flops. Napangiti ako sa harap ng salamin sa aparador nang mapagtantong bumagay sa mamula-mula kong kutis ang aking suot na damit. Pinatingkad ang mukha ko dahil sa hanggang balikat kong itim at tuwid na buhok.
"You look good."
Muntik na ako takasan ng sariling puso dahil sa biglaang pagsasalita ni Geon na noo'y nasa hamba lang ng pinto. Nakasandal doon ang gilid ng katawan habang nakahalukipkip. He's wearing a white v-neck t -shirt partnered with a black cargo shorts and black leather slippers. Mula sa salamin, tumitig siya sa akin.
Pinawi ko na ang ngiti sa aking labi bago siya tuluyang lapitan. Tumuwid siya sa aking harapan. Dahil sa pagkilos niya, nilamutak ng kaniyang pabango ang aking ilong. Nagkapalitan pa kami ng tingin sa isa't-isa bago pa tuluyang lumabas ng bahay.
"Ay, date?" Si Darlene na kadarating lang pagkasarado ni Geon sa pinto ng bahay.
"Ah, hindi. May---"
"Yes." Agap ni Geon, mariin tumitig sa akin.
Tumawa si Darlene, animo'y kinikilig na alimasag. Nag-iwas ako ng tingin upang itago ang pamumula ng ng aking mukha. Kahit kailan ay pang-asar ka! Wala kang extra pay sa mga damit.
"Bale, ibibigay ko lang kay Solaire ang pinag bentahan sa mga damit kahapon kaya ako nagpunta rito, Geon. Ito," inilahad ni Darlene sa akin ang puting sobre.
Umabante ako upang maayos na makausap si Darlene. Sa bulto ni Geon, halos matakluban na kaming dalawa nito, e.
"Hindi mo ba kailangan ng pera?" tanong ko at ngumiti. "Pwede kitang pautangin."
Natatandaan ko pa na noong isang araw na nagkukwentuhan kami roon sa parang, nabanggit niya na kulang ang pambayad niya sa kuryente at tubig. Kapos din sa pambili ng pagkain. Kaya ang saya niya noong sinabi kong puwede niya ibenta sa bayan ang kalahati ng produktong nilikha ko para may makuha siyang income.
Dama ko ang titig sa akin ni Geon pero hindi ko na lang pinansin.
"Hindi na, Laire. Okay lang..." Alam kong nahihiya lang siya.
Ngumiti ako. "Sige na, tanggapin mo na. Mas kailangan mo iyan kaysa sa akin ngayon."
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit. Natawa ako ng mahina bago i-pat ang kaniyang likod. Hindi naman ako manhid pagdating sa pinagdaanan ng maraming tao. Ala-ala ko lang ang nawala. Hindi ang simpatya sa kapwa.
"Do you want that?"
Nasa parke kami ngayon. Maraming tao. Pinaghalong bata, matanda, at magkasintahan. Maingay dahil sa mga street vendors na nagtatawag ng mamimili. Masaya dahil sa hiyawan ng mga batang naglalaro sa playground. Maaliwalas dahil sa mga magkasintahan na hanggang ngayon, nananatiling matatag sa piniling relasyon. At payapa dahil ito ang tunay na mukha ng buhay kung walang problema.
"Cotton candy?" paninigurado ko sa tanong ni Geon. Doon kasi sa cotton candy vendor ako natulala.
"Hm,"
May biglang dumaan na bisikleta sa likuran ko. Kung hindi hinapit ni Geon ang bewang ko palapit sa kaniya, nahagip na ako. Ngayon ay nakahilig ang gilid ng aking mukha sa malapad at matigas niyang dibdib. Ang mga kamay ko'y nakatikom, hindi alam kung ilalapat sa dibdib niya o hindi. Nakapulupot sa bewang ko ang isa niyang braso. Habang ang isa ay nasa buhok ko...
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi nang marinig ang malakas na kabog ng dibdib ni Geon. I don't know if it is because I'm almost hit by a bike and he's just worried. Or because we're this close?
Nakaramdam ako ng pagkailang sa pwesto namin. May mga tao rin na napapatingin kaya umalpas na ako sa sakop niya. Tumuwid ako ng tayo at bahagyang tumango. Tinalikuran ko siya.
"I want popcorn instead." Sabi ko at nauna na maglakad sa tindero ng popcorn habang kinukurit ang daliri.
Hindi ko na siya binalak pang tingnan muli. Naiilang ako. Hindi ako komportable kapag ganoon kami ka intimate sa isa't-isa. I sighed.
Sa patuloy naming paglalakad at patingin-tingin sa maaaring bilhin pagkain, napukaw ng atensyon ko ang nagtitinda ng mga dog stuff toys. Nakasunod sa akin si Geon kaya hindi ko na siya tiningnan pa. Nilapitan ko na ang mga dog stuff toys.
Bahagya akong yumuko upang damputin ang white dog stuff toys.
"Magkano po ito, Manong?"
"300 'yan, Ma'am, e." aniya na ikinalaki ng mata ko. Napakamot siya sa ulo. "E, mahal po kuha ko riyan, Ma'am."
Ngumuso ako at tumango. Ang liit ng product pero ang mahal ng price. Wait, saan ko ba gagamitin ang stuff toy na ito kung bibilhin ko? Sa 300 na magagastos ko para rito, makakabili na ako ng ilang pares ng damit, e.
Hawak ang stuff toy, nilingon ko si Geon sa aking likod. "Geon—"
Agad akong ginapangan ng kaba sa katawan nang mapagtantong wala si Geon. Iginala ko ang aking mga mata upang suyurin siya ngunit wala talaga. Binitawan ko ang stuff toy at nagsimulang maghanap. Hindi ako nilubayan ng kaba. Mamaya ay madilim na baka bigla siya umuwi kapag hindi kami nagkita ngayon. Baka maiwan niya ako rito! Hindi ko alam ang dinadaanan ng sasakyan pabalik sa amin mula rito.
Kapag nagkataon...sa lansangan ako matutulog. Damn it! Huwag kang bobo, Laire. Of course, pwede kang magtanong!
Mawawalan na ako ng pag-asang makikita ko si Geon. Nang pagdapo ng aking mga mata sa kalsada, sa likod ng vendor ng mga palamig, nakita ko siya na may kausap na isang magandang babae sa tapat ng itim na van. Naka shades ang babae kaya hindi ko maaninag ang mukha. Subalit base sa kasuotan at kutis, halatang galing sa elite family. Sa paraan ng pakikipag- usap kay Geon, mukhang kilalang-kilala nila ang isa't-isa...
Nag-iwas ako ng tingin nang biglang niyakap ng babae si Geon bago tuluyang pumasok sa van. Tumalikod na ako sa gawing iyon. Mabagal ang lakad na bumalik ako sa stuff toy.
Sino 'yon? Akala ko ba ako ang fiancé niya? Bakit may ibang niyakap na...babae? Hindi ko alam kung ilang minute ako nakatulala sa mga stuff toy. Hindi naman ako bibili. Nagbago na isip ko. Dahil ang isip ko ay walang ibang laman kundi ang nakita kanina.
"Laire." Isang tawag mula sa aking likuran ang nagpabalik ng pandama ko.
Hindi ko siya inabalang tingnan. "Uwi na tayo."
Nauuna akong maglakad at naka sunod naman siya. Mabigat ang pakiramdam ko kahit na halos wala naman laman ang aking sarili. I feel empty but at the same time heavy. I sighed when Geon suddenly grabbed my hand. And turned myself to face him.
"Mm, what?"
"Come with me." Seryoso niyang sinabi.
Binawi ko ang aking kamay sa marahang paraan. I even gave him a shallow smile bago umiling. "Parang gusto ko na magpahinga,e. Saan mo ba balak pumunta?"
Tila nakuha naman niya ang gusto ko mangyari kaya tumango siya matapos ang buntong hininga. Tinitigan ko siya. Nahihirapan ka na ba sa akin? Kung nahihirapan naman siya sa akin dahil sa kondisyon ko, bakit ayaw niya na lang kasi ako ibalik sa pamilya ko.
Gayunpaman, parang ayoko isipin ang sagot.
"Alright. Let's go home."
"Sige na. Puntahan na natin ang gusto mo puntahan." Kasabay ng pagpayag niya ang aking tugon sa sinabi niya. Kunot ang noo niyang tumingin sa mukha ko. "Mamaya na tayo...umuwi."
Isinantabi ko muna ang aking nakita kanina. Hindi ko naman alam ang buong istorya kaya sila nag-usap tapos nauwi sa yakapan, hindi ba? What eyes can be seen are proven right. What ears can be heard are right. Hindi na ako teenager na in love na in love sa crush niya. Tipong makita may kasama itong ibang babae ay kung ano-ano ng dumi ang pumapasok sa isipan. At hindi tayo bata para pakinggan ang mga paninira.
"Sigurado ka ba? Laire, we can reschedule this." He's mused.
Isang tango ang aking naging tugon. Hindi ko naman talaga gusto pa umuwi. Baka nabigla lang dahil sa nakita kanina. Isipin, may fiancé siya pero nakipag yakapan sa iba?
"Boss, sa Poro Point," pinara ni Geon ang tricycle na nakapila. Tinanguhan ako ni Geon. "Sa loob ka na sumakay. Dito ako sa likod."
Saglit kumunot ang noo ko sa sinabi niya.Ngunit nang mapagtanto na hindi nga pala siya kasya sa tricycle. Tumango na rin ako at sumakay. Sinilip niya pa ako ng bahagya.
"Are you okay there?" he asked.
Sinilip ko rin siya pabalik at tumango.
"Hold the hem of your dress, Laire." Seryosong paalala niya.
At alam ko na kung bakit gusto niyang gawin ko iyon. Right, baka masilipan ako! Kinagat ko ang aking labi bago sinunod ang sinabi niya.
Madilim na nang makarating kami sa lugar. Namamangha kong iginala ang aking mga mata sa loob ng lobby. It's an inspired Mediterranean architecture painted in blue ad white. Kanina, napansin ko na ang mga whitewashed houses with its exquisite blue dome. Parang nag-travel ako sa Santorini ngayong gabi!
"A-Anong ginagawa natin dito, Geon?" nag-aalala kong tanong.
"Dinner," simpleng aniya sabay lakad palapit sa reception desk!
Hinila ko ang kamay niya upang pigilan. Anong dinner na sinasabi niya? E, baka pang isang linggong budget na namin ang presyo ng pagkain dito!
He chuckled. "Hm..why?"
Para akong binagsakan ng semento sa balikat nang tingnan ang mga pagala-galang guests tapos napapatingin sa gawi namin.
"Geon...mahal yata ang mga pagkain dito...Sa bahay na lang tayo kumain." Mahina lang ang boses ko, nakakahiya, e. "Hindi 'to afford ng...ng..."
Natatawa niyang kinamot ang sentido niya. He then stared at me with amused in his eyes. Hindi ko alam kung mainis baa ko o ano. Seryoso ako rito tapos siya nakukuha pang ngumiti. Umirap ako.
"Don't worry about the budget. I told you...may ipon ako para sa ating dalawa." He suddenly pulled my hand towards the reception desk.
Naguguluhan akong tumingin sa mga receptionist nang makita si Geon. Kung makatingin kasi sila ay para bang isa itong prestihiyosong tao. Sabay ngumiti ng matamis ang mga ito bago saglit na bumaling sa akin.
"Good evening, Sir Geon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top