9
Ignore
What an eyesore.
Ikalawang umaga ko na naabutan si Sir Geon at Lyrea na magkasama rito sa kusina. Maintindihan ko pa na marunong si Sir Geon magluto. Pero 'tong si Lyrea? Huh! E, simpleng pritong itlog ayaw niya lutuin! Tapos ngayon, makikita ko na nag-volunteer mag-fry ng eggs and ham for breakfast? Wow! What a great actress!
"Hmm! This is so delicious, Geon! Tama lang ang seasoning na nilagay mo!" komento niya matapos tikman ang soup.
"Wala pa akong nilalagay," si Geon.
"H-Huh?" pahiyang tanong ni Lyrea.
Pigil ang ngisi ko. Nasa kanila ang tainga ko ngunit ang mata ko ay nasa tinitipang mensahe para kay Carlo.
Mabuti nakauwi na sila kahapon. Si Danica ay hindi pa, may trip pa raw sa Rizal. Samantala, ang aking ina at kaniyang asawa ay wala pa yata balak bumalik dito.
Carlo:
Sunduin kita later at 2pm. Kain tayo sa labas.
Mabuti na rin siguro na sumama ako sa kaibigan. Wala kumakausap sa akin dito sa mansyon simula noong isang gabi. Siyempre, nagkasagutan kami ni Sir Geon at nasaktan ko pa si Lyrea (kahit desere niya naman) kaya wala pumapansin sa akin.
Kumakain ako sa umaga, tanghali, at gabi na kasabay sila. Pero hindi nila ako kinausap. Hindi na lang rin ako nagsalita. Hindi ko naman ikamamatay 'yon, 'no.
Ako:
Sige. I'll wait for you na lang.
Tinago ko ang phone matapos mag-reply. Tumayo ako sa upuan upang kumuha ng gagamitin ko sa pagkain. Naglabas na rin ng tubig at saglit nagpa-init ng tubig para sa gatas na titimplahin ko.
"Laire, leave it to me. I'll do—"
"I ain't disable. I can do this." irap ko sabay talikod sa kaniya.
Nakita ko ang pag-ikot ng mata ni Lyrea sa aking pagbabalik sa upuan. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko hinintay ang mga pagkain niluto ni Sir Geon na ihain sa mesa. Kumuha na ako ng lumamig na pagkain. Nagsimula na ako kumain.
"Here," nilapag ni Sir Geon ang gatas sa tapat ko.
Iyon na ang gagawin ko kung hindi niya ako pinangunahan. Ano pang magagawa ko? Tinimpla na niya, nilapag na sa tapat ko! Hindi ko naman sinabi na pagsilbihan niya ako.
Nagtaas ako ng kilay. Wala siyang narinig mula sa akin. Bumalik ulit ako sa pagkain. Nakita ko siya na naupo sa gilid ko at sa tabi niya ay si Lyrea na halatang nainis sa akin. Masyado akong maganda para pansinin ka pa.
"You should try the soup, Laire," alok ni Sir pero inignora ko. "Tocino and ham are well-cooked, too. That's your favorite according to your maids..."
Malalim ang inis ko. Huwag silang umasa na makakausap nila ako nang maayos ngayon. Kulitin nila ako hanggang sa magsawa sila, wala lang sa akin. Sanay ako na binabalewala.
"God, Laire. When will you grow up even a bit? Simpleng bagay lang nagkaganiyan ka na? Your tutor is talking to you, but you act like you lost your ears. How pathetic ..." Lyrea mocked.
Hindi ko rin siya pinansin. Kung nagkataon, sabong na naman. Tapos ano? Siya papaboran kasi mas matanda siya? Siya palagi tama? Ugh! Mukha siyang kaning lamig, walang kwenta!
Tumunog ang cellphone ni Lyrea. Dahilan upang malihis ang kaniyang atensyon. Iritado siyang tumayo sa kaniyang upuan bago lumayo upang sagutin ang tawag ng kung sino. Naiwan kami sa hapag ni Sir. Ramdam ko ang kaniyang paninitig. Binalewala ko para matapos na ako kumain. Gusto ko na umakyat sa silid ko at magkulong. Ayoko makausap ni isa sa kanila.
"Do you want to go somewhere else later?" mahinahon niyang tanong noong paubos na ang pagkain ko.
Uminom ako sa gatas. Umiling pagkatapos. "May lakad kami ni Carlo. Sa kaniya ako sasama."
"I see..." he sighed then took his eyes off me. He's looking at his food now. "How about tomorrow?"
I winced. So, anong point ng tanong niya ngayon? Bakit parang nagka-amnesia siya? Hindi ba niya gusto ang binabalewala? Pwes! Mas lalo na ako. Gawin mo sa akin ang ugali mo, ibabalik ko sa'yo.
Bago pa man siya makapag simula ng kumain, tumayo na ako hawak ang pinagkainan. Dinala ko iyon sa lababo at hinugasan na para wala sila masabi.
Ang pag-alis ko sa dining area ay ang pagbabalik ni Lyrea rito. Nagkatinginan kami. Tinaasan ko ito ng kilay bago nilampasan.
"Stop right there," pigil sa akin ni Lyrea noong hahakbang na sa hagdan.
Hindi ko siya nilingon. Kung gawin ko iyon, baka umiikot lang ang mata ko. Hindi ko gusto ugali niya, e. Alam mo 'yon? Kahit ang pinakamaliit kong galaw, hahanapan niya ng butas para ipahiya o asarin ako sa harap ng ibang tao. She's really good at manipulating her errands para i-please ang ibang tao na mabuti siyang tao—na inosente siya sa lahat ng bagay!
"Kung malaman 'to ni Tita, I'm sure she'll get mad at you again, Solaire. Bakit ba ganiyan ang ugali mo? Hindi ko 'to sinasabi ngayon dahil sa personal na dahilan, okay? I'm standing here as your older sister! And to tell you honestly? You are so disappointing to the extent, Solaire! Hindi ganiyan ang ugali ng mga Gomez..."
See? She makes her own description just so my tutor could solidify his impression to her. Galing! Napakahusay mo, Lyrea. Ako na naman masama sa mata ng ibang tao.
Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Sir Geon na naroon sa malayong likod ni Lyrea. Nakahalukipkip at madilim ang tingin sa akin.
I forced a chuckle. "Ako na naman nakita mo. Ang ganda ganda ko siguro sa mata mo. You know what? I don't know what do with you anymore," iling ko. "Gawin mo kaya akong title ng thesis tapos i-defend ang mga pinaglalaban mo sa tao hanggang makumbinsi mo sila, 'no? Try mo baka ang ibang tao may pake sa galit mo. Ako kasi, wala."
Sinulyapan ko si Sir Geon. Nakita ko siya nakatingin sa gilid niya habang may ngisi sa labi. Umirap ako bago iniwan sila roon.
"Bastos!" sigaw ni Lyrea.
Sure! Basta sa'yo, tanga.
Sinundo ako ni Carlo noong hapon. Bago umalis, hinanap ng aking mata sina Lyrea at Sir Geon. Pero hindi ko sila nakita. Nang tinanong ko ang katulong, sinamahan daw si Lyrea sa kung saan. Dahilan kaya hindi maipinta ang aking mukha!
Hindi ako nagseselos o ano pa man. Pero, God! Nasaan ang delicadeza niyo? Ang utos ni mommy, ako ang dapat bantayan. Nalingat lang ako nasa iba na ang atensyon? Wow! Mga lalaki talaga...
"You're murdering your food, Laire," Carlo chuckled. "Tell me what's up."
Iritado kong binagsak ang tinidor. Nagpunas ako ng labi. Humalukipkip ako bago isadlak ang likod sa inupuan. Noon ko lang napansin na kanina pa ako tulala.
"I want to resume our class immediately, Carlo. Ayoko makasama ang mga ... taong iyon." irap ko sa hangin.
"Who? Lyrea and your ... tutor? Baka naman selos 'yan? Kung ilarawan mo ang tutor mo parang—"
I glared at him which made him stop mid sentence. "Parang ano?"
He smirks. "Parang type mo. Ngayon lang kita nakita na ganiyan."
Hindi ko maintindihan ngayon. He likes me, right? Bakit parang nawala iyon nang nagkwento ako tungkol sa inis sa tutor at pinsan ko? Bilis niya mag-cope up, infairness.
Tumawa siya. "Alam mo, Laire, kaibigan mo ako matagal na. Kaya wala kang maililihim sa akin. At iyang ganiyang tono? 'Yang inis mo? At iyang hilatsa mismo ng mukha mo ay kabisado ko. Nagustuhan ko pa nga, hindi ba?"
I scoffed. I cannot accept all his accusations. Duh! Bakit naman ako magkakagusto sa gurang? May age requirement ako at hindi pasok sa taste ko ang gaya ng tutor ko—hindi ko maimagine na maging kami!
"Gross, Carlo, gross. Tanda na ni Sir Geon for someone I would like. Kilabutan ka nga." ngiwi ko.
Nagkatitigan kami. Tinaasan ko siya ng kilay bago bumalik sa pagkain. Ngumisi siya, tila ba hindi siya naniniwala sa sinabi ko! Parang gusto niya pumusta na kakainin ko rin ang mga sinabi ko.
Sir Geon is too old for someone like me. Hindi ako magkakagusto sa kaniya. Napakalaki ng agwat namin! Nag-iisip ba ang mga taong 'to? Hindi ko rin siya type, excuse me. Kahit anong gwapo niya sa paningin ng ibang tao, pagdating sa akin balewala siya.
"Pinsan mo ba iyon?" tukoy ni Carlo habang nakatingin sa likod ko. "Woah ... she's with your tutor? Date, perhaps?"
Kumunot ang noo ko! Wala sa sariling nilingon ko ang direksyon ng tinitingnan niya. Sa dulong mesa, natanaw ko sina Lyrea at Sir Geon. Pinaghila ng silya si Lyrea bago siya umupo a tapat nito.
Nag-usap sila. Parang aso si Lyrea na nasa dashboard ng sasakyan kung tumango sa kung ano mang sinasabi ni Sir Geon. Todo ngiti pa siya, akala mo pera ang kausap niya! Maya-maya, nilapitan sila ng waiter para sa order nila.
Ang daming restaurants nearby tapos dito pa nila naisipan kumain? Sakit niyo sa mata. Umirap ako at ibinalik na ang atensyon kay Carlo.
Natagpuan ko ang mapanuring tingin sa akin ni Carlo. Hindi pa rin nabubura ang ngisi sa namumula niyang labi. Lumalim ang iritasyon ko.
Paano sila nakarating dito gayong mas nauna kami umalis? Ano, puno ibang restaurants kaya dito sila nag baka sakali? Sana kumain na lang sila fast food chain!
"Kung ikaw girlfriend ko at nakita ko ang reaksyon mo? Baka ngumiti ako." pang-asar na sinabi ni Carlo sa akin.
Panginoon, bigyan Mo po ako ng bagong kaibigan. Sunduin Mo na po siya. Ayoko po magkasala.
Kinuha ko ang tinidor at pabirong dinuro sa kaniya. "Stop right now or I'll cut your tongue using this?"
"Ganda mo magselos, babe," nilakasan niya ang pagkakasabi ng huling salita.
Nilingon kami ng ibang customers. May napangiti, nagbulungan, at may tumili pa. Out of curiosity, nilingon ko ang direksyon nina Sir Geon (para malaman kung nakatingin sila sa amin) pero parang normal lang sila. Patuloy pa rin siya sa pakikipag-usap kay Lyrea. Mukhang hindi nila alam na narito rin kami ...
Yabang talaga.
"I want to go somewhere else," humina ang boses ko.
Nawala ang gana ko upang ubusin ang pagkain. Si Carlo, marahil nakaramdam, hindi na ako inasar pang muli. Hinintay ko siya ubusin ang pagkain niya. Pati ang tira kong pagkain siya na ang umubos dahil sayang daw. Hindi na ako nakipagtalo.
"I want to use the bathroom first before we go. Wait me here." paalam ko kay Carlo kasagsagan niya ng pakikipag-usap sa waiter para ibigay ang bill at tip.
Hindi ko na siya hinintay sumagot. Sinukbit ko ang small bag ko at dumiretso na sa bathroom. Ginawa ko iyon na hindi tumitingin sa mesa ni Sir Geon.
Siguro, gumala muna sila ni Lyrea ng mga nakalipas na oras bago napadpad dito. Kunwari pang walang gusto sa pinsan ko. E, ano 'yan? Tama ang hinala ko na ... napilitan lang siyang samahan ako sa Vigan noon.
If I have a heart failure, I could have attacked by the time I step out of the bathroom and see the man I was trying to avoid! Because right now, I am facing Sir Geon. I held my chest to breathe.
Nanatili akong nakatingala sa kaniya. Tinakasan ako ngayon ng tapang upang magsalita. Ano ba ang dapat ko sabihin sa kaniya? Bakit ko pa siya kakausapin, hindi ba?
"Your mom called me. I was asked to bring you back home before dark, Laire," he said coldly then glanced at his wristwatch. "It's quarter to six."
Sino ang hindi sasama ang loob kung daig pa niya yelo kung makipag-usap sa'yo? Pero pagdating sa iba, akala mo kung sinong great ruler ng England ang kausap. Na saan diyan ang concern, sabihin na nating gano'n?
"Ihahatid ako ni Carlo. May ... pupuntahan lang kami after here." pineke ko ang ngiti sa kaniya.
I could have passed him, leaving him alone only if he did not stop me by holding my elbow. I glanced at his hand when it grips tighter. Then, lifted my eyes at him again.
"You will go home with me." aniya, parang sigurado na papayag ako.
I scoffed. I withdraw myself from his grip. Ngayon lang ako naguluhan ng ganito sa kilos ng isang tao. Mabilis ako pumick up. Pero pagdating sa kaniya, nawawala ako. Natatanga ako. O baka naman iyon talaga ang gusto niyang maging response ko kapag siya ang kaharap?
Para ano? Para patunayan ang sarili sa akin na mas may awtoridad siya kaysa akin?
"Ang sabi ko, Sir, ihahatid ako ni Carlo. He's a trustworthy pal so you do not have to care about me. If that is what you—"
He cut me off, hung me in dire shame. "I do not care ... about you. I care about my job."
He doesn't care about me. He does care about his job. Yes, it is his job to teach me lessons and to guard me as he was told to. But he doesn't really care?
Kung hindi ako nagbaba ng tingin, nakita niya ang panunubig ng aking mata. Ako rin, hindi ko alam kung anong nakakaiyak doon sa sinabi niya. Sinabi niya lang naman ang totoo.
I nodded, hindi dahil pumapayag akong sumabay sa kaniya sa pag-uwi. Kundi naintindihan ko ang dahilan niya kung bakit niya ito ginagawa—kung bakit kailangan niya ako pakisamahan.
"Oo nga pala, it's your job that matters and what benefits you could get from it." sabi ko. "May pupuntahan lang kami saglit. Uuwi rin pagkatapos."
He sighs. "Ang tigas ng ulo mo."
"Do not try to stop me. Do not act like you care! Kaya ko ang sarili ko, Sir." iritado kong sinabi at nilampasan na siya ng tuluyan.
Sa biyahe papunta sa pub ni Carlo, napansin niya ang pananahimik ko. Kanina pa siya nagtatanong tungkol sa nangyari roon sa bathroom pero hindi ako sumasagot. Napansin niya kanina ang mata ko, doon pa lang naghinala na.
Nang makarating sa pub, dumiretso kami sa bar counter. Iniwan niya ako saglit doon dahil may tumawag sa kaniya.
"Juice lang," sabi ko sa barista.
Tumawa siya. "I know."
Nagtaas ako sa kaniya ng kilay. Parang may laman ang sagot niya.
"How?"
"Someone just came here to warn me about your drink whenever you ask. Salamat naman at juice lang gusto mo..." ngisi niya.
Hindi kami close kaya binalewala ko ang sinabi niya. Tumingin ako sa banda na nagpe-perform doon. Halos walang sumasayaw sa dancefloor. Nasa kanila ang atensyon ng karamihan, pinakikinggan ang malamyos na musika.
Bumalik si Carlo. Kahit siya ay nagulat na juice lang ang iniinom ko. Maya-maya, niyaya niya ako na ihahatid na sa aming bahay. Hindi pa nga umiinit ang puwet ko sa upuan, uuwi na agad?
"Dito muna ako," iling ko. "May room ka naman dito, right? I can sleep there for an hour or so. Maaga pa naman, Carlo, e."
"Laire, hahanapin ka na."
Isang beses lang ako mahalaga sa kanila! At pagkatapos noon, wala na. Magsasawa na sila sa kakasaway sa akin. Hahayaan din nila ako sa gusto ko mangyari.
I cannot stop my own tears right now. I chuckled and wiped my them out. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Laire, what's wrong?" huminahon ang boses niya. "Bakit ayaw mo sa bahay niyo? Inaaway ka ba ng pinsan mo?"
Umiling ako. Hindi ko rin maintindihan ang pinagmulan ng luha ko. Okay naman ako, e. Okay ako.
Bumuhos ang luha ko nang bigla niya akong ikulong sa bisig niya. I silently cried while burying my face in his chest.
Is it wrong to feel like I ... miss my mommy? Nagtatampo lang ako sa kaniya pero mahal ko pa rin siya. Hinanakit ang nararamdaman ko ngayon pero miss na miss ko na siya. At lihim kong hinihiling na sana ... umuwi na siya. Sana ... ako naman ang intindihin niya.
"Laire, ihahatid na kita sa bahay—"
"Hindi na kailangan. Ako ang maghahatid sa kaniya pauwi."
Kumalas ako sa yakap noong marinig ang boses ni Sir Geon mula sa harap namin! Tumuwid ako ng upo, pinagkunutan siya ng noo. Paano niya nalaman na narito ako?
Inayos ni Carlo ang sarili bago harapin si Sir Geon. Naglaban sila ng tingin. Hanggang sa lingunin na ako ni Carlo, sumenyas na bumaba sa upuan at sumama kay Sir Geon.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. Nakahinga siya nang maluwag. Inalalayan niya sa pagbaba mula sa highchair. Sa halip na lapitan si Sir Geon, nauna na ako naglakad palabas.
I gasped after Sir Geon grabbed my hand, preventing me from entering my room! I gritted my teeth as I tried to suppress my anger towards him.
Nagkatitigan kami. Gone is the storm in his eyes. All reside in a calm one. My eyes could not understand why they were pooled in tears...
Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa kamay ko. Saglit ko iyon tiningnan. Bumalik muli sa mukha niya.
"Bakit ka nagkaganyan? Sabihin mo ang problema mo sa akin, Laire." he clenched his jaw. "I cannot stand to see you, ignoring me."
Sinubukan ko bawiin ang kamay ko pero hinigpitan niya ang hawak doon. Dahilan upang umusbong ang inis ko.
"I want to go in my room—"
"For what, Laire? Para magkulong na naman? O talagang gusto mo ako iwasan?"
"Mag-aaral ako!" I cried.
Lumuwag ang hawak niya sa akin. Tila nagulat sa bigla kong pag-iyak. Marahas ko binawi ang aking kamay. Nagpunas ako ng luha bago siya talikuran.
"If you have a problem with me, we can talk about it. No need to either give me cold treatment or ignore me." he said then held the doorknob to my room. "We'll study together, hm?"
Binuksan niya ang pinto. Sumenyas siya na pumasok ako. Iritado ko siyang tiningnan bago sumunod. Dumiretso ako sa closet upang kumuha ng damit. Pumasok ako sa bathroom upang mag-half bath.
Paglabas ko, nasa may kama ko si Sir Geon habang nagtitipa sa laptop niya. Handa na rin ang gagamitin sa session.
I sighed. Bakit kasi lumabas sa bibig ko na mag-aaral ako? Hindi ko gawain 'yon!
"Lyrea might be waiting for you..." usal ko.
"Do not mention somebody else. It is just you and me right now." agap niya sabay hagod sa akin ng tingin.
He's wearing a plain grey t-shirt and black men's shorts. He's in a simple clothing pero kung iparamdam niya ang awtoridad at pagka-dominante niya ay sobra. I notice his brawn arms while tapping on his laptop. His jaw is tense while ogling at me. And his lips that are rude in manner.
Winala ko ang atensyon niya. Nagsusuklay na ako ngayon para roon mabaling. Pero kahit nakatalikod ako, ramdam ko ang nakakapaso niyang tingin.
"Come here, Laire,"
Shit. Napapikit ako nang rumehistro sa utak ko ang napapaos niyang boses. It's so masculine that I could have feel my knees ... quivered! What the hell?
Umiling ako.
Sumagi sa isip ko ang sinabi niya kanina. Wala siya pakialam sa akin. Bakit ganiyan siya umasta ngayon? Hindi kaya gusto niya lang mapalapit sa akin para ilakad ko siya kay Lyrea? Hindi ko siya maintindihan! Pero kung gano'n, itatakbo ko pa siya!
I face him. My brows arch. I put my arms over my chest.
His forehead puckers in bafflement. "What's with the look, Laire?"
"Umamin ka, Sir."
"About what?"
"May gusto ka ba sa pinsan ko?" prangka kong tanong, nang-aakusa na.
Pailalim niya tiningnan. The corner of his lips turned up. A faint chuckle escaped his lips. Then, his low and idle drawl turns into a hoarse laugh!
Anong nakakatawa?! Umirap ako, inilingan siya. Binagsak ko ang hawak na comb sa vanity table bago mabigat ang paa na umupo sa kabilang gilid ng kama ko. Nagkunwari akong abala sa pagbubuklat ng posible lesson!
Sinulyapan ko siya.
I ignore him again. Inagaw niya sa akin ang syllabus tapos nagsimula na magturo. Inabala ko ang sarili sa aming lesson upang makalimutan ang mga pumapasok sa isip ko tungkol sa isasagot niya.
Pasimple kong hinawakan ang damit ko. Parang bigla akong sinakal. Pasulyap-sulyap siya sa akin pero pinandigan ko ang desisyon.
"I'm stuck on someone I cannot call mine yet." aniya habang nakatingin din sa akin.
Ah. He has special someone na pala. It might be the woman he once called? I bet. Halata naman kasi na in a relationship siya, nagtataka pa ako.
Pagkatapos ng aming session, hindi pa siya umalis sa kwarto ko. Nagtaka ako kung may kailangan pa ba siya.
"Tell me what's our problem now." seryoso niyang sinabi.
Tumanggi akong sumagot. Umalis ako sa kama at dumiretso sa pinto. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang agawin niya ang isang kamay ko. Nilagay niya iyon sa likod ko. He slightly pins me on the door. He puts his arm just above my head, his cheek nearly touching my cheek. He breathes heavily near my ear...
"Anong problema mo sa akin?" namamaos niyang tanong.
I could feel my heart beating abnormally. His hand trapped my hand with his' behind me. I cannot escape!
"Why do you want to know? You do not care about me, do you?" I asked bitterly.
Sa dibdib niya ako nakatingin. Ramdam ko ang tingin niya sa gilid ko. He's breathing hard that makes my knees trembled. We are so close. I cannot think rationally!
"You will not understand—"
"Hindi ako bobo, Sir. Ang dali intindihin ng sinabi mo!" agap ko.
He smirks, nilapat ang gilid ng labi niya sa pisngi ko. Bumulong siya. "Delikado kapag masyado kitang inalagaan."
Nilipat niya ang tingin sa mata ko. Malalim siya kung tumingin ngayon. Ibang-iba. Maraming kahulugan—napaka misteryoso.
Lumunok ako nang bumaba ang kaniyang madilim na mata sa nakaawang kong labi. Anong ... sinasabi niya?
"I care for women differently."
"H-How different?" kinabahan ako bigla.
He smirked dangerously. "Ikinakama ko."
Nilayo niya ang sarili sa akin. Bumalik siya sa kama upang kuhanin ang mga gamit niya. Gumilid ako upang makalabas siya ng silid. Hindi na ako makatingin sa kaniya ngayon.
Bago siya lumabas sa silid ko, lumapit siya sa akin. Para akong tinanggalan ng hangin sa katawan matapos niya halikan ang noo ko!
"Nasa kwarto lang kapag kailangan mo ako." he winked then left my room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top